Second chapter
"Oh tapos?" I asked over the phone.
Kausap ko kasi si Shane. Bruhang babae talaga 10 na ng gabi nambubulabog pa.
Bumangon ako sa kama ko at inilayo ang cellphone ko sa tenga ko dahil bigla na lang siyang tumili ng napagkatinis.
"Ano ba Shane?!" Natatawang tanong ko sakanya. If I know kinikilig nanaman siya. Lagi naman siyang ganyan, pati na rin yung iba kong kaibigan, bago pa magkwento kikiligin muna.
umupo na lang ako sa sofa bed sa gilid ng bintana ng kwarto ko at hinintay siyang maka-recover sa pagkakilig niya.
"So ayun nga, umuwi ka na nga diba, tapos ayun tahimik lang siya dun sa bahay nila blaire."
Kahit alam ko sa sarili ko na baka kaya lang siya tahimik dahil wala siya sa mood magsalita o baka di niya tipo yung topic, hindi ko parin matanggal sa isip ko na baka siya ganun, dahil baka wala na ako.
"Aysus, yun lang pala, eh baka naman kasi hindi niya lang type magsalita." Pinipilit ko parin paniwalain yung sarili ko sa ibang possibility, dahil kahit anong sabihin nila tungkol kay Kevin, kung hindi si Kevin ang aamin na meron nga siyang feelings para saakin, hindi parin ako maniniwala.
"Trisha naman! Magising ka na kasi sa katotohanan, halos lahat ng nakakakilala sainyong dalawa sinasabing meron siyang gusto sa'yo o baka mutual na feelings niyo!"
Yun na nga eh, parang ako na lang ata yung ayaw maniwala.
"Pero kasi..." Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Pero kasi ano? Ayaw mo mag-assume? Ayaw mong aminin na meron siyang gusto sayo?" pagdugtong niya sa sasabihin ko.
Tumpak! Yun na yun eh! Tama siya, ayaw ko mag-assume, kasi mahirap mag-assume. And isa pa, ang hirap basahin ng kilos ni Kev, kahit sabihin ng ibang napapansin nilang meron talaga.
"Hay nako Shane. Basta friends kami, yun na yun. Case closed." Sabi ko at ngumiti ng tagumpay.
Alam ko kasi na kahit anong gawin nila, hindi nila ko mapapaamin. Dahil wala naman talaga.
Hindi rin ako maniniwala sakanila, dahil alam ko sa sarili ko na magkaibigan lang kami.
"Hay nako Trish! Bahala ka, balang araw makikita mong lahat kami tama, ikaw na lang hindi nakakaalam." Panggagaya niya pa sa tono ng boses ko.
Kahit na convincing naman lahat ng sinasabi nila, or minsan may iba na sa kinikilos ni Kevin pagdating saakin, ayaw ko parin mag-assume. Dahil kung meron man, wag na lang. Ayaw ko isufer ung friendship namin. Alam na nila yun, alam na siguro niya un.
"Ewan ko sa'yo. SIge matutulog na ko. bye na." Sabi ko at umakyat na sa higaan ko.
"Teka teka, may nakaliutan pa pala akong sabihin." Pahabol niya.
Inayos ko na yung pwesto ko sa higaan at hinintay siyang mag-salita ulit.
medyo matagal siya bago mag-salita ulit.
magsasalita na dapat ako. Pero bigla na siyang nagsalita.
"Hindi siya saamin sumabay umuwi." Sabi niya at pakiramdam ko nung sinabi niya yun nakangiti siya ng mapangasar saakin.
Hindi na ako nakasagot, at binaba na niya yung call.
Inayos ko yung gamit ko bago ako umalis ng room. Bakit ba kasi andami kong hindi nagawang school works kagabi? Tuloy ngayon lang ako makakapaglunch.
Past 12 na kong nakatulog kagabi, hindi ko alam kung bakit umurong yung antok ko pagkatapos nung huling sinabi ni Shane.
Minsan naisip ko kung bakit may mga times na ang lakas ng epekto sakin ng mga sinasabi ng kaibigan ko tungkol kay Kevin. Mas lalo akong nabobother at napapaisip tungkol sa kung anong meron siya para saakin.
Pero laging nakatatak sa isip ko na kung hindi naman siya aamin, hindi parin ako maniniwala sa mga sinasabi nila, at hindi ako magbibigay ng ibang kulay sa ginagawa niya.
Iniwan ko muna yung gamit ko sa room at binitbit yung wallet ko papunta sa canteen I sa tapat ng building namin.
At this time, mag-isa palang ako dahil mas maaga ang lunch break nila shane kaysa saakin.
Nang makaupo na ako sa isang vacant seat. Biglang may lumapit saakin.
At first nagulat ako kung bakit siya lumapit saakin, kasi di naman kami close. Pero kilala namin ang isa't isa.
"Hi ate." She spoke.
Umupo siya sa harap ko at hinintay akong magrespond.
"Uy Jelyne." Sabi ko at ngmiti ng tipid sakanya.
Si Jelyne ay freshmen tulad ko, galing rin siya sa school na pinanggalingan naming magkakaibigan, pero hindi namin siya ka-building.
"Hindi mo ata kasama yung boyfriend mo?" At firstnagulat ako kung bakit siya lumapit saakin na parang close kami, ngayon nagulat na ko totally, kung sino yung tinutukoy niyang boyfriend ko.
"Ha? Boyfriend?" Kunot noo kong tanong sakanya.
Wala naman akong laging kasamang lalaki bukot kila Drake at Kevin.
Pero don't tell me...
"Si Kevin. Kevin Cristoff Suarez. Diba siya yung boyfriend mo?" I knew it.
Sabi ko na at isananaman siya sa naniniwalang kami na ni Kevin. How come? Eh hindi naman kami nagaact as in a relationship. Kapag magkasama nga kami parati kaming magkaaway na magkaibigan.
Natawa na lang ako sa sinabi niya at ngumisi. "Hindi parin nababago yung tingin ng mga taga NEU saamin no? Hanggang ngayon akala niyo kami." Tumawa ako at tiningnan siya ng diretso. "Magkaibigan lang kami ano ba. " ngumiti ako saanya at inilapag ko ang pagkain ko na galing sa tray.
Parang mas lumiwanag yung mukha niya ng marinig niya yung mga salita na yun mula saakin. "Talaga?" Ngumiti siya saakin
Tumango naman ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"All this time akala namin kayo na, kaya natatakot kaming lumapit sakanya." Naguluhan naman ako sa idinugtong niya.
Magsasalita na dapat ako pero bigla niyang hinawakan yung isa kong kamay.
"Nakakatawa lang kasi di kami makalapit sakanya noon, dahil natatakot kaming magalit ka kapag nalaman mong madaming nagkakagusto't nagkakandarapa sakanya." Lalo naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha? Bakit naman ako magagalit." Tumawa ako ng tipid. "Tsaka malabong maging kami, magkaibigan lang talaga kami." Sabi ko sakanya.
Nahihiya akong bawiin yung kamay ko, kaya hinayaan ko na lang siya. "Sige ate, salamat ha. Una na ko." Bigla na lang siyang umalis at meron siyang sinenyasan ng 'ok' sa hindi kalayuang lugar sa canteen.
Siguro isa sila sa mga may gusto kay Kevin, kasi simula nung high school aware na ko sa mga ganyan, sa mga may gusto sakanya pero di pinapaalam saakin, malalaman ko na lang kila Shane na marami ng nagkakagusto kay Kevin, ako na lang pala hindi nakakakaalam.
Pero hindi naman na ako magtataka kung maraming nagkakagusto kay Kev, kasi naman parang nasakanya na halos lahat, kaso di kasi nila alam na loko loko si Kevin, akala nila sobrang good boy. Saamin lang kasi niya pinapakita yung ganung side niya. Tas plus pa na basketball player siya kaya mas naging famous siya.
Naalala ko nung high school kami madami kasi kaming baklang teacher, siya lagi yung natitipuhan at syempre advantage niya yun. Natatawa na lang ako kapag tinatawag siya ng mga bakla naming teacher at siya lagi inuutusan o kaya naman magiging sweet sakanya. Tas yung itsura naman niya kala mong bulaklak na nagbubunga na pero para gusto na agad malanta.
At hindi na rin ako magtataka kung bakit hindi rin masyadong aware si Kevin sa mga nagkakagusto sakanya, dahil parehas lang kami, akala kasi ng lahat magboyfriend-girlfriend kami. Kaya kahit saakin nalalaman ko na lang na may gustong manligaw saakin pero di na tinutuloy dahil nga akala taken na ko.
Pero may good side rin, dahil yun nga walang nanggugulo saakin, kaso lang ang awkward kasi magkaibigan lang naman talaga kami.
Ayaw kasi namin ni Kevin na may nagkakagusto saamin, mas away pa namin yung merong may crush saamin at ipapaalam pa saamin. Mas mabuti ng di namin alam. Yung parang nacoconscious ka ganun, or naiilang ka pag nalaman mong merong may gusto sayo, ganun yung feeling namin.
Actually marami kaming napagkakasunduan ni Kevin, marami kaming similarities kaya na rin siguro napapagkamalang kami na nga.
Pagkatapos kong kumain, saktong paglabas ko ng canteen nakita ko sila Blaire at Jane kasama si Kevin.
"Oh, bakit nandito kayong dalawa?" Nakita kong nakangisi yung dalawa kaya alam kong something's going on.
Tumingin ako kay Kevin at nakita kong patay malisyang hawak yung bag ko. Actually kung hindi ko pa ata kinuha sakanya, hindi niya kukunin. But nakapansin ata siya.
"Oh. Bag mo." Inabit niya sakin yung bag ko at lumihis ng tingin.
Kinuha ko yung bag ko at isinukbit sa balikat ko.
Ganyan naman talaga si Kev, hindi makatingin ng diretso saakin, mostly sa kausap niya. Siguro di lang siya sanay.
"Oh kayong dalawa? Anong ginagawa niyo dito? Wala kayong klase?" Bumaling ako kila Blaire.
Humagikgik naman si Blaire as usual kahit walang nakakatawa.
"Hello Trisha, Monday ngayon." After sabihin ni Jane saakin yun, alam ko na agad yung ibig niyang sabihin.
Monday, 1st week of august. Kukunin nga pala namin yung papers namin sa dati naming school. Requirements.
"Bakit di niyo na lang ako sinamahan sa canteen, kinuha niyo pa yung bag ko ng walang paalam." Sabi ko at nauna na sa paglalakad papuntang parking lot.
"Hay nako Hindi ka na nasanay." Sabi ni Jane
Lagi naman si Kevin pinagbubuhat nila ng bag ko, tas papalabasin nilang nagkusa si Kev, kahit ang dahilan ay nasanay na siya kaya di na niya hinihintay sabihin sakanyang buhatin yung bag ko pag may ganitong lakad, dahil alam niyang siya rin naman yung uutusan.
"Okay lang yan. Gusto naman ni Kevin yung gawaing yan." Sabi ni Blaire at humagikgik ng tawa.
Napatingin naman ako kay Kevin, at tiningnan ang ekspresyon niya.
Ng makita niya kong nakatingin bigla siyang nag-salita. "Ano?!"
Pero as usual tumawa lang yung dalawa at hinayaan na lang namin sila.
Endless KevIsh routine ng mga kabarkada namin. Ang pagtripan kaming dalawa ni Kevin.
"Hintayin ko na lang kayo sa labas." Sabi ni Kevin saamin habang kami nagaayos pa ng papers.
Mas marami kasi kaming kailangang kunin kaysa sakanya.
"Sige sunod na lang kami." Sabi ko at tumuloy na siya sa labas.
"Asan pala sila Drake?" Tanong saakin ni Jane
Nagkibit balikat ako at kinuha ang mga papers ko mula sa counter. "Last naming pagkikita kaninang umaga nung pumasok kami ni Kevin."
"Thank you miss." Sabi ko sa cashier at inilagay yung papers sa envelope ko.
Tumingin ako sa dalawang natahimik at akala mong nakita ang One Direction kaso lang may tape sila sa bibig kaya hindi sila makatili.
"Oh ano?" Kahit na may idea na ko kung bakit sila ganyan, tinanong ko parin sila. Para masure na rin, kasi baka pag pinangunahan nila ko e barahin nila ko.
"Hay nako Trisha, alam mo na yun." Sabi ni Blaire at hinampas si Jane at halata namang kinikilig siya.
Kapag naman sinabi ko na yun yung last sentence na sinabi ko, baka ibahin nila yung pagkakaintindi. I know them that well.
"Ewan ko sainyo." I tried my best to poker faced kahit medyo nangingiti ako. Kasi naman kapag mga kaibigan mo yung nangiinis at kinikilig, parang madadala ka na rin sa expressions nila.
"Come on Trish, aminin niyo na kasi dalawa. Kayo na lang ata di makakaalam na may nageexist na something sainyo eh." Sabi ni Jane habang papalabas kami ng office.
"Oh bakit napunta nanaman diyan, alam niyo na sagot ko diyan. Ano ba meron dun? Nagkataong sabay lang kaming pumasok ni Kevin kanina." Lagi na lang may malisya lahat ng kilos namin ni Kevin.
Kaya minsan pag mas na-aware kami hindi na kami minsan nagiinisan or doing usual things na ginagawa namin nung high school para hindi na kami mabigyan ng ibang kulay.
Kaso ewan ko ba dito sa mga to, kahit ano atang gawin namin may rainbow na nabubuo sa utak at paningin nila. Hindi ata lulubog yung araw na hindi nila kami iniinis ni Kevin sa isa't isa.
Nilingon ko yung dalawa na hindi na nakasagot dahil may tinitingnan sila. "Nandito rin pala sila e." Sabi ni Jane habang nakatungo.
"Ha?" Sinundan ko yung tingin nilang dalawa.
"OY BRYAN! Ang gwapo mo!" Tumakbo ako papunta kay Sjan at nakita ko naman siyang ngumiti ng malaki.
"Sira ka talaga." Sabi ni Bryan at agad ko naman siyang hinampas sa likod.
Ang laki na ng pinagbago niya, I think 3rd year high school na nung huli ko siyang makita. Chubby pa siya noon at medyo long hair. Pero tingnan mo naman ngayon, sobrang pumayat na siya, I mean gumanda na yung katawan niya at mas naging maaliwalas na siyang tingnan.
"Oh, nakapalo ka nanaman saakin." Sabi niya at sumimangot.
"Kaya naman pala blooming... Hi Alice!" Liningon ko yung kausap ni Blaire.
"Siya na ba?" Bulong ko kay Jane na kararating lang din sa pwesto namin.
Humarap sakin si Jane. "Oo, ka block mate ko siya sa University." Mahina niyang sabi saakin.
Pinagmasdan ko si Alice, maganda siya at hindi katangkaran. Probably, nagmeet sila sa university nila Jane kung saan nagaaral din si Bryan.
Kumaway siya at ngumiti kila Blaire at Jane
"Wala e, naunahan pa ko." Halakhak ni Kevin.
Napatingin kami sakanya. "Matinik sa Chiks, alang pinagbabago pareng Sjan." Tumawa ulit siya.
Tumalikod si Bryan papunta sa kotse niya. "Ikaw kasi ang bagal mo eh. Tagal tagal mo ng pinopormahan ng patago yan ah." Natahimik naman ako sa sinabi ni Bryan.
Ganun rin si Kevin pero agad niyang pinalo yung batok ni Bryan.
Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi ni Bryan. Tumingin ako sa dalawa kong katabi na may makahulugang tingin.
"May alam si Bryan?" I mouthed.
Ngumiti lang yung dalawa saakin at palihim silang naghahagikgikan.
"Oh paano ba yan, napasaan lang din kami ni Alice dito. May date pa kami." Ngumiti siya saamin at tumingin kay Kevin.
Lumapit siya kay Kevin at bumulong.
"Tigilan mo ko." Seryosong sabi ni Kevin na nakapagpangisi naman kay Bryan.
"Sige una na kami." Sabi ni Bryan at nagpaalam na sila nung girlfriend niya.
Kumaway kami nung binuksan niya yung bintana niya nung paalis na sila.
"Kayo ha, may sikreto na pala kayo ni Bryan. Share share naman diyan." Pagpaparinig ni Jane habang papunta kami sa kotse ni Kevin.
"Ganun talaga." Sabi ni Kevin at tumawa ng malakas.
Minsn talaga naghihinala na ko sa mga lalaki. Mas mga chismoso at madadaldal pa sa mga babae. Madaming sikreto, madaming 'bro codes', may mga rules rules pang nalalaman. Kung minsan mas madalas pa silang may away kesa sa mga babae.
"Lahat naman ng sikreto mabubunyag." Makahulugang sinabi ni Kevin at pumasok na sa kotse niya.
Naiwan akong nakatingin sa kanya kahit na kasalukuyang nasa loob na siya ng kotse niya.
"Okay lang yan Trisha. Alam kong may sikreto ka ring tinatago." Tumawa ng malakas si Jane at nagaya ng pumasok sa loob ng kotse.
"Oh paano ba yan may program sa school namin sa friday, pupunta kayo?" Tanong ko kila Jane at Blaire.
Nakasilip ako sa bintana nila, ako kasi ang inihatid ni Kevin dahil mas malapit ang bahay ko and yung dalawa naman ay nagpapahatid sa malapit na boutique shop dito saamin. Yes libre hatid kami pag si Kevin ang driver. Bait no?
"Titingnan ko pa. Siguraduhin mong may saysay ang program na yan." Sabini Blaire at ngumiti saakin.
"At syempre may pagkain." Sabat ni Jane. Timawa talaga sa pagkain.
Sumulyap ako kay kevin na nakikinig lang sa usapan namin.
"Si Trisha isa sa mga magoorganize nung program." Tumikhim si Kevin habang nakatingin sa rear view mirror.
"Ayun pala eh! Oh alam mo na ha?" Tumawa kaming tatlo.
"Madaming pagkain dun panigurado, mayaman naman yang si Trisha." Sabi ni Kevin at ngumiti ng mapangasar saakin.
Inirapan ko lang siya at nagpaalam na kila Jane.
Pero bagi ko mabuksan ang gate ng bahay namin sumigaw si Kevin mula sa bintana ng kotse niya.
"Hoy yung panyo mo." Tumakbo ako at inabot yung panyo ko.
"Mamaya maiwan mo nanaman ng tuluyan yan, hindi ko nananaman maibalik." Sabi ni Kevin at isinara na yung bintana niya.
Ganun naman talaga e, sakin di siya nagpapaalam kala mong di kami magkaibigan. Para bang nahihiya siyang gawin yung karaniwang ginagawa niya kila Shane? Yung mostly na pangaasar niya sa iba naming kabarkadang babae, hindi niya magawa saakin. Ultimo magpaalam hindi magawa.
Anong meron sayo Kevin?
Anong meron sa mga naiwala kong mga panyo?
Tiningnan ko lang yung kotse niya na medyo malayo na ang narating.
Naloloka ako!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro