Chapter 19
Quinn
"Good morning, Mommy..." bati ko kay Mommy at lumapit sa kanya to kiss her sa kanyang cheeks.
Nasa likuran ko pa din si Jacobus. He keeps on smiling pa din na para bang may kalokohan pa siyang gustong sabihin sa akin pero he needs to keep it lang muna para sa sarili niya.
Gio is busy with Calli. Looks like gusto ng brother ko ang presence niya. I'm about to feel like nagseselos pa sana pero Gio naman is such a bully baby boy kaya hindi na natuloy ang selos ko. If he wants his Ate Calli more than me...humanda siya sa akin later.
"Umupo na kayo so we can eat breakfast na," Mommy said.
After niyang tumingin sa akin ay nakita ko kung paano siya lumingon kay Jacobus. After that ay bumalik ulit 'yon sa akin then nagtaas siya ng eyebrows na para bang inaasar pa niya ako. Napanguso ako dahil sa ginawa ni Mommy pero nag-smile lang siya sa akin.
Minsan si Mommy a bit bully din e.
"Kamusta ang studies niyo? I miss Sta. Maria na din," kwento niya sa amin.
Wala pa si Daddy sa dinning kaya naman nagkipag-chikahan muna kami kay Mommy. Everytime she talks to us kasi ay parang hindi talaga nalalayo ang age namin sa kanya. She has this kind of aura na she can blend talaga sa kahit anong ages.
"Ayos lang po sa school, Tita," Calli answered.
Nilingon ko si Mommy matamis ang ngiti niya kay Calli. Everything is fine naman talaga, ako lang 'tong nag-iisip ng bad sa mga bagay-bagay.
After kay Calli ay si Jacobus naman ang tinanong niya.
"You're so matalino siguro talaga. You're the president of your school org?" na-aamaze na tanong ni Mommy sa kanya.
Ngumiti lang si Jacobus at napahawak sa kanyang batok na para bang he's shy pa because of the pagpuri ni Mommy sa kanya.
"Buti you can balance school and personal you know..." Mommy said at bahagya pang sumulyap sa akin na para bang she knows something na kaagad.
Even si Calli ay natawa while looking at me na para bang she knows na din na me and Jacobus is already in a relationship na.
"Kayang kaya naman po, Tita. Basta gusto mo po yung isang bagay wala naman pong rason para hindi kayanin," he said pa.
Kulang na lang isiwalat na niya ang katotohanan. And kung mangyayari man 'yon ay hindi ko naman siya pipigilan. I know naman na no one deserves na itago. Pero hindi ko naman siya itatanggi we're just lowkey.
"Very true," sabi ni Mommy while may pa-slow clap pang kasama and ang sunod sunod na pagtango.
The breakfast went well kahit pa nung dumating si Daddy. It's just that ang gaan sa feeling because he's game sa mga kwentuhan, and hindi siya masungit kay Jacobus this time. Maybe because ayaw ni Daddy maging grumpy sa morning kasi pag ganon, buong araw kang magiging grumpy.
After ng breakfast ay sinabi ni Daddy na they need to go na because may lunch meeting pa siya with Tito Junie sa Sta. Maria.
"Why it's so madaya kasama si Gio?" tanong ko kay Daddy.
Natawa siya nang maging siya ay nakita kung paano mag-make face si Gio sa akin at dumila pa because of pang-aasar.
"Wala siyang pasok bukas," Daddy said.
"That's kalokohan. Sinong student ang walang pasok ng Monday?" tanong ko sa kapatid ko.
Tinuro niya ang kanyang sarili. "Edi, Ako..." he proudly said.
Tinawanan kami ni Daddy. Sometime he's sweet but most of the time medyo bully din talaga ang brother ko. Nahawa na ata siya sa bestfriend niyang si Primo. Super bully din kasi ang isang 'yon.
"Let's go na, ihahatid ko na kayo sa car," Mommy said.
Sapilitan niyang hinila si Daddy at Gio palabas. Hindi nagpatalo si Gio at hinila kaagad ang kamay ni Calli para makasama sa kanila.
"Ate Calli," tawag niya dito.
Tumawa si Calli at nagpahila din naman sa kapatid ko. That's the reason kaya na-iwan kaming dalawa ni Jacobus.
"Boto sa akin si Tita," he said kaya naman nilingon ko siya.
"Paano mo nasabi?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Feeling ko, e."
"Feelingero..." pang-aasar ko sa kanya.
"Boto 'yon sa akin. Mabait ako at gwapo pa," sabi niya. Here comes his Tito Junie genes acting up again.
"Talagang dapat mabait while malayo sa isa't isa."
"Opo," maiksing sagot niya pero the impact is so malakas.
"See you again sa weekend," sabi niya sa akin and doon ko naramdaman na we're about to eneter the Ldr again.
"See you sa weekend," sagot ko sa kanya. I can't hide the sadness sa voice ko.
"Oh, wag ng malungkot. Ilang araw lang 'yon," suway niya sa akin.
Marahan akong tumango. "Tama, ilang tulog lang 'yon," sabi ko pa kaya naman ngumiti siya sa akin.
"We'll call and i'll message you every now and then," paninigurado niya sa akin.
"Me too..."
"Siguraduhin mo lang," pang-aasar niya sa akin.
He kissed me sa ulo ng mabilisan lang. After that ay napalingon ako sa paligid. Clear naman ang lahat kaya naman I took that oppurtunity na i-kiss sana siya sa cheeks pero sa iba 'yon tumama.
Nagkaroon tuloy kami ng smack sa lips dahil sa ginawa ko. Nagulat kaming pareho pero sa huli ay matamis na ngumiti si Jacobus.
"Mas gusto ko 'yon," pang-aasar pa niya sa akin.
We waved goodbye. And mas lalo akong na-sad dahil hindi ako pwedeng sumama sa kanila papunta ng Sta. Maria.
"Bye, Ate..." pang-aasar ni Gio sa akin.
Kahit umaandar na ang car palabas ng gate ay nagawa pa niyang dumungaw sa window para kumaway sa akin.
"Epal mo!" sita ko sa kanya pero mas lalo niya lang akong tinatawanan.
"Mommy," reklamo ko nang marinig kong even siya ay natatawa din sa pang-aasar nito sa akin.
Halos 1 hour and a half lang ang naging byahe nila. Naka-received na kasi ako kaagad ng message from him na nasa house na siya. He'll take a shower daw muna sandali bago siya magsimulang magbasa na para sa mga exams niya para bukas.
While Jacobus is busy with his stuffs ay naging busy din ako sa group chat namin ng mga cousins ko. Niyayaya kami ni Ate Kianna na mag brunch dahil kakagising niya lang.
"I'm done na with my breakfast," sabi ko sa kanila.
"Edi kumain ulit," Prymer said.
Hindi na sila nakuntento sa chatting dahil they started a group videocall na.
"Where ba? Hindi pa ako nakapag-shower," giit ko.
"Hindi kailangang bagong ligo pagkakain ng breakfast," giit pa ni Prymer.
Sa huli ay wala akong nagawa when Ate Kianna said na isa-isa niya kaming susunduin gamit ang kanyang artista van.
"They want daw to have a brunch sa resto sa labas ng subdivision," sabi ko kay Jacobus.
Tatawag sana siya and magvi-video call habang nagrereview kaming pareho.
"Sige, mamaya na lang ako tatawag. Meet your cousins first," he said pa.
Prymer is just wearing a white oversized tees na pinangtulog niya. Naramdaman kaagad namin ang tingin ng mga tao sa amin pagpasok namin sa resto because kasama namin si Ate Kianna.
"Kayo na?" tanong ni Castaniel.
Marahan akong tumango.
"Naunahan mo pa ako?" nakangising sabi ni Ate Kianna.
But after that ay sinabi nila sa akin na happy sila for me. At dahil don ay libre ni Ate Kianna ang brunch namin today. E, kahit wala naman okasyon basta kasama namin siya libre niya lahat.
"Calli's with someone pala e," she said pa.
"Really? Taga saang school?" tanong pa ni Castaniel.
"Manila din, hindi ko na tinanong yung school pero Marine student," she said pa.
"Edi, wala talaga problem with the selosan," Castaniel said at tumingin sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Si Gianneri lang naman nag-iisip ng ganon," sabi pa ni Prymer.
"Hindi naman masyado," laban ko pero hindi nila tinanggap.
"It's normal lang...mararanasa niyo din 'yan pag nasa relationship na kayo," sabi pa ni Ate Kianna.
"Ako hindi," giit ni Prymer.
"Anong hindi?" mapanghamon na tanong ni Castaniel sa kanya.
"Never akong magseselos," she said proudly na para bang sure na sure siya.
Naputol ang pag-uusap namin nang lumapit si Larson para may sabihin kay Ate Kianna. Nilingon ko si Prymer at nakita ko kung paano parang naging glue ang mata niya sa dalawa.
Hindi pala magseselos ah.
After that brunch ay umuwi na din kami. May pasok bukas and some of us ay may exams din. I told Jacobus na nasa bahay na ako. Tinanong niya ako kung pwede siyang tumawag, when I said na pwede ay kaagad na nag-ring ang phone ko.
Busy siya sa pagre-review habang nakatapat ang phone niya sa study table niya. Ganoon din ang ginawa ko, kahit naka-video call ay hindi naman kami parehong nawawala sa focus. We set pa din a healthy study habit kahit ganoon ang ginagawa namin madalas.
"Wow, ang fresh parang hindi stress sa studies at love life, ah..." puna ni Castaniel sa akin.
"Nakaka-stressed ang studies...ang lovelife hindi naman," sagot ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay at ngumisi din after. "Good for you," she said.
Siya lang ang kasabay kong mag lunch ngayon dahil iba ang schedule ni Prymer at Ate Kianna. Wala na ako halos ibang friend pa sa school o kahit friend na classmates dahil kuntento na ako na ang mga kabarkada ko ay cousins ko.
For the first time since naging kami ni Jacobus ay dumating yung araw na halos hindi siya nag-online and nag-update sa akin. At first ay hinayaan ko lang since hindi naman araw-araw same lang ang routine naming dalawa.
"Kanina ka pa silip ng silip sa phone mo, ah..." puna ni Castaniel sa akin.
Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na kaagad si Prymer.
"Sa umpisa lang talaga consistent ang mga lalaki," she said na akala mo may karanasan na siya sa relationship.
"How mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat siya bago siya sumimsim sa iced coffee na iniinom niya.
"Good afternoon, Ladies..."
"Walang good afternoon sa presencya mo," salubong ni Prymer sa kanya.
Tumawa si Cassius Dela Rama dahil sa pagsusungit ng pinsan ko sa kanya. Para talaga silang aso't pusa na dalawa sa tuwing magkikita sila. Para bang hindi sila pwedeng ma-iwan na sila lang dahil paniguradong magsusuntukan sila.
Mula kay Cassius ay lumipat ang tingin ko sa lalaking kasama niya. Napansin niya ang pagtingin ko sa kanya kaya naman nilingon niya sa ako.
Hindi naman ako nakaramdam ng kahit anong hiya eventhough nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Bakit naman ako mahihiya, e there's no malisya naman sa tingin ko sa kanya.
"Bago lang siya dito, malayong kamag-anak galing Australia," pagpapakilala ni Cassius sa lalaking kasama niya.
Kaya naman pala he's bago din sa paningin ko. First time ko lang siyang makita dito sa campus. First time din na makita kong kasama siya ni Cassius.
"Oh, may kamag-anak naman pala kayong may itsura, e. Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Prymer sa kanya.
Prymer is right ang sinasabing malayong kamag-anak ni Cassius ay hindi nalalayo sa mga kagaya niyang sikat sa campus, pasok sa campus crush itong kasama niya.
"Quinn Montgomery...I want you to meet the Herrer's," sabi niya sa kasama at isa-isa niyang sinabi dito ang mga pangalan namin.
Tipid na ngumiti at bahagyang kumaway lang ang mga pinsan ko sa kanya. Ganoon na lang din ang ginawa ko at pagkatapos ay nag-iwas na din ng tingin sa kanya.
Halos magkasing height sila ni Cassius. Same aura but he's more darker. Maganda din ang built ng katawan, mukhang he's into sports din.
"Magiging classmate mo siya Gianneri," sabi ni Cassius sa akin.
Nagtaas lang ako ng kilay, wala namang nagtatanong.
"Mas maganda sana kung maging close kayo para naman may maging kaibigan na siya dito," sabi pa ni Cassius na pwede ng decision maker.
"Decisionality ka boy! Hindi basta-basta nakikipag kaibigan si Gianneri no," sita ni Prymer sa kanya.
Nilingon siya ni Cassius. "E, bakit ba palagi kang nasabat?" natatawang tanong ni Cassius dito.
Nag-umpisa nanaman silang magbangayan, napa-iling na lang kami ni Castaniel. Napabuntong hininga ako at muling nilingon ang phone kong kanina pang umaga walang update galing kay Jacobus.
Maybe he's too busy lang sa school. Busy din naman ako, it's just that...I can manage my time lang talaga siguro.
"Naku, layuan mo yung Quinn na 'yon. Kamag-anak ni Cassius 'yon meaning ka-ugali," she said na para bang gusto na niyang tirisin si Cassius sa isip niya.
"Hindi ko 'yon lalapitan," laban ko din at paninindigan.
But kinain ko lahat ng sinabi ko sa sumunod naming subject ay naging kaklase ko na nga talaga siya.
"May naka-upo?" tanong niya tukoy sa upuan sa tabi ko.
Marahan akong umiling. Wala naman talaga akong katabi most of the time. Upuan talaga dapat 'yon ng bag ko.
"Gianneri, right?" pagtatama niya.
"Y-yup..." sagot ko na lang.
Kanina ko pa din pinaglalaruan ang phone sa kamay ko. Pinapa-ikot ikot ko 'yon while umaasa akong magkakaroon ng notif galing kay Jacobus pero kagaya kanina ay wala pa din.
"Waiting for someone's message?" tanong niya sa akin.
Hindi ko napigilang umirap sa kanya.
"What's your name again?" tanong ko sa kanya.
Inilahad niya ang kamay niya na para bang he's ready na magpakilala ulit pero tiningnan ko lang 'yon.
"Akala ko chismoso," sabi ko talking about his name.
Tumawa siya kaya naman lumabas ang dimples niya.
"You know what...I like you already," he said kaya naman napa-ayos ako ng upo at kaagad na nagbigay ng distansya.
"May boyfriend ako," giit ko kaagad.
Lumingon siya sa paligid na para bang hinahanap niya.
"Nandito ba?" tanong niya sa akin.
"LDR kami," pagbibida ko.
Mas lalo siyang natawa.
"Kalokohan," sabi pa niya na para bang hindi siya naniniwala sa ganon.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro