Chapter 13
"Just put my shoes in a seperate boxes" utos ko sa dalawa naming katulong na inaayos ang aking mga gamit na dadalhin ko sa may condo.
Busy ako buong araw, hindi ko naman dadalhin ang lahat ng gamit ko pero pinili ko itong mabuti. Pagdating ng hapon ay nagbihis ako para pumunta sa school. Kuhanan nakasi ng grades at pwede na ding magenrol.
"Hindi ka na ba talaga tutuloy sa Zambales?" Malungkot na tanong sa akin ni Chatterley.
"I'm not yet sure Chatt, but I really need to do something this summer" malungkot ding sagot ko sa kanya.
"Are you sure hindi ka mahuhuli ni Alec Herrer...pag nalaman niya ang plano mo siguradong magagalit iyon" sabi ni Ivoree.
Nagkibit balikat na lamang ako habang tamad na nakaupo sa isa sa mga bench ng school. "Gusto mo bang kausapin ko si Daddy para makahingi ng tulong?" Nagaalalang sambit ni Chatterley.
Mabilis akong umiling, "Hindi alam ni Dad na alam ko na ang mga nangyayari" sabi ko sa kanilang dalawa kaya naman mas lalong nagalala yung dalawa dahil sa aking sinabi.
"Talk to him, baka naman may iba siyang paraan kaya naman hindi niya hinihingi ang tulong mo" suwestyon ni Chatterley sa akin.
"I know him, hindi iyon magsasalita...hindi niya iyon sasabihin sa akin" malungkot na sabi ko pa sa kanila.
"Are you really sure about your Tita liezel " may pagdududang tanong nila sa akin kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.
"Masyado akong naging sakit ng ulo para kay Dad, I just want to repay him by doing this" sabi ko sa kanilang dalawa kaya naman niyakap na lamang nila akong dalawa.
Hindi na nila binaggit pa iyon pagkatapos ng aming paguusap. Hinintay naming lumabas ang mga grades. Hindi na rin muna ako nag enroll dahil kung matutuloy nga ang plano ay lilipad ako patungo sa US kaya naman that will become non sense.
Tahimik akong nakaupo habang hinihintay sina Chatterley at Ivoree na nageenrol ng magulat ako ng makita ko ang pagsugod ni Natasha sa aking gawi.
"What?" Mataray na sabi ko habang nakataas ang isang kilay ko at nakahalukipkip pa.
Habol habol nito ang kanyang hininga habang matalim ang tingin sa akin.
"Don't marry Alec Herrer" matigas na utos niya sa akin na aking ikinatawa.
Halos lumaki ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi nito. "And who do you think you are?" Natatawang tanong ko sa kanya because she isn't in the place to tell me what to do.
"Hindi mo mahal si Alec Herrer" sabi niya sa akin kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo para mapantayan siya.
Kaagad akong hunalukipkip, "You don't know what you're saying...alam mo Natasha tanggapin mo na lang" sabi ko pa sa kanya pero halos mabato ako ng kaagad na lumipad ang kamay nito sa aking pisngi.
Ang ibang studyante tuloy na dumadaan ay kaagad na napatingin sa aming gawi. "Gold digger" matigas na sambit niyang nagpataas sa aking balahibo.
Naningkit ang aking ma mata habang nakatingin sa kanya. "What did you just say?" Nanggigigil na sabi ko.
It did not scare the hell out of her, mukhang desidido si Natasha sa kanyang pakay sa akin.
"I heard na malapit ng malugi ang bussiness ng Dad mo, kaya siguro minamadali mo ang pagpapakasal kay Alec Herrer" akusa niya sa akin na alam ko namang totoo.
I tried to calm myself, hinding hindi ako magaaksaya ng pagod para sa babaeng ito.
"If you really want Alec Herrer, sabihin mo sa kanya, tell him you like him para naman matigil ang kasal namin. Cause to tell you honestly Natasha, Siya ang may gustong makasal kami" pagpapaintindi ko sa kanya na mas lalong ikinagalit niya. Naguumpisa na ding tumulo ang mga nagbabadyang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"You don't know how to love, gagamitin mo lang siya" garalgal na sabi nito sa akin.
"Ikaw? Alam mo?" Hamon ko pa sa kanya pero hindi na ito sumagot pa.
"You are heartless Brenda...selfish!" Sigaw niya sa pagmumukha ko bago ako nito tuluyang iniwan.
Nanghihina akong napaupo sa aking kinauupuan, hindi alinta ang mga taong nakapaligid sa akin.
Natasha is right...I am heartless and selfish. I am.
Maaga akong umuwi sa bahay, naabutan ko ang iilang sasakyan sa labas nito kaya naman sa may garden na sana ako dadaan ang kaso ang kaagad akong sinalubong ni Tita Liezel.
Halatang halata ang problema sa pagmumukha nito. "What happen?" Tanong ko sa kanya at bahagya akong sumilip sa kanya likuran pero hinarangan niya iyon.
"Wala na ang rest house niyo sa tagaytay, maging ang tatlong yate ay naibenta na din" sabi nito sa akin kaya naman halos manghina ako.
"Pero kay Mommy ang tatlong yate na iyon!" Himutok ko pa. Isa iyon sa mga memories ko kay Mommy. Hindi ako makakapayag na pati iyon ay mawala pa sa amin.
"Brenda marami ng utang ang Daddy mo, yun na lang ang natitirang paraan para makabayad siya..." sagot sa akin ni Tita liezel.
Halos maginit ang magkabilang gilid ng aking mga mata. I don't know what to do. "Bakit nangyayari ito?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.
"Kasalanan ng mga Herrer" sabi ni Tita na ikinagulat ko.
"Ano? Paanong naging kasalanan nila, akala ko ba ay tulong nila ang kailangan natin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya pero halos mapapikot din ito dahil hindi niya alam kung saan magsisimula.
"Matagal ng interisado ang mga Herrer sa companya ng Daddy mo Brenda, sa palagay namin ay ito ang naging paraan nila upang makuha ito sa atin..." sabi pa ni Tita liezel kaya naman halos parang lumutang ako sa lahat ng mga hindi inaasahang narinig.
"Kung ganuon bakit ako gustong pakasalan ni Alec?" Tanong ko pa sa kanya.
"Hindi mo ba naisip na mas magiging madali para sa kanilang makuha ito kung makakasal ka sa kanya?" Pagpapaintindi nito sa akin kaya naman kaagad na gumuho ang mundo ko.
Bahagyang lumapit sa akin si Tita liezel para mas marinig ko ng mabuti ang kanyang sasabihin.
"Mukhang gusto tayong paikutin ng mga Herrer sa kanilang nga kamay. Pagkakataon mo na ito Brenda...baliktarin mo ang laban, ikaw ang magpaikot sa kanila" suwestyon niya sa akin na halos hindi ko magawan iabsorb.
Nagkulong ako sa aking kwarto habang iniisip ang nangyari. Hind ko magawang maniwala kay Tita liezel sa kanyang sinabi, pero ang lahat ng iyon ay nasagot ng marinig ko ang pagaaway nilang dalawa ni daddy sa kanilang kwarto.
"Hindi ko inaakalang magagawa nila ito! Akala siguro nila ay hindi ko malalaman na sila ang nasa likod ng lahat ng problema!" Galit na galit na sigaw ni Daddy at halos makarinig ako ng ilang mga pagkabasag ng gamit.
Naiiyak ako dahil sa naririnig. Unti unti ng nagiging malinaw ang lahat para sa akin. "Mga hayop sila! Mga hayop ang mga Herrer!" Sigaw pa ni Dad at narinig ko na ang paghingpis nito.
Alam ko kung gaano kahalaga kay Daddy ang companya naminm kaya naman ramdam na ramdam ko ang paghihinagpis niya sa mga problemang kinakaharap namin ngayon.
"Hinding hindi na niya makikita ang aking anak!" Sigaw nito at halos mapaiktad ako ng marinig ko ang padabog na paglalakad nito papalapit sa aking kwarto.
Kaagad niyang nabuksan ang kwarto ko at tsaka ako mabilis na napatayo mula sa pagkakaupo ko sa dulo ng aming kama.
"Daddy" naiiyak na tawag ko sa kanya.
Ibang iba abg itsura nito ngayon. Huli ko siyang nakita na ganito nuong mamatay si Mommy at ang aking kapatid.
"Wag na wag ka ng lalapit sa Alec Herrer na iyon, naiintindihan mo?!" Pagalit na pagpapaintindi niya sa akin na kaagad ko namang inilingan.
"Daddy hindi pwede! Kailangan kong makasal sa kanya" pagtanggi ko sa kanya kaya naman mas lalong tumigas ang nukha nito.
"Hinde! Hinding hindi na tayo lalapit sa mga Herrer!" Sigaw pa niyang muli kaya naman napatakbo na lamang akong yumakap sa kanya na kaagad naman niyang tinanggap at tsaka ginantihan.
"Hindi pwedeng mawala sa atin ang companya...hindi ko kakayanin" umiiyak na pagsusumbong nito sa akin.
Pinilit kong tinapangan ang aking loob at maging ang aking pananalita. "Igaganti kita Daddy...gagantihan natin sila" desididong saad ko sa kanya.
Napakalas siya ng pagkakayakap sa akin. "What do you mean?" Tanong nito sa akin.
Tiningnan ko si Dad ng mabuti sa mata. Dahil nangyari ito, malakas ang pakiramdam kong papayag na din siya sa aking magiging desisyon.
"I need to marry him, Dad" paguumpisa ko bago ko sinabi sa kanya ang lahat ng magiging plano.
"Hindi mo kilala ang mga Herrer! Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin sa oras na malaman nila ang plano mo...Brenda anak, masyado ka pang bata para dito. Hindi ako papayag" sabi ni Daddy kaya naman mas lalo akong na frustrate.
"Daddy...ito na lang ang paraan!" Pagpapaintindi ko sa kanya.
"Brenda..." halos mangiyak ngiyak na tawag niya sa akin.
I know natatakot lang si Dad para sa akin. Natatakot din naman ako, pero panahon na para makatulong naman ako sa aming pamilya.
Lumipas ang ilang araw at mas lalong nagkagulo ang buong companya. Maging ang ilang mga sasakyan at property namin outside Manila ay isa isa ng ibinenta.
"Pero hindi pa din sapat" problemadong sambit ko.
Muling tumayo si Daddy sa pagkakaupo sa may sala para may tawagan. Iniingatan naming wag ipaalam ang buong nangyayari. Marami mang balita ang lumalabas ay hindi kami kailan man magsasabing bagsak na talaga kami. Not unless maikasal ako sa isang herrer.
"Dad...i'm asking for your permission, let me do this for our family" pagmamakaawa ko sa kanya habang halos nakalugmok na ito sa kanyang office table.
Kitang kita ko ang hesitation sa kanyang mukhabago siya bayolenteng napalunok.
Tumango tango ito. "Pa...payag na ako" sabi niya kaya naman napayakap na lamang ako sa kanya.
Nang nga sumunod na araw ay natuloy ang pagalipat ko sa condo unit na kaharap lang ng tinutuluyan ni Alec. Kung mas magiging malapit kami sa isa't isa mas maganda.
"Ayos ka lang ba dito magisa?" Tanong ni Daddy sa akin na kaagad ko namang tinanguan.
"I'm going to be fine, Dad" paninigurado ko pa.
Umalis sila Dad bago dumilim. Hindi pa rin ako tapos sa aking ginagawang paguunbox ng aking mga gamit ng makarinig ako ng pagdoorbell.
Tamad na tamad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa sahig bago tinungo ang pintuan para buksan iyon.
"Hi, beautiful" nakangiting pangaasar nito sa akin.
Wala akong naramdaman na kahit ano. Namanhid ang aking katawan ng makita ko siya. Halos ilang araw din kasing hindi kami nagkita na dalawa kaya naman lahat ng galit at pagkainis na nararamdaman ko ng mga nakaraang araw ay nagsama sama at nagpamanhid sa akin.
"Can I come in?" Tanong niya sa akin.
Gustong gusto ko na siyang sampalin at sumbatan tungkol sa mga pinaggagagawa nila sa companya ni Dad. Mabuti na lamang at nabalik ako sa aking wisyo.
If Alec Herrer can play this game, so do I.
"Busy ako, eepal ka lang dito eh" mataray na sambit ko sa kanya para naman magmukang normal lang ang lahat sa pagitan namin kahit ang totoo ay kaaway na ang tingin ko sa kanya simula ngayon.
Nginisian ako nito. "I'll help...don't worry" paninigurado niya sa akin kaya naman bahagya kong binuksan ang pintuan.
May itinaas itong tupper ware. "I also cook a dinner for two" sabi niya sa akin at hindi ko na siya napigilan dahil kaagad na siyang dumiretso sa aking kitchen.
Hinayaan ko siya. Pinagpatuloy ko ang maguunbox ko hanggang sa tinawag na ako nito para kumain.
"Eat up" nakangiting sabi niya sa akin.
He seems very happy. Marahil ay dahil unti unti na silang nagtatagumpay na makuha ang aming companya. Dahil sa aking naisip ay mas lalo akong nagagalit sa kanya. Isa siyang sinungaling. I hate liars.
Sinimulan kong kainin ang pagkaing iniluto niya para sa amin. Wala ako sa mood na makipagusap sa kanya pero hindi naman ito nagpaawat.
"I'm happy you're here, mas magiging malapit na tayo sa isa't isa before the wedding" sabi niya sa akin.
Hindi ko ineexpect na ganito ka vocal si Alec kaya naman napataas na lamang ang aking kilay. Maybe because it is one of his acting para makuha ako.
"Let's get married, Asap" seryosong sabi ko habang diretso ang tingin sa kanyang mata.
Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. "Ba...bakit?" Halos nauutal na tanong niya sa akin kaya naman napahinga ako ng malalim. I should start the show.
"I want to be with you Alec, i think...i think i'm falling" labas na ilong na saad ko kahit may parte sa aking kinilabutan dahil sa bahagyang paggalaw ng mga paru paru sa aking tiyan.
Kitang kita ko ang pagawang ng kanyang labi. Maging ang paguumpisang pamumula ng tenga nito hanggang sa tuluyan ng mamula ang kanyang buong mukha.
"Are you for real, Maria? Hindi mo ba ako pinaglalaruan?" Halos mawalan siya ng boses ng tanungin ako.
Pinilit kong magkunwaring kinikilig ako. "Sorry kung hindi ko na napigilan ang sarili ko, pero tutal ikakasal naman na tayo...hindi naman na siguro nakakahiya kung aamin na ako sayo" sabi ko pa na halos walang laman lahat.
Akala ko ay magdududa pa si Alec pero nabigla ako ng lumawak ang ngiti sa labi nito.
"That was...that was fast" nakangising sambit niya sa akin.
I remain calm, I don't feeling anything. Just a little guilt.
"Do you really want me, Alec?" Malumanay na tanong ko sa kanya.
Kitang kita ko ang pagdidilate ng mata nito kasabay ng pagkislap ng kanyang mata. Just like how prey and preditor meet.
Hindi pa ito nakuntento, tumayo pa ito at tsaka ako hinila para tumayo din. "I don't just want you, Maria...I love you" sincere na sabi nito kaya naman halos mapalunok ako. I didn't expect this.
Napakunot ang aking noo. "Wha...how?" Magulong tanong ko pa sa kanya.
Kaagad kong naramdaman ang takot sa kanyang mga mata. Sa hindi ko malamang dahilan ay kaagad akong nakaramdam ng kakaiba.
"Malaki ang naging kasalanan ko sayo, Maria...i'm so sorry" guilting guilting sambit niya na kaagad naman akong niyakap.
"Anong kasalanan?" Tanong ko dito pero hindi na siya nagsalita pa, ikinulong na lamang ako nito sa kanyang maiinit na palad.
"I promise, I will make it up to you...I will give you everything" sambit niya na akala mo ay lasing sa pagibig si Alec.
Wala sa itsura niya ang pagiging vocal. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ako o sasabayan na lamang ang pagpapanggap niya.
"Then let's get married" utos ko sa kanya.
Napatango tango ito, "If that's what you want" sambit niya at muli nanaman ako nitong niyakap.
"I want us to have a prenuptial agreement" sabi ko pa para pagtakpan ang plano.
"No Maria, lahat ng akin ay magiging sayo na...you are going to be my wife" pagtanggi niya. Just how I saw it.
Napahilamos ako ng mukha habang nakalublob ako sa aking baththub. Pigil na pigil ang aking ngiti habang inaalala ko si Alec kanina. Ganuon pala ito sa babaeng mahal niya, sobrang vocal at parang handang maging under de saya.
Inabot ko ang aking cellphone ng kaagad itong tumunog. Mabilis kong sinagot ng makita kong si Tita liezel ang tumatawag.
"Good job hija...nagcecelebrate na kami ngayon ng Daddy mo" tuwang tuwang bungad niya sa akin.
"Why?" Nakakunot ang aking noo.
"Alec just called, ibinalita niya sa aming aayusin niya na ang kasal...he seems so excited, what did you do?" Natatawang tanong ni Tita liezel sa akin.
Parang may kung anong kumirot sa aking dibdib. Sandali kong tinakpan ang aking cellphone. "What are you Alec? Are you for real?" Nasasaktang sambit ko dahil hindi ko na alam kung nagpapanggap lamang din ba siya kagaya ko o...baka naman, baka naman totoo.
"I did my part, tell Daddy he can sell all the property except the house" pagsisimula ko.
"We are all going to states after the wedding" dugtong ko pa tsaka ko pinatay ang tawag, kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
I will waste the opportunity to be loved by Alec Herrer for the sake of my Family.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro