Prologue
"Dito ang employee's breakroom," sabi ni Ma'm Gina, yung manager dito.
"Yan ang separate locker rooms ang male and female employees para sa mga magpapalit ng damit. Again, tulad nang sabi sa orientation kahapon sa office, only uniform pants are allowed outside the store. So dito kayo magpapalit ng polo or blouse," turo nya sa dalawang pinto sa dulo ng breakroom.
"Yes, Ma'm," sabay-sabay naming sagot.
"May papupuntahin akong mga tenured staff dito na maa-assign mag-train sa inyong lima. You may change into your uniforms while waiting."
Ganun na nga yung ginawa namin paglabas ni Ma'm Gina.
"Maganda ang employees' room dito kesa dun sa pinanggalingan kong resto," sabi ni Let. "Mas maluwag pa."
"Ano'ng aasahan mo? E sikat na resto ito," sabi ni Marge.
Nagpapalit na kaming tatlo ng uniform nun. Magkasama ang dalawang ito sa dating pinagtatrabahuan. Sabay silang nag-apply dito at sabay ring natanggap. May dalawang lalaki rin, si Milo at Vyke, na kasabay namin na first day ngayon dito sa Johnny's Gourmet.
Nakilala ko lang sila kahapon nung orientation kasabay nang pagpasa nang sandamakmak na requirements.
Sa aming limang natanggap, ako lang ang walang job experience. Kaya di ko maiwasang ma-intimidate kina Let at Marge. Ang dami na kasi nilang alam sa basic knowledge tungkol sa pagta-trabaho sa resto. Food server slash ushrette ang position namin.
Yung dalawang lalaki naman, sa kitchen.
Akala ko nung una, mga babae ang naa-assign sa kitchen kasi nga magluluto. Mas marami palang lalaki dun.
Nakaupo na kaming lima sa breakroom pero wala pa yung sinasabing magte-train sa amin na mga staff.
Nagbibidahan silang apat at nakikinig lang ako. Wala naman kasi akong maikukwento. Ano bang ibibida ko sa kanila? Na kinuntsaba ko si Tita Ninang para makalayo ako sa poder ni Nanay at nung pangalawa nyang asawang may pigil na kamanyakan? Hello!
Isa pa, kumukuha rin ako ng impormasyon sa kanila.
Nung dumating yung magte-train sa amin, ako agad ang napansin nung babaeng naka-assign sa amin.
"Girl, ano'ng name mo?"
"Angela Jane Cabrera po," sagot ko.
Natawa sila. Di ko alam kung bakit. Kumunot ang noo ko.
"Ikaw siguro yung first timer na sinasabi ni Ma'm Gina," ang sabi nung lalaking staff na mag-te-train kina Milo at Vyke.
Tumango ako.
"Uhm, nickname lang ang nakasanayang pakilala namin," natatawang sabi ni Marge na mahina pa akong pinalo sa braso. "Para kang contestant sa Little Miss Phillipines. May 'po' pa."
Aba, eh malay ko ba naman!
Nagpakilala yung dalawang staff na Charmie at Mark. Nagpakilala na rin kami. Si Mark ang nag-suggest na Jane na lang ang gamitin ko para sa nametag ko na makukuha mamaya.
Nalaman ko na may pagka-istrikta pala si Charmie kasi pasimple nyang sinita sina Marge at Let.
"Girls, bawasan nyo ang make up nyo," ang sabi. "Di na kailangan ang eyeshadow. Mas gusto ng management na mukhang fresh at simple lang ang mga employees. Itong kay Jane, sakto lang. Lipstick, powder at eyeliner lang."
Nahuli ko ang pasimpleng pag-ismid nang dalawa nung hindi nakatingin sa kanila si Charmie.
Nagbigay sila sa amin ng mga pamphlets na dapat tandaan tungkol sa Johnny's Gourmet at sa trabaho namin tapos umalis na.
"Babalikan namin kayo mamaya. Tapos tour tayo sa loob ng resto," ang sabi.
Wala pang kalahating oras, nagdadaldalan na yung apat. Ako nagbabasa pa rin. Nagpasukan na rin yung ibang crew na may dalang mga pagkain.
Umalis ako sa table na kinapupuwestuhan ko para magamit nung mga kakain.
"Uy, wag," awat nung isang babaeng crew sa akin. "Dyan ka na lang. Chika tayo. Kayo yung mga bago, 'no?"
Napangiti ako. Friendly, kahit bago lang ako. Di katulad nina Let at Marge, parang feeling somebody agad.
Well, sa lang akin siguro.
Di na tuloy ako nakapagbasa kasi ang daldal nya.
Irma pangalan nito. Yung katabi nya, si Lota. Food server – usherette din sila.
"Tataba ka dito, girl. Libre food ng empleyado, unlimited basta bawal mag-uwi," kwento nito habang kumakain.
"Maliban na lang kung may go signal ng manager, pwede mag-uwi," si Lota.
Alam ko naman sinasabi nya. Na-inform kami sa orientation. Pero tumango na lang ako.
Nag-ikot ako ng tingin. Kakwentuhan na rin nina let yung lima pang naka-break na crew.
Tapos medyo natahimik silang lahat nung may pumasok na isang lalaking crew. May dala rin yung pagkain.
Sinundan ko nang tingin. Naupo sya sa dulong mesa na pandalawahan lang.
Bumalik ang ingay ng kwentuhan sa breakroom. Di na 'ko masyadong naka-focus sa mga sinasabi nina Irma at Lota.
Di ko kasi maiwasang ilang beses na mapatingin dun sa huling crew na pumasok.
Mag-isa itong kumakain. At walang kumakausap.
Feeling ko, para syang outcast. Base na rin sa reaksyon nina Irma pagpasok nya.
"Ganda," mahina kong tawag nang walang particular kina Irma at Lota. "Sino yun?"
Mahina ang naging sagot ni Lota, "Si Dennis. Type mo?"
Natawa ako, "Nagtanong lang, type agad?"
"E bakit mo tinatanong?"
"Wala. Para kasing ... ano ba magandang term? Uhm... parang aloof kayo sa kanya."
Napailing si Lota, "Sya ang aloof. Dalawang buwan pa lang yan dito. Magaling at masipag yan sa kitchen. Pero, ganyan nga yan. Di nakikisali sa amin."
"Nag-try naman kaming kaibiganin," singit ni Irma. "Pero, wala eh. Di talaga palakibo. Bihira rin ngingiti. Akala mo naman kagwapuhan."
"Ganda natin eh," biro ko.
Kasi may itsura din naman yung Dennis kesa sa karaniwan kahit di maputi, tsaka may katawan. Yun nga lang, karaniwan lang ang height. Kaya di pansinin.
Napangiti ito. "Di naman. Sa dami nang poging staff at diners dito. Mabilis ihiwalay ang mga face value dito."
Natawa kami ni Lota.
Napatingin uli ako dun sa Dennis. Nakatingin din pala sya sa gawi namin.
Nung magtagpo ang mata naming dalawa, ngumiti ako sa kanya at tumango nang tipid.
Walang syang reaksyon. Basta binalik nya lang uli yung atensyon nya sa pagkain.
Ay, suplado nga! Pahiya ako dun ah!
===============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro