Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Server



Naka-idlip ulit ako pagkatapos no'n kaya naman hindi ko na namalayan pa kung nasaan na kami. Naramdaman ko na lamang ang mahihinang pagtapik sa aking braso, may ilan sa mukha para gisingin ako.

"Ate Gianneri..." gising sa akin ni Vatty.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, ang mukha ni Vatty ang bumungad sa akin. Noong una ay seryoso pa ang mukha niya, hanggang sa napangisi pa siya na para bang may biglang pumasok na kalokohan sa kanyang isip.

"Akala mo si Kuya Jacobus ano?" mapang-asar na tanong niya sa akin.

Medyo may hilo pa akong nararamdaman pero nagawa ko ng umayos ng upo.

"Paano mo nasabi?" tanong ko sa kanya na may kasama pang kaunting irap.

Mas lalong lumaki ang ngisi niya. "Ngumu-nguso e, parang akala iki-kiss, e..." sabi niya sa akin kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

"There's no such thing," laban ko sa kanya pero hindi pa din siya tumigil na asarin ako.

Nauna na sina Jacobus at Hogan sa loob dahil nang makita daw ng ilang nakakakilala sa kanila ang pagdating nila ay inabangan na kaagad ang pagbaba nila ng sasakyan.

"Tara na, Ate. Gusto ko na kumain," yaya ni Vatty sa akin.

"You're so gutom naman, parang hindi ka pinapakain ni Tita Vera, ah..." sita ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Masarap dito. Libre dito at masasarap din ang luto," sabi pa niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. I gave him a lagot-ka-sa-mommy-mo look.

Ipinasuot nila sa akin ang jacket ni Jacobus, dahil mas matangkad siya sa akin ay pumantay ang laylayan no'n sa iksi ng suot kong shorts.

"Nako, baka biglang magyaya si Kuya na umuwi ah," pang-aasar pa ni Vatty sa akin.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Matapos kong bumaba ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"What? Wala akong choice kundi ang suotin 'to," masungit na sabi ko at umirap pa konti.

"Sus...kunwari pa," pang-aasar pa din niya.

Hindi na ako umimik pa at kumontra after that. I know for sure na hindi ako mananalo sa kanya pagdating sa mga asaran.

Malamig na ang buong paligid because it's gabi na, pero rinig mula sa pinagparkingan ng sasakyan ang ingay ng mga tao mula sa kainan.

Pagkapasok pa lang namin sa venue ay may ilang mga mata na kaagad ang napunta sa amin. Kung ang ilan naman ay parang walang nakita, ang iba ay kaagad na nagkumpol at nagkumpulan para pag-usapan ang kung ano.

Hindi ako nakaramdam ng hiya because of what I'm wearing, parang bagong gising lang ako at dumiretso dito, while yung iba naman ay halata sa mga suot nila na pinaghandaan talaga nila ito.

Mas nakaramdam ako ng pagiging uneasy because of the way they looked at me. At alam ko kaagad na they're judging me.

"Vatticus!" tawag ni Hogan mula sa kung saan.

Madaming tao kaya naman medyo hirap ding mahanap kung nasaang table sila. Itinaas ni Hogan ang kamay niya kaya naman nakita namin kaagad siya. Hinawakan ni Vatty ang kamay ko para hilahin na ako papunta doon.

Mukhang gutom na gutom na din itong kasama ko kaya naman hindi na din makapaghintay. Napansin ko ang tingin ng mga taong nakaupo sa table na 'yon, pero napunta kaagad kay Jacobus ang tingin ko. He's looking at me na para bang naiinip na din siyang makalapit kami, naka-akbay siya sa isang bakanteng upuan katabi niya...he wants me to sit beside him?

Dahil sa hiya at hindi ko malamang gagawin ay inunahan ko si Vatty na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Hogan.

"Diyan ka? Sige..." sabi ni Vatty at umikot kaagad sa bakanteng upuan katabi ni Jacobus.

Ramdam ko ang tingin ni Jacobus sa akin pero hindi ko na lamang pinansin pa. Umiwas ako ng tingin para hindi magtama ang mga mata namin kahit alam kong impossible 'yon dahil ang napili kong upuan ay katapat niya mismo.

Hindi na namin kailangan pang tumayo para lumapit sa may buffet table dahil ang may-ari ng bahay na pinuntahan namin ay siya na mismo ang naglalagay ng mga pagkain sa aming harapan.

"Ate anong gusto mo?" tanong ni Hogan sa akin.

Ipina-abot ko sa kanya ang spaghetti, menudo, at shanghai. I've been to a fiesta din before kasama si Daddy at 'yon ang tatlong favorite kong handa nila.

Maybe because kagagaling ko lang sa tulog ay nagutom talaga ako. Marami akong nakaing shanghai, mabuti na lamang at kada makita ng nagse-serve na konti na ang laman ng serving plates sa table namin ay kaagad naman silang nagre-refill.

"Sayang naman. Kung ipu-pursue mo ang politics kagaya ng mga San Miguel at Villaverde ay siguradong mananalo ka," sabi ng isang may edad na lalaki kay Jacobus.

"Ang pagpasok po sa politika ay hinding hindi ko gagawin," nakangiting sagot niya dito pero ramdam ko at kita ko sa mukha ni Jacobus na hindi siya naging kumportable sa paguusap na 'yon.

"Kamusta na nga pala ang Tatay mo?" tanong pa nito.

Mas lalo akong naging interisado sa tanong na 'yon dahil 'yon din ang tanong ko simula pa lang nang magkita kami.

I heard good news about his sister. Pero kay Tito Junie ay wala pa akong kahit anong nababalitaan.

Jacobus was about to say a word nang tumunog ang phone niya dahil sa isang tawag. He made an excuse para tumayo at lumayo sa table namin para sagutin 'yon. Pagkabalik naman niya ay nakalimutan na nang natanong ang tungkol kay Tito Junie and they proceed sa ibang topic.

"Nabusog ako," sabi ni Hogan while hinihimas niya ang akala mong lumaki na niyang tiyan pero hindi naman.

Iginala ko ang tingin ko sa buong table, even si Vatty ay ganon din. Busog na busog sila. I'm busog din pero hindi ko sasabihin. It's nakakahiya because baka sabihin na ang takaw ko.

Tumayo na si Jacobus para magpaalam, tumayo na din kami and nag-thank dahil sa masasarap na foods. Hindi pa nakuntento ang may-ari ng bahay dahil pinauwian pa niya kami ng mga desserts like leche flan, ube halaya, and minatamis na beans.

"Sleepover kila Kuya Jacobus," pag-uusap nung dalawa. Halatang excited sila, hindi ko naman maintindihan kung bakit pati ako ay kasama.

"Nabusog ka ba?" tanong niya sa akin while we're in the middle of paglalakad pabalik sa car.

Nilingon ko siya at tinanguan. "Masarap ang shanghai," sagot ko.

Ngumisi siya. "Ang dami mo ngang nakain," he said kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

Itinaas ko ang tatlong daliri sa aking kamay. "Three lang," sabi ko sa kanya.

Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin. "Kahit sampu 'yon?" laban niya sa akin.

Nabilang pa niya 'yon.

"Kala mo lang 'yon," laban ko sa kanya pero tinawanan na lamang niya ako.

Vatty suggested na dumaan kami sa convinient store to buy mai-inom daw. Though may mga alak naman si Jacobus sa kanila ay may ibang guston inumin ang dalawa.

"Ice cream gusto mo?" tanong ni Jacobus sa akin.

Siya ang nagbayad ng bill kaya naman tuwang tuwa ang mga kasama namin. Kinuha nila ang mga gusto nila na para bang ngayon lang sila nakatikim ng libre.

"Totoo naman, hindi ako masyadong nagpapalibre. Mas gusto kong ako ang nanlilibre," sabi ni Vatty na kaagad sinang-ayunan ni Hogan.

"Pero iba ngayon...si Kuya Jacobus na 'to e," sabi pa nilang dalawa.

Nagtatawanan sila sa backseat na akala mo bumalik sa pagkabata at ngayon lang ulit nalibre.

"May kailangan ka bang kunin sa inyo?" tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling. Nagawa ko naman na kanina ang mga skin care rituals ko bago pa nila ako sunduin. I'm okay sleeping naman sa suot kong damit kahit it's a bit dirty dahil galing ako sa labas.

"Manghiram ka na lang din ng damit kay Kuya. Manghihiram lang din kami," suggestion nung dalawa.

Tumango si Jacobus, he's okay with that at mukhang gusto pa niya.

The reason kung bakit hindi na uuwi pa yung dalawa is because marami pa daw itatanong sa kanila sila Ninang Alice at Tita Vera, baka abutin pa daw ng madaling araw at maudlot pa ang sleepover nila.

Sa old mansion ng mga villaverde kami tumuloy ngayong gabi. Kung minsan ay nasa mga San Miguel siya minsan naman ay dito, pero hindi siya nagsstay sa dati nilang bahay. I get it naman, kahit ako nalukungkot everytime na nakikita ko 'yon.

Like dati ay saya saya ng lugar na 'yon, makikita mo doon sina Tito Junie at Tita Ericka tapos sa isang iglap ay wala ng buhay ang bahay na 'yon. May mga masasayang memories, pero kung aalalahanin mo 'yon ay may kaakibat din 'yong sadness.

Sa may malaking living room ng mansion nag-set ng pwesto sina Vatty at Hogan. Fully carpeted naman ang sahig kaya naman sabi nila ay kahit doon na lang sila matulog ay walang problema sa kanila.

Umupo ako sa may carpet at nakinood sa 120 inch UHD laser smart TV -120L5F na bumaba pa mula sa kisame. Iginala ko ang buong paningin ko sa kabuuan ng bahay. Halatang hindi basta basta ang ang pagplaplano dito.

"Gianneri," tawag ni Jacobus sa akin. Hindi ko siya nakikita pero naririnig ko ang boses niya.

"Ate tawag ka," sabi ni Vatty.

Ang atensyon nilang dalawa ay nasa pinapanood.

"Ayoko nga. Baka multo 'yon na nagpapanggap na si Jacobus," pagdadahilan ko sa kanila.

Tinawanan lang nila akong dalawa. Muli naming narinig ang pag tawag niya sa akin.

"Gianneri, Dito sa kitchen," he said pa kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang maglakad papunta sa kitchen.

'Yon ang isa sa pinakamabibigat na hakbang na nagawa ko. May pagaalinlangan pa akong lumapit pero hindi ko din malaman kung bakit parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kahit parang hindi pa ako sigurado ay sigurado na sila.

Naabutan kong nasa may kitchen counter siya, nakatalikod at walang suot na pang-itaas na damit. Medyo lumalabas na ang brand ng suot niyang boxer shorts sa pantalong suot niya. Mula sa aking gawi ay kita ko kung paano mag-flex ang muscles niya dahil sa ginagawang paggalaw. May inaayos siyang kung ano.

"Bakit?" tanong ko. Para saan ang pagtawag niya sa akin? Pwede namang sina Vatty at Hogan ang tawagin niya kung kailangan niya ng tulong. Saglit niya akong nilingon, matapos 'yon ay muli niyang itinuon ang atensyon niya sa nasa harapan niya.

"Here," sabi niya at inabot sa akin ang isang basong tubig. "Hindi naman ako nauhaw," sabi ko sa kanya. At wala din akong natatandaan na humingi ako ng tubig sa kanya pagkarating namin dito.

"Hindi ka pa umiinom simula kanina," he said na ikinagulat ko.

"Paanong?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Napansin mo pa 'yon?" dugtong na tanong ko pa. Marahan siyang tumango.

"Napansin ko lang, hindi ka uminom kanina pagkatapos nating kumain," sagot niya sa akin. Hindi na lang ako umimik pa. Tinanggap ko ang isang baso ng tubig na inabot niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin habang sumisimsim doon.

"Drink more," he commanded na para bang he's my father.

"Konti lang," sabi ko pa. I bababa ko na sana sa sink ang baso na may laman pang tubig pero kinuha niya 'yon sa kamay ko at imbes na ideretso sa may sink ay inubos na muna niya ang laman no'n. Napansin niyang pinapanuod ko siya at mukhang nakita niya din ang gulat sa mukha ko dahil sa ginawa niya.

"Sayang ang tubig," he said. May point naman kaya imbes na lagyan ng malisya ay tinanggap ko na lang ang dahilan na 'yon.

"Ok na? balik na ako..." hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng pigilan niya ako.

"Can you help me with this?" tanong niya sa akin. Napanguso ako nang makita kong magpapatulong lang pala siya sa pagbubuhat ng mga plates na may lamang pulutan nung dalawa sa may living room.

"Akin na. I'll delivery it na sa kanila," pagsuko ko. Kanina pa naman nila ako inaalagaan na tatlo. Wala namang masama to return the favor.

"Balik ka pagkatapos," sabi pa niya sa akin. Nilingon ko siya at pinanlakihan pa ng mata. Balak pa ata akong gawing utusan ng isang 'to.

"Opo, master..." sagot ko na may kasama pang pag-irap. Imbes na magalit at napangisi pa ito. Nag-iwas ng tingin at natatawang napa-iling dahil sa sinabi ko.

"Ito na ang pulutan niyo," sabi ko kina Vatty at Hogan. Abala silang dalawa sa pinapanuod na movie kahit pa umiinom sila ng alak.

"Bakit parang galit at nagdadabog?" mapang-asar na tanong nila sa akin.

"Feeling mo lang 'yon," sabi ko sa kanila. Tinawanan nila ako at nag-Thank you. Imbes na mag welcome at pinandilatan ko na lamang sila ng mga mata.

Sila lang ang nage-enjoy sa sleepover na 'to Sinunod ko ang sinabi ni Jacobus na bumalik ako sa kitchen kahit hindi naman necessary.

"Ano pang dadalhin?" tanong ko kay Jacobus. Pinanindigan ko na ang pagiging server ng mga lasinggero sa may living room.

"Ito na lang. Pero ako na dito," sabi niya sa akin.

"Ok." I was about to take a step para talikuran siya at bumalik na sa living room pero pinigilan niya nanaman ako.

"Ikaw na pala," he said kaya naman nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Yung totoo?" tanong ko. Looks like pati siya ay pinagt-tripan din ako.

Pag-untugin ko kaya silang tatlo?

Binigyan niya ako ng space para makalapit sa may kitchen counter. Inilahad niya 'yung space na 'yon pero sa hubad niyang katawan ako napatingin.

"Ikaw na," he said pa.

Inirapan ko siyang muli bago ako naglakad palapit doon. Naramdaman ko kaagad ang init ng katawan niya kahit wala kaming direct contact. Maybe because he's half naked.

Dahil sa paka-ilang ay halos muntik ko ng mabitawan ang bowl ng nachos. He's attentive kaya naman kaagad siyang nakalapit sa akin para alalayan ako. Dahil sa nangyari ay kaagad na nagtama ang mga braso namin, ang kamay niya ay nakahawak din sa kamay ko ngayon to support my hold sa bowl ng nachos.

"Uhm...ikaw na lang," pagsuko ko. Binitawan ko ang bowl.

Umikot ako paharap sa kanya para sana maka-alis na sa pwesto na 'yon pero hindi man lang natinag si Jacobus. Nanatili ang lapit ng katawan niya sa akin, pero ang kamay niya ay lumipat na ngayon sa aking bewang.

"Masyado kang kabado," he said in a very sexy tone.

"I-I'm not..." laban ko sa kanya.

Napatingala ako sa kanya when I noticed na dahan dahang bumaba ang ulo nila palapit sa akin.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa idea na hahalikan niya ako. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko na ang mainit at malambot niyang labi sa akin, sinundan ko na lamang ang galaw na 'yon hanggang sa halos mabitin ako sa ere ng bumitaw siya ng halik.

Nginisian niya ako, mukhang nakita niya sa itsura ko ngayon kung paano ako nabitin.

"Sarap...lasang pa-iiyakin ko," he said bago siya lumayo sa akin.

I was about to say a word nang muling tumunog ang phone dahil sa isang tawag. Napako ang tingin ko 'don. The caller's name is capital D with a heart.

Wow.

(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro