Chapter 15
Sobrang sayang makasama ang mga pinsan ni Alec. Maiingay sila at halatang close na close talaga. Napangiti ako sandali ng isiping sila ang magiging pinsan ko habang buhay. Habang kasal kami ni Alec.
Pero kaagad din iyong naglaho ng maalala ko kung ano ba talaga ang aking pakay dito. Umaapaw na ang guilt sa aking buong katawan. Hindi naman kasi talaga maiiwasang pumasok iyon sa aking isipan gayong ngayon ay buong buo na talaga ang aking desisyon.
"Masungit ba sayo si Kuya Alec?" Tanong sa akin ni Elaine. Mas matanda ito sa akin ng isa o dalawang taon, pero nalaman kong siya ang tinuturing na baby ng lahat, dahil sa pagiging pinakabunso sa kanilang magpipinsan.
Kaagad akong napangisi at mabilis na napatango dahilan para mapatawa ito. "Ganun talaga yun...pero ang sweet niya diba?" Sabi niya na may halong pangaasar sa akin kaya naman napanguso na lamang ako para itago ang aking tunay na nararamdaman.
"Kitang kita ko na gustong gusto ka talaga ni Kuya Alec, kahit mas bata ka sa akin...suportado pa din namin kayong dalawa kasi nakita naming nagiba si Kuya Alec" nakangiting sabi niya pa sa akin.
Sobrang bait nilang lahat. Hindi ko na feel na first time ko silang nakasama. Lahat approachable, hinding hindi ka maaaout of place sa kanila kasi hindi nila hinahayaang natatahimik ka.
Busy ako sa pakikipagkwentuhan kay Elaine ng lumapit sa amin si Clark. Nakangisi itong nakatingin sa akin bago niya natatawang inabot ang kanyang cellphone.
"Lagot ka, matulog ka na daw" pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad akong napanguso. Wala na akong nagawa kundi ang kuhanin ang cellphone niya at sagutin ang tawag ni Alec.
"Hello..." sambit ko.
Halos manginig ang aking buong kalamnan ng marinig ko ang kanyang boses. Ilang oras pa lang simula ng huli naming pagkikita ay parang miss na miss ko na siya.
"What are you doing?" Malambing na tanong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa kanyang boses.
Sa pagkakaalam ko ay biglaang trabaho ang pinunta niya sa Cebu kaya naman siguro ganito na lamang ang nangyari sa kanya na pati sa kanyang boses ay ramdam mo ang pagod niya.
"Ito, kumakain" pinilit kong magtunog masungit para naman maitago ang tunay kong nararamdaman.
Rinig na rinig ko ang mumunti nitong paghalakhak sa kabilang linya. "Did you enjoy their company?" Tanong pa nito sa akin.
Napatango ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. "Yup! Masarap silang kasama" sagot ko sa kanya.
"So hindi mo ako na mimiss?" Mapangasar na tanong niya sa akin na ikinairap ko na lang.
"Mr. Alec Herrer baka nakakalimutan mong magkasabay tayong nagbreakfast kaninang umaga" mapanuyang sabi ko sa kanya na halos ikaikot ng eyeballs ko 360 degrees.
"Ramdam na ramdam ko nanaman yang pagirap mo" natatawang sabi niya kaya naman napanguso na lamang ako, gustong gusyo niya talaga na iniinis ako palagi.
"Sige na, matulog ka na...mukhang pagod na pagod ka" I am concerned for real pero pinilit kong magtunog walang gana habang sinasabi iyon. Mahirap na baka lumaki nanaman ang ulo ng isang ito.
"Ok na ako kasi nakausap na kita" malambing pero seryosong sabi niya pa sa akin kaya naman halos gusto ko ng ibato ang hawak kong cellphone dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa aking dibdib.
"Tse! Tigilan mo ako, ang corny neto...sige na nga bye!" Paalam ko sana sa kanya ang kaso ay sandali pa ako nitong tinawag.
"Maria...I love you" diretsahang sabi niya na ramdam na ramdam ko ang sincerity duon ang kaso ay sobra sobrang pagkabigla ang aking naramdaman.
Napanganga ako, mabuti na lamang at busy ang lahat sa kanilang kanya kanyang ginagawa kaya naman walang nakakakita sa aking siguradong nakakatawang ekspresyon.
"A...alec" alanganing sambit ko sa kanya.
He maybe someone special for me now, pero masyado pang magulo ang aking nararamdaman para sabihing super love na talaga ang nararamdaman ko sa kanya.
Narinig ko ang medyo pilit na pagtawa nito sa kabilang linya, I somehow felt pain in it. "It's ok. Wait for me, tomorrow morning. Sabay tayong mag breakfast" sabi niya sa akin.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na akong matulog. Hindi rin kasi ako sanay na magpuyat. Kaagad naman silang pumayag at nangaasar pa na kaya ako aalis kaagad dahil sa pagtawag ni Alec.
Honestly, hindi ko na kayang magpaggap pa. They are so good to me, na feeling ko hindi ko deserve yung mga ipinapakita nila sa aking kabaitan gayong ang plano ko ay ang saktan ang pinsan nilang si Alec.
Halos eleven thiry na nang tuluyan akong makahiga ng maayos sa aking kama. Pagod na pagod ako, hindi ang aking katawan kundi ang aking isipan at damdamin.
"How I wish...everything was normal" pagod na sabi ko bago ako tuluyang napapikit.
Maaga akong nagising dahil sa hindi ko malamang kadahilanan. Marahil ay dahil naka set na sa mind ko na uuwi na si Alec ngayong umaga at sabay pa kaming mag brebreakfast.
Dahil maaga akong nagising ay maaga na din akong naligo at nagbihis. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuklay ng aking buhok ng makarinig ang nang magkakasunod na pagtunog ng doorbell.
Sandali ko pa muling sinuyod ang aking kabuuan sa salamin bago ako nagmamadaling lumapit sa pintuan para buksan ito. Pero hindi ko inaasahan ang aking daratnan duon.
"Brenda" parang maiiyak na tawag niya sa akin.
Gulat na gulat ako dahil sa aking nakita. " What are you doing here, Daniel?" Matigas na tanong ko sa kanya dahil sa pinaghalong gulat at pagkainis.
"Let's talk please...please brenda let me explain" pakiusap pa niya sa akin na halos kulang na lang ay lumuhod siya sa aking harapan ngayon.
Ilang minuto pa kaming nagsukatan ng tingin hanggang sa napagpasyahan kong buksan ng malaki ang pintuan. "After this, promise me na you will never comeback" pagbabanta ko sa kanya na sandaling nagpatigil sa kanya pero kaagad din naman siyang nakabawi.
"Pr...promise" alanganing sagot niya sa akin.
Pinaupo ko siya sa akinh sofa at kaagad akong umupo sa sofa kaharap nito. Ni hindi ko na nga siya nagawang alukin ng maiinom, o hindi ko man lang siya tinanong kung nakakain na siya ng almusal.
It's just that, hindi ko gusto ang presencya niya ngayon lalo na't ang pagdating ni Alec ang inaasahan ko at hindi siya.
"Let's give it a try Brenda...give me another chance" pagmamakaawa niya sa akin.
I love him before, pero matagal ko na din siyang nakalimutan, wala na akong kahit na ano pang nararamdaman para sa kanya bukod sa pagkainis dahil sa pagsulpot sulpot nito kung saan.
"I'm getting married anytime soon, Daniel" tamad na sabi ko sa kanya at tsaka ako napaiwas ng tingin.
"You don't even have engagement ring" sabi niya sa akin na ikinagulat ko kaya naman maging ako ay napatingin sa aking kamay.
Ramdam ko ang pagkahiya dahil sa kanya sinabi pero kaagad ko na lamang siyang inirapan. "Non of your freaking bussiness" matigas at mataray na sabi ko sa kanya pero hindi man lang nagbago ang nanlulumo nitong pagmumukha.
"If he is really serious about you, dapat ay binigyan ka niya ng singsing" panghahamon nito sa akin kaya naman halos mamanhid ang aking magkabilang pisngi.
Parang umakyat ang dugo sa aking ulo at natetempt akong sigawan si Daniel at sabihing ako ang atat na atat na makasal. Parang nagulat pa nga din si Alec ng sabihin ko iyon kaya naman hindi na rin ako nito nagawang bigyan ng engagement ring.
I make face. "Pwede ba, bilisan mo na ang gusto mong sabihin dahil marami pa akong gagawin" utos ko sa kanya dahil naiirita na talaga ako sa kanyang presencya lalo na ng pansinin nito ang engagement ring thingy.
I gave him a minute, nagkunwari akong nakikinig kahit paulit ulit lang naman ang sinasabi niya sa akin.
"You done?" Tamad na tanong ko sa kanya ng mapansin kong tumigil na ito sa pagsasalita.
Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata na para bang nagtataka siya dahil hindi pa din ako naging kombinsido sa kanyang paliwanag sa akin.
"Brenda..." may bahid ng pagmamakaawang tawag niya sa akin pero napaiwas na lamang ako ng tingin.
"That's years ago, Daniel. I'm already done with you. Ikakasal na ako" muli ko pang paliwanag sa kanya.
Magsasalita pa lang sana ulit ito para kontrahin ako ng kaagad kaming mapatigil ng tumunog ang doorbell. Mabilis na naghumerantado ang aking dibdib ng isiping si alec iyon.
I'm dead! Sigaw ng aking isipan pero hindi ko ipinahalata iyon kay daniel dahil baka may kung ano nanamang mabuo sa kanyang isipina that would give him false hope. Im tired explaining.
"Who's that?" Tanong nito sa akin at napatingin pa sa kanyang wrist watch.
Napairap ako sa kawalan. Look who's talking, eh siya nga itong aking unexpected visitor eh.
"My fiance" tamad na sagot ko sa kanya bago ako tumayo at dahan dahang tinungo ang pintuan.
"Ok lang bang makita niya ako dito?" May halong pangaasar na tanong nito.
Nilingon ko siya at tsaka tinaasan ng kilay. "Oo naman, you're just a visitor, hindi naman kita kabit" mapanuyang sabi ko sa kanya kaya naman kaagad na bumagsak ang balikat nito.
Napapailing ako habang muli kong tinahak ang pintuan. Parehong pareho talaga sila ni natasha. Magkapatid nga talaga ang dalawang ito.
Bayolenteng paglunok ang aking nagawa ng hinawakan ko ang door knob at unti unti itong binuksan. Ang kaninang kabang aking nararamdaman ay napalitan ng excitement.
"Hi. Good morning" nakangiting bati nito sa akin at hindi pa siya nakuntento dahil kaagad na pumulupot ang kamay niya sa aking bewang at sandaling nagtanim ng halik sa aking labi.
I want to let him do that ang kaso ay sigurado akong kitang kita ni Daniel lahat iyon gayong tanaw na tanaw sa sala ang pintuan.
"I miss you" nakakalasing na sambit ni Alec habang patuloy pa din siya sa ginagawa niyang paghalik halik sa aking labi at pisngi.
"Uhmm...Alec may bisita ako" medyo nauutal pang sabi ko sa kanya.
Hindi pa sana niya papansinin ang sinabi ko ang kaso ay nakita ko ang bahagya nitong pagsilip sa aking likuran kaya naman kaagad na lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking bewang.
"Sino yan?" Seryosong tanong niya sa akin at tuluyan na itong bumitaw sa pagkakayakap niya sa aking bewang.
"Ah uhm...si ano..." hindi ko pa man din natatapos ang aking paliwanag ay naramdaman ko na ang presencya ni daniel sa aming likuran.
"I'm going Brenda..." paalam ni Danile pero patuloy pa din ang pagsusukatan nila ng tingin ni Alec.
"O...ok" sambit ko at halos gusto ko na siyang itulak palabas.
Nakahinga lamang ako ng maluwag ng tuluyan ng makalabas sa condo ko si Daniel ang kaso ay bigla bigla namang natahimik si Alec at hindi na umimik.
"Hey" sambit na tawag ko sa kanya.
"I prepared breakfast in my unit" sabi niya at kaagad na naglakad palabas ng pintuan.
Halos gustong umusok ng ilong ko dahil sa kanyang ginawa. Damn that Daniel. Kasalanan niya ito.
Sumunod na lamang ako sa kanyang condo unit kahit bagsak na bagsak ang aking balikat. Hindi pa rin naman nawawala ang pagiging gentleman nito dahil pinagbuksan pa din niya ako ng pintuan at ako pa din ang una niyang pinapasok.
"Let's eat" sambit niya at tsaka ako nito inakay sa aking siko para mapabilis ang aking paglalakad.
Nalula ang aking mata dahil sa pagkaing nakahanda ngayon sa kanyang dinning table. Mukhang alam ko na ngayon kung bakit medyo natagalan ito.
"Alec..." tawag ko sa kanya.
Hindi pa din ako nito pinansin pero patuloy pa din siya sa paglalagay ng pagkain sa aking plato. "Alec naman...kaibigan ko lang naman iyon eh" pagmamaktol ko sa kanya.
"Early in this morning, Maria?" May pagbabantang tanong nito sa akin kaya naman tumaas ang isang gilid ng aking labi dahil sa kanyang sinabi.
"Oo eh...galing kasi iyon sa ibang bansa, bumisita lang" I lied. Hindi ko alam pero ayokong sabihin sa kanyang ex ko si Daniel because I have a feeling na baka maging complicated lang ang lahat at pagod na ako kakaexplain ng side ko.
Maya maya ay natahimik na din ako pero ramdam na ramdam ko ang pagsulyap at pagtingin sa akin ni Alec.
"Did you enjoy last night?" Tanong niya sa akin at tsaka gumapang ang kamay nito papunta sa akinh kamay na nakapatong sa may lamesa.
Nagdala iyon ng kakaibang kuryente sa aking katawan. "Yes..." sambit ko at hindi sinasadyang mapakagat ako sa aking labi.
Mayamaya ay mas lalong gumapang ang kamay nito sa akin at nagulat ako ng makita kong may inilagay ito sa aking ting finger.
"I know it's too late, but this is for you" sabi niya habang dahan dahang isinusuot sa ring finger ko ang isang singsing.
"Wh...what's this?" Naguguluhang tanong ko sa kanya kaya naman bahagya ako nitong nginisian at kaagad na tumayo para mahila at mayakap ako.
"Engagement ring" sabi niya habang ramdam na ramdam ko ang paghalik niya sa aking ulo.
Dahil sa saya na aking nararamdaman ay napayakap ako kay Alec. I never thought this coming. Akala ko ay diretso kasal na kami at wala ng ganito.
"May lakad ka ba mamaya?" Tanong niya sa akin kaya naman napailing na lamang ako habang tinitingnan ko yung singsing.
"I assign some people para sa wedding natin, pero baka gusto mong maging hands on kaya naman puntahan natin sila for the update." Sabi pa niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.
Hindi pa din kasi ako maka get over sa singsing na ibinigay niya sa akin at sa diamond sa gitna nito.
"Do you like it?" Tanong niya sa aking sunod sunod kong tinanguan.
"Super" sambit ko na lamang.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa ako na ang bumasag nuon.
"Alec, hindi ka ba nabibilisan sa mga pangyayari?" Tanong ko kahit ang totoo ay nagdadalawang isip akong sabihin iyon dahil may hinahabol kaming plano.
Marahang umiling ito. "Nope, excited na nga ako" sabi niya sa akin. I felt the joy in his voice na nagiging dahilan kung bakit ang isa parte sa aking pagkatao ay parang magdadalawang isip na.
Napatango na lamang ako sa kanya pero kaagad na humiwalay ito sa akin para pumunta sa kung saan. Pagbalik niya ay may dala na itong kulay brown na folder.
"Naayos ko na ang lahat" sabi niya kaya naman tinaasan ko na lamang siya ng kilay.
"Ang alin?" Tanong ko pa sa kanya.
Isa isa niyang inilabas ang mga documentong iyon kaya naman naging attentive ako.
"Sa oras na ikasal tayo, lahat ng sa akin ay sayo na Maria" nakangiting sambit niya sa akin kaya naman parang kung may anong bumara sa aking lalamunan.
"Ayan na ha...pati katawan ko sayo na" sabi niya sabay halakhak.
Sa hindi malamang dahilan ay kaagad na tumulo ang aking mga luha. "Hey...why? May problema ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin.
Napailing ako. "You made everything easy for me...baka hindi na kita maiwan niyan" makahulugang sabi ko sa kanya pero mukha di niya iyon napansin.
"Maria...you can take everything away from me. Just don't leave" sabi niya na halos magpaestatwa sa akin.
He knows?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro