Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Jacobus



After niya akong sabihan na he don't have pake about my name ay hindi na niya akong nilingon pa ever. Ilang beses ko siyang nilingon hoping na sundan niya ako ng tingin pero hindi niya ginawa.

Tumulis ang nguso ko when I saw kung paanong hindi naalis ang pagkakasalubong ng eyebrows niya. Para na 'yong bridge dahil kaunti na lang ay magdidikit na.

"Tara na, Senyorita." tawag sa akin ni Ate Laura.

Inabot niya sa akin ang hand niya para humawak ako doon. Hindi na ako nagdalawang isip pa at humawak na sa kanya eventhough big girl naman na ako.

"May problema ba?" tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti kahit hindi naman totoo 'yon. In life matututunan mo talaga how to fake a smile para lang ipakita sa other people na you're okay kahit hindi.

"I just saw a not so cute na kite...na sad lang ako para sa may ari," kwento ko na lang sa kanya.

I tried na lang to understand that masungit na bata. Kaya siguro ganoon ang attitude niya kasi ang sad ng itsura ng kite niya.

Nilakad naman ang familiar na daan papunta sa mansion nila Tita Vera and Tito Julio. Kahit ilang beses na akong nakapunta doon ay na-aamaze pa din ako everytime I go there. Para kasi talaga siyang Castle sa isang Disney movie.

Color white na may gold ang gate nila. Sa sobrang white ng color non ay parang hindi siya pwedeng hawakan. Ang malagyan 'yon ng kahit konting dirt is a big no.

Tumakbo palapit sa amin ang isang house helper nila to para i-open ang gate. Looks like kanina pa nila kami hinihintay. Hindi naman sana kami mala-late kung hindi kami dumaan doon sa may open field.

I wish hindi na lang kami dumaan. Nakaka-hawa kasi ang mood ng masungit na batang 'yon. Kala naman niya he's someone na big na pero hindi naman. He's just a bata pa like me.

"Good morning po," bati sa akin ng house helper nina Tita Vera.

"You don't need na po na mag po sa akin. I'm young pa po..." natatawang sabi ko sa kanya.

Nag smiled back si Ate at napa-skratch pa sa likod ng ulo niya na para bang may makati doon.

I'm too excited na makita si Tita Vera kaya naman tumakbo na ako papasok sa kanilang house. You'll feel agad na isa kang princess the moment you stepped in. Parang feeling mo may imaginary gown na nakasuot sayo.

"Finally. A baby girl!" salubong ni Tita Vera sa akin.

Naglahad agad siya ng kanyang hands as an indication na gusto niyang yumakap agad ako sa kanya. Mabilis akong tumakbo para salubungin niya.

"I miss you so much, Gianini..."

I giggled at tumingin kay Tita para magpaliwanag.

"Tita, that's my palayaw pa po nung super baby pa ako..." paalala ko sa kanya.

I don't have a problem naman with that. I find it very cute nga, pero syempre I need to act na sa age ko.

"You're still a baby..." she said at umirap pa.

"But not so baby po..." laban ko pa din.

Muling umirap si Tita Vera, imbes na matakot ay natawa pa ako. If you'll see her in the first time you'll think na she's someone who's masungit, maarte, and suplada. But that's very kabaliktaran. Mabait ang Tita Vera ko, it's just that yung pagiging masungut niya ay for a show lang.

She's one of the best Tita ever.

"Kokontra ka pa parang Mommy mo," she said and umirap again.

Looks like hindi siya napapagod umirap. Kakauwi ko pa lang sa Sta. Maria ay naka-received na agad ako ng maraming irap. Maging don sa masungit na batang feeling niya old na siya.

Magsasalita pa sana ako when I noticed kung paano tingnan ni Tita Vera ang suot kong dress. Kumunot ang noo niya dito looks hindi niya nagustuhan ang outfit of the day ko.

"Who let you..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng may dalawang cute puppy na tumakbo palapit sa amin.

"Whoa...ang cute!"

Lumuhod ako kagaya ni Tita Vera para maabot ko silang dalawa. Super tapang nila habang tinatahulan ako, feeling ata ng mga puppy na 'to ay matatakot ako sa kanila.

"What's their name po, Tita?" tanong ko.

Lumapit ang isa sa kin. Umikot-ikot muna siya sa harapan ko, para siyang nagmo-model dahil sa ginawa niya. Nag wiggle pa ang tail niya, lukot ang kanilang mukha. Naalala ko tuloy si Mr. Masungit na bata.

Tumayo si Tita Vera kaya naman tumingala ako sa kanya. I really admire talaga her beauty. Her beauty screams very intimidating.

Ang isang hands niya ay nasa kanyan waist while she points her finger sa mga puppy na nakatingala din sa kanya.

"This with one black eye dog si Brunie Jr," sabi niya sa akin.

Nilingon ko ang puppy na tinuro niya, may black spot siya sa kanyang isang eyes kaya siguro tinawag siyang one black eyed dog ni Tita. I smiled about that, she's very witty with naming talaga sa kahit ano.

"And this one po na walang eyebags?" tanong ko sa kanya.

She cleared her throat dahil sa tanong ko. Pinigilan niya ang kanyang tawa.

"Brookie..." she said na agad kinontra ng kabababa lang na si Vatticus.

"Vatt!" tawag ko sa pinsan and lumapit sa kanya para yumakap.

Tinanggap naman niya ang hug ko, hindi nga lang matagal because this one is masungit also. Bakit ba 'tong mga batang 'to acting beyond their age na agad?

"Brooklyn, Mommy..." pagtatama niya sa pangalan ng puppy.

"It's brookie, Vatty..." balik na pang-aasar ni Tita with a serious tone.

Umirap din si Vatticus kaya naman napanganga ako. Everyone is umiirap, baka pag nagtagal ako dito ay mahawa na ako.

"Don't roll your eyes on me, young baby boy..." Tita Vera said na mas lalong hindi nagustuhan ng aking pinsan.

Humalukipkip si Tita Vera at tumaas pa ang isang eyebrow. I remember pa nga yung kwento ni Mommy, ayaw ni Tita na ngumingiti si Vatticus because mas nagiging kamukha daw ito ni Tito Julio, kaya naman Tita always pissed him off, pero syempre love na love pa din naman siya ni Tita.

Tita Vera is very mapang-asar lang talaga.

Puro boy ang anak nila ni Tito Julio, gusto ni Tita ng baby girl kaya naman daw hindi siya titigil hangga't hindi sila nagkakaroon ng baby girl.

"Let's go, Gianini...marami akong pasalubong sa 'yo," she said at hinila ako paakyat sa kanilang second floor.

"Vatty, let's go..." yaya niya din dito pero hindi ito sumama.

"Pupunta ako kay Daddy," he said.

"Maglalaro nanaman kayo ng grasya...that's very masama. Sige ka hindi ka lalaki niyan," pang-aasar niya sa anak.

"Grasa, Mommy. Grasa..." pagtatama niya dito.

Hindi natinag si Tita Vera. She's mapang-asar talaga, you'll surrender na lang dahil hindi mo naman siya kayang matalo, and hindi ka makakalaban sa kanya. 

Nagpasundo na kami sa driver pauwi sa amin. Ang dami kasing pasalubong sa akin ni Tita Vera. Mahihirapan kami ni Ate Laura if we'll walk pauwi dala dala ang mga paper bags na maradaming dress, make ups, bag, and shoes. Name it, nandoon na ang lahat parang you can build a closet na nga e.

"Parang sa mall tayo pumunta neto, Senyorita." sabi ni Ate Laura sa akin.

Hindi na nga kami halos mag fit sa likod ng sasakyan. Even sa may passenger seat ay may mga paper bags na din. Pagpasok namin sa Villa de Montero ay nakita namin na kararating lang din ni Daddy. Maputik ang gulong ng dala niyang Raptor.

Nag-stop muna siya para hintayin na kami imbes na dumiretso siya papasok sa loob. Wearing his usual white tshirt, maong pants, and a caterpillar boots, here comes the crush ng bayan in his time.

"Daddy!" tawag ko sa kanya and run towards him para yumakap.

Medyo nahirapan pa ako dahil nagdala na din ako ng ibang paper bags para hindi masyadong mahirapan sina Ate Laura and Kuya Driver.

Nagtaas ng kilay si Daddy sa akin ng makita niyang make up ang laman ng nakuha kong paper bag.

"It's from Tita Vera po...for future purpose daw po," laban ko.

Tumaas pa lang ang kilay ni Daddy pero alam ko na kaagad ang ibig sabihin no'n.

"Future purposes, huh..."

Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.

"Ngayon pa lang sumasakit na ang ulo ko," natatawang sabi niya sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala.

"You need to take meds na po, Daddy."

Natawa si Daddy dahil sa pag-aalala ko.

"Paano pa kaya pag nagdalaga ka na talaga?" he said na para bang hindi pa ako dalaga ngayon.

"I'm dalaga na po," giit ko.

He groned in frustration na kaagad. Daddy is takot ata about the boys. Wala pa nga 'yon sa mind ko.

Daddy told me na aalis kami para mag dinner kasama sina Tito Junie. Wedding anniversary daw kasi nila ni Tita Ericka. Nakaramdam ako ng kung ano about that pero hinayaan ko na lang.

I wore a simple dress lang and some bow sa hair ko. Simple dinner lang naman daw 'yon kaya naman I don't want to be so over, hindi ko naman 'yon event.

Dumating kami sa bahay nina Tito Junie ng medyo padilim na outside, naalala ko tuloy yung mga stories about sa mga aswangs, it's with S kasi madami daw sabi ni Mommy.

Medyo madilim ang way papasok sa bahay nila Tito. Sa dulo naman ay makikita ang luma nilang kubo, sa tabi noon ay isang malaking na. The new one looks like a kubo pa din naman pero may touch na ng modern na mga bahay.

"Pupunta ba sina Ate Vera and Julio?" tanong ni Mommy kay Daddy.

Kinuha ni Daddy si Gio kay Mommy para siya ang bumuhat sa napaka lazy kong brother na akala mo di pa marunong mag walk pero kaya na mag-tumbling.

"Sabi ni Julio pupunta sila..." sagot ni Daddy.

Naunang bumaba si Daddy habang buhat ang brother ko. Pero hindi pa din niya nakalimutang pagbuksan kami ng door ni Mommy. Una niyang pinagbuksan ng pintuan si Mommy pagkatapos ay ako.

He's always like that. Super sweet talaga ni Daddy. If time comes sana kasing sweet din ni Daddy ang magiging partner ko. Pero i'm not allowed pa to be vocal about it, baka ma-stressed lalo ang Daddy and Mommy ko.

"Balae..." salubong ni Tito Junie sa amin.

Kumunot ang noo ko. I'm not familiar about the word, and i'm a bit duda sa meaning no'n.

"Mukha mo balae. Tumigil ka..." suway ni Daddy sa kanya.

Nagulat ako ng nawala agad si Mommy sa tabi namin, nakita kong nandoon na agad siya kasama si Tita Ericka at ilang mga kakilala. 

Inabot ko ang laylayan ng suot na tshirt ni Daddy. Mabilis niya akong nilingon.

"That can i use the bathroom po?" tanong ko sana para siya ang magpaalam kay Tito Junie. I'm a bit shy talaga pag nasa ibang bahay kami.

"Naiihi ka?" tanong ni Tito Junie sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Actullay kanina pa 'yon habang nasa byahe kami kaya naman it looks like hindi ko na kayang pigilan pa.

"Teka, papasamahan kita sa napakagwapo kong panganay..." Tito Junie said.

"I can do it na po," sabi ko at kaagad na tumakbo paalis doon papasok sa kanilang bahay.

Ang dami pang introduction ni Tito, I can't take it anymore na nga e.

Nilagpasan ko ang grupo nina Mommy, hindi din naman niya ako napansin pero rinig na rinig ko ang pagsasalita niya.

Hindi naman siguro ako mahihirapang hanapin ang bathroom dahil maraming tao sa loob, pwede naman akong mag-ask kung saan 'yon. But everyone is too busy, hindi ko alam kung sino sa kanila ang iistorbohin ko.

"Hi, you know ba kung saan ang bathroom nina Tito Junie?" tanong ko sa batang lalaking nakatalikod sa akin.

Mas matangkad siya kesa sa akin, pero I know naman kung anong difference ng bata pa at hindi.

Parang biglang nawala ang urge ko na mag-bathroom when I saw kung sino ang batang 'yon na nagpapanggap na old na.

"It's you again?" he said na ikinagulat ko.

Sandali ko siyang pinagmasdan hanggang sa parang isang puzzle na nabuo ko ang lahat. Everything is clear now.

"Son ka ni Tito Junie and Tita Ericka, kaya you're familiar talaga e. Sabi ko na," nakangiting kwento ko sa kanya.

Tumaas ang isang eyebrow niya. 'Yon lang ang isinagot niya sa akin eventhough i'm so happy nga dahil naalala ko na siuya totally.

"It's me, Gianneri. We're magkababata...hindi mo na remember?" tanong ko sa kanya.

Nalukot ang mukha niya, napakamot siya sa kanyang tenga na para bang kumati 'yon sa hindi ko malamang reasons. Baka hindi siya naglilinis ng ears niya.

"Tigilan mo nga 'yang ganyang klase ng pagsasalita," suway niya sa akin.

"What do you mean?"

Mas lalo siyang naging grumpy. Baka pinaglihi siya sa isa sa mga dwarfs ni Snow white na si grumpy. Super sungit.

Tumuro siya sa kung saan. "Nandoon ang banyo," he said.

Buti naman kahit grumpy siya ay naalala pa din niya ang tanong ko.

"Thanks. I can't take it anymore na kasi..." kwento ko pa and run fast papunta sa bathroom.

Wala na si Mr. Grumpy sa loob ng bahay paglabas ko ng bathroom. Dumiretso na ako palabas para puntahan sina Daddy. I feel gossebumps pagkalabas ko, nasa isang malaking table silang lahat. Kasama nina Daddy at Mommy sina Tito Junie, even nga sina Tito Julio and Tita Vera ay nandoon na din.

Looks like they're talking about me at ngayong nandito na ako at ganyan ang tingin nila sa akin.

"Andito na pala ang aking napakagandang daughter in law..." Tito Junie said.

Sabi ko na may something about the balae thing e.

Sinuway siya ni Daddy na hindi ko na naintindihan. Dahil may nagsalita na sa likuran ko.

"Ang bagal mo maglakad," he said. It's sapat lang para kaming dalawa ang makarinig.

Lumaki ang mata ko, it's Mr. Grumpy again.

"Ganyan nga anak..." Tito Junie said na parang he's cheering.

"Not bad..." Tita Vera said.

I'm super naguguluhan na sa mga salitaan nila.

"Ano balae? Talo ka pa ba sa gwapo ng anak ko?" pagyayabang ni Tito Junie.

"Magtigil ka," Daddy said with finality.

"Jacobus, halika rito..."

Jacobus. That's his name.

Lumapit siya sa kanila and nilagpasan pa ako.

"Top of his class...matalino 'to," sabi pa ni Tito Junie.

"Gianneri..." mahinang tawag ni Daddy sa akin.

Lumapit ako papunta sa kanya. Kinulong agad niya ako sa kamay niya na para bang he's afraid na may kukuha sa akin.

"Jacobus, naalala mo si Gianneri?" tanong ni Tita Ericka sa kanya.

Nilingon niya ako, muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Hindi po masyado..." sagot niya sa kanila kaya naman kumontra si Tito Junie.

Hindi nagtagal ay naiba din ang topic nila. Mas better 'yon dahil ayokong i-connect na ako sa batang 'yon.

Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Daddy while observing. Nakita kong may kasama na siyang mga batang kasing age niya, that's the first time na nakita kong nag-smile siya. Ilan doon ay girls, akala ko ganoon talaga siya sa lahat ng girls. Sa akin lang pala.

"You can go there, baby. Make friends..." Mommy said pero umiling na lang ako.

Muli kong nilingon ang grupo nila Jacobus, nagulat pa ako when I saw na nakatingin siya sa akin. Pareho kaming nagulat because nagtama ang mga eyes naming dalawa.

Sumimangot siya na para bang it's my fault eh hindi ko naman hawak ang eyeballs niya para sa akin tumingin 'yon. 

Tinawag siya ni Tito Junie. Sinabi nitong ipakilala ako sa mga friends niya. Ayoko sana pero i don't want to make a drama naman. Isinama niya ako kahit feel kong it's labag sa kanyang kalooban.

"Si Gianneri..." pakilala niya sa mga kaibigan niya.

"Doon na din siya sa Sacred Heart mag-aaral?" tanong ng isa sa mga ito.

Nagkibit balikat si Jacobus.

"Tanong niyo sa kanya," he said at nginuso ako.

Nilingon ako ng lalaki. "Doon na?" tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat din ako. "You can ask my Daddy..." sagot ko at nginuso din si Daddy.

Tumawa ang mga kaibigan niya.

"Magkahawig kayo...sabi pag magkahawig daw destiny," pang-aasar ng mga ito.

Hindi ako papayag. Hindi naman ako masungit.

"Ang dami niyong alam," masungit na sabi ni Jacobus.

"Kaya nga," segunda ko. Nagulat sila because of that.

Nilingon ako ni Jacobus with his amused face.

"I'm not grumpy no. Happy ako sa life ko."

Mas lalong tumalim ang tingin ni Jacobus sa akin.

"At ako hindi?"

Nagkibit balikat ako. Mas lalo siyang nagulat ng sundutin ko ang braso niya.

"Ask mo sarili mo."




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro