Chapter 4
Ikaw
After ng aming kasunduan na he will wait for me tomorrow ay nag-start na kaming gumawa ng saranggola. Jacobus wants to make a saranggola na gawa sa newspaper. But that's not me...I want mine to be colorful.
"Anong makulay?" irritated na tanong niya sa akin.
Super G na kasi siya to start agad. Akin daw ang saranggola but hindi naman ata nagma-matter ang opinion ko. What is this kind of kalokohan?
"This is mine. Saranggola na color pink is what I want sana..." sabi ko pa in a very magalang way.
Syempre I need to be considerate din, siya na nga ang nag-alok ng help para magkaroon ako ng aking own saranggola. I don't want to be called ma-arte again.
Kanina pa nakakunot ang kanyang noo, he is so done na ata talaga sa akin. Nasa pinaka edge na siya ng kanyang pagtitimpi.
"Pretty please?" malambing na pamimilit ko sa kanya.
Kay Mommy ko natutunan ang ganoong ways, lalo na pag may gusto siyang hingin or ipagawa kay Daddy. Bigla na lang daw magiging soft ang knees ni Daddy pag ginagawa 'yon ni Mommy then he'll do whatever she wants na.
"Tsk."
"Wag mo nga akong ganyanan," he said kaya naman napaayos ako ng upo.
"Ang alin?" tanong ko in a very innocent way.
Inirapan niya ako na para bang he knows what I'm planning to do.
"Gawain 'yan ni Mama kay Papa," he said pa kaya naman tumulis ang nguso ko.
"Aww. Sayang. I thought magiging effective din sa 'yo," panghihinayang ko pa.
"Wala 'yang epekto sa akin."
"Why naman? You don't find me very cute ba? Yung mga friends ko nga sa Manila they really like me 'cause I'm cute daw..." nakangiting kwento ko pa.
"Mga lalaki?" seryosong tanong while ginugupit ang color pink na papel na gagawing saranggola ko.
Napaawang ang bibig ko. Kanina lang ay newspaper ang hawak niya. Para siyang isang magician, may hawak na kaagad siyang pink na paper. Looks like he's handa ah, he knows ba na mag-re-request ako ng pink saranggola?
Imbes na pansinin ang hawak niyang pink paper, I answered muna ang kanyang tanong sa akin.
"Girls and boys."
"Your age or not?"
"Mga ka-age ko and mga no."
Nalukot nanaman ang mukha niya dahil sa narinig. Natawa ako dahil sa mga ginagawa niyang facial reaction.
Tumango siya na para bang he heard na ang answer na gusto niyang marinig.
"Everyone, huh?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know. May mga people din naman na ayaw sa akin. Like someone said nga na ma-arte ako..."
Nag-taas siya ng kilay at nilingon ako.
"Ma-arte ka naman talaga," akusa niya kaya naman napahawak ako sa chest ko.
I acted like someone poked my heart. "You're so grabe naman. Nakaka-hurt ng feelings 'yon."
"Opinion ko 'yon. Wala kang magagawa," laban niya sa akin.
But I'm not magpapatalo. Ang sabi ni Mommy and Tita Vera sa akin, hindi natatalo ang girls sa arguement kaya hindi ako papayag.
"But you're opinion is mali. I'm not ma-arte. And sandali pa lang tayong nagkaka-usap and bonding..." pag-uumpisa ko.
Jacobus is a good listener kasi hindi siya nag-interupt while marami akong pinaglalaban.
"...for you to judge me agad," dugtong ko.
Nagkibit balikat din siya kagaya ng ginawa ko kanina. "First impression last," he said.
Napabuntong hininga ako. "What can I do to change that?" tanong ko sa kanya.
Mommy and Daddy told me na sa life minsan you need to adjust din for other people. Like the world is not spinning lang for you. Not everything is about you.
"Hindi ko alam."
Halos mapapadyak ako. "You know. Of course alam mo...you don't want lang na sabihin sa akin. Hmp. Damot!" akusa ko sa kanya.
Ang dulo ng lips niya ay muntik naman tumaas for a supposed smile pero magaling siyang mag-hold back.
"What are you willing to do?" matapang na tanong niya sa akin.
Bigla akong napahinto. "What do you want ba? Basta I can't fly like a saranggola ah..." sabi ko sa kanya.
And for the very first time, I saw kung paano tumawa si Jacobus.
"Yey! nag-smile ka na..." puna ko sa kanya.
Imbes na itago kaagad ang smile na 'yon ay hinayaan niya lang.
"That will come....hindi dapat minamadali ang mga bagay," seryosong sabi niya sa akin.
Masyado siyang matured na age niya. Though ako din naman. But hindi ko pa din nakakalimutan na bata pa ako. And I still need to enjoy life habang bata pa.
"Basta I'll take every chance para mabago ko ang tingin mo sa akin," paninigurado ko.
"Masyadong mahalaga sa 'yo ang opinion ko, ah..." puna niya.
Matamis ko siyang nginitian. "Of course. Friend kita, e..."
Ngumisi naman siya this time. "Friend mo mukha mo," he said na tinawanan ko ulit.
Madilim na when we got home. Ramdam ko ang pagod dahil hindi naman ako sanay na lumalabas ng house namin buong araw. Sa Manila nga ay school bahay lang ako.
"Ginagabi ka na Gianneri," salubong ni Daddy sa akin.
Looks like kanina pa siya nandoon sa may front door. Nakahilig sa may door at nakahalukipkip na para bang he's ready na to make a sermon.
"Gumawa po kami ng saranggola, Daddy." nakangiting kwento ko sa kanya at lumapit kaagad sa kanya para yumakap and mag-kiss.
"Kami?" tanong niya sa akin.
"Kami po ni Jacobus..." sagot ko kaagad. Because that's the totoo naman.
Tumikhim siya na para bang sumama ang pakiramdam niya. Daddy Eroz niyo stressed again.
Bago pa man muling makapagsalita si Daddy ay lumapit na si Mommy sa amin.
"That's the normal na bata, naglalaro sa labas..." sabi pa ni Mommy.
Dahil sa mga sinabi ni Mommy ay lalong mariing napapikit si Daddy na para bang mas lalong sumakit ang ulo niya.
"Mga babaeng kaibigan?" tanong pa ni Daddy sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot because I don't have any.
Tumawa si Mommy. "You are so malisyoso." sita niya kay Daddy.
Umigiting ang panga ni Daddy at mas pinili na lang ang manahimik. He knows kasi na hindi siya mananalo sa arguements pag kami ni Mommy ang kaharap niya.
Nakatulog ako kaagad that night because of sobrang pagod. Nag-visit naman kami sa house nina Tito Cairo at Tita Tathi. Naka-uwi na din sila galing sa vacation nila sa Manila. Mas matagal silang nag-stay here sa Sta. Maria unlike us.
"Calli!" tawag ko sa aking pinsan.
She's busy with her tanim na mga flowers. Mayroon din siyang mga alagang animals na parang bibe. She's more like the Haciendera type of Herrer girls. Ate Kianna as the Manila girl na pipilitin pa nina Tito Kenzo para mag-vacation here sa Sta. Maria. Prymer as the go with the flow na kayang mabuhay kahit saang lugar. Castaniel ay the gubat girl because she is a bit into the wild.
And me, as a little cutie patotie as per Tita Vera.
"Hindi ako makakayakap sa 'yo. Madungis ako," sabi niya sa akin.
Tinignan ko ang kabuuan niya and she's a bit dirty nga talag because of pagtatanim.
"I want to try too..." sabi ko.
Tinuruan ako ni Calli kung paano magtanim ng mga flower, even ang pag-dig ng lupa na pagtataniman no'n.
"May green fingers daw ako sabi ni Daddy," kwento niya sa akin kaya naman I immediately look sa kanyang mga fingers pero hindi naman 'yon green.
Then I remember na they are someone na very good sa gardening and lahat ng tanim nila ay nag-grow well.
"How about me kaya?" tanong ko sa kanya.
Nginitian niya ako.
"Malalaman natin pag tumubo ang tinanim mo," sabi pa niya sa akin.
Ngumuso ako at tiningnan ang lupa kung saan ko ibinaon ang seeds.
"Sana..."
Tinawag na kami sa loob para mag-lunch. Sandaling nawala si Calli to change because she's madungis. Tahimik kong pinanuod ang bawat galaw ni Tita Tathi, super white ng skin niya. Para talaga siyang si Snow white, and also ang hair niya ay ma-iksi din.
I heard about a story na nagustuhan ni Daddy si Tita Tathi. Nung una hindi ako naniniwala because that's very impossible. I know kasi how much she loves Mommy. And I know din kung gaano ka-Love ni Tita si Tito Cairo.
To cut the story short daw ay medyo naging complicated ang love story nilang apat. I don't want to dig deeper, kasi ang sabi ni Mommy that's matagal na. And past is past.
"Gianneri, gusto mo ng Apple pie?" tanong ni Tita Tathi sa akin.
Matamis ko siyang nginitian and umiling. I don't want.
"Anong gusto mo?" malambing na tanong pa din niya sa akin.
Marahan lang akong umiling. I don't want anything from her.
"Sabihin mo lang pag may gusto ka ha," sabi niya and she even touch my hair pa nga in a very malambing na way.
Honestly, the moment I heard about that story ay hindi na 'yon nawala sa isip ko. That's very matagal na, pero I can't imagine na totoo nga 'yon. I really wish na that's a fake news lang.
Tita Tathi and Tito Cairo is very inlove and happily married na. Wala na nga 'yon sa parents namin pero ako...I don't know. Tumatak 'yon sa isip ko.
"Tathi, ano sa tingin mo ang solusyon?" tanong ni Daddy kay Tita kaya naman bigla akong napatingin sa kanilang dalawa.
There is no malice, I'm just giving everything lang a meaning.
"Kakanuod niyo 'yan ng pelikula ni Yaya Esme," Mommy said.
Maaga akong namulat sa drama because of the movies na pinapanuod namin ni Yaya Esme. Nakikinig din siya ng love story sa radio tuwing tanghali. At first, I enjoy pa nga 'yon, Pero nung tumagal na, hindi ko na nagustuhan ang mga story.
"Greatest love ko talaga si Jericho..." rinig kong kwento ni Yaya Esme sa iba pang mga house helper namin.
"Isusumbong ka namin, Yaya Esme."
Tumawa si Yaya Esme. "Alam niya 'yon. Si Jericho Rosales ang aking greatest love," sabi pa ni Yaya Esme na para bang she's daydreaming pa.
"I-greatest white mo 'yan, Yaya Esme..." the other kasambahay said at inabutan siya ng cup of coffee.
Kakasama ko kay Yaya Esme and squad ay marami na kaagad akong natutunan about life, and of course sa love story.
"Mommy, ano po ang greatest love?" tanong ko sa kanya isang beses na pinuntahan niya ako sa room ko para ilagay sa cabinet ang mga new dress ko.
"You're too young for that," she said at tinawanan ako.
Akala ko ay hindi na niya ako papansinin. But after niyang malagay ang mga dress sa caninet ay lumapit siya sa akin at umupo sa bed ko.
"I don't really know," she said.
"But ang alam ko lang...Your Daddy is my greatest love," sabi pa ni Mommy sa akin.
"And I'm sure ikaw din po ang greatest love ni Daddy," sabi ko pa sa kanya.
Ngumiti lang si Mommy sa akin at sinuklay ang hair ko.
"For sure..." she said but na-feel ko na there is something.
Because of the effect ng mga telenovela and drama na pinapanuod namin ni Yaya Esme ay kung ano-ano na ang na-iimagine ko.
After nang lunch namin kina Tito Cairo ay nagpaalam na kaagad ako kina Mommy at Daddy na pupunta na ako sa open field para magpalipad ng saranggola.
Lakad takbo ang ginawa ko pagkababa ko sa car. Natanaw ko kaagad ang grupo nila Jacobus. I saw him na palinga-linga sa kung saan. Looks like may hinahanap siya. Or he's waiting for someone. May iba pa ba siyang hinihintay bukod sa akin?
When our eyes met ay bigla siyang nag-iwas ng tingin sa aking gawi at nanahimik. Para bang nakita niya na ang kanina pa niyang hinahanap. It's me?
"I'm here na," nakangiting sabi ko.
Ako na ang nag-announce ng sarili kong arrival.
"Alam ko. May mata ako," sabi niya sa akin in a very masungit way.
"Ako din meron," laban ko sa kanya kaya naka-ilang irap nanaman siya.
Umupo ako katabi ni Jacobus. Nagpapalipad na ng saranggola ang mga kaibigan niya, looks like he's waiting pa ng couple of minute bago kami mag-start.
"Saan kayo galing?" tanong niya sa akin. This is so nakakagulat na siya mismo ang unang nagtanong sa akin.
Siya ang nag-open ng topic para may mapag-usapan kami. He wants to talk to me, and that's nakakapanibago.
"Kila Tito Cairo ko," excited na sagot ko sa kanya. It's nakakatuwa na gusto na niya akong kausapin ngayon.
"Yung asawa niya magaling na abogado?" tanong niya.
"Uh huh..." tipid na sagot ko lang.
"Kilala 'yon ni Papa," sabi niya sa akin.
"Because nag work siya sa rice mill dati," sabi ko pa. I know that part.
Tumango si Jacobus. "Siya unang naging girlfriend ni Tito Eroz," sabi niya sa akin kaya naman napatigil ako.
"That's not true..." giit ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Kwento ni Papa..."
"Si Mommy ang first girlfriend ni Daddy ko," laban ko pa din. I can't accept that.
Kumunot ang noo niya.
"Oh, matagal na 'yon. Tsaka asawa na nga siya ng Tito mo."
Nag-iwas ako ng tingin. Humalukipkip ako habang nakatulis ang aking nguso. Natural na 'yon.
"Kahit na. I don't like the idea," pag-amin ko.
Ngumisi si Jacobus. "May mga tao talaga na marami munang makikilala bago nila makilala yung para sa kanila," he said.
"What?"
"Kwento ni Mama. Ganoon siya bago niya nakilala si Papa," sabi pa niya sa akin.
"Ayoko ng ganoon," giit ko.
Napangisi si Jacobus. "Hindi mo masasabi, wala namang nakaka-alam ng mga pwedeng mangyari..." he said pa.
Kung makapagsalita ay dinaig pa kaming mga telenovela addict.
"Gusto ko si Mommy lang ang naging girlfriend ng Daddy ko," sabi ko pa sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "Ang importante, sila ng Mommy mo sa huli...kaya nga nandito kang ma-ingay ka," pang-aasar pa niya sa akin.
"Ayoko. Dapat one lang..." laban ko pa din.
Nilingon ako ni Jacobus. "Gusto mo yung ikaw lang ganon?"
Walang pagdadalawang isip akong tumango.
"Sige."
"Anong sige?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw lang."
"Talaga. I want na ako lang..." laban ko pa din.
"Ikaw lang, Gianneri."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro