Chapter 27
Duda
Hindi nagustuhan ng parents ko ang naging desisyon ko na sa Sta. Maria na ako mag-aaral sa susunod na school year. I know na biglaan lang din ang pagde-decide ko kaya naman may times na napapa-isip din ako kung kaya ko ba talagang bitawan ang magandang standing ko sa university kung nasaan ako ngayon.
"Yung ibang nasa probinsya lumuluwas ng Manila para lang makapag-aral, tapos ikaw na nasa Manila na lilipat sa Sta. Maria para lang ano? Para lang sa ex mo," Ate Kianna said.
Naka-group video call kami. Kasama namin si Calli na nakapatay ang video pero alam naming nakikinig lang sa mga pinag-uusapan namin.
"Jacobus needs me," I said.
Kitang kita ko kung paano umirap si Ate Kianna. Hindi naman siya against sa relationship namin ni Jacobus. Ang hindi lang daw niya nagustuhan ay ang paglipat ko ng school para dito.
"You need to sacrifice for love, di ba?" Castaniel said.
"Oh. Fuck that, Castaniel..." she said na para bang diring diri siya sa pagiging romantic ng aming pinsan.
Napatango pa din ako kahit galit na si Ate Kianna. Napakunot ang noo ko when I notice na si Prymer ay tahimik lang din. Not the usual Prymer Amora Herrer na palaging may say sa mga bagay bagay.
Gustuhin ko man na lumuwas na muna ng Manila para ayusin ang mga bagay na kailangan kong ayusin doon ay hindi ko kaya. Like it's forbidden for me to leave this place in times like this.
Naka-burol pa si Tita Ericka, nasa hospital pa si Tito Junie. Kung titingnan mo ang magkapatid na Jacobus at Elorie ay alam mo kaagad na they need someone to be with.
Alam kong hindi naman niya 'yon sinasabi sa akin. Ni hindi ko nga din alam kung gusto din ba niyang nandito pa ako sa paligid niya after what I've done. I want him to feel my presence, I want to give him my full support.
Some of my classmates even message me, may naiwan din kasi akong mga group projects. Na guilty tuloy ako because iniwan ko sila sa ere. I told them naman na hindi na ako babalik pa kaya naman hindi na nila ako kailangan pang I-include sa mga ipapasa nilang projects.
"Sigurado ka?" Tanong ni Quinn sa akin.
Nagulat ako when he requested a video call.
Marahan akong tumango while sipping my hot chocolate. It's Saturday ng umaga, wala pa akong tulog dahil buong magdamag kami ni Calli na nasa wake ni Tita Ericka. Kaka-uwi ko lang din ang I badly want a sleep.
"At hindi ka magpapaalam ng maayos dito?" tanong niya sa akin.
"I'll go naman diyan pag feel kong pwede na ako umalis sandali dito," sabi ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay na para bang he's not conviced sa sagot ko sa kanya. It's early pa lang pero naka busangot na ang face niya na para bang he's so tamad na tamad na agad.
"Mukhang hindi maganda ang gising mo," nakangising puna ko sa kanya.
I want to lighten the mood din kasi. He is so seryoso, dinaig pa ang Daddy ko na para bang papagalitan niya ako.
"Hindi pa ako natutulog," he said kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"Me too!" sabi ko sa kanya.
Bigla akong natuwa dahil may karamay ako sa puyat pero natahimik din ako sa sumunod niyang sinabi.
"Kaka-isip sa 'yo," dugtong niya.
Tinikom ko kaagad ang bibig ko. I looked away and sipped na lang sa hot chocolate ko.
"I can't imagine na papasok ako araw-araw na wala ka doon, Gianneri..." he said kaya naman mas lalo akong naging uneasy.
"Why? Professor ba ako?" birong tanong ko sa kanya.
"Nakakatamad ng pumasok pag wala na yung crush mo sa school," he said pa.
Para bang the distance between us gave him the lakas ng loob para umamin sa akin na crush niya ako?
"Quinn, stop with your kalokohan. Wala pa akong tulog ah," natatawang banta ko sa kanya.
Kahit ang totoo ay kinakabahan na ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ako sanay sa mga ganito.
"Pag-isipan mong mabuti. Mas importante pa din ang pag-aaral," he said.
Napabuntong hininga na siya at napa-ayos ng upo.
Nag-make face ako at ibinalik 'yon sa kanya.
"Wag puro crush ang inisiip mo, mag-aral akng mabuti," balik ko sa kanya kaya naman tinawanan niya ako.
After that call ay napa-isip din ako sa mga posibilities na pwedeng mangyari after kong lumipat dito sa Sta. Maria. Alam ko namang hindi ako mahihirapan dahil nandito ang cousin kong si Calli. Nandito din si Jacobus kahit hindi pa kami bating dalawa.
Muling naging ma-ingay ang kaso ng magkaroon ng lead ang mga kapulisan about sa totoong mastermind sa nangyari. Desidido ang pamilya ng San Miguel at Villaverde na bigyan ng hustisya ang nangyari. Kahit sino naman ay ganoon.
"Gising na si Junie," narinig kong sabi ni Daddy kay Mommy.
Nagising siya mula sa operation, pang-apat na araw na ding nakaburol ni Tita Ericka.
"Walang may gustong magsabi sa kanya," Daddy said pa.
Dahil sa naging operation ay mahina pa si Tito at nagrerecover pa. Ilang beses daw niyang tinanong kung nasaan na si Tita Ericka pero nag lie ang mga ito na ayos lang siya at hindi pa niya ito pwedeng makita.
"Mas sinasaktan nila si Tito...nagsisinungaling sila," sabi ko kay Calli.
Nasa burol kami ni Tita Ericka at napag-usapan namin ang pag gising ni Tito Junie. Ang lahat ay nagkasundo na magsinungaling sa kanya habang nagpapagaling siya. Some are against that idea including me and Calli.
"Mahirap din kasi..." Calli said.
Wala na din siyang masabi at ma-suggest kung anong paraan pa din ang pwede nilang gawin para sabihin 'yon kay Tito Junie na hindi siya masasaktan. Because alam naman ng lahat na kahit anong paraan ang gawin nila ay masasaktan lang ito.
They are prolonging the agony lang. Habang pinapatagal nila at pinapaasa si Tito Junie ay mas lalo lang nila itong masasaktan.
"Payag kaya si Jacobus dito?" tanong ko kay Calli.
Pareho naming nilingon si Jacobus na nasa usual pa din niyang upuan. Wala kinakausap kundi ang nakababatang kapatid na si Elorie. Kung minsan ay mag-isa lang ito, tahimik na nakatingin sa kung saan.
"Should I asked him?" tanong ko kay Calli.
Nagkibit balikat lang si Calli sa akin. Hindi din siya sigurado sa isasagot sa akin.
Nalaman naming kahit alam na niyang nagising na si Tito Junie ay hindi niya pa ito pinupuntahan sa hospital. May galit ba siya kay Tito?
"Jacobus," tawag ko sa kanya.
Lumapit na ako at umupo sa katabi niyang upuan. Sandaling kinuha ng isa sa mga relatives nila si Elorie para pakainin ng lunch. As usual ay hindi nanaman kakain si Jacobus.
"Hindi ka nanaman kumain. You need to eat," sabi ko sa kanya.
"Hindi ako gutom," tipid na sagot niya sa akin.
Tipid na sagot niya sa lahat. He's treating me like kung paano niya pakitunguhan ang iba. And that moment mas lalo kong nararamdaman na hindi na ako special just like before.
Napabuntong hininga na lamang ako. Umayos ako ng upo, sa pag-ayos ko ng upo ay hindi sinasadyang nagdikit ang mga braso naming dalawa. Nakita ko din kung paano bumaba ang tingin ni Jacobus doon na para bang nagulat din siya sa nangyari.
"S-sorry..." sabi ko at umusog konti dahil baka ayaw niyang may dumidikit sa kanya.
Muli kaming natahimik na dalawa hanggang sa hindi ko na napigilan ang itanong sa kanya ang tungkol kay Tito Junie.
"Bakit hindi mo pa dinadalaw si Tito Junie sa hospital? He's looking for you," sabi ko na lang kahit ang totoo ay hindi ko naman 'yon narinig, sinabi ko lang.
"Ayoko munang sagutin ang mga tanong tungkol sa pamilya namin," he said na mas lalong nagpakunot sa noo ko.
"May problem ba kayo ni Tito Junie?"
Dahil sa muli kong pagtatanong ay nakita ko na ang iritasyon sa mukha ni Jacobus.
"Can you leave me alone?" tanong niya sa akin.
"Jacobus..." tawag ko sa kanya.
"Saang parte yung hindi mo ma-intindihan na ayoko munang pag-usapan 'yan?" galit na tanong niya pero nanatili pa din siyang kalmado.
"I'm sorry. I'm just concerned lang naman sa pagsisinungaling nila kay Tito," pagdadahilan ko pa.
"Wag mong pakialaman ang bagay na hindi mo naman dapat pinoproblema," he said pa.
"It's my problem din. Family na namin kayo," giit ko sa kanya.
Ngumisi siya at marahang napa-iling.
"We don't need you...and your family," he said kaya naman napa-awang ang bibig ko.
Mas nasaktan ako when he said na hindi nila kailangan ang buong family namin. We're here para sa kanila. May nagawa ba ang family namin para magalit siya ng ganito.
Mariin siyang napapikit. Nakita ko kaagad ang pagsisisi sa mukha niya dahil sa sinabi. I know naman na hindi bad si Jacobus. Hindi din siya ang klase ng tao na magtatanim ng galit sa iba.
"I'm sorry. Ayoko muna talagang makipag-usap," sabi pa niya sa akin.
Marahan akong tumango. Maybe hindi pa siya handa kaya naman kung ano ano pa ang nasasabi niya.
"I understand. Sorry din kung makulit ako," sabi ko sa kanya.
Tipid lang siya tumango pagkatapos non at hindi na nagsalita pa. Ang kanyang pananahimik ay isang indekasyon para sa akin na ayaw na muna talaga niyang makipag-usap.
Gusto ko din sana sabihin sa kanya ang naging desisyon ko. Nagbabakasakali kasi akong gumaan kahit papaano ang nararamdaman niya sa ibabalita ko sa kanya.
Bumalik ako sa pwesto namin ni Calli. Tanging iling lang ang isinagot ko sa kanya. Alam na kaagad niya ang ibig sabihin no'n.
Kagaya nga ng sabi nila. Walang sikreto ang hindi nabubunyag. Nalaman ni Tito Junie ang nangyari kaya naman mas lalo itong nanghina. Kahit hindi pa niya kaya ay pinilit niyang pumunta sa burol.
"Hindi...hindi 'to totoo," he said while naglalakad siya palapit sa kung nasaan nakahiga si Tita.
Kitang kita sa mga galaw niya, sa mukha niya na hindi pa talaga siya totally fine. Ni hindi nga pinahintulutan ng mga Doctor ang paglabas niya sa hospital at ang pagpunta niya dito.
"Ericka...ang asawa ko," he said with so much pain.
Hindi napigilan ng lahat ng nandoon na mapa-iyak din while nakikita naming umiiyak si Tito Junie. Halos yakapin niya ang kabaong. Kung may lakas lang siya ngayon ay baka buhati na niya 'yon at iuwi sa kanila.
We know na it's hard for him. Kung masakit para sa amin, mas masakit para sa kanya. Nawalan siya ng asawa. Knowing kung paano sila nagkakilala, kung paano nila ipinaglaban ang love nila for each other despite ng mga hadlang sa kanila.
"Hindi 'to totoo!" sigaw niya.
Walang ginawa si Tito Junie kundi isigaw ang sakit at bigat sa dibdib na nararamdaman niya. Hinang hina pa siya pero mas lalo siyang nanghihina dahil sa nangyayari. Hanggang sa hindi na niya kinaya. Bumagsak ang katawan niya sa sahig, nagpatuloy man ang pagtangis niya at pagtawag sa pangalan ni Tita Ericka ay ubos na ubos na ang lakas niya.
"Hindi ko 'to matatanggap," umiiyak na sabi niya sa kawalan.
Kinailangan ulit siyang dalhin sa hospital para ma-obserba siya ng mga Doctor. Pinahiran ko ang luha sa aking mga mata na patuloy pa din sa pagtulo.
Bakit kailangang mangyari 'to sa mga taong kagaya nila? Wala naman silang ginagawang masama. Hindi nila deserve ito.
"Sinong nagsabi kay Junie?" tanong ng isa sa mga nakakatandang Villaverde.
Natahimik ang lahat. Nagpapakiramdaman ang mga ito sa kung sino ang magsasalita at aamin.
"Ako," sagot ni Jacobus.
Nagulat ang lahat dahil sa pag-amin niyang 'yon kaya naman galit na lumapit sa kanya ang nakakatandang Villaverde. Mas lalong nagulat ang lahat sa sumunod nitong ginawa.
"Hindi ka nag-iisip. Paano kung napahamak ang Daddy mo?" galit na tanong niya kay Jacobus matapos niya itong sampalin.
Walang kahit anong naging reaksyon si Jacobus. Parang hindi nga din niya ininda ang sakit ng pagkakasampal sa kanya.
"Gusto mo bang pati ang Daddy niyo mawala sa inyo?" tanong niya dito.
"Tama na 'yan. Hindi kasalanan ng pamangkin ko na kailangang malaman ni Junie ang totoo," sagot ng isa sa mga nakakatandang San Miguel.
Hindi ako pamilyar sa mga ito, ni kahit kasi ang pamilya ni Tito Junie ay hindi din gaanong malapit sa mga relatives nila. Ang alam ko ay simula ng bumuo sila ng sarili nilang pamilya ay lumayo na sila sa mga ito. Masyado daw kasing magulo.
Dahil sa nangyaring 'yon ay nagsimula ng magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga San Miguel at Villaverde.
"Mas lalo lang gumugulo," sabi ni Calli sa akin.
Napatango na lamang ako. Hindi pa din maalis ang tingin ko kay Jacobus. Nag-aalala pa din ako sa kanya dahil sa pagkakasampal sa kanya.
"Kukuha ang ako ng drinks. Ikaw ano gusto mo?" tanong ko kay Calli.
Marahan lang siyang umiling. Tumayo ako para kumuha ng ma-iinom. Bago pa man ako makarating doon ay narinig ko na ang pag-uusap ng mga relatives nila mula sa San Miguel. Kasama doon ang nagsabing walang kasalanan si Jacobus.
"Duda akong ma-aalagaan pa ni Junie ang mga anak niya. Kung ako ang masusunod...dadalhin namin ang mga bata sa America."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro