Chapter 11
Kanina pa ako palibot libot sa loob ng mall. Wala na din akong maisip na ibang bibilhin pa dahil halos lahat naman ng gusto kong bilhin ay nabili ko na.
"Thank you for coming, Ma'm" bati sa akin nung sales lady matapos niyang iabot sa akin ang gold card ni Alec.
Kaagad ko naman iyong kinuha. Nang tinanong kasi ako nito kung magkano ang kailangan ko ay hindi ako nakasagot. Bakit? Alam ko ba ang lahat ng presyo ng mga tinda sa mall? Kaya naman inabot niya sa akin ang kanyang gold card kaya naman wala akong kahirap hirap sa pagswipe ng mga gamit na nabili ko.
Napadaan ako sa jewelry shop at duon ay nakita ko si Natasha. She's with someone kaya naman kaagad akong napairap at iiwas na lamang sana ng kaagad siyang mapalingon sa akin. Hindi ko alam pero kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata ng makita ako kaya naman mabilis siyang napabitaw sa braso ng lalaking kanyang kasama.
Tinaasan ko siya ng kilay at aalis na sana ako duon ang kaso ay kaagad itong lakad takbong lumapit sa akin. Rinig na rinig ang pagtunog ng heels na suot niya sa sahig na marmol ng mall.
"What are you doing here?" Tanong niya sa akin habang hinihingal pa.
Mula sa pagkakataas ng aking kilay ay mabilis na umikot ang aking mga mata.
"And what the hell is that kind of question...mall ito, public place" sarcastic na sabi ko sa kanya.
Gusto ko sana siyang ipahiya sa sarili niyang kashungahan pero hindi tinablan ang loka.
"Did you already know kung sino yung papakasalan mo?" Tanong ni Natasha sa akin.
Muli akong napaayos ng tayo sabay nguso. Ito nanaman ba ang paguusapan namin?
"Seriously Natasha, anong problema mo sa pagpapakasal ko?" Tanong ko sa kanya pero nakita ko lang ang pagyuko nito at ang paglalaro niya sa kanyang mga daliri. Mas lalong napakunot ang aking noo dahil hindi ako sanay na ganyan siya, akala mo ay kuting na vulnerable, samantalang sa school ay kala ko kung sinong bitch.
"I got a news na si Alec Herrer ay malapit na ding ikasal" malungkot na sabi niya na naging dahilan naman ng pagtaas ng aking mga balahibo.
Parang may kung anong insecto ang nagbubunyi ngayon sa aking sikmura dahil sa narinig.
"R...really?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
Mula sa pagkakayuko ay tumingin ito sa akin at duon ko nakita ang pamumula ng mata nito na ano mang oras ay maiiyak na. What the heck. Just because ikakasal na si Alec sa iba ay magkakaganyan siya?
Tumango muna ito. "You know Alec right? Alam mo ba?" Tanong niya sa akin na kaagad ko namang ikinamutla dahil ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng aking buong katawan.
Marahas akong umiling sa kanya, "Hindi...ofcourse not, paano ko naman malalaman eh we're not even close nga!" Palusot ko sa kanya.
"Then who's the girl!?" Kaagad na tumaas ang boses nito na ikinagulat ako kaya naman napatingin ako sa paligid. My gahd! Abnormal talaga ang babaeng ito!.
"Calm down Natasha! Hindi lang naman si Alec Herrer ang lalaki sa mundo!" Suway na pagpapakalma ko sa kanya.
Suddenly I saw her shoulder struggle na para bang umaakyat baba na ito, "Are you crying!?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Mabilis itong umiling iling at kaagad na tumakbo palayo sa akin. "Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili. Nagpatuloy ako sa paglalakad para makabalik na sa office ni Alec.
Busy ako sa pakikipagchat kina Chatterley at Ivoree habang nasa byahe kami.
Because it's just one week before the vacation napagpasyahan naming mag out of town bago din sila umalis sa bansa dahil sa kanya kanyang family vacation. We're planning to go to Zambales this time.
Alec is super busy pagkasilip ko sa kanyang pintuan. Wala kasi ang kanyang secretary kaya naman mabilis akong pumunta sa harapan ng kanyang pintuan.
"Knock knock" sambit ko.
Kaagad itong nagtaas ng tingin, nang makita ako ay kaagad niyang binitawan ang hawak na ballpen at preskong preskong sumandal sa kanyang swivel chair.
"Are you done?" Tanong niya nanikinairap ko.
Naglalakad ako palapit sa kanyang table ng kaagad itong napangisi, "Anong mali sa sinabi ko na ikinairap mo?" Naamaze na tanong nito sa akin.
"It's obvious naman na tapos na ako magshopping..." inis na sagot ko sa kanya, I don't know suddenly naiinis ako bigla sa mga taong makukulit at nagtatanga tangahan!
"Be careful with your eyes, Maria. Baka maduling ka" pangaasar niya sa akin at tsaka siya natawa sa sarili niyang sinabi.
Napasimangot naman ako, nakakainis na talaga ang lalaking ito. "Shut up" inis na sambit ko na lamang sa kanya tsaka ko inilapag ang card niya sa harap niya.
Naglakad ako papunta sa sofa at tsaka umupo, I also need to rest dahil sa paglilibot ko sa mall, baka magkavaricose veins pa ako nito dahil sa taas ng heels ko.
"Do you want something to eat?" Tanong ni Alec na kaagad ko namang inilingan.
Napabuntong hininga ako dahil sa lambot ng kanyang upuan kaya naman hindi ko na napigilang hubarin ang suot kong sapatos at tsaka ko kaagad itinaas ang parehong paako sa kanyang center table at preskong umupo duon.
I heard him cursed, pero hindi ko siya pinansin. Bahagyang tumaas ang dress na suot ko kaya naman medyo naexpose ang legs ko.
"Let me rest a bit, wag mo akong manyakin!" Pagbabanta ko sa kanya na ikinangisi niya.
Tinaasan ako nito ng kilay. "I'm not even interested with you..." sabi niya pa kaya naman napadilat ako. That hurts my ego a bit, bwiset na lalaking toh!
"Me too! I'm not interested with old man!" Asik ko sa kanya sabay pikit ulit.
Akala ko ay magsasalita pa ito, pero nagulat ako ng natahimik na lamang si Alec duon. Bahagya kong idinilat ang aking kanang mata para tingnan kung anong ginagawa niya pero muli akong napapikit ng nakita kong titig na titig ito sa akin.
Nakarinig ako ng bayolenteng pagbuga nito ng hininga. "Then what are you doing here?" Seryosong tanong niya sa akin habang diretso ang tingin sa kanyang laptop.
Bigla naman tuloy akong tinubuan ng awa. Baka masyado siyang naoffend dahil sinabihan ko siya na matanda.
"Why? You don't want me here ba?" Kunwaring paawang tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang mariing pagpikit nito. "You don't want me too...kung ganuon pala hindi natin gusto ang isa't isa kaya hindi talaga dapat matuloy ang kasal" sabi niya na ikinatayo ko.
"No!" Sigaw ko na ikinagukat niya.
Kaagad akong naglakad papunta sa harap ng kanyang office table kahit nakapaa. Carpeted naman ang floor niya kaya ok lang.
Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nanghahamon. "I...I want to..." hindi ko alam kung saan huhugutin ang boses ko.
"Leave, ang Daddy mo na lang ang kakausapin ko" seryosong sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Si Alec parang tanga" sabi ko na ikinagulat niya.
"What?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
Siguradong sobrang haba na ng aking nguso ngayon. "Nagtatampo ka kaagad, eh parang nagaasaran lang naman tayo kanina" parang pangungunsensyang sabi ko pa.
Mula sa pagiging galit ay kitang kita ko ang pagkaamaze sa mukha nito. Dahil duon ay napagpasyahan ko nang panindigan para siya naman ang nakunsensya.
Bagsak ang balikat ko pabalik ng sofa para kuhanin ang bag at sapatos ko. "Aalis na nga lang ako...tutal tama ka, wala naman talagang may gusto sa akin kahit sa bahay namin." Kunwaring malungkot na sabi ko pa.
"Gusto ko lang namang may makasama..." pagpaparinig ko pa din sa kanya habang tamad na tamad kong sinusuot ang sapatos ko.
Magmamaktol pa sana ako ng mabigla ako ng hawakan ako nito sa may siko. Napanganga tuloy ako sa kanya ng wala sa oras habang nakatingala.
Nang makabalik ako sa wisyo ay tinaasan ko kaagad siya ng kilay. Problema nito, kanina lang ay pinapaalis ako tapos ngayon may pahawak hawak pa sa siko, napapatulala tuloy ako!
"What?" Mataray na tanong ko na bahagyang ikinakunot ng noo niya.
Nabigla din ako sa aking inasal. "I...I mean bakit?" Mas mahinahon na ngayon ay medyo naging pabebe. Damn Brenda, what's happening to you?
"You can stay, wait for me may tatapusin lang ako...let's eat dinner together" seryosong sabi niya sa akin while looking directly to my eyes with his dilated pupils.
Dahil duon ay parang nahypnotized akong napatango tango. Wala pa rin ako sa sariling ng lumuhod si Alec at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa paa ko para tanggalin ang sapatos ko.
"Sige na, take a rest" utos niya sa akin tsaka bahagyang tulak pa para maupo ulit ako.
Hindi ko alam pero ito ang pinakanakakaenjoy na oras na walang ginagawa, kung sa ibang pagkakataon lang ito ay siguradong kanina ko pa nabulyawan si Alec Herrer dahil pinaghihintay niya ako. Pero imbes na ganuon ang maramdaman ay nalilibang ako habang pinaoanuod ko siyang nagtratrabaho.
Napapakagat na lamang ako sa aking ibabang labi pagnakikita ko ang bahagyang pagkunot ng noo dahil sa kanyang binabasang documento...sobrang manly talaga niya.
Fuck! What the hell are you talking about Brenda!
"Brace yourself, Brenda...brace youself" paulit ulit na bulong ko habang inaalog ang utak ko.
This is not me anymore! Simula ng bwisitin ako ni Alec Herrer. I feel something creepy.
"Uhmm...Alec, i'm sorry to say this pero kasi, nakalimutan kong may imemeet pala ako for dinner" palusot ko. I can't take this anymore. Isang oras pang makasama ko siya sa gitna ng nakakabinging katahimikan at palitan namin ng hininga sa loob ng kanyang kwarto ay sobra kong ikinakabahala.
Napakunot ang kanyang noo kasabay ng pagpinta ng nagtatagong pagkadismaya sa kanyang mukha.
"Sino?" Tanong niya sa akin.
Napalunok naman ako. "Si...sila Chatterley at Ivoree" sambit ko at kaagad na tumalikod.
Mula sa pagtitig sa akin ay muli niyang ibinalik ang tingin sa laptop. At halos mangamba akong pumutok ang laptop niya dahil sa sama ng tingin niya dito.
"I'm expecting you to be with me for dinner" may halong pagtatampong sabi pa nito pero sobrang manly pa din.
Bibigay na sana ako at babawiin iyon ng mabilis akong mapailing. "Uhmm...kasi naisip ko, pag kinasal naman na tayo araw araw din naman tayong magkasama kaya naman..." hindi ko na din natuloy ang sasabihin ko dahil parang gusto kong saktan ang aking sarili dahil sa mga salitang lumabas sa aking bibig.
Kitang kita ko ang bahagyang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Alec kaya naman mas lalong nainit ang aking pisngi.
"I understand...sige na, meet your friends" parang isang putok ng baril ang kanyang mga salita kaya naman walang lingon lingon akong lumabas ng kanyang opisina.
Swear to God, hindi a ulit ako papayag na makulong kaming dalawa duon.
Habol habol ko ang aking hininga pagdating sa may parking lot kung saan kanina pa naghihintay ang driver namin. "Let's go home" pagod na sabi ko dito.
Halos dalawin na ako ng antok habang nasa byahe, idagdag mo pa ang traffic.
"Bakit hindi mo na lang aminin sa mga Herrer na babagsak na ang companya?" Rinig kong hinaing ni tita liezel pagkadaan ko sa kanilang kwarto.
"Hinaan mo ang ang boses mo at baka may makarinig sayo, inaayos ko pa ang lahat...hindi babagsak ang companya ko" sagot ni Daddy dito.
Parang kung may anong tumubo sa aking takot. Kaya naman nanatili ako duon at tsaka nakinig.
"Matutulungan nila tayo..." giit ni Tita liezel sa kanya.
"Natulungan na tayo ng mga Herrer, hindi ko maatim na abusuhin sila lalo na't gusto niyang pakasalan si Brenda" sabi ni Daddy na nagpalipad nanaman ng kung anong insecto sa tiyan ko pero hindi ito ang tamang panahon.
"That's the point Arthur, ikakasal siya sa anak mo...siguradong gugustuhin niyang tulungan tayo" desperadang sabi ni Tita.
"Ayokong magmukhang pera lang ang habol natin sa kanila, hindi ko gustong maging ganuon ang tingin niya kay Brenda" sabi ni Daddy. That's why I love my Daddy...very much!
"Eh sa iyon naman talaga ang totoo! Pera nila ang habol natin bakit ba ayaw mo pang aminin!" Sabi pa ni Tita liezel bago ako nakarinig ng tunog ng pagsampal.
"Wag na wag mong ipaparinig iyan kay Brenda" pagbabanta ni Daddy kaya naman dahil sa takot ay mabilis akong nagpunta sa aking kwarto.
Hindi ako pinatulog ng aking mga narinig nung gabing iyon. Kung totoo nga ang sinabi ni Tita liezel na palugi na ang companya namin at gagamit ako para makakuha ng pera sa mga Herrer...ibig sabihin lalabas akong isang gold digger!?
"Hindi pwede!" Hiyaw ko sabay nagpagulong gulong sa aking kama.
"I don't want to be a gold digger" sambit ko sabay atungal mode.
Late na ako nagising kinaumagahan dahil hapon pa naman ang exam namin for finals. Lutang na luta ako dahil sa mga nangyari at narinig kagabi.
"Kumain na po kayo ma'm Brenda...maaga pong umalis ang Daddy niyo at nagpahatid na lamang po ng almusal sa kwarto ang Tita liezel niyo" sabi sa akin ng isa sa aming mga katulong habang sumasandok ako ng pagkain.
Pagkatapos kumain ay hindi ko na napigilang katukin si Tita liezel. We're not close and we're not going to be, pero may problema si dad kaya kailangan ko siyang tiisin.
"Wala ang Daddy mo dito" matamlay na sabi niya ng pagbuksan niya ako ng pinto.
"I just want to talk to you" sabi ko na ikinagulat niya bahagya pero kaagad din naman niyang nilakihan ang pagbukas sa pintuan para makapasok ako.
Parang gusto kong maiyak dahil sa matagal na panahon ay hindi ko na magawang pumasok dito, naaalala ko kasi nuong mga araw na buo pa kami at buhay pa sila mommy at brandon. Madalas kaming matulog sa gitna nila ni daddy.
"Magaaway ba tayo ngayon Brenda?" Matamlay na Tanong niya sa akin na ikinataas ng aking kilay. Sabagay yun naman talaga ang gawain naming dalawa pag nagkakausap kami.
"Nope...I don't have time for that" sabi ko sa kanya kaya naman napatango na lamang siya.
"What's wrong with the company?" Diretsahang tanong ko.
"It will be gone in your father's name anytime soon" malungkot na sabi nito sa akin kaya naman maging ako ay parang binuhusan din ng malamig na tubig.
"What should we do then?" Tanong ko sa kanya.
Matagal siyang napatingin sa akin at parang kaagad namang lumiwanag ang kanyang mukha. "You should marry Alec Herrer as soon as possible" desperadang sabi niya sa akin.
I heard it last night pero gulat pa rin ako, hindi ko kasi inieexpect na iyon na lang talaga ang last chance, our last resort.
"I can't..." parang maiihing sambit ko dahil naguguluhan na din ako.
Nagulat si tita liezel. "Are you inlove with Alec Herrer?" Tanong niya sa akin.
Nagulat ako. Am I? Tanong ko sa aking sarili. Ofcourse not! Hindi Brenda...hindi! Sigaw ng utak ko kaya naman kaagad akong napailing.
"Good...I have a plan" sabi pa niya sa akin. I don't know kung mapagkakatiwalaan ba si Tita liezel pero we need this. Our family need this.
Lutang ako habang nageexam kinahapunan. "Brenda are you fine?" Pabulong na tanong sa akin ni Chatterley ng ipasa na niya sa akin ang test paper na sasagutan.
Wala sa sarili akong napatango sa kanya. Magsasagot na sana ako ng biglang magsalita ang proctor namin.
"Student who don't have their permit can't take the exam" sabi nito kaya naman nagkatinginan ang lahat. Hindi sana ako makikilingon sa kanila ang kaso ay isa sa aming nga kaklase ang nahihiyang tumayo.
"Mr. Ramos hindi ka nanaman nakapagbayad ng tuition?" Masungit na sambit ng proctor namin kaya naman ang pagkakayuko ng aking kaklase ay mas lalo pang yumuko.
"Kawawa naman..." nanghihinayang na sambit ng iilang nga kaklase namin.
Kaagad tuloy akong naestatwa. If nagtuloy tuloy ang problema sa companya namin hindi nalalayong baka sa next semester ay ganuon na din ang mangyari sa akin kaya naman bigla akong tinubuan ng takot at kaba. It can't be!
"Kamusta ang exam?" Tanong nila Chatterley at Ivoree pagkalabas ng room. Tulala pa din ako, hindi ko magawang sagutin ang tanong nila sa akin.
"I need to go home" sambit ko na ikinagulat nilang dalawa.
"I thought mag didinner tayo para pagusapan yung sa Zambales?" Si Ivoree.
"Next time" sabi ko sabay alis at tsaka ako nagpahatid sa driver pauwi sa bahay.
Naabutan ko si Daddy na nagkakape sa may veranda ng kwarto nila ni Tita liezel, nang makita nito ang aking pagdating ay kaagad itong pumasok at tsaka ako sinalubong.
"How's your day anak?" Tanong niya sa akin.
It's not fine Dad
"Fine" maiksing sambit ko sa kanya.
"Naayos ko na nga pala yung condo unit na sinasabi mo" sabi niya sa akin kaya naman napalunok ako.
"Go...good then" pekeng ngiting sabi ko sa kanya.
"Alec was very happy habang inaayos namin ang lahat" kwento ni Dad kaya naman napahinto ako sa pagakyat sa hagdan.
"What do you mean?"
"Tinulungan ako ni Alec para sayo" sagot niya kaya ayan nanaman si kunsensya.
Mas lalo akong nanghina ng mga sumunod na araw. Hindi ko alam na nakakapanghina din pala ang kunsensya.
"Brenda may naghahanap sayo" tawag sa akin ni Ivoree ng naghihintay ako sa labas ng room dahil hindi pa tapos si Chatterley sa pageexam ng pinakahuli naming subject.
"Ha?" Tanong mo sabay baling sa kanya.
Mula sa tingin ko kay Ivoree ay nalipat iyon sa lalaking nasa likod niya.
"Alec? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Sabi ng Daddy mo parang ang tamlay mo daw these past few days...kaya naisipan kong dalawin ka" sabi niya sa akin na mas lalong nagpapasakit sa aking puso sa hindi ko malamang dahilan.
"I'm fine" and I lied again.
Matamaan akong tiningnan ni Alec habang papalapit sa akin. "No you're not" sambit niya na kaagad na naging dahilan para takbuhin ko ang distansya naming dalawa at tsaka ko siya niyakap.
Ang aking pagyakap ay ginantihan niya din kaya naman napapikit na lamang ako. How come I feel sorry for him for all the plans, pero I feel secure with his embrace? Am I too selfish?
"I don't know what's happening anymore" mahinang sambit na pagsusumbong ko sa kanya.
"Me too..." sabi niya din matapos niyang higpitan lalo ang pagkakayakap sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro