Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Cars



Jacobus didn't say any single word after that arguement. That topic about pag tupad sa pangako is something that affects me. Loyalty weighs heavy on me, in any aspect.

Naubos ko halos ang food na nasa plate ko, masyadong maraming tumatakbo sa isip ko. I'm too pre-occupied na panay ang subo ko ng food. Hindi ko na namamalayan.

"Nagustuhan mo?" tanong niya. Nakatingin siya sa plate ko na halos pa-ubos na ang laman.

Bumaba din ang tingin ko doon. Nakaramdam ako ng kaunting hiya because he might think na I'm matakaw. Hindi ko naman kasi kasalanan because masarap naman talaga ang food.

"Yes, it's yummy. It taste super like pangbahay," sabi ko pa sa kanya.

Tumaas ang isang kilay niya na para bang he heard a foreign word, e normal words lang naman 'yon.

"Pangbahay? Anong pangbahay?"

"I mean...lasang natural. Hindi tipid, and looks like niluto with a lot of love," sagot ko pa sa kanya.

Inirapan niya ako.

"Dami mong sinasabi," he said pa kaya naman napanguso ako.

"Syempre, you're asking me, e. Pag hindi ako sumagot, edi nagalit ka..." laban ko pa kasi it's totoo naman.

Umirap ulit siya ng paulit-ulit. I'm kinakabahan talaga sa eyeballs netong si Jacobus. Baka later on magulat na lang kami na may gumugulong ng eyeballs sa floor.

After we ate our lunch ay nagpaalam na din ako kay Jacobus. I need to pay a visit pa kay Tita Vera. Bukas pa naman ang totoong work day ko.

Habang naglalakad ako palabas ng office ng Daddy ko ay ramdam ko ang pagsunod ni Jacobus sa akin. Like kung totoo ngang nakakatusok ang tingin maybe pwede na akong i-ihaw because of that feeling.

Ramdam ko ang matalim niyang tingin sa likod ko.

"Bukas dapat maaga...ayoko ng late. Palagi na lang late," he said pa. Mahina na ang mga dulong words pero narinig ko pa din 'yon.

"Anong always late? Ngayon lang ako late," giit ko.

Nilingon ko si Jacobus, nakasimangot ang face niya, para bang may umaway sa kanya. E, siya nga 'tong nang-aaway.

"Basta, gusto ko maaga bukas," laban pa niya kaya naman ako naman ang umirap ngayon.

I saw kung paanong nagulat siya at the same time ay mukhang he's amazed of what I did.

"Subukan mo din me..." laban ko.

Never nga akong na-late sa school or even sa mga appointments ko.

Inirapan niya ulit ako while ang magkabila niyang kamay ay nakapasok sa magkabilang pocket niya. Because of that may naging visible sa aking eyesight ang ganda ng kanyang braso. Looks like he's batak na din sa pagbubuhat ng mga sako here sa factory.

Super fine ng body niya, bagay sa kanya. Siguro kung yayakapin niya ako ay ma-iipit ako.

"Ano? gusto mo pa din makakita ng abs?" tanong niya sa akin.

He saw me na nakatulala sa kanyang body.

"Kung makatingin ka parang nanghuhubad ka ah," he said pa pagkatapos ay humalikipkip siya na para bang he's protecting ang self niya sa akin.

Me? Mukha ba akong harmful?

"Hindi no!"

"Anong hindi?" hamon niya sa akin.

"I'm super innocent and hindi kita huhubaran no..." sagot ko while I'm a bit nahihiya na talaga.

Baka isipin ni Jacobus I'm bastos na.

"Ganyan talaga pag nakapunta ng Maynila no?" he said pa.

Kumunot ang noo ko. "Why ba sinisisi mo ang Manila? Innocent nga siya," giit ko pa.

"Ewan ko sa 'yo Gianneri."

"Maybe there's that aspect na you behave kung nasaang lugar ka. Or ma-adapt mo yung mga ginagawa ng mga tao doon. But i'm not someone naman na..."

Hindi na niya ako pinatapos, ngumisi lang siya na para bang he's not ready sa mga sasabihin kong paliwanag.

"Manila girl, huh."

"Who? Me?" tanong ko sa kanya.

Nagtaas lang siya ng kilay na para bang alam ko na ang answer, hindi na niya kailangan pang sumagot.

"I'm not..." giit ko.

Pero kahit anong sabihin ko ay mukhang hindi naman siya maniniwala sa akin kaya naman hinayaan ko na lang siya. He can think whatever he wants. But I know naman kung ano talaga ako as a person.

Nothing can define me, even kung saang lugar ako nag-grow up.

"That's why you like my cousin Calli. Because hindi siya Manila girl, right?" tanong na hamon ko sa kanya.

I can't even stop my self na sa pagsasalilta. If may gusto akong sabihin ay sasabihin ko talaga. 

Nakatitig lang siya sa akin na para bang what I said is right kaya hindi na niya matanggi.

"Hindi ganon," he said in a very serious tone.

"Well, that's what it looks like," laban ko din sa kanya in a very serious tone.

Hindi na nakapagsalita pa si Jacobus. Looks like silence means yes.

"I'm going home na..." paalam ko na lang at mabilis siyang tinalikuran para hindi na siya ulit makapagsalita pa.

I'm so done for today. Bukod sa work here sa rice mill factory ay gusto ko ding makapagpahinga here sa province since super nakakapagod sa Manila. Kakatapos lang din ng class.

"Love, just take it lately. You're about to enter collage pa lang. It's just an introduction pa lang for you sa kung paano papatakbuhin ang factory..."

Mommy said. She noticed siguro na i'm stressed na agad sa factory. Hindi pa nga ako nakakapag-whole day.

"Yes, Mommy..." sagot ko.

She hugged me ang kissed me sa ulo. My Mommy Gertie is the sweetest.

Dumiretso ako sa veranda kung nasaan si Lola Elaine. Just like before tahimik pa din siya at palaging nakatingin sa malayo. Minsan naaabutan ko siyang nagpapahid ng tears niya. Sobrang miss na talaga niya si Lolo Axus.

"Lola, i'm back na."

I kissed her cheeks at umupo sa katabi niyang upuan. Ang ang cup of tea sa kanyang harapan ay puno pa pero it's cold na. Hindi nanaman siya ininom. She can't eat nga ng maayos. Halos ilang years na din pero she can't really moved on.

Sino nga bang makaka-move on. I saw kung gaano kamahal nila Lolo at Lola ang isa't isa. I enjoyed hearing all their love story nung mga bata pa sila.

Lumaki silang mag-cousin, that's super complicated. Pero ang lahat ng 'yon ay nalagpasan nila. Truly love conquers all.

"Mas lalo ko siyang naaalala dito," she said.

She even barely talk na nga, kaya naman kung may sasabihin man si Lola ay super attentive kami. Na parang miracle na sa house namin na magsalita siya.

"I'm sure na Lolo Axus missed you too..."

Mas lalong naging emotional si Lola.

"Gusto ko na siyang makita...gusto ko na ulit makasama si Axus," she said pa.

I felt the eagerness and pain sa voice niya. Ramdam kong she's really longing for my Lolo.

"Lola..." sambit ko.

Hindi ko na 'yon magawang dugtungan pa. I know for a fact na no words can lighten the weigh of her grief.

Sa huli ay niyakap ko na lang ng mahigpit si Lola.

"Lola Afrit!" tawag ko sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit when I saw her sa kitchen namin. She's preparing something to eat kasama si Yaya Esme na habang nagluluto ay nakatutok din sa pinapanuod na drama sa tv.

"Oh, saan ka nanggaling?" tanong niya sa akin.

Sinabi ko kay Lola ang tungkol sa pagpunta ko sa rice mill factory. Always siyang nandito para kay Lola Elaine. Mag bestfriend sila and napangawasa niya ang kapatid ni Lola Elaine na si Lolo Darren. 

"May boyfriend ka na ba?" tanong niya sa akin.

Natawa ako. "Wala pa po. I'm too young pa po for that," sagot ko sa kanila.

I know kasi na kahit naka-focus si Yaya Esme sa pinapanuod niyang drama ay nasa amin ang isa niyang tenga for the chismis.

"Too young too young...walang ganon pag dating sa pag-ibig," she said.

See? Kunwari lang siyang busy sa pinapanuod niya pero nakikinig siya.

"I'm focused pa po sa studies ko at sa rice mill factory to help Daddy," sabi ko pa.

Then ang pag-uusap nila ay napunta na sa kabataan ni Lola Afrit. 

That's the first time na malaman kong may first wife si Lolo Darren. It's so nakaka-intriga pero I felt uneasy when they told me about the cheating issue. Nag work si Tita Afrit sa Manila to support her family at para na din mag-ipon for their wedding. Then after all the hard work and sacrifices malalaman niyang kinasal si Tito Darren sa ibang girl just because nabuntis niya ito.

"Why is it like that?" tanong ko. Hindi ko na natago pa ang disgust sa aking voice.

I don't have the rights to judge their story, but the fact that it involves a cheating ay hindi ko matanggap. I'm a strong believer na cheating is a choice, it's a sin. Na if you cheat, alam mo yung ginagawa mo. Maybe hindi lang ganon ka strong yung love mo for that person.

"Marami ka pang hindi alam sa pag-ibig. Bata ka pa, lalawak pa ang mga malalaman mo," Yaya Esme said. The expert.

"If it involves betrayal and cheating I'm not interested," giit ko. Paninindigan ko.

Tipid lang na ngumiti si Lola Afrit. Maybe naging uneasy siya because of what I said kaya naman nag-sorry ako agad.

"I'm sorry, Lola..."

Marahan siyang umiling. "Ayos lang 'yon. Tama ka naman...siguro ay masyado ko lang mahal ang Lolo Darren mo, na kahit nagkamali siya ay tinanggap ko pa din siya," she said.

"At you two won't happen again if his first wife is alive pa," dugtong ko.

Napatakip ako sa aking bibig, hindi ko na talaga mapigilan 'to. Sometimes sa pagiging madaldal ko ay baka nakakasakit na ako ng feelings. 

"Gianneri..." tawag ni Yaya Esme sa akin kaya naman it's my cue na para tumahimik.

"I'm very sorry po," sabi ko bago ko tinakpan ang bibig ko then tumakbo na ako paakyat sa room ko.

I made myself busy for the rest of the day. The next morning ay nag ready na ako para bumalik sa factory. Hinatid ako ng driver namin papunta doon, mas maaga ako ng ilang minutes sa time na pinagusapan namin ni Jacobus. Para naman he knows na hindi naman talaga ako palaging late.

"Good morning po, nandito na po si Jacobus?" tanong ko kay Manong guard.

He greeted me back. "Naku, wala pa po..." he said.

Tipid lang akong ngumiti at nag-thank you.

Muli akong bumalik sa may upuan malapit sa may pantry. Naka-lock pa ang office kaya naman hindi pa ako pwedeng pumasok doon. And hindi naman 'yon ang magiging office ko, baka sa itaas.

I'm just wearing a black fitted tees and a brown cargo pants together with my Dr. martens boots. Inabala ko ang sarili ko sa pag scroll sa phone ko while waiting sa late na si Jacobus.

Hindi nagtagal ay nakita kong tumakbo ang guard papunta sa may gate to open it. Hindi pa kaagad ako gumalaw or tumayo man lang. Pinanuod ko lang ang mga sumunod na mangyayari.

Pumasok ang isang antigong color red na pickup ram car. Hindi tinted ang maduming front window neto kaya naman nakita ko kaagad na si Jacobus ang may dala no'n.

Habang papalapit ang sasakyan ay nakita kong diretso din ang tingin niya sa akin. 

Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng building ng office. Hindi nagtagal ay bumaba din siya sa kanyang artifact na sasakyan.

Muli niyang pinagmasdan ang kabuuan ko bago siya tumango. I'm waiting na siya ang unang babati sa akin pero tango lang ang ibinigay niya. Ang grumpy naman nito sa morning.

"Good morning," bati ko. Ako ang nauna dahil mukhang wala naman siyang balak.

"Morrning," he said pa.

"Sus, acting cool pa," sabi ko sabay irap.

"Ano?" iritated na tanong niya.

"Wala po."

Nauna siyang naglakad papunta sa office kaya naman sumunod na ako sa kanya.

"You have a very old...car, ah."

"Bigay ni Ninong Julio," he said.

"Binigyan ka ni Tito Julio ng old car?" excited na tanong ko.

Ang very galante naman talaga.

Tumikhim siya. "Vintage na ang mga ganyang klase," pagtatama niya sa akin.

I know naman kaya.

"Alam mo ba na car racer ang Lolo Axus ko? That's why madami siyang ipinamanang car kay Daddy...para na nga kaming may museum sa bahay sa Manila. Iba't ibang klase ng cars," kwento ko sa kanya.

It's not naman pagyayabang. Gusto ko lang magkwento sa kanya.

"Oo," tipid na sagot niya.

Feel kong parang wala naman siyang ganang makinig sa mga kwento ko kaya hindi na ako ulit nagsalita pa. Nice talking.

"Pagkatapos kong ituro sayo ang ibang dapat mong matutunan, iiwan muna kita. May practice kami para sa Bulprisa," he said.

"What's Bulprisa?"

"Bulacan private school association," tipid nanaman na sagot niya sa akin.

Nalaman kong he's a badminton player naman pala ng school nila.

"Calli is part of the volleyball team, right?" pagtatama ko.

Tumango si Jacobus. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang duffle bag, kaya naman pala may ganon siya.

"I'm a tennis player sa school namin," kwento ko.

"Meron kayong museum ng sasakyan, tennis player ka...ano pa, Gianneri?" tanong niya sa akin. He sounds irritated. I don't know why.

"Hey, i don't mean naman to make..." hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin.

I sound mayabang na ba?

Marahan akong umiling. "W-wala na..." malungkot na sabi ko.

Tumango siya at tinalikuran ako.

"May nasabi ba akong bad that hurts your ego?" diretsahang sabi ko nanaman.

Minsan bad talaga ang lumalabas sa bibig ko e. Like i don't mean to offend them naman pero parang ganon ang dating sa kanila.

Ngumisi siya. "Ano naman sa 'yo ngayon kung makasakit ka ng ego ng ibang tao, di ba?"

"I'm not like that. Kilala mo naman ako..."

"Hindi kita kilala. Stop acting na para bang magkasama tayong lumaki kaya kilala na natin ang isa't isa," suway niya sa akin.

"What's the matter with you ba? Bakit ba ang hot ng blood mo when it comes to me?"

"Bata ka pa pero palagi ng mainit ang ulo mo. Sige ka, baka sumabog ang ulo mo," pananakot ko pa sa kanya.

Tumikhim si Jacobus. Stressed nanaman.

"Ito ang tatandaan mo, dito sa loob ng trabaho...magka-trabaho tayo. Hindi magkaibigan o kahit magkababata," sabi pa niya sa akin.

Humalukipkip ako para tanggapin lahat ng rules na gusto niya.

"Ok."

"We should respect each others personal space," dugtong pa niya na muli kong tinanguan.

Nagtaas ako ng kilay. "That's it?" hamon ko sa kanya.

Sandali pa siyang nag-isip kung meron pa pero mukhang naubusan na siya.

"Iyan lang muna sa ngayon," sagot niya sa akin.

"So, now it's my turn..." pag-uumpisa ko.

I don't want sana to be like this, pero I am a Montero. My Tita Vera taught me well.

"Isa kang Montero. Wag na wag kang magpapa-api. Hindi deserve ng ganda natin 'yon."

"Always keep in mind na I am the daughter of the owner. Call me Senyorita Gianneri," paguumpisa ko.

It's hard for me to say that. I'm not like that. Pero masyado akong na-hurt when I realize na na-isip niyang I'm mayabang just because nag kwento ako.

Blanko ang ekspresyon niya nang lingonin niya ako.

"If that's what my..."

Hindi natuloy ang una niyang dapat sasabihin. Something holds him back.

"Is it maliwanag?"

Tumikhim siya at tumango. "Maliwanag, Senyorita."

This is so nakaka-guilty but at the same time it's nakaka-kilig.

Napangisi ako kahit dapat i'm serious lang.

"Naks."



(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro