Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

TONIGHT I GIVE IN

How can I forget? How can I redeem myself? Paano ko ba sasabihin ang lahat-lahat kung sa simula palang ay mali ng nagkakilala kami.

Napaluha ako ng naalala ko ang mga sandali na kasama ko siya. May hapdi, may kirot sa aking dibdib. Yun'g para ba'ng gusto mo ng makawala ngunit hindi mo kaya.

Gusto mong isigaw dahil sa ang sikip-sikip na ng dibdib mo. Na tila ba di mo na kakayanin pa. My heart hurts that I wish I never felt like this before.

Pinunasan ko ang aking luha. Nang tumunog ang cellphone ko.

"Grace sa'n ka na ba? Kanina ka pa hinahanap ni mama." Si Ate Lucy dalawang taon lang ang pagitan namin. Mabait naman ang ate ko pero kung minsan inaabutan ng kasungitan. Daig pa si mama kung makasermon. Maaga kasi siyang naging biyuda. Kaya ayon doble kayod para kay Kara ang nag-iisa kong pamangkin.

Kahit na may sarili siyang bahay sa Taguig. Ayaw na niyang tumira doon matapos mailibing si Kuya Rafael. Kasi para sa kanya hindi siya makakapag-isip ng maayos. Magmumukmok na lamang siya. Kaya ako ang pinatira niya roon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro