Chapter 37
Need
Jacobus Pov
"Kuya, iniwan na din tayo ni Daddy," Umiiyak na sabi ni Elorie.
Kagaya niya ay gusto ko ding umiyak sa harap ng wala ng buhay na katawan ni Daddy. Bakit naman kung kailan nagsisimula na ulit kami at tsaka pa ito mangyayari. Kung kailan unti-unti na naming natatanggap ang pagkawala ni Mommy na magkakasama kami at tsaka naman niya kinailangang iwan kami.
"Tayo na lang dalawa," Umiiyak na dugtong pa niya bago niya ako niyakap ng mahigpit.
Ramdam ko ang sinabing 'yon ng aking kapatid. Na para bang sa magulong mundo na 'to ay sa isang iglap kami na lang dalawa. Marami kaming mga kamag-anak, kilala ang mga ito at mga makapangyarihan, pero hindi naman namin ramdam na may kasama kami...si Mommy at Daddy lang ang tunay naming pamilya.
"Iuuwi natin si Neil sa Pilipinas. Doon natin siya ililibing sa tabi ng puntod ni Ericka."
Hindi na ako umimik pa sa mga naging pag-uusap ng mga nakatatanda. Sang-ayon naman ako sa gusto nilang mangyari, 'yon din naman sigurado ang gustong mangyari ni Daddy. Ngayon ay siguradong magkasama na sila ni Mommy.
"Jacobus, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Tita Dina sa akin, ang Mommy ni Diana.
Tumango lang ako bilang sagot at sumunod sa kanya papunta sa may kusina.
"Kung uuwi kayong magkapatid sa Pilipinas...mabuti siguro ay hindi muna kayo dumiretso sa Sta. Maria," sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit po?"
"Ilang taon ka na ulit, Jacobus?" tanong niya sa akin. Alam kong alam niya ang sagot ngunit nagtanong siyang muli para makumpirma iyon.
"Magbe-bente na po..." sagot ko sa kanya.
Marahan siyang tumango. "Delikado pa kasi sa Sta. Maria ngayon," sabi pa niya sa akin. Wala akong ma-intindihan tungkol doon dahil matagal na din naman akong nakarinig ng balita tungkol sa Sta. Maria.
"Pag legal age mo pa makukuha ang mana mo sa mga San Miguel at Villaverde, siguradong ma-init ang mga mata nila sa 'yo ngayon," paliwanag niya.
"Gusto niyo po bang sabihin na hindi kami safe ng kapatid ko sa mga kamag-anak namin?" tanong ko sa kanya.
Sandali siyang napatigil na para bang napa-isip din siya sa tanong ko.
"Kahit ang Tita Martina mo ay ito din ang suwestyon," pahabol pa niya.
Hindi kaagad ako nakasagot, inisip ko din ng mabuti ang sinabi niyang 'yon. Hindi ko na inisip pa ang seguridad ko, ang seguridad ng aking nakababatang kapatid ang mas importante sa lahat.
Tama naman, kahit sabihing hindi na gaanong halata ang iringan sa mga kamag-anak namin ay hindi pa din ma-iiwasan na maging ma-init ang mga mata nila sa aming magkapatid. Lalo na't sina Mommy at Daddy ang tagapagmana ng kani-kanilang mga pamilya.
Matapos naming ma-ilibing si Daddy sa Sta. Maria sa katabi ng puntod ni Mommy ng walang nakaka-alam ay lumuwas kaming magkapatid ng Manila para manirahan sa Navotas. Doon kami nagpatuloy ng pag-aaral ng aking kapatid na si Elorie.
"'Yon nga lang, naubos na ang lahat ng pera sa bangko na na-iwan sa inyo sa lahat ng gastusin mula America." Sabi ni Tita Dina sa akin.
"Wag kang mag-alala, hindi naman namin kayo papabayaang magkapatid," sabi pa niya sa akin.
"Maraming salamat po. Babayaran po namin ang mga magagastos niyo sa amin sa oras na makuha ko na po ang iniwan sa amin nila Daddy," sabi ko pa sa kanya.
Ngumiti siya at pabiro pa akong hinampas sa braso.
"Ikaw naman, Hijo. Wala 'iyon. Para na din kitang anak..." sabi pa niya sa akin.
Ngunit simula ngayon, alam kong wala na kaming dapat pang pagkatiwalaan ni Elorie. Kaming dalawa na lamang ng kapatid ko at 'yon ang totoo.
Nanirahan kami kasama ang pamilya nila Tita Dina sa Navotas. Kagaya ng sinabi niya ay sila ang gumastos para sa amin. May ilang pagkakataon na kinailangan naming humingi ng tulong sa mga Villaverde at San Miguel para sa pagpapagamot ng aking kapatid ngunit wala kaming nakuhang tulong sa kanila.
"Kung dito sa amin tumira ang mga batang 'yan...baka natulungan pa namin," rinig kong sagot ng isa sa mga kamag-anak mula sa mga San Miguel.
Parang biglang hindi na nila kami pamilya. Na ang tanging nag-uugnay lang talaga sa amin mula sa kanila ay ang mga magulang namin. Kaya naman nang mawala ang mga ito ay hindi na din nila kami kilala.
"Anong klaseng mga kamag-anak ba ito?" galit na saad ni Tita Dina matapos ang tawag.
Na-confine si Elorie sa hospital nang siya ay magkasakit. Nasabay pang mag problema sila Tita Dina sa negosyo kaya naman naging mahirap ang pera para sa amin sa mga panahong 'yon.
"Uuwi na lang po kami ng Sta. Maria," sabi ko kay Tita Martina, isang araw ang dalawin niya kami dito sa Navotas ng aking kapatid.
Agad niyang itinanggi ang ideya na 'yon. Sinabing hindi 'yon makakabuti para sa aming magkapatid.
"Ba-bakit po?" tanong ko pa.
Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin pero sinibuka niya 'yong itago. Marami akong gustong malaman sa kung ano bang meron sa Sta. Maria ngayon at bakit ayaw nila kaming pa-uwiing magkapatid.
Alam kong kung nandoon kami kahit wala kaming pera ay marami naman kaming malalapitan.
"Happy Birthday, Jacobus!" bati nila sa akin.
Alam kong hirap kaming lahat ngayon ngunit hindi ko ma-intindihan kung paanong nagawa pa nilang paghandaan ang aking kaarawan.
"Maraming salamat po, Tita Dina. Ang lahat po ng nagastos ay babayaran ko sa oras na..."
"Jacobus...ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na pamilya na tayo dito? Hindi lahat ng ginagawa namin at ginagastos namin sa inyo ay kailangan niyong bayaran sa oras na makuha mo na ang iyong mana," paliwanag niya sa akin.
Nagpaalam si Tita Dina sa aming lahat. Mukhang na-offend siya sa mga sinabi ko.
"Nagtatampo si Mommy," sabi ni Diana sa akin.
Nilapitan niya ako nang magkaroon siya ng pagkakataon na maka-usap ako na kaming dalawa lang.
"Hindi naman 'yon ang intensyon ko. Sa totoo lang ay nahihiya na din kaming magkapatid," sagot ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi na kailangan, pamilya na tayo..." sagot niya sa akin.
Hindi ko na lamang 'yon pinansin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya hanggang sa magulat ako nang halikan niya ako sa aking pisngi.
"Para saan 'yon?" tanong ko.
Nginitian niya ako. "Happy Birthday, Jacobus..." bati pa niya ulit.
Muli akong nagulat nang halikan niya naman ako ngayon sa labi. Dahil sa nangyari ay napatayo na ako at lumayo sa kanya.
"Diana, anong ginagawa mo?"
"H-hindi mo ba nagustuhan?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi," mabilis at madiing sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang mukha na para bang nasaktan siya sa sinabi ko.
"Matagal na tayong magkasama...ang dami na nating pinagdaanan, hindi mo pa din ba ako gusto?" Tanong niya sa akin.
Mariin akong napapikit. Alam kong hindi mawawala ang tagpong 'to. Nakikita ko nang mangyayari 'to at hindi naman nagbabago ang sagot ko para diyan.
"Hindi, Diana. At kagaya nga ng sabi mo...pamilya tayo dito. Parang kapatid na ang turing ko sa 'yo," pag-amin ko sa kanya.
Diretsahan ko siyang sinagot para hindi na din magkaroon pa ng kahit anong misunderstanding sa pagitan namin.
Umiyak siyang umalis at pumasok sa kanilang bahay. Sinabi ko lang sa kanya ang totoo. Ayokong maniwala siya sa kasinungalingan o sa kung ano lang na nasa isip niya. Mabuting maaga pa lang ay alam niya na.
"Paano kung hindi talaga?" rinig kong tanong niya kay Tita Dina.
Madaling araw na, bumaba lang ako sa may kusina dahil nakaramdam ako ng uhaw. Naabutan ko silang nag-uusap sa may sala.
"Magugustuhan ka din niya. Wag kang mawalan ng pag-asa. Sa dami ng pinagdaanan niya na ikaw ang kasama niya...walang ibang babae ang may karapatan sa kanya. Ikaw ang nasa tabi niya simula noong una," sabi pa ni Tita Dina sa kanyang anak.
Ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang pag-asa ni Diana na magugustuhan ko siya. Kapatid lang ang turing ko sa kanya...kaibigan.
Sa pananatili naming magkapatid sa Navotas ay may ilan na din kaming mga naging kaibigan.
"Saan ka nanaman nanggaling?" tanong ko kay Elorie.
"Sa may dike, Kuya."
Mahilig siyang pumunta sa may tabi ng dagat. "Wag ka masyadong pumunta doon..."
"Bakit naman?" tanong niya sa akin.
"Basta, wag na madaming tanong," sagot ko sa kanya.
Kaya naman pagdating ko sa tamang edad ay kaagad kaming bumukod kina Tita Dina. Sila ni Tita Martina ang tumulong sa akin ara makuha ko ang mga iniwan ng mga magulang namin para sa aming dalawa ni Elorie.
Sa Manila na ako nagstay at doon na din nag-aral hanggang sa maging abogado ako. Kung minsan ay umuuwi kami ni Elorie sa Sta. Maria pero hindi nagtatagal doon.
"Kuya Jacobus," tawag ni Hogan sa akin.
Palagi ko silang nakikita ni Vatticus sa The Vega's, kung minsan naman ay ang mga Jimenez madalang ang mga Herrer. Ang madalas ko lang makita ay si Kianna Herrer na palaging may kasamang mga artista.
"Kailan ka uuwi ng Sta. Maria...hinahanap ka ni Daddy," sabi ni Vatticus sa akin.
Pinaglaruan ko ang baso ng alak na hawak ko habang naka-upo sa may bar counter.
"Hindi ko pa alam. Wala namang trabaho doon," sagot ko sa kanya.
Iniiwasan ko din talaga sila Ninong Julio at Ninong Eroz. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang nangyari kay Daddy.
Tinanggihan ko ang trabahong inalok sa akin ni Atty. Walter sa Sta. Maria. Mas gusto kong mag-stay sa Manila, masyadong malungkot sa lugar na 'yon.
"Uuwi din si Ate Gianneri...siya ang mag-aasikaso ng ricemill factory," kwento ni Vatticus sa akin.
"Kailan?" walang pagdadalawang isip na tanong ko.
Binawi ko ang sagot ko kay Atty. Walter at tinanggap ang trabaho sa Sta. Maria. Bigla palang gusto ko ng umuwi ngayon doon.
"Wala ka pa ding girlfriend? Sa edad mong 'yan dapat may asawa ka na," sabi niya sa akin.
Pupunta siya ng states para sa kasal ng kanyang anak. Ang ilan sa kanyang mag cliente ay sa akin niya binilin. Mas lalo kong napatunayan na baka ito na nga ang tamang panahon na magkita kami ng malaman kong siya ang Cliente na ipapasa ni Atty. Walter sa akin.
"Importante ang cliente ko sa Sta. Maria. Herrer ito...malaking pamilya," sabi pa niya sa akin.
Marahan akong tumango habang nakatitig sa pangalan ni Gianneri sa mga documentong ibinigay niya sa akin.
Gianneri Esmeree Eriza Montero Herrer
Sinigurado kong wala pang asawa bago ko dugtungan ang mahabang pangalan niyang 'yon. Hindi naman lingid sa kaaalam ko kung paano tumakbo ang negosyo, uso sa kanila ang mga arrange marriage. Swerte ako dahil hindi pa huli ang lahat.
"Uuwi ka ng Sta. Maria?" Tanong ni Diana sa akin.
Marahan akong tumango bilang sagot. Abala ako sa pag-aayos ng schedule ko dahil mukhang magtatagal ako sa Sta. Maria ngayon.
"B-bakit?" tanong niya sa akin.
"Mag-aasawa na ako," sagot ko sa kanya.
Naging effective naman ang sagot ko sa kanya dahil natahimik siya.
"S-sino?" tanong niya sa akin.
Medyo iritado ako ngayon dahil sa dami ng ginagawa. Kanina pa din siya nangungulit sa akin kaya naman inasar ko na din.
"Ewan, depende kung sino ang pwedeng mapangasawa doon," sagot ko pa.
"W-what?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Gianneri's POV
Nilapitan ako ni Elorie, I saw the pag-aalala in her face.
"Pero please don't tell Kuya na alam mo na, Ate."
Marahan lang akong tumango sa paki-usap ni Elorie kahit ang totoo ay halos mawala ako sa aking sarili dahil sa aking nalaman.
Para bang I want to call Daddy and sabihin sa kanya ang nangyari. Na baka pagnalaman niya ay may magawa siya at mabuhay ulit si Tito Junie. Pero hindi naman ganoon ang sitwasyon. Hindi ito isang bagay o desisyon na pag hindi ko gusto ang outcome ay magagawan ng paraan ng parents ko because they have the means to do so.
"Mamaya na 'yang chismisan niyong dalawa. Kumain na tayo," tawag ni Jacobus sa amin.
Niyaya ako ni Elorie na sumunod na sa may dinning pero sobrang bigat ng mga paa ko. Pakiramdam ko ay ako yung nawalan ng Daddy dahil sa nalaman ko. Sobrang malapit kami ni Tito Junie lalo na nung mga bata pa kami. Hindi ko ma-imagine yung mundo na wala siya here.
Gusto ko pang makita silang mag-reunite ni Daddy. Gusto ko pang makita na nagtatawanan sila at nag-aasaran. I want the old days back kung saan walang problema, walang nawala.
"Gianneri..." tawag ni Jacobus sa akin.
Mukhang nainip na siya sa paghihintay na makapunta ako sa may dinning kasama sila kaya naman siya na ang lumapit sa akin para sunduin ako.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya sa akin.
Nanlalabo ang aking mga mata while looking at him. Hindi ko din ma-imagine yung pain and mga pinagdaanan niya bago siya naging ganito ngayon.
He's strong enough na para makipaghalubilo sa ibang tao and marating ang mga narating niya ngayon kahit pa wala na silang parents ni Elorie.
"Bakit?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Hindi na napigilan ng tears ko na tumulo. Lumapit si Jacobus sa akin para punasan ang aking mukha. The sobrang pag-aalala sa kanyang mukha ay kitang kita ko.
"I'm just sad..." pag-amin ko.
"Bakit?" marahang tanong niya while marahan niyang hinahaplos ng kanyang thumbs ang pisngi ko.
"I'm just sad dahil naging malayo tayo sa isa't isa ng matagal and some things about you ay hindi ko na alam," magulong paliwanag ko.
"Nandito naman na ako..." marahang sagot pa din niya sa akin.
"At kung hindi tayo nagkalayo baka hindi din natin kayanin. Medyo naging magulo..." dugtong pa niya.
"Why?" tanong ko. Gutso ko ding siya mismo ang magsabi sa akin.
Marahan lang siyang umiling. Lumipat ang kamay niya sa may batok ko para marahang ilapit ang ulo ko sa kanya. Sandali akong napapikit nang maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.
"Pwede mo ba akong tulungan?" tanong niya sa akin.
"About what? Kahit ano..." matapang na sabi ko sa kanya.
"I need a wife," he said.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro