Chapter 3
"Your three minutes late." He sound so serious but sexy.
Natameme ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko gusto kung ipako ang sarili ko sa mismong kinatatayuan ko.
I take a deep breath to lessen my tension.
"I'm very sorry sir, na-traffic po kasi. Pasensya na po talaga." ani ko sabay upo.
"I guess my secretary mentioned you about my terms that I don't have much time for this. With regards, of your business proposal I want to study the context. On the other hand, your proposal is quite interesting." diretsong sabi niya. Kahit na kinakabahan ako kanina ngayon ay para bang tuluyang nawala ang aking pagkakaba.
"Okay sir, I just want to clarify some things to you too. If ever, you will approve about our proposal in decorating your business expansion. When can we discuss the details again?"
Sandali itong natahimik bago nagsalita.
"My secretary will inform you that. At this moment, your proposal is quite impressive. By the way, next time you should dress some decent attire for a decent meetings."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. I don't how should I react. Pati ba damit ko napuna niya. Of course! Yun napuna niya.
"I'm really sorry sir, but don't get me wrong I'm taking my job seriously."
"You should, kasi kung susuot ka ng naka-faded jeans at tee shirt in a business meeting. Iisipin kong hindi ka interesado sa ginagawa mo."
prangkang sabi niya sakin.
"Pasensya na talaga sir, it won't happen again."
Tumayo ito at kinuha ang cellphone at umalis. Napakurap ako sa mga nangyari. Ganoon lang? Anong klaseng meeting ba yun? Kasalukuyan kong kausap ang kasama ko sa trabaho.
"Ni walang discussion tungkol sa proposal. My God, Jinnie kung nakita mo lang yung itsura ko kanina. Parang natuklaw na ako ng ahas. Ang nakakainis pa ni hindi pa niya nabasa ang context ng proposal!"
"Relax ka lang, nasaan na ba yung fighting spirit mo."
"Hindi ba pwede na sa ibang kliyente nalang tayo magbabakasakali?"
"Yan ang wag na wag mo'ng gagawin. Ang hirap kaya makapasok sa kompanyang iyan. Besides, LF is one of the biggest company in town. It's a big catch. So please, don't lose hope. I know you can do it girl." she added.
"Yun na nga ang problema, parang napapaatras ako sa magiging kliyente natin eh."
"It's just your imagination Abb, so please ito nalang ang pag-asa natin. We need this deal to be closed para makuha natin ang LF."
"Bakit pa sa'tin napunta ang project na toh. Eh si Eva ang patay na patay makuha ang LF ah.." pagmamaktol ko.
"Hayaan mo na, ayaw mo pa nun sa'tin yun binigay ni ma'am."
"Oo na! Kung di lang talaga dahil sayo. Ibibigay ko toh sa iba." Sagot ko sa kanya.
"Please!!! Balita ko sobrang gwapo ng may-ari ng LF Enterprises." Kinikilig na sabi niya sakin.
"Gwapo? Yun?! Hindi naman kagwapo-gwapo yung nakausap ko kanina."
"Ang sabihin mo Abby, napaka-killjoy mo. Bakit hindi ka marunong mag-appreciate ng mga taong mala-adonis ang katawan."
"Hay nako... nagsisimula na naman po tayo. Sige na bababa ko na itong cell ko. Para na akong nganga rito."
"Sige bye."
"Ni hindi man lang ako nakapag-order."
Inangat ko ang aking kamay at lumapit ang isang waiter.
"Yes ma'am?" tanong niya sakin.
"I just want a caesar salad and a glass of cucumber juice please."
"Okay ma'am, is that all?"
"Yes please, thanks." at ilang sandali pa ay dumating na ang aking order.
Habang kumakain ako at bahagyang naglalaro ng games sa cellphone ay isang pagkain ang ibinigay sakin.
"Ma'am your dessert." saad ng waiter. Dahil sa naging busy ako sa kakalaro huli na bago pa ako makatangging hindi yung sakin.
"Waiter..." tawag ko subalit naging busy ang mga ito sa ibang customers.
"Hindi naman ako umorder ng cake ah..." binuksan ko ang takip at cake iyon na may maliit na note na nakaipit sa plato.
Napakunot ang noo ko at kinuha ko ang note at binasa.
'You're beautiful as ever.' yun ang nakasulat. Napalingon ako sa paligid.
Marahil nagkamali lang talaga ang pagbigay nito sakin. Kaya mas mabuti pang lapitan ko ang waiter.
Bago pa ako makalapit sa waiter ay nagkataon naman'g dumaan ito sa harap ko.
"Waiter, I didn't order a dessert." sabi ko
"I know ma'am , but someone ordered it for you and paid your meal."
"Ano? Sino naman..."
"Hindi po sinabi ang pangalan ma'am eh. Sabi niya lang ay ibigay sa inyo at bayad na po ang inorder niyong pagkain."
"Saan siya?"
"Nakaalis na po yata ma'am."
"Hindi man lang ako nakapagpasalamat." At pagkatapos ay umalis na ako sa lugar at umuwi sa bahay.
I take my one week vacation leave. But I'm in my house for two days. Dahil wala akong maisip na lugar na puntahan dumaan muna ako sa isang park.
Nagpahangin ako at umupo sa isang bench. Nakatingin sa mga taong nagpipicnic. Ang nagtatakbuhan, may iba naman ay naglalakad kasama ang kanilang nga alagang aso.
I feel that I'm so relax and calm. Hanggang sa may tumabi saking inuupuan.
Isang batang babae na may hawak na cotton candy.
"Do you want some?" Sabi niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"No thank you."
"Bakit naman? Porke't malaki ka na hindi ka na pwedeng kumain nito?"
Napangiti ako sa sinabi niya. Dahil napaka-witty niyang bata.
"Ilang taon ka na?"
"Ten po." Sagot niya sakin habang patuloy ang pagkain ng cotton candy.
"Dahan-dahan lang sa pagkain niyan baka masira iyang ngipin mo."
"Ngayon nga lang po ako nakakain nito. Kasi bawal nga po."
"Bea..." isang tawag ang nagpaalarma sa batang kausap ko.
"Sige po, alis na po ako." Binigay niya sakin ang cotton candy niya nang mahawakan ko ang stick ay kumaripas pa itong tumakbo.
"Mga bata talaga ngayon." Saad ko. Tumayo ako at dala ang cotton candy palabas ng park.
Nang nilapitan ako ng isang batang lalaki. Hindi gaanong madungis pero butas-butas ang damit na suot niya.
"Ma'am may pera po ba kayo, gutom na po kasi ako."
"Ganoon ba? Sayo na lang toh oh. Tapos samahan mo ko ha.."
May alam akong pagkainan na malapit lang rito.
"Sige po..." hinawakan ko ang kanyang balikat nang marating namin ang isang pagkainan pumasok kami at pinaupo ko siya.
"Upo ka na wag kang mahiya."
Nag-aalangang umupo ang batang lalaki.
"Anong gusto mo'ng kainin?" Tanong ko.
"Hindi ko po alam.." sabi niya sakin na nahihiya pa.
"Sige ako nalang ang mag-order ha. Gusto mo ba ng chicken fillet o garlic chicken?"
"Yung garlic chicken nalang po.." ani niya sakin.
"Sige, anong gusto mong juice?"
"Kahit ano na lang po." sagot niya.
Tumango ako at nag-order na nang pagkain. Since salad lang yung kinain ko kanina, umorder lang din ako ng makakain.
"Wag kang mahiya ha... ano nga pala ang pangalan mo?"
"Leandro po."
His answer made me a pause. I felt pain, sorrow and angry at the same time.
"A-ang ganda naman ng pangalan mo." Kiming ngiti ko sa bata.
"Salamat po." He smiled happily.
Ilang saglit pa ay dumating na ang aming order. Kaya naman nakipagsalo ako sa isang batang hindi ko kilala. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya. Kasi dati, dahil sa mahirap lang kami noon hindi ko talaga natikman ang mga ganitong pagkain. Kaya naman nasasaktan ako kapag nakakakita ako ng mga batang nasa kalye naglilimos.
Sa gitna ng aming pag-uusap ay kaagad na nagmamadaling umalis ang bata.
"Uhm, Ate Abby salamat nga po sa pagkain. Ang bait-bait niyo naman po."
"Wala yun.. sige mauna ka na mag-iingat ka ha."
"Salamat po talaga ate, bye po." at malapad ang ngiti niyang nagpaalam sakin.
Napangiti narin ako at tinapos ko ang aking pagkain. Ilang sandaling pananatili roon ay nakapagdesisyon akong umuwi na.
I feel exhausted kahit na wala naman akong masyadong ginawa. Maliban nalang sa ka-meeting ko kanina. Pauwi ako habang nakikinig ng love songs.
Kung mayron man'g mga yakap akong pinapangarap
Ikaw sana ang kayakap, di maaaring isiping mayron pang iba
Dahil dito sa puso ko ay mamahalin ka
Dahil dito sa puso ko ay mamahalin lang isa
Sana nga, Sana nga ikaw na... Sana nga...
"Ano ba naman iyan, nag-iilusyon ka lang naman eh..." di ko mapigilang makapag-react sa kanta. Nang nakahinto pa ang sasakyan ko dahil sa kahabaan ng traffic.
"Abigail naman, kahit ba kanta pinapatulan mo?! Maghunus-dili ka nga'ng babae ka!" pangaral ko sa sarili.
Napahinga na lang ako at pinaandar na ang kotse. Nang papauwi na ako at nasa kalagitnaan ako ng daan. Nang biglang tumirik ang sasakyan ko.
"Oh my goodness!!! No! No! Wag kang huminto muna please!" ani ko habang pinipilit kung patakbuhin sa gilid nang daan.
God! I can't do this right now... Gustong-gusto ko ng matulog at heto ako ngayon nasiraan sa gitna pa talaga ng daan na walang masyadong dumaraan na sasakyan.
Nang maiparada ko ang kotse ko sa gilid ng kalsada. Sobrang kinabahan ako naglilito ako kung anong gagawin ko. Kinuha ko ang phone ko..
"Kung sinuswerte ka nga naman! Ngayon ka pa talaga nalowbat!?" naiinis nasabi ko sa sarili.
Lumabas ako sa kotse para matingnan ang makina. Mabuti nalang at may s malaking posteng ilaw ako nakaparada kung hindi pa. Talagang magiging flashlight ang mga mata ko ng wala sa oras.
"Pano ba toh?" nalulungkot kong sabi.
"Sa alam ko walang sira to'ng kotse ko. Kaka-check ko pa nga lang sa casa nito eh." malapit na akong maiyak talaga dahil ilang minuto na akong pabalik-pabalik nang check. Hindi ko alam kung saan yung may deperensya.
May kung ano akong kinapa sa makina. Good thing kahit papano gumagana pa naman yung torch ng cellphone ko.
Hanggang sa ilang saglit pa ay bigla itong nawala. "Ano ba naman yan!" naiinis na sabi ko.
"Huminahon ka lang Abb, just think and pray na sana may dumaan man lang na sasakyan."
Ilang saglit pa ay may namataan akong isang ilaw na papalapit sa direksyon ko. Kaya mabilis akong tumayo sa gilid nang sasakyan ko at kumaway-kaway nang hindi pa ito huminto at pumagitna ako sa daan.
Parang wala naman atang balak na huminto ang sasakyan na papalapit sa kanya.
"Hinto!!!!" sigaw ko nang nakapikit. Tamang-tama ang paghinto ng sasakyan. Ilang pulgada nalang ay mababangga na ako. Kahit na kinakabahan ay dahan-dahan akong dumilat.
A tinted Volvo car is in front of me. I could remember Edward Cullen is riding the same car too...
Huminto ito sa harap ko at bumaba ang nagmamaneho.
"Miss, are you alright?" lumapit siya sakin at sinuri kung okay lang ako.
"I'm okay, thank you but I really need a help. Can you help me fix my car?" lakas loob kung paghingi ng tulong sa di ko kakilala.
"I'm so sorry, it's really too late to do that. In fact, I'm in hurry also. I'll just call my mechanic to tow your car. If that's okay with you?"
"Yes, that's fine with me. Thank goodness. So how can I repay you?" tanong ko sa kanya.
"You don't need that. Just think of it that you owe me something." saad pa niya sakin. What a thoughtful guy yet so mysterious. Yun ang depinisyon ko sa kanya.
"Thank you so much Lord, what if wala talagang dumaan rito." nasa boses ko ang pag-aalala.
"Don't be, good thing nga dito ako dumaan. If not, I wouldn't see you.." aniya. Hindi ko masyadong narinig yung huli dahil may truck na dumaan sa kabilang lane ng kalsada.
"Ano yung sabi mo?"
"Never mind, wait I'll should make a call." dumistansya pa siya sakin habang may kausap sa cellphone.
Giniginaw ako ng mga oras na yun, gabi na kasi at pagod na pagod na rin ako. Good thing nakakain ako kanina ng hapunan kasama yung bata.
"What's your address? I can offer you a lift. Since your car isn't fix yet. My driver can take care of your car too."
"Driver?" Napatingin ako sa likod may isang sasakyan pa palang nakaparada roon hindi ko man lang napansin.
Bago pa ako nakapagsalita. Nilapitan na nito ang driver na nakatayo lang sa labas ng pinto ng sasakyan. Saglit lang silang nag-usap at tumango lang ito at bumalik sa loob ng sasakyan.
Habang ang binatang nakilala ko ay papalapit sakin.
"I bet your very exhausted at your work?" he guessed.
"Totally, anyways I can't thank you enough."
"Nah... I know anyone will do that..."
"Kahit na, thank you parin." ani ko at pinagbuksan niya ako ng pinto sa may front seat. Kahit na nag-aalangan ay pilit kong binalewala kahit ngayon lang. Dahil sa kailangan ko na talagang makauwi...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro