Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

"Brenda bakit?" Nagaalalang tanong ni Clark sa akin.

Kanina pa ako walang imik. Sobrang lalim ng iniisip ko na kahit ako ay hindi ko na din alam ang dapat kong unahin.

"Kaya ko ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. 

Ang magkasiklop kong mga kamay ay hinawakan niya. "Ofcourse, kasama mo si Alec siguradong maalagaan ka ng mabuti" pagpapagaan sana niya ng loob ko pero kaagad ko siyang tiningnan ng masama at mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya.

"Hindi dapat malaman to ng pinsan mo" sabi ko sa kanya na ikinalaki ng kanyang mga mata dahil na din sa gulat at pagkabigla.

"What are you talking about, Brenda?" Seryosong tanong niya sa akin tanda na hindi niya nagustuhan ang lumabas sa aking bibig.

Duon na nagumpisa ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. I need simpathy, kailangan kong ipaintindi kay Clark na hindi makakabuti na malaman ni Alec ang tungkol sa pagbubuntis ko.

"He's with Ate eva...ayokong bumalik siya sa akin dahil lang dito" garalgal na pagpapaintindi ko sa kanya.

Kitang kita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Clark dahil sa aking sinabi. "That's bullshit! Ikaw dapat ang inaalagaan niya, hindi ka dapat pumayag Brenda" galit na sabi niya sa akin pero nanatili lamang akong nakayuko.

"Fight for your rights, ikaw ang asawa" galit na galit na talaga siya kahit kalmado pa din.

Hinawakan ko ang kanyang braso dahil sa aking ginawa ay dahan dahan din siyang napatingin duon. "Please Clark...please" pakiusap ko sa kanya pero tinitigan niya lamang ako.

"Hindi" galit na sabi niya at kaagad na tumayo.

Bigla akong nagpanic dahil sa takot na umalis si Clark para kausapin at puntahan ang kanyang pinsan. "Clark teka....ahhh" paghabol ko sana sa kanya ang kaso ay bigla akong nakaramdam ng pananakit sa aking sinapupunan.

"Brenda!" Nagaalalang lapit niya sa akin at kaagad niya akong binunat na parang bagong kasala at mabilis na binalik sa loob ng clinic ng doctor na kausap namin kanina.

She check me hanggang sa unti unting mawala ang sakit sa aking sinapupunan.

"Mrs. Jimene..." paguumpisa sana ng doctor pero kaagad siyang pinigilan ni clark.

"It's Herrer" seryosong pagtatama niya dito kaya naman napatango na lamang ang doctor.

"Mrs. Herr..." pagtawag niya sana ulit ang kaso ay ako naman ang nagpatigil sa kanya.

"Brenda na lang po" sabi ko kaya naman sandali siyang napatigil na para bang hindi niya alam kung ano dapat talaga ang susundin.

Napatingin ako sa nakatayong si Clark pero sinamaan ko lamang siya ng tingin ng makita kong nakangisi ito sa akin, pinanlakihan ko siya ng mata pero mas lalo lamang niya akong inasar. Isa rin itong bwiset kagaya ng pinsan niya.

"You should avoid stress, lalo na at apat iyang dinadala mo...be more sensitive kailangan mo ng guidance at makakasama palagi. I think i need to talk to your husband para alam niya ang mga dapat gawin, you should be a team here partners kayo sa safety mo at ng mga babies" pagpapaliwanag ng doctor pero napanguso lamang ako.

"Sa akin niyo na lang po sabihin doc" malungkot na sabi ko sabay iwas ng tingin.

Ilang mga paalala pa ang ibinigay ng doctor sa akin. Binigyan niya na din ako ng mga vitamins, lalo na at apat ang nangangailangan ng lakas ko ngayon.

"Where do you want to eat, my treat" tanong ni Clark habang palabas kami ng hospital.

"Hindi na, magkautang pa ako sayo...sa bahay na lang ako kakain" pagtanggi ko sa kanya. Ayoko naman na abalahin pa siya. Ni ayoko na nga munang magkaroon ng connection sa pamilya nila.

"Saan ka ba nakatira ngayon?" Tanong niya sa akin tsaka niya binuksan ang pinto ng pasenger seat ng kanyang sasakyan.

"Secret walang clue" masungit na sabi ko sa kanya sabay talikod.

"Brenda I can keep secrets" pagpupumilit niya at tsaka ako nito marahang hinila pabalik sa kanyang sasakyan.

Magproprotesta pa sana ako ng bigla akong mapatalon sa gulat ng sa kulog at kidlat. "I'll send you home, safe" seryosong sabi ni Clark at wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya.

"Sure ka? Sure na sure...promise?" Pangungulit ko sa kanya habang nasa byahe kami.

Alam kong medyo naiinis na din ito sa kakulitan ko pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na masiguradong hindi nga talaga nito sasabihin sa pinsan niyang si alec ang mga nalalaman niya tungkol sa akin.

"I've promise one hundres times, Brenda" medyo iritadong sabi niya na kaya naman napangisi na lamang ako.

Nakakarelife din minsan sa part pag naiinis mo yung mga taong kagaya ni Clark.

"Ikaw lang magisa dito?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang tinanguan.

Bababa na sana ako para buksan ang gate ng bahay namin para naman makapasok ang sasakyan ni clark ng mabilis niya akong pinigilan.

"Ako na" sabi niya sa akin.

"Pero umuulan" sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ikinasimangot.

"Kaya nga ako na" seryosong sabi pa niya na halatang inis na talaga pero pinipigilan niya lang.

Pinanuod ko siyang habang nagmamadaling bumaba sa kanyang sasakyan para mabuksan ang gate namin. Mabilis na nabasa ang suot na long sleeve ni Clark dahil na din sa malakas na buhos ng ulan.

"Hala, basang basa ka" nagaalalang sabi ko pag pasok niya sa sasakyan pero hindi niya ako pinansin.

Pagkapasok ng sasakyan sa garahe ay mabilis akong bumaba. "Sige na umuwi ka na para makapagpalit ka na kaagad" pagtataboy ko sa kanya pero nagulat ako ng pinatay niya ang makina ng sasakyan niya.

"I'll cook a dinner for you, hindi ka pa kumakain" sabi niya at walang sabi sabing bumaba ng sasakyan at nauna pang maglakad sa akin papasok sa amin bahay.

Nakakunot ang kanyang noo habang iginagala ang kanyang mga mata sa loob ng aming dating bahay. "Ikaw lang magisa dito? Hindi kaba natatakot?" Tanong niya sa akin.

Inilingan ko lamang siya at tsaka ako mabilis na umakyat sa kwartong tinutuluyan ko para ikuha si Clark ng tuwalya.

"Ito yun..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng matameme ako ng makita kong half naked na ito.

Sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay kaya naman kada taas niya ng kanyang kamay papunta sa kanyang buhok ay kitang kita ko di kung paano nagfleflex ang kanyang mga muscle.

"Ipapahiram mo ba yang tuwalya o ano?" Sarcastic na tanong niya sa akin dahil na din sa aking pagkabato.

"Ah ito..." pagabot na sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan kasabay ng pagihip ng malamig na hangin sa labas.

"Anong pwedeng maluto dito?" Tanong niya habang kinakalikot niya na ang loob ng ref ko.

Nakapamewang ako nitong hinarap. "Puro processed food to ah" galit na sabi niya sa akin ng makita ang laman ng freezer ko.

Hindi pa siya nakuntento, binuksan niya maging ang cabinet ko. "Noodles? Brenda masama ito para sayo" sabi niya sa akin pero lumabas lamanh iyon sa aking kabilang tenga.

Nakasampay ang tuwalyang ibinigay ko sa kanya sa kanyang malapad na balikat. Maganda ang katawan ni Clark, may abs siya at medyo malaman ang bandang dibdib dahil marahil sa kaka workout niya.

"Nagtitipid kasi ako" sabi ko sa kanya.

Inirapan lamang ako nito bago niya kinuha ang kanyang cellphone. Narinig kong balak sana nitong magpadeliver ng pagkain sa isang restaurant ang kaso ay masyadong malakas ang ulan.

"Safe naman siguro yan" sabi ko pero sinamaan nanaman ako nito ng tingin.

Hindi ko alam kung ano yung ginawa ni Clark, basta ay umakyat na muna ako sa aking kwarto at nagayos. Halos titigan ko ang aking mukha sa salamin pabalik sa aking sinapupunan. Anytime soon lalaki na ang aking tiyan dahil sa paglaki ng mga baby sa loob nito. Normal lamang daw iyon sabi ng doctor, na mas lumaki ito kesa sa normal na pagbubuntis.

"Kumain ka na" sabi niya pagkababa ko kaya naman umupo ako sa may kitchen counter.

Walang nagawa si Clark kundi lutuin ang noodles at iilang mga frozen foods sa aking refrigirator.

"After ng meeting ko bukas, maggrocery tayo..." sabi niya habang sumasandok na din.

Napatigil ako sa pagsubo. "Hindi mo kailangang gawin to Clark...kaya ko naman ang sarili ko" pagtanggi ko sa kanya kaya naman tamad ako nitong tiningnan.

"Hindi ko ginagawa ito para lang sayo...para na din sa mga pamangkin ko" sabi niya sa akin kaya naman hindi na ako nakasagot pa.

Sa kalagitnaan ng aming tahimik tahimik na pagkain ay napagmasdan ko si Clark. Matangos ang ilong nito, hindi man kasing tangos ng ilong nila Alec at Axus na may lahing spanish matangos pa din iyon hindi kagaya sa normal na tangos ng ilong ng isang pure filipino. Mahaba ang kanyang pilikmata ay may kakapalan ang malambot niyang labi.

"What are you looking at?" Masungit na tanong niya sa akin na nakakaturn off kaagad. Imbes na mahiya ako dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya ay inirapan ko na lamang siya.

"May girlfriend ka Clark?" Tanong ko na mabilis niyang inilingan.

"Wala, bakit?" Masungit nanamang tanong niya.

"Mabuti naman, kawawa naman kasi siya kung nagkataon" panunuya ko sa kanya pero sinamaan lamang ako ng tingin nito.

Si Clark na din ang naghugas ng pinggan. Nang tumila ang ulan ay pinauwi ko na din siya kahit nagpumilit itong duon magstay para sa gabing iyon ay hindi ko siyang pinayagan. Masyado na siyang nakakalibre sa pagkain eh hindi naman siya kasama sa aking budget.

"Brenda..."

"Chatterley? Napatawag ka?" Tanong ko dito.

"Kamusta ka na? Nasaan ka ngayon?" Tuloy tuloy na tanong niya sa akin na halatang halatang nagaalala.

"Ayos lang ako, wag kang magalala sa akin" sabi ko sa kanya para bawas na din ng kanyang intindihin.

Matagal bago siya muling nagsalita sa kabilang linya. "Nagwawala si Alec kanina dito" sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

"Ha eh bakit naman?" Panguusisa ko.

"Eh hinahanap ka..susunduin ka na daw niya" sabi nito sa akin kaya naman naginit kaagad ang ulo ko. Traydor na Clark yun!

Sandali pa kaming nagusap ni Chatterley pero hind ko sinabi sa kanya kung nasaan ako at tungkol sa pagbubuntis ko. Pinilit kong matulog ng gabing iyon dahil iyon ang isa sa mga bilin sa akin ng doctor. Tamang tulog para walang maging problema sa aking pagbubuntis.

Dahil medyo maaga din akong nakatulog maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Baka dahil sa traydor na Clark na iyon ay mabuko pa ako ni Alec kung nasaan ako.

Hindi ko alam kung paano ako bababa ng hagdan dala ang medyo may kabigatang maleta ko. Kailangan ko na din talagang magingat, apat na buhay ang kailangan kong alagaan.

"Brenda?"

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na sigaw ko sa kanya.

Kaahad na rumehistro ang pagtataka sa kanyang mukha. "Saan ka pupunta?" Tanong pa niya at umaarte na parang akala mo inosente.

"Traydor ka, Clark!" Galit na sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong niya sa akin.

"Sinabi mo kay Alec!" Sabi ko

"Wala akong sinasabi!" Giit niya pa sa akin pero hindi ko siya pinaniwalaan.

"Umalis ka na, hindi kita kailangan!" Sabi ko sa kanya.

"Believe me! Wala akong pinagsabihan, promise Brenda, I swear" pagpupumilit niya sa akin.

Huminahon ako ng makita ko kung gaano siya kasinsecere sa kanyang sinasabi. "Eh bakit siya nagwawala sa bahay nila Chatterley?" Tanong ko sa kanya.

"Aba malay ko" sabi niya pa sa akin kaya naman mariin akong napapikit.

Ilang panunuyo pa ang narinig ko kay Clark hanggang sa umiyak na lamang ako at huminahon.

"Tara na, mag grocery na tayo para naman may makain ka dito" sabi ni Clark sa akin na pilit na pinapagaan ang loob ko.

"Sa oras lang talaga na malaman ko! Makakatikim ka talaga sa akin!" Pagbabanta ko sa kanya pero parang bata lamang nitong itinaas ang kanyang kamay.

"Promise" sabi niya pa sa akin.

Nagpunta kami sa mall para mag grocery, kung ano ano din ang binili ni clark para magamit ko sa bahay. "Sobra sobra na ito Clark, baka magmukha ka ng anghel niyan hindi pa naman bagay" pagbibiro ko sa kanya.

"Ikaw na nga tong nilibre nangasar ka pa" sabi niya sa akin pero dinilaan ko lamang siya.

"Eh masungit ka kasi eh" laban ko sa kanya pero napailing na lamang siya.

Inilagay niya ang nga pinamili namin sa compartment ng kanyang sasakyan. "Damn, may naiwan...teka hintayin mo ako dito" sabi niya sa akin at tsaka siya nagmamadaling umalis.

Iniisa isa ko yung mga plastic at hinanap yung chocolate na pinabili ko kay clark. "Look who's here"

Biglang pumintig ang tenga ko ng marinig ko ang boses na iyon. "Lumayo ka sa akin" sabi ko na lamang sa kanya at lalayo na sana ako ng muli siyang magsalita.

"Thank you for giving me Alec ba..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"I'm not giving you my husband...ako pa din ang asawa niya" laban ko sa kanya pero tinaasan lamang ako ng kilay nito.

"And he choose me" laban niya sa akin kaya naman mas lalong naginit ang ulo ko.

"Because you're pregnant, naawa lang siya sayo...pero ako pa din ang asawa niya" patuloy na laban ko sa kanya.

Nginisian ako nito kahit alam kong kahit paaano ay naoffend siya. "That's why i'm lucky for being pregnant" pagyayabang pa niya sa akin kaya naman mas lalong uminit ang ulo ko.

"Wag kang pakampante Ate eva, hindi ko lang sinasabi kay Alec dahil baka bigla kang iwanan, pero pag hindi mo ako tinigilan..." pagbabanta ko sa kanya.

"What do you mean?" Pagtataka niya.

Nginisian ko siya at umiral nanaman ang pagkabitch ko. "I'm pregnant with four, and it's Alec' babies...pag nalaman niya to..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng kaagad ako nitong sinampal.

"You bitch!" Sigaw niya tsaka niya na ako inumpisahang sabunutan. Hindi ako nagpatalo, hindi ako pwedeng magpatalo dahil hindi na pwedeng maulit yung nangyari nuon.

"You shouldn't be..." sigaw niya at pilit niya akong itinutulak palayo.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko. I should protect my babies. "Tama na!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya ng malakas at halos mapasigaw ako ng kaagad siyang tumama sa paparating na sasakyan.

Tumilapon at nagpagulong gulong si ate eva hanggang sa mapahiga siya sa sahig ng parking lot at umiiyak. "Yung baby ko...yung baby ko" sigaw na iyak niya ng makita niyang dinudugo siya.

"Brenda..." tawag ni Clark sa akin.

"Hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadya Clark" umiiyak na sumbong ko sa kanya at tsaka niya mabilis na tinulungan si Ate eva.









(Maria_CarCat)




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro