Chapter 35
Elorie
Sa una lang din nagkaroon ng awkward moments ang mga pinsan ko because of Diana's presence. Sa huli ay naka-adjust din sila and bumalik sa normal. Hindi ko naman nagawa 'yon since her presence is really something.
Mas lalo akong nagkaroon ng bad impression sa kanya nang mapatunayan ni Jacobus na hindi talaga siya ang naglagay ng ganoong klaseng pangalan sa phone niya. Like it's so misleading, kahhit ang totoo ay wala naman akong pakialam. I don't have karapatan to be at her because hindi ko naman boyfriend si Jacobus.
I'm just one concern citizen. What if pala may ibang girlfriend si Jacobus at the moment na hindi ako tapos siya yung makakita ng name na D with a heart. It can be a huge fight sa kanila ng girlfriend niya. Dahil kung sakaing ako ang girlfriend niya ay hindi ko papalampasin 'yon.
May ilang sandali na naging tahimik si Diana, I saw her looking at everyone like she's observing us. Pagkatapos ay igagala niya ang tingin niya sa buong bahay na para bang it's her first time din na makapasok doon. I bet that, sa close nila ni Jacobus and ang hindi nawalang communication nila over the years ay paniguradong maka-ilang beses na siyang nakapasok dito.
"Saw your sister sa Manila," Diana said out of nowhere.
Dahil sa kanyang sinabi ay nakuha niya kagaad ang atensyon ni Jacobus.
"Where?"
"Sa mall. I just bumped into her and I invite her na mag lunch kami," sagot ni Diana sa kanya.
Dahil sa topic na 'yon ay parang bigla silang nagkaroon ng mundong dalawa. Hindi ko na lang pinansin pa dahil it's about his sister naman. Kahit naman ako kung tungkol sa kapatid ko ay I'll put all of my attention.
"Hindi niya sinabi sa akin," Jacobus said.
"Really?" tanong ni Diana.
She sounds like na para bang feeling niya mas close na siya kay Jacobus kesa dito ust because mas nauna pa niyang na meet ito kesa sa totoong kapatid.
"We're close na nga," she said pa.
Napa-irap ako sa kawalan. Tsaka lang ako maniniwala na close nga talaga sila pag si Elorie na ang nagsabi.
Dahil sa nalamang nakabalik na ng Pilipinas si Elorie without informing him ay kaagad a bag-excuse si Jacobus para tawagan ang kapatid.
Sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong ganoon din ang ginawa ni Diana, pero nang sandaling magtama ang tingin naming dalawa ay pinagtaasan pa niya ako ng kilay. Hindi naman ako nagpatalo at pinagtaasan ko din siya.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Jacobus. Nakita ko sa galaw niya kung gaano siya ka-stressed dahil sa hindi pagsasabi ni Elorie na nandito na siya sa Pilipinas.
"Sa ibang tao ko pa talaga malalaman?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kapatid.
I cleared my throat, the ibang tao thingy is something that I know hurt her ego. Pero at the same time alam ko naman na sa life ni Jacobus this time ibang tao din naman ako.
"Kailangan pa ba kitang sunduin diyan?" tanong niya sa kapatid. Mas malumanay na ang boses niya ngayon.
"Ok, see you. Update me every now and then," sabi pa niya dito bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.
Nakita ko sa mukha niya ang pamomorblema. Marahil ay nagulat siya sa nalaman, he was expecting na nasa ibang bansa lang ang kapatid tapos ay bigla na lang niyang malalaman na nandito na.
"Kamusta siya?" tanong kaagadd ni Diana.
"She's fine. It was a surprise daw sana. She told you," Jacobus said.
Ang pagkadismaya dahil sa hindi pagsasabi ng kapatid na umuwi na ito ay nalipat kay Diana.
Shocked was visible In her face na akala mo talaga nagulat siya. Napahawak pa sa dibdib na para bang hindi niya inaasahan 'yon.
"Sinabi ba niya to keep it a secret? I forgot. Oh my...nakalimutan ko," she said.
Inirapan ko siya dahil sa narinig kong reason niya. Hindi ako si Elorie pero inis na inis ako sa kanya ngayon. Sinabihan na pala siyang surprise ang pag-uwi niya pero itong Diana na 'to.
"I'm sorry. I'll talk to her na lang," sabi pa niya.
"No need. Ayos na," Sagot sa kanya ni Jacobus.
Tinitingnan ko siyang mabuti. I know na he's disappointed pero hindi ko mabasa ng maayos ang expression ng mukha niya. Para bang marami kaagad siyang inisip beccause of the news.
After ng breakfast ay umalis na din si Diana. Tinawag kami ni Jacobus sa may living room para kausapin about sa investigation na pinagawa niya sa aming house helper na si Ara.
"It's not her real name," he said kaya naman naging invested kaagad ako sa magiging kwento niya.
May hawak siyang isang folder na may lamang ilang documents about Ara. Kagabi lang niya 'yon hiningi at ngayon nasa mga kamay na niya.
"You should be careful, Gianneri. Sino ang nag-hire ng mga bagong househelper niyo ngayon?" tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. "I think sila Mommy ang nag-asikaso ng mga new helpers. Or baka may inutusan," sagot ko sa kanila.
"We should fire her immediately," suggestion ni Vatty.
Sumang-ayon naman ang tahimik lang na si Hogan. Ramdam ko ang tensyon sa kanilang tatlo. Nalaman nilang iba ang pangalan ni Ara kaya naman gusto na kaagad nilang gumawa ng aksyon.
"Hindi pwede," marahang sabi ni Jacobus na ikinagulat namin.
Why?
"Kailangan nating mahuli ang nasa likod nito. Kung tatanggalin natin si Ara, mawawalan tayo ng connection sa kanila...mas lalo tayong mahihirapan na mahuli sila."
He said and may point naman talaga siya doon.
Nagkaroon ng plano si Jacobus na wag ipahalata sa kalaban na may alam na kami. O kahit anong hint na nagdududa kami lalo na kay Ara o sa kahit sinong house helper namin ngayon.
"Mukha ngang inosente, hindi mo aakalain na may masamang balak," Hogan said while looking straight sa mga pictures ni Ara na ibinigay sa amin ng investigator.
Wala akong nagawa kundi ang tumango. Ara has this angelic face kaya naman mahirap din paniwalaan. But we are in a world that looks can be deceiving.
"Pababalikin pa ba natin si Ate Gianneri sa Villa de Montero?" Tanong ni Vatty sa kanila.
Marahan akong tumango. I'm in a middle of babalik pa at hindi na, pero mas gusto kong marinig ang suggestion nila.
"Kailangan niyang bumalik. Siguradong magdududa ang mga kalaban kung sakaling hindi na. Matutunugan nilang may alam na tayo," he said.
Hindi ako nakaka-imik sa tuwing nagsasalita si Jacobus. Nakaka-amaze lang na sa tuwing nagsasalita siya ay para bang alam na alam niya ang lahat kaya naman wala ka na lang ibang gagawin kundi ang makinig at sumunod sa kanya.
"Pero hindi naman natin siya papabayaan...mas magiging doble ang pag-iingat natin," he said pa.
Dahil sa mga words niya na 'yon ay nawala ang takot sa dibdib ko. Mas nagkaroon pa nga ako ng lakas ng loob para malaman kung sino talaga ang nasa likod nito. Sino pa ba 'tong hindi maka-move on.
Na-iwan kami ni Jacobus sa may living room nang magpaalam sandali ang mga pinsan ko na maghahanda na sila para maka-uwi na.
"You can take a shower sa kwarto ko," Jacobus suggested pero umiling ako.
"Sa bahay na. Wala ka naman ng mga skincare ko sa bathroom mo," sabi ko pa sa kanya.
"Ano bang mga skincare mo?" tanong niya sa akin.
He's busy sa harapan ng laptop niya nang itanong niya 'yon sa akin kaya naman nauna akong nagulat sa kanya. Nang ma-realize niya ay umayos lang siya ng upo at hindi na nagpaliwanag pa.
"May hindi ka pa sinasabi," he said matapos ang ilang minuton katahimikan.
"Anong hindi sinasabi?" tanong ko sa kanya.
I have no idea kung ano yung tinutukoy niya.
"The death threats," pagpapaalala niya sa akin ng mga nareceived kong death threats.
"You should take that seriously," he said pa.
"Nakalimutan ko lang sabihin because it's kinda busy lately," sabi ko pa sa kanya na mas lalo niyang ikinagalit.
"Hindi biro 'yon, Gianneri," madiing sabi niya sa akin.
"I'm sorry..."
Tumikhim siya. Kinuha niya ang phone niya at inabot sa akin.
"Ilagay mo ang number mo sa phone ko. Ilagay mo ang lahat kung meron ka pang iba," sabi niya sa akin.
Sinunod ko ang gusto niya pero matapos kong itype ang number ko ay ibinalik ko 'yon sa kanya para siya na ang maglagay ng pangalan ko. I don't want na sa akin manggaling ang desisyon para doon.
Sandali niyang inalis ang atensyon niya sa ginagawa niya para tingnan ang nilagay ko sa phone niya. Napahinto pa siya sandali nang makita niyang wala pa akong pangalan na inilalagay. Siya na mismo ang nag-type bago niya tinago ang phone niya.
Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang nilagay niya doon at hinayaan ko na lang.
Inihatid nila ako sa Villa de montero, one call away lang naman sila kaya hindi na ako kinabahan pa. I trust them at kaya ko din naman ang sarili ko. Hindi dapat ako matakot sa sarili naming bahay. They can have power over me.
"Sure ka na hindi ka takot?" tanong ni Jacobus sa akin.
Bumaba pa talaga siya ng sasakyan para ihatid ako hanggang sa may front door.
Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. Kahit paaano ay gumaan na ang pakiramdam ko. Naging magaan na din naman ang presence niya sa akin. Hindi na siya nang-aaway.
"Actually..." pag-uumpisa ko bago kami tuluyang maghiwalay.
"Ang akala ko ikaw yung nagpapadala ng death threats kasi ayaw mong nandito ako," pag-amin ko sa kanya.
Kumunot sandali ang noo niya bago siya nakabawi.
"Hindi ko 'yon gagawin sa 'yo."
"Akala ko kasi galit ka," pahabol ko pa.
Marahan siyang tumango. "Nagalit ako...pero matagal ng wala yung galit na 'yon. Madami nang nangyari..." he said pa.
"At mga bata pa tayo no'n. Naiintindihan ko naman na may mga bagay talaga na hindi pa natin kontrolado noong mga panahon na 'yon..." dugtong pa niya.
"I'll message you every now and then. Ayoko ng mabagal na reply sa mga messages ko," he said pa kaya napanguso ako.
"Why? You'll gonna unsent a message pag matagal kang nade-delivered message?" natatawang tanong ko sa kanya.
I heard that sa mga cousins ko, mga ayaw na nade-delivered message sila.
"Hindi ako nag-de-delete. Sa oras na tumagal ang reply mo tatawag ako...isang beses na hindi ka sumagot pupuntahan kaagad kita dito," paliwanag niya sa akin.
Gusto ko pa sana siyang asarin about it pero I know deep down na mukhang hindi din nagbibiro si Jacobus. Mukhang gagawin talaga niya 'yon sa oras na ganoon nga ang mangyari.
Nagpaalam na sila kaya naman na-iwan na ako sa bahay. Bigla kong naramdaman na ang pagiging undercover agent ko ay nag -activate na. Feeling ko nasa isang action film kami ngayon ay may mga kailangan kaming lutasin na mysteries.
Wala akong nararamdamang kaba at takot. Hindi ko din alam kung bakit, maybe sobrang kampante ako na bukod sa nasa teritoryo ko ako ay alam kong may mabilis na pupunta dito para iligtas ako kung sakali.
Si Ara kaagad ang sumalubong sa akin pagkapasok ko. Tinanong kaagad niya ako kung may kailangan ba ako. I casually said wala, hindi ako nagpahalata na gusto ko siyang iwasan.
We're on a make your friends close and your enemies closer kind of game.
Hindi ako nagpakita ng kahit anong takot sa kanya. I even smiled pa nga para lang ipakita sa kanyang walang nagbago.
Nasa loob lang ako ng room ko buong araw. Naka double lock 'yon mula sa loob kaya naman I feel safe kahit hindi ko alam kung sino ang totoo at hindi sa mga kasama ko sa bahay.
Maya't maya din kung mag message si Jacobus. I told him kung anong ginagawa ko para naman sa oras na ma-late ang reply ko ay hindi siya tumakbo papunta dito sa bahay.
He told me na umuwi dito sa Sta. Maria si Elorie the next day. He invite us again sa bahay nila kaya naman I texted Vatty na sunduin na lang nila ako ni Hogan.
"Aalis po ulit kayo, Senyorita?" tanong ni Ara sa akin.
Tumango ako. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nagtanong ulit siya.
"Hindi po ulit kayo uuwi?"
Kumunot na ang noo ko. "Why? Do I need to report it sayo?" tanong ko in a very calm voice.
I don't want to sound harsh pero mukhang ganoon ang matatanggap niya.
"Hindi naman po, Senyorita..." she said at nag-iwas ng tingin na para bang nahiya siya.
"Bakit, Ara? Bakit kailangan mong malaman?" tanong ko pa sa kanya in a very serious tone.
Nanatili siyang nakayuko at umiling.
"Pasencya na po..." she said at hindi na muli pang umimik.
I told Vatty and Hogan about that scene habang nasa byahe kami papunta sa mga Villaverde.
"Sa bahay ka na tumuloy," Vatty suggested.
"We can't lose the chance na malaman kung sino ang nasa likod ng mga 'to," sagot ko sa kanya.
"What? Maghihintay pa tayo na masaktan ka, Ate?" tanong niya sa akin.
Hindi ko na 'yon nasagot pa. Hindi na din naman siya nagsalita pa pero he looked pissed talaga.
"Ate Gianneri," tawag sa akin ni Elorie.
Sinalubong niya ako ng yakap. Mabuti na lang at naaalala pa niya ako. Hindi din siya nagtanim ng galit sa amin kahit na bata pa siya that time at madaling maimpluwensyahan.
"Kamusta ka na?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ayos lang po, Ate..."
"Hindi mo kasama si Tito Junie?" tanong ko pa sa kanya.
Jacobus is busy with the boys sa may kitchen.
Nagulat ako nang dahan dahang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Hindi sinabi ni Kuya?" tanong niya sa akin.
Kumunot lang ang noo ko at hindi na nagsalita. Hinihintay ko siyang dugtungan ang sasabihin niya.
"1 year pa lang kami sa US nang mawala si Daddy," she said na ikinagulat ko.
"W-what do you mean?"
"Hindi kinaya ni Daddy ang pagkawala ni Mommy..." she said pa.
Hindi na ako makagalaw dahil sa mga naririnig ko.
"Elorie," tawag ni Jacobus mula sa may kitchen.
"Kami na lang ni Kuya."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro