Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"Sino nagluto nito, ang sarap!" Sabi ko kay Alec habang kinakain ko yung breakfast niya na nakabaonan pa.

Ang natira na lang sa kanya ay yung sandwich niya, mukhang masarap din iyon ang kaso ay kawawa naman siya kung pati iyon kakainin ko din kaya naman nakuntento na lang ako duon sa baonan niya.

"Mommy ko" preskong preskong sagot niya sa akin.

Muntik tuloy akong mabilaukan dahil sa sinagot niya sa akin. "Pss, laki laki na eh!" Pangaasar ko pa sa kanya pero tinaasan lamang ako nito ng kilay.

Kahit papaano ay naamaze ako sa kanya he stays cool kahit inasar ko na siya. Kung ibang lalaki ito ay siguradong hiyang hiya na ito ngayon sa harapan ko.

"Do you drink coffee?" Tanong niya sa akin ng pumasok ang secretary niya para ibigay yung kape niya.

Imbes na si Alec ang tingnan ko ay nginitian ko na lamang yung secretary niya at tsaka sumagot dito.

"Fresh orange juice, please" sabi ko pa sa kanya in a nice way.

Tumango naman ito bago bumaling kay Alec na pinaglalaruan ang pangibabang labi niya.

"I heard you're a brat" sabi niya out of nowhere.

Napanguso ako at tsaka napairap. "Kanino mo naman narinig? Kay Tita Liezel?" Mapanuyang sabi ko sa kanya.

Totoo namang siya kaagad ang pumasok sa aking isipan. I heard a lot about her giving false news about me. At hindi pa siya nahiya na pati ang mga kaibigan ni Mommy ay sinisiraan din niya ako, hindi niya alam na marami ding may ayaw sa kanya para sa Daddy ko.

Hindi siya sumagot pinapanuod niya lamang ang bawat galaw ko. Pero hindi naman ako nailang, wala naman akong pakialam sa mga iniisip ng ibang tao lalo na't sanay na ako sa mga pintas ng ibang tao.

"So what kung brat ako? Hindi ko naman kailangan ng opinyon nila" sabi ko sa kanya habang patuloy pa din ako sa pagkain ng baon niya.

Nginisian ako nito pero hindi ko na lamang siya pinansin. Hinayaan ako ni Kuya Alec na magstay sa office niya habang hinihintay ko si Daddy. Nakaupo ako duon sa may sofa niya habang nagbabasa ng magazines.

Naaliw ako dahil latest ang mga iyon at may fashion magazine din na kaya pala meron siya ay dahil featured si Kuya Axus. Ang hot niya talaga.

Tinaas ko ang magazine para ipakita ang mukha ng kakambal niya. "Bakit ikaw, wala dito?" Tanong ko sa kanya.

Sandali niyang inalis sa harapan ng kanyang screen ang kanyang mga mata at tsaka sandali akong tiningnan.

"I'm not into that" maiksi at seryosong sagot niya sa akin.

Nagkibit balikat na lamang ako at tsaka muling preskong umupo sa sofa niya.

"Sa bagay, mas gwapo naman kasi talaga si Kuya Axus kesa sayo" straight to the point na sabi ko sa kanya.

Hindi sana ako titingin sa kanya kung hindi ko napansin ang pagtayo niyo. Sumandal siya sa harapan ng kanyang lamesa paharap sa akin at tsaka nainingkit ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

"What a feisty young girl" medyo mapanuyang sambit nito na ikinainis ko.

"I'm not a girl for your information" mataray na sabi ko sa kanya tsaka ako muling naglipat ng magazines.

Hindi ko na siya muli pang pinansin. "I'm going! Thank you for the breakfast" paalam ko sa kanya ng hindi ko man lang siya tinitingnan.

"Where are you going? Wala pa ang Daddy mo" seryosong sabi nito sa akin na parang matandang tito ko na.

"Mag ma-mall ako, nabobored na ako dito" sumbong ko sa kanya.

"No, stay there hinatayin mo ang Daddy mo, diba sabi niya hintayin mo siya" sabi nito sa akin kaya naman mas lalo akong nainis sa kanya.

"Duh! Sometimes you need to break rules..." panghihikayat at pagpapaintindi ko pa sa kanya pero wala pa ding epekto.

"You brat, pwede bang sumunod ka na lang" medyo tamad at inis na ding utos niya.

"Stop calling me brat! My name is Maria Brenda Arenas..." pagdidiin ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako.

Hindi niya ako pinakinggan bagkus ay may pinindot siya sa kanyang intercom.

"Tell the security na wag nilang papalabasin si Ms. Arenas" utos niya dito na mukhang si secretary niya iyon.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata. "How dare you! Yan ba ang bayad sa pagpapakain mo ng breakfast sa akin!" Sumbat ko sa kanya pero tamad lamang ako nitong tiningnan.

"No. Maria. Gusto ko lang na matuto kang sumunod sa rules na ibinibigay sayo" sabi niya pa sa akim pero sinimangutan ko lamang siya.

"Don't call me Maria it sounds oldie! And who the hell you think you are para pagsabihan ako?" Muli ko pang laban sa kanya.

Natahimik lang siya. "Just wait for your Dad" malumanay na lamang na sabi niya sa akin at pagkatapos nuon ay hindi na niya ako muli pang pinansin.

Lumabas na lamang ako at tsaka duon naghintay sa waiting area nila. Maging ang cellphone ko ay kinuha ni Daddy kaya naman bagot na bagot na ako.

Inis na Alec na yan! Hindi porket mas matanda siya sa akin ay pagsasabihan niya na ako! Hindi naman kami magkaano ano at mas lalong hindi naman kami close!

Maya maya ay lumabas na si Daddy habang ngiting ngiting nagpapalam duon sa kausap niya na nakilalang kong si Tito Austin kaya naman kaagad akong lumapit sa kanila.

"Good morning po, Tito" bati ko sa kanya.

Nginitian niya ako kaya naman nakita ko sa kanya si Kuya Alec at Kuya Axus.

And speaking of!

"Alec, you already met Brenda right?" Salubong sa kanya ni Tito Austin ng papalapit na ito sa aming gawi.

Kaagad itong tumango sa Daddy niya na para bang hindi kami magkasama kanina.

"Good morning, Tito" pagbaling na bati pa niya sa Daddy ko.

Matatanggap ko kung magagalit o galit siya sa akin ngayon dahil sa pagkukumpara ko sa kanila ni Kuya Axus pero nagulat ako ng kahit nilait lait ko na siya kanina ay kalamado pa din ito at pinapakitunguhan pa din ako ng maayos.

Ganuon siguro talaga pag matanda na. Sabi ko na lamang sa aking sarili.

Sandali pa silang nagusap kasama si Kuya Alec. Nakuha ko na din sa kamay ni Daddy ang wallet at ang cellphone ko. Dahil wala na siyang nagawa ng kuhani ko iyon sa kamay niya habang busy sila sa paguusap.

Pwede na nga sana akong tumakas ang kaso ay inakbayan naman ako nito para siguradong hindi ako makakaalis ng wala siya. Si Kuya Alec naman ay parang aliw na aliw pa dahil sa aking mga pinaggagagawa, kitang kita ko pa nga ang bahagyang pagngisi nito ng akbayan ako ni Daddy para hindi ako makaalis. Nakakainis talaga siya. I so hate him!

"Hindi ako sasabay pauwi, may pupuntahan pa ako" sabi ko kay Daddy ng palabas na kami sa Herrer empire na sila naman pala talaga ang may ari.

"Who told you na uuwi na tayo?" Sabi niya sa akin kaya naman muli akong napasimangot.

"Saan ka pa ba pupunta? Pwede bang wag na akong sumama?" Pagmamaktol ko sa kaya habang hinihintay namim ang van.

Pinagtawanan ako nito tsaka ako nito muling inakbayan. "Mag shoshopping tayo, ipagshoshopping kita. Buy everything you want, my treat" sabi pa niya sa akin kaya naman kaagad na nanlaki ang aking mga mata.

"Really!?" Excited na paninigurado ko pa sa kanya.

Kaagad akong niyakap ni Daddy. Mukha lang tuloy kaming magkapatid pag nagaaway.

"Kahit anong gusto ng baby ko?" paninigurado niya sa akin.

Kaagad kong ginantihan ang pagkakayakap niya sa akin. "Thank you, Daddy...so ibibili mo na ako ng car?" Panghahamon ko pa sa kanya pero mas lalong napangisi ito.

"Not now, you're too young for that" napabuntong hininga ako ng wala sa oras pero hindi pa din nawala ang excitement ko.

I'm not excited dahil mabibili ko ang lahat ng gusto ko, partly yes, pero mas naeexcite akong makabonding si Daddy na kaming dalawa lang. Simula kasi ng dumating si Tita Liezel ay inakala na ni Daddy na we are a family. Pero hindi niya maintindihang ayaw sa akin ng bago niyang asawa.

Kung may magagawa lamang si Tita Liezel para mawala ako sa family ay gagawin niya lalo na't buntis siya ngayon.

"Do you want to eat first o mag shoshopping ka na?" Tanong niya na may kasamang pangaasar.

"I'm still full, pinakain ako ng breakfast ni Kuya Alec" kwento ko sa kanya habang nagsisimula na akong maglog in sa outfit of the day, fashion app na palagi kong ginagamit pag nagshoshopping ako. Para siyang online magazine.

I'm sure walang ganuon account si Natasha. Yun pa! Eh bobo naman pagdating sa fashions and outfit yun, minsan ay ginagaya niya lang ako.

Nawala ang concentration ko ng muli akong lapitan ni Daddy. "Mukhang magkasundo kayo ni Alec" puna niya sa akin kaya naman kaagad akong napanguso sa kanya.

"No Dad. I hate him never kaming magkalasundo non, he is so boring, matanda na kasi...wala pa ba yung girlfriend or asawa kawawa naman" sabi ko pa kay Daddy na ikinatawa niya.

"You're so mean, Brenda, hindi mo ba alam na maraming may crush dun" kwento pa sa akin ni daddy na parang kabarkada ko lang.

"Tss. Sinong babae naman ang gusto ng masungit na kagaya niya...yucks ang daming lalaki sa mundo noh!" Paglaban ko pa kay Daddy.

Tinawanan lang ako nito habang nagshoshopping kami. Nilubos ko yung kabaitan ni Daddy kaya nama kahit ang mga kasama naming bodyguards ay medyo pagod na din kakalibot sa mall. Dagdag mo pa na ilang beses akong nagpapalit palit ng damit.

"Talo mo pa ang artista anak" pangaasar niya sa akin ng umoorder na kami sa isang cafe.

Sinimangutan ko si daddy. "Daddy mas maganda pa ako sa artista" matapang na sagot ko sa kanya.

Natatawang napailing si daddy sa akin. "Siguradong tuwang tuwa sayo ang Mommy mo kung nandito iyon" natatawang sabi pa niya pero ng maglaon ay pareho kaming natahimik na dalawa.

"Excuse me Brenda...sa men's room lang ako" paalam sa akin ni Daddy ng mukhang hindi na niya kinaya ang pananahimik naming dalawa.

Simula ng mawala sina Mommy at ang kapatid ko ay wala na akong narinig pa mula kay Daddy. Never naming napagusapan man lang ang aksidenteng iyon, kaya naman hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang aking sarili.

Kahit walang magsabi sa akin, alam ko sa sarili kong ako ang may kasalanan. Pero mukhang mas masakit pa dahil tahimik lang siya, mas gusto ko kasing malaman kung ano yung nasa isip ni Daddy. Gusto kong sumbatan niya ako para naman mapaliwanag ko din sa kanya yung side ko kung magkataon.

Maya maya ay nagtaka ako ng humahangos na bumalik si Daddy mula sa comfort room.

"Brenda, i'm so sorry, we need to go home masakit daw ang tiyan ng Mommy Liezel mo" aligagang sabi nito sa akin.

Hindi na niya ako hinintay pang makasagot. Mabilis siyang nagiwan ng pera sa lamesa at binuhat ang mga paper bags na nadampot niya kasama ang bodyguard namin.

Muli ay tumunog nanaman ang orasan ni Cinderella. "Times up, Cinderella" mapait na sabi ko sa aking sarili bago ko sinukbit ang bag ko at tsaka sumunod na din sa kanila.

That evil woman! Nalaman niya sigurong nagbobonding kami ni Daddy kaya gumawa nanaman siya ng paraan para umeksena. She is so heartless! Anak pa din ako...ako pa din ang legal na anak ni Daddy.

"Bon, humanap ka ng mas mabilis na daan" utos ni Daddy sa driver namin.

Kitang kita ko kung paano siya mataranta at magalala. Mas lalo tuloy tumutusok sa dibdib ko ang sinabi sa akin ni Tita Liezel na maiitsapwera ako pag lumaki na ang pamilya nila ni Daddy.

"What happend?" Nagaalalang tanong ni Daddy ng hindi pa nahusto si Tita at talaga sinalubong pa niya kami.

Kitang kita ko kung paano pumait ang kanyang pagmumukhang ng makita niya kung gaano kadami ang binili ni Daddy para sa aking. Isa siyang napakalaking inggitera.

Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod nilang paguusap dahil tuluyan na silang umakyat sa kanilang kwarto.

"Paakyat na lang po niyan sa kwarto ko" utos ko sa isa sa aming mga kasambahay.

Muli akong lumabas ng bahay at tsaka tumawag ng driver. "Saan po tayo Ma'm?" Tanong ng driver namin.

"Taguig" maiksing sagot ko sa kanya.

Habang nasa byahe ay tinawagan ko na sina Chatterley at Ivoree. Kaagad naman silang nagsabing pupuntahan nila ako kaya naman napasandal na lamang ako sa at tsaka pumikit.

"What happend to you?" Tanong sa akin ni Chatterley ng maabutan niya akong pinaglalaruan ang milk shake ko sa napagusapan naming lugar.

Kaagad siyang tumawag ng waiter para makaorder. Maya maya ay dumating na din si Ivoree.

"Maldita talaga yang step mother mo" inis na sambit ni Ivoree.

Kaagad siyang sinita ni Chatterley na sa aming tatlo ang pinakamahinhin at hindi makabasag pinggan.

"Nararamdaman ko na yung sinasabi ni Tita liezel na maiirsapwera ako pag lumabas na yung baby nila" kwento ko sa kanila.

Sa kanilang dalawa lang ako mahina. Sa kanila ko lang kasi kayang ilabas kung sino talaga ako.

"Hindi mangyayari yun Brenda, kita mo naman kung gaano ka kamahal ng Daddy mo eh" sabi sa akin ni Chatterley.

Napayuko na lamang ako. "Anong gusto mong gawin natin?" Matapang na tanong ni Ivoree na tagapagtanggol naming dalawa ni Chatterley.

"Ayokong dumating pa sa point na kakailanganin ko pang umalis sa bahay dahil na out of place na ako" sabi ko sa kanila.

"So...anong plano?" Tanong ni Chatterley sa akin.

"Siguro kailangan ko ng magasawa para makaalis na ako sa bahay" diretsahang sabi ko na naging dahilan para halos sabay silang mabilaukan.

"Seriously, Brenda?" Hindi makapaniwalang tanong ni chatterley sa akin.

"Eh wala ka pa ngang boyfriend eh!" Natatawang dugtong niya sa akin.

Pero dahil always supportive si Ivoree. "Edi hanapan ng boyfriend yan!" Desididong sabi niya.



(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro