Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

"What the hell" sambit ni Alec ng tuluyan na niyang makita kung ano ang aking hawak.

Mabilis niyang kinain ang distantya naming dalawa at kaagad na hinablot sa akin ang litrato. Napatingin ako sa kanya at halos manlamig ako ng makita ko kung gaano puminta ang sakit sa kanyang mukha at mga mata ng makita niya kung ano ang nangyari sa picture frame na mukhang kinaiingat ingatan niya.

"Liar" matigas at punong puno ng hinanakit na sambit ko sa kanyang pagmumukha.

Kaagad na nagbago ang kanyang reaskyon ng lumipat ang tingin niya sa akin.

"Brenda" tawag niya sa akin at akmang hahawakan ako ng kaagad akong umiwas. Kaagad ko siyang nilagpasan at aalis na sana duon ng muli siyang magsalita para pigilan ako.

"Brenda wala na si Eve..." sambit niya na halos muntik na nga siyang pumiyok.

Mas lalo kong naramdaman ang sakit gayong nararamdaman ko ding nasasaktan siya. Hindi ko siya magawang lingonin, ang tanging kaharap ko lamang ay si Elaine at Axus na nanatili duon sa may pintuan at nakatingin sa akin, pareho siyang nagaalala.

"Baby, let's leave them first" rinig kong sambit ni Axus kay Elaine at tangkang isasara ang pintuan ng pigilan ko siya.

"Don't close the door, aalis ako" sabi ko at muli na sanang hahakbang paalis duon ng hinila ni Alec ang aking braso para pigilan ako.

"Leave us" matigas na sambit niya kay Axus. Tumingin muna ito sa akin bago niya dahan dahang sinunod ang inutos ng kapatid.

Nang tuluyan ng maisara ni axus ang pintuan ay kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak. "Ano bang problema? Tell me..." pagsusumamo sa akin ni Alec.

Napalunok ako bago ako napatitig sa kanyang mukhang nangungusap. Ano nga ba ang problema ko? Tanong ko din sa aking sarili. Lahat ng nakakaalam ng ginawa ko kay Alec after our wedding ay iniisip na kaya ako bumalik ay dahil pa din sa pera. Hinayaan ko silang isipin iyon, pero alam ko din sa sarili kong hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit pumayag ako na bumalik sa kanya.

Hindi iyon dahil natatakot ako na baka ipakulong niya si Dad if ever na hindi ko sinunod ang sasabihin o iuutos niya kundi dahil alam ko sa sarili kong mahal ko si Alec. Mahal ko siya kaya nga naging mahirap sa akin nuon na piliin at unahin ang pamilya ko para sa planong pagnakawan siya. Hindi ko man ginusto at nagawa ko. Pero kalakip din naman nuon ay ang sakit na nararamdaman ko.

Mahal ko si Alec kaya naman handa na akong ibigay sa kanya ang buong ako. Na kaya kong patunayan sa kanya na nagbago na ako at hindi na ako ang Brenda nuon na walang ginawa kundi ang pasakitan siya at mangaway.

"Our problem is Eve...si Eve ang problema Alec" nahihiya man akong sambitin ay nagawa ko pa ding sabihin sa kanya.

Mariin siyang napapikit at napabuntong hininga. "Maria, matagal nang wala si Eve...paano naman nating naging problema ang taong matagal ng patay?" May lambing at pagsusumamong sambit niya sa akin. Alec is so frustrated, dapat lang dahil ilang araw na akong hindi mapakali kakaisip tungkol sa ex niya.

"You still can't get over her Alec! You can't love two people at the same time! Even if she is dead or alive!" Mariing pagpapaintindi ko din sa kanya.

Nakatitig siya sa akin, tila binabasa ang mga mata ko. "I'm inlove with you, Maria..." madamdaming sambit niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

Sa hindi ko malamang dahilan ay ni kahit kaunti ay wala akong naramdaman. It might sound sincere pero hindi tumagos iyon sa kalamanan ko, not like that i'm too demanding pero ramdam kong may kulang o para bang may hadlang.

"You're just fond of the idea that you love me...pero deep inside you i know that you are still longing for Eve" matigas at madiing pagpapaintindi ko sa kanya para naman kahit papaano ay hindi na din niya lokohin ang sarili niya by him loving me kahit ang totoo ay he is still inlove with Eve.

Alec might not be that transparent pero kung makikita mo naman sa kanya he is still this mysterious type kaya naman mahirap ding basahin ang mga galaw at paniwalan ang mga sinasabi niya.

"Eve is gone, Brenda can you think of it? Wala na siya..." pagdidiin niya sa akin na para bang naiinis na din.

"That's the point Alec! Kaya nga hirap kang ilet go siya cause I think you still have an unfinished bussiness with her" conclusion ko pa, kahit hindi naman talaga ako sigurado kung ano ang kwento nilang dalawa.

Mahirap kalabanin ang taong patay na, cause you can't blame her or you can't hurt her dahil wala na siya. Pero mukhang mas mahirap kalabanin ang taong akala ng lahat ay patay na pagkatapos ay bigla bigla na lamang susulpot at pwedeng makaapekto sa lahat.

I'm scared. Yun ang totoo kaya marahil ako nagkakaganito ay dahil sa takot na baka ano mang oras at mawala si Alec sa akin. I want him for myself, i'm his wife anyway pero wala namang sigurado sa mundo, he maybe love me today pero paano bukas, sa susunod na mga araw, paano kung malaman niyang buhay si Eve? Paano kung malaman niyang buhay ang pinsan ko?

"She died because of me" malungkot na kwento niya sa akin kaya naman mabilis nanaman na para akong binuhusan ng malamig na tubig na punong puno ng yelo kaya bigla akong nanlamig.

"Wh...what?" Naguguluhang sambit ko.

Napayuko si Alec na para bang may mabigat siyang dinadala at ayaw niyang makita o maramdaman ko iyon sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

"Ho...how?" Halos mautal na tanong ko. Paano nga ba namatay si Ate Evangeline para sa kanila?

"Ca...car accident, hindi ko kasi siya kayang ipaglaban nuon" sambit pa nito at halos madurog ang puso ko ng makita ko kung paano unti unting tumulo ang luha ni Alec mula sa kanyang mga mata.

Napasinghap ako dahil halos hindi ko na magawang huminga ng maayos dahil sa sakit ng aking nararamdaman.

"Ayaw sa kanya ni Mommy, kaya naman hindi ko siya pinaglaban...naduwag ako Brenda, namatay siya ng may galit sa akin, I want to..." hindi na natuloy ni Alec ang kanyang sasabihin dahil sa pagpiyok.

"You want to...what Alec?" Matapang na tanong ko sa kanya.

"If I just could say sorry..." sambit niya.

"What if, buhay siya what would you do?" Panghahamong tanong ko pa sa kanya.

Mula sa pagkakayuko ay napatingin sa akin si alec. "I will just ask forgiveness, to free myself...cause Maria, believe me I want you to have all of me" pagsusumamo niya sa akin na para bang nagmamakaawa siyang paniwalaan ko siya.

Halos masaktan din ako sa klase ng boses niya. I felt it, na hirap na hirap na din si Alec kung ano man ang tinatago at dinadala niya ngayon.

"How can I believe in you now, Alec...hindi ko na din alam" parang maiiyak na sambit ko sa kanya.

Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa siya na din ang bumitaw ang kaagad ako nitong hinila sa braso para mayakap.

"Feel it, baby...I'm so inlove with you" sambit pa niya habang mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.

Everything changed after that day. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil mas naging clingy si Alec o maiinis dahil pinatunayan lang niyang he is really guilty about it.

"Where are you going?" Malambing na tanong niya sa akin isang umaga pagkatapos naming magbreakfast. Nagpaalam ako sa kanya na mawawala ako buong araw.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

Busy ako sa paglalagay ng light make up sa aking mukha pagkatapos kong mag shower. Bihis na din ako at pagbloblower na lamang ng buhok ang kulang ko.

"Uhmmm...kina Chatterley" pagsisinungaling ko dahil ang totoo ay pupunta ako kina Ate Evangeline sa may bulacan.

"I want to have dinner with you tonight, aabot ka ba?" Paglalambing pa din niya sa akin at hindi pa nakuntento niyakap pa ako nito sa likod.

Tiningnan ko sa sa repleksyon ng salamin. "I'll try" sabi ko kaya naman ngumiti na lamang siya sa akin.

Halos hindi ko maayos ang ginagawa ko dahil ibinaon ni Alec ang kanyang mukha sa gilid ng aking leeg. Nagiiwan din ito ng maliliit na halik sa aking batok kaya naman halos makiliti ako.

"Hoy ano ba...ang arte neto" suway ko sa kanya.

"Uwi ka ng maaga mamaya...I miss you" paglalandi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang siniko sa sikmura.

"Tse! Magtigil ka ang landi landi mo" suway ko sa kanya pero tinawanan niya lamang ako.

He throw the picture after ng paguusap namin. Pinapakita talaga ni Alec na he is getting over with the woman they call Eve na pinsan ko.

"What if buhay siya?" Natatakot na tanong ko sa kanya.

Nginisian ako nito. "Edi matatakot ako, takot pa naman ako sa multo" pangaasar niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Yung totoo nga kasi!" Pagpupumilit ko.

Natawa ito dahil sa aking pagmamaktol. "Edi ipapakilala kita, sasabihin kong ikaw na ang mahal ko ngayon..." pambobola pa niya sa akin na hindi ko naman binili bagkus ay inirapan ko na lamang siya.

"Tell me, how can I totally replace her in your heart, Alec?" Tanong ko sa kanya. Seryoso dahil sigurado akong gagawin ko iyon para maayos ang relationship namin, I want this marriage. I want him being my husband. I didn't see anyone else to be called my husband si Alec lang.

Imbes na kausapin niya ako sa pamamagitan ng reflection sa salamin ay pinaharap niya ako sa kanya.

"You already did, i'm sorry for confusing you honey..." paglalambing pa din niya sa akin bago niya buong lambing na inangkin ang aking bibig.

Pagkatapos ng halik na iyon ay wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya.

"I love you, Alec..." sambit ko na ramdam kong ikinagulat niya base na din sa paninigas ng kanyang katawan.

"I know hindi mo paniniwalaan dahil iniisip mong pera lang ang hab..." hindi na niya ako pinatapos pa sa aking sasabihin dahil muli nanaman niyang kinabig ang aking batok at buong buo niyang inangkin ang aking labi.

Dahil sa kalandian ni Alec ay hindi ako nakaalis kaagad papuntang bulacan. Gamit ko ang kulay silver na maserati na ibinigay sa akin ni Alec. He told me that I can have it kaya naman ginamit ko na. I miss my car sa US. Ginagamit din iyon ni Dad sometimes kaya naman naaalagaan pa din.

"Evangeline Javier" sabi ko sa tinderang pinagtanungan ko.

Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila sa bulacan. I know meron silang condo sa Makati pero never pa akong nakapunta sa bahay nila sa bulacan.

"Walang ganun dito hija, meron kami dito Eva Wilson" sabi niya sa akin.

Napaisip tuloy ako bigla kaya naman kaagad kong kinuha ang cellphone ko para maipakita ang litrato ni Ate Evangeline na medyo may kalumaan na.

"Ito po ang itsura niya" sabi ko sabay pakita duon.

Biglang parang nagliwanag ang mga mata ng aleng napagtanungan ko ng makita niya ang litrato. "Ahh...siya yun siya yun" paninigurado niya sa akin kaya naman kaagad din akong natuwa dahil kanina pa ako paikot ikot.

Tinuro sa akin ng tindera ang daan papunta sa sinasabing mansyon daw nila Ate Eva.

"Andyan po ba si Ate Eva...uhmmm Evangeline Wilson" tanong ko sa guard na sumalubong sa akin.

Tama nga ang pagkakasabi ng tindera, mala mansyon nga ang bahay nila Ate Eva. Sandaling pumasok ang guard at pagbalik nito ay pinapasok na niya ako.

"Brenda?" Tawag niya sa akin pagkababa na pagkababa ko sa aking sasakyan.

Hindi ko alam kung yayakap ba ako o ano, pero kalaunan ay may nanaig ang pagiging magkadugo namin kaya naman kaagad ko siyang sinalubong at tsaka niyakap na mabilis din naman niyang ginantihan.

"Napadalaw ka, nahirapan ka bang hanapin to?" Tanong niya sa akin at niyaya na ako nito papasok sa kanilang malamansyong bahay.

"I never know na may asawa ka na pala, hinahanap kita sa apelyido ni Tito, iba na pala ang surname mo" kwento ko sa kanya na nginitian lamang niya.

Habang pinagmamasdan ko si Ate Eva ay parang may nakita akong mali. "Ate anong nangyari dito?" Tanong ko sa kanya. She has this small cuts and bruises.

Hahawakan ko sana ng kaagad siyang nagiwas ng tingin. "Ah wala yan" pagiwas niya sa akin.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay kaagad na may dalawang batang sumalubong sa kanya. They are twins two girls to be exact.

"Mommy" tawag nila kay Ate Eva.

"Kissed Tita Brenda...cousin siya ni Mommy" malambing na utos niya sa mga ito na kaagad naman nilang sinunod.

"Hi Tita brenda" malalambing na bati nila sa akin, they even kissed my cheeks. Kaya naman kaagad ko silang niyakap na dalawa.

"They are so beautiful" sabi ko kaya naman napangiti lamang si Ate Eva.

Muli akong napalingon sa buong paligid. "Where's your husband?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa Manila, he's a doctor" sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.

Habang kasama at kausap si Ate eva ay unti unti kong inaalam kung ano nga ba ang mga possibleng nagustuhan ni Alec sa kanya. She is beautiful, it is given in our genes. Mahinhin siya at maalaga. She is sweet too. So loving, Kitang kita ko sa kung paano niya tingnan ang mga anak niya. She is a wonderful person.

Pumunta kami sa garden para magmirienda. Kasama namin sina Chantal at Channel. They are both wearing a dress kaya naman parang prinsesa silang dalawa.

"Mommy uuwi po ba si monster ngayon?" Sweet ang boses ni Channel pero ramdam na ramdam ko ang takot dito kaya naman kaagad na napakunot ang aking noo.

"Baby...wag mong tawagin ng ganyan si Daddy" malambing pero may pagdidiin na suway ni Ate eva sa anak.

"I'm scared" sabi nito tsaka kaagad na yumakap sa kanya.

Hinintay kong malibang ang mga bata sa paglalaro bago ko kinausap ng maayos si Ate eva.

"Ate...maayos ba ang pakikitungo ng asawa mo sayo?" Diretsahang tanong ko sa kanya.

Kaagad kong nakita ang pagkataranta nito. "No...no, hindi ganuon Brenda" pagtanggi niya pero alam kong nagsisinungaling lamang siya.

Kaagad kong hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Ate eva, you can tell me...I want to hel..." hindi na niya ako pinatapos.

Nagulat ako ng biglang naging matapang ang mukha nito. "Go and make it straight to the point Brenda, alam kong may ibang pakay ka" seryosong sabi niya sa akin na ikinagulat ko naman talaga.

"Ate..." pagtawag ko sa kanya cause I want to talk to her in a nice way. Ayokong pagkatapos nito ay magaway kami, I can't lose another member of the family.

"Is it about Alec?" Panghahamon niya kaya naman kaagad akong nahiya para sa aking sarili.

Hindi na ako nagsalita pa dahil hindi ko na din naman alam ang aking dapat sabihin. Bigla akong nawalan ng salita, I lost words.

"What is it about Alec, Brenda? Itanong mo na, anything sasagutin ko" panghahamon niya sa akin.

Mabilis akong napalunok para matanggal ang kung anong malaking nakaharang sa aking lalamunan. "Why...bakit hindi ka nagpakita sa kanya, bakit hindi ka bumalik sa kanya?" Tanong ko dito na hindi ko din sigurado kung saan nanggagaling ang sakit.

Napaiwas siya ng tingin sa akin kaya naman sinundan ko iyo. Nakita kong pinagmamasdan nito ang kanyang mga anak. "They are the only reason why i'm still alive Brenda" halos mangiyak ngiyak niyang sambit.

"Si Tristan ang naging doctor ko pagkatapos kong maaksidente, siya ang nagalaga sa akin, kinupkop niya ako at pinatira dito sa bahay niya, hanggang sa ikasal kami...nagkaanak at ito, isang pamilya" kwento niya habang patuloy pa din ang pagtitig niya sa kanya mga anak.

"Ma...masaya ka ba?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig, pero mapait lamang akong nginitian ni Ate eva at tsaka siya umiling.

"I never been happy...cause I'm still in love with Alec" sabi niya na parang isang bombang nagpaguho sa aking buong mundo.




 (Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro