Chapter 38
"Magiging ok lang ba siya?" Kinakabahang tanong ko kay Clark habang halos manginig na ako sa takot at wala akong ginawa kundi ang maglakad pabalik balik.
"Shhh...calm down Brenda, don't stress yourself too much baka ikaw naman ang mapahamak diyan" suway sa akin ni Clark at hiniwakan pa ako nito sa magkabilang balikat para mapakalma.
Pero hindi ko magawa. Kasalanan ko talaga ang nangyaring iyon, hindi ko alam pero sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kahit alam kong wala naman akong masamang ginawa kundi iligtas lamang ang aking sarili. Kung hinayaan ko si Ate eva sa gusto niyang mangyari baka ako ang nasa kalagayan niya ngayon. Pero hindi ko rin naman gusto na may mangyaring masama sa kanya at sa baby niya.
"Natatakot ako..." sumbong ko kay Clark pero niyakap lamang ako nito.
"Wala kang kasalanan Brenda, pinagtanggol mo lang ang sarili mo" pagpapagaan niya ng aking loob.
Dinama ko ang yakap sa akin ni Clark. Sa ngayon ramdam na ramdam ko ma siya lamang ang natitirang kakampi ko. Pero kahit anong pagkumbinsi ko din sa aking sarili ay alam kong may kasalanan pa din ako.
"Brenda" tawag ng humahangos at kararating lang na si Tristan. Naka white coat pa ito at may nakasukbit na stethoscope sa kanyang leeg.
"Nasaan sa Eva?" Tanong niya pero wala din siyang nagawa kundi ang sumilip at maghintay sa labas ng emergency room.
"Brenda anong nangyari?" Naguguluhang tanong niya sa akin kaya naman mas lalo akong nataranta.
Lumapit si Tristan sa akin dahil sa kagustuhan niyang makakuha ng sagot mula sa akin pero mabilis na humarang si Clark para hindi tuluyang makalapit sa akin si tristan.
"Pinagtanggol ko lang yung sarili ko, hindi ko sinasadya...aksidente yung nangyari" umiiyak na sumbong ko kay Tristan.
I was expecting him to shout at me pero mariin na lamang itong napapikot at tsaka tumalikod para muling maghintay sa sasabihin ng lalabas na doctor.
"Tristan, i'm sorry..." sabi ko sa kanya tangka ko sana siyang lalapitan pero si Clark na mismo ang pumigil sa akin na gawin iyon.
"Naiintindihan ko Brenda" nahihirapang sabi niya sa akin kaya naman sa ngayon tatanggapin ko na lamang iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas na ang doctor, kaagad itong sinalubong ni Tristan. "Anong nangyari...kamusta?" Sunod sunod na tanong nito.
Napayuko ang doctor at malungkot na tumingin kay tristan. "I'm so sorry Mr. Wilson, but the baby is gone" sabi nito kaya naman halos mabiyak ang puso ko dahil sa nangyari.
"Oh my gahd" pagsinghap ko tsaka ako umiyak. Pero hindi nama ako hinayan ni Clark dahil mabilis siyang sumuporta sa akin.
"Walang may gusto nito Brenda...hindi mo kasalanan" pagpapagaan niya sa kalooban ko pero nagpatuloy pa din ako sa pagiyak.
Napaiktad ako ng makarinig kami ng malakas na pagkabasag ng salamin. Hindi na napigilan ni Tristan ang galit at duon na lamang niya inilabas ang mabigat na damdamin sa walang kamuang muang na salamin ng hospital.
Lalapit sana ulit ako ang kaso ay nagmamadali na itong pumasok sa loob ng emergency room. Hinyaan ko na lang muna dahil alam kong kailangan din nila ng private time ni Ate eva.
"Andito na yung asawa niya, tara na magpahinga ka na" pagyaya sa akin ni Clark pero parang ayokong igalaw ang aking katawan. Ni hindi nga gustong humakbang ng aking mga paa.
"Brenda tara na" matigas na pagyaya sa akin ni Clark dahil mukhang alam niyang magpapatigas din ako.
"Pero Clark..." pagpigip ko sana sa kanya ang kaso ay napatigil kaming dalawa ng may tumawag sa kanya.
"Clark? Clark anong ginagawa mo dit..." hindi na naituloy ng kararating lang na si Alec ang pagtawag at pagtatanong sa pinsan ng makita niyang ako ang kasama nito.
"Oh Alec andyan ka pala, paalis na din kami ni Brenda" parang wala lang na sabi ni Clark nito at tinangka sanang hihilahin na ako pero kaagad na humarang si Alec sa aming daraanan.
Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya, ganuon din naman ang ginawa niya sa akin pero di nagtagal ay ako na ang unang bumitaw sa pagtitig dahil hindi ko kinaya ang bigat ng kanyang tingin sa akin.
"Bakit nandito ka, bakit kasama mo ang asawa ko?" Tanong ni Alec kay Clark.
Halos malagot ang hininga ko ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin bilang asawa niya, hindi ko tuloy alam kung maganda o masama ang ganuonh epekto sa akin.
Walang nakapagsalita sa aming dalawa ni Clark. Ni hindi rin namin pareho alam kung ano ang tamang isagot sa tanong ni alec na in the first place ay pwedeng hindi na namin sagutin pero napatigil kaming lahat ng makarinig kami ng isang malakas na pagsigaw.
"Hindi! Hindi pwede!" Umiiyak na sigaw nito kaya naman hindi na namin natimpla ang sitwasyon dahil pare pareho na kaming tumakbo papasok duon.
"No, hindi pwede...ang baby ko!" Umiiyak na sigaw niya at halos gawin na ang lahat ni tristan para hindi matanggal ang dextrose na nakatusok sa kamay ni ate eva.
"Hindi...hindi pwede" paulit ulit na iyak niya.
"Eve" malumanay na tawag ni Alec sa kanya.
Pinilit kong lumunok kahit ang totoo ay halos hindi na din ako makahinga ng maayos dahil sa kung anong nakabara sa aking lalamunan. The way na tawagin niya si ate eva na punong puno ng pagaalala ay halos mamatay na ako sa sakit. Sobra sobra ang bigat ng nararamdaman ko ngayon dahil sa hindi mapaliwanag na sakit.
"Alec..." kalmadong tawag ni Ate eva sa kanya ang kaso ay biglang nagbago ang timpla nito ng lumipat ang tingin nito sa akin. Nanlaki ang kanyang mata at kaagad na nagdilim ang kanyang mukha.
"Ang kapal ng mukha mo! Anong ginagawa mo dito!" Sigaw na panduduro niya sa akin at pilit siyang nagpumiglas dahil sa kagustuhang malapitan ako.
"Brenda tara na" sabi ni Clark at pilit sana akong hihilahin palayo duon ng kaagad na lumapit si Alec. Kitang kita ko ang takot sa pagmumukha ni Ate eva, hindi ko alam kung para saan ang takot na rumehistro sa kanyang mukha pero nangyari lamang iyon ng makita niyang lalapitan ako ni Alec.
"Iuuwi ko si Brenda" sabi nito at hinawakan ang kamay kong hawak ni Clark.
Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa kanyang pinsan. Halos magsukatan ng tingin ang mga ito kaya naman pinilit kong kuhanin ang kamay ko sa kanilang dalawa.
Lumipat ang tingin ni Alec sa akin, nakakunot ang kanyang noo na para bang isa akong malaking katanungan sa kanya.
"Bakit magkasama kayo? Iuuwi kita" tanong at utos niya sa akin.
"Ayoko" sambit ko sa pagmumukha niya kaya naman mas lalong tumigas ang panga niya at mas lalong bumigat ang kanyang mga tignin.
"I'll sue you!" Agaw eksenang sigaw ni Ate eva habang nakatingin sa akin kaya naman kaming lahat ay nakakunot ang noong tumingin sa kanya.
"Tinulak niya ako kaya ako nabunggo ng sasakyan, kaya nawala ang baby ko...ipapakulong kita Brenda! Napakasama mo!" Sigaw niya sa akin at pagsusumbong na din niya sa lahat na para bang sobrang sama kong tao.
Gulat na lumingon si Alec sa akin. "You did what, Maria brenda?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Naikuyom ko anb aking kamao dahil sa paghahanda sanang ipagtanggol ang aking sarili pero naglaho ang lahat ng iyon ng makita ko ang pagkagalit niya para sa akin mula sa kanyang mga mata.
"I won't explain, cause I know na hindi mo naman ako paniniwalaan" mapanuyang sabi ko kay Alec habang halos garalgal na din dahil punong puno iyon ng sakit at panisisi.
"Maria brenda" seryoso at matigas na sambit niya sa aking pangalan.
Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. "Attempted murder! Gusto mo akong patayin!" Paghyhysterikal ni Ate eva kaya naman halos gusto ko siyang sugudin mula sa hospital bed na kinalalagyan niya para sana sampalin para man lang magising siya at marealize niya yung mga kalokohang pinagsasabi niya.
"Evangeline, ano bang pinagsasabi mo?" Si Tristan pilit na pinapakalma ang asawa pero wala sa kanya ang atensyon ni ate eva kundi nasa aking asawa.
"Ginantihan niya ako Alec, sinisisi niya ako dahil sa kapabayaan niya sa anak niyo" akusa niya sa akin.
Hahayaan ko sana kung ako lang pero hindi ko na mapapalagpas kung idadamay niya pa ang nawala kong anak.
"Sumusubra ka na! Yang nangyari sayo dapat lang sayo yan! Karma mo yan!" Sigaw ko din sa kanya dahil hindi ko na kinaya at hindi ko na din na control ang aking emosyon.
"Brenda!" Sigaw ni Alec sa akin pero nilaban ko siya ng tingin.
"Ano ha? Kampihan mo siya! Sige kampihan mo...hindi kita kailangan!" Sigaw ko sa pagmumukha ni Alec.
Mabilis akong naglakad palabas duon, ang buong akala ko ay si Clark lang ang nakasunod sa akin nagulat na lamang ako ng hinila ako nito sa braso.
"You and your childish act again, Maria Brenda!" Akusa niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sampalin siya, hindi pa iyon natapos duon dahil ang isang sampal ay sinundan pa ng magkabilang sampal.
Nang ako na ang kusang napagod ay hinawakan ni Alec ang magkabila kong braso. "Tapos ka na, tapos ka na?" Panghahamon niya sa akin pero nanalabo na lamang ang aking paningin dahil sa pagiyak.
"Ganyan ka kasi mahal mo pa din siya...kaya mahirap para sayo na paniwalaan ako kasi mahal mo pa din siya!" Akusa ko sa kanya.
"Maria mahal kita, yan na lang ang palagi mong sinasabi...ilang beses ko bang..." hindi ko na siya pinatapos.
"Hindi na kita mahal Alec, ayoko na sayo...maghiwalay na tayo, ayoko nang bumalik sayo, mas gusto ko pang mamatay bago mangyari yon" sabi ko sa kanya dahilan para mabitawan niya ako.
"Maria..." tawag niya sa akin.
Tinitigan ko lamang siya hanggang sa makita ko si Clark. Naka sakay na ito sa kanyang sasakyan at ako na lamang ang hinihintay. Mabilis kong kinain ang pagitan nuon at tsaka ako sumakay sa sasakyan ni Clark tsaka kami umalis duon.
Hindi nagsalita si Clark hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak duon, inabutan niya lamang ako ng isang box ng tissue.
"Uuwi na lang ako sa Daddy ko...iuwi mo ako sa Daddy ko!" Umiiyak na sumbong ko kay Clark kahit alam kong napakaimpossible dahil hinahabol din ng batas si Daddy dahil sa mga naging utang namin.
Lalo akong nalungkot ng maisip kong ako na lamang magisa sa buhay. Wala na ang lahat sa akin bukod sa apat na buhay na dinadala ko ngayon.
"Saan mo gustong pumunta, kahit saan dadalhin kita" sabi sa akin ni Clark.
Sinubukan kong magisip pero kahit anong pagiisip ang gawin ko ay hindi ko din alam kung saan ko gustong pumunta o kung may mapupuntahan pa ba talaga ako.
"Wala na akong ibang mapupuntahan" sagot ko kay Clark kaya naman mas lalo akong nastress at naiyak.
"Alam ni Alec na nasa akin ka, siguradong hindi ako titigilan nuon" sabi ni Clark kaya naman medyo nakaramdam ako ng hiya dahil masyado na akong nagiging abala para sa kanya.
"Hayaan mo na ako, kaya ko namang magisa" sabi ko sa kanya at totoo iyon. Ayokong makaabala sa ibang tao.
"What do you think of me heartless?" Tanong niya sa akin
"Oo" walang pagiisip kong sagot sa kanya.
"Ano?" Sambit niya pero hindi ko na lamang siya pinansin.
Akala ko talaga ay iiwan na ako ni Clark ng huminto ang sasakyan sa harapan ng aming dating bahay.
"Maraming salamat sa lahat Clark..." pagdradrama ko pa sana ang kaso ay nauna pa nga itong nakababa sa akin.
"Kuhanin mo na ang lahat ng gamit mo, dadalhin kita sa Zambales" sabi niya na ikinalaki ng aking mata.
"Huh?"
"Dalian mo na" pagtula niya sa akin kaya naman sinunod ko na lamang siya.
Hindi nagbibiro si Clark ng sabihin niya iyon. Bumyahe kami patungo ng Zambales, inabot na din kami ng gabi kaya naman huminto muna kami sa gilid ng kalsada kung saan mayroong 24 seven convenient store.
Muli kaming bumyahe bago pumutok ang araw. Ramdam na ramdam mo na ang probinsya lalo at may iilan na kaming nadaanang dagat.
"Wow" sambit ko ng makita ko ang isang napakalakinh bahay na halos mansyon na mansyon na talaga.
"Sayo ito?" Tanong ko kay Clark pero iling lamang ang sinagot nito sa akin.
"Sa kapatid ko at sa asawa niya" sabi niya sa akin kaya naman napakunot ang aking noo.
Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil sa bukana ng bahay ay nakatayo at naghihintay na sa amin ang isang magandang babaeng malaki na ang tiyan ang matangkad na lalaking mukhang asawa niya.
"Kuya!" Sigaw nito dito at kaagad na yumakap kay Clark.
Pati ang kanyang asawa ay sobrang welcoming. Mabait silang pareho at magaganda at gwapo. Wala naman ata akong nakitang hindi maganda at gwapo sa mga magpipinsang ito. Minsan talaga ay mapapasabi ka na lang ng life is really so unfair.
Tinour nila kami sandali sa loob ng bahay na halos hindi pa nga namin nalibot dahil sa laki bago kami nito niyaya para mag mirienda.
"Kailan darating ang mga doctor mo?" Seryosong tanong ni Clark sa kapatid.
"Sa susunod na araw" sagot ni Cyrus, asawa ni Yvonne.
"Ang sabi ko sayo sa Manila ka na lang magstay,mas matututukan ka duon" si Clark halatang maawtoridad.
"Kuya, kung mamamatay man ako dahil sa panganganak ko mss gusto ko ng dito sa Zam..."
"Yvonne!"
"Yanna!"
Sabay na sigaw nina Clark at Cyrus dahil sa sinabi ni Yvonne kaya naman napalunok ako. "Ah eh...ilan ba ang laman niyan?" Wala sa sariling tanong ko dahil sa takot.
Tiningnan ako ni Clark at nanunukat. "Isa...pero may sakit kasi ako sa puso, kaya medyo complicated" sagot nito sa akin kaya naman mas lalo akong nanlamig.
"Sabi ni Kuya quadruplets yan ah...ang galing talaga ni Kuya Alec, pero turn off siya ngayon ha" pagbibiro niya kaya naman nginitian ko lamang siya kahit sobrang uneasy ko.
"Wag kang magalala maalagaan ka dito" sabi ni Clark sa akin.
"Oo, tsaka wala ka namang magiging problema dahil mukha namang healthy ka" si Yvonne pa din pero mukhang napansin ni Clark ang aking pagiging balisa.
"May problema ba?" Tanong nito sa akin.
"Pwede ko rin bang ikamatay ang panganganak ko?" Takot na tanong ko kay Clark.
Kita ko ang gulat sa mukha nito pero tinago niya iyon sa pamamagitan ng pagirap sa akin.
"Hindi, wala ka namang saki..." hindi ko na siya pinatapos.
"Meron..." takot na sagot ko sa kanila.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro