
Chapter 3
Chapter 3: First Love
OLIVIA'S POV
"LIV, may assignment ka na sa GenChem?" Naibaba ko ang cellphone ko bago iangat ang tingin kay Asungot.
Mabilis naman akong umiling bilang tugon. "Wala pa,"
Subalit mayroon siyang notebook na inilapag sa harapan ko kaya nagtataka akong napatingin sa kanya. "Tsk! Inuna mo talaga mag-cellphone bago gawin assignment mo? Dalian mo, kopyahin mo na iyan bago pa dumating si Sir." Nakangising aniya kaya nakaangat ang kilay ko na nagbaba ng tingin sa notebook niya.
Iniisa-isa kong tinignan iyon bago ibalik sa kanya. "Puro mali sagot mo," saad ko na nagpalaglag ng panga niya, naiiling ko tuloy na inabot sa kanya ang notebook ko. "I think ikaw ang nangangailangang kumopya?"
"Fvck! Hindi nga?" Nagulo niya ang buhok niya habang tinitignan ang notebook ko.
Natatawa naman tuloy akong napatingin sa kanya, bumalik muna siya sa upuan niya at dali-daling kinopya ang assignment ko. Hinayaan ko muna siya saka ko ipinagpatuloy ang binabasa ko. Sinabi ko lang namang wala akong assignment kasi akala ko mangongopya siya, sa huli, ako rin ang nagkusa na pakopyahin siya.
Tinapunan ko ulit ng tingin si Asungot sa gitna ng pagbabasa ko, mamaya kung sino-sino ng kumopya sa assignment ko.
Kaming dalawa lang dapat ang babagasak dito!
"Hindi ka pa tapos dyan?" Tanong ko bago maupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Aren't you doing something?" Tanong niya pabalik sa akin habang abala pa rin sa pagsusulat sa notebook niya.
"Nagbabasa ako. Kung ginulo mo ako kanina habang nagbabasa ako at nasa exciting part ako, baka hindi ka na makilala ngayon."
Doon siya nakangising nag-angat ng timgin sa akin. "You just gave me an idea. Anyway, may load ka ba? Pahiram ako saglit ng phone mo, ang hina ng network ko rito. May isesearch lang ako."
Kibit-balikat ko namang inabot sa kanya ang phone ko. Tinignan ko ang notebook niya at bahagyang napaawang ang labi ko, kumpleto ng notes si Asungot! Nasusundan niya iyong mga sinasabi ni sir?
"Saan mo itinago iyong katawan?" Biglang tanong ni Asungot kaya nagtataka akong nag-angat ng tingin sa kanya. Salubong ang mga kilay niyang ipinakita sa akin ang search list ko!
"G×go!" Bulalas ko at nagtangkang agawin mula sa kanya ang phone ko na mabilis niyang inangat sa ere. "It's not what you think, okay? Akin na 'yan!"
"You're such a creep! Liv, sinong pinatay mo?!" At nilakasan pa ni Asungot ang boses niya kaya nasabunutan ko siya bago abutin ang phone ko pabalik. "Aww! Ayun! Namisikal na siya!"
Nakangiwi ko siyang tinignan saka mabilis na pinagbubura ang laman ng search history ko.
Where to hide a dead body?
Is it possible to remove fingerprints or alter them?
Poison that can be easily found at home
If the pulse completely stop, does it mean that the person is not waking up?
"Pero seryoso, sinong pinatay mo?" Tanong ulit ni Asungot habang hilot-hilot ang parte ng ulo niya kung saan ko siya nasabunutan. Nakokonsensya ko pero naiinis ako sa kanya!
Nang magawi ang tingin ko sa entrance, papasok na ang teacher namin para sa GenChem! Dali-dali kong kinuha ang notebook ko mula kay Asungot. Bahala siya kung hindi pa siya tapos sa assignment niya.
"I am a writer." Madiing pahayag ko pa sa kanya bago ako bumalik sa upuan ko.
Bumabagsak ang mata ko habang nakikinig sa lesson. Nagtake notes na lang ako kahit nahihirapan na akong intindihin si sir, magrereview na lang ulit ako mamaya pag-uwi ng bahay.
Malapit ng bumagsak ang ulo ko sa lamesa habang nagpipigil ng antok ng abutan ako ng pagkain ni Avielle na nakaupo sa harapan ko. Ilang ulit akong napakurap habang nakatingin sa kanya. Hindi na tuloy ako nagdalawang isip na makikain sa chips na kinakain nila, kaya kahit papaano ay nabawasan ang antok ko.
"Sir, excuse ko lang saglit si Olivia Suarez."
Hihingi pa sana ulit ako ng chips kay Avielle subalit kumatok si Ma'am Marian, hinahanap ako. Kinausap niya lang saglit si Sir bago ako tawagin. Nalilito man kung bakit niya ako tinawag ay sumunod pa rin ako sa kanya.
"Naalala mo pa naman iyong research ninyo noon grade 11, 'di ba 'nak?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami patungo sa faculty room.
Nagtataka man ay tumango pa rin ako. "Yes po ma'am! Bakit po?"
"Magkakaroon kasi ng Division Research Conference. Iyong research sana ninyo ang gusto naming ipresent doon kasama ka at iyong mga ka-group mo." Paliwanag sa akin ni Ma'am at sunod-sunod naman akong tumango.
Pagpasok namin sa loob ng faculty ay kaagad niya akong pinakilala sa research teachers na naroroon. Subalit may teacher agad na kumontra.
"Ma'am Marian, akala ko ba iyong research nila Michelle ang ipepresent natin?" Tanong ni Ma'am Joy na siyang head teacher ng Senior High School department. "Running for valedictorian din si Michelle ng batch nila."
Ang hirap magpigil ng irap. Nagpapanggap na lang tuloy akong lumilinga-linga sa paligid. Hindi man lang siya nag-abalang hinaan ang boses niya, pinarinig pa talaga sa akin. Aish! Pinapaalala niya sa akin iyong ugali ni Ma'am Roxas. Hindi na ako magtataka kung relatives sila. Saka may running for valedictorian na agad, kakasimula lang ng academic year?
Bukod sa katamaran, isa sa pinakamahirao na kalaban ang teacher's favoritism.
Walang silbi ang opportunities na nasa harapan ko kung may teacher's na may kanya-kanyang favorite na haharangan ako.
I'm a writer, of course marami akong backup reasoning. Mas maganda sigurong tanggihan ko na lang ito, isa pa, ayaw kong ma-witness pa ng mga ka-grupo ko ito.
"Ah sorry, asan na nga ulit tayo 'nak?" Naangat ang timgin ko kay Ma'am Marian, mukhang tapos na ata sila magtalo. "Iyong mga ka-group mo last year, kaklase mo ba ngayon? May pera rin kasing matatanggap iyong mga kasama sa research presentation, makakatulong sa inyo iyon. Saka kung tutuloy kayo, bibigyan ko kayo ng plus one direct sa card ninyo, ako pa rin naman ang may hawak sa inyo sa PR 2."
Ay, may pera raw.
"Uh, iyong isa po kaklase ko pa rin ngayon, iyong dalawa nasa kabilang section at iyong isa po nag-transfer out na. Kung ayos lang po sa inyo, kakausapin ko po muna sila?" Tugon ko. Natukso ako kasi may kasamang pera, sino bang tatanggi sa pera? Pero totoo nga namang kailangan ko munang kunsuktahin at kausapin ang mga kasama kong gumawa ng research paper namin.
"Sige 'nak. Sabihan mo agad ako kung anong desisyon ng grupo ninyo, ha?"
Magkakasunod kong tinanguan si Ma'am Marian. Ipinaliwanag pa niya sa akin ang tungkol sa research conference na gaganapin baka niya ako pabalikin sa klase ko.
Habang naglalakad pabalik sa klase ay binuhay ko ulit ang group chat namin at nag-message sa mga ka-group ko last year. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng mapansin kong naka-deactivate na ang social media account ni Monday.
She played a huge part in making our research, I should at least let her know. Sino bang dapat kong kausapin regarding her?
Kakatapos lang ni Sir magklase sa chemistry namin nang bumalik ako sa classroom. Napailing na lang tuloy ako at bumalik agad sa upuan ko. Ang problema, kakaupo ko pa lang, may asungot na agad na lumapit sa akin.
"My little killer, I'm not aware na magaling ka sa chemistry." Bungad ni Louis habang nakasandal sa upuang nasa likuran niya.
"Killer?!" Umarko ang kilay ko. "Matagal na akong nag-e-excel sa chemistry ano? Oh? Kamusta pala assignment mo?"
"Perfect!" Ngisi niya sabay thumbs up kaya bahagya akong natawa. "Dahil pinakopya mo ako sa chemistry, ililibre kita mamaya. May alam akong place rito na magandang mag-foodtrip, ano? Payag ka?"
"Oh? Sinong kasama?"
"Ikaw."
"Pilosopo." Umikot sa ere ang mga mata ko. "Ibig mong sabihin, tayong dalawa lang?"
"Oo, ayaw mo?"
Kaming dalawa lang? Dapat ba akong sumama sa Asungot na 'to? Kunsabagay, sa aming dalawa, siya ang dapat na matakot sa akin. "It's a date?" Ngisi ko at mabilis naman siyang tumango.
"If that's how you want it, then it's a date!"
"After mo akong tawaging killer?" Natatawang ani ko. "Aren't you scared of me? Paano kung may gawin akong masama sa'yo mamaya? Aren't you even suspicious kung saan ko ginagamit ang knowledge ko sa chemistry?"
"You're the one who should be suspicious of me, paano kung undercover spy pala ako from NBI?"
Nakangiti kong hinawi patalikod ang buhok ko at umayos ng upo. "Go ahead, investigate me. I'm a writer, I have a lots of alibi."
"I'm a writer too, Liv. I know how to squeeze out information from you."
UWING-UWI na ang buong klase at halos lahat sa amin ay nakatingin na sa labas. Naglalabasan na sa ibang section kami may klase pa rin. Papalubog na rin ang araw kaya mas lalo akong inaantok.
Nang tuluyang matapos ang klase namin ay dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko. Dire-diretso akong lumabas bitbit ang mga gamit ko.
"Olivia, cleaners ka!" Nadinig kong sigaw ni Avielle kaya namilog ang mga mata ko at alanganing ngumiti sa kanya.
Nagdadalawang isip ako kung babalik pa ba ako sa loob para maglinis.
Buti na lang at dumating si Asungot para itakas ako! "Tara na, may pupuntahan pa tayo!" Aya sa akin ni Louis bago ako akbayan.
Kinawayan ko na lang ng nakangiti si Avielle kaya napangiwi siya habang hawak-hawak ang walis tambo.
"Saan ang date natin, huh?" Nakangising tanong ko kay Louis, nagulat siya sa tinuran ko subalit bahagya niyang ginulo ang buhok bago akayin ako papunta sa parking lot kung nasaan ang motor niya.
"Basta, ako ng bahala sa'yo." Giit niya bago iabot ang isang helmet niya sa akin.
"Talaga lang, uh?" Isinuot ko ang helmet. "Ilang babae na pala naangkas mo rito sa motor mo?" Curious na tanong ko habang sinispst ang motor niya.
"Isa pa lang,"
At talagang mayroon?!
Bago pa man ako makapag-react ay nagawa na niyang pisilin ang ilong ko at tawanan ko. "Kaibigan ko lang iyon,"
Hinampas ko naman ang kamay niya. "Kung makasagot ka naman parang pagseselosan ko mga babaeng naangkas mo sa motor mo." Iling ko kaya naipaling niya ang ulo niya.
"Bakit? Wala ka bang gusto sa akin?"
G×go?! Hindi ko kaagad siya nabigyan ng sagot dahil bumunghalit na ako ng tawa. Hawak-hawak ko na ang tiyan ko dahil natatawa na lang ako sa sinabi niya.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Akala ko all this time may gusto ka sa akin, kasi in the past years ang laki ng galit mo sa akin and all of the sudden pinapansin mo na ako ngayong grade 12, maybe dahil isang taon na lang tayo dito?"
Okay, okay. He got a point. Naitaas ko ang kanang kamay ko para senyasan siyang saglit lang dahil natatawa pa rin ako. "W-Wala, okay? Kapal naman ng mukha mo!"
"Sigurado ka?"
Umayos ako ng tayo at hinarap siya. "Louis," natapik ko ang balikat niya at nginitian siya. "Sigurado ako. Wala akong gusto sa'yo, kasi hindi ko pa nagagawang magsulat ng love letter sa'yo."
"Bakit may nasulatan ka na ba ng love letter noon?"
Mabilis akong umiling. "Na-ah. I just feel like magkakaroon ako ng courage na magsulat ng love letter sa taong gusto ko oras na ma-in love ako. Anyway, I don't how it feels to fall in love." Paliwanag ko na nasundan ng pagkibit ng mga balikat ko. "Ikaw ba? Sa tanong mo mukhang nakapagsulat ka na ng love letter ah." Biro ko sa kanya at namilog ang labi ko dahil nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Nagsulat ka talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko, nasapo ko pa ang labi ko habang turo-turo siya.
"Tapos naman na iyon, tara na nga, dumidilim na." Pag-iiwas niya ng usapan bago umangkas sa motor niya.
Nameywang ako habang nakatingin sa kanya. "So sino iyong nasulatan mo ng love letter? What's her thoughts about it? Na-touch ba siya sa love letter mo kaya she doesn't have enough courage that's why she turn you down?"
"Hindi ako na-reject, ano."
"Really? Nasaan na iyong babaeng sinulatan mo ng love letter ngayon?"
Bigla niya akong pinitik sa noo kaya tinignan ko siya ng masama. Ang init-init kaya hindi ko pa binababa ang visor ng helmet! "Hindi ako na-reject kasi hindi ko naman inabot iyong letter." Aniya kaya naglaglag ang panga ko.
May sasabihin pa sana ako sa kanya subalit nakareceive ako ng tawag mula sa bahay! Shemay, ngayon pa talaga ako pinapauwi?! "Louis, hindi ka ba magtatampo? Hehe." Alanganing saad ko matapos patayin ang cellphone ko.
"Bakit? Anong mayroon?"
"Pinapauwi ako ng maaga sa bahay ngayon eh."
"Dalian mo na, umangkas ka na." Saad niya kung kaya't napailing ako at nagtangkang aalisin na ang suot kong helmet subalit pinigilan niya ako. "Umangkas ka na, ihahatid na kita."
"Really?" Nagnininingning ang mga matang tanong ko sa kanya bago ako umangkas sa likuran niya. "Thank you! Dahil dyan may kiss ka sa akin!" Sambit ko dahilan upang mapalingon siya sa akin. "It's just an expression! Sige na, tara na."
─────⊱◈◈◈⊰─────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro