Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"Wait!" Sigaw ko habang nagaapply ako ng lotion sa aking legs.

Kanina pa tumutunog ang doorbell sa aking unit kasabay ng pagkatok sa aking pintuan. Halos mag aalas nuebe na at hindi pa din ako nagaalmusal hanggang ngayon.

Muling tumunog ng magkakasunod ang doorbell ko kaya naman padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo sa aking kama. Dinaanan ko kuna ang toast na ginawa ko at sandaling kumagat duon.

I walked to the main door with just may robe and a towel on my head. Kakatapos ko lang kasing magshower. And i don't know who the heck is my first visitor.

"Good morning, Babe" nakangising sambit ni Alec.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan kaya naman kinuha niya ang pagkakataong iyon na tuluyan ng makapasok sa aking unit.

"I made a breakfast for you" sabi niya sa akin tsaka niya iyon nilapag sa aking dinning table.

He is on a formal attire. Napatingin ako sa wall clock at nakitang ilang minuto na lamang ay mag aalasdiyes na ng umaga.

"Why are you here? Your supposed to be on your office" sabi ko sa kanya at tsaka tiningnan ang dinala niyang pagkain para sa akin.

Halos mapawow ako ng makita kong home made pancake iyon na sigurado akong gawa ni Alec. Gusto ko na sanang kumain ang kaso ay nakarobe lamang ako at wala ni kahit anong suot sa loob nito.

"I'll just wear something descent" mapanuyang sambit ko kasi ramdam na ramdam ko pa ang kaninang maiinit na tingin ni alec sa akin.

Nginisian ako nito. "That's too formal, dapat nga ay wala ka ng suo..." hindi ko na siya hinayaang matapos dahil kaagad na akong tumakbo papasok sa aking kwarto tsaka ko siniguradong naka double lack iyon.

"Pervert" inis na sambit ko.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na din kaagad ako. Nakita kong naka prepare na ang pancake na dinala niya para sa akin at may kasama ng orange juice sa tabi nito.

"My Mom and Dad is out of the country, can you still wait for them?" Pangaasar na tanong nito sa akin.

Inirapan ko siya, I hate myself even more now lalo na at lumalabas na ako ang atat na atat na makasal sa kanyang as soon as possible.

If only the time is right, I will surely give a shot for us both. Halata naman talagang hindi mahirapan mahalin si Alec, lalo na at ngayon nga ay natatakot na din ako sa aking gagawin. Not everyone has the chance to marry him.

I'm sure many girls that know him want him. He's the ideal type of man, nasa kanya na ang lahat. Maging ang pagiging vocal nga niya sa kanyang nararamdaman ay ikinagulat ko.   

"Late ka na sa trabaho mo" sabi ko na lang habang tahimik na kumakain.

"I'm the boss, and hindi ako makakaalis kung hindi ka pa makakakain" sabi niya sa akin while looking straight and directly to my eyes with his dilated pupil.

"Are you in contact lens?" Tanong ko kahit alam ko namang hindi, pero palagi ko kasing nakikita ang pagdidilate ng kanyang pupil everytime I talk to him. Nagaaway o naglolokohan man kami.

Napaiwas ito ng tingin at nahihiyang napakamot sa batok. "Nope, ganyan talaga ako pag gusto ko yung nakikita ko" nahihiya man ay diretsahan pa din niya iyong sinabi sa akin kaya naman nahirapan tuloy akong mapalunok.

Dahil sasabog na talaga ang aking dibdib at naguumpisa nanamang uminit ang aking magkabilang pisngi ay hinampas ko ang kanyang braso na bahagya niyang ikinagulat.

"Stop it! You're so corny" mataray na sambit ko pero napakagat labi na lamang ito kaya naman halos masamid na ako.

"Wag mo na nga ulit akong dadalhan ng breakfast, i'm trying to be independent here, kung palagi kang nandito edi sana sayo na lang ako tumira" inis na sabi ko sa kanya pero mas lalo lamang lumaki ang ngisi nito.

"Anytime soon sa akin ka na din naman titira so...sinasanay lang kita" pangaasar niya sa akin.

Swear to God gustong gusto ko ng sumigaw dahil sa mga pinaggagagawa niya sa akin. I never felt this way before kaya naman sa edad kong 20 years old ay naninibago pa din ako.

Despite of the kilig that i'm feeling ay there's a part of me na nalukungkot din. Napalunok ako bago ko siya tiningnan diretso sa kanyang mga mata.

"Wag mo akong sanayin, baka hanap hanapin ko" malumanay at makungkot na sabi ko sa kanya.

Parang awa mo na Alec Herrer, baka hindi ko magawang iwanan ka.

Ginamit nito ang kanyang hintuturo para iangat ang aking baba. "We have a lifetime together ahead of us, kaya naman kung hahanap hanapin mo, wala kang magiging problema" malambing na sambit niya bago bumaba ang tingin niya sa aking mga labi.

Dahil duon ay napatingin din ako sa kanyang labi. Nangaakit iyon damn it! Napalunok ako ng dahan dahang lumapit ang mukha niya sa akin. Halos mawalan ako ng hininga ng maramdaman ko na ang kanyang labi sa akin.

Sabay sabay na nagsitayuan ang aking mga balahibo sa kamay at sa batok ng marahan nitong kinagat ang aking pangibabang labi, nangaakit.

"I think I won't get enough of you, kaya naman expect a baby in your womb in our first months, after the wedding" nakangiting sabi niya kaya naman mas lalo akong kinilabutan.

"Ano!?" Hiyaw ko sa kanyang pagmumukha.

Tinawanan ako nito dahil sa aking naging reaction. "Napaka neto!" Sigaw ko na mas lalo niyang ikinatawa.

Tuloy pa din ang pangaasar sa akin ni alec kaya naman ipinagtulakan ko na siya palabas ng aking condo unit. Masyado na din kasing tanghali at hindi pa siya pumapasok sa office.

"How was he?" Malungkot na tanong ni Dad ng bisitahin ko sila sa bahay.

"He's too excited" sagot ko na lamang sa kanya tsaka ko pinaglaruan ang cake na ibinigay sa akin ng aming katulong.

Kita ko ang lungkot sa mga mata nito, "Nung sinabi niya sa aking gusto ka niya ay sobra talaga akong natuwa...kaya naman unti unti ko na siyang itinuring na parang anak ko" kwento sa akin ni Daddy kaya naman napayuko ako.

"I never thought na, may intensyon pala silang iba" malungkot pa ding kwento niya sa akin.

"He told you he likes me?" Curious na tanong ko dito.

Napangiti si daddy dahil sa aking tinanong sa kanya. "Before nagdinner sa bahay ang buong pamilya nila, kilala ka na niya" sabi pa nito sa akin kaya naman bigla akong naging interisado.

So mas nauna pala niya akong nakilala, dahil nuon ko lang siya nakita, nung nag dinner sila dito sa amin.

"How?" Dugtong na tanong ko kay Daddy pero nagkibit balikat lamang ito.

"Maybe sa ibang event sa company" sabi na lamang niya.

Hindi na ako nagtagal pa sa bahay dahil alam ko namang busy si Daddy dahil sa companya. Sadyang ipinagpaliban niya na lamang ang kanyang ginagawa ng makita ako.

"Strawberry shake and blueberry cheescake, take out" order ko sa isang cafe ng dumaan ako ng mall bago bumalik sa condo.

Busy ako sa pagiiscroll down sa news feed ko sa facebook ng may umupo sa kaharap na upuan ko. "Excuse m..." hindi natuloy ang mataray na pagsita ko sana dito ng makita ko kung sino iyon.

"Brenda" malambing na tawag niya sa aking pangalan habang namumungay pa ang kanyang mga mata.

Halos malunod ako sa malamlam na tingin ng kanyang mga mata sa akin pero kaagad din akong nakabawi at tsaka ko mabilis na pinatigas ang aking ekspresyon sa kanyang harapan.

"What are you doing here?" Walang kaemoemosyong tanong ko sa kanya.

Kitang kita ko kung paano puminta ang sakit sa kanyang pagmumukha.

"I so miss you...i'm sorry kung ngayon lang ako nakabalik" malungkot na sabi niya sa akin pero wala na akong pakialam.

Saktong dumating ang order ko kaya naman mabilis akong naglakad palabas ng cafe.

"Brenda, let's talk please... I'm so sorry, I regret leaving you" pagmamakaawa niya sa akin.

Padabog kong binawi ang kamay kong hinawakan niya. "Daniel tapos na tayo...simula ng iniwan mo ako para sa pagaaral mo sa america wala ng tayo." Matigas na pagpapaintindi ko sa kanya.

Halos lumuhod ito sa aking harapan pero kaagad ko lamang siyang tinulak para makalayo sa akin.

"I still love you, ikaw lang" pagmamakaawa niya sa akin pero tumaas lang ang isang kilay ko.

"I'm getting married, wag mo na akong guluhin" pagpapaintindi ko sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkataranta.

"What?" Hindi makapaniwalang sambit niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin at mabilis akong lumabas at tsaka pumara ng taxi.

Lahat ng pamilyar na sakit ay unti unting bumalik, ngunit ni isang patak ng luha ay wala ng lumabas pa sa aking mga mata. I guess i'm really done with him. Kinalimutan ko siya, kaya nga everytime na may nagtatanong sa aking kung nagka boyfriend na ako ay sinasabi kong hindi pa. 

Nakatanggap kaagad ako ng tawag mula kay Ivoree at ibinalita nitong nakita niya sa Daniel.

"Yeah, nagkita kami kanina sa mall" tamad na kwento ko sa kanya habang busy ako sa pagiinit ng macaroni sa oven.

Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga ng sumigaw ito sa kabilang linya.

"I saw him kagabi around BGC, his with our highschool classmates" kwento pa sa akin ni Ivoree.

While listening to her I suddenly remember everything that happens between us.

Daniel Louie Tio. He was my first love, my first heartbreak. Dahil sa kanya kaya nawalan ako ng gana sa lahat ng tao sa paligid ko. After graduation namin ng highschool ng sabihin niyang sa america siya magcocollege, I told him to refuse the offer dahil selfish ako that time.

With my young heart, and he choose to go. I became so wreck, kaya naman naging manhid na ako, I don't care about other people that much, cause I know that lahat ay pwede akong iwanan.

"He's with his stepsister" mapanuyang dugtong na kwento pa ni Ivoree sa akin.

Napairap ako sa kawalan at tsaka ko muling naisip ang pagiyak ni Natasha sa aking harapan para ipatigil sa akin ang pagpapakasal namin ni Alec.

"Feeling ko, nagsumbong si Natasha sa Kuya niya naikakasal ka na kaya agad na umuwi yun"  sabi pa ni Ivoree kaya naman kaagad na nagkaroon ng konklusyon sa aking isipan.

That was possible. Knowing Natasha, gagawin niyoa ang lahat para makuha lang ang gusto niya.

"Alukin mo na siya kahit civil wedding na lang muna, hindi na natin mahihintay pa ang parents niya" sabi sa akin ni Tita liezel.

Napaawang ang aking bibig. "You want me? To ask him a civil wedding? Do you want me to look despearate?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at konting konti na lang talaga ay aawayin ko na siya.

Mariin siyang napapikit. "Brenda unti unti ng nagbaback out ang mga investor, ano mang oras ay pwede ng mapalitan ang Daddy mo sa position niya." Sabi niya sa akin na mas lalong kinatrigger ng aking sistema.

"Pero naman..." hinaiing ko.

Hiyang hiya na din ako kay Alec, with the way he treat me sobrang nakakakunsensya iyon. Lalo na at alam kong kung ano man ang aking hilingin ay siguradong papayag siya.

"Brenda, naibenta na ang lahat ng property outside manila. Balak na din ng Daddy mong ibenta ang shares niya sa isa sa matalik niyang kaibigan para may control pa din siya sa companya sa oras na umalis na tayo ng bansa" kwento nito sa akin sa magiging plano.

Napapikit ako ng mariin habang habol habol ang aking hininga. "Do I really need to do this? Pwede ko naman sigurong kausapin na lang si Alec" malumanay na sabi ko kay tita liezel pero tumigas ang mukha nito.

"Ngayong magkaaway si Austin Herrer at ang Daddy mo?" Mapanghamon na tanong niya sa akin.

"P...po bakit?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Napairap siya at napaiwas ng tingin. "Hindi na export ang malalaking container na naglalaman ng materyales papunta sa Spain" sabi ni Tita kaya naman nanlaki ang aking nga mata.

"Bakit po? Sa pagkakaalam ko sa nung isang buwan pa dapat iyon" sabi ko sa kanya.

"Financial problem, hindi na kaya ng companya ang expenses" sagot niya sa akin.

"Alam po ba ni Alec ito?" Kinakabahang tanong ko sa kanya at halos makahinga ako ng maluwag ng umiling si Tita liezel.

"Hindi pa, kaya nga kumilos ka na hangga't maaga pa" desididong saad niya kaya naman mas lalo akong napressure.

Malayo ang tingin ko sa labas ng aking binatana, maganda tingnan ang mga naglalaking gusali at ang city lights sa ibaba nito. I'm expecting Alec anytime soon.

Napaiktad ako ng makarinig ako ng pagdodoorbell. "Hi" nakangiting sambit nito sa akin.

Napakunot ang aking noo ng makita ko ang itsura ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Nakumpirma ko lang na nakita ko na siya ng may lalaking tumabi dito.

"Hi sister in law" masayang bati nito sa akin kaya naman kaagad siyang siniko nung babae at may bahagyang binulong.

"Hi Brenda, I'm Elaine Jimenez...pinsan ako ni Kuya Alec at ku..." hindi na siya pinatapos ni axus herrer.

"Si Alec lang" pagdidiin nito kaya naman mas lalong kumunot ang aking noo pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Invite ka sana namin sa may penthouse, anduon kasi ang iba pa naming pinsan. Tumawag kasi si kuya Alec at sinabing baka hindi ka pa nagdidinner" kwento niya sa akin kaya naman medyo nagpalinga linga ako.

"Ah eh...nasaan ba siya?" Tanong ko dito.

"Nagkaproblema kasi sa site namin sa Cebu, pero wag ka daw magalala uuwi siya kaagad" sagot ni Kuya Axus sa akin na halata namang nangaasar pa.

Nahihiya man akong tumanggi ay sumama na lamang ako sa kanila. Hiniram daw kasi ng mga ito ang unit ni Alec, mukhang ganuon talaga ang gawain nila dahil halatang sanay na sila.

Tawanan kaagad ang aming narinig pagkalabas ng elevator. May malaking mesa sa gitna ng penthouse. Sandali akong napayakap sa aking katawan dahil sa malamig na hanggin.

"Bottoms up! Bottoms up!" Hiyawan ng iilan sa kanila.

"Andito na si Brenda!" Masayang anunsyon ni Elaine kaya naman kaagad na napatigil ang lahat at lahat sila ay napatingin sa aming gawi.

Namukhaan ko ang isa sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko na siya minsan sa opisina ni alec.

"Do you remember me? I'm Clark" pagpapakilala niya ulit na todo ngiti kaya naman nginitian ko din siya at tsaka tumango.

Isa isa silang nagpakilala sa akin. Nakaktuwa silanh lahat dahil ramdam na ramdam ko ang closeness nilang magpipinsan.

"Kumain ka ng marami ha, papagalitan kami ni Kuya Alec pag hindi" nakangiting sabi sa akin ni Yvonne.

Duon ko nakilala sina Nathan, Marcus, Yvonne, Clark, si Elaine, si Axus, si Cyrus na fiance ni Yvonne.

Masaya silang kasama lalo na ng dumating ang magasawang sina Sebastian at Carol.

"Ito nga pala si Brenda kuya Sebastian, yung girlfriend ni Kuya Alec" pagpapakilala sa akin ni Elaine dito kaya naman halos umusok ang pwet ko dahil sa kakaibang naramdaman.

Kumunot ang kanyang noo. "Akala ko ba Maria ang pangalan nung girlfrend ni Alec?" Nagtatakang tanong niya kaya naman ako na ang sumagot.

"Ako din po iyon" sabi ko.      

Maya maya lamang ay nginitian na ako nito at tsaka niyakap. "Welcome to the family" sabi niya kaya naman halos uminit ang magkabilang gilid ng aking mata.

I dreamed of this kind of family before, pero masyadong malalayo ang iba pa naming relatives at lalo kaming nawala ng connection sa kanila pagkatapos ng aksidente.

Puro tawanan ang ginawa namin, si Marcus ang nagiihaw. Naaawa nga ako sa kanya dahil palagi siyang kinakawawa ng mga pinsan niya.

"Ayos ka lang ba dito?" Biglang tanong ni Clark sa akin kaya naman kaagad ko siyang tinanguan.

"Mukhang tinamaan talaga ang pinsan ko sayo...kaya sana wag mo siyang sasaktan" nakangiting sabi sa akin ni Clark kaya naman muli kong naramdaman ang kunsensya.

"Minsan lang naging ganito si Alec, malalaman mong gusto niya talaga ang isang bagay pag lahat ng meron siya ay binibigay niya. Alam kong magiging ganuon din siya sayo Brenda..." sabi pa nito kaya naman halos mahiya na ako.

"Hi...hindi ko po siya sasaktan" labas sa ilong na sabi ko. Im such a liar.

Napatawa ito, "Naku dapat lang! Magingat ka...hindi ka na papakawalan non" pananakot na pangaasar niya pa sa akin.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro