Chapter 19
"Sinasabi ko na nga ba...may tinatagong baho ang mga Herrer na yan!" Galit na asik ni Daddy.
Magkatulong namin siyang pinapakalma ni tita liezel. I don't know kung saan niya nakuha ang balita but I swear it did not came from me. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sarilihin ang aking nalaman at itago kay Daddy.
"So what do you want to do?" Mapanghamon na tanong sa kanya ni Tita liezel.
Medyo nainis na din kasi ito dahil hindi namin siya mapakalma. Somewhat naiintindihan ko naman si Daddy. Pero part of me was saying so what? May magagawa pa ba kung magagalit kami sa kanila? Sa kanya...kay Alec Herrer na aking asawa? Maibabalik ba ng galit namin ni Daddy sina Mommy at Brandon?
"Matagal na dapat nabulok sa kulungan iyan! Matagal na dapat naming nakamit ang justice para sa aking asawa at anak" tuloy tuloy na sabi ni daddy without even filtering it kaya naman kitang kita ko ang bahagyang pagpinta ng kakaibang sakit sa mukha ni Tita liezel.
Napangisi ito, sinusubukang itago ang pait at sakit na nararamdaman. "Mind you Arthur, kung labanan lang ng kasalanan...mauna kang makukulong kesa sa magkapatid na Herrer na yon" pangaral ni Tita liezel sa kanya.
Napahilamos ng mukha si Daddy. I feel him, nararamdaman ko din naman iyon ang kaso ay naghalo halo na ang nararamdaman ko, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin sa lahat ng iyon.
"At Arthur may I remind you...dati. Dati mong asawa" matigas at pinal na saad ni Tita liezel bago niya kami tuluyang tinalikuran na dalawa.
She has a point though, everyone has on point pero wala kaming magagawa dahil alam naming kahit kami ay kriminal din.
"Daddy..." pagtawag ko sa kanya.
Kitang kita ko sa kanyang mabibigat na paghinga ang bigat ng kanyang nararamdaman. He still love Mommy, at I salute him for that, hindi ko alam kung bakit pero deep inside me, I know that si Mommy pa din ang one true love niya.
"Mommy and Brandon will understand...kung hindi man natin makukuha ang justice, alam kong mas gugustuhin nilang hindi tayo mapahamak" pagpapakalma ko sa kanya.
With one swift move, I saw how Daddy's tears slowly fall from his eyes. And because of that ay napayakap na lamang ako ng mahigpit sa kanya.
"They will understand Dad...they will understand" paulit ulit kong pagpapaintindi sa kanya.
Days passed so fast. We are back in our normal life, if that's what you call it. Simula ng umalis ako sa Pilipinas ay hindi ko na alam kung normal pa ba ang buhay ko.
"Ma'm you have a call from the Philippines" pagpasok ng isa sa aming mga empleyado.
Hindi ko siya matatawag na secretary ko dahil hindi naman ako ang boss, anak ako ng boss na nagtratrabaho sa aming sariling companya yun na iyon at wala ng iba. I want to live very different sa lifestyle ko nung nasa Pilipinas pa ako. I want to be somehow, independent.
"Ok" maiksing sambit ko lamang sa kanya dahil busy ako sa pagrereview ng montly shipping schedule namin.
Wala sa sarili kong kinuha ang telephono at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya. This one is maybe our client.
Napatingin ako sa aking wrist watch. "Hello Goodmorning...This is Brenda Herrer how may I he..." hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng kaagad itong magsalita.
"It's me...Alec" matigas at seryosong sambit nito sa kabilang linya. Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono dahil sa aking narinig, at hindi lamang iyon, dahil na din sa lamig ng kanyang boses.
"M...mr. Herrer how may I help you?" Medyo nanginginig pang sambit ko. Gustong gusto ko nang ibaba ang tawag but part of me says no. I still want to hear his voice.
Nagtaasan ang aking balahibo ng marinig ko ang pagngisi nito. "You're too formal Brenda...it's me, your husband" mapanuyang sabi niya sa kabilang linya.
"Shit" I cursed pagkatapos kong mabilis na ibaba ang tawag. I know he's angry, what should I expect. Him calling me Brenda leaves a hollow space in my stomach, hindi ko na mafeel ang mga malilikot na paru paru dito.
I miss him calling me...Maria
Lutang ako buong araw, sinabihan ko na din si Jenna, isa sa mga emplayedo na wag akong bibigyan ng tawag lalo na kung galing sa Pilipinas.
"Lorenzo" magiliw na tawag ko sa aking kapatid. Lawrence is still sleeping beside him. Sa kanilang dalawa ay si Lorenzo ang pinaka active, mukhang siya ang magmamana ng kasutilan ko kung sakali.
"What do you want huh?" Malambing na tanong ko dito matapos ko siyang kargahin at halikan sa pisngi.
Ang ingay ingay niya kasi at ang kulit pa baka magising niya si lawrence na mahimbing ang tulog.
"May ipapasabay ka ba Brenda? Maggrogrocery kami" sabi ni Tita liezel ng abutan niya ako sa ganuong posisyon.
"Sasama sila?" Tanong ko dito na kaagad naman niyang tinanguan.
Napanguso ako, I want to spend time with the babies though, wala kasi akong gagawin ditong magisa sa bahay. Wala din si Daddy dahil busy sa work.
"Can I go?" Tanong ko, pero ang totoo with or without her permission sasama ako.
"Sure, let's go" saad niya at kaagad na kinarga ang natutulog na si lawrence.
"Stop it, lorenzo" natatawang sambit ko dahil pinaghahalikan ako nito with his laway all over my face.
"You're going with us? Or do you want to stay here with the boys?" Tanong ni Tita liezel sa akin.
"I'll stay here with them, you can have the two Nanny" sabi ko dito, proud na proud na para bang sure na sure akong kaya kong batayan ang dalawa.
Naiwan kaming tatlo sa may food court. I ordered foods and drink while playing with lorenzo.
"Shhh...pahuli kita sa pulis gusto mo?" Natatawang sabi ko sa kanya dahil sa kaingayan niya.
The policeman smile at me after he adorably laid an eye to my twin brothers.
"They are my brothers" I said defensively.
Mas lalong lumawak ang ngiti nito kaya naman napalunok na lamang. Look and sound so defensive Brenda! Damn it.
I ordered a large fries and tacos together with my fresh orange juice, for now nahuhusto pa naman si lorenzon sa pagkain sa kanyang laruan while lawrence is half awake na.
Muntik na akong mabilaukan sa gitna ng aking pagsipsip ng mabilis na ngumawa si Lawrence. Oh my gahd! Looks like another sutil!
Mabilis ko siyang binuhat at hinele. Alam ko namang bagong gising lang siya kaya tinotopak. Pinindot pindot ko din ang laruan niyang tumutunog. Somehow it give him a relief pero mukhang may iba pa siyang hanap.
"What do you want lawrence? Uhmm?" Malambing at may halong panggigigil na tanong ko sa kanya dahil kumpara kay lorenzo na all time active ay mas matambok at fluffy ang pisngi ni lawrence.
Tumulo na ang luha nito kakaiyak. Namumula na din ang kanyang pisngi. Napanguso ako at slighty nafrustrate nang maghalo na ang laway at luha niya kakaiyak.
"No please..,not now, lorenzo" pagmamakaawa ko ng nagsimula na din itong mairita at umiyak sa kanyang kinahihigaan.
"Damn" mahinang bulong ko at naguumpisa na talaga akong magpanic.
Parang pinagkakaisahan ako ng dalawang kapatid ko ngayon. "Tita liezel..." sambit ko while wala ako sariling binubuksan ang aking cellphone trying to contact her.
Mas lalong lumakas ang iyak ni Lorenzo, hindi lang iyon...ngumawa pa siya like parang mauubusan na ng hininga.
"Lorenzo please...shut up" malumanay man ang pagkakasabi ko ay hindi pa din nawala duon ang pagkakaroon ko ng boses na mataray.
"So rude" seryoso pero mahinang sambit ng lalaking kararating lang ngayon.
Kinuha nito ang aking kapatid na si lorenzo at tsaka maingat na kinarga. Konting paghele pa ay nagangat na din ito ng tingin sa akin. Masama at matalim ang tingin niya na para bang it was a sin to look directly in his eyes.
Standing in front of me, is my husband...kitang kita ko sa aura niya ang lubos na galit ay pagkamuhi sa akin. I feel it, at mas lalong nakikita ko iyon.
Someone told me that when a man's pupil became dilated it's just because he likes what he sees. His pupil is now dilated, pero hindi iyon dahil sa gusto niya ang kanyang nakikita kundi dahil galit ang nararamdaman niya para sa akin.
"Wh...what are you doing here Alec?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang aking mga mata. Kung isang bagay lamang siguro itong aking kapatid na si lawrence ay kanina ko pa siya nabitawan.
He blankly look straight at me. "Tell me Brenda, what are you doing here? You are supposed to be in my house. You are my wife"matigas na sabi niya sa akin. With every words damang dama ko ang sumbat at galit.
"Alec..." pangalan na lamang niya ang aking nasambit. I lost words. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Dahan dahan itong lumapit sa akin, karga karga pa din ang ngayong mahinahon nang si lorenzo. Damn that kid! Mapangaasar talaga.
Naningkit ang kanyang mga mata ng mas lalo na siyang lumapit sa akin. "You're sorry? You want to say sorry Brenda?..." mapanuyang tanong niya sa akin.
Napayuko ako, bigla akong kinain ng hiya. Biglang gusto ko na lang magpakain sa lupa.
"Alec I want to...i'm living a normal life here" natatakot na sabi ko sa kanya.
Napaangat ako ng tingin ng humagikgik si lorenzo na hawak niya. He looks at me then he will point his finger to lawrence na para bang inaasar pa niya kaming dalawa.
Napangisi si Alec habang mas lalo niyang kinain ang space sa pagitan naming dalawa. "Magkano Brenda? Magkano ka para gampanan mo ang pagiging asawa mo sa akin?" Mapanuyang tanong niya sa akin.
Nanginig ang aking buong pagkatao. How dare him insult me!?
"Anong sabi mo?" mataray na tanong ko sa kanya. Nangangati na ang kamay kong sampalin siya sa mukha. Pero hindi ko iyon gagawin ngayon lalo na sa harap ng aking mga batang kapatid.
"Sana sinabi mo sa aking kailangan mo ng pera, hindi ka na dapat nag pakasal pa sa akin para makuha ang pera ko...you look so desperate, a go..." hindi ko na siya hinayang matapos ang pangiinsulto niya sa akin.
Alam kong ako ang mali sa aming dalawa, pero wag naman sana niya akong bastusin sa harapan ng aking dalawang kapatid. They are too young at hindi pa naiintindihan iyong mga sinabi niya pero sana naman humanap siya ng lugar na pagsusumbatan niya sa akin na kaming dalawa lang.
"Don't worry Alec Herrer, I already accused my self guilty. What? Ipapakulong mo ako?" Mapanghamon na tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay nanginginig na ang tuhod ko sa takot.
I'm scared of him. Lalo na ngayon na napatunayan kong hindi ko pa talaga ganuon kakilala si Alec. Ni hindi ko nga naisip na magagawa niyang bayaran ang batas para lamang hindi niya pagbayaran ang ginawang kasalanan. He maybe love his brother too much, pero sana naisip niyang may pamilyang nasira dahil sa kanila.
Muli ako nitong nginisian. "Ofcourse I won't accused my wife. If you go to jail sino ba ang mapapahiya? Hindi ba ako?...you think hahayaan kong mangyari iyon?" Pagpapaintindi niya sa akin.
Halos mangilid ang luha sa gilid ng aking nga mata. He love his name so much kaya naman hindi niya hahayaang madungisan ito, kaya nga binayaran niya justice na dapat ay nakuha na namin ilang taon na ang nakakalipas.
"Then what are you doing here? Hindi ka naman naghirap sa halagang ninakaw namin sayo. What do you want from me?" Matapang na tanong ko sa kanya.
Tahimik ang aking dalawang kapatid na para bang alam nilang ang oras na iyon ay dapat tahimik lamang sila.
"Iuuwi kita sa pilipinas. Do your responsibilites as my wife" matigas na sabi niya na para bang pinal na iyon at wala na akong choice.
Napaawang ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi. "What the fuck?" Malutong na mura ko sa kanya.
Hindi natinag ang tigas ng ekspresyon nito. "Take it or leave it Brenda...asawa kita kaya kung nasaan ako dapat nandun ka" matigas at seryosong sabi niya pa sa akin.
"What am I? Your prisoner!?" Asik ko sa kanya. Sandaling bahagyang kumunot ang noo nito.
"My wife...akin ka" sabi niya bago niya muling dahan dahang ibinaba si lorenzo.
"Don't make me wait for too long...marami akong naiwan na trabaho sa Pilipinas, tell me kung handa ka at uuwi na tayo" sabi niya at mabilis niya akong iniwang magisa duon.
Tulala ako habang nasa byahe pauwi. Hindi ganito ang iniexpect kong pagkikita namin matapos ang halos isang taon at kalahati. I'm expecting him to be very physical to me na para bang dahil sa kanyang sobrang galit ay masasaktan niya na ako physical. Though he say harsh words to me pero pakiramdam ko ay hindi pa iyon sapat na kabayaran sa mga ginawa ko sa kanya.
"Naku Brenda hindi ka pa talaga pwedeng magasawa..." pangaasar sa akin ni Tita liezel sa pagaakalang kaya ako napatulala ay dahil sa nangyari sa kambal kanina.
Kung alam mo lang Tita, baka mamuti ka sa takot. I want to tell her, pero mas pinili kong sarilihin.
May takot man sa mga sumunod na araw ay naging normal naman ang araw ko. Inisip ko tuloy na umuwi na ng Pilipinas si Alec at nanloloko at nanakot lang. With that idea, half of my self got disappointed dahil sa hindi ko malamang dahilan.
"Ma'm hindi po ba kayo maglulunch?" Tanong sa akin ni Jenna. Nagulat ako dahil sa kanyang pagdungaw sa aking opisina, napatingin tuloy ako sa aking wrist watch at duon ko nakitang halos magaalas tres na ng hapon.
"Hindi na, uuwi na din ako maya maya" nakangiting paninigurado ko sa kanya.
Napatango na lamang ito at tsaka sinara ang pintuan. Halos isang oras pa ang lumipas nang makaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Sumilip ako sa glass wall mula sa aking opisina at nakita kong halos ang ibang empleyado ay pauwi na.
Luckily, halos lahat ng empleyado namin dito ay filipino. We prioritize them.
"Jenna mauuna na ako" nanghihinang sabi ko sa kanya. My knees got weak. Marahil ay sa pagod at nalipasan pa ako ng gutom, idagdag mo pa ang pagatake ng aking migraine.
Nagaalala itong tumingin sa akin pero I just give her a smile to assure her na ayos lamang ako.
Dirediretso ako sa parking space nang kaagad na kumalabog ang puso ko ng makita ko kung sino ang nanduon. Nakatayo ito sa harapan ng aking kulay puting mustang.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
"I'm glad you got one" tukoy niya sa mustang ko.
I remember na naging vocal ako sa kanya sa pagkakagusto ko sa mustang. I feel relief cause he still remember.
Hindi ko siya pinansin, feeling ko kasi ay lalaitin lamang ako nito at sasabihing maraming salamat sa pera niya.
"What happen to you?" Galit pero nagaalalang tanong nito sa akin. Inirapan ko siya kahit sobrang sakit na ng ulo ko dahil sa migraine.
"Maria!" Galit na tawag niya sa akin dahil sa pagiwas ko sa kanya.
Nakaramdam ako ng kuryente dahil sa paghawak nito sa aking braso at dahil sa pagtawag niya sa akin ng maria.
"Masyado mong pinapabayaan ang sarili mo" galit na sabi niya sa akin kaya naman mas lalo akong nainis.
"Ano bang pake mo" mataray na saad ko sa kanya bago ko siya tinalikuran at tangka sanang bubuksan ang driver seat ng hilahin ako nito.
Nakipagtitigan siya sa akin. At muli, nagkabuhol buhol nanaman ang aking nararamdaman kasabay ng muling pagkabuhay ng mga paru paru sa aking tiyan.
"I hate you" sambit ko habang nanlalabi ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha.
Napatango ito bago marahang pinahiran ng kanyang hinalalaki ang luhang tumulo na sa aking pisngi.
"We can still love and hate at the same time..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro