Chapter 28
Umalis
Hindi na maalis sa isip ko ang narinig ko mula sa relatives ni Jacobus. They're planning na dalhin sila sa America? I'm hundred percent sure na hindi papayag si Tito Junie. And kahit si Jacobus ay hindi din.
I told Calli about it, kahit siya ay malaki ang paniniwala na it's all just a plan. Hindi 'yon mangyayari.
"Malabo 'yon mangyari," paninigurado niya sa akin.
Kaya naman kahit hindi 'yon mawala sa mind ko, and ung ano-anong scenario na din ang nagawa ko sa isip ko ay pinanghawakan ko pa din na hindi papayag si Jacobus sa gusto ng relatives niya.
"Ni ayaw nga niyang iwan ang Sta. Maria," she said pa.
Like halos buong araw, bawat minuto ko na ata siyang tinatanong ulit tungkol don. I'm overthinking na.
Tinatawanan lang ako ni Calli everytime ma-uulit yung tanong ko sa kanya. Same lang naman palagi ang sagot niya pero mas nakakampante ako pag narinig ko ulit yung sagot from her mismo.
"At kung gusto mo lalong makampante...ask him," she suggested.
Napatigil ako sandali while processing that suggestion of her. My point naman siya, mas lalong mawawala ang pag o-overthink ko kung kay Jacobus ko mismo maririnig na hindi siya sasama sa relatives niya papunta sa America kahit anong mangyari.
"But we're not that bati," sabi ko kay Calli.
Tinawanan niya ulit ako. "Kahit ganyan si Jacobus sa 'yo, hindi ka no'n matitiis. Sasagot pa din 'yon sa tanong mo," sabi niya pa sa akin.
Tumulis ang nguso ko, kung alam niya lang kung paano ako I-treat ngayon ni Jacobus. Sobrang different sa kung paano no'n. That's something na hindi na nakakagulat dahil sa nangyari. Pero parang hindi ko na siya kilala.
Like it's different Jacobus na. Wala ng bakas ng Jacobus na naging boyfriend ko.
"He's in a difficult time right now. You just need to be there for him hanggang sa maka-recover siya," Mommy said.
Alam din ng parents ko na we're not okay din. Knowing na may tampo ang family nila sa amin ay understandable naman.
"We're still lucky na kahit may hindi kami pagkaka-intindihan ni Junie ay hinahayaan pa din nila tayong maglabas masok sa burol," Daddy said.
Hindi ko na din nakaka-usap ng maayos si Daddy lately. Ang sabi ni Mommy ay sinisisi pa din ni Daddy ang sarili niya kung bakit lumayo ang loob ni Tito Junie sa kanya at nangyari 'to.
Maaga akong bumaba from my room the next morning. Ilang araw na lang ay ililibing na si Tita Ericka, humaba ang burol dahil sa ilang mga reltives na umuwi galing sa ibang bansa.
"Gianneri...mag-breakfast ka muna," tawag ni Yaya Esme sa akin.
Hindi ko siya nakikita, nasa kitchen siya pero nagawa pa din niya akong tawgin with her loud voice.
"Later na lang po," magalang na sagot ko sa kanya kahit medyo pasigaw din 'yon para alng din marinig niya ako.
I don't like shouting, ayokong makipag-usap na sumisigaw. Feeling ko kasi that's inapproriate. Pero sabi naman sa akin ni Yaya Esme, it's ok lang daw with her kaya naman natutunan ko na din.
I was about to head straight palabas ng front door when I saw one of our kasambahay open the front door.
"Good morning po, Attorney..." she greeted.
Nanlaki ang mga mata ko when I saw Tita Tathi entered the house. Hinahanap niya si Daddy. Kaya naman imbes na tumuloy ay naglakad ako papunta sa kitchen.
"Oh, akala ko ba latur," sabi ni Yaya Esme sa akin.
She said latur instead of later na natutunan niya daw sa panunuod niya ng kung sinong vloggers sa social media.
Tipid ko lang siyang nginitian. Lumapit ako sa may kitchen counter at kumuha ng Strawberry sandwich na ginawa niya, it has a real strawberry sa gitna and a whipped cream.
"This is too much sugar for breakfast," puna ko pero I took a little bite pa din.
Umirap si Yaya Esme at natawa. "Akin na at lalagyan ko ng asin," sabi niya pa sa akin.
Umakto siya na kukuhanin ang hawak kong sandwich para talaga lagyan ng salt kaya naman tumatawa akong lumayo sa kanya.
"Joke lang po," sabi ko pa.
Nagsasalita pa din si Yaya Esme habang dahan dahan ang lakad ko palapit sa may living room. Sumilip lang ako para hindi ako makita nila Daddy, nakita kong seryoso ang pag-uusap nila ni Tita Tathi.
"Is it okay with you kung iimbitahan ka nila sa presinto for a couple of questions?" tanong niya kay Daddy na ikinagulat ko.
Bakit kailangang tanungin si Daddy? May kasalanan ba ang Daddy ko?
"Baka may kailangan lang itanong, para makatulong sa kaso," sagot ni Calli sa akin.
Sa back door na ako dumaan paalis. Siya kaagad ang pinuntahan ko para sabihin ang narinig ko sa bahay.
"You don't hear ba something kay Tita?"
Marahan siyang umiling. "Hindi naman nagk-kwento si Mommy about sa work niya. Sabi kasi niya some of it ay para sa privacy ng clients," sagot niya sa akin na super understandable naman.
"Maybe I should ask Daddy na lang," sabi ko pa.
Hinawakan ni Calli ang kamay ko. "Calm down will you? Masyado ka ng stressed and nag o-overthink," she said.
I couldn't agree more. I can't get a good sleep na nga lately.
This day is not like the other days. Mas active si Jacobus ngayon sa pakikipag-usap sa ibang visitors. Seryoso pa din ang face niya, walang emotions. Nakilala ko naman si Jacobus na ganon pero nakakapanibago pa din.
Nagulat ako nang sikuhin ako ni Calli. "Lapitan mo na," she said.
Hindi kaagad ako nakagalaw. Pinagiisipan ko pang mabuti.
"Lalapitan mo na o mauunahan ka?" tanong niya sa akin at inginuso ang kararating lang na mga classmates ni Jacobus kasama si Diana.
Walang ilang segundo ay tumayo kaagad ako. Kahit hindi ko alam kung paano sisimulan ang conversation namin ay dumiretso kaagad ako sa kanya. Nakabalik na siya ngayon sa pagkaka-upo sa usual spot niya.
"May kailangan ka?" tanong niya sa akin.
Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. I'm waiting na he'll invite me umupo sa tabing upuan niya.
"Uhm...ikaw may kailangan ka?" balik na tanong ko din sa kanya.
"From you?" tanong niya sa akin at nag-iwas ng tingin.
Hindi pa man ako nakakasagot ay siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong.
"Wala akong kailangan," he said with diin.
Tinuro ko ang bakanteng pwesto sa tabi niya.
"Can I sit?"
Marahan siyang tumango. "Ikaw bahala."
Umupo kaagad ako sa tabi niya. Nilingon ko si Calli, itinaas niya ang naka thumbs up niyang kamay. Mula sa pinsan ko ay napunta ang tingin ko kay Diana na nakasimangot habang nakatingin sa amin.
Anong problem niya?
"Is there a chance na you'll leave Sta Maria?" tanong ko kay Jacobus. Diretsahan na kasi ganon din naman 'yon.
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko lang alam," sagot niya sa akin.
"Like, if someone will asked you na pumunta sa ibang bansa...sasama ka?"
Kumunot ang noo ni Jacobus.
"Saan mo naman nakuha ang idea na 'yan?" tanong niya sa akin.
Doon ko narealize na baka hindi pa sinasabi sa kanya ng relatives niya ang tungkol sa plan nila.
"Sa akin lang. Pero hindi ka naman sasama right?" tanong ko pa.
This is the assurance na gusto kong marinig. Assurance form him na hindi siya aalis.
"Ano bang gusto mong marinig?"
"Na you'll not gonna leave," diretsahang sabi ko pa.
Muling nagkibit balikat si Jacobus. "Hindi ko 'yan masasagot sa ngayon."
"Why?"
Nagkibit balikat lang ulit siya. "We'll never know."
Nalukot ang mukha ko, hindi ko nagustuhan ang sagot, hindi ako kampante doon.
Nakita kong nakatingin siya sa akin. "You're not open for uncertainty," akusa niya.
"I'm open..." giit ko.
Marahan siyang umiling. "Gusto mong sagutin ko ang tanong mo ng Oo o hindi lang...hindi ka satisfied sa sagot ko kasi I'm in the middle," paliwanag niya.
"Pag sinagot ko 'yon ng Oo, hindi ako aalis...at umalis ako sa hindi ko naman ginustong dahilan, lalabas na sinungaling ako," pagpapatuloy niya.
"Gianneri...you're not really that matured pa to enter a relationship," he said.
Hindi ako naka-imik. Like parang sinampal na din niya ako sa sinabi niyang 'yon.
"Excuse me?" tanong ko hindi ako makapaniwala.
"Ano 'tong nabalitaan ko na lilipat ka dito. Dito ka mag-aaral para?"
Para akong naputulan ng dila. Madaling isagot na lilipat ako dito para sa kanya, pero sa klase ng pagkakatanong niya sa akin at sa tono ng pananalita niya ay para bang isang malaking kalokohan ang gagawin ko.
"Bakit ka lilipat dito, Gianneri?"
"It's my choice. Ginusto ko 'yon," laban ko sa kanya.
Mariing napapikit si Jacobus. "This is not healthy," he said.
"W-what?"
"Hindi dapat sa akin umiikot ang mundo mo," sabi pa niya sa akin.
Doon na ako nagalit. "Who are you to say that? Ang kapal ng mukha mo," galit na sabi ko sa kanya.
Tinanggap niya ang sinabi ko, nagkibit balikat siya. "'Yon ang nararamdaman ko. At nakakasakal 'yon, Gianneri..." sabi pa niya sa akin.
Uminit ang magkabilang gilid ng mata ko.
"You're right, we need to break up..." he said pa.
Na para bang ito na talaga yung official. Sa kanya na nanggaling.
"Para sa ating dalawa 'to. Hindi ibig sabihin nito na hindi na kita mahal...I think it's not the right time for us...for now," paliwanag pa niya.
Kahit anong gawin niyang paliwanag ay masakit pa din.
"Then there is no right time for us," deklara ko.
"Gianneri..." tawag ni Jacobus sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.
Saktong paalis ako doon ng makita kong naglalakad si Diana papunta sa pinanggalingan ko. Saksak niya sa baga niya.
It's funny na after all of these at umaasa akong may chance pa ulit kami ni Jacobus. I know naman na ako ang nakipag-break sa kanya. It's just that dahil sa kanya na mismo nanggaling ay alam ko na kaagad na tapos na talaga.
"Hey, everything is gonna be alright..." Sabi ni Calli sa kanya.
Pero hindi 'yon ang nangayari.
"Eroz Herrer, a suspect?"
Habang nasa burol ay napansin kong iba na ang tingin ng mga tao sa aming dalawa ni Calli. Hanggang sa marinig namin ang pag-uusap nila tungkol kay Daddy. Gumala ang tingin ko sa kabuuan ng lugar, wala doon si Jacobus.
Ang sabi ay maagang umalis para pumunta kay Tito Junie sa hospital.
"Anong nangyayari?" tanong ko kay Calli na kagaya ko ay wala ding alam sa nangyayari.
Lumapit ang isa sa mga kabigan ni Jacobus. Kasama niya si Diana, iba ang tingin nila sa amin.
"Umalis na kayo dito, mga pamilya kayo ng kriminal," they said kaya naman nagulat kaming dalawa.
Calli stood up for us. "Alam mo bang pwede ka naming kasuhan for that kind of accussations?"
Ngumisi ito, mula kay Calli ay pinanlisikan niya ako ng mata.
"Edi itanong mo sa tatay nito," sabi niya sa akin at dinuro ako.
Hindi nagustuhan ng pinsan ko ang ginawa sa akin kaya naman tinabig niya ang nakadurong kamay nito.
"What's happening?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
Bago pa man sila makasagot ay lumapit na ang dalawang Tita ni Jacobus mula sa mga San Miguel.
"Umalis na kayo dito. Hindi namin kailangan ng mga Herrer dito," they said kaya naman natakot kami ni Calli.
Sa paraan ng pagpapaalis nila sa amin ay para bang susunugin nila kami ng buhay. Na kung hindi pa kami aalis any minute ay bubuhatin nila kami at ihahagis palabas.
"Wag na kayong babalik. Lalong lalo ka na!" pagtataboy ni Diana at itinuro pa ako.
"Hindi namin papalampasin 'to," banta ni Calli sa kanila.
Siya mismo ang humawak sa kamay ko para hilahin na ako paalis doon. Wala na akong nagawa pa kung ma-iyak dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Naging suspect si Daddy sa nangyari dahil sa naging alitan nila ni Tito Junie. May ilan pang mga suspect pero grabe ang naging take nila ng lumabas ang pangalan ng Daddy ko.
"May gusto lang sumira sa pangalan natin. Hindi basta-basta ang mga Herrer dito sa Sta. Maria...may gustong sumira sa atin," Sabi pa ni Tita Tathi.
Hindi na namin sinabi sa mga magulang namin kung paano kami pinaalis sa burol. Baka mas lalong lang magkagulo.
"Alam ni Junie ang totoo. Hindi ko 'yon magagawa sa kanila...pamilya ko na din sila," sabi ni Daddy.
Everything became so complicated. Kahit nga nung malibing si Tita Ericka ay hindi na nila kami hinayaan na makalapit sa kanila.
"Kunwaring mababait...masama naman pala," parinig ng ilang nakakasalubong namin sa daan.
"Hoy! Magsitigil nga kayong mga chismosa kayo. Parang hindi kayo natulungan ng mga Herrer. Kahit wala sa pwesto ang mga 'yan ay marami silang na-itulong sa mga taga Sta. Maria," pagtatanggol pa din naman sa amin ng iba.
Hindi naman lahat ay naniwala sa kumakalat na maling balita. Mayroon pa ding iba na mas naniniwala na hindi namin 'yon magagawa.
"It's scary to go outside na," sabi ko kay Calli.
Hindi ko din alam kung anong naging reaction ni Jacobus dito. Nakalabas na din si Tito Junie sa hospital. Ang alam namin ay nandoon na din siya nang mailibing si Tita Ericka.
It's sad nga lang na hindi man lang namin siya nakita one last time.
May mga dead threats na kaming nakukuha, kaya naman napagpasyahan ng lahat na bumalik na kami sa Manila. Even sina Tito Cairo at ang buong family niya ay uuwi na muna doon.
"I'll talk to him bago tayo umalis," sabi ko kay Calli.
Sumimangot si Calli. "Hayaan mo na siya," sabi niya na para bang he's disappointed din kay Jacobus.
"Hayaan mo na siya, Gianneri..." pinal na sabi pa niya.
The day before kaming bumalik sa Manila ay nalaman naming nauna na palang umalis ang mga Villaverde papuntang ibang bansa.
"Mas makakabuti kay Junie at sa mga bata na lumayo na muna dito. Hindi magiging madali para sa kanila ang pagkawala ni Ericka."
"Umalis na sila Junie?" tanong ni Mommy.
"Nung nakaraang araw pa. Kasama ang mga bata...pumunta na silang America."
Ganoon siguro talaga...lahat naman pwedeng umalis.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro