Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Distance

After that night ay wala namang masyadong nagbago sa routine namin ni Jacobus bukod sa mas na-feel ko ang pagiging distant niya sa akin. Sometimes nakakaramdam ako ng tampo everytime I notice na he's not focusing sa mga sinasabi ko sa kanya. Hindi na din kagaya ng dati na every chat na sini-send ko ay nirereplyan niya. Some of my chats na hindi niya napapansin ay kailangan ko pang i-bumped for him to notice it.

I felt like he's too pre-occupied of someone or something. Hindi ko din ma-intindihan because everytime I asked him about it ay sinasabi naman niya sa akin na walang problem.

"Where's the pag may problema pag-uusapan?" tanong ko kay Castaniel.

I told her about Jacobus being distant lately. Wala kasi si Prymer at Ate Kianna. Castaniel is a good listener naman pero ramdam ko na he likes Jacobus talaga para sa akin, palagi niya kasi itong pinagtatanggol against kay Prymer na medyo nega and basher ng lovelife.

Hindi siya nagsasalita, looks like hinahayaan muna niyang I-kwento ko ang lahat ng details bago siya magbigay ng opinion about it.

"Tell him na it bothers you na. Looks like he'll understand naman. Tell him what you feel, pag hindi niya pinansin ang concern mo...I think that the time na pwede mong isipin na may problem nga talaga kayo," Castaniel said with a point.

Inisip ko 'yon ng matagal. Kaya naman I decided na sabihin kay Jacobus that night ang nararamdaman ko. I just need to find a perfect timing. Kailangan ko munang I-condition ang conversation namin para naman hindi 'yon mag mukhang I'm starting an argument.

"If your concerns feels like your starting an argument with your boyfriend...may probelma talaga," Quinn said.

Sa sobrang pag-iisip ko ay pati sa kanya nasabi ko na. Para bang I need to hear din ang male's point of view kahit alam ko namang hindi lahat ay pare-pareho ng pag-iisip.

"Kung concern talaga sa 'yo ang boyfriend mo, hindi niya iisipin na nagsisimula ka ng pag-aawayan niyo."

"Or maybe may problem siya?" tanong ko.

Paano kung I need to widen my understanding in case he had a problem to deal with, or he's already dealing one.

Nagkibit balikat si Quinn. I'm thankful naman na iniiwasan niyang maging biased, seryoso niyang sinasagot ang mga tanong ko at nakikita kong malawak ang understanding niya when it comes to this kind of relationship issues.

"Ask him, hindi pwedeng mag-conclude in both sides. Hindi pwedeng isipin niya na walang problema, hindi naman pwedeng isipin mo na meron. Dapat palagi kayong mutual. Para hindi pagsimulan ng misunderstanding," sabi pa niya sa akin.

Buong araw nandoon ang isip ko kahit marami akong kailangang aralin. Gusto ko na ngang umuwi kaagad para maka-usap na si Jacobus. Gusto kong padaliin ang oras para mag-gabi na.

Mabilis ang lakad ko pagkababa ko sa sasakyan. Bumagal lang nang makita ko si Daddy sa may living room habang may kausap sa phone. I feel like it's not a normal na may kausap lang siya sa phone. Sa itsura kasi ni Daddy while he's talking with someone ay parang galit siya, na hindi naman normal.

Kahit gaano kasi ka-seryoso si Daddy sa business ay hindi ko siya nakitang ganoon ka seryoso at galit.

"Susubukan kong kausapin...ulit," madiing sabi niya sa pinakadulong salita.

He sounds pissed.

Nawala ang focus niya sa kausap when he saw me, sandali siyang nagpaalam don para salubungin ako. Humalik ako sa cheeks niya, he asked me about my day bago niya sinabi sa akin na magpahinga na para makapag dinner na after.

Tumango na lang ako pero nadoon pa din yung curiosity ko sa kausap ni Daddy. Parang may problema, I don't know.

Hindi online si Jacobus when I checked the messenger. I told him na lang na nasa bahay na ako, it was sent lang and not delivered.

Pinatawag na kami for dinner pero hindi pa din siya naka-online. I need to leave my phone sa room dahil ayaw ni Daddy ng gadgets sa dinning table.

"How about we'll talk to Ate Ericka?" rinig kong tanong ni Mommy kay Daddy.

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa may dining. Mukhang silang dalawa pa lang din ang tao sa loob.

"Sinabihan ko na si Junie tungkol don, hindi nakikinig. Ikakapahamak pa niya 'yan," sagot ni Daddy.

Natigilan ako dahil sa nadinig. Mukhang may family problem sina Tito Junie, ito din ba ang reason kung bakit parang wala si Jacobus sa sarili niya?

"It's Ate Ericka's family again? Hindi pa ba sila tapos about that? Ang lalaki na ng mga bata for them to still hold the galit sa kanila," sabi ni Mommy.

Stressed na si Daddy kanina, at pakiramdam ko mas na-stressed siya kay Mommy.

"Uuwi ako ng Sta. Maria bukas. Titingnan ko kung ano na ang lagay doon ngayon," Daddy said.

After that ay parang automatic na natigil ang paguusap nila about it. It's like the issue is a taboo.

"Declared na holiday ang Monday...it's a long weekend," Mommy said.

Pumalakpak ang kapatid kong si Gio, gustong gusto talaga niya pag walang pasok. Gusto ko din naman 'yon pero hindi naman na papalakpak pa ako at sisigaw na para bang he won the lottery.

"Saan niyo gustong mamasyal?" tanong ni Mommy sa amin.

Nakita kong bubwelo na si Gio para sabihin ang gusto niyang puntahan kaya naman inunahan ko na siya.

"Sta. Maria..." sagot ko.

Nakita ko kaagad ang kakaibang tingin ni Daddy sa akin, para bang hindi niya nagustuhan ang na-isip niya. He doesn't like the idea.

"What? Ang corny..." Gio said, very irritated na siya.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Nandoon si Ate Calli," sabi ko sa kanya naman nag-iba ang mood niya.

Konting push na lang sa kanya ay mukhang papayag na siya sa gusto kong mangyari.

"Tuturuan kang mag-volleyball..." sabi ko pa.

Ako naman ngayon ang gustong pumalakpak dahil pumayag na si Gio. Pero kahit naman hindi siya papayag ay ilalaban ko pa din na sa Sta. Maria kami mag-spend ng long weekend.

Nakatingin si Mommy sa akin na para bang she knows din ang pakay ko pero nagpapakita siya ng support. I saw it in her face.

"What about out of the country?" tanong ni Daddy na pareho naming ikinagulat ni Mommy.

Out of the country for a long weekend lang? Para bang he can moved mountains wag lang naming gustuhin na sa Sta. Maria mag-spend ng weekend.

"For 3 days lang? Like Europe ganon?" tanong ni Mommy sa kanya.

Looks like she's testing kung how far will Daddy go.

"Kung gusto niyo, why not?" he said in a very serious tone na para bang he's not joking talaga.

"As in?" Mommy said, she's nagugulat din.

"We can use the private plane...we can do that. Pag gusto, may paraan," he said in a very makahulugang tone.

"I'm fine with Sta. Maria..." sagot ni Mommy kaya naman tumango agad ako.

Europe sounds good but Sta. Maria is better for me...for now.

"Me too..." segunda ko.

"Me too, me too..." Si Gio with his annoying chants nanaman.

After ng dinner ay nakita kong online na si Jacobus. Naka-delivered na din ang messages ko pero hindi pa din siya nagrereply. Hindi din niya 'yon sini-seen pa.

I really felt neglected na. Yung tampo ko sa kanya these past few days ay na-iipon na ng sobra.

Tinitigan ko ang green na bilog sa gilid ng name niya stating that he's active now pero hindi man lang niya pinapansin ang messages ko. I know for a fact na nakita niya na ang notif pero pinili niyang wag muna pansinin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nag-reply sa message ko. He told me na naka-uwi na din siya at medyo busy siya because of school works.

Mabilis naman siya mag-reply sa mga messages ko pero I'm waiting sana sa video call pero walang video call na nangyari. Hindi ko na masyadong dinamdam 'yon at inisip na lang na mas maganda siguro kung personal kaming mag-usap.

I can't wait na tuloy na mag-long weekend na so we can talk na ng maayos.

Hindi ko sinabi kay Jacobus na uuwi kami ng Sta. Maria sa darating na weekend. Wala din naman kasi siyang plan na magkita kami sa Manila. Parang bigla ng hindi nag-eexist yung mga dates every weekend. Samantalang nung una ay sinabi niyang every weekend siya luluwas ng Manila para lang magkita kami.

"Oh, Gianneri...do you need anything?" tanong ni Mommy sa akin.

Sinadya ko siya sa may garden. Busy siya sa pag-aayos ng flower arrangements. Mas magandang kausapin siya ngayon habang wala si Daddy sa bahay. Medyo busy din kasi siya ngayon.

"Mommy, may problem po ba sina Tito Junie and Tita Ericka?" diretsahang tanong ko sa kanya.

Nagulat siya at first pero nakabawi din kaagad. Knowing si Mommy na hindi kayang magtago ng secret ay for sure makakakuha ako ng details kahit papaano.

"Uhm...I can't discuss it sa 'yo, love."

"I just want to know lang po kasi Jacobus is a bit different lately. I want to understand him..." sabi ko kay Mommy.

Kita ko kaagad ang gulat sa mukha niya, yung worry sa mukha niya ay visible.

"Oh, maybe he's affected din talaga sa family problem nila," she said and it's bingo.

Konting push na lang kay Mommy ay masasabi na niya.

"Mukha nga po, Mommy. I'm super worried na po," sabi ko pa.

Napanguso si Mommy at napabuntong hininga pa.

"Junie should know this. Na-aapektuhan na ang mga bata pati si Ate Eticka," Mommy said.

"W-why po?" tanong ko sa kanya.

Mommy was about to say a word pa sana nang biglang lumabas ang isa sa mga house helper namin para sabihin kay Mommy na may tawag siya sa phone.

Napabuntong hininga na lamang ako. Maybe I really need to discover it all by myself.

Dumating ang araw ng weekend kung saan uuwi na kami ng Sta. Maria. We're all busy para sa mga dadalhin. Galing na si Daddy doon at bumalik lang ng Manila para sunduin kami. Hindi na din niya nabanggit ang iba ko pang reason kung bakit pinili ko din na sa Sta. Maria mag-spend ng long weekend.

I know naman na alam niyang kaya gusto ko doon ay dahil kay Jacobus.

Medyo naging traffic papasok ng bocaue exit dahil na din sa dami ng uuwi ng Bulacan. Iyon na ata ang pinaka mahabang byahe na naranasan ko pa-uwi ng Sta. Maria.

"Mabuti naman at umuwi kayo dito," Yaya Esme said.

Akala daw kasi ni Yaya Esme ay mag out of town or aout of the country kami for the long weekend. Kaya naman she's nagulat nang malaman niyang uuwi kami dito.

"Yaya Esme," tawag ko sa kanya.

Nag-kiss ako sa cheeks niya at yumakap.

"Habang tumatagal mas lalao kang gumaganda," she said.

Sinabi nanaman niya na mana daw ako sa kanya. Kaming nila Mommy and Tita Vera. It's true naman kasi kahit at age na si Yaya Esme ay ang pretty pretty pa din niya.

Ang sabi ni Mommy ay magpahinga muna kami dahil baka napagod kami sa byahe. I took the oppurtunity after lunch na nagpapahinga silang lahat para makalabas ako. I'm not sure kung saan ko makikita ni Jacobus ngayon.

The last chat we had ay Good morning lang. Hindi ko din sinabi sa kanya ang mga plans ko for today dahil I want to surprise him na nandito ako.

Una akong pumunta sa may open field dahil naisip kong baka may training sila. May mga tao doon pero hindi nahagip ng mga mata ko si Jacobus. Naglakad ako palayo habang iniisip kung saan ko pa siya pwedeng mahanap. Hanggang sa naisip kong baka nasa bahay lang nila siya.

May ilang grupo na may pamilyar na mukha ang nakasalubong ko sa daan papunta kila Jacobus. Ang iba sa kanila ay mukhang nakita ko na noon.

"Na-iwan silang dalawa," rinig kong sabi ng isa sa kanila na halatang kinikilig pa.

Kumunot ang noo ko pero ipinagsawalang bahala ko na lamang at tumuloy kila Jacobus.

Parang walang tao sa bahay dahil tahimik. Bukas din ang gate kaya naman tumuloy na lang ako. Kung mapapagalitan man ako dahil bigla lang akong pumasok ay magso-sorry na lang ako.

"Tita Ericka?" tawag ko.

Karaniwan kasi ay siya palagi ang sumasalubong sa akin bago pa man ako makita ni Jacobus.

Naka-lock ang front door kaya naman naisip ko na sumilip sa may bintana. Wala nga akong nakita hanggang sa mapansin kong may dumaang anino papunta sa may dinning. Natakot ako nung una dahil baka multo 'yon, hanggang sa nilakasan ko ang loob ko at lumipat sa ibang bintana kung saan ko kita ang dining room.

Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil hindi multo ang nandoon. Pero napatulala ako when I saw kung paano hinalikan ni Jacobus si Diana.

Kaya pala he seems very distant lately. May iba na pala. Iba siguro talaga pag laging nakakasama.

(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro