Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Gustong gusto ng aking balat ang pagtama ng malamig at preskong hangin sa akin. Sikat na sikat man ang haring araw ay nagingibabaw pa din ang masarap na simoy ng hangin. Ang tubig sa dagat at umaalon kasabay ng paghampas ng hanging kanina ko pang pinupuri. Tanaw ko ang mga bangka di kalayuan sa aking kinalalagyan. Marahil ay nagmula ang mga iyon sa ibang parte ng isla.

Ang suot kong kulay puting bestida ay sumasabay din sa sayaw ng hangin. Napahawak ako sa aking sinapupunan. Hindi magtatagal ay lalaki na rin ito at bibilog. Mas maaga at mas malaki kesa sa mga normal na buntis.

"Hindi ka ba magpapahinga?" Tanong ni Clark sa akin ng tumayo siya sa aking tabi at tumanaw din sa malawak at asul na dagat.

Inilingan ko lamang siya kasabay ng pagayos ko sa mga tikwas ng aking buhok na hinahingin din ng malakas na hangin. "Hindi naman ako pagod" sabi ko na lamang sa kanya.

Sandaling namuo ang katahimikan sa pagitan namin ni Clark pero ramdam na ramdam ko ang paminsan minsang pagtitig nito sa akin.

"Your Dad..." paguumpisan niya kaya naman kaagad niyang naagaw ng buong buo ang aking atensyon.

"He's hiding because of the lawsuit" sabi ko kay Clark. Alam kong alam na niya iyon, there's no sense of lying to him lalo na't siya ngayon ang nagiisang taong handang tumulong sa akin.

"Ayos na, wala ng problema" sabi niya pa kaya naman napakunot ang aking noo dahil hindi ko kaagad iyon naintindihan.

"What do you mean?"

"Inayos na ni Alec ang lahat, wala ng dapat ikabahala ang Daddy mo. Bayad na ang lahat ng utang" sabi niya sa akinkaya naman napanganga na lamang ako.

Ang aking sandaling pagkawala sa sarili ay naputol dahil sa lumabas na pagngisi sa aking labi. "Maybe that is the way of repaying me for choosing my cousin" galit at punong puno ng hinanakit na sambit ko.

"That's not it...Brenda" pagpapaliwanag ni Clark.

Hindi ako nasgsalita, nagtangkang magsasalita pa si Clark ng kaagad ko siyang pinigilan. "Gusto ko ng magpahinga" sabi ko sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.

Walang lingon lingon akong pumasok sa bahay at umakyat papunta sa aking tutuluyang kwarto.

When I was young,  Masyado ng nagingat si Mommy at Daddy sa akin. They don't want me to be stressed, problematic and triggered. We do our best to treat it with a healthy life style and psychological treatments hanggang sa nabuhay ako ng normal ng nagagawa ko ang lahat ng bagay na gusto kong gawin.

Nasunod lahat ng luho ko because they don't want me to be depressed, they don't want to stress me out. A human body can only bear up to 45 del of pain. Yet at the time of giving birth, a mother can feel up to 57 dels of pain, this is similar to 20 bones getting fractured at the same time.

Nakaidlip ako with hope in my heart na anytime soon pwede na kaming magkita ulit ni Dad. Hindi ko pa man din nasusuot ang tsinelas ko ay nagulat ako ng makarinig ako ng kung anong ingay sa baba.

"Brenda...you need to hide" natatarantang sabi ni Yvonne, with her is Cyrus ang kanyang asawa na todo suporta lang.

"Huh? Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Nagpapabalik balik ito papunta sa may bintana at tsaka siya sisilip kaya naman mabilis din akong pumunta duon at tsaka sumilip. Sa may front door ay nanduon si Clark kausap ang mga pulis. Napakunot ang noo ko dahil duon kaya naman kaagad akong humarap kay Yvonne.

"Anong meron, bakit may mga pulis?" Tanong ko sa mga ito.

Hindi kaagad nakapagsalita si Yvonne dahil sa pagkataranta at gulat kaya naman si Cyrus na ang sumagot sa akin.

"Your cousin sue you for attempted murder and serious physical injury" sabi nito na halod ikalaglag ng aking panga.

"How can she..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng kaagad akong hinila ni Yvonne.

Dahil lutang nanaman ako dahil sa aking narinig ay nagpatinaod na lamang ako sa kanilang magasawa. Lumabas kami sa may kusina papunta sa likod bahay. Hindi kalayuan sa gitna ng may malalaking tanim na halaman ay may isang gate. Duon ay muli kaming pumasok at duon ay napansin kong halos gubat na iyon.

"Is this right? Kung wala talagang kasalanan si Brenda, she shouldn't be hiding like a criminal" pag point out ni Cyrus kaya naman sa gitna ng aming mabilis na paglalakad ay pare pareho kaming napahintong tatlo.

"Utos kasi ni Kuya eh" sabi ni Yvonne.

"Sir dito!" Rinig naming sigaw ng isa sa mga pulis kaya naman nanlaki ang mga mata namin at tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarinig kami ng lagaslas ng tubig na nagmumula sa maliit na talon.

Imbes na mapa-wow sa ganda nuon ay hindi na ako nakapagreact pa masyado dahil mabilis akong hinila ni yvonne papasok sa isang kubo kubo sa tabi ng isang maliit na talon.

"Balita ko talaga maldita yang pinsan mo eh" sabi ni Yvonne habang pare pareho kaming naghahabol ng aming mga hininga.

Hindi rin nagtagal sina Cyrus at Yvonne dahil una silang nakita ng mga pulis ay siguradong magtataka ang mga ito kung bigla na lamang silang mawawala na dalawa.

Naiwan akong magisa sa loob ng kubo na iyon. Sarado at walang ilaw. Humugot ako ng isang malalim na paghinga baho tuluyang sunod sunod na tumulo ang luha mula sa aking mga mata.

Punong puno ng galit ang aking puso, gustong gusto kong manakit ng tao pero ang kaya ko lamang gawin ay umiyak ng tahimik. How dare her sue me for what happen to her?. In the first place siya ang sumugod sa akin, she wanted to kill me and my babies first. Ni hindi ko siya nagawang masaktan o sumbatan nung unang beses akong makunan ng dahil din sa kanya tapos siya pa ang may ganang kasuhan ako ngayon.

Kasabay ng pagkain sa akin ng galit ay ang takot dahil sa aking pagiisa. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makarinig ako ng mga yabag. Nanlaki ang aking mga mata sa takot na baka mga pulis iyon.

"Brenda..." tawag ni Clark sa akin pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan.

"Clark!" Umiiyak na sigaw ko sa pangalan niya tsaka ako mabilis na tumayo at yumakap sa kanya, the moment he hug me in return makes me feel so secured. Ang takot na nararamdaman ko dahil sa pagiisa ay unti unting nawala dahil sa presensya ni Clark.

"Natatakot ako" sumbong ko sa kanya.

"Shhh...nandito lang ako" pagpapaalala niya sa akin kaya naman wala na akong ibang nagawa pa kundi ang yumakap na lamang ng mahigpit sa kanya.

When he said he won't leave me hindi talaga niya ako iniwan. Days passed at duon ako tumuloy sa may kubo malapit sa nakatagong talon. Sina Yvonne din ang may ari nuon kaya naman halos mapapanganga ka na lamang talaga sa yaman nila.

"Eh bakit parang matatae ka?" Natatawang pangaasar ko kay Clark ng nakabusangot itong bumalik mula sa mansion.

"Anytime pwede ng manganak si Yvonne ang tigas pa din ng ulo niya" inis na kwento nito sa akin habang inaayos niya ang ihawan.

Tumaas ang gilid ng aking labi dahil sa kanyang kasungitan. Inayos ko ang suot kong bestida at maingat na inalalayan ang medyo may kalakihan ko ng sinapupunan. Hindi na kami nagulat ng mas maaga utong lumaki kesa sa normal. Paano nga naman kasi magkakasya ang apat na bata sa tiyan ko kung hindi ito lalaki ng mas maaga pa sa dapat.

"Magiging ayos lang si Yvonne, napakatapang kaya niya..." sabi ko pa dito.

Hindi nakapasalita si Clark. Alam ko kung gaano siya nagaalala para sa kanyang kapatid. Just like me Yvonne is suffering from heart failure.

Inirapan ako ni Clark na para bang inis siya sa aking presencya. Nginusuan ko siya at inirapan din. Kahit halos siya na araw araw ang kasama ko ay hindi pa din nagbabago ang bangayan naming dalawa. Ni hindi pa din ako makalabas nh bahay o makatungtong man lang sa loob ng mansyon dahil sa takot naming baka ano manh oras ay bumalik ang mga pulis.

Lumawas din si Clark nuon papuntang manila para kausapin si ate eva para iurong ang kaso kaya lamang ay mukhang desididong desidido daw ito.

"Ikaw na nga ang magihaw nito, maliligo muna ako" masungit na utos niya sa akin at tsaka niya ako tinalikuran.

"Sungit ni tanda" natatawang bulong ko.

"May sinasabi ka?" Nakakatakot na tanong niya sa akin, at tinaasan pa ako ng kilay.

"Wala" sagot ko na lamang sa kanya.

Halos nagpapasalamat din ako sa mga kambal sa sinapupunan ko dahil ni hindi man lang ako nagcracrave ng kung ano ano. Ang sabi nga ni Clark baka daw dahil apat ito ay may iba ibang silang gusto ay hindi na sila makapagdecided kung ano ang dapat kong paglihian.

Rinig na rinig ang malalakas na paghampas ni Clark sa tubig dahil sa kanyang paglangoy. Minsan naaalala ko si Alec dahil sa kanya. Sa lahat ng nangyari, alam kong mahal ko pa din siya. Lalo na't hinding hindi siya mawawalan ng parte sa buhay ko dahil sa apat na sanggol na unti unting lalaki sa loob ng sinapupunan ko.

I love Alec more than anyone else. Akala ko kasi nuon siya na talaga yung lalaking para sa akin. Pero mukhang nagkamali lang ako, dahil kung siya nga talaga hindi dapat ganito ang sitwasyon namin ngayon.

Busy ako sa pagiihaw ng pinapaihaw sa akin ni Clark ng magulat kaming dalawa ng nakita namin ang humahangos na paparating nilang kasambahay.

"Sir Clark! Sir Clark! Si Ma'm Yvonne po!" Sigaw nito kaya naman walang pagaalinlangang umahon si Clark mula sa pagligo.

"Anong nangyari?" Seryosong tanong niya kasabay ng bayolenteng paghugot niya ng tuwalya sa kinasasabitan nito.

"Manganganak na po siya" sagot naman ng kasambahay.

Naestatwa din ako sa aking narinig. "Yung mga doctor?"

"Paparating na daw po" sabi nito.

Mabilis silang naglakad paalis. Hindi ko na rin natiis at sumunod na din ako sa kanila. Halos lahat ay hindi alam ang dapat gawin. Matagal na nila itong pinaghahandaan pero iba talaga pag nanduon ka na sa mismong siywasyon.

"Hindi ko na kaya...hindi ko na kaya Kuya" umiiyak na sambit ni Yvonne habang namimilipit sa sakit.

May mga aparatong nakakabit sa kanya, handang handa na ang lahat na para bang ang dating simplenh kwarto ay naging parang isang operating room ng hospital. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

Her heart beats was monitored. Kitang kita ko ang pamumuti ng kanyang labi. Sobrang putlang putla na si Yvonne. Si Cyrus ay hindi mapakali, nagpapabalik balik ito sa may pintuan habang hinihintay ang pagdating ng mga doctor.

"Andyan na sila" humahangos na pagbalita niya kay clark.

Hindi iniwan ni Clark ang kapatid. Hawak hawak nito ang kanyang kamay at may kung ano anong ibinubulong.

"Kaya mo yan...kaya mo yan baby" emosyonal na sabi niya sa nakababatang kapatid.

"Natatakot ako Kuya, gusto ko pang makita ang baby ko" umiiyak na sabi ni yvonne na para bang may kung anong mangyayari sa kanya.

"Ofcourse you will, kaya nga lakasan mo ang loob mo Yvonne kaya mo yan" sabi pa nito hanggang sa dumating na ang nga doctor.

Halos manlaki ang aking mga mata at napaatras ako ng makita kong isa si Tristan sa mga iyon. Huli na ang lahat dahil nakita na niya ako. Gusto kong tumakbo palayo pero ni hindi ko nagawang ihakbang ang aking mga paa.

Sandali pang nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa aking sinapupunan bago siya pumasok sa loob para umpisan ang pagpapaanak kay Yvonne. Naging emosyonal sina Clark at Cyrus. Gustong gusto ko silang lapitan para damayan ang kaso ay halos magtatambol ang puso ko ng ibalita ng isa sa mga kasambay na dumating na ang mga Jimenez.

Mabilis akong lumabas ng bahay at natago. Sa aking napiling pagtaguan ay tanaw na tanaw ko silang lahat. Kumpleto, walang labis walang kulang. Ganuon nila kamahal anh isa't isa na para bang isa iyong mandatory na ang buo pamilya ay magsasama sama. Sa gitna ng pagdating ng mga ito ay isa lamang ang na mukodtangi sa aking paningin.

Si Alec herrer, ang aking asawa. Tuloy tuloy ang pagagos ng aking luha habang dinadama ko kung gaano ko na siya kagustong mayakap ulit. Kung gaano ako nangungulila sa kanya at sa kung gaano ko pa din siya kamahal sa kabila ng lahat ng mga nangyari.

Napuno ng iba't ibang emosyon ang loob ng mansyon. Napalunok ako dahil sa aking nasasaksihan. Tinubuan ng inggit at pagtataka kung sakaling ako naman ang malagay sa sitwasyong iyon ay ganito din ang magiging eksena.

Aalis na sana ako para bumalik sa may talon ng halos manlamig ako ng makita ko kung sino ang tao sa aking likuran. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Ang galit sa kanyang mukha ay sumisigaw ng indikasyon na kaya niyang pumatay ng tao ano mang oras.

"Ate Eva..." takot na takot na sambit ko.

"Sinasabi ko na nga ba tinatago ka lang ni Clark" gigil na gigil na sambit niya kasabay ng pagbaba ng tingin niya sa aking mah kalakihan ng sinapupunan.

"Papatayin kita Brenda, papatayin kita" sabi niya sa akin at walang sabi sabi nitong tinakpan ang bibig ko at hinila ako patungo sa likod bahay. Ipinasok niya ako sa gate kung saan papunta sa may talon.

"Parang awa mo na, tama na...hinayaan ko na kayo ni Alec. Tama na" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Hindi ko kayang lumaban, takot na baka sa isang maling galaw ko ay may mangyaring hindi maganda sa aking mga anak.

"You don't deserve that baby, papatayin kita" sabi pa niya sa akin tsaka niya ako kinaladkad sa kung saan.

"Tama na, tama na...maawa ka naman" umiiyak na pakiusap ko, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa nakahawak niyang kamay sa aking leeg.

Hindi niya ako pinakinggan hanggang sa makarating kami sa talon kung saan walang sabi sabi niya akong itinulak. Hindi pa siya tapos dahil sumunod siya at kaahad niya akong idiniin pailalim sa tubig.

Mas lalo akong hindi nakasigaw dahil sa tubig na pumapasok sa aking ilong at bibig. Hindi ko siya mahawakan dahil talagang nagmamatigas siya.

"Kung hindi ko man din makukuha si Alec, hindi hindi siya mapupunta sayo Brenda...hindi hindi ko hahayaang magmasaya ka" pagdidiin niya sa akin.

Konting konti na lamang ay malalagutan na ako ng hininga. "Tama na Eva! Tama na!" Rinig kong sigaw ni Tristan.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas sa kanya ni Ate Eva.

"Brenda umalis ka na...humingi ka ng tulong!" Sigaw ni Tristan sa akin kaya naman mabilis akong umahon.

Pero hindi ko siya sinunod, mabilis akong pumasok sa kubo at dinampot lahat ng damit na kaya kong kuhanin. Aalis na ako, lalayo na ako at walang ni isang makakaalam kung nasaan ako.

Nilagpasan ko ang hanggang ngayong nagtatalong sina Tristan at Ate eva.

"Brenda bumalik ka dito!" Galit na sigaw ni Ate eva.

Tumakbo ako habang umiiyak dahil sa takot. Yakap yakap ko ang iilang damit na nakuha ko dahil sa pagkataranta. Basa na din ang mga iyon dahil sa pagkakayakap ko. Sa gitna ng aking pagtakbo ay may humarang sa akin.

Naestatwa ito dahil sa nakita, halos lumuwa ang kanyang mata ng makita ang aking itsura, puminta ang sakit sa kanyang mukha kasabay ng pagtulo ng kanyang luha nang makita ang halos maumbok ko ng sinapupunan.

"Tulungan mo ako" umiiyak na sambit ko kahit hindi ko alam kung tama bang sa kanya ako humingi ng tulong.

"Maria..." tawag niya sa akin pangalan at mabilis niyang kinain ang espasyo sa pagitan naming dalawa.

Ang lamig dulot ng aking basang katawan ay natabunan ng init dahil sa kanyang yakap.

"Natatakot ako Alec" umiiyak na sumbong ko sa kanya habang damang dama ko din ang panginginig ng aking katawan dahil sa ginaw.

"Nandito na ako, nandito na ako, Maria"









(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro