Chapter 4
"But ayoko ng boyfriend!" Daing ko sa kanilang dalawa na kaagad naman nilang ikinagulat.
Halos lumawa ang kanilang mga mata dahil sa aking sinabi sa kanila.
"Seriously, Brenda? Ano ba talaga ang gusto mo?" Hindi mapinta ang mukha ni Chatterley habang tinatanong ako.
Kaagad na bumagsak ang aking balikat. "I don't know either!" Hiyaw ko sabay subsob ng aking mukha sa aking mga palad.
Matapos kong makipagkita kila Chatterley at Ivoree ay kaagad din naman akong umuwi. Not that, na ginusto ko iyon it's just like wala na akong choice kundi ang umuwi pa duon. Nanduon pa din si Daddy at lahat ng memories namin kasama si Mommy ay nasa bawat sulok pa ng aming bahay.
"Good evening Ma'm brenda" bati sa akin ng isa sa aming mga kasambahay.
Hindi na ako nagtanong pa kung nakauwi na si Daddy dahil nakita ko namang wala pa sa garahe ang kanyang sasakyan kaya naman I decided to go directly to my room and jailed myself for the rest of my life!
"Brenda late ka nanamang umuwi" salubong sa akin ng all time kontrabidang si Tita liezel.
Napairap ako sa kawalan at tsaka kaagad na inayos ang pagkakasukbit ng aking dalang shoulder bag.
"If I know, mas gusto mo ngang hindi na ako umuwi dito...but to tell you honestly Tita liezel, hinding hindi mo ako mapapalis dito sa bahay na ito at hinding hindi mo mapapalitan ang Mommy ko!" Sabi ko sa kanya dahilan para halos magilid ang luha sa gilid ng kanyang nga mata.
Call me evil, pero mas lalong nagbunyi ang aking kalooban ng makita kong nasasaktan siya. Damn her! Alam ko namang isa siyang gold digger, If i know pera lang ni Daddy ang habol niya. Pasalamat siya at nabuntis siya kaya siya pinakasalan ni Daddy.
"Sumusobra ka na Brenda, hindi naman ganyan ang pagkakakwento ng Daddy mo sa Mommy mo, anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa niya sayo?" Sahi nito kaya naman mas lalong kumulo ang aking dugo, to the highest level na talaga ang pagkainis ko sa babaeng ito.
"Don't you dare questioned my Mom! Mas higit siya sayo! Mas higit siya sa kahit na anong bagay...poor you! Hinding hindi mo siya mapapantayan and you will never be like her,gold digger!" Hiyaw ko sa pagmumukha niya dahilan para mabilis na dumapo ang kanyang mga kamay sa aking pisngi.
Parang tumigil ang buong paligid dahil sa nangyari. That was the first time na may ibang babaeng sumampal sa akin. Ni minsan ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni Mommy.
"How could you! Isusumbong kita kay Daddy!" Pagbabantang sigaw ko sa kanya.
Pero it's too late dahil pareho kaming natigilan ng magsalita si Daddy sa aming likuran.
"No need, Brenda. Narinig ko ang lahat...lahat lahat ng pambabastos mo sa Tita Liezel mo" galit na sabi nito sa akin.
Duon na nagumpisang magtuluan ang aking mga luha. "Dahil binabastos niya si Mommy!" Sigaw ko kay Daddy.
I want to fight for myself, ayokong maging kawawa. Kung may underdog man sa laban na ito ay si Tita liezel dapat iyon dahil siya naman ang walang karapatan dito.
Napailing si Daddy, I feel it, he is so disappointed. "Hindi ko na alam kung paano ka aamuhin Brenda, siguradong hindi matutuwa ang Mommy mo sa mga pinaggagagawa mo" sabi ni Daddy with full of disappointment.
"Yeah right! Wala naman talagang mas gusto sa akin, even everyone here in this house!" Umiiyak na sigaw ko dahilan para halos lahat ng kasambahay namin ay dahan dahang nawawala sa may salas.
"Even you Dad! Even you!" Sigaw ko pa at tsaka mabilis na tumakbo papunta sa aking kwarto.
Hindi ko dapat hinayaang makita akong ganuon kahina ni Tita liezel, siguradong nagdidiwang na iyon ngayon dahil sa aking pagiyak sa kanyang harapan kanina, she even freaking slapped me! Humanda siya, makakaganti din ako sa kanya. Even si Daddy, kinampihan siya ni Daddy.
Hindi ko hinayaang umiyak ako buong magdamag dahil siguradong papangit ang mukha ko kinabukasan sa school and I wont let that happend.
"Ma'm ready na po ang breakfast" nahihiyang salubong sa akin ng isang kasambahay. If I know naapektuhan ito sa sinabi ko kagabi dahil minsan ko na din siyang narinig na chinichismis ako sa iba pang mga kasambahay.
"I won't eat here" matigas at nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya at tsaka ako nagdirediretsong lumabas ng bahay.
It's not the usual for everyone na medyo may kadiliman pa sa labas ay aalis na ako. Minsan nga ay pahirapan pang katukin ako sa kwarto para sabihing nakahanda na ang breakfast.
"Ma'm diretso po tayo sa school niyo?" Mabait na tanong sa akin ng aking driver, malamang ay nakwentuhan na ito ng mga maid namin.
Hindi ko siya tiningnan, nanatili ang aking mga mata sa labas ng bintana. "Nope, sa pancke house muna tayo...I'll take my breakfast" sagot ko sabay pasak ng earphones sa aking magkabilang tenga.
Dahil maaga pa ay hindi kami naipit sa traffic, mabilis kaming nakarating sa paborito kong pancake house. Iilan pa lang ang mga tao duon sa loob, kung hindi mga nakapang office attire ay mga nakapangjogging naman ang nandito.
Kaagad akong umupo sa tabi ng glass wall habang hinihintay ko ang aking order. Nakakainis lang dahil masyado ng nalalason ni Tita liezel ang pagiisip ni Daddy. Feeling ko tuloy ako pa ang may malaking posibilidad na mapaalis sa aming sariling bahay.
Nabalik ako sa wisyo ng tumunog ang bell sa pintuan ng pancake house tanda na mas bagong costumer na pumasok. Amoy na amoy ko din ang brewed coffee kaya naman kahit papaano ay mas lalo akong nagigising. This is not my usual wake up time.
"Look who's here" pagkaamaze na sambit ng lalaking kararating lamang.
Walang sabi sabi itong umupo sa aking kaharap na upuan kaya naman kaagad na napakunot ang aking noo. "Who told you that you can sit there?" Mataray na tanong ko sa kanya.
I want space and silence, damn him!
Mas lalo pa itong napangisi at mas comportableng umupo sa aking harapan. Itinaas nito ang kanyang kamay para tumawag ng waiter, dahil masyadong preocuppied ang aking isipan dahil sa kanyang presencya ay hindi ko na narinig pa ang sinabi nito sa waiter.
"You know what, I don't want you to ruin my..." hindi ko na natuloy ang pagpapaalam ko sana sa kanyang paglipat ng upuan dahil kaagad inilapag ng waiter ang order ko sa aking dapat ay lamesa lang.
Nginisian niya ako at tsaka inginuso ang aking inorder. "Eat up, promise hindi kita guguluhin" sabi niya sa akin na ikinairap ko na lamang kaya naman inis na inis kong kinuha ang fork and knife para kumain na ng pancake.
Walang ilang sandali ay tumating na din ang kanyang order. Two pieces of pancake with fried egg and bacon, meron din siyang brewed coffee. Mabilis niyang sinubo ang buong isang bacon kaya naman nagulat ako at tsaka maingat na sinimsim ang aking hot choco.
Dahil sa aking pagtitig sa kanya ay duon ko lang nakitang, mukhang kagagaling lamang nito sa pag jojogging.
"Are you even eating? Para kang hindi kumain ng ilang araw ah?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya, cause the way he eat akala mo ay hindi mayamang tao.
"What? Gutom ako eh...and I like the food" laban niya sa akin habang halos mamuwalan.
I look at him with disgust dahil sa kanyang inappropriate manner. Kaagad akong nagtaas ng kamay kaya naman mabilis na lumapit sa amin ang isang waiter.
"Can I have two water please" sabi ko dito na kaagad naman niyang sinunod.
"Thanks for the concern, may tinatagong kabaitan ka din pala" ngiti ngiting sabi sa akin ni who ever this man is.
Naningkit ang aking mga mata. "What's your name again?" Tanong ko sa kanya dahilan para mawala ang ngisi sa kanyang mga labi. Kaagad na naging blanko ang ekspresyon nito na para bang na badtrip siya sa aking sinabi.
"What? Wala kang pangalan?" Panghahamon ko sa kanya pero mas lalo lamang tumalim ang tingin nito sa akin.
"Alec" tipid na sagot niya na mukhang badtrip na badtrip pa.
Bahagya na lamang ako tumango at tsaka pinagpatuloy ang aking pagkain. Bahala siya diyan, i'm too busy with my own bussiness, he's old enough to take care of his self.
"I'm done" pahayag ko sabay taas ulit ng kamay para tawagin sana ang waiter para hingin ang aking bill pero kaagad akong pinigilan ni Alec.
"Ako na" seryosong sabi niya tsaka niya nilabas ang kanyang wallet.
Hindi na ako kumontra pa dahil it also cost a set of make up for me, maybe a one signiture lipstick will do. Hinayaan ko siyang maglabas ng cash.
"Thanks" maiksing sabi ko sabay tayo.
Hindi na ito nagsalita pa, pero ramdam ko ang paglakad nito sa aking likuran. Halos mapalunok ako ng tumunog ang kulay itim na sportscar.
"Take care" sabi niya sa akin sabay pagbukas ng ng driver side.
Nilunok ko ang aking pride. "I was also planning to buy a car...this one looks good, can I have the details about this model?" Tanong ko sa kanya pero tinitigan lamang ako nito.
"You're too young for this young lady" seryosong sabi niya sa akin at tatalikuran na sana ako pero I won't let that happend. Hindi ko hahayaang ako ang tatalikuran niya. Nasa akin dapat ang huling halakhak.
"So what? I was fasinated with a Mustang though" mataray na sabi ko sa kanya at ako pa mismo ang tumulak sa pintuan ng sasakyan niya.
I heard him curse, pero hindi ko na lamang pinansin. This old ball! Sungit!
"Really!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Chatterley ng ikinwento ko sa kanila ang ginawang pagsampal sa akin ni Tita liezel at ang pagkampis ni Daddy dito.
"She so evil! How dare her" nanggagalaiting sambit ni Ivoree. Oh how I love this girls. Sila lang talaga ang totoo sa lahat ng mga naging kaibigan ko, since elementary sila na talaga ang kasama ko.
"We can sue her!" Mabilis pang suwestyon ni Chatterley pero binatukan lamang siya ni Ivoree.
"Si Tito ang makakalaban natin. Think of it, mas lalo lamang mapapasama itong si Brenda" pagpapaliwanag sa kanya ni Ivoree na kaagad ko din namang tinanguan.
"So what should we do this time?" Tanong ko sa kanilang dalawa. I know naman na i'm no good, dahil isa akong tamad. At tamad din akong magisip.
"Magpa-good shot ka muna sa Daddy mo Brenda...tsaka natin patalsikin ang Tita liezel mo" parang krimenal na saad ni Ivoree kaya naman pareho namin siyang inirapan ni Chatterley.
"You know I can't do that, she is still pregnant with my twin brothers" sabi ko sa dalawang ito.
Kasabay ko ay natahimik na lamang din sila. Masyadong busy ang lahat dahil sa gaganaping pagent ng school. Sportsfest na din kasi at nagkakahanapan na ng magiging muse for every section.
"Why don't you go for a competition, extra curricular para naman maging proud ang Daddy mo sayo for the start" suwestyon ni Ivoree sa akin.
Kaagad akong umiling "I know I'm beautiful, but hindi ako sasali sa mga pagent na yan, it's for the insecures" sabi ko sa dalawa na ikinailing na lamang nila sa akin.
I'm too conceited? Call me that but I know who I am.
Kumakain kami ng oatmeal cookies na gawa ng Mommy ni Chatterley sa isang school bench ng lumapit sa amin ang grupo nila Natasha.
"Brenda, i'm interested for the upcoming pagent, just so you know" nakangising sabi nito sa akin.
Inirapan ko na lamang siya. "And so?" Nakataas ang isang kilay ko habang tinatanong siya.
What's with this bitch this time? Inis na tanong ko sa aking sarili.
"Wala lang, baka lang kasi maisipan mo...ayoko naman na pagbotohan pa tayong dalawa if ever" maarteng sabi niya sa akin.
"I won't let that happen...I know my value, how about you?" Panghahamon ko sa kanya kaya naman mabilis nanamang umusok ang ilong nito kaya naman mas lalo akong natuwa.
"Basta Brenda, ako ang sasali sa pagent. Ako ang magrerepresent sa section natin...it's beauty and brain though, beauty ka lang wala kang brain" sabi nito sa akin. Nainis ako ofcourse pero hindi ako yung tipong mapagpatol, lalo na sa isang basurang katulad ni Natasha.
"If that's what you think then, Go Natasha...all my support belongs to you" sweet na sabi ko pa sa kanya na mas lalo niyang ikinainis.
I know her type, gusto niya na mainis ako pero hindi ko siya hahayaang maging masaya. That bitch.
"Bravo bravo, ibang klase talaga ang pagtitimpi mo Brenda, kung ako yun kanina pa yun nakipaglips to lips sa sahig" sabi ni Ivoree habang pumapalakpak pa.
"She's not worthy of my time" sabi ko na lamang na naging dahilan para mas lalo silang maghiyawan ni chatterley.
Nang magtime na ay kaagad na din kaming pumasok sa room. Ayoko pa nga sana dahil gusto kong matulog sa library lalo na kanina ay masyado akong maagang nagising. Pero kinunsesya nanaman ako ng aking dalawang mabuting kaibigan.
"As you know class, we're having a university pagent next month. And for the preparation we need to send a representative for the bussiness administration department. For the start each section should send a representative para masala ng ating college coordinator" pagpapaliwanag ng aming professor.
"For the voting...who's in, for the nomination?" Tanong ng aming professor.
Naghiyawan ang lahat ng walang sabi sabi at pagdadalawang isip na nagtaas ng kamay si Natasha.
"I nominate myself" proud na proud na sabi niya kaya naman naghiyawan ang mga kaklase ko I don't know kung sa tuwa ba o if that is disgust.
"Another nominee?" Tanong pa ng professor namin.
Humikab lamang ako dahil sa pagkaantok. Damn kailan ba matatapos ang araw na ito. I want to rest.
"I nominate Brenda" sigaw ng isang kaklase kong lalaki kaya naman nagising kaagad ang katawang lupa ko.
"I object, Ma'm" tamad na sabi ko sa kanya pero nakangit lamang itong umiling.
Dahil sa nangyari ay mas lalong umusok ang ilong ni Natasha. Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na nangyari basta ay ang alam ko lang ay todo hiyaw sina Chatterley at Ivoree habang palabas kami ng school. Si Natasha naman ay hindi na mahagilap pagkatapos.
"Sure ball tayo sa pagent! Talo silang lahat ni Brenda!" Pagmamayabang ni Ivoree.
"I don't want that girls, una na ako...I badly need a rest" matamlay na sabi ko sa dalawa tsaka ako nanlalatang sumakay sa aming sasakyan.
Maliwanag ang aming bahay pagkadating ko kaya naman inaasahan kong may bisita nanaman si Dad. Ayos iyon para hindi ko kailangang batiin siya dahil siguradong busy sila ni Tita liezel.
"Brenda hija...I heard the good news" sabi ni Dad sa gitna ng aking pagtahak sa aming grand staircase.
"What good news?" Tamad ko siyang binalingan. At halos pagsisihan ko iyon ng makita ko kung sino ang kanyang bisita.
It's the Alec in the pancake house.
"Sasali ka daw sa pagent, that's good Anak" sabi ni Daddy sa akin na para bang wala kaming naging pagaaway.
Napabaling naman ako sa nakasimangot na si Tita liezel. Kaagad ko siyang inismiran. Inggit much?
"Congrats, Maria" nakangising sabi sa akin nung Alec sabay tingin sa kabuuan ko.
Kaagad nagpintig ang aking tenga dahil sa tinawag niya sa akin. "It's Brenda, you idiot" masungit na sabi ko dahilan para mamorblema nanaman si Daddy. Pero halos manlambot ang aking tuhod dahil sa sobrang pagtitig sa akin ni Alec.
"Maria brenda!" Pagbabantang tawag ni Daddy sa aking buong pangalan.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro