Chapter 23
"Natasha, please" frustrated at pagbabanta sa kanya ni Alec.
Ang pagkakakapit ko sa kanyang braso ay unti unti kong niluwagan. Rinig na rinig ko pa ang pag ngisi ni Natasha na sinadyang gawin dahil sa pagbaba ko ng tingin.
"Don't try to mess with my wife this time" pagbabanta pang muli ni Alec sa kanya.
Hindi ko man tingnan ay ramdam ko ang talim ng tingin nito sa akin kaya naman ng tuluyan ko nang maibaba ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito sa kanyang braso ay nabigla ako ng higitin ako nito sa aking bewang na mas lalong nagpalapit sa aming dalawa.
"Let's go" sabi niya sa akin tsaka niya ako ginaya papunta sa kanyang opisina.
Tahimik lamang ako hanggang sa nakapasok na kami duon. Kaagad akong napanganga sa malaking salamin na tanaw ang buong Manila. Halos tanaw ko na din ang Manila bay dahil halos kalahati ng wall ang laki ng salamin na iyon.
"Do you want to drink something?" Malambing na tanong niya sa akin habang halos magtaasan ang balahibo sa aking batok ng magtaas baba ang kamay nito sa aking bandang bewang.
Napailing na lamang ako kanya sabay iwas ulit ng tingin at muli nanamang napadako ang tingin ko sa malaking salamin niya.
"Don't mind Natasha, she won't change the fact that you are my wife" seryosong sabi niya sa akin kaya naman napalunok ako.
Sandaling lumabas si Alec para kausapin ang kanyang secretary pero agad din namang bumalik at naging busy sa harapan ng kanyang laptop at ilang mga folder na may lamang mga documento.
Mula sa pagtanaw ko sa view ay muli kong ibinalik ang mga tingin ko sa busy na si Alec. Seryoso ang mukha nito habang binabasa ang ilang mga documento bago niya ito pirmahan.
Mabilis akong napaiwas ng tingin ng bigla bigla na lamang itong tumingin sa akin.
"May gusto ka ba?" Nakangising tanong niya kaya naman sa hindi malamang dahilan ay uminit ang aking magkabilang pisngi.
"Sayo? Wala noh!" Madiing sabi ko sabay irap sa kanya.
Mas lalo itong napangisi ito lalo at presko pang napahilig sa kanyang swivel chair. "Sa akin alam kong may gusto ka, but what I mean is...may gusto ka bang kainin o inumin? Tell me, pwede ko namang utusan ang secretary" paliwanag niya sa akin na may kasamang pangaasar na din.
"Ayaw ko" mataray na sabi ko sa kanya tsaka ko siya tinalikuran.
Matapos iyon ay muling bumalik sa Alec sa pagiging seryoso. Totoo nga ang sinabi nilang sobrang dedicated ng mga ito sa trabaho. Siguradong hinding hindi ito maghihirap kahit kailan.
"May charger ka ba? Na lowbat ako" sabi ko dito na may kasamang inis at panghihinayang dahil enjoy na enjoy ako sa paglalaro ko.
Umiling si Alec pero, may dinukot ito sa kanyang drawer. "You can use my phone" sabi niya sa akin.
Nagdalawang isip muna ako bago ako tuluyang tumayo at tsaka ko iyon kinuha. Ok nang manghiram kay Alec kesa naman mabulok ako sa aking kinauupuan na dilat ang mata.
Sobrang kakaiba ng aking pakiramdam na para bang ngayon lamang ako nakahawak ng cellphone. Kakaiba sa pakiramdam na ngayon ay hawak ko ang cellphone ni Alec Herrer. It's his privacy pero hinayaan niyang makuha at mahawakan ko.
Imbes na magdownload ng larong nilalaro ko kanina ay palihim kong binuksan ang mga social media apps niya. Maging ang messages niya ay halos magulat ako ng sobrang daming unread message duon.
Muli akong napasulyap kay Alec at nakita ko namang busy pa siya kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa. I'm his wife anyway. Pag kumbinsi ko sa aking sarili dahil sa aking ginagawa.
Makailang beses na tumaas ang sulok ng aking labi dahil sa iilang tagged post kay Alec sa facebook. Ang iba duon ay nasa bar. Maraming babae pero marami din namang lalaki. I didn't know na nakakapagbar pa siya at night despite of his busy schedule.
"Let's go, the meeting is going to start in a few minutes" biglaang sabi ni Alec kaya naman mabilis kong pinatay ang hawak na cellphone.
"May problema ba?" Tanong niya sa akin sabay baba ng tingin sa cellphone na hawak ko.
Napataas tuloy ng wala sa oras ang isang kilay ko. He sounds so defensive na para bang may itinatago siya duon na hindi ko dapat nakita.
"Bakit may pro-problemahin ba?" Mataray at panghahamon na tanong ko din sa kanya.
Kumunot ang noo nito. "What did you see?" Tanong niya sabay lapit sa akin tsaka niya kinuha ang cellphone sa aking kamay.
"Just your night life" inis na sabi ko tsaka ako tumayo at inis na lumakad papalapit sa may pintuan.
"Those tagged pictures is just an office celebration" defensive na sabi niya sa akin na hindi ko naman pinapakinggan.
Naglalakad kami papunta sa isang hallway kung saan tanaw ko na ang double door na nalaman kong conference room nila ng makita kong may mga ilang empleyado ang naglabas masok duon.
"Office celebration mo mukha mo" inis na bulong ko pa.
Magsasalita pa sana si Alec ng kaagad ng sumalubong sa amin ang kumpol ng mga kalalakihan. May mas matanda sa kanya at ang ilan ay kasing edad niya lamang din. They we're all in their corporate attire. Nagpasalamat tuloy ako na kahit papaano ay naging too much ako for an office visit.
Their chit chats got destructed when they see Alec's presence. They were all smiles while looking at us, pero napawi ang aking ngiti ng makita ko nanaman ang matatalim na tingi sa akin ni Natasha.
Dahil sa pagkainis sa kanya ay nagsisi tuloy ako na hindi aki kumapit kay Alec para naman himatayin na si Natasha sa sama ng loob kung nagkataon. But Alec Herrer here comes again. He never failed to do the moves at the right time.
"This is my wife, Brenda Herrer...meet Mr. Rajo one of the boards" pagpapakilala sa akin ni Alec sa mga ito.
Ilan pang mga tao ang kinamayan at nginitan ko bago kaming lahat tuluyang pumasok sa kanilang conference room. The room was huge, the interior and the vibes reminds me on our conference room in our company.
Umupo si Alec sa gitna kung saan may isa pang swivel chair na inilagay ang tingin kong secretary niya. Hindi ko alam kung bakit I feel relieved ng makita kong may wedding ring na ito sa kanyang daliri.
Umupo si Natasha di kalayuan kay Alec kaya naman mas lalo kong inusod ang swivel chair ko palapit kay Alec habang nakatingin kay Natasha para mas lalo siyang mainis.
"Bakit kaya hindi ka na lang kumandong sa akin?" Biglang tanong ni Alec habang ang kanyang labi ay halos dumikit na sa aking tenga.
"Huh?"
Napairap ito. "The boy, De Guzman, kanina ka pa tinitingnan" inis na bulong niya sa akin kaya naman napalibot ako ng tingin sa paligid at duon ko nga nakita ang pagtingin sa akin nung lalaking tinutukoy ni Alec.
I felt somehow a big relief dahil inakala kong kaya nito sinabi iyon dahil nahalata niya ang ginagawa kong paglapit sa kanya para inisin si natasha.
"Let him, hindi naman nakakamatay ang tingin" wala sa sariling sabi ko. Totoo naman iyon, wala namang problema kung tingnan niya ako. He can't even touch me. Kaya naman tuloy hindi ko alam kung ano ang gustong ipaglaban ni Alec.
"I'm not comfortable with that, f*ck I want to punch his face" galit na sabi nito kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang sikuhin siya.
"Wag ka nga, para kang abno diyan. Si Natasha nga kanina pa ata hinuhubaran sa isip niya" inis din na sabi ko sa kanya while looking at Natasha's bitch face.
"She's always like that" tamad na kwento ni Alec na nagpapintig sa aking tenga.
"And you let her?" Inis na tanong ko sa kanya.
His angry face suddenly turned into an amused one. "Let her, hindi naman nakakamatay ang tingin" nakangising panggagaya niya sa aking sinabi kanina.
"Nakakainis ka" gigil na sambit ko dahil sa sobra sobrang pagkainis sa kanya.
Mas lalong lumaki ang ngisi nito. "Nakakagigil ka" sambit niya with lip bite pa kaya naman halos masamid ako sa aking sariling laway.
Hindi ako makapagconcentrate sa meeting dahil bukod sa nakakailang na ngang tingin nung lalaking sinasabi ni Alec ay wala sa kanilang discussion ang aking pagiisip.
For the break. One of the boars member is celebrating his birthday kaya naman nagpakain ito. Everyone was served, even it is a birthday blow out, the way they serve the food is still elegant and neat.
"Comfort room lang ako" paalam ko kay Alec.
Aangal pa sana ito ang kaso ay may biglang lumapit sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at mapigilan pa ako dahil kaagad na akong tumayo at lumabas ng conference room. Some women was walking in some direction with their pouch kaya naman sinundan ko na lamang ang kanilang lakad.
I do what I need to do hanggang sa mawala na ang maiingay na usapan ng mga empleyadong sinundan ko kanina.
"Look who's here" maarteng saad ni Natasha pagkabukas ko ng cubicle.
Inirapan ko siya. "Look who's here, look who's here ka diyan...for your information nauna ako sayo dito" tamad at walang kagana ganang sambit ko.
I look at my face in the mirror and wash my hands habang nakatingin lamang sa akin si Natasha.
"Why did you come back?" Naniningkit ang matang tanong niya sa akin.
Napa O ang aking bibig sabay takip duon gamit ang aking kamay. "May problema ba duon? Masama bang balikan ko ang asawa ko?" Mapanuyang tanong ko sa kanya dahil konting konti na lang talaga ay papatulan ko na ang kanina pa niyang pangengealam sa amin.
Mapangasar itong ngumisi sa akin. "Matapos mo siyang nakawan at iwanan? Ang kapal naman ata ng mukha mo, Brenda" pangiinsulto niya pa sa akin.
Hindi ako nakapagsalita, nawalan ako bigla ng gana na sagutin siya. "What do you think of yourself? Bilib na bilib ka pa din sa sarili mo that's why you think na ikaw lang ang bagay kay Alec Herrer?" Sumbat pa niya sa akin.
Naningkit ang aking mata sa kanya. "Seriously Natasha, what's your freakin problem with me?" Inis na tanong ko kanya.
Kitang kita ko ang pagkuyom nh kamao nito. "You don't deserve Alec Herrer!" Hiyaw niya sa akin na para bang may inagaw akong kung ano sa kanya.
"So you do? You deserve him, ganuon ba Natasha?" Panghahamon ko sa kanya.
"You're a bitch! You don't belong here" patuloy na hiyaw niya sa akin.
"But he choose me...he wants me here, kaya ako nandito" pinal na sanang sabi ko at balak ko na sana siyang talikuran ng hawakan niya ang aking braso para pigilan ang aking pagalis.
"How sure are you na hindi siya nainlove o nakakita man lang ng ibang babae while you are away?" Mahinahon man ay nanghahamon pa din ito.
"If he does...then why do he need me back?" Panghahamon ko din sa kanya so that matauhan man lang siya even just a little.
"He bedded so many girls...hindi mo kayang punan ang pangangailangan niya" sumbat pa niya sa akin. With that, I admit na nasaktan ako. But anong magagawa ko, I made him that.
"Are you telling me na isa ka duon?" Panghahamon ko pa.
Sandaling napatahimik si Natasha kaya naman may lalong may tumubong kaba kasabay ng sakit sa aking dibdib.
"Yeah...we did it" mahinanong saad niya na halos ikatigil ng aking paghinga.
"Well then...I'm still lucky I don't belong to that other girls" madiing sabi ko sa mga huling salita bago ko tuluyang binawi ang braso ko sa kanya at tsaka ko lumabas duon.
Wala na akong lakas pa ng loob na bumalik duon. I don't want to see Alec for now kaya naman nag dirediretso ako sa paglabas. I wanted to text him na masama ang aking pakiramdam pero naalala kong patay na nga pala ang aking cellphone.
Mabilis akong pumara ng taxi. Imbes na sa bahay ni Alec ako pagpadiretso at nagpahatid ako sa aming dating bahay. Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Hindi ko din alam kung saan nga ba talaga nanggagaling ang lahat ng luha na dala ng mabigat na pakiramdam.
"Mommy...mommy masakit po" umiiyak na sabi ko sa gitna ng pagiyak ko sa loob ng aming bahay.
Iniyak ko ang lahat ng kaya kong iiyak. Tutal ay wala namang ibang tao kundi ako lamang. I even feel secured and comfort dahil pakiramdam ko nasa tabi ko lang si Mommy.
"I hurt him, he has the right to do it with other girls...pero hindi ko naman ginustong iwanan siya. I love him" humihikbing bulong ko. Mas pinili kong umakyat sa aking dating kwarto at duon mag pahinga.
Bagsak na bagsak ang aking katawan, wala naman akong ginawa kundi ang umiyak lang pero parang binugbog ang katawan ko sa sobrang bigat nuon. Halos papalubog pa lang ang araw ng umalis ako sa opisina ni Alec. I wanted to tell him that i'm ok, para naman hindi siya magalala pero hindi ko magawa dahil wala ng battery ang aking cellphone.
The sound of our old ancestral clock wakes me up sign that's it's already 12 midnight. Imbes na bumangon ay mas lalo pa akong lumugmok sa aking kama.
Kung makakabalik lang ako sa dati, sana hindi ko na lamang nagawa ang mga nagawa ko. Pipikit na sana muli ako para umidlip ng biglang malakas na bumukas ang pintuan sa aking kwarto. Tatalon na sana ako sa takot ang kaso ay mas lalo akong natahimik ng makita ko kung sino ang nagbukas nuon.
"Al...alec anong gina..." hindi na ako nito pinatapos sa aking sasabihin ng mabilis siyang naglakad papalapit sa akin at tsaka hinigit ang aking braso.
Sobrang nakakatakot ang mukha nito, namumula ang mata, pawis at hinihingal.
"Alec" natatakot na tawag ko sa kanya.
"Akala ko umalis ka nanaman" seryoso pero may bahid ng takot na sabi niya.
"Sorr..."
"MARIA!" galit na sigaw niya kaya naman napaiktad ako.
Titig na titig ito sa akin. Nanginginig din ang kanyang labi dahil sa hindi ko malamang dahilan.
"Kanina pa kita hinahanap! Ang sabi mo mag ccr ka lang. Tangina, Brenda alas dose na ng madaling araw. Kung saan saan ako ng galing kakahanap sayo! Umuwi kaagad ako sa bahay pero wala ka duon! Papatayin mo ba talaga ako ha? Papatayin mo ba ako!?" Sigaw niya hanggang sa unti unti ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Hindi ko sinasadya...sorry, Alec" nakayukong saad ko sa kanya.
"Anong problema, tell me" galit na utos niya sa akin.
Hindi ko kayang umiling. I want to let my heart out. Hindi rin naman ako mapapakali kung hindi ko masasabi ito.
"Did you slept with other girls?...did you slept with Natasha?" Umiiyak na tanong ko sa kanya.
Muli sa galit na pagtitig ni Alec ay napapikit siya. "No, Maria" diretsahang sambit niya na hindi ko kaagad pinaniwalaan..
"Liar...Natasha told me, Clark too. You slept with other girls" parang batang pagsusumbong ko sa kanya.
"That's not true, Maria is this your only reason why you hide?" May pagbabantang sabi niya sa akin.
Napaiwas ako ng tingin. "Yun lang?" Dugtong na tanong pa niya sa akin.
Napalunok ako. "Then what did you do? Tama sila Alec, lalake ka you have the needs..." sagot ko pa.
His eyes turned dilated again while looking directly at me. "I have my ways, Maria" sagot niya sa akin na hindi ko pa din naman tinanggap.
"What ways?" Panguusisa ko pa.
Napaiwas ito ng tingin kasabay ng pamumula ng kanyang mukha. "I can do myself, hindi naman ganuon ka..." hindi na din niya natuloy ang kanyang sanang sasabihin dahil parang nahihiya na din ito.
"Hindi ka ganuon ka maniac? Maniwala ako sayo!" Mapanuyang saad ko hindi pa din matigil sa pagmamaktol.
"Maria, your reason to hide in this house is not acceptable. Hindi mo ba alam na halos ikamatay ko ng isipin kong nawawala ka nanaman. Tapos malalaman kong ang tanging rason mo lang ay dahil sa maling balitang nalaman mong nakipagsex ako sa iba" paggalit na sabi niya sa akin.
"Lang!? Ayoko!" Sabi ko pa sa kanya.
"That's why I told you hindi nga, I never slept with other girls" madiing pagpapaintindi niya sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro