Chapter 17
"Brenda behave please" suway sa akin ni Mommy.
We're getting reading for our trip to Europe ang kaso ay bored na bored na talaga ako. Ang tagal kasi ni Daddy, nasa office pa siya at hinintay pa namin siya.
I put my earphones sa aking nagkabilang tenga. I sat at our sofa at tsaka matamaang nakinig sa pop music na nagplaplay sa aking bagong phone.
"Ate let's play..." pagyaya sa akin ng aking nakababatang kapatid na si brandon. He's 9 years old while me i'm 13. A certified teenager.
I rolled my eyes. "Brandon shut up...ang laki laki ko na eh" suway ko sa kanya tsaka ako nagiwas ng tingin. Napapikit pa ako habang dinadama anh loud music na nagmumula sa earphones.
"Ate Brenda naman eh..." paglalambing niya sa akin na may kasamang pagyugyog pa.
Dahil sa hawak niya sa akin ay bahagyang naglalaglag ang suot suot kong off shoulder dress.
"Brandon! I said behave" matigas na utos ko dito.
Sometimes I alot a lot of time for him, he's my favorite brother cause he's my only brother anyway. But I'm not in the mood this time, I want to have a beauty rest because I know that matagal ang byahe, nakakapagod.
"Brenda sige na, pagbigyan mo na ang kapatid mo" malambing na suway sa akin ni Mommy kaya naman padabog kong kinuha ang earphones sa aking tenga.
"I'm having a beauty rest Mom" pagmamaktol ko sa kanya.
She smiled sweetly kaya naman I remain calm. "Sige na...play with your brother" malambing na sabi ni Mommy kaya naman hindi na ako nakakontra at kaagad na akong umayos ng upo para makipaglaro kay Brandon.
I don't know, but there is something kay Mommy na para bang she always has the way para paamuhin kami. Even Brandon, si Daddy kasi iniispoiled kami kaya naman sunod lahat ng luho namin.
"And what's my part now?" Maarteng tanong ko sa aking kapatid na lalaki.
Hindi ito nagsalita bagkus ay kaagad niyang itinaas ang kanyang hawaka na laruang espada na may ilaw. Like the star wars swords.
"Enemy!" Sigaw niya sabay espada sa akin.
"Wait Brandon!" Hiyaw ko sabay iwas pero hindi ako nito tinigilan kaya naman kinuha ko pa ang isa niyang espada at tsaka na nakipaglaro sa kanya.
Time fast so freaking fast. "Yeah, thank you...we already rebooked our flight tomorrow morning" pagkausap ni Mommy sa telepono.
Inis na inis ako ng ibalita sa aking hindi matutuloy ang flight namin ngayon dahil may biglaang meeting si Daddy. Sobra sobra ang pagmamaktol ko kaya naman si Mommy ay napapangiti na lamang.
"Brenda anak..." pagtawag niya sa akin na hindi ko pinakinggan.
"I want to go to Europe!" Pagmamaktol ko pa din sa kanya at halos maiyak na.
Tumango ito tsaka lumapit sa akin. "Na move lang naman ng ilang oras baby...bukas sure na yon" pagaalo sa akin ni Mommy.
Nakatulugan ko na ang pagmamaktol ng gabing iyon. Gumising ako ng maaga kinabukasan para muling maghanda sa aming magiging flight.
"It's your fault Dad" nakangusong pagmamaktol ko sa kanya na ikinatawa nilang pareho ni mommy.
We're having our breakfast before our flight. "Ate, hotdog please" utos sa akin ni Brandon na forever epal at wrong timming talaga.
"Yaya!" Sigaw ko.
Kaagad na lumapit ang isang maid kay Brandon para gawin ang gusto nito. "Yehey!" Hiyaw ni Brandon ng pasakay na kami sa may van.
I remain silent kahit ang totoo ay kanina ko pa gustong magtatatalon dahil at last! Matutuloy na din siya. Ngiting ngiti na sana ako ng mapansin kong hindi nanaman sa airport ang diretso namin.
"May kukuhanin lang ako sandali sa office" sabi ni Daddy kaya naman hayan nanaman ang unti unting pagkulo ng aking dugo.
Pagkadating sa parking space ay hindi na ako bumaba. Inis na inis na kasi talaga ako. Ayoko sa lahat eh yung pinapatagal pa yung mga bagay bagay.
Dahil wala namang nakakita sa akin ay kaagad akong bumaba ng van. Si Brandon ay tahimik na naglalaro ng kanyang laruang kotse.
"Where are you going, Ate?" Tanong nito sa akin tsaka ko siya inirapan.
I put my index finger sa tapat ng aking labi na senyales na manahimik siya. "I'm going to the airport first" sagot ko dito na para bang desididong desidido na talaga ako.
I have the guts and the courage anyway.
"But Ate..."pagpigil sana sa akin ni Brandon pero hindi ko siya pinakinggan.
With my white classy body bag ay nakalabas ako ng parking space without caught by anyone. Sininumulan ko naang tumakbo palayo duon lalo na at alam kong ano mang oras ay pasunod na sila Mommy sa akin.
"That's ate!" Rinig kong sigaw ni Brandon.
Dahil sa sigaw ng aking kapatid ay mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. "Brenda!" Sigaw nina Mommy at Daddy.
Naipit sila sa traffic kaya naman napalayo ako ng kaunti. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarinig na ako ng malakas na hiyawan at tunog nang parang bangaan.
As I look back. I saw how our van burnt down, naka baliktad na din ito. The other car was a red sports car na parang ginagamit lamang sa pang mga racing.
"Tulungan niyo! Tulungan niyo!" Sigawan ng mga tao.
Nakatitig lamang ako sa lahat ng mga pangyayari. "Mommy...Daddy...Brandon" isa isang tawag ko sa kanilang mga pangalan.
"MOMMY!" sigaw ko at tsala ako umiiyak na tumakbo papalapit duon. Iyak na lamang ako ng iyak dahil hindi ko na din alam ang aking gagawin. Hindi ako tuluyang nakalapit duon dahil may ilang taong pumigil sa akin.
"Kasalanan nung pulang sasakyan, naka go na eh..." kwentuhan ng iilang mga tao.
Days passed at everything suddenly change.
"Daddy..." tawag ko sa kanya.
"Don't start with me Brenda" pagbabanta niya sa akin.
(End of flashback)
"Hey...are you ok?" Nagaalalang tanong sa akin ni Alec nang sa gitna ng aming pagkain ng tanghalian ay natigilan ako.
Tipid ko siyang nginitian tsaka tinanguan. "Uhmm...oo, ayos lang" sabi ko sabay iwas ng tingin.
Tahimik lamang na kumakain si daddy at tita liezel. The other relatives can't come, pero they assure us na dadalawin pa din nila si Mommy at Brandon when their schedule become stable.
"Can I talk to you?" Tanong ni Dad sa akin matapos ang pagkain. Nasa garden kami at umiinom ng wine. Nagsindi sila ng dalawang mataas na kanila na tahimik naman naming pinapanuod.
Sandali akong napatingin kay Alec, tumingin din naman ito sa akin na para bang sinasabi niyang sige na at puntahan ko na si Daddy.
Ilang hakbang ang inalayo namin sa pwesto nina Alec at Tita liezel.
"Do you really want to do this anak?" Nagaalalang tanong niya sa akin na kaagad ko na lamang tinanguan.
"Ye...yes Dad" nauutal na sambit ko sa kanya.
Nanghihina ako nitong tiningnan. "I'll talk to Alec about this, kahit sa garden wedding na lang muna, basta ay matapos na ito" desididong saad niya at tsaka niya ako kaagad na niyakap.
Naiintindihan ko si daddy. Ilang beses na din kasi niyang sinabi sa akin na hindi niya gusto ang planong ito. But i insist, alam kong kailangan namin ito, ayaw niya lang na gawin ko ito pero kailangan nang pamilya namin ang pera ng mga herrer.
Habang pabalil kami ay hindi maalis sa aking isipan ang mga tingin ni alec na para bang mayroon kaming masamang plano na pinaguusapan ni daddy. Kita ko kasi sa mukha nito ang kaba at takot.
Mas lalo tuloy akong nangamba na baka may alam na talaga ito sa aming plano.
"Your dad talk to you bout what?" Tanong niya sa akin habang nagdridrive siya pabalik sa condo.
"Ab...bout the wedding" tipid na sagot ko na lamang sa kanya.
After kasi akong kausapin ni Daddy ay si Alec naman ang kanyang kinausap. Dad want this as soon as possible para matapos na daw ang aking paghihirap. I want to tell dad na kahit anong mangyari ay hindi magiging madali para sa akin ang lahat. This is a curse for my life, maybe the death of me.
"I agree" sambit niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Agree about what?"
"We're getting married the day after tomorrow" sab nito kaya naman halos maubusan ako ng hininga dahil sa aking narinig. That fast?
Wala nang nagsalita pagkatapos ng sinabing iyon ni alec. Even me, I also lost my words dahil sa aking narinig.
"Maria..." tawag niya sa akin ng didiretso na sana ako papasok sa aking condo unit.
"Uhmm?" Tanong ko sa kanya sabay baling.
Naestatwa ako nang mabilis na dumapi ang labi nito sa akin, hindi pa ito nakuntento at hinila pa niya ako ng maigi para makalapit sa kanya. There's no space between us pero hindi pa ata nakuntento si Alec duon.
I felt the love, passion and eagerness in his kiss. Halos manlambot ang aking mga tuhod. Luckily his hands snaked all over my waist that became my support.
"Mabilis man o matagal ang mga pangyayari, always remember that I love you Maria...mahal na mahal kita" sinasabi niya iyon habang halos magkadikit pa din ang aming mga labi kaya naman nakakaramdam ako ng kiliti.
Tumango ako, I believe in him...I want to believe in him, pero alam kong sa bandang huli kung pang hahawakan ko ang lahat ng ipinapakita niya, sinasabi niya at ipinaramdaman niya ay ako lang ang masasaktan. Ako lang ang masasaktan sa bandang huli dahil ako yung mangiiwan.
"I love you too, Alec...mahal na din kita" sabi ko at hindi ko na napigilan pa ang bugso ng aking damdamin. Mabilis akong napayakap sa kanya at tsaka ko isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.
As time flew so fast, ganuon na din kabilis ang pagtatambol ng aking puso habang iniisip kong ilang oras na lamang ay ikakasal na ako kay Alec Herrer at sa kabila nuon, aalis na din ako...iiwan ko na din siya.
"Have your beauty rest anak" sabi sa akin ni Daddy huling gabi bago ang magiging kasal namin.
Dahil naging madalian lang ang gaganaping ceremony ay sa isang hotel na lamang kami nagpabooked. The hotel has it's chapel na parang isang katamtamang laking auditorium. It was all fix, maging ang mga decoration at reception para sa iilan naming mga bisita ay ayos na.
Even my white simple long gown. Sinunod ko ang payo ni Daddy sa akin. Tama siya, I need my beauty rest now maraming mangyayari bukas kaya naman I need a strength.
Alec's parent are not here, mukhang hindi pa nga din nito alam. Ang sabi kasi nito ay hindi papayag ang Mommy niya na simple wedding lang ang gagawin niya. We are on a rush kaya naman hindi na namin sinabi, hindi na niya sinabi.
"What the..." napaiktad ako dahil sa pahapyaw na pagkatok mula sa aking pintuan. Nakakainis kasi ang pagkatok na iyon, yung tipong nangaasar tapos pagbubuksan mo ay magtatago sayo yung kumakatok.
"Alec!? What are you doing here?" Gulat na tanong ko sa kanya.
Pnginisian lamang ako nito tsaka ako niyakap kaya naman napaatras akong muli pabalik sa loob ng aking condo unit dahil baka mamaya ay may makakita sa amin at pagkamalan pa kaming hindi makapaghintay.
"I'm so excited" sabi niya kaya naman napangudo ako. So do I, Alec...if you could only know how excited I am .
"Bawal to ah, gusto mo bang hindi matuloy ang kasal natin?"
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi nito kasabay ng mahigpit na pagkakapulupot ng kanyang braso sa aking bewang na para bang ano mang oras ay tatakas ako mula sa kanya.
"This is the last night that you are...Maria Brenda Arenas" ngiting ngitng sambit niya na para bang proud na proud siya dahil mapapalitan niya na ang aking apleyido.
"Starting tomorrow, all of me was dedicated to you Maria, I'm so inlove you wife" madamdaming saad nito tsaka ako tinaniman ng sandaling halik.
"Alec..." malumanay na pagsambit ko sa kanyang pangalan.
"Uhhm? Bakit Mrs. Herrer?" Nakangising tanong niya sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin. Ramdam na ramdam ko na ngayon ang paginit ng magkabilang pisngi ko.
Hindi ko na pigilang magtubig ng aking mga mata kaya naman kaagad na nanlabo iyon. "Thank you for everything, Alec...thank you" sabi ko at tsaka hinigpitan ang yakap sa kanya.
We remain like that in an hour bago ito nagpaalam na magpapahinga na siya.
"You're so beautiful, Anak...kamukhang kamukha mo talaga ang Mommy mo" sabi ni Daddy ng matapos na akong ayusan ng mga make up artist.
Iiyak na sana ako ang kaso ay pinigilan ko na lamang. Tears are not allowed for this day. I should be strong ang focus on what really our plan is.
"Is everyone ready now?" Tanong ko sa kanya.
Tumango si daddy. "This is going to be once in a lifetime Anak, I'm so sorry I ruined it" paumanhin niya sa akin.
I know he did not expect this too. I'm expecting a different wedding too, the one that is on my mind simula bata pa.
All Alec's cousins are present, may mga kasama pa itong iba na nagpaparami ng bilang ng aming crowd. In my part, si Daddy at Tita liezel lang. Some closest friends at Alec's bunge of friends and now we're ready.
"We just need the signed papers Brenda...kailangan lang mapiramahan ni Alec ang lahat" sabi sa akin ni Tita liezel kaya naman napatahikna lamanh ako habang tinatahak ang aisle ng mini chappel ng hotel.
"Liezel" pagbabanta ni Daddy sa kanya.
Habang papalapit kay Alec ay unti unting tumulo ang aking mga luha. "After this we're free, babalik na ulit sa normal ang buhay natin...makakapagsimula na ulit tayo sa ibang bansa, Brenda" sabi pa din ni Tita liezel sa akin na sobrang nalalairita na.
"Alec...ikaw na ang bahala kay Brenda" sabi ni Daddy habang iniaabot niya ang kamay ko kay alec.
"I will, Dad. Hinding hindi ko po siya papabayaan" sabi ni Alec dito.
I should be emotional by this time pero hindi ko magawa. I'm going to be a gold digger after this. Magiging masama na ako sa mata ng lahat pagkatapos nito.
Our simple wedding became simple as everything flew fast. "You may now kiss the bride" saad ng pari. Just like that...
Alec slowly unveil me, he even smile genuinely before he slowly leans close to me, to kiss me. As he parted our lips, nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.
"Brenda be ready, itatakas ka namin ano mang oras" bulong sa akin ni Daddy.
Kakatapos ng wedding signing. Alec is busy with his cousins. Papunta na kami ngayon sa wedding reception.
"Ho...how?" Tanong ko sa kanya.
"As of now, inaayos na ng Tita liezel mo ang lahat. Alec's money is currently transferred on your name, Hija" sabi ni Daddy sa akin.
Sumakit ang aking dibdib dahil sa aking narinig habang damang dama ko ang init ng palad ni Alec na nakahawak ngayon sa aking kamay. He holds me like anytime soon he will lost me.
"Alec..." tawag ko sa kanya. It's about time, nag go signal na din kasi si Daddy.
"Uhmm?"
Hindi pa man din bumubuka ang aking bibig ay napahikbi na ako. "Sa...sa rest room lang ako" paalam ko sa kanya kaya naman kumunot ang kanyang noo.
"Hey...what's the matter?" Nagaalalang tanong niya sa akin na kaagad ko na lamang inilingan.
Tinitigan ko siyang mabuti. Eye to eye, I even let myself memorize his face. "Masaya lang ako Alec..." madamdaming sabi ko sa kanya then I planted a soft kiss in his lips.
Bago pa ako tuluyang mag break down sa harapan niya ay tinakbo ko na ang kinalalagyan nila Daddy. Sa room deck ng hotel ay naghihintay na sa amin ngayon ang helicopter na magdadala sa amin sa Cebu. From cebu duon na kami sasakay ng eroplano papuntang America.
"Brenda..." umaliwalas ang mukha ni Daddy pagkalabas ko ng elevator. Inakala siguro nitong hindi na ako sisipot sa kanila.
"It's time to go, Anak" sabi niya sa akin at tsaka niya ako inalalayan pasakay ng helicopter.
Goodbye Alec...sa sandaling panahon masaya akong maranasang mahalin ng isang katulad mo.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro