Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Mabilis na lumipad ang kanang kamay ko papunta sa kaliwang pisngi ni Ate eva. Hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin na matagal ko na ding kinikimkim.

"Wala kang utang na loob" punong puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.

Halos manlabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. Hindi ko mapaliwanag ang aking tunay na nararamdaman. Pero nasisigurado kong galit ako, pero mas nangingibabaw ang takot sa aking puso.

Hindi nakapagsalita si ate eva. Patuloy pa ding iniinda ang aking pagkakasampal sa kanya. "Nagusap na tayo, ang sabi mo hindi mo kami guguluhin ng asawa ko" sumbat ko sa kanya.

Nakipagtitigan ito sa akin na para bang kayang kaya niya akong labanan. "He was mine first, una siyang naging akin brenda" mariing pagpapaintindi niya din sa akin.

"Matagal na iyon, tapos na...akin na siya ngayon Ate eva, ako na ang asawa niya ngayon" pagpapaintindi ko din sa kanya dahil para bang nakakalimutan niya kung saan siya dapat lumugar.

"I still love him, at nararamdaman kong...mahal pa din ako ni Alec" sambit niya na para bang siguradong sigurado siya.

"No!" Sigaw ko sa pagmumukha niya at muli ay hindi ko nanaman napigilan ang aking sarili at muli ko nanaman siyang nasampal.

Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na nagpatalo si Ate eva dahil kaagad niya na din akong ginantihan. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga katulong, maging ang kambal ay rinig na rinig ko din ang pagiyak kaya naman mabilis akong tumigil at humiwalay kay ate eva.

"Mommy! Mommy!" Sigaw nina chantal at channel. Napalunok ako at nahiya para sa aking sarili, hindi dapat ganito ang makita ng mga bata.

"I'm sorry..." sambit ko sa kanila pero huli na ang lahat.

"Bad ka! Bad ka Tita brenda!" Sigaw nilang dalawa sa akin kaya naman kaagad akong nanghina. I don't want them to hate me, I love them.

"Chantal..." tawag ko sa kanya para sana magpaliwanag, I really love her, she is so sweet mali man pero sa sandaling panahon na nagkasama kami ay siya ang paborito ko.

Lalapit na sana ako sa kanya ng kaagad akong tinulak ni Ate eva. "Layuan mo ang anak ko!" Sigaw niya sabay tulak ng malakas sa akin.

Dahil sa aking panghihina ay hindi ko na din na control ang aking balance. Mabilis akong napasalpak sa sahig at kaagad na halo dumiretso ang aking mukha sa nga batong nakalandscape sa aming garden.

"Naku po, si Ma'm brenda!' Sigaw ng mga katulong at kaagad na may naramdaman akong tumulong sa akin.

Sa bahagyang pagangat ng kalahati ng aking katawan ay kaagad akong nakaramdam ng sakit sa aking bandang tiyan.

"Aray..." daing ko sabay hawak dito.

"May blood!" Sigaw ni Chantal kaya naman napatingin ako sa aking binti at halos manlaki ang aking mata ng tama nga, may dugo sa aking binti, madami iyon.

Nanginginig akong bumaling sa kanila. "Tulungan niyo ako..." umiiyak na sabi ko. Maging sila ay hindi din makakilos dahil sa nangyari.

"Anong nangyayari dito?" Matigas na sambit ni Alec at halos takbuhin niya ang pagitan naming dalawa ng makita niya kung ano ang aking posisyon ngayon.

"P*tangina, anong nangyari dito?" Galit na sigaw niya at kaagad na lumuhod para aluin ako.

"Ihanda niyo ang sasakyan!" Galit na sigaw niya sa kumpol ng mga kasambay at iilang driver.

"Alec...natatakot ako" umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Shhh...baby dadalhin kita sa hospital" pagaalo niya sa akin at mabilis akong yumakap sa kanya ng buhatin niya ako.

"Alec" tawag ni Ate eva sa kanya.

"I want you out in my house as soon as possible Evangeline" parang kidlat na sambit nito.

Tinatawag pa sana siya ni Ate eva ang kaso ay hindi na ito pinansin ni Alec. Iyak lang ako ng iyak habang nasa biyahe. Kumikirot ang aking bandang sinapupunan.

Nakatulala sa aking harapan si alec na para bang maraming tumatakbo sa kanyang isipan. "Mamamatay na ba ako?" Umiiyak na sabi ko dahil sa mga dugo sa aking binti. I really hate blood.

Napalunok ito at kaagad umiling. "No Maria, malapit na tayo sa hospital" pagaalo niya sabay halik sa aking ulo.

Pagkadating napagkadating sa hospital ay kaagad akong dinala sa emergency room. Still clueless on what is happening ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

"I'm sorry to hear that" sabi ng isang lalaki.

Puting kisame ang kaagad na sumalubong sa akin pagkagising ko. "Brenda..." tawag ni Elaine sa akin at kaagad siyang lumapit. I'm in a private room now, nasa loob sina Axus, Elaine, at Clark. Muli ko pang iginala ang aking paningin at sa isang sulok ko nakita si Alec, nakayuko at problemadong problemado.

"Alec..." tawag ko sa kanya.

Napatingin ang lahat kay Alec na para bang hinihintay din nila kung ano ang gagawin nito. "Anong nangyari?" Naguguluhang tanong ko din kay Elaine.

Kitang kita ko kung paano puminta ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Hindi mo ba alam?" Malungkot na tanong niya sa akin.

"Ang alin?" Clueless pa ding tanong ko.

"You..." hindi na natuloy ni Elaine ang kanyang sasabihin ng lapitan siya ni Axus.

"We should go, they should talk" sabi ni Clark kaya naman napatingin ako sa kanya. He just give me tired look, pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ako mapakali.

Walang salisalitang lumabas yung tatlo at kahit ganuon ay nakayuko pa din si Alec.

"Alec?" Tawag ko sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Ramdam na ramdam ko ang lungkot at pagod sa kanyang boses.

Kumunot ang aking noo, hanggang sa tumayo na ito at naglakad papalapit sa akin, kitang kita ko ang namumla nitong mga mata na para bang kagagaling lamang niya sa pagiyak.

"Hindi sinabi sayo ang alin?" Tanong ko din.

Kumunot ang kanyang noo. "Hindi mo alam? Impossibleng hindi mo alam Maria!" Medyo tumaas na ang kanyang boses kaya naman mas lalo akong nagpanic.

"Ang alin ba? Diretsuhin mo na ako" giit ko dahil kanina ko pa hindi maintindihan ang sitwasyon.

"You lost are first child" punong puno ng hinanakit na sambit niya na ikinalaki ng aking mata

"Wh...what do you mean?" Natatakot na tanong ko din sa kanya.

"You had a miscarriage" sabi niya at hindi na niya napigilang mapaluha.

"I'm...i'm pregnant?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Not anymore!" Sigaw niya at kaagad na nagwala. Nagsisigaw ito at hinawi ang lahat ng nakapatong sa table malapit sa akin. Nagulat ako hindi ko alam ang aking gagawin.

Kitang kita ko ang paghihinagpis at galit ni Alec. Samantalang ako ay hindi ko alam kung ano ang aking dapat maramdaman. Namalayan ko na lamang na umiiyak na din ako.

I'm pregnant with our first baby, pero I lost it. Nawala siya sa amin. The baby...wala siyang kamalay malay. Hindi ko man lang naranasang maramdaman siya sa loob ko. Nawala siyang hindi ko man lang nalamang nasa loob ko siya.

"Alec calm down!" Suway ni Clark at Axus sa kanya samantalang si Elaine ay umiiyak na niyakap na lamang ako.

Ilang araw akong tumagal sa hospital. Ilang araw ko ding hindi nakita si Alec. Ang sabi ni Elaine pumupunta naman daw si Alec ang kaso ay nagkakataon lang na tulog ako.

"Mrs. Herrer hindi ka talaga makakalabas dito sa hospital kung hindi ka kakain" galit na sabi sa akin ng doctor.

Wala akong ganang kumain. Nakakailang dextrose na nga ako dahil yun na lang daw sa ngayon ang nagbibigay sa akin ng lakas.

"Brenda" tawag nito sa akin.

"Alec" balik na tawag ko sa kanya pero to my disappointment ay hindi si Alec ang dumating kundi si Clark.

"Hindi ka pa din daw kumakain ng maayos sabi ng Doctor" seryosong sabi nito sa akin at tsaka niya inilapag ang paper bag sa gilid ng aking kama.

"Ayoko kong kumain Clark" matamlay na sabi ko sa kanya.

"Brenda" seryosong at matigas na tawag niya sa akin. Ramdam na ramdam mo ang concern sa kanyang boses kaya naman hindi ko na napigilan ang mapaiyak.

"Galit ba si Alec sa akin? Ayaw na ba niya sa akin?" Umiiyak na tanong ko kay Clark.

Kaagad na lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng aking kama. "You can't blame him Brenda...anak niyo ang nawala" pagpapaintindi niya sa akin.

"Nawalan din naman ako" giit ko.

Matagal na naghari ang katahimikan sa pagitan namin ni Clark bago siya muling nagsalita.

"Hindi mo ba talaga alam na buntis ka?" Hindi rin makapaniwalang tanong niya sa akin na kaagad ko lamang inilingan.

"Hindi ko alam, promise..." patuloy na sabi ko pa.

Hindi ako iniwan ni Clark ng maghapong iyon. Hindi ko ineexpect na mabait din pala ito, sadyang mukhang masungit lang talaga.

"Kailan pupunta si Alec?" Pangungulit ko dito pero kanina pa niya ako sinasagot na maya maya.

"Maghintay ka nga" pagalit na sabi nito sa akin kaya naman napanguso na lamang ako sa kanyang habang kinakain ko yung prutas na binabalatan at hinihiwa niya.

"Buti pa si Elaine, dinadalaw ako" pagtatampong sabi ko.

Hindi ito sumagot. "Asaan nga din pala si Axus? Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita ah" tanong ko dito na naging dahilan para matigilan siya.

"Damn it" sambit niya na ikinagulat ko.

"Oh bakit?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Sandali itong mariing napapikit bago niya ako binalingan. "Nasa spain sina Alec at Axus" sabi niya na ikinagulat ko.

"Ano?" Parang paos na nasambit ko dahil parang may kung anong nakabara na sa aking lalamunan.

"Nasa hospital ngayon si Tita Pia, yung kambal na yun pa! Basta pagdating sa Mommy nila nagiinit ang mga pwet" sabi pa ni clark kaya naman parang biglang bumigat ang aking dibdib.

"I also need him here..." may hinanakit at pagtatampong sambit ko.

Naramdaman ko ang kamay ni clark sa aking balikat. "I'm sorry for that Brenda" malungkot na sabi niya sabay yakap sa akin.

Nagpaalam na si Clark na uuwi na ng matapos na ang visiting hours. Galit na galit ako kay Alec dahil sa aking nalaman, kaya naman wala akong ginawa buong gabi kundi ang umiyak. Nakayanan niyang iwanan ako kahit alam niya ang kalagayan ko.

"Gusto mo samahan na muna kita dito?" Pagprepresinta ni Elaine ng ihatid nila ako ni Clark pauwi.

Tipid ko siyang nginitian. "Hindi na, ok lang ako" sabi ko sa kanya dahil ayoko naman na maging abala pa ako sa kanila.

Duon sila nagdinner na dalawa ni Elaine para masigurado daw nila na makakakain ako. Ang kwento ng mga ito sa akin ay lumalala na ang sakit ni Tita pia sa puso kaya naman sobra sobra ang pagaalala nila Alec at Axus para sa kanilang Mommy. Naiintindihan ko naman iyon, kahit masakit ay naiintindihan ko kung bakit mas inuna niya ang Mommy niya kesa sa akin.

Pero ang hindi man lang magawang mag message o tumawag sa akin ay parang ibang usapan na. Kahit hindi ako totally na nagbreakdown dahil sa pagkawala ng baby namin ay nasasaktan pa din naman ako. 

"Ma'm brenda saan po kayo pupunta gabi na" salubong sa akin ng isa sa mga kasambahay ng makita niyang halos magaalasdose na ng madaling araw ay aalis pa din ako.

"Diyan lang" tamad na sagot ko sa kanya at bigla nanaman akong sinapian ng katarayan.

I drove the silver maserati papuntang bgc, Chatterley and Ivoree texted me na nanduon daw sila. Pagkapark ko sa aking sasakyan ay kaagad na sumalubong sa aking mga mata ang iba't ibang ilang na nanggagaling sa mga nakahelerang bar at restaurants.

"Brenda..." tawag ni Chatterley sa akin at kaagad na yumakap.

"I heard what happen to your baby" malungkot na sabi niya sa akin at tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Pumasok na kami sa loob. "Sorry dito ka na namin pinapunta, ito naman kasing si Ivoree ayun at naglalasing" sabi ni Chatterley sa akin kaya naman kaagad akong nagalala para sa aking kaibigan.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ko dito.

"Ayun mukhang tinamaan na" sabi niya kaya naman imbes na kabahan ay napangiti na lamang ako.

"Ayos, magseseryoso na din siya sa mga boyfriend niya" sabi ko na lamang.

Hindi dapat ako iinom para sa gabing iyon pero hindi ako tinantanan ni Ivoree. She is so broken hearted dahil kung kailan naman siya naging seryoso sa lalaki ay mukhang siya naman ang naloko.

"Is this my karma Brenda? Is this my karma?" Umiiyak na tanong niya sabay inom nanaman ng alak.

Napatitig ako tuloy ako kay Ivoree dahil sa kanyang sinabi. Napalunok ako. Did I lost our child because this is my karma too. Dahil sa pagiging sutil ko at selfish? Is this my karma?

Hindi ko na namalayan ang mga pangyayari. Dahil sa iniisip at bigat na din ng aking nararamdaman ay nagpassed out na din ako dahil sa sobrang kalasingan.

Nagising ako kinaumagahan na sobrang sakit ng aking ulo. Pero mabilis ko ding hinawakan ang aking katawan bago ko iginala ang aking mga mata sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko.

Napatigil ako ng makita kong pamilyar ang lugar na iyon at lalong napatigil ako ng makita ko ang seryosong mukha ni Alec. Titig na titig ito sa akin habang nakaupo sa sofa. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"What the hell are you doing in that fucking bar, Maria Brenda" matigas at galit na galit na sambit niya.

Nawalan ako ng boses, hindi ko din alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya.

"We lost our child pero nagawa mo pang uminom?" Asik niya sa akin kaya nama hindi ko na napigilang hindi mapaluha.

"Cause you left me! You left me alone, that's why I needed friends..." sigaw ko sa kanya para naman feel na feel niya yung galit ko.

Pagkatapos ng pagsigaw ko ay muli ako ng talukbong ng kumot at sumumsob sa aking unan. How dare him! Siya ang nangiwa sa aming dalawa, ako ang may mas karapatang magalit sa kanya.

"I hate you...I hate you" umiiyak na sambit ko hanggang sa maramdaman ko na lamang ang paglundo ng kama.

"Shhh..." sabiya tsaka ko naramdaman ang pagyakap niya at ang paghalik niya sa akin sa aking ulo.

"I'm sorry...I'm sorry Maria. I'm really sorry" paulit ulit na sabi niya sa akin at pinilit ako nitong pinaharap sa kanya.

"Inaamin kong nagalit ako sayo, pero inaamin ko ding nagkamali ako baby, mali na nagalit ako sayo" pagamin niya sa akin kaya naman lalo akong napaiyak.

"I'm sorry, Alec. sorry hindi ko alam na buntis ako...kung alam ko lang sana dapat nagingat ako" sabi ko sa kanya pero hinila lamang ako nito para makaupo.

"Hindi mo alam kung gaano ako nagalala ng hindi kita naabutan dito kagabi..." kwento niya pa sa akin.

Sabay kaming nagbreakfast ni Alec, ayaw sana niya akong iwanan pero may tumawag sa kanya at importante, matigas ang desisyon niya na hindi niya pupuntahan iyon pero ako ang pumilit sa kanya.

"Mag ingat ka" sabi ko ng ihatid ko siya sa sasakyan. I was expecting for a kiss pero nadismaya ako ng mabilis na umalis ito. I know and I feel na kahit sinabi ni Alec na ayos na kami ay alam kong hindi pa.

Hindi ko siya masisisi kung sinisisi niya ako. Hindi ganuon kabilis makapagmove on. Buhay ang nawala sa amin, anak namin iyon.

"Ma'm brenda, nasa baba mo si Ma'm pia" sabi ng isa sa aming mga kasambahay kaya naman nagulat ako.

Walang pagdadalawang isip akong bumaba para puntahan siya. Ngiting ngiti ako para salubingin siya pero nawala bigla ang ngiti ko dahil sa gulat ng sampalin ako nito.

"I know what you did to my son" galit na sabi niya na may kasamang panduduro.












(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro