Chapter 22
Against
Jacobus tried to call back matapos kong i-end ang call. Half of me wants to click the answer button but mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pride ko. I can't explain it, gusto kong maniwala sa kanya na ayoko. I trust him but not fully.
Nag-message siya na sagutin ko ang tawag pero i-seen it lang. The galit inside me is building up na para bang kahit ano pang ipaliwanag niya, lumipas man ang issue na 'to ngayong araw ay palagi ko na itong ib-bring up.
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko malabas ang galit kaya naman na-ipon na lang 'yon sa chest ko at iniyak ko na lang.
"Ngl? Pang-single lang 'yon," natatawang sabi ni Prymer sa amin.
I didn't tell them exactly kung ano ang naging pag-uusap namin ni Jacobus. They asked me kung anong nangyari but nagkibit balikat lamang ako.
"Tamlay ah..." puna pa niya sa akin.
Inirapan ko ang coffee na nasa harapan ko, ma-init pa 'yon kanina, ngayon parang iced coffee na siya.
"Wag mo na nga..." suway ni Castaniel sa kanya.
Hindi din niya mahanap ang tamang words para pagaanin ang loob ko. I don't know. Si Jacobus ang reason kung bakit mabigat ang kalooban ko ngayon, pero he is the one I want para pagaanin din 'to.
Kahit hindi ko sinasagot ang nilo-long press ko lang ang mga messages niya sa messenger ay hindi naman siya tumigil sa pag-u-update kagaya ng mga normal days.
Napansin ni Ate Kianna ang pagiging matamlay ko when she showed up, kagagaling niya lang sa isang tv commercial shoot at wala pang tulog.
"Ask Calli."
Tinawagan niya ulit si Calli at nag-video call, this time ay nasa field siya ay nanunuod ng practice. Naka braid ang buhok niya kaya naman kitang kita ang maliit na mukha ng pinsan ko.
"Who did your braide? Ang galing kahit short hair ka," my cousins said.
Napasapo na lang ako sa aking noo, kanina lang ay mas seryoso pa sila sa akin. After the girls talk ay napunta din naman ang usapan sa totoo nilang pakay.
"NGL? May ganon si Jacobus?" tanong ni Calli sa amin mula sa kabilang line.
Kahit siya ay parang hindi din makapaniwala. Kahit naman ako ganoon din ang naging reaction.
"Pero hindi na daw ginagamit," segunda pa ni Castaniel na mukha forever on Jacobus side.
Nasabi ko naman 'yon kanina sa kanila, hindi ko din naman kasi napigilan ang sarili ko at sinabi ko ang tungkol sa maliit na detalye ng mga napag-usapan namin.
"I don't think it's Jacobus, Gianneri..." marahang sabi ni Calli sa amin.
Natahimik ako, parang bigla akong nakaramdam ng guilt, the way kasi sabihin ni Calli 'yon ay para bang she's one hundred percent sure na hindi nga si Jacobus 'yon.
"Kilala ko si Jacobus..." she said pa.
Ang that hits me...'yon na nga, because limited lang ang time na magkasama kami palagi, sa chats and video call lang kami nag-uusap, there is still the pagdududa.
"Ganito, let's talk later...yung tayong dalawa lang," natatawang sabi niya.
Nag-reklamo ang mga pinsan namin pero tinawanan lang sila ni Calli.
"Pag hindi na clouded ang mind ni Gianneri. And I think wag niyo na siya kausapin tungkol diyan...let her figure it all out by herself," she said pa sa mga cousins namin.
Napanguso na lamang ang mga ito habang napangisi naman si Ate Kianna.
"Fave ko na siya," she said bago natawa.
Maybe we're a total opposite ni Calli. If she can trust someone hundred percent, ako hindi. I still have this trust issues because of the things na bata pa lang ay gumugulo na sa isip ko.
"Walang quiz pero parang sasabak ka sa gyera," puna ni Quinn sa akin.
Kararating lang niya sa classroom, ibinaba niya ang backpack sa may sahig at umupo kaagad sa tabi ko.
"Wala kang pake," matamlay na sabi ko. Kahit I tried sana na magtunog masungit 'yon ay nagtunog matamlay lang.
Tipid siyang natawa dahil sa naging reaction ko pero na-sense ko pa din ang pagiging concern niya sa akin.
"May announcement sa group chat, nakita kong hindi ka nag-seen kaya naman alam kong nandito ka," he said.
Kumunot ang noo ko. He's right, hindi ako nag-seen because nakapatay ang phone ko.
"Anong sabi?" tanong ko sa kanya.
"Bayad muna," he said habang nakalahad pa ang kamay.
Sinimangutan ko siya at pinalo ang kamay niyang nanghihingi ng bayad.
"Lagot ka, that's masama..." pananakot ko sa kanya.
Tuwang tuwa nanaman siya sa akin dahil na-aasar niya ako.
"Walang klase ngayon," he said na ikinagulat ko.
Nginuso niya ang iilan sa mga kaklase namin na nagre-review, ang ilan ay natutulog. Tumingin ako sa suot kong wrist watch at hindi na namalayan pa ang oras, kanina pa pala time pero hindi man lang nakalahati ang tao sa loob ng classroom namin.
"Layo na kasi ng narating mo. Ikaw ang unang taong nakarating sa Mars na hindi sakay ng spaceship," sabi nanaman niya. Kung ano-ano na lang talaga ang pinagsasabi.
Hindi pa ako nakakapag-react sa mga pinagsasabi niya nang magulat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko para hilahin ako patayo.
"Ikaw naman ang ililibre ko ng icecream," he said.
Hindi na ako nakatanggi pa at tuluyan ng nagpahila sa kanya papunta sa binilhan namin ng icecream.
"Magka-away nanaman kayo ng boyfriend mo na nasa ibang planeta," nakangising sabi niya.
"Ano kala mo sa boyfriend ko, Alien?" tanong ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Ano bang problema?" tanong niya sa akin.
Naka-upo na kami ngayon sa isa sa mga bench sa may open field. May ilang mga nagp-practice ng football kaya naman nalilibang din ako kahit papaano.
"You're so chismoso," sita ko sa kanya.
"Gusto ko lang malaman para naman alam ko kung paano ka tutulungan," he said.
"Bakit mo naman ako tutulungan?" tanong ko sa kanya.
I don't think it' necessary, at that's bawal.
"We're friends," he said kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.
"Who told you na friends tayo?" tanong ko sa kanya.
Tumawa siya bago siya sumubo ng icecream. Ang lalaki ng subo niya na para bang hindi siya nangingilo.
"Basta friends tayo," laban niya sa akin.
"Mukha mo," sita ko sa kanya.
Kahit anong ginawang pangungulit ni Quinn sa akin para sabihin sa kanya ang tungkol sa problema namin ni Jacobus ay nanatili akong tikom ang bibig. Galit lang ako at nagtatamapo, pero malaki ang respeto ko kay Jacobus at sa relationship na meron kami.
"Pag-usapan niyo. Maayos ba 'to kung iiwasan mo siya?" Tanong ni Calli sa akin.
Akala ko ay she's just joking lang when she said na kakausapin niya ako na kaming dalawa lang. Tumawag kaagad siya sa akin pagka-uwi ko ng bahay. Hindi naman nag-notif ang mga messages ni Jacobus dahil napindot ng attitude ko ang restrict button para sa chats niya.
"What should I do?" tanong ko kay Calli.
Wala na kasi akong alam na pwede kong sabihin, hindi ko na din ma-intindihan.
"Pag-usapan niyong mabuti, hindi maaayos 'to kung ganyan, Gianneri..."
Kumunot ang noo ko, bakit parang may experience na siya sa ganito?
Ngumisi siya when she saw may nagtataka na face.
"Let's just say na we're on the same shoe..."
"Like LDR?" gulat na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot, tipid niya lang akong nginitian.
Dahil sa mga sinabi ni Calli ay inalis ko na si Jacobus sa mga naka-restrict ko. Ang iba kasing nandoon ay mga dating schoolmates na makulit.
"Ok ka na? Pwede na tayong mag-usap?" tanong niya sa akin.
The moment na si-neen ko ang mga messages niya at nakita na niyang online ako ay tumawag siya kaagad.
Hindi ako tumingin sa kanya, kunwari kong inaabala ang sarili ko sa pagdo-doodle sa notebook ko.
"Makikinig ka na?" Tanong niya sa akin.
Sandali lang akong sumulyap sa kanya at tipid na tumango. Pagkatapos no'n ay muli akong nagkunwari na nagsusulat.
"Pwede na tayo mag-usap?" tanong ulit niya. Kanina ko pa 'yon sinasagot pero mukhang may iba pa siyang gustong mangyari.
"Oo, kanina pa..."
"Can you focus on me now?" tanong niya. Marahan, kontrolado niya ang emosyon niya kahit alam kong hindi niya nagustuhan ang pagbabaliwala at hindi ko pagpansin sa kanya buong araw.
Binitawan ko ang ginagawa ko at nag-focus sa pag-uusap namin kagaya ng gusto niya.
"Hindi ko nagustuhan na buong araw mo akong hindi kina-usap...wala naman akong sinabing hindi ako magpapaliwanag. Lahat din naman ng itanong mo sasagutin ko," pag-uumpisa niya.
Alam ko ng ganito ang mangyayari.
"Alam mo namang mag-request ka lang sa akin gagawin ko. Pero kailangan bang ganon na hindi mo ako papansinin?" tanong niya sa akin.
Seryoso siya at marahan magsalita. Malayo sa Jacobus na masungit, straight to the point, at masakit magsalita minsan.
"Because I'm not yet ready. If pipilitin kong makipag-usap sayo...baka kung ano lang ang masabi ko," pag-amin ko sa kanya.
Marahan siyang tumango. Napahilamos sa kanyang mukha at muling tumingin ng diretso sa akin kahit nasa screen lang kami.
"I understand. Pero wag mo na uulitin 'yon pag may misunderstanding tayo...hangga't maaari sana," sabi pa niya.
Wala akong nagawa kundi ang tumango.
"Tingnan mo, pinalipas mo ang halos isang buong araw na hindi tayo nag-uusap dahil lang sa simpleng misunderstanding na 'yan," sabi pa niya sa akin na kaagad kong pinutol.
"Simple lang para sa'yo, pero iba ang epekto no'n sa akin," paliwanag ko sa kanya.
Muli kaagad siyang napatango.
"I'm sorry."
"Hindi ko na ginagamit yung account ko na 'yon. Matagal na 'yong nakadownload sa phone ko. Napagkatuwaan lang ng mga kaibigan ko dahil inaasar namin yung isa sa member ng badminton team," pag-uumpisa niya.
"Lalaki 'yon. Isang beses ko lang ginamit. Pagkatapos no'n wala na," he said pa.
He looks sincere and nagsasabi ng totoo. Nag-melt kaagad yung tampo and galit ko.
"E, bakit naka download pa?" tanong ko pa.
"Hindi ko na nga napansin na meron pa akong ganoong app. Kung hindi mo tinanong sa akin kagabi hindi ko ma-aalala," sagot niya.
Hindi pa din ako nagsalita. Napansin niya 'yon kaya naman muli siyang nagpaliwanag.
"Bukas ibibigay ko sa 'yo ang phone ko, ikaw mismo ang magdelete ng mga app na gusto mo," he said kaya naman napa-awang ang bibig ko.
"I won't do that naman. It's not healthy..." sabi ko pa.
"Kung iyon ang makapagbigay ng peace of mind sa girlfriend ko, bakit hindi?" tanong niya sa akin.
"Para hindi ka na din tinotoyo...at hindi mo na ako inaaway," pahabol pa niya.
"I'm not tinotoyo at nang-aaway," laban ko pero inirapan niya pa ako bago siya tipid na tumawa.
"Na-miss kita ah," he said kaya naman nagsitayuan ang balahibo sa buong body ko. Ramdam ko din ang pag-init ng buong face ko. Siguradong namumula na ang face ko.
"Magkikita na ulit tayo bukas," sabi pa niya sa akin.
Marahan akong tumango.
"Ano bang gustong malaman ng toyoin kong girlfriend?" tanong niya halatang nang-aasar pa.
"Anong tawag mo kay Diana?" tanong ko.
"Diana," sagot niya sa akin.
"Bakit tinawag mo siyang D, nung magkausap tayo?"
"Hindi ko siya tinatawag na ganon. At nagmukhang ganon lang dahil pinutol mo yung sasabihin ko," sabi pa niya sa akin.
Dahil sa mga paliwanag ni Jacobus ay unti-unti ding gumaan ang loob ko.
"I'm sorry din," sabi ko na kaagad namang tinanggap ni Jacobus.
"It's ok. Normal ang 't sa mga relationship. Wag lang ma-uulit na hindi natin pag-uusapan agad."
After ng ilan pang paliwanagan ay napag-usapan naman namin ang tungkol sa magiging date namin bukas.
Tutuloy kami sa intramuros since napuntahan na namin ang mga museum. Excited kaagad ako kahit pa sinabi sa akin ni Jacobus na medyo ma-aarawan kami bukas.
Naging maayos kaagad kaming dalawa after that na para bang hindi kami nag-away. Maaga akong gumising kinaumagahan, ganoon ako palagi sa tuwing naghahanda ako sa pagkikita namin.
"Sabado may pasok?" tanong ni Daddy sa akin.
Nagulat ako dahil siya kaagad ang sumalubong sa akin. Nilingon ko ang daan papunta sa dinning room namin para sana humiling na lumabas doon si Mommy para matulungan niya ako.
"Saan ang punta mo, sa school?" tanong pa ulit ni Daddy sa akin. That moment alam kong hinuhuli na niya ako.
"May lakad lang po, Daddy. Pupunta ako sa intramuros," pag-amin ko sa kanya.
I think it's time.
"With?"
"With...with..."
"With her classmates," sabat ni Mommy.
Ito na yung kanina ko pang hinihintay na scene pero parang hindi ako naging masaya sa nangyari. Para bang I need to do something.
"No, Mom..."
Dahil sa ginawa kong pagtanggi ay tumingin na silang dalawa sa akin.
"Kasama ko po si Jacobus," pag-amin ko.
"Si Jacobus? Nasa Sta. Maria si Jacobus," giit ni Daddy.
Para bang hindi siya makapaniwala. Ayaw niyang maniwala.
"Daddy..."
"Ano, Gianneri?" seryosong tanong niya sa akin.
"Kami na po ni Jacobus. Boyfriend ko na po siya," sabi ko sa kanya.
Kita ko kaagad ang pagbabago ng kanyang mood.
"Niligawan ka ba ng batang 'yon?" tanong niya sa akin.
"Y-Yes po..."
"Gaano katagal?" tanong niya.
"It's not matagal but he's serious po sa akin," laban ko.
"I'm against this," he said na ikinagulat ko.
"Eroz..." tawag ni Mommy sa kanya.
"I'll talk to Jacobus," sabi pa niya kaya naman pinigilan ko kaagad siya.
"I love him," sabi ko sa kanila.
Napatigil si Daddy at seryosong tumingin sa akin.
"You're too young to say that."
"Bakit kayo ni Mommy?" tanong ko. Alam na alam ko ang tungkol sa kwento nila.
"Ayokong masaktan ka Gianneri,"sabi ni Daddy in a very mahinahon and punong puno ng care.
"You're hurting me now," giit ko sa kanya bago ko sila tinalikuran para umalis na.
They tried to call me pa pero hindi na ako lumingon pa.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro