Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Everything is perfect. Parang lahat ng bagay kahit saang angulo mo tignan napakaganda. You can't help it but to be amazed how God is great. Nasa duyan ako nang mga oras na iyon.

Habang pinagmasdan ko ang mga nagsisidlakang mga bituin sa kalangitan. At ang ilaw ng bilog na buwan lang ang siyang nagsisilbing liwanag ng nagdidilim na kalangitan. Hindi ko maiwasang mamangha sa ating Diyos. His knowledge and wisdom is unimaginable.

Nilanghap ko ang sariwang hangin na nakapalibot sa akin. Pikit-mata kong sinasamsam ang bawat sandaling iyon...
Na tila ba hinihila ako pabalik-pabalik sa nakaraan kung saan ko siya nakilala.

"Abby! Abby! Nasaan ka na ba'ng bata ka?!" ilang sigaw ni inang sa akin.

"Abby!!! Nasaan ka na ba?!" nagising ako sa tawag niya sa akin nang marinig ko yun.

At nagmadali akong tumayo at nagsuot ng tsinelas at tumakbo sa kinaroroonan niya.

"Nay! Andito na ho!" sigaw ko pabalik habang paika-ika ng takbo dahil sa lumulubog ang tsinelas ko sa buhangin.

"Anak! Saan ka ba nagpupunta?! Diba sinabi ko sa'yo na matulog ka ng maaga. Dahil may trabaho pa tayo bukas diba?" Ani ng aking ina.

"Patawad po nay, naglibang lang po ako roon sa may duyanan."

"Hay nako. Ikaw talaga anak. Halika na at umuwi na tayo--" at napaubo ang aking ina. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Dahil ilang linggo ng pabalik-balik ang kanyang ubo.

"Nay, magpatingin na po tayo sa doktor." kumbinsi ko kay nanay.

"Wag na anak. Gasto lang yun, isa pa wala tayong perang pambayad roon."

"Nay mahahanapan naman po yun ng paraan." suhestiyon ko sa kanya habang naglalakad kami pauwi.

"Anak naman wag ng matigas ang ulo. Kung makahanap man tayo ng paraan paano rin natin babayaran kung sakali."

"Nay naman! Ako na po ang bahala dun."

"Anak kong talaga oo. Hala sige para matahimik ka na sa kakakulit sakin." napangiting sabi ni inay.

Nasa sampung taon palang ako ng iniwan na kami ni tatay. Kaya simula noon hindi na ako nagpatuloy ng pag-aaral. Tinutulungan ko nalang si nanay sa trabaho niya sa isang resort at kung minsan pumupunta siya sa mansyon ng mga Fuentebella para maglinis.

Nang makauwi na kami ni nanay sa bahay na yari sa mga kahoy at niyog. Talagang masasabi mo'ng bahay iyon ng mga dukhang kagaya ko. Subalit ni minsan hindi kami tinatrato ng mga may-ari ng lupa.

"Nay, pupunta po ba tayo sa mansyon bukas?" tanong ko habang inaayos ko ang aming higaan nilalapagan lang ng banig at kumot.

"Oo kaya nga sabi ko sayo maaga tayo bukas dahil uuwi na ang mga Fuentebella at dito magbabakasyon."

"Ibig sabihin? Kasama rin siya.." mahinang usal ko.

"Anong sinasabi mo anak?"

"Wala po nay... sige po matulog na po tayo. Tapos na po akong mag-ayos."

"Mahiga ka na anak. Tatapusin ko lang to'ng mga damit natinutipi ko."

"Sige po, matulog na rin kayo nay." Ani ko at nahiga na ako sa sahig dahil wala naman kaming kama.

"Abby..." tawag sakin ng isang lalaki.

"Abby.... Where are you? Please hear me out first." sigaw ulit nito.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa sobrang dilim...

Nakatago ako ng mga oras na iyon isang malaking bato. Nakayuko. Tahimik. Pasilip-silip sa kinaroroonan niya.

"Abby... please let's talk.."

"Alam kung alam mo ang totoo. Kaya pakiusap don't make this hard on us, please..." patuloy na pakiusap niya sakin.

Subalit ayaw parin nang isip ko ngunit ang puso ko'y unti-unti nang bibigay.

"Please Abb, alam mo naman na ikaw lang at tanging ikaw lang simula nung una..."

Napaluha ako sa mga sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi maiyak. Oo alam na alam kung ako lang pero bakit ganun? Bakit may nagsasabi sakin na nag-iilusyun lang ako...

Ang sakit-sakit, sobrang sakit. Para bang pakiramdam ko dahan-dahan kang dinudurog hanggang sa mawalan ka na ng hininga.

Hanggang sa, dumilim ang paligid mo at wala ka nang makita. Hanggang sa, unti-unti nang naglalaho ang lahat..... Napaluha ako sa akala ko'y totoo ang lahat..

"Abby! Gising na! Nananaginip ka na naman.. Tanghali na anak.."

"P-po?! Panaginip lang pala yun!?" Kaagad kong pinunasan ang aking luha.

Akala ko totoo. Mabuti nalang at panaginip lang ang lahat. Salamat naman...

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong hindi yun totoo. But at the back of my mind I felt it, and it was real...

"Ilusyunada ka talaga!" pangaral ko sa sarili. Sabay tapik ko sa mukha.

"Ano ba?! Abby magdamag mo na lang ba'ng saktan iyang mukha mo. Tulungan mo na ako rito bilis na. May hinahabol pa tayong oras..."

"Opo nay..." at mabilis kung inayos ang aming higaan. Nagbihis nang panglakad. Isang simpleng tshirt lang ang sinuot ko medyo may kaluwangan ito at isang pares na short. Hindi kasi ako sanay na nakapalda lang. Sino ba naman ako para makapag-suot ng ganun?

Lahat ng damit ko pinaglumaan na kasi. Wala naman kaming sapat na pera para makabili ng bago. Kaya yung mga damit nalang ni tatay yung sinusuot ko. Sinusulsihan lang ni nanay para kahit papano magkasya sakin. Sapat lang kasi ang kinikita ni nanay buwan-buwan sa mansyon. Para makakain kami araw-araw.

"Nay, mag-iigib po muna ako ng tubig sa balon para bukas."

"Sige, pagkatapos mo roon. Maghanda ka na at aalis na tayo."

"Opo nay..." mabilis akong kumilos ayaw ko kasing napapagalitan. At higit sa lahat ayaw kung makonsumesyon si nanay sakin. Kaya kahit na sa ganitong paraan matulungan ko siya.

Lahat gagawin ko para kay inay. Kahit na ang tingin samin ng ibang tao ay ubod ng dukha... Kahit ganoon nagpapasalamat parin kami ni nanay na may mga taong nagmamalasakit rin sa aming mga kung tawagin nang iilan ay kutong-lupa...

Masakit isipin pero ano ba'ng panlaban mo sa mga taong ang taas ng tingin nila sa kanila sarili? Gusto ko na sanang lumaban. Ngunit palaging sinasabi ni inay na huwag, magpakumbaba palagi. May awa ang Diyos sa aming mga mahihirap...

"Anak!.... Tapos ka na ba riyan?"
Tawag nya sakin

"Malapit na po nay, kaunti nalang toh."

At nang napuno na ang timba ay kaagad ko yung binuhat. Medyo may kabigatan nga lang. Subalit kailangan kong kayanin. Kami rin naman ni nanay ang makikinabang nito bukas...

Pagdating ko sa bahay ay kaagad kung binaba ang timba at tinakpan ito ng takip.

"Anak, dalhin mo nalang to'ng basket ha." ani ni inay.

"Para saan po ito nay?"

"Hindi ko rin alam, baka may gagamitan si Ma'am Clara."

Napatango nalang ako at sumunod kay inay. Paalis na kami ng bahay patungong mansyon ng mga Fuentebella. Kahit na ilang beses na akong nakapunta roon. Hindi ko parin mapigilang mamangha sa lugar.

Maliban sa ubod ng ganda at may mga halamanang palaging inaalagaan ng mga hardinero. Ay naroon parin ang karaniwang yari nito na yaring muwebles at matitibay na kahoy gaya ng narra at mahogany.

Naglalakad lang kami ni inay papasok sa mansyon. May kalayuan rin kasi ang mansyon sa mismong gate.

"Magandang umaga po, Manong Doming." bati ko sa hardinero habang pinapaganda niya ang malaking halaman.

"Magandang umaga din sayo Abby. Siya nga pala Flora, Kanina ka pa pala hinahanap ni Ma'am Clara." saad pa nito.

"Ganoon ba Mang Doming, salamat."

"Anak, bilisan mo ang paglakad diyan. Kanina pa pala tayo hinihintay."

"Opo nay." kaya binilisan ko ang aking paglakad.

Nang nakakalahati na kami ng lupain. Sa pagmamadali ko'ng lumakad hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada.

Hanggang sa may bumusina mula sa likuran ko.

"Peeeeeeeepppppppp! PEeeeeeeeeeeeep!" Napatalon ako sa sobrang gulat.

"Sa susunod, wag kayong paharang-harang sa daan!!!!" sigaw ng isang lalaki. At mabilis na humarurot ng takbo.

Hindi ko nakita  ang mukha dahil sa bilis ng pangyayari.

"Anak naman! Muntik ka nang masagasaan! Tumingin ka nga sa dinadaan mo. Nakaperwisyo pa tayo ng tao. Baka bisita yun nga mga Fuentebello. Nakakahiya naman.."

"Sorry po nay," "Siya-siya bilisan na natin at makarating na tayo roon."

Pagdating namin sa harap ng mansyon ay nagsilabasan at silakihan ang mga pawis ko sa mukha sa sobrang pagod.

"Flora, andito ka na pala. Dala mo ba yung pinag-utos ni Senyora?" tugon ni Aling Elisa ang mayordoma ng mga Fuentebella.

"Opo nang..."  sagot ni inay. "Sige na dalhin mo na ang mga iyan sa kusina."

Habang nag-uusap silang dalawa ay panay ang silip ko sa loob ng mansyon. Kahit naman hindi ako masyadong makakakita, Humakbang ako ng kaunti sa hagdan at itinaas ko ang aking leeg na parang giraffe.

"Abby, tara na."   napalingon ako ng tinawag ako ni mama.

Doon kami sa likuran dumaan patungong kusina. Dahil sabi raw ni Aling Elisa doon raw dumadaan ang mga katulong. Maliban nalang talaga kung kinakailangan na pumanhik at pumasok mula sa harapan ng mansyon.

"Nay, sino po kaya yung mga bisita ni Senyora?" tanong ko sa aking inay, Habang inilalapag ang mga dala namin sa kusina.

"Bakit mo naman na itanong anak?"

"Wala lang po..." kibit balikat kong sabi. "Siguro ang anak niya at mga kaibigan ng anak niya. Hindi ako sigurado anak."

"Ahh... okay po nay." 

"Sige na, magtrabaho ka na at tulungan mo na ako rito..." utos sakin ni nanay...

"Basta anak, kung anuman iyang iniisip mo. Wag mo nang ipagpatuloy dahil hindi tayo kabilang sa kanila..." dagdag ni inay..

Hindi ako nagsalita, ano ba ang ibig niyang sabihin? Nagtatanong lang naman may masama ba roon?.............

A/N

Hi po sana magustuhan niyo po ang kwentong ito. At masubaybayan niyo.. please do comments and votes po...para malaman ko po kung okay lang ang pag-susulat ko ☺☺☺ Maraming Salamat po...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro