Chapter 20
"Dad...calm down please" panunuyong bulong ko kay Daddy.
His muscle is tensed. Kitang kita ko din ang galit na ugat nito sa may sentido.
"Mr. Arenas...do you have problem with that?" Seryosong tanong ni Alec sa aking Daddy.
Matalim ko siyang binalingan. Wala siyang respeto kay Daddy, ni hindi niya magawang maghintay. I told him na ako na ang bahala, ako ang kakausap kay Daddy tungkol sa paguwi ko ng pilipinas pero hindi siya makapaghintay.
"I don't want lies, Brenda...sawang sawa na ako" pagdadahilan niya sa akin ng sabihin ko sa kanyang hindi kailangan malaman nila Daddy dahil siguradong magaalala lamang ito sa akin.
"We'll pay you Alec...just, just spare Brenda. Kung sasaktan mo lang ang anak ko para makaganti sa akin wag na." Madiing pakiusap sa kanya ni Daddy.
Alec's eye remained blank. May kung ano tuloy na kumirot sa aking puso ng isipin kong iyon nga ang balak ni Alec sa akin. I know that I did something wrong to him pero sana naman wag yung feelings ko. It's still vulnerable, the moment I leave him after our wedding halos araw araw na bumabaon ang kutsilyong ako mismo ang nagtarak sa aking puso.
"Who told you that Mr. Arenas? I don't do revenge...it's not in my vocabulary" sagot niya kay Dad.
He is still straight, ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon at mga galaw niya. He stepped into our house like someone who is stoned hearted that will get whatever he wants no matter what happend.
"Hindi ko kayang magkalayo kami ng anak ko. Babayaran namin ang lahat ng kinuha namin sayo" pakiusap niya Daddy.
Nang marinig ko ang nagbabadyang pagpiyok niya ay napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Ayoko ding mawalay sa Daddy ko.
Napangisi si Alec, "The moment that you give her hand to me to become my wife...akin na siya Mr. Arenas, asawa ko na siya"
"You didn't even love my daughter!" Galit na asik ni Daddy sa kanya.
Tumalim ang tingin ni Alec at mas lalong nagdilim iyon ng bumaling siya sa akin.
"I want my wife to be with me or go to jail, Mr. Arenas" pinal na saad niya at tsaka mabilis kaming tinalikuran.
"Bastos naman pala talaga iyang Herrer na iyan" nanggagalaiting sambit ni tita liezel.
Hindi ko na napigilan at kusa ng tumulo ang aking mga luha. "Dad...I don't want you to go to jail" paninigurado ko sa kanya.
Mas lalong nagtuluan ang mga luha ni Dad while cupping my face. "I don't want you to get hurt...ayokong masaktan ka" umiiyak na saad niya.
Napailing ako at napapikit ng mariin. If only dad could knew how hard it is for me to leave Alec alone. I'm scared too, natatakot din ako na baka nga tama si Dad kaya lang ako gustong pabalikin ni Alec ay dahil galit siya sa amin at gusto niya lang na may magbayad sa naging kasalanan namin.
"I'm going to be fine Dad" paninigurado ko sa kanya. I want him to see na ayos lamang ako.
"We can also file a case against his brother, lalabanan natin siya" desididong sabi ni Dad na mas lalo lamang nagpakirot sa aking puso.
Marahan akong umiling bago ko pinisil ang kamay ni Daddy. "Ayoko na po ng gulo Dad...i'm so tired" pakiusap ko sa kanya.
Kitang kita ko kung paano lumamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"I'm sorry anak"
It's not that ayokong bigyan ng justice sina Mommy at Brandon pero matagal na iyon, everything is at peace now. Scratching a healed wound won't help it. Let the destiny decide for what is left unpaid.
Tatlong araw hindi nagpakita si Alec sa amin. Kahit ganuon man ay nagayos na ako ng mga gamit ko. I'm going with Alec, hindi ako dapat makampante dahil kilala ko si Alec, hindi iyon titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.
"I also want to go with you" malungkot na sabi ni Dad.
Halos tatlong araw din siyang hindi pumasok sa trabaho para makasama ako.
Umiling ako, "It would be safer if dito na lang kayo nila Tita Liezel ay ng kambal, Dad. Don't worry too much, i'm going to be fine" paninigurado ko sa kanya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.
I hugged Lorenzo and Lawrence very tight. Kahit halos maiyak na yung dalawa dahil sa higpit ng aking yakap. I'm going to miss the twins. Lalo na din ang kasutilan nilang dalawa na mukhang nagmana ata sa akin.
"I'm gonna miss you both" nanggigil na saad ko a nagpaiyak na sa kanilang dalawa.
Hindi kami nagkamali dahil matapos ang tatlong araw na hindi pagpapakita ni Alec ay sumulpot din siya, hindi lamang iyon dahil akala mo kung sinong hari kung makapagutos.
"We're going to be late" paalala niya sa akin to the nth time.
"Oo alam ko" inis na sabi ko sa kanya at tsaka ko siya pinanlakihan ng mata.
Hawak hawak ng dalawang nanny ang mga kapatid ko. Tita liezel and Dad stay inside the house, naiintindihan ko naman iyon dahil sinabi din sa akin ni Dad na baka hindi niya kayanin at hindi na ako nito pasamahin kay Alec pagnagkataon.
"Lorenzo behave ok" paalala ko sa aking numero unong sutil na kapatid.
I kissed them goodbye. Hindi ko tuloy napigilan ang pagtulo ng aking luha kaya naman bago pa iyon lumala ay sumakay na ako sa sasakyan ni Alec.
Dumiretso kami sa airport na walang imikan. I can stay as cold as ice though. Wala naman siyang magagawa kung ayoko siyang kausapin.
"Do you want coffee, juice or water, Ma'm?" Tanong sa akin ng flight attendant.
"Juice will do" sabi ko sabay irap sa kanya.
Kanina ko pa kasi napapansin ang malalagkit na tingin nila ng mga kasama niya sa aking katabi. Hindi ako nagseselos, it's just that na bwibwiset lang ako sa kanilang lahat.
"How about you si..." hindi ko na siya pinatapos sinimangutan ko na lamang siya.
"He's not thirsty you may go" saad ko sabay irap at iwas ng tingin.
Nahihiyang napatango yung flight stewardess na itinulak ang dala niya cart.
"Feisty...I want juice too" nakangising saad ni Alec habang nangaasar na nakatingin sa akin.
Inirapan ko siya. "Manigas ka" inis na bulong ko sabay inom sa aking juice.
He wants be back, then i'll going to give him hell. Ipaparanasan ko sa kanya kung paano siya pumulot ng batong ipupok pok niya sa kanyang ulo.
Inirapan ko siya at tinalikuran pero nagulat ako ng kinuha nito ang halos mangangalahati ko ng baso ng juice.
"Bastos ka Alec, akin yan eh" inis na sabi ko sa kanya.
Walang modo nitong ininom sa aking harapan ang juice ko. "We're husband and wife though, we can share the same glass" sambit niya na mas lalo kong ikinainis.
"And saliva?" Pinanlakihan ko siya ng mata.
Dahil sa aking sinabi ay napangisi ito. "Even saliva..." paninigurado niya sa akin ng ikinataas ng isang gilid ng labi ko.
"Eww" sambit ko sabay iwas ng tingin.
Dahil sa pagod ay nakatulog ako. Kahit papaano ay hindi ko na inaalala ang presencya ni Alec sa aking tabi. I hate him, that's it and I know that the feeling is mutual, he hates me too. We hate each other.
Nagising ako ng marahan akong tinapik ni Alec sa pisngi. "Nag stop over tayo" marahang sabi niya sa akin kaya naman pinilit ko ang sariling gumising.
Napabuga ako ng bayolenteng paghinga. "I still want to rest" saad ko na halos naiinis na.
"We need to transfer..." marahang sambit niya tsaka niya ako inalalayan at hinawakan sa may braso.
Halos maubos ko na ang isang pack ng tissue dahil sa aking sipon. Naalala ko nga palang uminom ako ng gamot bago bumyahe kaya siguro sobrang bigat ng aking pakiramdam at sobra sobra ang pagkaantok na nararamdaman ko.
"You make your self suffer too much, Brenda" galit na sabi niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin, bago sumakay sa susunod na eroplano ay pinainom pa ako nito ng maiinit na kape. He even give me his jacket dahil sa nararamdaman kong lamig.
Muli akong kinain ng antok sa sumunod naming byahe, wala man sa tamang wisyo ay nararamdaman ko pa din ang mga pagsalat ni Alec sa aking noo at leeg.
"Where the heck" nanggagalaiting saad ni Alec pagkalabas namin ng airport. Kahit papaano ay ayos na ang aking pakiramdam. Dahan dahan kong kinain ang hawak hawak kong chicken sandwich habang nanggagalaiting pumipindot si Alec sa kanyang cellphone, wala pa kasi ang driver na susundo sa amin.
"Ano ba, nakakahilo ka na ah!" Suway ko sa kanya, pabalik balik kasi itong naglakad at ako ang napapagod para sa kanya.
Hindi niya ako pinansin. Maya maya lamang ay dumating na ang mukhang driver nito.
"Sorry po Sir Alec, nasiraan po kasi ang van" paumanhin nito.
Na trigger ako dahil baka suntukin niya ito, pero mukhang masyado akong judgemental.
"Ok fine, nasaan na ang van...hindi maganda ang pakiramdam ng asawa ko" seryosong sabi nito sa driver habang nakapamewang pa.
Bayolente kong nilunok ang nginunguya kong sandwich dahil sa narinig. Napabaling tuloy sa akin ang kanyang driver at kakamo't kamot sa kanyang batok.
"Welcome home po Ma'm pasensya na po" nahihiyang sabi niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.
Tumayo ako mula sa kinauupuan kong maleta ni Alec dahil kukuhanin na iyon ng kanyang driver.
Habang nasa byahe ay hindi matigil ang pagtanaw ko sa may bintana. Sobra kong na miss ang pilipinas. Hindi ko iyon inakala. I take everything for granted at hindi ko na iyon muling gagawin. I will appreciate everyhting now, from the smallest.
"Saan tayo?" Tanong ko kay Alec dahil hindi ko na alam kung saan siya ngayon nakatira.
"Sa bahay" maiksing sagot niya sa akin kaya naman napataas na lamang ang aking isang kilay.
Hindi na ako umimik pa. Hinintay ko na lamang na makarating kami sa dapat naming puntahan. Pumasok ang van sa isang exclusive village. Naalala ko tuloy ang bahay namin.
I'll visit the house anytime soon. May mga gamit pa kami duon at namamaintain naman dahil may naglilinis 2 times a month simula ng unalis kami.
Tumigil ang van sa isang kulay puting bahay. Malaki ito at malawak, gate pa lang ay alam mo nang malaki ang nasa loob nito, the house was a combination of white ang brown, sa harapan nito ay isang malaking glass wall na siguradong kitang kita ang malaking chandilier sa labas pag gabi.
"Welcome home, Ma'm Brenda" saad ng mga katulong na ikinagulat ko.
"Bring her things sa kwarto ko" seryosong sabi ni Alec sa mga ito kaya naman napaiktad ako.
"Sa guest room na lang ako" saad ko kay Alec pero kitang kita ko kung paano na tensed ang muscle sa kamay niya maging ang tingin nito sa akin ay nagiba din kaya naman tuloy bahagya akong napaatras.
His pupils are dilated na para bang nakakita siya ng kung anong gustong gusto niya. I'm his wife...and he wants me to take all the responsibilities of a wife to her husband. Beyond anything else wala pa ako ni isang handa na gawin duon. Even cooking for him ni hindi ko pa nga magagawa.
"And why is that? That's nonsense Brenda" sabi niya sa akin at nagsimula nang maglakad palayo sa akin kaya naman ako itong naghahabol sa kanya.
"Alec, I want a seperate room I need my privacy" giit ko sa kanya pero matalim lamang ako nitong tiningnan.
"What privacy? Married women don't need their privacy, Brenda" nakangising sabi niya sabay hagod ng tingin sa akin pababa sa aking katawan kaya naman napayakap ako sa aking sarili.
"Eh...eh basta please Alec" saad ko sabay hawak sa braso niya at tsaka inalog alog iyon dahil sa pamimilit.
"No" maiksing saad niya sabay iwas ng tingin sa akin.
"Pero hindi pa kasi ako sanay na..." hindi nanaman niya ako pinatapos.
"At kailan ka pa masasanay Brenda? If you didn't go years ago...dapat sanay ka na, so bear with it, that's the consequence of what you did" pinal na saad niya tsaka niya ako iniwang nakatunganga duon.
Napanguso ako sabay irap sa kawalan. Tama nga si Dad, kakawawain lang ako ni Alec dito at ipapagawa sa akin lahat ng gusyo niya. Infairness ang damot niya sa space! Isang guest room lang naman ang hinihingi ko sa kanya hindi pa niya maibigay sa akin.
Nag stay ako sa living room habang kinakalikot ko ang aking cellphone. Ibinalita ko na din kina chatterley at ivoree na nakauwi na ako sa Pilipinas. I even scroll on my social media accounts na matagal ko ng hindi binubuksan.
"Please...please Maria, come back home. I will give you everything, give me a chance honey. Come back to me, i'm so inlove with you"
Halos manginig ang kamay kong may hawak sa aking cellphone, that was sent years ago. Days before I left him. Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan at halos mangilid ang luha sa gilid ng aking mga mata.
Alec is inlove with me???
"I'm going to work, you can now enter the room" seryosong sabi niya sabay iwas ng tingin. Mukhang galit ito sa akin.
I want to hug me, tell him that im inlove with him too. Pero may pumipigil sa akin. The fact that he choose to hide everything from me makes me back off. Pakiramdam ko ay awa lamang ang sinasabing love ni Alec for me. Na baka nakukunsensya siya sa kasalanan nila sa amin kaya naman tinitiis niya ako.
"Alec..." sambit ko at lalapitan ko sana siya ang kaso ay naglakad na ito palabas.
Umakyat na ako sa taas. Hindi naman ako nahirapang mahanap ang masters bedroom dahil nakita ko ang mga gamit ko sa paanan ng kama.
Carpeted ang sahig. Malaki din ang kama unang tingin pa lang ay halata ng malambo iyon. It was a mixture of brown and gold. His little chandelier gives more touch of the atmosphere in the room. Grabe para akong nasa isang royal room.
Aayusin ko na sana ang mga gamit ko ng halos mapanganga ako sa napakalaking portrait sa tapat ng aming kwarto.
"Our wedding portrait" saad ko habang manghang mangha akong lumapit duon.
Pagkatapos kong makapagayos ay bumaba na ako. Humanap ako ng driver.
"Ma'm may kailangan po kayo?" Salubong sa akin ng isa sa mga kasambahay ni Alec.
"Uhmm...may driver pa ba si Alec na available? Aalis kasi sana ako, magpapahatid" sabi ko sa kanya in a nice way.
"Uhmm...pinayagan po ba kayo ni Sir Alec? Bilin po kasi niya sa amin na..." hindi ko na siya pinatapos.
"Yes, kakatawag ko lang sa kanya" sabi ko sabay pakita pa ng aking cellphone sa kanya.
Nagaalinlangan man ay tumawag na ito ng driver. Nagpahatid ako sa mall para makapagunwind. Kakagaling lang namin sa byahe pero mukhang bawing bawi naman dahi puro tulog lang ang ginawa ko.
"Brenda?" Tawag sa akin ng isang lalaki kaya naman mabilis akong napalingon.
Kumunot ang aking noo. "Daniel? What are you doing here?" Tanong ko dahil sa pagkabigla sa kanya.
Lumawak ang ngiti nito at hindi na nito napigilang yakapin ako, "I miss you so much...I knew it Brenda, alam ko kung bakit ka biglang nawala, alam kong napilitan ka lang sa kasal niyo ni Herrer, I know that you still love me" tuloy tuloy na sabi niya kaya naman mabilis ko siyang tinulak palayo.
"My gahd Daniel, hanggang ngayon ba naman?" Naiistress na sambit ko sabay ayos sa damit kong halos magusot dahil sa higpit ng kanyang pagkakayakap sa akin.
"I still love you, Brenda...ikaw pa rin" pagsusumamong saad niya sa akin kaya naman napakunot na lamang ang aking noo sa kanya.
Hindi pa ako nakakapagsalita ng muli nanaman itong sumabat. "I know that you still love me too...kaya nga iniwan mo si Alec Herrer pagkatapos ng kasal niyo hindi ba?" Panghahamon na sabi niya sa akin. Handa na sana akong sagutin siya ng magulat ako sa tumawag sa kanya.
"Kuya Daniel?" Tawag nito.
Mabilis akong napalingon kay natasha tio, my ultimate enemy since then. Pero hindi iyon ang totoong ikinagulat ko. Sinundan ko kung saan nakalingkis ang braso nito at kaagad sumalubong sa akin ang matatalim na mata ni Alec.
So this is his work, with Natasha huh!?
"Oh brenda...long time no see" pekeng ngiting sabi niya sa akin.
I remained my eyes straight to her, ayokong tingnan si Alec, naiinis ako sa kanya.
"Hi...bye" pagbati ko sa kanya sabay talikod na din.
"Brenda" pagtawag sa akin ni daniel pero hindi ako duon napalingong muli.
"Maria, let's go home" seryosong sabi ni Alec. Hindi pa man din ako nakakapagreact ay nakahawak na kaagad ito sa aking kamay tsaka ako hinila.
"Teka...kakarating ko pa lang eh" pagmamaktol ko sa kanya.
Hindi ako nito pinakinggan. Halos malapit na kami sa parking lot kaya naman nagpumiglas ako.
"Alec..." tawag ko sa kanya.
"What!?" Asik niya sa akin, galit.
"Mag...mag mamall pa ako eh" sabi ko sabay hawak sa aking palapulsuhan na walang pagiingat niyang hinila.
"With Daniel tio!? With him huh!?" Galit na akusa niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mata.
"Ngayon ko lang siya nakita ulit...ni hindi ko nga alam na nandito siya, ikaw nga diyan kasama mo si Natsha" akusa at sumbat ko na din at the same time.
"Siya ba?" Panghahamon niya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko.
"Mayaman din naman ang mga Tio ah? Bakit hindi siya ang pinakasalan at ninakawan mo? Bakit dahil mahal mo siya?...tell me!" Asik niya sa akin mukhang galit na galit talaga siya at wala akong magagawa para huminahon siya.
Hindi ako nagsalita, yumuko na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan.
"Ah...mas mayaman nga pala kami kesa sa kanila, mas malaki ang makukuha mo sa ak" hindi ko na siya pinatapos. Kaagad na lumipad ang kamay ko sa pisngi niya.
"You don't have the rights to judge me, hindi mo pwedeng pintasan ang isang tao dahil sa isang pagkakamali niya..." galit na sabi ko sa kanya.
Nanatili ang mata nito sa akin. "When I heard about the news...nung nalaman kong binayaran mo ang justice para hindi makulong si Axus wala kang narinig sa akin Alec" sabi ko na nagpabigla sa kanya.
"I didn't judge you kasi hindi naman iyon ang sukatan...you disappoint me, sana nga si Daniel na lang ang pinakasalan ko" diretsahan at buong tapang na sabi ko sa kanya.
"What?" Nakakatakot na sambit niya sa akin.
"Atleast i'm sure, Daniel loves me...not like you" sabi ko at halos mapatalon ako ng walang sabi sabi nitong sinuntok ang bintana ng kanyang sasakyan na kaagad namang nabasag.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro