Chapter 25
Break
I froze for a moment, my mind, body, and even my soul can't even take it. Para bang kahit nakita na ng dalawang mga mata ko ay hindi ko pa din 'yon pinaniniwalaan. Ayaw kong paniwalaan.
Hindi magagawa ni Jacobus 'yon, namamalik mata lang ako, hindi siya 'yon. Hindi ganon si Jacobus, hindi gagawin ni Jacobus sa akin 'yon.
I'm still denying it dahil malaki ang tiwala ko sa kanya. Na para bang kung sasabihin niya sa akin ngayon na hindi totoo ang nakita ko ay maniniwala ako sa kanya. Sa ibang bagay siguro...pwede pa. But we're talking about betrayal...it's cheating. And cheating doesn't ring a bell, cheating is cheating and that's unacceptable.
I don't know what to do, gusto kong umalis na lang kaagad doon at umuwi sa amin. Nanghihina ang buong katawan ko, I don't have lakas ng loob na makipag-argue ngayon dahil baka umiyak lang ako dahil sa sama ng loob.
I was about to take a step away sa bahay nila nang matigilan ako. Walang mangyayari kung tatakbuhan ko 'to, I'll prolong lang my own agony kung magkukulong ako sa room ko at iiyak.
I am Gianneri Esmeree Eriza Montero Herrer, I'll stick to my principle. Isang beses na nag-cheat...break agad.
Naglakad ako pabalik sa kanila, ngayon sa front door na ako dumiretso. Ilang steps na lang ang layo ko doon nang bumukas ang pintuan. Lumabas doon si Diana na para bang she's the happiest girl in the word because she stole someone else's man.
Ang laki ng smile sa labi niya na para bang aabot 'yon sa mga mata niya. Maybe because she likes what they did sa loob, she likes the kiss huh?
Nakita niya ako kaya naman dahan dahang nawala ang ngiti sa labi niya. Saktong nagpakita na din si Jacobus sa kanyang likuran, nakangiti siya pero hindi kasing laki ng ngiti ng kasama niya. Alam ko kung kailan totoo at hindi ang ngiti niya, myabe ganon talaga pag love mo ang isang tao. Natututunan mo ang lahat sa kanya.
Kahit hindi siya magsalita ay alam mo kung anong nararamdaman niya, anong mood niya. The attachment is so strong na para bang kung masasaktan siya ngayon ay mararamdaman mo din 'yon.
Mula kay Diana ay nalipat ang tingin niya sa akin, I saw na nagulat pa siya sandali bago siya nakabawi.
"Gianneri," tawag niya sa akin.
Sasalubungin niya sana ako pero huminto na ako, ayokong magmukhang parang normal lang na pagkikita 'to.
"Kailan kayo umuwi? Hindi ka nagsabi..." sabi niya sa akin.
Tuluyan na siyang lumapit sa akin, he was about to hug me pero pinatigil ko siya. Ni hindi ko nga hinayaan na madikit ang kamay ko sa kanya because I know for a fact na this is the end of us. I'll stick to my principle kaya naman I will do the right thing.
"Don't go near me," seryosong sabi ko sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo, alam kong nagulat siya sa sinabi at sa inaakto ko ngayon.
"B-bakit?"
"I saw it."
Maiksi pa lang ang nasasabi ko pero parang iiyak na kaagad ko. 'Yon pa lang ang lumalabas sa bibig ko pero parang hindi na ulit ako makakapagsalita pa dahil sa kung anong nakabara sa lalamunan ko. Konting kalabit na lang ay para iiyak na ako.
"Ang alin?" tanong niya, naguguluhan pa din siya.
He can still manage na harapin ako ng maayos na para bang wala silang ginawang mali kanina.
Bakit? Dahil ba normal na 'yon sa kanila?
"You kissed her. You kissed the girl you told me not to worry about," diretsahang sabi ko sa kanya.
Mas lalo siyang naguluhan, kita ko 'yon sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"Gianneri...we're sorry," Diana said, she was about to take a step palapit sa akin nang pigilan ko siya.
"Sino ka nga ulit?" masungit na tanong ko sa kanya.
The Vera Montero inside me is acting up already.
Hindi nakapagsalita si Diana at napatigil na lang sa kinatatayuan niya.
"Gianneri mag-usap tayo," Jacobus said.
Marahan akong umuling. "Wala ng pag-uusapan. Wala ding need na explanation...you cheated on me," akusa ko sa kanya.
Doon na tumigas ang mukha niya, doon na siya nagpakita ng galit.
"Hindi ko 'yan ginawa, at hindi ko 'yan gagawin sa 'yo," giit niya sa akin.
"Nakita ko...you kissed her!"
Hindi ko na napigilan na tumaas ang boses ko dahil sa mataas na emotions. Kung nandito lang si Tita Vera ngayon ay nakita niyang ganito ako ay for sure she'll make sabunot na.
"Anong nakita mo? Sige nga..." hamon na tanong niya sa akin.
Habol ni Jacobus ang kanyang hininga na para bang kino-control din niya ang galit niya. Gusto niya ding controlin ang emosyon niya.
Mukhang marami pa siyang gustong sabihin pero nagawa niya pa munang lingonin si Diana.
"Diana you can leave, may pag-uusapan pa kami ng girlfriend ko," he said.
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Diana, and that's so nakaka-inis. Para bang kung makapag-alala siya ay handa na siyang maging susunod na girlfriend ni Jacobus.
I really hate girls like her na hindi marunong rumespeto sa kapwa ni babae. I really hate her for acting na ang bait bait niya at pag nag-react ako about her action ay ako pa ang magiging bad.
"Are you sure?" nag-aalaang tanong niya kay Jacobus.
Parang pumitik ang tenga ni Jacobus sa narinig niya, looks like he's irritated din sa ina-akto ng kaibigan.
"Yes, I'm sure. Can you please...we need our privacy," walang emosyon na sabi ni Jacobus sa kanya.
Napayuko si Diana at wala ng nagawa kundi ang tumakbo paalis doon. Matapos 'yon ay muli akong hinarap ni Jacobus, he was about to grab my hand para siguro papasukin ako sa loob pero hindi kaagad kong inilayo 'yon sa kanya.
"Sa loob tayo mag-usap," he said.
"Ayokong pumasok diyan kung saan kayo naghalikan," sabi ko sa kanya.
Napahilamos siya sa kanyang mukha, looks like he's so pagod na.
"Hindi kami naghalikan," giit niya.
"Ano ako bulag?"
"Gianneri, pumasok tayo sa loob...mag-uusap tayo," he said pero nagmamatigas na din ako.
"Ayoko," laban ko.
He was about to say a word pa sana pero inunahan ko na siya.
"Isang beses na mag-cheat uulit-ulitin...tama na," sabi ko sa kanya.
I'm serious about this.
"It's for the play, meron kaming play for a cause...kaya nga nandito ang lahat kanina para sa meeting."
Paliwanag pa niya kaya naman lalo akong natawa.
"Practice ng halikan? Ano, is this lokohan ba, Jacobus?" tanong ko sa kanya. Mas lalo akong na-inis.
"Hindi nga kami naghalikan..."
"Stop it. The fact na nakita ko kayong dalawa na kayo lang sa loob ng bahay niyo at ganoon ka-close...that's enough already. May girlfriend ka, sana man lang kahit nasa malayo ako inisip mo na hindi ko magugustuhan yung idea na 'yon," laban ko.
Hindi siya nakapagsalita, mukhang nakukuha din niya ang point ko.
"Paano kung ako 'yon? Paano kung malaman mo na meron akong kasamang classmate na lalaki at kami lang sa loob ng bahay...at ganon kami ka-close, nag p-practice ng halikan...sige nga!" laban ko pa din.
My reaction today is not acceptable. Lagot talaga ako kay Tita Vera.
Napabuntong hininga ulit siya. Kita ko ang pagod sa mukha niya, ramdam ko din 'yon sa boses niya. Mukha ngang hindi siya nakakatulog ng maayos.
"I'm not cheating on you, Gianneri..."
"Hindi lang ako makapag-explain ng maayos, hindi lang ako makapag-isip ng maayos...marami lang problema dito," marahang paliwanag niya.
Pero hindi 'yon rason para mag-cheat siya.
"Bawasan natin ang problema mo. Tutal naman everytime nanghihingi ako ng time sa 'yo...mukhang it's a burden for you. Na para bang dagdag lang ako sa responsibilities mo," pag-uumpisa ko.
Mariin siyang napapikit. Mukhang alam na niya kung saan papunta 'to.
"Hindi tayo maghihiwalay," he said pero umiling ako.
"I don't want to feel this way again. Na para bang nanlilimos lang ako palagi sa time mo, walang date every weekend...mabagal na replies, walang time palagi....palaging busy," paliwanag ko.
"I'm trying...kulang pa ba 'yon?" tanong niya sa akin.
"Hindi lang naman sa ating dalawa umiikot ang mundo, we also need space para magawa yung mga kailangan natin," paliwanag niya sa akin.
"Kaya nga magagawa mo na lahat ngayon...I'm breaking up with you, Jacobus."
"Hindi ako papayag," he said pero wala na siyang magagawa.
"Ayoko na," giit ko pa din sa kanya.
Tumalikod na ako bago pa niya makita na bumagsak ang tears sa mga mata ko. Tinawag pa niya ako pero hindi na ako nagpapigil.
I even sent a message na nagsasabing wag siya pupunta sa amin dahil baka malaman nila Daddy ang nangyari. I don't want to ruin our family's relationship dahil lang sa failed relationship naming dalawa.
Sigurong mas lalong magagalit si Daddy sa oras na malaman niya 'to. That's why I'm willing to take this a secret sa family namin.
I even blocked him sa mga social media accounts ko, even ang personal number niya ay ganoon din.
Parang hindi pa nagsi-sink in sa akin ang totoo, like pakiramdam ko simpleng tampuhan lang 'to at maya maya ay ayos na ulit kami. Pero hindi ganon, naghiwalay na talaga kami ni Jacobus.
Ayokong umuwi sa bahay, I don't want to go din kila Tita Vera. Na-realize ko na lang na dinala ako ng mga paa ko sa lugar na hindi ko inaasahan.
"Gianneri...buti at napadalawa ka," nakangiting bati sa akin ni Tita Tathi.
She even kissed me sa cheeks at niyakap niya din ako.
Nagpahanda kaagad siya ng makakain at pinatawag si Calli.
"Gusto mo dumiretso ka na lang sa kwarto niya," she suggested pero umiling ako.
"I'll wait na lang po here sa living room," sagot ko sa kanya.
Na-realize ko na ngayon ko lang siya nakausap ng matagal, ngayon lang din ako tumingin ng diretso sa kanyang mata. Inaamin kong hindi ako kumportable kay Tita Tathi dahil sa mga narinig ko noon. Alam ko namang she's nice.
Malaki ang ngiti ni Calli nang salubungin niya ako. Dahil ayaw namin sa may room niya ay pinahanda na lang ni Tita ang mga foods sa may garden nila.
Organized ang garden, ang sabi ay hands on daw si Tita Tathi doon. Maya mga malalaking figurines din ng mga dwrafs at si Snow white.
"I don't want to go home yet," sabi ko kay Calli.
Napansin din niya na kakagaling ko lang sa iyak. Alam kaagad niyang may problema ako.
"Break na kami," sabi ko.
"B-bakit?" tanong niya. I know na pareho kaming malapit ni Jacobus sa kanya, me being her cousin and si Jacobus na close friend niya.
Sinabi ko ang buong details kay Calli. Wala akong itinago sa kanya, maging ang mga paliwanag ni Jacobus ay ganoon din.
"What would you feel kung ikaw ang nasa position ko?" tanong ko sa kanya.
Hindi kaagad siya nakasagot. Looks like she's weighing din ang mga na-gathered niyang informations.
"I don't know. That's my stand sa cheating also."
"I'll try to talk to him para sa 'yo...pero hindi ako pabor sa nangyari. Humanda yan sa akin si Jacobus," she said.
Hindi na ako naka-imik pa. Naguguluhan pa din ako hanggang ngayon, hindi pa din ako makapag-isip ng maayos. Para bang I'm still lutang sa mga nangyayari. Ang sigurado lang ako ay I'm hurt sa nakita ko.
I'm disapponted dahil hindi ko 'yon nakitang mangyayari.
"Sobrang disappointed ako sa kanya," yon lang ang paulit-ulit kong sagot kay Calli sa tuwing tinatanong niya ako.
Jacobus even texted her, nagtatanong kung nandito daw ba ako dahil mukhang pumunta siya sa bahay, even nga din daw kay Tita Vera. Napapikit na lang ako ng mariin, sinabihan ko na siya. Magdududa sila Daddy. At baka kung ano pang nasabi niya don, siguradong magtatanong sila.
"Tell him tumigil na," sabi ko kay Calli.
Pinapabasa din niya sa akin ang mga chats ni Jacobus sa kanya. Tinatanong niya din ako kung anong isasagot ko. 'Yon lang din...tama na.
"Hindi titigil 'to. Alam ko, kasi patay na patay 'to sa 'yo," Calli said.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. I can't process anything pa.
Gabi na nang umuwi ako sa bahay. Hindi ko na lang din hinawakan ang phone ko. Tinago ko 'yon dahil sanay akong maghintay ng update mula sa kanya.
Sasaktan ko lang ang self ko. Ako naman ang nag-blocked sa kanya pero ngayon ako ang naghihintay ng update.
Gusto ko na lang matulog para makalimutan ang mga nafe-feel ko ngayon, na para bang umaasa ako na pag gising ko ay sana bukas maging maayos na.
Late na ako nakatulog, it's not even maayos dahil maya't maya ako nagigising. Maya't maya din akong iiyak, for sure magiging visible 'yon sa eyes ko kinabukasan.
"Ano bang problema?" tanong ni Yaya Esme sa akin.
Sa room na din ako nagpahatid ng breakfast kahit ang totoo ay wala naman akong gana. Kanina pa din ako nakatitig sa drawer kung saan ko tinago yung phone ko. Nate-tempt akong kuhanin 'yon at buksan kahit alam ko namang wala akong mababasang messages dahil naka-blocked na siya sa akin.
Hindi nagpakita sina Mommy at Daddy sa akin hanggang nung mag-lunch na. Nalaman ko na lang kay Yaya Esme na madilim pa lang ay umalis na sila para pumunta sa kung saan.
After lunch ay kumatok si Yaya Esme, I told her na matutulog ako at ayoko ng mirienda.
"Nandito si Calli," she said kaya naman napabangon kaagad ako.
Nagulat ako nang makita kong umiiyak si Yaya Esme, mukhang kagagaling lang din ni Calli sa iyak kaya naman bigla akong kinabahan sa kung anong pwede kong marinig mula sa kanila.
"What happened?"
Muling tumulo ang masasaganang luha sa kanilang mga mata.
"Wala na si Tita Ericka..." she said kaya naman para akong binuhusan ng malamig na tubig.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro