Chapter 16
Manila
Imbes na ma-offend si Cassius sa napaka inosente kong tanong sa kanya ay natawa na lamang siya. It's not like an ordinary tawa, it's what they called halkhak kasi napatingla pa siya reason for us to see his adams apple.
Nilingon ko ang mga pinsan kong nakatingin din sa kanya, sa kanilang tatlo ay si Prymer lang yung walang kahit anong naging reaction. She's so pissed dito.
"It's in the eye of the beholder..." nakangising sabi niya sa akin.
Tumango ako because it's true naman. Tinuro ko ang mga mata ko.
"I'm sorry...not in my eyes," pag-amin ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.
Sa sobrang tawa niya ay napahawak pa siya sa kanyang tiyan. Laglag naman ang panga ng dalawa kong cousins, si Prymer naman ay nakangiti habang nakatingin sa akin na para bang she's so proud sa akin.
She's about to raise her hand pa para makipag-apir sa akin nang pinigilan 'yon ni Ate Kianna. Pinanlakihan pa niya ng mata ito na para bang it's not nice to do that.
"Hay, masyado mo naman akong pinapasaya sa unang araw ng klase. Baka hanap-hanapin ko 'yan," he said kaya naman mas lalo akong napangiwi.
"Masaya ka? Gusto mo pa-iyakin kita gamit 'to?" tanong ni Prymer sa kanya habang pinapakita ang kanyang kamao.
She's so matapang talaga. Pwede na talaga siya mag-artista like Ate Kianna, pero pang action star ang aura ni Prymer. Action star pero hindi yung bida, yung mga kaaway ng bida.
Ngumisi sa kanya si Cassius. "Kiss mo na lang ako," pang-aasar niya sa pinsan ko.
Nakita ko kung paano namula si Prymer, hindi sa kilig kundi sa inis.
"Umalis ka sa harapan ko, sisipain kita..." pagbabanta niya dito.
Sa huli ay natapos din ang pag-aasaran nila. Umalis ang grupo ni Cassius para pumunta na sa kanilang unang klase. Mga college na pero dala pa din nilang dalawa yung aso't pusa kind of relationship nila.
I sent a reply agad kay Jacobus about my whereabouts. I told him pa nga na I'm sorry for the late reply pero hindi naman niya pinansin 'yon. Like it doesn't matter and he don't mind.
Our first day as a college student went well. Everytime may message si Jacobus sa akin ay nagre-reply naman ako kaagad.
Ito siguro yung sinasabi niyang hindi ko siya mami-miss because araw-araw naman kaming magka-kausap.
"I-glue na natin 'yang phone mo sa kamay mo," pang-aasar ni Castaniel sa akin.
Nginusuan ko lang siya at pinanlakihan ng mata. Nasa cafeteria kami para sa aming lunch break. Hindi namin kasabay sina Prymer at Ate Kianna since iba-iba naman ang schedule namin.
"Lunch na namin..." sambit ko habang tina-type ko 'yon as a message for Jacobus.
He sent the same message sa akin a minute ago kaya naman nag-send din ako. Napa-angat ako ng tingin when my cousin told me na paparating si Larson, he's heading on our table.
I saw kung paano halos mabali ang leeg ng ibang girls sa cafeteria about his presence. Kung pwede maging action star si Prymer, mas lalong pwede itong si Larson. Yung serious face niya, yung built body and his height...black leather jacket na lang ang kulang mapapa-lights camera action na 'to.
"Si Kianna naka lunch break na?" tanong niya sa amin.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag from a expensive restaurant. Knowing Ate Kianna, super pihikan sa foods.
"Maya maya pa 'yon," sagot ni Castaniel sa kanya.
Nakatingala ako kay Larson dahil naka-upo kami ate he's so matangkad din talaga. Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay. Pinagtaasan ko lang din siya ng kilay bago ko ibinalik ang atensyon ko sa pagkain sa harapan ko.
"Kakagising ko lang," nakangising bungad ni Prymer sa amin.
Nagkukusot pa siya ng kanyang mga mata at mukhang galing nga siya sa kakaidlip.
"Natutulog ka sa klase," Larson said.
Naunahan pa niya kaming pagalitan si Prymer.
"Hindi 'yon tulog, idlip lang 'yon," sagot ni Prymer sa kanya.
Bigla siyang parang maamong pusa dahil sa presence ni Larson. I don't know if it's because kakagising lang niya o dahil si Larson 'yon.
"Sasagot pa," Larson said and umirap pa.
Hindi nagsalita si Prymer. Umupo siya sa tabi namin habang nakadungaw sa mga stall sa cafeteria. She's looking siguro sa gusto niyang kainin.
"Binilhan kita nito. Gusto mo 'to diba?" Larson said in a very serious tone pero I felt the genuine care.
"'Yan. Ito mga gusto ko libre," Prymer said while super excited niyang binuksan ang isa pang paper bag na dala ni Larson.
Larson is one of Ate Kianna's personal bodyguard since Ate Kianna is into showbiz.
"Ano pang gusto mo?" Tanong ni Larson sa kanya.
"Bakit kami hindi tinatanong?" pang-aasar ni Castaniel sa kanya.
Hindi ko na nasundan pa ang pag-uusap nilang tatlo. Bumaba ang tingin ko sa phone ko, umilaw 'yon because of message notification. It's a message from Jacobus, tapos na daw ang lunch break nila at papasok na siya sa next class niya.
The first week of being a college student is like a normal day lang. Hanggang sa dumating na ang tunay na hirap ng college life.
"Exam araw-araw," reklamo ni Prymer.
She's frustrated. I'm frustrated too.
"Late replies again?" nakangising tanong ni Castaniel sa akin.
Hindi ko sinagot ang tanong niya because I can't accept na it's a fact.
"Gamitin mo kasi yung 5 minutes rule," suwestyon ni Prymer sa akin.
Minsan she's tahimik lang pero ang dami niyang alam.
I need to wait atleast five minutes daw bago ako magreply sa message ni Jacobus.
"But I'm not like that..." laban ko sa kanya.
I know naman na it's different na this time, we're both college students. Busy kami pareho, pero it's just that kahit busy ako...I manage to reply fast pa din sa mga messages niyan.
"Sabi ko na sa umpisa lang 'yan," Castaniel said.
Walang sinabi si Prymer pero tumango lang siya bilang pag-sangayon.
That night ay nagulat ako when he called. Hindi lang 'yon basta call dahil he requested a video pa.
"Ang daming assignments," nakangiting sabi niya sa akin.
Ipinakita pa niya ang mga handouts na hawak niya, may book din na makapal na kailangan niya ding basahin.
"How's your day?" tanong niya sa akin.
In a regular day ay sa messages niya lang 'yon tinatanong sa akin. Ngayon ay magka-video call na kami.
"It's fine naman...i'm still buhay pa naman," sabi ko sa dami din ng lessons namin.
Ngumisi si Jacobus. He's on his second year na sa college kaya naman sa tingin ko ay mas mabigat na ang mga lessons nila and knowing how hard his course is.
"You need to study? Let's end the call na..." suwestyon ko sa kanya.
I don't want to make istorbo naman.
Marahan siyang umiling. "We can study with the video call...babantayan kitang mag-review baka mag cellphone ka lang," pang-aasar niya sa akin.
"Hindi no," laban ko.
"Mag-aral na tayo," sabi pa niya sa akin.
Ganoon ang ginagawa namin everyday sa gabi. Kung minsan pag hindi loaded ang gawain ay nakakapag usap pa kami.
Some of the events sa school nila ay alam ko, ganoon din siya sa akin.
"Magaganda?" tanong ko. Hindi ko na napigilan.
He told me about a case study nila and may mga ka-group siyang girls.
Nagtaas ng kilay si Jacobus. "Magaganda naman sila, pero hindi para sa akin..." he said.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Syempre ikaw lang ang maganda para sa akin," he said kaya naman inirapan ko siya.
Tinawanan niya ako because of that. Hanggang sa tumahimik kaming pareho.
"Ikaw diyan? Mukhang maraming gwapo diyan," tanong niya sa akin.
Marahan akong umiling. "Wala akong nakikitang gwapo here," sabi ko.
"Talaga lang ha..." he said.
"Syempre," paninigurado ko sa kanya.
Nasanay ako sa routine namin ni Jacobus. Tama nga siya hindi ko din halos ma-feel na malayo kami sa isa't isa because palagi naman kaming magkausap.
"Birthday ng cousin ko sa Saturday, we can bring a date daw..." kwento ko kay Jacobus.
I know it's a bit impossible na makapunta siya. I told Ate Kianna about it din, she told me na gusto niyang makita si Jacobus sa personal and makilala din.
Nakapalungbaba siya sa harapan ng camera. His eyes looks sleepy na pero nilalabanan niya ang antok niya para lang maka-usap ako.
"Are you inviting me?" nakagising tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. I'm a bit nahihiya pang imbitahin siya pero 'yon naman talaga ang gustong kong iparating.
"Yes sana..."
Mas lalong lumaki ang ngiti ni Jacobus because of that.
"What time? Luluwas ako..." he said na ikinagulat ko.
"Really?" excited na tanong ko.
Birthday ni Ate Kianna sa saturday pero mas excited pa akong dumating ang araw na 'yon. Gabi pa ang start ng party pero maaga daw luluwas ng Manila si Jacobus so we can date pa.
I asked him kung gusto niyang sa amin tumuloy because gabi na 'yon matatapos.
"May condo si Mommy around the area...nagpaalam na akong doon tutuloy," he said.
What I admire about him pa ay ang pagiging down to earth niya. He's acting like he's not a heir of the Villaverde and San Miguel.
"Sa parents ko 'yon, hindi sa akin," rinig kong sabi niya isang beses when his friends teased him.
"Ikaw ang tagapagmana no'n," sabi pa sa kanya.
"Sa mga kapatid ko na lang. I want to make my own," he said pa.
Dumating ang araw ng sabado. Gumising ako na naka-received ako ng message from him na nasa condo na siya. Tumingin ako sa orasan and nakitang mag si-six am pa lang.
"Nakisabay ako sa delivery papuntang manila," sabi niya sa akin.
Looks like nagtitipid pa sa pamasahe. Because of that ay maaga din akong kumilos. We should make sulit this day because after nito ay hindi na ulit sure kung kailan siya makakabalik ng Manila.
"May saturday class ka?" Tanong ni Daddy sa akin.
Sandali akong napatigil. Hindi ko alam kung paano magpapaalam sa kanya na makikipag-date ako kay Jacobus.
"Y-yes?" sagot ko na parang tanong don.
Kumunot ang noo ni Daddy, pero bago pa man niya ako ma-corner ay to the rescue na si Mommy.
Nagpahatid ako sa driver sa pinakamalapit na drop off papunta sa National Museum. I don't know na he's a fan pala of museum dates. I don't mind naman, it's romantic din naman for me.
"Hi!" masiglang bati ko when I saw him waiting for me.
Hindi ko na natago pa ang excitement ko nang makita ko siya. Mas iba sa feeling na magkasama kami dito sa Manila. Iba yung feeling na kasama ko siya sa Bulacan, iba din yung feeling na kasama ko siya here.
"Nakasakay ka na ba ng LRT?" tanong niya sa akin.
Nginisian ko siya, "Now pa lang," pag-amin ko kaya naman napataas siya ng kilay.
Sumakay kami ng LRT and naglakad papunta sa National Museum. Habang naglalakad ay doon nasabi ni Jacobus sa akin na he's into histories daw. He likes reading and watching some old classic movies about it.
We spent the whole day sa tatlong museum na pinuntahan naman, he even took a picture of me, we took a lot of picture together din. He took a picture of me sa may mataas na hagdan and sa likod ay may mataas na white na parang tower.
"Nag-enjoy ka?" tanong niya sa akin while we're sitting sa isang part ng museum, may malalaking painting din sa harapan namin.
"Yup, super!" nakangiting sagot ko sa kanya while I'm taking a picture of our rubber shoes.
Pareho kaming nakasuot ng white rubber shoes kaya naman I find it very cute.
"Can I post this and tagged you?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Of course," sagot niya sa akin.
Ayoko pa sanang matapos ang araw but we need to prepare pa para sa birthday ni Ate Kianna.
"Malapit lang ang condo mo here?" tanong ko sa kanya.
Marahan siyang tumango. "Gusto mong makita?"
Sandali akong napatigil, nahalata 'yon ni Jacobus hanggang sa natawa siya.
"Titingnan mo lang kung gusto mo," sabi niya sa akin.
He thinks din siguro na nag-iisip ako ng bad.
"I want to see lang," pagtatama ko din.
Pumunta kami sa condo niya, and it's not an ordinary one. It has a second floor pa nga but the design is very manly na kahit kay Tita Ericka 'to.
"Pina-renovate 'to ni Mama, akala niya kasi sa Manila ako mag-aaral for college," kwento niya sa akin.
"Bakit hindi nga ba?"
Sandali siyang napatigil dahil sa pag-iisip. Nagkibit balikat siya hanggang sa sagutin niya din ang tanong ko.
"Hindi ko din alam. Parang ang hirap iwanan ng Sta. Maria," he said.
"Ang Sta. Maria mismo or baka the people there?"
Napabuntong hininga si Jacobus.
"Baka sanay lang ako na maghintay doon...yung tipong ikaw yung babalikan. Ikaw yung maghihintay ng mga umalis," paliwanag niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko gets.
"I don't want to roam around and go places because at the end of the day alam ko kung saan ka babalik," he said na ikinagulat ko.
"You roam around, go places, go out of the country...I'll wait for you there. I'll always be there pag babalikan mo ako..." he said.
"But that's not fair," sabi ko sa kanya.
I want him to go places too.
"I can...but I choose this. I'm happy with my choice," paninigurado niya sa akin.
I'm so touched, I even got teary eyes.
"Are you for real?"
Lumapit siya sa akin. Nagulat ako when he held my hands.
"What about we'll make this real?" Tanong niya sa akin.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.
"Let's make this real," sabi ko din sa kanya.
Tumango siya, ngumiti at humilig para i-kiss ako sa cheeks.
"Boyfriend mo na 'ko," he declared.
Marahan akong tumango. "Ako din," sambit ko.
Ngumisi si Jacobus, "Ano?"
"Girlfriend mo na ako."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro