Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Diretso



I don't know na kung ilang beses akong nag-roll ng eyes just for the thoughts of it. Some people talaga ay hindi marunong tumupad sa mga promises na nila. I know naman na we're too young pa that time. Maraming pwedeng maging changes...but I have a high hope na Jacobus is a man of his words.

"Ano? Tatayo ka na lang diyan?" Tanong niya sa akin dahil hindi na ako gumalaw sa kinatatayuan ko at naging busy akong umirap because it's nakaka-irap naman talaga.

Nagkibit balikat ako at naglakad palapit sa table ng Daddy ko para umupo doon.

"Anyways, I know naman na you'll not gonna welcome me with a hug," sabi ko out of nowhere.

Nanlaki ang mata ko and sandali pang napahinto because of that. Baka mamaya ay narinig niya 'yon. He'll think na I'm umaasa para sa hug niya kahit hindi naman masyado.

Nilingon ko siya at nakitang abala siya sa mga documents na nasa harapan niya.

"Bakit ngayon ka lang?" Seryosong tanong niya sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot. Para bang nag-loading pa 'yon sa akin before I can finally process every words he said.

"Because..." I'm ready na sana sa aking paliwanag pero agad din naman niya 'yong dinugtungan.

He slapped me in the face na hindi ang inaakala ko ang ibig sabihin niya.

"Di ba dapat ay last week pa? Mas maganda sana kung nandito ka last week dahil maraming delivery," he said pa.

Super serious ni Jacobus. Napansin kong he loves what he's doing. Hindi nagkamali si Daddy na ipagkatiwala sa kanila ni Tito Junie ang rice mill factory. As much as Daddy wnats to focus here ay kailangan siya sa Herrer Empire.

May Lolo Axus death affects a huge part of the company. Hindi lang ang family namin ang nawalan, even ang mga employees na itinuring na din naming pamilya. Maging sila ay hindi makapaniwala sa biglaang pagkawala ni Lolo.

Para bang broken hearted ang lahat because of his death. Kagaya namin ay hindi pa din nakaka-move on ang iba. Lalo na ang mga people na natulungan ni Lolo.

"Busy ako last week. I fixed and asikaso pa some stuffs sa school," paliwanag ko sa kanya.

If he'll talk to me in a nice way naman ay ganoon din ang gagawin ko. Nice pa din naman ako kahit sa mga hindi marunong mag kept ng promises nila.

Tumango lang siya. No more reklamo and drama. Looks like he is someone na hindi na makikipag-argue kung nonsense naman. Kung matured na dati si Jacobus ay mukhang he's more matured na ngayon.

"Ayos lang, may ilang delivery pa din naman ngayong linggo."

"What's with the delivery? Bakit ako need doon...do you mean ba na magbubuhat ako?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako, mula sa face ko ay bumaba ang tingin niya sa body ko, pero hindi din natuloy 'yon dahil inalis din niya kaagad ang tingin sa akin na para bang what he did is ipinagbabawal.

Nagtaas tuloy ang kilay ko. Hindi niya ako matingnan ng matagal because it's bawal pag in a relationship ka? Tama naman 'yon. Ibig sabihin ba ay sila talaga ng cousin kong si Calli?

"Ang dami ng changes here sa rice mill factory noh?" tanong ko sa kanya.

If that's the case...i'll respect that. I respect relationship as much as I respect him and ang cousin ko and kung ano mang relationship ang meron sila.

"Ang tagal niyo kasing nawala," he said super serious pa din ng tone.

Napanguso ako then napabuntong hininga. Everything is so hard and mabigat lately. Like yung fear nung bata ako ay nangyayari na ngayon.

I also want to enjoy ang vacation ko bago mag-college but here I am. I need to learn na i-handle ang business namin. Hindi naman ako nagrereklamo...napapa-isip lang.

"My Lolo died..." sabi ko na lang.

I have a lot of gustong i-kwento sa kanya pero 'yon na lang ang lumabas sa bibig ko. And I'm scared din na magkwento sa kanya. I don't want to feel kumportable din since I know naman na after ng summer vacation ay babalik nanaman ako ng Manila to study for college.

"I'm sorry to hear that," he said pa. I felt naman ang simpathy niya.

"It's matagal na pero we can't move on pa din. We also need to be there for my Lola Elaine," kwento ko.

Tumango na lang si Jacobus. I know naman kahit hindi na siya magsalita pa ng mga kind and comforting words ay na-iintindihan niya ako. Sana nga lang he understands me in all aspect.

"Tara, Ipapakita ko sayo yung mga nagbago dito sa factory," yaya niya sa akin at tumayo na.

Tumayo na din ako para sundan siya, but bago 'yon ay napansin ko ang pag-stop niya sa harapan ko. Dahil sa pagtayo ni Jacobus ay mas nakita kong hindi lang siya mentally nag grow in advance, more on sa physical din.

"You're too matangkad. Stop na ang pag-star margarine mo...baka hindi na kita maabot niyan," sabi ko. It's dire-diretso na hindi ko na din alam kung bakit 'yong mga ganoong words ang lumabas sa mouth ko.

Tumaas ang kilay niya. This time tiningnan niya na talaga ako mula ulo hanggang paa. 

"At bakit mo naman ako aabutin?" tanong niya with a hint of ngisi sa kanyang lips.

Napa-isip din ako sa tanong niya. Then I realize na tama nga naman, bakit ko naman siya aabutin na parang i'll kiss him.

Hindi pa ako nakakasagot, siya na ang tumapos ng usapan.

"At hindi ako mag-a-adjust para sayo," he said at tinalikuran ako.

Nauna siyang lumabas ng office na para bang nanalo siya sa isang debate battle at naiwan akong speechless.

"Walk out scene again, huh?"

Just like a expect, maraming nagbago sa rice mill factory. Hindi lang doon kundi ang mga taong nagt-trabaho doon.

"Si Gianneri, anak ni Sir Eroz," pakilala niya sa akin sa mga tauhang hindi na familiar sa akin because mga bago na.

As much as he wants to call Daddy as his Ninong ay hindi niya 'yon ginagawa sa work because he wants daw na maging professional sa trabaho.

"The new one is good, but I miss ang old factory," sabi ko kay Jacobus, wala akong pakialam if he's interested or not.

"Nagbabago talaga ang lahat ng bagay habang tumatagal," seryosong pangaral niya sa akin.

"I know naman, pero hindi ba pwedeng some things will remain the same?"

Nilingon ko siya, just like me ay parang naging speechless din siya ng ilang sandali.

"Depende..."

Hindi na lang ako nagtanong about it. Tama naman, depende 'yon. Depende sayo and sa magiging pananaw mo sa isang bagay.

Right ang desicion ko to wear something comfortable. Pag dating ng tanghali ay super init na sa labas kaya naman kahit nakatayo lang ay tumutulo na ang pawis ko. Ang ibang trabahador tuloy ay naghuhubad na ng tshirts nila kaya naman super na shocked ako sa mga naked people all over the place.

"Mag tshirt nga kayo," utos sa kanila ng isang mas older na trabahador.

Mula sa mga naked body ng trabahador ay nilingon ko ang nagsalita. I'm busy pa nga sana to check kung may mga six packs abs sila, I'm just curious lang.

"No worries po. It's a bit hot kasi here outside kaya I understand..."

Mula sa kanila ay narinig ko ang pagtikhim ng katabi kong mas mukhang mainit pa ang ulo kesa sa weather.

"Pwede na kayong umalis," he said sa mga younger trabahador.

Naiwan ang mga medyo older para kausapin si Jacobus.

"Ang ganda pala talaga ng dalaga ni Sir Eroz at Maam Gertie. Iba talaga ang mga Herrer, parang si Calli...sobrang ganda din ng batang 'yon. Magpinsan nga kayo," he said pa.

Tipid na lang akong ngumiti and nag-thank you sa compliment.

"Sa office na lang po. Magpapahatid kami ng lunch...salamat po," sabi ni Jacobus sa mga ito before they totally waved goodbye sa akin dahil lunch break na din.

"Tara, sa office na tayo mag lunch," he said pa at muli nanaman akong iniwan.

Mabilis ang lakad ko para sabayan siya pero he's too matangkad and mahaba ang mga legs kaya naman walang ka-effort effort ang malalaki niyang hakbang.

While naglalakad kami pabalik sa office ay nakita kong dumidikit na ang suot niyang white tshirt sa kanyang balat because of pawis.

Gusto ko sanang sabihin 'yon sa kanya pero for sure naman na feel niya 'yon. It's his skin naman and malaki na siya.  

Binuksan niya ang office door, huminto siya at una akong pinapasok.

"Naks, gentleman..." sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya, maybe because he's nagugulat sa mga choice of words ko now.

"I learned that sa cousin kong si Prymer. She always say that word pag she's amazed with something," kwento ko pa sa kanya.

"Hindi ko tinatanong," sabi niya sa akin ang sungit.

Imbes na sagutin siya ay tumulis na lang ang nguso ko. Buti nga I share it with him pa, e. Edi kung ayaw niya edi don't.

Naramdaman ko kaagad ang lamig dahil sa aircon. Galing kami sa labas na super init na para kaming lumabas sa oven toaster. Then I remember na basa ang damit niya kanina and that' very delikado.

"You should change clothes. Basa ang likod mo kanina..."

Busy siya sa phone niya, pero nang sinabi ko 'yon ay kaagad niya 'yon binitawan at hinarap ako. Napa-isip siya sandali bago siya tumango.

It's a bit nakakatuwa dahil nakinig siya sa akin, pero the way he smiles ay parang may ibang binabalak. Scary.

Tumayo siya sa harapan ko, parang biglang nag-slowmo ang buong paligid habang naghuhubad siya. Naka-focus ang tingin ko sa paglabas ng kanyang tummy, just like kanina ay curious din ako kung may abs ba siya.

He's about to take his shirt off na ng bigla may kumatok sa pintuan. It's our lunch na.

"Hay...sayang," sabi ko without even thinking kung anong iisipin niya.

Narinig ko pa ang pag ngisi niya bago siya naglakad papunta sa may door para kuhanin ang lunch namin.

"Ano ang sayang, Gianneri?" tanong niya sa akin.

"Nothing," giit ko at nag-iwas ng tingin.

"Kung makatingin sa mga katawan e, muntik ka na mawalan ng mata," he said in a very serious tone. Kung kanina ay mukhang balak pa niya akong asarin, ngayon ay very serious nanaman siya.

"Hindi no!" giit ko pero inirapan niya lang ako while he prepares our food.

"Ganyan ginawa ng Maynila sa 'yo," akusa niya na parang kasalanan ng Manila.

"Manila is innocent...and sino si Manila?" tanong ko sa kanya.

Tumikhim siya, stressed na agad. Kakabalik ko pa lang mukhang sumasakit na ang ulo niya.

"Ewan ko sayo..."

"Ewan ko din," laban ko sa kanya. 

The ulam is chicken adobo with liver. Pinanuod ko muna kung anong gagawin ni Jacobus before akong mag-start na kumain na din.

"Ano? ayaw mo ba ng ulam?"

Marahan akong umiling at nagsimula na din. Funny na everything is very casual na lang din sa amin na para bang kanina ay hindi siya mukhang galit sa akin.

"Close kayo ng cousin ko?" tanong ko sa kanya.

Nagkaroon ako ng chance to asked him nang kuhanin niya ang plate ng rice at siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plate ko.

Marahan siyang tumango.

"How?" tanong ko pa din.

I got very curious kung paano. At gusto ko na ding itanong kung in a relationship ba talaga sila. Because kahit hindi ko aminin, part of me is still hoping na friends lang talaga.

I know my bounderies naman.

"Gusto kong maging abogado. Si Ma'am Tathi ang nagtuturo sa akin," he said kaya naman mas lalong gumulo ang lahat para sa akin.

"You want to be like her?" tanong ko pa kahit narinig ko naman ng clear 'yon.

"Sana," he said pa.

"That's why close kayo ni Calli..." sabi ko. Not a question but a conclusion.

"Bakit may iba ka pa bang na-isip na rason?" tanong niya sa akin.

Nakatingin siya sa akin, diretso ang tingin na para bang if ever may isagot ako sa kanya na hindi tama ay ready siya to correct it right away.

"Nothing naman..." sagot ko sa kanya kahit ang totoo ay meron talaga.

Pumasok kaagad sa isip ko na sila.

"Sure ka?" tanong pa niya.

"Why?"

"Kasi kung nakukulungan ka pa sa assurance bibigyan pa kita," he said.

"Assurance?" naguguluhang tanong ko.

And why naman kami umabot sa assurance?

"Super sure na ako..." sabi ko pa. I'm so nervous kaya naman nag-iwas na din ako ng tingin.

I was about to continue na para kumain ng hindi ko nanaman napigilan ang bibig ko.

"Pero may date kayo later. And susunduin mo pa siya..."

Nanatili ang tingin ni Jacobus sa akin.

"Nagseselos ka?" tanong niya din. Diretsahan.

Walang paligoy-ligoy dito.

"No...konti lang," sagot ko din.

"Wala kang karapatan mag-selos," he said kaya naman ramdam ko ang pag-akyat ng lahat ng blood ko sa mukha ko because of kahihiyan.

Maging ang saliva ko ay hindi ko na kayang pang i-swallow. Hanggang sa muli siyang nasalita...mukhang lilipad na ang heart palabas sa chest ko.

"Bigyan mo muna ako ng karapatan sa 'yo..." he said.

"W-what?"

Nag-iwas siya ng tingin.

"Wala..."

"Ano nga?" pamimilit ko.

"Wala. Galit ako sa 'yo kaya pagkatapos kumain umuwi ka na," sabi pa niya sa akin.

"Bakit ka galit sa akin?"

Akala ko ay hindi na siya sasagot pero nagsalita siya.

"Ayoko sa mga hindi tumutupad sa pangako," malamang sabi niya sa akin. he's indicating something from the past.

"Ikaw din naman," laban ko sa kanya kahit hindi naman talaga ako sure about it.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, very strict ang aura niya this time.

"Subukan mo 'ko," hamon niya.

(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro