Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"New delivery for Brenda Arenas!" Natatawang sabi sa akin ni Chatterley habang hawak ang flowers at chocolate na mukhang galing nanaman sa mga manliligaw kong torpe.

"Sayo na yan" tamad na sabi ko sa kanya habang busy ako sa pagkalikot ng aking cellphone.

"Ang heartless!" Asar sa akin ni Ivoree tsaka sila nag tawanan ni Chatterley pero inumpisahan na din nilang buksan ang chocolate para kainin.

Inirapan ko lamang silang dalawa tsaka ako muling nagswipe sa aking latest at brand new na Iphone.

"I want the new Kylie lipstick collection" pahayag ko sa kanilang dalawa.

Kitang kita ko kung paano magtitigan ang mga ito na may kasama pang pagiling.

"Last week ka lang bumili ng Mac lipstick ah!" Pangungunsensya pa ng dalawang ito.

"Pero maganda din ang mga bagong shades ng Kylie ngayon, and I want it" pinal na sabi ko sa kanila bago pinatay at padabog na pinasok sa loob ng shoulder bag ko ang aking cellphone.

Kinuha ko ang lipliner ko at matamaang inayos ang pagkapula ng aking labi. Sandali ko ding pinatungan ang aking mukha ng concelear. Maganda naman ang balat ko at maputi pero nasanay na ata talaga akong pintahan ang aking mukha.

Inis na inis kong tinanaw ang buong paligid ng school hallway. Gustong gusto ko na kasing umuwi para makadaan na ako sa mall. Bibilhin ko talaga ang mga shades na iyon, super nanggigigil na akong iapply iyon sa aking labi.

"The whore" sambit ni Ivoree kaya naman pareho kaming napasunod ng tingin ni Chatterley sa tinitingnan niya.

Natasha Marie Tio

Ang hilaw na chinese girl na anak lang naman sa labas ay ang kakumpitensya ko sa lahat ng bagay. Anyway pangalawa lang naman siya sa top, first pa din palagi ang kaibigan kong si Chatterly. Ok sige talo niya ako sa patalinuhan, pero mas maganda pa din ako sa kanya!

"Iba nanaman ang boyfriend niyan!" Kwento sa amin ni Ivoree.

"Malandi" tamad na sabi ko tsaka ako umirap sa kawalan.

"Kala kasi niya sobrang ganda niya! Ito ngang si Brenda, NBSB!" Pamumuri pa ni Chatterley bago nila ako pinagtawanan na dalawa.

"CauseI hate boys! Sakit lang sila sa ulo, papanget lang ako pag nagka-boyfriend ako" pagdadahilan ko sa kanilang dalawa.

"Hindi ka NBSB..." makahulugang sabi ni Ivoree pero inirapan ko lang siya. 

Naiiling na lamang sila, marami akong manliligaw pero wala pa talaga sa isip ko ang magkaboyfriend. "Ilang buwan na lang 20 ka na Brenda grow up! Entertain guys!" Payo sa akin ni Ivoree na matinik talaga sa lalaki.

Ilan sa mga manliligaw kong hindi na kinaya ay napunta sa kanya. Lucky marunong maglaro si Ivoree hindi siya yung tipong umuuwing luhaan.

"Hayaan mo na siya, tatamaan din yan!" Paninigurado pa ni Chatterley dito na ikinairap ko na lamang.

Muli kong sinuklay ang umaalon kong buhok gamit ang aking kamay.

"Punta tayo sa salon this weekend" hindi iyon pagyayaya kundi isang statement na dapat naming gawin.

"Kakapa-salon mo lang ah!" Sita sa akin ni Ivoree.

Kumunot ang noo ko sa inis. "Pero hindi na malambot ang buhok ko, I'll gonna sue them for this!" Naiiritang sambit ko pa habang patuloy na sinusuklay ito gamit ang aking kamay.

Wala akong nagawa sa buong break naming iyon. Samantalang walang ginawa sina Ivoree at Chatterley kundi ang magreview para sa long quiz namin mamaya.

I'm studying business administration, dahil ako daw ang magmamanage ng company namin in the future. Pero bakit kailangan ko pang galingan sa school eh sure ball naman namay trabaho na ako?. Tsaka never kaming maghihirap.

"Arenas..." tawag ng professor ko ng mag attendance siya.

"Present" sambit ko at kaagad na nagiwas ng tingin. Tamad na tamad ako dahil gustong gusto ko na talagang umuwi para mabili ko na yung bagong lipstick na gusto ko.

Light pink lang ang inapply ko ngayon dahil masungit si Ma'm Abrio, ayaw niya na may mga kung ano anong make up ang nasa mukha mo na ang tawag niya ang colorete.

Napahinto ang lahat ng tumayo ito sa kanyang table at dahan dahang naglakad papunta sa likuran. Nakahalukipkip din siya na para bang may isang estudyante siyang sinisindak.

"Ms. Tio, ilang beses ko bang sasabihin na ayoko na may nakamake up dito sa loob ng klase ko" galit na sabi nito kay Natasha.

Labag man sa aking loob ay nilingon ko ito, pero ganuon na lamang ang gulat ko ng makita ang kanyang lipstick. Yun ang gusto ko! Yung shade na iyon!

Lalong naginit ang aking ulo ng mapansin kong fake naman ang sa kanya. To hell with her!

"Parang kumain ng ketchup ah!" Natatawang bulungan nila Chatterley at Ivoree sa aking likuran.

If that was original hindi magmumukhang dumugo ang kanyang nguso, pero wala eh. Fake ang gamit niya kaya mabuti lang sa kanya yan. Kung hindi niya afford bakit pa siya gagamit? Sinisira niya yung quality ng cosmetic! That bitch!

Pinapatay ko na talaga siya sa aking isipan. Big deal iyon sa akin, cause mahal talaga ang mga cosmetics na binibili ko, mga branded at imported, pero siya! Pinipeke nila ang nga iyon.

"Bakit ang sama nanaman ng timpla mo?" Tanong sa akin ni Chatterley ng finally nakarating na kami sa mall.

"Bitch kasi si Natasha, feelingera!" Nanggagalaiting sambit ko habang pumipili ako ng bagong eye liner. Nabili ko na din yung lipstick na gusto ko.

"Dahil ba fake cosmetics yung gamit niya o dahil naunahan ka nanaman niya sa shade na gusto mo?" Panghahamon sa akin ni Ivoree.

Inirapan ko na lamang siya. "Dahil nabubuhay siya" pinal na sambit ko na ikinailing nilang dalawa.

"Ma'm Brenda 7 o'clock na po, dapat po ay nasa bahay na kayo ngayon" sabi sa akin ni Greg, body guard ko.

Maging sina Chatterley at Ivoree ay napatingin sa kanikanilang mga wrist watch.

"Pero hindi pa ako tapos mamili" sabi ko sa kanya tsaka ko siya tinalikuran.

"Brenda, mapapagalitan nanaman yang bodyguard mo ano pa bang bibilhin mo eh halos lahat naman ata nasa closet mo na, yung iba nga naluluma na dahil hindi mo nagagamit" paninermon sa akin ni Chatterley.

"Bibili ako ng bagong watch..." sabi ko at kaagad na pumunta sa isang mamahaling watch botique.

"Kakabili mo lang niyan nung isang araw ah!" Gulat na sambit nilang dalawa.

"Pero may nakita akong bago style" sabi ko pa habang tumataas taas ang isang kilay ko.

Mayayaman din naman sina Chatterley at Ivoree pero may pagkakuripot talaga ang dalawang iyon. Duon sila nagkakasundo na dalawa.

"Nakakamagkano ka na Brenda?" Panguusisa nilang dalawa sa akin habang binabayaran ko yung bagong watch na napili ko.

"Almost 30 thousand" mabilis na sagot ko sa kanila.

"WHAT!?" magkasabay pa nilang sigaw kaya naman napatakip ako sa aking magkabilang tenga.

"Maghinay hinay ka nga!" Suway nila sa akin pero inirapan ko na lamang sila.

"Hindi nagtratrabaho ang Daddy ko para tipirin ko ang sarili ko" pangangatwiran ko sa kanilang dalawa na ngayon ay nakanganga sa aking harapan.

"Baka mamaya niyan, sasakyan at bahay na ang binibili mo" natatawang biro ni Ivoree sa akin.

Nakangiti ko siyang nilingon. "I was planning to buy a Mustang" sabi ko sa kanya kaya naman nabato silang dalawa sa kinatatayuan nila.

Sinundo sila ng kani kanilang mga drivers kaya naman nagbeso beso na kami para makauwi na. Walang pasok bukas dahil holiday gusto ko sanang magout of town ang kaso ay may family dinner na naka set si Tita Liezel, step mom ko.

"Naku po Ma'm Brenda kanina pa po galit na galit ang Mommy niyo" salubong sa akin ng isang kasambahay.

"Paakyat na lang po sa kwarto ko, thanks" tamad na sabi ko sa kanya dahil sa pagod.

Kaahad niyang binitbit ang ilang paper bags na dala dala ko. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa may sala namin ng kaagad ng sumalubong sa akin ang galit na galit na si Tita Liezel

"I told you to come home early right?" Pagalit na sambit niya sa akin.

Hindi ko sana siya papansinin pero mahigpit nitong hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Don't touch me, nasasaktan ako" pakikipaglaban ko sa kanya.

"Wag mo akong binabastos Brenda, ako na ang asawa ng Daddy mo" sabi niya sa akin pero inirapan ko na lamang siya.

"You're still not my Mom, kaya let me go" sabi ko pa at tsaka ko padabog na binawi sa kanya ang aking kamay.

"What's happening here?" Biglang sumulpot si Daddy kung saan kaya naman kaagad na binitawan ni Tita Liezel ang aking kamay.

"Pinagsasabihan ko lang naman siya honey, alam mo na delikado na ngayon lalo at madilim na sa labas" plastick na sabi nito.

Tamad ko na lamang siyang tiningnan. Kung hindi lang siya buntis ngayon papatulan ko na siya, masyados siyang sipsip. Nagkukunwaring mabait pag nandiyan si Dad pero maldita pag ako lang ang kaharap. Pero sorry siya, mas maldita ako sa kanya.

Tinaasan ako ng kilay ni Daddy pero nagiwas lang ako ng tingin. Syempre ay kakampihan nanaman niya ang asawa niya. Kaya naman hindi na ako magsasayang ng effort na ipagtanggol ang aking sarili. Ilang beses ko na ding sinubukang sabihin sa kanya ang ginagawa nito pero hindi naman siya nakinig sa akin.

"Binili mo nanaman ang mall" seryoso man ay alam kong inaasar lamang ako nito kaya naman napanguso na lamang ako.

Kitang kita ko kung paano sumama ang mukha ni Tita Liezel. Kontrabida talaga ang isang ito. Palibhasa ay mas maganda ako sa kanya para tuloy siyang ugly step mother ni snow white.

"Sige na Brenda magbihis ka na para makapag dinner na tayo" sabi sa akin ni Daddy na kaagad ko namang sinunod.

Kung hindi ko lang nakikitang masaya si Daddy kay Tita Liezel ay matagal ko na itong nabastos sa mismong harapan ni Daddy pero as long as na masaya si Daddy ay mananahimik na lamang ako. Basta ay wag niya lang ako papakialaman sa mga gusto ko.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay kaagad na tumambad sa akin ang kulay puti na dress na nakasabit sa handle ng aking malaking built it na aparador. Ito marahil ang susuotin ko para bukas sa gaganaping dinner dito sa aming bahay.

Tinatamad akong magpalit, kaya naman kahit nakasuot pa ako ng uniform ay nahiga na ako sa may kama. Tiningnan ko yung dati naming family picture. Si Mommy, Daddy, ako at si Brandon ang bunso kong kapatid.

Pareho silang nawala ni Mommy nung nagkaroon kami ng car accident. Kami lang ni Daddy ang nakasurvive. Kahit hindi man sabihin o iparamdam ni Daddy ay alam kong may kasalanan ako kung bakit kami naaksidente nung araw na iyon. Yung araw na nawala sina Mommy at ang bunso kong kapatid.

Nagising ako na nakauniform pa. Hindi na pala ako nakapagpalit kagabi at nakatulugan ko na. Dumiretso ako sa bathroom para makaligo at kaagad ding bumama sa may dinning para makapag breakfast, hindi din kasi ako nakapagdinner kagabi dahil nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.

"Good morning, Daddy" bati ko dito tsaka ko siya hinalikan sa pisngi. Busy ito sa pagbabasa ng diyaryo, nagtaka din ako ng hindi ko nakita si Tita Liezel.

"Be ready ok, wag ka ng lumabas ng bahay may dinner mamaya, nakita mo yung dress mo? Ako ang pumili nuon" pagbibida sa akin ni Daddy kaya naman muli akong tumayo at tsaka siya niyakap.

"Ang sweet pa din ng baby ko" sabi nito sa akin na ikinanguso ko na lamang.

"Daddy naman ilang buwan na lang 20 na ako" suway ko sa kanya pero hinalikan lamang ako nito sa noo.

"Ikaw pa din ang baby ko" sabi niya sa akin.

Hindi na ako lumabas ng bahay ng araw na iyon. Nagsearch na lamang ako ng mga bagong labas na shade ng make ups maging ng mga bagong style ng damit. Baka maunahan nanaman ako ng feelingerang Natasha na yon.

4 o'clock ng kinatok ako ng isa sa aming mga kasambahay para magayos na dahil saktong six ay darating na daw ang aming mga bisita. Sinuot ko ang kulay puting dress na binili sa akin ni Daddy. Nagapply na lang din ako ng make up. Ako na din ang nagayos ng sarili kong buhok dahil kaya ko naman iyon.

Kulang pa para sa akin ang halos dalawang oras na paghahanda. Nagaaply ako ng kulay maroon na lipstick na mas lalong nagpaputi sa aking mukha ng kinatok na ako ng aming kasambahay. Hindi ko kasi namalayan ang oras.

"Sige po susunod na ako" sabi ko pa dito.

Nang makita kong sobrang ganda ko na ay mabilis din naman akong bumaba dahil baka isipin nanaman ni Tita Liezel na paimportante ako. Nagkakatuwaan na sila sa may dinning ng dumating ako.

"This is my daughter Maria Brenda" pagpapakilala sa akin ni Daddy.

Kaagad akong ngumiti at tsaka tinanggap ang pagbeso nung babaeng bisita nila Daddy.

May kasama silang kambal na kung hindi ako nagkakamali ay anak nila. "This is your Tita Pia, Tito Austin, and yung kambal nila, sina Alec and Axus" sabi sa akin ni Daddy kaya naman isa isa ko silang nginitian.

Kaagad na naginit ang pisngi ko ng mapatitig ako kay Axus, nakangiti na kasi kaagad ito sa akin kaya naman mukhang napaka approchable niya. Pero yung Alec ay ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Umiinom na siya ng wine.

Malas nga lang at nasa harapan ko pa siya. As usual kagaya ng mga naging dating dinner ay kumain lamang ako ng tahimik dahil puro business naman ang kanilang pinaguusapan.

"Medyo matigas ang ulo niyan" sambit ni Tita Liezel kaya naman napairap na ako sa kawalan ng marinig kong ako na ang pinaguusapan nila.

Nakangiti sa akin yung Axus, pero yung Alec nakangisi. Kaya naman mas lalo akong nainis.

"But napakagandang bata, kamukhang kamukha ni Brianna" sabi ni Tita Pia tukoy kay Mommy.

Nakangisi akong napatingin sa nanahimik na si Tita Liezel. That't what you get! Natatawa ang kalooban ko dahil duon.

"Pero anong gagawin mo sa ganda kung masama naman ang ugali?" Sambit nung epal na Alec na yun.

Napakunot ang aking noo. "Excuse me? Do I know you?" Inis na tanong ko dito.

Lalong lumawak ang ngiti nito. "Oh, I'm sorry, hindi ikaw ang tinutukoy ko...some other girls" pagpapalusot pa niya pero hindi ko tinanggap.

Napairap ako sa kawalan. Aba't ang walanghiyang ito akala mo kung sino!

"Don't judge the book by it's cover...because you're not a judge!" Sabi ko na naging dahilan para mapatakip ng mukha si Tita Liezel at mapahalakhak si Axus, pero yung walanghiyang Alec ay nakangisi lang sa akin at sobra talaga iyong nakakainis.





(Maria_CarCat)


(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro