Chapter 17
Hugged
I don't really know what to feel. We're official now and that is something na we should celebrate.
"Ang laki ng condo niyo," puna ko.
Eventhough nakakita na ako ng mas malaki pa doon, our family is into real estate kaya naman nakakita na ako ng iba't ibang klase ng condo unit.
Ngumisi si Jacobus. "Wala 'to sa mga condo na meron kayo," he said.
Hindi ko tinanggi and I didn't confirm either. Bawal mag-lie kaya naman I'll just shut my mouth.
"You'll stay here sana kung sa Manila ka nag-aral?" tanong ko kahit it's halata naman. Marahang tumango si Jacobus bilang sagot sa aking tanong sa kanya.
"Ngayon palagi na akong pupunta dito," he said kaya naman kumunot ang noo ko because of pagtataka.
"Why?"
"Tuwing weekends kung kakayanin," he said na ikinalaki ng aking mga mata.
"You'll go here?"
Nagtaas siya ng dalawang kilay with ngisi for confirmation.
"Gusto mo 'yon?" tanong niya sa akin.
Walang pagdadalawang isip akong tumango bilang sagot.
"Of course I like that. I like that so much..." sagot ko na para bang kinikilig pa, para bang excited na kaagad ako para sa susunod na sabado kahit sabado pa ngayon.
Lumaki ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Naka-upo siya sa armrest ng sofa na kita ang buong view ng city.
"Halika," yaya niya sa akin at naglahad pa ng kamay para lumapit ako sa kanya.
Being an obidient girlfriend ay naglakad ako palapit sa kanya. I stopped lang sa harapan niya and tumingin din sa view ng buong city.
"Dito..." turo niya sa lap niya.
Sinamaan ko siya ng tingin pero lalo siyang natawa.
"Bakit?" inosenteng tanong niya sa akin.
The way he asked that ay para bang ako ang nag-iisip ng malice sa gusto niyang mangyari. Hindi pa din ako sumagot sa tanong niya na bakit kaya naman siya na ang sumagot.
"Bawal ko bang kandungin ang girlfriend ko?" tanong niya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin, kunwari lang 'yon because ang totoo ay hindi ko kinakaya ang weight of his stare.
"That's bad ba?" tanong ko sa kanya.
First day pa lang namin, wala pa ngang 24 hours.
Kumunot sandali ang noo niya na para bang he's thinking deep din.
"Bad kung lalagyan ng malisya. Lalagyan mo ba ng malisya?" tanong niya sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi!" giit ko na mas lalo niyang ikinatawa.
"Hindi naman pala, e..."
Muli niyang itinuro ang lap niya. Wala akong nagawa kundi ang umupo ng patagilid doon. Kita pa din namin ang buong city.
Kahit naka kandong ako kay Jacobus ay feel ko pa din na hindi niya iniinvade yung personal space ko. Hindi ako nakaramdam ng ilang, he knows talaga what he's doing.
"Mas maganda kung alam na ng parents natin," he said.
Mas lalo akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Nagpaalam ka ba ngayon?" tanong pa niya.
Kahit hindi ako nakatingin sa kanya at ramdam ko ang tingin niya sa akin. He's waiting na lingonin ko siya pero hindi ko magawa.
"Takas ka pala e," pang-aasar niya sa akin.
Kahit inaasar niya ako ay na-feel ko na he's a little bit hurt because of that.
"Ikaw ba nagpaalam?" balik na tanong ko sa kanya kahit I know naman na for sure nagpaalam siya sa kanila.
"Syempre. Tuwang tuwa pa nga si Papa," sagot niya sa akin.
This time nilingon ko na siya. I tried my best na ipakita sa kanya na I'm genuinely sorry for this.
"I'm sorry, I'll tell them about us na. Promise," sabi ko pa sa kanya.
Tsaka lang din niya hinawakan ang hands ko. Ramdam ko ang gaspang ng kamay niya. It's malaki, mainit, ang magaspang. Pero super clean naman ng nails niya. Maayos ang pagkakagupit and malinis.
"It's ok. Hindi naman tayo nagmamadali. Tell them if your ready. No pressure, baby..."
Nagulat ako and nanigas sa itinawag niya sa akin. It's parang normal lang sa kanya but hindi sa akin. Hanggang sa mapansin niya ang pagtahimik ko.
"Bakit?"
"Huh?" wala sa sariling tanong ko din sa kanya.
"Bakit natahimik ka? May nasabi ba akong mali?"
Marahan akong umiling. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang cheeks ko, halos buong face na nga ata ang mainit because of the over powering kilig na nararamdaman ko.
"E, bakit namumula ka?" puna pa niya.
Hindi ko na napigilan and kaagad ko ng tinakpan ang face ko ng dalawang kamay ko para hindi na niya makita ang pamumula ko.
"Hindi naman..." laban ko pa pero mas lalo niya lang akong pinagtawanan.
Niyaya ako ni Jacobus na lumabas muli para naman pumunta sa ibang museum. It's walking distance lang din sa museum na pinuntahan namin kanina. Makulimlim ang weather, hindi naman 'yon pinansin hanggang sa naramdaman namin ang unit-unting pagpatak ng ulan.
Malayo na kami kung babalik pa, nasa kalagitnaan na din kami ng condo and ng museum kaya naman we decided na tumuloy na. We're lucky na meron kaming tig isang umbrella.
The mahinang pag-ulan at nagtuloy tuloy hanggang sa lumakas na ito. Jacobus and worried because basang basa na white rubber shoes namin and ang pants. But tawa lang ako ng tawa while naglalakad ako ahead of him.
Panay ang lingon ko sa kanya. I want him to see na i'm ok lang with this and it's not a big deal. This moment is kinda cute nga, hindi ko masyadong gusto ang ulan because mababasa ka, but this time...I really appreciate it.
"Walk fast kaya..." pang-aasar ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa akin while naglalakad din. Like he's ready na nga ata na ibigay na sa aking ang dalawang payong wag lang akong mabasa.
Nabasa ang hair ko dahil sa lakas din ng hangin, ramdam ko ang pumasok na water sa loob ng sapatos ko. Tawa lang kami ng tawa ni Jacobus pagdating namin sa sumunod na museum because ilang hakbang na lang papunta doon ay bigla bigla na lang tumila ang ulan, umaraw pa nga na para bang hindi siya nagbuhos ng malakas kanina.
"It's a blessing," nakangiting sabi ko na lang kay Jacobus.
I thinks it's a good sign. The universe is with us, we're supported.
We stayed there hanggang sa mag five pm na. We decided to change na para sa pupuntahan naming party ni Ate Kianna sa The Vegas.
Nakigamit ako ng isa sa mga room nila Jacobus para makaligo and makapagpalit ng outfit ko. Looks like kanina pa siya tapos at naghihintay na sa may sala.
I'm just wearing a black turtle neck body hugging dress. And a pair of not so high heels. I just curl lang my brown hair and put a light make up.
Naabutan kong naka-upo si Jacobus sa may sofa while scrolling something sa phone niya. Iba ang aura niya ngayon with his just simple black almost fitted tees and a dark maong pants. He paired it with a caterpillar booths and he's ready to go.
"Is this ok lang?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya habang kanina pa niya pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"It's more than ok. You look amazing," sabi pa niya at naglahad ng kamay sa kin.
Lumapit ako sa kanya, he hugged me and naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.
We booked a car papunta sa The Vega's padilim na sa labas, pero it's early pa nga daw to start the night pero for it's gabi na.
Pinag-uusapan namin ni Jacobus ang lahat halos nang madaanan namin. Hanggang sa bigla siyang nag-focus sa phone niya when he received a notification. Hindi siya nagdalawang isip na buksan 'yon kahit may possibility na nakatingin ako, which is true naman.
I know naman na I should still respect his personal space pero there's something to that notification that I got curious about.
"Si Calli," he said at binuksan pa ang message thread sa mismong harapan ko.
He's not afraid talaga na ipakita 'yon sa akin. Isang tanda na wala siyang tinatago sa akin.
Kahit nakaharap na sa akin ang phone niya ay siya pa mismo ang nagbasa ng message para sa akin.
"Sabay daw siya pumasok sa The Vega's," paalam niya sa akin.
I know naman na my cousin is not that sanay sa mga ganon, lalo na at hindi naman siya ganoon ka super close sa amin. She almost spent half or her life kasi talaga sa Sta. Maria kaya naman hindi namin siya nakakasama.
"Sure. Tell her na papunta na tayo," sabi ko kay Jacobus.
Bago niya gawin ang sinabi ko ay tiningnan muna niya ako na para bang pinag-aaralan niya ang ekspresyon ng aking mukha. Nilingon ko siya at nilabanan ang kanyang tingin sa akin.
"What?" tanong ko. Parang hindi kasi naniniwala e.
"Ok lang ba talaga sa 'yo?" paninigurado niya.
Marahan akong tumango. "Syempre. Bakit naman hindi?"
He told Calli the same exact thing na sinabi ko sa kanya. She didn't even bother na mag-reply pa. She just heart react lang ang message ni Jacobus. After the palitan ng message ay mabilis na tinago ni Jacobus ang phone niya and nag-focus siya sa akin.
Hindi siya nagsalita pero tinitigan niya ang mukha ko na para bang kung gagawin niya 'yon ay malalaman niya kung anong nasa-isip ko.
"Galit ka?" tanong niya sa akin.
Kinunutan ko siya ng noo. I act pa nga natatawa because of his tanong sa akin.
"Bakit naman ako magagalit?" tanong ko sa kanya pero hindi siya tumigil.
Looks like hindi siya titigil hangga't hindi siya nahuhusto sa sagot ko.
"I'm not galit. Anong akala mo sa akin? Laging selosa?"
Ngumisi siya. "Hindi nga ba?"
Pinanlakihan ko siya ng mata. Bago pa man ako makasagot ay inabot na niya ang ilong ko at pinisil niya 'yon.
"Selosa," pang-aasar niya sa akin.
I tried to make him stop sa pang-aasar sa akin pero mas lalo siyang natutuwa pag na-aasar niya ako.
After that pang-aasar ay hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay sa akin ng assurance. He said na kailangan ko ng alisin sa mind ko ang pagbibigay malisya sa friendship na meron sila ni Calli.
"Kilala mo kung sino ang gusto niya?" tanong ko kay Jacobus.
"Syempre," pagbibida niya sa akin.
Napanguso ako, I want to say the magic word. Gusto kong itanong kung sino. I know naman na chismis is bad pero I'm curious talaga.
Humilig siya sa akin, mula sa rear view mirror ng car na nirent namin ay nakita ko kung paano tumingin ang driver mula doon.
Ibinulong ni Jacobus sa akin ang lalaking gusto daw ng cousin kong si Calli, narinig ko naman 'yon ng maayos pero hindi din maalis na punahin ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa ears ko hanggang sa likod nito.
"From Sta. Maria also?" tanong ko pa.
Marahan siyang umiling. "Navotas," sagot niya sa akin.
"Ang far..." puna ko.
Ngumisi siya. "Ldr din siguro sila," sabi niya at kinindatan pa ako.
"Ano 'yon Ldr kami lahat?" tanong ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
Halos mapuno na ng magagarang sasakyan ang labas ng The Vega's, kahit medyo maaga pa ang gabi ay marami na din talagang tao ang pumupunta doon.
"Ate Kianna rented the whole second floor," sabi ko kay Jacobus habang naglalakad kami papasok doon.
I've been here naman na a couple of times. Ate Kianna is more ahead of us kaya naman may mga bagay na sa kanya talaga namin natututunan.
Ma-ingay na ang dance floor, umakyat kaagad kami sa may second floor kung saan kita mo din naman ang kabuuan ng dance floor and the whole place. We have an easy access din sa Dj since malapit lang ang Dj booth sa amin.
"Gianneri," salubong sa akin ng ilang mga kakilala.
Some of them make beso pa, pero kahit ganoon ay hindi ko binitawan ang kamay ni Jacobus. I have a feeling na it's his first time sa mga ganitong lugar since parang halos hindi na nga siya lumabas ng Sta. Maria.
In the middle of the crowd ay nakita ko kaagad ang table kung nasaan ang mga cousins ko. Nasa amin kaagad ang tingin nilang tatlo, I was about to take step sana nang pigilan ako ni Jacobus.
"Nakalimutan natin si Calli," sabi niya sa akin na ikinagulat ko din.
Tama siya, nawala din sa isip ko na sa labas namin siya hihintayin para isabay namin siya papasok dito.
"Let's go outside again..." sabi ko pa, kahit nakita na ako ng mga cousins ko ay mas pipiliin ko pang samahan siya pabalik sa labas kesa ituloy ang paglapit sa kanila.
"Ako na lang. Nakita ka na din ng mga pinsan mo...pag nagkita kami ni Calli babalik kaagad ako dito," sabi niya sa akin.
Hindi na ako nagpumilit pa na sumama sa kanya palabas. Looks like he's worried din naman and guilty dahil ang promise siya dito na sabay nga kaming papasok na tatlo. Just like him ay hindi din panigurado sanay si Calli sa places like this.
"Oh, bakit umalis ang date mo?" tanong ni Castaniel sa akin.
She's wearing a white spaghetti strap flowy short dress and bagsak din ang kulot niyang buhok.
"Natakot ata," nakangising sabi ni Prymer.
She's wearing naman a black vest with leggings and a pair of sneakers. Naka taas ang buhok niya na looks like she's kind of siga but in a very sexy way.
"Infairness...malayo pa lang gwapo na," Ate Kianna said.
Bago ko pansinin ang mga sinabi niya ay lumapit muna ako kay Ate Kianna the birthday girl para mag beso and mag-greet.
She's wearing naman a silver glittery mini dress. Super fashionista talaga niya. And everything she wears talaga ay bagay sa kanya, a real trendsetter.
"We'll see sa malapitan," dugtong pa nila at nagtawanan.
Sinuway ko sila dahil sa mga sinasabi nila about kay Jacobus. I won't let anyone na magsalita ng bad sa boyfriend ko most importantly in his absence.
"Sinundo si Calli outside," sabi ko sa kanila.
Mas lalo silang nag-conclude na tatlo because of that. Hindi ko na sana papansinin pero sila na din ang pumuna sa pagiging matagal nila Jacobus sa labas.
I was about to go there na sana para malaman ang reason for the delay nang humahangos na lumapit sa akin ang isa sa mga kakilala. Isa din siya sa mga bumati sa akin kanina habang papasok kami ni Jacobus.
"Gianneri...yung kasama mo kanina nakikipag-away sa labas," he said.
Narinig din 'yon ng mga cousins ko, maging ang ilang malapit na guest. Sabay sabay kaming tumakbo palabas.
"Jacobus!" sigaw ni Calli para awatin siya.
"Wag mong dalhin dito ang pagiging probinsyano mo!" sigaw ng kanyang kaaway.
"Ano ngayon kung probinsyano? Wala kang karapatang bastusin ang kaibigan ko!" sigaw ni Jacobus dito.
I was so speechless. Ni hindi ako makagalaw while pinapanuod sila. This is the very first time na makita ko siyang galit, nanggigigil, and super matapang makipag-away.
"Tama na," Calli said.
Agad dinaluhan ng mga cousins namin si Calli para siguraduhing ayos lang siya at tanungin kung anong nangyayari. Nagpatawag kaagad si Prymer ng bouncer, si Larson naman ay nasa tabi kaagad ni Ate Kianna in case na mas lumaki pa ang gulo.
Mag-aamok sana ulit ng suntukan ang kabilang kampo when I shouted his name na din. He's ready din talagang makipag-away.
"Jacobus!" sigaw ko.
Sa dami ng sumuway sa kanya and sinigaw ang name niya ay ang pagtawag ko lang sa kanya ang pinansin niya. At dahil nasa akin na ang focus niya ay kinuha ng kalaban ang chance na 'yon para sugurin siya.
Nasuntok siya sa mukha pero kaagad din namang nakabawi. Tumigil lang nang ma-awat na sila ng mga bouncer.
Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang ayusin ang sarili niya bago siya lumapit sa akin. Dahil sa gulo ay nakita ko ang tingin ng ilang mga kakilala sa kanya, ilang guest din ang nagbubulungan while looking at him.
"Who started the fight?" matapang na tanong ko.
"Binastos niya ang pinsan mo," seryosong sagot niya sa akin.
"You should call the authority, maraming bouncer here," sabi ko pa.
"Hindi ko sinasadyang manggulo, hindi ko lang kaya na palampasin," sabi pa niya sa akin.
"I know naman na your intention is good, hindi dapat tinotolerate ang mga ganoong doings...pero what if may nangyari sa 'yo?"
"Wala akong pakialam kung anong mangyari sa akin. Ang importante ligtas ang mga taong importante sa akin," he said pa.
Tipid na lang akong tumango at nag-iwas ng tingin. Mas lalong parang mababali ang leeg ko para umiwas when Calli run towards him and hugged him.
"Thank you..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro