Chapter 16
"So ano na ang plano mo?" Tanong sa akin nina Chatterley at Ivoree nang magkita kita kami.
These past few days is a bit frustrating lalo na at first time ko lang mag decide for myself. Alec is so supportive kung ano man ang piliin ko, kahit na nagrequest muna ako sa kanya ng a small and not so grand wedding ay naging hands on pa din ito. Mas hands on pa nga siya kesa sa akin.
Nagkibit balikat muna ako bago bumagsak ang aking mga balikat. "I don't know what to do" nanghihinang sambit ko.
Mas tumatagal na magkasama kami ni Alec ay mas nasasaktan at nahihirapan akong gawin ang tunay kong pakay. If we where in a different situation, I won't rush things out, but I will surely, and still choose Alec to be with me.
"Yun na lang ba ang natitirang option?" Malungkot na saad ni Chatterley.
Marahan akong tumango. "Yeah" sabi ko tsaka ko tinusok tusok yung chicken na nasa may plato ko.
Pinuntahan nila ako sa condo ko after naming kumain sa labas. I was so shocked that shopping and malling didn't excite me kaya naman kumain na lang kamo at nagrequest ang mga ito na pumunta sa condo ko.
"Ano ba yang date na pinili mo, eh wala na kami dito nun eh" nakangusong sabi ni Ivoree.
Malungkot ko siyang tiningnan. "I don't want you both to be involve in this, siguradong magkakagulo pagkatapos at pagkaalis namin ng Pilipinas. Ayoko na madamay kayo..." pagpapaintindi ko sa kanila.
Less invited people less problem. "Ahhh...Brenda naman" parang maluha luhang sambit ni Chatterley at hindi na nito napigilang mapayakap sa akin.
Kaagad kong ginantihan ang kanyang yakap sa akin, pero natawa ako at napanguso ng makita ko ang nakabusangot na mukha ni Ivoree.
"Ano?" Mapangasar na tanong ko sa kanya.
Umirap muna ito sa akin hanggang sa makita ko na ang pagtulo ng mga luha nito sa kanyang mga mata.
"Ayokong umalis ka" sabi niya sa akin kaya naman hinila siya ni Chatterley para mapayakap din.
"Babalik din naman ako, o kaya dalawin niyo ako every vacation" sabi ko kahit ang totoo ay unti unting nadudurog na ang aking puso.
Pinanlisikan ako ng mata ni ivoree. "Matagal pa iyon Brenda!" Nanggagalaiting sambit niya kaya naman napatawa ako.
"We can facetime all you want" nakangising sabi ko sa kanya pero mas lalo lamang itong sumimangot.
"Isusumbong na nga lang kita kay Alec para hindi ka na umalis" pagbabanta niya kaya naman hinampas ko siya sa braso.
"Baliw!" Sambit ko sa kanya kaya naman napanguso din si Chatterley sa pagtatago ng pagngiti niya.
Kahit kumain na kami sa labas ay napagkatuwaan ng dalawa na magluto kami. Palibhasa ay may mga katulong at hindi marunong gumawa ng mga gawaing bahay kaya naman excite na excite sila na magluto kami on our own.
"Paano si Alec, makakaya ko bang iwanan siya?" Malungkot na panghahamon sa akin ni ivoree kaya naman sandali muna akong natigilan bago ko siya tinanguan.
"O...oo naman" kunwaring matapang na saad ko pero hindi hiya iyon sinagot.
"Hindi mo kaya" pahayag niya kaya naman napatingin ako sa kanya.
Nagsukatan kami ng tingin ni Ivoree hanggang sa ako na din ang bumitaw dahil na realize kong kung makikipagtitigan lang ako sa kanya ay mas lalo lang niyang makikita ang tunay kong nararamdaman.
"Ka...kaya ko" medyo nauutal pang sabi ko habang pilit na tinatago ang pagpiyok at nalalapit na pag garalgal nito.
Hindi na siya nakapagpigil at nilapitan niya na ako, "Brenda...alam kong mahal mo na si Alec, wag mo nang pahirapan ang sarili mo" maluha luha niyang sambit sa akin kaya naman unti unti ng uminit ang aking magkabilang gilid ng mata.
"Saan mo naman nakuha yan...alam mo namang ayoko ng relationship, kailangan ko lang gawin ito kaya naman..." ni hindi ko na din magawang dugtungan ang sasabihin ko dahil alam ko sa sarili kong puro kasinungalingan lang ang lalabas dito.
"Brenda mahal ka ni Alec, kitang kita namin iyon...the way na tingnan ka niya, kausapin ka niya, alagaan ka niya. Sabihin mo na sa kanya ang totoo siguradong tutulungan ka niya, hindi siya magdadalawang isip na ibigay sayo lahat ng kailangan mo" pagkausap sa akin ni Ivoree.
Sa aming tatlo ay siya talaga yung masasabi naming love expert. Pagdating kasi sa mga relationship ay siya ang pinakamatured magisip pag dating sa mga ito.
Napalunok muna ako bago ako tuluyang nagsalita. "Sa tingin mo?" May pagdududang tanong ko sa kanya pero marahas lamang itong tumango tango.
"Promise!" Parang batang pamimilit niya habang nakataas pa ang kanang kamay na para bang siguradong sigurado siya.
"Pag...pagiisipan ko" paninigurado kong sabi sa kanya.
Tinutoo ko ang sinabi ko kay Ivoree. Nang magdilim na ay nagpaalam na itong kailangan na nilang umuwi. Ilang araw na lamang kasi ay aalis na din ito para sa kani kanilang family vacation.
"Anong kinain mo kanina nung lunch?" Panguusisa ni Alec habang busing busy ito sa pagluluto ng aming dinner. Nag request ako sa kanya na sa unit ko na lamang siya magluto para naman kahit papaano ay napapanuod ko yung paglulutong ginagawa niya.
"Uhmm...sa labas kami kumain, mirienda lang ang niluto namin dito kanina" sabi ko at medyo nahihiya pa lalo na at sa aking harapan ngayon ay para siyang isang professional chef kung kumilos at magluto. Kahit nga paghihiwa ay nakakamaze din ito.
Mula sa paghihiwa ng kamatis ay itinuon niya ang paningin niya sa akin. "Anong niluto niyo...nagluto ka?" Nakangiting tanong nito sa akin habang nakangisi pero may kasamang excitement sa hindi ko malamang reason kung para saan.
Napanguso ako, ayoko sanang magsalita dahil baka laiitin lang ako nito pero ang pagluluto ng bread roll ay isang napakalaking achievement na din naman para sa akin.
"Bread roll" sabi ko sabay iwas ng tingin.
Napalunok ako habang nakatitig ako sa chicken na iroroast niya dahil ramdam na ramdam ko pa din ang kanyang titig sa akin.
"Uhm...may natira pa?" Tanong niya kaya naman muli ko siyang tinignan nang may nanlalaking mata.
"H...ha?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Gusto kong tikman" nakangising sabi niya pa din kaya naman automatic nanamang humaba ang nguso ko at tsaka ko siya inirapan.
"Ayoko nga! Lalaitin mo lang yung luto ko eh" masungit at mataray na sabi ko sa kanya habang nakahalukipkip pa.
No way in my whole wide world na ipapatikim ko sa kanya iyon. Siguradong lalaitin niya lang iyon. Ang sabihin nga lang na bread roll ang niluto ko ay nakakapanliit na lalo na at kakaiba ang mga niluluto niya para sa akin.
"Hindi...gusto ko lang talaga matikman ang luto mo" pagsusumamo niya at paninigurado na din na hindi niya lalaitin ang ginawa ko pero tinitigan ko lamang siya para hulihin ang sigiradong tinatago nitong pagngisi.
"Ayoko, magluto ka ng sayo kung gusto mo" patuloy na pagtataray ko sa kanya.
Hindi na ako nito pinansin kaya naman sandali akong nagpaalam para icheck yung nakacharge kong cellphone sa kwarto. Ilang message ang nareceive ko mula kay Ivoree at Chatterley. Sinabihan ko kasi ang mga ito na mag message sa akin pag nakauwi na sila.
Napairap naman ako ng makakita ako ng iilang message at missed call galing kay Daniel.
"Freaking annoying" sambit ko habang binubura ko ang mga messages niya at tsaka ko inuumpisahang iblock ang pang apat na number niya na ginamit para lang macontact ako.
Wala pa ako sa kalagitnaan ng aking ginagawang pagbloblock kay Daniel ng kaagad na nagpop up ang pangalan at litrato ni Daddy sa aking screen dahil sa pagtawag niya sa akin.
"Hello, Daddy" pagbati ko sa kanya.
Hindi muna ito nagsalita, pero ramdam na ramdam ko ang mabibigat na paghinga nito sa kabilang linya.
"Uuwi ka ba bukas? Sabay tayong magsimba?" Malungkot na tanong nito sa akin kaya naman sandaling napakunot ang aking noo.
Sandali kong inisip kung ano ang tinutukoy ni Daddy hanggang sa sumakit ang aking puso ng maalala ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Opo Daddy...uuwi ako ng maaga" malungkot na sabi ko sa kanya.
Death anniversary kasi nina Mommy at ni Brandon bukas. Palagi kaming nagsisimba ni Daddy pagkatapos ay tsaka kami didiretso sa puntod ng mga ito.
"Isasama mo ba si Alec?" Tanong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa kanyang boses, hindi man niya sabihin sa akin ay alam kong tinatago lamang nito ang lungkot sa kanyang boses.
"Hindi ko po alam Daddy, baka busy siya bukas" sabi ko na lamang sa kanya dahil hindi duon nakafocus ang aking atensyon.
Halos 7 years na ang nakakalipas pero sariwa pa din sa akin ang lahat. Hanggang ngayon, marami na ang nangyari sa buhay namin ni Daddy ay sinisisi ko pa din ang aking sarili.
Alam ko deep inside, si Mommy pa din ang one true love ni Daddy. Dumating man si Tita liezel, si Mommy pa din. Magkaroon man sila ng kambal na anak ay alam kong kami pa din ni Brandon ang pinaka love niya sa lahat.
Kasalanan ko lahat...kung hindi ko lang kasi sana inuna ang aking sarili, kung nakinig lang sana ko kila Mommy. Kung nagpapigil lang sana kasi ako. Buo pa sana kami ngayon, andito pa sana sila ni Brandon.
"Daddy..." garalgal na sambit ko sa kanya.
Hindi man ito nagsasalita sa kabilang linya ay alam kong nanduon pa din siya at nakikinig.
"Sorry daddy...i'm so sorry" umiiyak na sabi ko at hindi ko na napigilan ang mapahagulgol pa.
Ako na mismo ang nagpatay ng tawag lalo na ng marinig ko ang mahinang pagsibi ni Daddy sa kabilang linya.
"What took you so long?" Malambing na tanong sa akin ni Alec pagkabalik ko sa may dinning.
Isa isa na nitong hinahain ang mga niluto niya kanina. Nagkulong muna kasi ako sa banyo para pahupain ang aking pagiyak at para na din hindi niya mahalata ang aking namamagang mata.
"Uhmm, wala nag chat kasi yung mga kaibigan ko" sabi ko na lamang sa kanya habang pilit na iniiwasan ang pagtingin sa kanya dahil baka mahalata pa nito ang aking mga mata, mahirap na siguradong hindi ako nito titigilan pag nagkataon.
Hindi na sana ako magrereact ang kaso ay nanlaki ang aking mga mata ng nakita kong nakahain din sa table yung natirang bread roll namin kanina.
Napaturo tuloy ako duon. "Ba...bakit nakalabas yan?" Tanong ko sa kanya pero nginisian ako nito.
"Gusto kong kumain niyan" kaswal lang na sabi niya sa akin kaya naman napasimangot ako.
"Epal ka talaga!" Pagmamaktol ko pa sa kanya pero wala na akong magagawa dahil nagumpisa na itong umupo at tsaka kumain.
"Bwiset" sambit ko pa bago din ako padabog na umupo sa aking upuan.
Sumandok na ako kahit inis na inis ako kay Alec pero hindi ko maiwang mapatingin sa kanya lalo na pagtahimik siyang kumakagat at nginunguya yung ginawa ko.
"Ano?" Panghahamon kong tanong sa kanya dahil hindi ko na mapigilan ang aking bibig.
Tumango muna ito bago niya isahang sinubo yung halos magkakalahati pa lang.
"Masarap...ayaw mo pang mamigay" sabi niya sa akin, hindi sana ako maniniwala ang kaso ay sunod sunod niya iyong kinain na para bang totoong sarap na sarap siya duon.
Dahil nakikita ko namang nasasarapan talaga siya ay awtomatikong tumaas ang aking noo tsaka ko siya tinarayan.
"See? Ang galing ko no?" Pagbibida ko sa kanya, akala ko ay kokontra pa siya sa akin pero tumango tango lamang ito.
"Si Mommy ang nagturo sa akin niyan eh" pagbibida ko pa pero napaupo na ito marahil dahil sa pagkakasamid.
Halos ilabas na ni Alec ang kanyang lungs sa tindi ng kanyang pagubo. "Yan kasi katakawan!" Pangaasar ko sa kanya at nagmagandang loob na ako at kumuha na ako isang basong tubig para iabot sa kanya.
"Than...thank you" sambit nito habang nahihirapan na.
"Takaw takaw kasi! Hindi ka ba kumain buong araw?" Sabi ko pa at nilubos ko na ang aking kabaitan at tsaka ko hinagod ang likod nito para naman he can feel a relief.
Todo ubo ito kaya naman napapangiti na lamang ako sa kanya. "I'm sorry" sabi na lamang niya sa akin na tinanguan ko at nagsimula na kaming kumain.
Matapos kumain ay si Alec na din ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Masyadong masipag ang lalaking iyon kaya naman hinayaan ko na siya. Pero pansing kong habang ginagawa niya ang mha iyon ay mayroon siyang malalim na iniiisip. Muntik pa nga itong makabasag ng baso.
"Just call me kung may kailangan ka, wag kang lalabas para katukin ako duon" sabi niya sa akin habang hinahatid ko ito palabas ng aking condo unit.
"Opo, Lolo" natatawang sabi ko pa sa kanya pero sinimangutan lamang ako nito.
May kailangan pa daw kasi siyang gawing trabaho. At kung may kailangan daw ako ay tumawag na lang ako at wag na wag lalabas dahil delikado daw iyon. Masyadong protective kaya naman natatawa na lamang ako sa kanya.
"Ah nga pala Alec, aalis ako bukas...death anniversary kasi nila Mommy at Brandon. Yayayain sana kita sa bahay...kaso mukhang busy ka kaya wag na lang" sabi ko pa sa kanya at pinangunahan ko na siya ang kaso ay sandali ako nitong tinitigan bago siya sumagot.
"Su...sure, sasama ako" sabi niya kaya naman napailing na lamang ako.
"Wag na, ok lang naman eh...tsaka mukhang busy ka eh" pagtanggi ko pa sa kanya dahil baka iniisip nitong mandatory iyon dahil sa nalalapit na naming kasal.
"It's ok, ikaw muna bago iba" sambit niya kaya naman nagtaasan ang nga balahibo ko dahil sa kanyang sinabi sa akin.
This man is so malande!
Hindi na ako kumontra pa dahil alam ko namang hindi magpapatalo si Alec kaya naman hinayaan ko na lamang siya sa kung ano ang gusto niya.
Maaga akong gumising kinaumagahan. Magsisimba pa kasi kami nila Daddy pagkatapos ay pupunta sa puntod nila Mommy at Brandon tsaka kami magkakaroon ng lunch sa bahay. Minsan kasi may iba pa ding kamag anak o malalapit na kaibigan ang dumadalaw sa mga ito na naabutan namin sa sementeryo kaya naman inaaya na namin na maglunch sa bahay.
"Good morning" mataray na bati ko kay Alec ng lumabas na din ito sa kanyang condo.
"Good morning" nakangiting sabi niya sa akin pero napakunot na lamang ang aking noo.
"Natulog ka ba?" Tanong ko sa kanya pero napaiwas na lamang ito ng tingin at bahagya akong tinanguan.
Tahimik lamang kami sa byahe. Hindi ko rin siya gaanong kinakausap dahil inaantok pa din ako. Sa simbahan na kami dumiretso kung saan naghihintay sina Daddy at Tita liezel. Still she respect my Mom, dapat lang!
Matapos ang halos isang oras na misa ay kaagad na kaming dumiretso sa sementeryo. Duon ay may iilan kaming naabutang mga malapit na kaibigan na nagiwan ng bulaklak at nagsindi ng kandila. Habang busy si Daddy sa pagiientertain ng mga nakitang kakilala ay tahimik lamang akong nakamasid sa puntod ni Mommy hanggang sa naramdaman ko ang presencya ni Alec sa aking tabi.
"It's my fault" sambit ko sa kanya at duon ko naramdaman ang titig niya sa akin.
Hindi pa ito nakuntento at hinila pa ako nito papalapit sa kanya.
"No, Maria...walang may gusto nito" pagaalo niya sa akin pero inilingan ko siya.
"I wonder kung ano na yung nangyari duon sa nakabangga sa amin" mapait na sabi ko dito. Simula kasi nuon ay wala nang nanagot sa nangyari sa kanila. Ang kutob ni Daddy ay malakas ang tao sa likod nito kaya naman napatigil ang investigation. Mukhang nabayaran.
"What if makita mo siya?" Tanong sa akin ni Alec kaya naman napakuyom ako sa aking kamao.
"Isinusumpa ko siya" galit na sambit ko dito.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro