Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Burol


Hindi kaagad ako nakapag-react sa narinig ko mula sa kanila. Sa huli ay napayakap na lamang din si Yaya Esme kay Calli at tsaka ulit sila nag-iyakan na dalawa. I can't relate, hindi ko alam kung paano 'yon ma-aabsorb ng utak ko. Hindi ko nga din sigurado kung matatanggap ko talaga ang balitang 'yon.

"T-that's not true..." sabi ko pa sa kanila kahit nasa harapan ko na ang bong pruweba dahil sa pag-iyak nilang dalawa.

They were about to hug me din sana para isali sa pag-iyak nilang dalawa nag pigilan ko sila. Hindi ko pa 'yon tinatanggap. Ayokong tanggapin ang sinabi nila.

"Nasa hospital sila ngayon...gusto mo bang sumama?" tanong ni Calli sa akin.

Habol ko ang aking hininga. Para bang natatakot ako, kinakabahan ako...dahil alam ko sa oras na pumunta ako sa hospital at makita nga ang katotohanan ay makukumpirma kong wala na nga si Tita Ericka.

"I'll go with you," matapang na sabi ko kay Calli.

Hindi pa nag-sisink in sa akin. Masyado pa akong in denial. Para bang umaasa pa akong sa oras na pumunta kami sa hospital ay muling magising si Tita Ericka at ipamukha ko sa kanila na non-sense ang pag-iyak nila because she's not dead.

"T-teka...baka naman mapagalitan ako ng mga magulang niyo pag hinyaan ko kayong pumunta doon," Yaya Esme said.

"Don't worry po...kami po ang bahala," Calli said.

I was about to say that also pero masyado na akong pre-occupied sa iba't ibang thoughts na pumapasok sa isip ko.

Naghihintay na sa labas ang driver nila Calli. Mukhang sinadya niya talaga pumuntahan ako dahil kung normal na araw lang 'to sa kanya ay halos kaya niyang lakarin lang ang bawat sulok ng Sta. Maria.

"What happened ba?" tanong ko.

Gusto ko an din umiyak dahil sa halo-halong nararamdaman. Pero nasa denial stage pa din ako, meron pa ding konting pag-asa sa akin na buhay si Tita Ericka pag pumunta namin don kahit halos isampal na sa akin ang katotohanan.

"They we're shot..." she said kaya naman mas lalo akong naguluhan.

"What do you mean? Sino pa?" kinakabahang tanong ko.

What if kasama si Jacobus? What if kasama ang buong family nila.

"Tito Junie is in critical condition. Tita Ericka was dead on arrival," she said pa.

Doon na na-trigger ang lahat ng brain cells ko. Hindi lang 'yon sampal na katotohanan, it's like every details and information ay kusa ng sinusuksok sa utak ko para lang paniwalain ako.

Nagsimula na ding tumulo ang aking masasagang luha. I felt guilty sa mga ginawa ko kay Jacobus, I felt guilty na nagalit ako sa kanya dahil hindi niya ako mabigyan ng oras gayong ganito pala kabigat ang sinasabi niyang problema nila.

"The San Miguel wants Tito Junie to run for the election..."

"Ha?"

"Kilala si Tito Junie sa buong Sta. Maria, he was asking for Tito Eroz support nga din because sino bang hindi din na kakakilala sa isang Herrer," pag-uumpisa niya.

"Sinuportahan siya ni Daddy, right?" tanong ko.

Nilingon ako ni Calli, sandali niya akong tiningnan bago siya mariin umiling.

"Alam ni Tito Eroz na delikado..." she said kaya naman mas lalong tumulo ang masasagang luha sa aking mga mata.

Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanan ng buong family namin sa kanila. I can't even imagine the pain we caused them.

"Kaya nga may tampuhan sina Tito. Alam mo bang halos mag-iisang buwan na silang hindi nagkiki-buan?" tanong niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko sa gulat. Halos mag-iisang buwan na din nung magsimulang mag-iba ang pakikitungo ni Jacobus sa akin. Doon na pala nagsimula ang mga problema ng family nila.

"Who did this?" tanong ko.

Sinong walang puso ang papatay para sa ganoon kababaw na dahilan?

"Wala ng San Miguel na nasa pwesto ngayon, sa oras na walang maka-upo sa darating na halalan kahit isa sa kanila ay magiging delikado ang distillery," kwento pa niya.

"Dahil lang don?" tanong ko, hindi ako makapaniwala.

"We can't say na dahil lang don, matagal ng may mga kaaway ang San Miguel. Some people want them out of this town," she said pa.

Lumaki si Calli sa Sta. Maria kaya naman hindi malabong alam niya ang lahat tungkol dito.

"But why?" na-iiyak na tanong ko.

Hindi naman masamang tao sina Tito Junie at Tita Ericka para gawin sa kanila 'yon. Hindi nila deserve 'yon.

"B-bakit sila pa?" tanong ko at hindi ko na din napigilan pang umiyak ng tuluyan.

Hindi na nakapagsalita pa si Calli, she hugged me na lang hanggang sa makarating kami sa hospital.

Mas naging doble ang bigat nang malaman kong si Tito Junie ay nasa kritikal din na kalagayan. Hindi ko ma-imagine kung paano ito iha-handle ni Jacobus.

Maraming tao sa labas ng hospital, looks like mga reporter silang na nagco-cover about elections. May mga pulis na din doon para pigilan sila.

Dumiretso kami kung nasaan ang operating room. Hanggang ngayon ay nasa loob pa din ng operating room si Tito Junie. Nasa labas ang relatives nila, mga Villaverde at San Miguel. Inisa-isa ko ang mga tao na nandon pero hindi ko nakita si Jacobus.

"Baka nasa kay Tita Ericka," Calli said.

"Puntahan mo," she said.

Nakaramdam ako gn takot, ayokong makita si Tita Ericka na wala ng buhay, hindi ko din alam kung paano haharapin si Jacobus after all the drama I caused him.

Sinamahan lang ako ni Calli sa hallway kung saan sa dulo non ay ang morgue. Bukod sa natatakot ako na makakita ng dead body ay hindi lang basta 'yon bangkay, it's my Tita Ericka.

"Natatakot ako," sumbong ko kay Calli.

"Bakit? Tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko din alam kung bakit ako natatakot, kung saan ako natatakot. Natatakot ako sa lahat, I don't want this feeling.

'Yon na ata ang pinakamatagal na paglakad, pinakamabibigat na hakbang na nagawa ko sa buong buhay ko. Sobrang bigat sa dibdib.

Hindi kami nagkamali ni Calli, nandoon nga si Jacobus. Nakatalikod siya sa aking gawi. Nakatayo sa gilid ng hospital bed kung nasaan si Tita Ericka, it's true. Ngayon nakikita na talaga ng dalawang mata ko na she's gone forever.

"Mommy..." rinig kong tawag ni Jacobus sa kanya.

Alam kong kinakausap niya si Tita Ericka pero hindi ko rinig ang lahat ng sinasabi niya. Kita din na umiiyak siya base na din sa paggalaw ng kanyang balikat.

Gusto kong lumapit sa kanya ang hug him. Gustong kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako for him. But I don't know how to express it.

Nanatili akong nakatayo doon, hinihintay kong matapos siya at lumingon. I don't want to interrupt him kung ano man ang sinasabi niya kay Tita Ericka.

Hanggang sa matapos na siya, nakita ko pa kung paano niya punasan ang luha sa kanyang mga mata. Nagbago bigla ang ekspresyon ng kanyang mukha when he saw me.

Inaasahan kong he'll be surprised dahil nandito ako, o ma-relieved man lang siya kahit papaano. But I guess that's too selfish to expect that kind of reaction from him.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin.

"I heard about the news," sagot ko sa kanya. Hindi matago sa boses kong kakagaling ko lang din sa pag-iyak.

Hindi siya nagsalita, sandali pang tumagal ang tingin niya sa akin bago siya marahang tumango na para bang suko na siya at hindi na makikipagtalo pa sa akin.

"Kukunin na si Mommy mamaya," he said.

Naglakad siya palapit sa akin. Gusto ko siyang yakapin pero his reaction and aura is not inviting. Like hindi ko pwedeng gawin 'yon. Hindi ko na pwedeng gawin 'yon.

"I'm sorry for your lost..."

Hindi siya umimik. Napayuko na lamang siya.

"Doon muna ako," he said.

Hindi klaro kung saan 'yon, basta ang alam ko lang ay kailangan na niyang umalis. Hindi din siya handa na makipag-usap pa.

Tinalikuran niya na ako, naka-ilang hakbang na din siya nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko at nagsalita na.

"Nandito lang ako. Nandito lang ako pagkailangan mo ako," sabi ko sa kanya.

Huminto siya sa paglalakad pero hindi na siya lumingon pa.

"Kinailangan din kita pero mas pinili mong hiwalayan ako. Iniwan mo ako nung mga panahong mas kailangan kita," he said kaya naman mas lalo akong nanlambot.

"Jacobus," tawag ko sa kanya.

Konti na lang ay ma-iiyak nanaman ako.

Napabuntong hininga siya. Napahilamos sa kanyang palad at marahang umiling na para bang sinasabi niya 'yon sa kanyang sarili.

"I'm sorry. Nadala lang ako, I don't want to blame anyone for this," he said.

"I-I'ts ok. May kasalanan ako sa 'yo..." sabi ko. Nakakaramdam ako ngayon ng sobrang guilt dahil sa mga nangyayari.

Nilingon niya na akong muli.

"It's not your fault if you felt betrayed and cheated on sa nakita mo sa bahay. Wala akong ginagawa para masaktan ka, pero hindi ko din pwedeng I-invalited yung nararamdaman mo. Isa lang ang masasabi ko...hindi ako nag-cheat at hindi ko magagawa sa 'yo 'yon," he said pa.

Mas lalong parang nadurog ang puso ko. Mas lalo kong na-feel na guilty ako sa bagay na hindi ko din alam. Tama naman siya, hindi ko din naman kasalanan kung na feel ko na nabastos ako sa nakita. Nasaktan ako doon at hindi ko 'yon nagustuhan. It's also forbidden to gaslight your own feelings.

Hindi na ako nakapagsalita pa, gusto ko pang pag-usapan ang tungkol sa amin. But I think it's too much for him already. Marami na siyang iniisip ngayon, hindi na tama na dumgadag pa ako.

"I'm sorry, Jacobus," sabi ko.

Hindi ko alam kung para saan 'yon. But I feel really sorry for him.

Tumango lang siya at muli akong tinalikuran para maglakad palayo sa akin. Habang pinapanuod ko kung paano siya maglakad palayo ay ramdam ko din na pagkatapos ng lahat ng 'to ay hindi na ulit magiging kagaya ng dati ang lahat.

Ramdam ko ngayon pa lang na lalayo na ulit si Jacobus sa akin kagaya ng dati.

Hindi naging madali para sa lahat ang nangyari. Nakaburol si Tita Ericka habang nasa hospital pa din si Tito Junie. Ang mga Villaverde at San Miguel ang umayos sa kaso, parte si Tita Tathi bilang isa sa mga abogado kaya naman alam din namin ang nangyayari.

Hindi lang ito basta away sa eleksyon at sa negosyo. Malalim ang pinanggalingan nito kaya naman mas madami ang naging involve.

"Mas magandang nasa poder ng mga Villaverde sina Jacobus at Elorie kesa sa mga San Miguel," rinig kong sabi ni Mommy habang nag-uusap sila ni Yaya Esme.

Ang nakababatang kapatid ni Jacobus na si Elorie ay dumaan sa ilang pagsusuri dahil sa natamong trauma sa nangyari sa parents nila. Kaya naman na-iintindihan naming lahat kung bakit ganoon na lamang din ang nangyayaring pagbabago kay Jacobus.

He's been reserved lately. Walang kinakausap na ibang tao bukod sa relatives niya. Even si Daddy ay hindi din makausap ng maayos. Mommy said na partly sinisisi ni Daddy ang sarili niya. Wala siya noong mga panahong kailangan siya ni Tito Junie.

"Hindi din ako pinapansin," Calli said.

Hindi ko na inalintana kung ilang araw na akong absent sa school. Naiintindihan naman 'yon nina Mommy at Daddy, hindi ko pa kayang bumalik ng Manila kung ganito ang sitwasyon dito sa Sta. Maria.

Araw-araw kaming nasa burol ni Tita Ericka, mula sa malayo ko lang din nakikita si Jacobus. Silang dalawa lang ni Elorie ang palaging magkasama, naka-upo sa may unahan at tahimik. Wala silang kinakausap kung walang lalapit sa kanila.

"I want to show him my support, pero baka hindi niya ako kailangan," sabi ko kay Calli.

"Ang mahalaga alam niyang nandito ka," sabi niya sa akin.

Nag-lunch na halos ang lahat pero hindi tumayo si Jacobus sa kinauupuan niya. Isa sa mga Tita nila ang tumawag kay Elorie para pakainin siya. Masyado pa siyang bata para danasin ang lahat ng ito.

"Hindi nanaman siya kumain," sabi ko kay Calli.

Kaya naman kahit alam kong hindi nanaman niya ako papansinin ay kumuha ako ng food para dalhin sana sa kanya. Nasa kalagitnaan ako ng paghahandan when I saw ang pagdating ni Diana with her family.

Sinundan ko siya ng tingin. Kay Jacobus kaagad siya dumiretso. Nagtagal ang tingin ko sa kanila when she hugged him kaagad.

"Wag mong pansinin..." Calli said.

Tumango ako sa kanya. Of course, this is not the right time para sa mga pagseselos ko.

Lumapit ako sa kanila dala ang plate na may lamang lunch.

"I'm here for you..." rinig kong sabi ni Diana.

Kagaya sa akin ay hindi umimik si Jacobus. Nag-angat silang dalawa ng tingin dahil sa pagdating ko.

"Hindi ka pa kumakain ng lunch," sabi ko kay Jacobus.

"Hindi ako gutom," sagot niya sa akin.

Masama ang tingin ni Diana sa akin, sinamaan ko din siya ng tingin. Sino ba siya para tingnan ako ng ganon?

"Ako na ang bahala dito," she said. She was about to grab the plate I prepared nang ilayo ko 'yon.

"Ako ang bahala dito," giit ko sa kanya.

Tumikhim si Jacobus. Mukhang hindi nagustuhan ang mga nangyayari.

"Hindi ako kakain. Hindi ako gutom," mariing sabi niya sa aming dalawa.

"O-ok..." marahang sagot ko.

Umalis ako doon dala ang pagkaing hawak ko. Nakita ko kung paano ngumisi si Diana na para bang she won something. I'm not here to compete with her.

Wala din namang competition na mangyayari dahil umpisa pa lang wala siyang laban sa akin.

"How about your studies?" tanong ni Daddy sa akin.

"Dito na po ako sa Sta. Maria mag-aaral," sabi ko sa kanya.

Ayaw niyang pumayag, pero buo na ang desisyon ko.

"Totoo?" tanong ni Calli sa kanya.

Sinabi ko din sa kanya ang nagign desisyon ko. Tumango ako bilang pagsangayon.

"Kung ayaw ni Jacobus na iwan ang Sta. Maria dito na lang din ako," sabi ko.

"Dito na lang din ako sa Sta. Maria, hindi ko na siya iiwanan," sabi ko pa. Hindi ko 'to pinag-isipan ng mabuti pero sigurado ako sa desisyon kong ito.

(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro