Chapter 15
Assurance
I didn't even bother na makinig pa sa mga sumunod nilang pag-uusapan. I'm looking for him pa naman, ang sabi kasi niya he'll wait for me. Sa opinyon ko ay mukhang he can go naman sa garden all by himself o baka sabay na sila ni Calli.
Wala akong ibang naramdaman kundi ang heaviness sa dibdib ko. I don't know, i felt betrayed. The whole story is still not clear, but I think that's enough already for me to decide.
"Gianini, where have you been? I love that dress," Tita Vera said.
Pababa pa lang ako sa may garden ay naka-abang na siya. Looks like she's waiting for me talaga.
"Sa comfort room lang po, Tita."
Nagtaas siya ng kilay. Parang she's hindi na niniwala, she looked pa nga sa likuran ko na para bang she's waiting na may naka sunod sa akin.
Inihatid ako ni Tita Vera sa table kung nasaan din sila Mommy. Daddy is busy makipag-usap kina Ninong Julio and Tito Junie. Nag served ng food sa table namin kahit may buffet table din naman sa harapan for more options.
Kung mukhang castle ang mansion nina Tita Vera, para ka namang nasa fairytale ka sa itsura ng garden nila. Hindi naman ang classy touch ni Tita Vera dito. She can make anything possible talaga, and malalaman mong siya ang may gawa. It always scream class and elegance.
"Gianini, do you want anything else pa ba?" Mommy asked.
I smiled and shook my head. "Wala na po, Mommy..."
Pinilit kong kumain kahit wala akong appetite to do so. I can't explain kung ano talaga ang nararamdaman ko. It's just that everything is so unclear, I concluded and looks like 'yon ang gusto kong paniwalaan.
"Calli is here na din pala," Mommy said.
Sinundan ko ang tinitingnan niya, sa may stairs pababa ng garden siya nakatingin. I expect na magkasama silang pababa ni Jacobus pero she's alone lang. Nakita kung paano gumala ng tingin niya sa buong paligid na para bang she's looking for someone.
When her eyes met mine ay nagulat pa siya. Looks like she's shocked na nandito na ako. Bakit? Hindi ba dapat ako nandito?
Nag-iwas na lang ako ng tingin. Maybe she's shocked because she's guilty of something.
I was about to stay focused na sa kinakain ko when I unconsciously looked sa stairs again. This time si Jacobus na ang bumaba. Ang paraan niya ng pagbaba ay akala mo isa siyang Prince Charming sa isang Disney movie and everything slows down.
Parang bumara ang kinakain kong cherry tomatoes sa throat ko when I noticed na kahit may kalayuan at kahit naka halo ako sa crowd ay nasa akin ang tingin niya habang bumababa.
Naka poker face din siya, looks like he's angry or something. But wala akong pakialam. I'm angry din naman pero hindi ko naman shinare sa kanya.
Nawala lang siya sa sight of view ko ng tuluyan na siyang bumaba at humala na din sa iba pang mga visitors. Hindi ko na lang binigyang pansin because it's nakakatamad pang intindihin.
Ilang days na lang naman ay babalik na kami sa Manila. Maybe from there ay makakalimutan ko din 'tong Puppy love na 'to.
I'm thinking pa tuloy kung he's a green flag ba talaga or baka red ang tangay. Or maybe I need na magpa-schedule ng eye check up ko at baka color blind na ako.
The party went well. Hindi din naman lumapit si Jacobus sa akin the whole time na nandoon kami. Or maybe hindi din siya makalapit dahil halos hindi din ako tumayo mula sa table namin. I tried na tingnan siya minsan kung anong ginagawa niya or kung sino ang kausap, but nahuhuli ko lang siyang nakatingin din sa akin.
"Ate, I want some cake," Gio said. He's naglalambing talaga if he needs something.
Pero most of the time ay hindi naman siya namamansin.
"Go asked Yaya," sabi ko.
"But Yaya is not here...and you're here," paliwanag pa niya.
He's lumalaban din kahit bata pa.
"But I'm not your Yaya," laban ko din sa kanya.
I'm just kidding lang, gusto ko lang siyang asarin.
Ngumuso siya. Nagpapalambing talaga because may kailangan.
"But Ate ka naman, e."
I'm so close na irapan siya pero hindi ko ginagawa because he's a baby pa din naman and looks kawawa. Baka habang buhay pa niyang ma-alala ang araw na 'to and maging tampo to reason for a conflict pag tanda namin.
"Alright, wala naman akong magagawa," sabi ko sa kanya.
Pumalakpak si Gio, he's happy na para bang nabuo na kaagad ang araw niya for tomorrow. Advance masyado ang batang 'to.
Diretso ang lakad ko papunta sa dessert buffet kung nasan ang iba't ibang klase ng sweets, marami ding different kinds of cake. I'm in the middle of doing my business with the cakes ng maramdaman kong may tumayo sa aking tabi.
Presence pa lang kahit hindi ko na lingonin alam ko na agad kung sino.
"Hinintay kita kanina sa loob," he said.
"I forgot," tipid na sagot ko.
Hindi ko pa din siya nililingon. Nasa mga cake ang focus ko. Sa dami ng choices ay hindi ako makapag-decide kung alin sa mga 'yon ang magugustuhan ni Gio.
"Nakalimutan mo? Ilang beses akong nag message sa 'yo," laban pa din niya sa akin.
"E, I forgot nga..."
"Nandyan ba ako at diyan ka nakatingin?" seryosong tanong niya sa akin.
And because I have manners naman ay nilingon ko na siya.
"Sorry again," sabi ko.
Kumunot ang noo niya. Looks like he feels that something is off.
"Anong problema?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Me? Wala akong problema," sagot ko sa kanya.
He was about to say something pa pero may idinugtong na kaagad ako. I can't help it, hindi ko mapigilan ang bibig ko.
"Baka ikaw ang meron. Or baka you have anything to say."
"Wala akong problema. At sasabihin tungkol saan?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan ko."
Nanatili ang tingin ni Jacobus sa akin, like pinag-aaralan niyang mabuti ang ekspresyon ng mukha ko. Binabasa niya ako.
"Pinapahula mo nanaman ako, Gianneri," he said.
And it's on me na agad. Ako na agad ang may kasalanan for our misunderstanding.
"Wala naman akong pinapahula sa'yo," laban ko pa din.
Napabuntong hininga siya. He's on the edge of anger na pero nagbuntong hininga na lang siya para hindi tumuloy.
"Ano bang problema?" tanong niya again. This time mas malumanay.
Nakakapanghina 'yon ng knees pero I can still manage pa din naman.
"I'll tell you later. Idedeliver ko lang 'tong cake sa baby brother ko," sabi ko sa kanya at mabilis siyang tinalikuran.
After that ay nagdecide kami na pumunta ni Jacobus sa ibang part ng garden kung saan malayo na sa ingay ng ibang visitors.
"Ang lakas ng toyo mo," he said.
Sinimangutan ko siya. "Anong toyo? Ano ako datu puti?" laban ko sa kanya.
Umupo ako sa may swing, nanatili siyang nakatayo sa aking tabi. Pinapanuod ang paglalaro ko.
"Kaninang umaga normal ka pa, e."
"At now I'm abnormal na?" tanong ko sa kanya while pinanlalakihan siya ng mata.
Tipid siyang napangiti because of that. Pero he still manage na gawing serious ang pag-uusap na 'to as possible.
"Ano bang problema?"
Tanong niya ulit. Mukhang hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang reasons behind my attitude today.
"May something ba kayo ng counsin ko?" diretsahang tanong ko sa kanya.
"Wala. Syempre wala..." sagot agad niya sa akin.
It's mukhang totoo naman.
"E, ano yung narinig ko sa veranda?"
Kumunot sandali ang noo niya hanggang sa muli siyang napabuntong hininga.
"Magkaibigan lang kami ni Calli. Halos sabay lumaki dahil iisang school lang naman ang pinasukan namin. Maliit lang 'tong bayan natin...halos magkakakilala na ang mga tao dito," paliwanag niya.
I told him everything na narinig ko. Sinagot niya lahat 'yon, every question asked was left with answers. Wala siyang nilagpasan kahit ito. Diretso niyang sinagot ang lahat.
"Hindi mo dapat kami pag-isipan ng kung ano ni Calli dahil may ibang gusto ang pinsan mo," he said pa nga.
Nag-iwas ako ng tingin. Ok, inaamin kong nag judge agad ako.
"Alam din niyang gustong gusto kita. Inaaway nga niya ako minsan kasi concern siya sa 'yo," kwento pa niya.
"I told you. Wala akong nagustuhang ibang babae bukod sa 'yo...ikaw lang, Gianneri."
"Nasasabi mo lang 'yan ngayon kasi bata pa tayo. Sa college life mas marami ka pang makikilala," laban ko because it's the katotohanan.
"Tingnan natin kung ganon.Kung meron mang dapat kabahan ay ako 'yon. Mas marami kang pwedeng makilala sa Manila, mas madali mo akong makakalimutan dito," he said.
"I'm not like that."
"Ako din hindi. Kaya hindi ko alam kung saan ka nanggaling ngayon. Hindi pa ba sapat lahat ng assurance ko?"
Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya sa akin. He's right naman, palagi niyang ina-assure sa akin na he's intention is pure. Nakikita ko 'yon sa words and action. I'm sure sa assurance na ibinibigay ni Jacobus sa akin ay marami ang gusto ng kagaya niya.
"It's sapat naman..." pag-uumpisa ko.
"Bakit parang hindi?" laban niya sa akin.
Nilingon ko na siya ngayon, nagkasukatan kami ng tingin na dalawa. I saw how genuine ang tingin niya sa akin, and nakita ko din 'don na mukhang he's sad...and nasasaktan? Because of my pagdududa.
"It's sapat. I'm just scared," pag-amin ko sa kanya.
"Scared of?"
"I'm scared na parang it's too good to be true. Sa generation ngayon na parang normal na ang cheating and panloloko...parang hindi ka totoo," paliwanag ko.
Wala akong nakitang kahit anong naging reaction sa mukha ni Jacobus. Nanatili lang ang pagiging seryoso ng tingin niya sa akin.
"And we're too bata pa. I'm scared na marami pang pwedeng mangyari..." dugtong ko pa.
Naglakad siya palapit sa akin. Marahan niyang hinawakan ang tali ng swing dahil kahit gaano ka-serious ang pinaguusapan namin ay nagawa ko pa ding paandarin ko.
Lumuhod si Jacobus sa harapan ko para mas mapalapit sa akin.
"Saan ba nanggagaling 'yang baluktot mong pag-iisip?" mahinahong tanong niya.
"I'm not baluktot mag-isip," marahang laban ko sa kanay pero hindi siya natinag.
"Hindi naman porket normal sa iba na mag cheat ay normal na 'yon para sa lahat. Hindi ako ganoon, Gianneri."
"How sure?" giit na tanong ko.
"Ipinaparamdam at ipinapakita ko na sa 'yo, ah."
Bumaba ang tingin ko sa akin mga kamay. Tumulis ang nguso ko habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri.
"What if..." marami pa akong tanong sa kanya.
Pinigilan niya 'yon nang ikulong ng mainit niyang palad ang sa akin.
"Trust me...magtiwala ka kasi," he said pa.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango at magpa-ubaya.
"Hindi ka kasi nagtitiwala sa akin," pahabol pa niya.
And I know that part hurts him even more.
"I'm sorry..." sambit ko.
Marahan siyang umiling.
"Don't be. Baka may kailangan pa talaga siguro tayong i-work out para maayos 'yan. It's ok, we'll figure it out," marahang sabi pa niya sa akin.
Jacobus is very serious na tao and masungit. I know na may makulit na side din siya na hindi pa niya gaanong napapakita sa akin. He's masakit din magsalita minsan, pero the way he think para sa mga bagay bagay, ang matured no'n and I super admired it.
"Titingnan natin kung anong pwede nating magawa," pahabol pa niya.
"Anong gagawin?" tanong ko.
Hindi na ako makasabay sa mga sinasabi niya. Masyado na akong nadadala, para bang go with the flow na lang ako because I know na I'm in a good hands.
Tipid siyang ngumiti sa akin, itinaas ang kamay niya para marahang ayusin ang nagulo kong buhok dahil sa paghangin.
"Aayusin natin," he said.
And with that, I know na wala na akong dapat na ikabahala pa.
It was so hard to leave Sta. Maria again for the nth time. Palagi naman naming ginagawa 'to. Palagi naman kaming umaalis everytime na babalik na kami sa Manila. Pero this one is different, mas nakaka-sad 'to because magkakalayo ulit kami ni Jacobus.
"Naks, LDR..." pang-aasar sa akin ni Prymer.
It's our first day sa school and ang tungkol sa amin ni Jacobus ang kaagad nilang itinanong.
"We're not super official pa," sabi ko sa kanila.
"E, bakit?" tanong ni Ate Kianna. Sa klase ng tono niya ay parang papagalitan pa niya ako because hindi ko ina-assure ang tungkol sa amin ni Jacobus.
"Because hindi ko pa nasasabi kay Daddy," pag-amin ko.
And this time ako naman ang pinagalitan nila because of that.
"Sagutin mo na," Castaniel said.
"But I want to do that in person," sabi ko.
That's why I promised to myself na kahit anong mangyari, sa susunod na uwi namin sa Sta. Maria ay sasagutin ko na si Jacobus. To make us official.
"Not too early, tingnan muna natin kung paano niya ihandle ang long distance," pahabol pa ni Ate Kianna.
Sumang-ayon kaagad ang dalawa ko pang pinsan. Ang pag-uusap tungkol sa amin ni Jacobus ay napunta sa pinsan naming si Calli. Ayaw talaga niyang umalis ng Sta. Maria kahit may choice naman siyang mag-aral sa university kung nasaan kami.
My cousins are busy sa pagku-kwentuhan about sa naging vacation din nila when I received a notification from him. May kasama pang picture 'yon.
It's a picture of their university gate na marami na ding students na pumapasok. Nag-message siya just to inform me na nasa school na din siya. Ang aga din niyang nag Good morning kanina.
"Naks, nag-u-update with picture," sabi ni Prymer. Hindi ko namalayan na naka dungaw na pala siya and nakiki-chismis sa phone ko.
"Not bad," sabi ni Ate Kianna.
I was about to type my reply and inform him my whereabouts din nang lumapit ang group nina Cassius Dela Rama sa amin.
"Good morning," bati niya sa amin.
"Good morning mo, Mukha mo..." Prymer said.
Natawa si Cassius dahil sa pambabara ni Prymer sa kanya.
"Ang aga-aga galit ka nanaman. Sige ka, buong school year kang galit niyan," pang-aasar niya sa pinsan ko.
"Umalis ka na nga dito. Isusumbong kita kay Tito Rajiv," pananakot pa ni Prymer sa kanya.
"Sasamahan pa kita," pang-aasar niya sa pinsan ko.
"Amputa..." sambit ni Prymer kaya naman mas lalong natawa si Cassius.
"What's your pakay?" masungit na tanong ni Ate Kianna sa kanya.
Imbes na sumagot ay lumingon siya sa akin. Dahil sa ginawa niyang 'yon ay sinimangutan ko siya. I'm busy pa sa pag-iisip ng ire-reply ko kay Jacobus.
"Classmate pala kami ni Gianneri sa ibang minor subjects," he said.
"Walang may pake..." Prymer said.
Ngumisi lang si Cassius sa kanya.
"Swerte ko naman..." sabi pa niya while looking at me pa din.
"May boyfriend na 'yan si Gianneri ah, tigilan mo." si Castaniel.
"Mas gwapo sa akin?" tanong niya.
Nagtaas ako ng kilay. "Bakit gwapo ka ba?" I asked in a very innocent way.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro