Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

Prologue
Deianira's POV

PEOPLE go but memories stay. Sometimes in our life, we only realize the value of someone when they become memories.

I did, I am one of those people. I only realized that we only borrowed our life and time, when he left me. When he's gone and when . . . he became a memory.

Looking at an old photograph while somewhat wishing I can turn back time, that I can bring myself back at that moment. Isa 'yong photo na kuha sa first date naming mag-asawa. Napakaganda tingnan ng photo, para bang wala kaming problema o stress na pinagdaraanan.

Hindi ko maiwasan na alalahanin ang mga happy moments naming dalawa. I bet, those memories will stay forever, while he . . . he didn't. Wala na siya sa akin, iniwan niya na akong mag-isa.

This time, he's not coming home. He's not coming back anymore.

"Mom, are you okay?" Arida asked. Arida was Archibald and my only daughter. She's seventeen and she grew up being a beautiful and obedient daughter.

Arida's physical feature was almost the same as her father. Her chinky hazel brown eyes, long black hair, small pointed nose and pinkish lips. She's like Archibald's girl version. I can't help but to smile while looking at her. She's Archibald's greatest and living memory.

I smiled and caressed her hair. "Of course, I am," I said.

She sat beside the empty chair beside me. Suddenly, she hugged me. I wasn't expecting that and I was a bit shocked. But then, I hugged her back.

"Kahit wala na si Papa, nandito pa naman ako," she said and then she looked directly at my eyes. I can see the loneliness, sadness, and grief in her eyes. I am sad too but I need to be strong for her. Kami na lang dalawa, hindi maganda kung magiging mahina ako. Kailangan ako ng anak namin ni Archi.

"I know, honey. I am also here. Pareho tayong nandito para sa isa't isa." I smiled and kissed her cheeks. I am happy that she exists, because I don't know what to do without her. Hindi ko ma-imagine kapag nawala sa akin ang nag-iisa kong anak. Now, she's the only reason why I am still standing.

"I love you, Mom." She kissed me back on my cheeks.

"I love you too, Arida," I mouthed.

Ngayon ang huling araw ng lamay ng asawa ko, si Archibald Darius Sy. These past few days, we had a lot of guests. Highschool friends, casual acquiantances, neighbors, and families.

Maya-maya ay darating na sila para sa makiramay sa amin at silipin si Archibald. Ngayon ay naghahanda pa lang para sa gaganapin bukas na libing. I can't help but to be taken away by the gloominess of the atmosphere. I tried... I badly tried to hide the pain of losing my half but I failed. Sa tuwing naalala ko, nanghihina ako.

"Mom, nandiyan na sila Tita Hestia." Arida giggled as he ran to the door, welcoming her aunts and uncles.

My eyes flew to them. They're really here . . . they are Archibald's high school friends. Hestia, Kaja, Jea, Rafael, and Travis. Sila ang mga pinaka-close ng asawa ko. Isa-isa ko silang tiningnan.

Hestia owned a timeless beauty. I don't want to compare, but in my perspective, when it comes to physical appearance, mas maganda siya kay Jea. Malakas ang appeal ni Hestia. She had those fierce almond eyes, pointed nose, red lips and her face looked strict. On the other hand, Jea's features are soft and cute. Her eyes was round and big but it suits her face. Small pointed nose and pinkish lips. Maganda rin si Jea, at ang kutis nito ay nakakasilaw sa puti. Halatang mayaman ito.

Travis was the quiet and strict one. His face suits his attitude. Kumbaga, mukhang strict at ugaling strict. But based on the stories of my husband, si Travis ang pinaka-wild at pasaway sa kanila. Rafael owned an angelic face yet he had this dark aura; he had this sharp jaw that really attracts women; his almond brown eyes, black hair, and pinkish lips made him looks more dashing. Moreno si Rafael at lalo iyong nakadagdag sa karisma niya. Kumbaga, asset niya iyon na maituturing.

Lastly, Kaja or Karlsen, he had a darker aura . . . I mean darkest among the three. He looked like he'd been through a lot of tough things that made him looks independent and manly. He looked mature, in a good way. Kaja was one of the campus crush when they were in high school, based on my husband's stories. Kung si Rafael ay moreno, si Kaja naman ay mestizo. Parang kulay nyebe ang makinis nitong balat. Walang pores! Kaya hindi nakakapagtaka kung maraming nahuhumaling sa lalaki.

Kahit halatang may mga edad na sila, bakas pa rin ang kagandahan at kaguwapuhan nila no'ng kabataan nila. Even, Archibald, kaya ako nahulog sa asawa ko ay dahil din sa gandang lalaki nito, well that's just a bonus. Archi is naturally caring and thoughtful that's why I fell for him. Hindi lang mapagmahal na asawa, napakamapagmahal ding ama. 

Archi is perfect! So perfect for me...

"Upo kayo," paanyaya ko sa kanila. Tumango naman ang dalawa, si Raf at Kaja.

"How are you, Deianira?" Kaja asked as he sat on the sofa. He looked at me worriedly. I just gave him a small smile and shook my head.

"Obviously, I am not fine. Pero kailangan ko maging malakas para kay Arida," sabi ko. Pagkasabi ko no'n ay agad na dumako ang tingin ko kay Arida na nakikipag-usap kay Jea. A smile formed in my lips while watching my daughter.

"I didn't expect Archi's sudden death," Raf uttered and sat on the sofa next to Kaja. Nagkatinginan pa ang dalawa at nagkibit-balikat si Rafael kay Kaja.

"Lahat naman tayo ay hindi in-expect na mangyayari ito. Now, all we have to do is to set him free and pray for his soul," ani Kaja. Tumango na lang ako at tumayo. Pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng maiinom nila.

Narinig ko ang pagdating ng ilang mga bisita. Maya-maya ay isa-isa ng dumating ang mga kapamilya ko at ni Archibald. Maging ang ibang kakilala at kapitbahay.

I sighed deeply and went out of the kitchen. Bumalik ako papunta sa kaninang kinauupuan ko. Nandoon pa rin si Kaja at Raf, nag-uusap silang dalawa. Natigil sila sa pag-uusap nang bumalik ako.

"You must be tired, Deia. Nakakapagod ang pag-aasikaso ng lamay ng halos isang linggo," Raf said. I smiled and slowly nodded.

"Medyo... lalo na at kaming dalawa lang ni Arida," sambit ko. Tumango-tango naman ang dalawa.

Napansin ko ang sunod-sunod pang pagdating ng mga bisita. I suddenly panicked but Arida entertained them well. Talagang maaasahan ang anak ko. Kaya nakahinga agad ako nang maluwag.

"Anyway, I will entertain other guests. I'll be right back," sabi ko kay Raf at Kaja.

"Sure, no problem," wika ni Kaja. Tumango lang din si Rafael.

Agad ko na pinuntahan ang mga guests at kinuhaan sila ng makakain. Kanya-kanya ang pag-uusap ng mga ito. Iyong iba ay abala rin sa pagsilip sa kabaong ng aking asawa. I didn't expect that this scenario will happen. I mean, of course we will come to the part wherein we need to face death. Pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis at kaaga. Masyado pang bata si Arida.

I don't even know if I'll be enough to fulfill the lost of her father's presence while she's growing up. Teenage years is the most crucial part of life. I hope I will guide and raise Arida well . . . alone.

Hindi ko lang talaga maiwasang isipin na baka hindi ako maging sapat. Na baka hindi ko magampanan ng maayos ang puwang na naiwan ni Archi. Baka dumating sa punto na mapasama si Arida dahil sa akin—ayoko! Ayoko na mangyari iyon! Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari iyon. But still, I am really doubting myself.

I shook my head. I am overthinking about stuffs that's still not happening. Hindi ko lang talaga maiwasan isipin. Tomorrow, after Archibald's funeral, I will be on my own again. I will raise Arida alone. Wala na siya . . . I can't believe . . . na wala na talaga siya.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa mga guests. Napansin ko na wala na si Rafael at Kaja sa kinauupuan nila kanina sa sofa. Nang lumingon ako ay bahagya pa akong nagulat nang makita ang anak ko.

"Mom!" tili niya dahil nagkabanggaan pa ang balikat namin.

"Arida, nagulat naman ako sa iyo," bulalas ko at bilang tugon ay tumawa lang ito. Napansin ko na hindi niya na kasama si Jea. Iyon ang kausap niya kanina. "Nasaan ang Tita Jea mo?" tanong ko kay Arida.

"Umakyat sila ni Tita Hestia sa taas, mom. May importante raw silang pag-uusapan," nakangiting sabi ni Arida at nagkibit-balikat.

"Sige, sige. Aakyatin ko lang sila. Baka gusto na rin magpahinga ng mga iyon. I'll send them new bedsheets and new sets of pillowcase. Ikaw muna ang mag-entertain sa guests. I'll be back," I said and smiled. She nodded and head. Umakto pa itong sumaludo kaya pabiro ko rin itong kinurot sa tagiliran.

Natawa ito at napailing lang ako. Minsan talaga ay may pagka-childish din itong unica hija ko. How I wished she remain that way.

Agad akong umakyat at pumunta sa isnag kuwarto kung saan nandoon nakalagay ang mga extra bed sheets, pillowcase, and shirts for our guests. Madalas din kasi ang pagdalaw ng mga kaibigan ni Archi dito kaya lagi kaming may extra.

Kumuha ako ng mga bagong laba na bed sheets at pillowcase. Mukhang nandoon sila sa ikatlong kuwarto rito sa second floor.

Palapit na ako at naririnig ko na ang mga boses nila. Ngunit nagulat ako sa kakaibang tono at intensidad sa mga boses nila. Kaya, napahinto ako sa tapat ng pinto.

"What now? Are you out of your mind? Ngayon niyo pa talaga naisipan ang kahibangan na ito. Now that Archi is dead, seriously?" sigaw ni Hestia. Yes, I am sure na si Hestia iyon. Kilala ko ang boses nila.

"Calm down, will you?" malamig na sabi ni Travis. Mukhang si Hestia ang sinabihan.

"Hestia is right! Ngayon niyo pa talaga naisipan ni Rafael ito ngayong na-elect na siya as senator?" sabi ni Jea. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinong senator ang tinutukoy niya? At bakit may sangkot na senador sa usapan nila?

"We had received the package, Hestia. It's not a simple thing..." mariing sabi ni Kaja.

"I'm out of this!" iritableng sabi ni Hestia.

I don't know why I am still eavesdropping on their conversation. But I can't help to listen to them, I am really curious. Bakit parang ang bigat ng pinag-aawayan nila? Tungkol saan ba ang pinag-aawayan nila?

"You are all afraid that if this comes out, masisira ang mga pangalan niyo. Ano Atty. Karlsen Dela Cerna? What about you Atty. Hestia Singson-Villaflor? Ikaw rin Architect Jeara Trinidad-Santiago? What about you Engr. Travis Natividad? See, lahat kayo ay takot kasi masisira iyang mga pangalan niyo na pinakaiingatan," Rafael angrily blurted. Anong meron at nadawit maging profession nila sa usapan na ito?

"Ano? Gano'n-gano'n na lang Rafael, magpapasira tayo sa nakaraan?" sabi ni Jea. Dinig ko ang frustration sa boses nila.

"Ikaw hindi ka ba natatakot, Dr. Rafael Villaflor?" mapang-uyam na tanong ni Hestia. Yes, the sarcasm and mockery was dripping in her tone.

"No, Hestia. Matagal na dapat inungkat ito," mariing sabi ni Rafael.

"There's no use of coming back in the past, Rafael. Those are past now . . . memories, Rafael. Huwag na natin balikan," Travis uttered, almost a whisper.

"We can't never rewind our youth but those memories that we left in those days will haunt us forever..." Rafael said. Bahagyang natahimik sila.

"Ayoko na pag-usapan ito. Bakit ba binabalik mo pa ito, Rafael? Dahil sa kanya?" Hestia muttered bitterly.

"What?" Rafael blurted irritatingly.

"All these years that your feelings for me was half-baked—" sigaw ni Hestia na hindi niya natapos dahil pinutol agad ni Rafael.

"What the fuck are you talking about, Hestia! Shut up! It is not about us and the shits about our relationship. The issue here is that—" Hindi natuloy ni Rafael ang sasabihin nang biglang sumingit si Kaja.

"I don't want to get involve with this shit! This is useless," Kaja lazily said.

Wala akong ideya patungkol sa pinag-uusapan nila. Pero mukhang napakabigat kung ano man iyon. I can't help but think that Archi is also involve in this.

Hindi ko alam, pero para matapos na rin sila ay pumasok na ako sa kuwarto dahil ilang minuto na ring walang umiimik sa kanila. Bumungad sa akin ang seryoso nilang mga mukha.

"H-Hi! Magpapahinga ba kayo? P-Palitan ko iyong bedsheets para makapagpahinga na kayo," wika ko. Pinigilan ko ang mautal o manginig ang boses kaso hindi ko napigilan lalo na't narinig ko ang mga pinag-usapan nila.

"No need, aalis na rin kami. Thank you for welcoming us, Deia," nakangiting sabi ni Rafael sa akin. Tumingin naman ito sa asawang si Hestia. "Let's go Hestia," maawtoridad na tawag ni Rafael sa asawa.

"K-Kami rin aalis na rin kami. Salamat, asahan mo na nasa libing kami ni Archi bukas," sabi ni Jea na may alanganing ngiti sa labi. "Tara na Travis at Kaja," pagtawag nito sa dalawa pang kaibigan.

Nang makaalis sila at iba pang bisita ay nagpahinga ako. Inasikaso muna ng pamilya ni Archi ang ibang bisita na nasa baba. Kailangan ko ng lakas bukas. Pisikal at emosyonal na lakas.

Bukas, talagang magpapaalam na ako kay Archi. Nahiga ako sa kama naming mag-asawa, habang yakap ang unan ni Archi. Sa pagkakataong iyon ay iniisip ko na siya ang unan na iyon. Hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

I will miss you, Archi...

---

KINABUKASAN ay dumating na ang funeral service. Isinakay na nila ang kabaong ni Archi. Hindi ko maiwasang umiyak habang pinagmamasdan iyon. Ilang oras na lang at talagang wala na.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Arida sa akin. Nasa loob na kami ng sasakyan papunta sa sementeryo kung saan ililibing si Archi at kung saan gaganapin ang funeral ceremony.

"Mom, wala na talaga si Daddy. We need to be strong... P-Pagalitan tayo no'n kapag nakita niya na umiiyak tayo," Adira said. Sa pagitan ng pag-iyak ko ay natawa ako. Sinasabi niya na huwag umiyak pero siya itong humahagulgol din.

Pinisil ko ang ilong niya. "Your daddy love the both of us. We shared a lot of good memories with him... Kaya, mawawala man siya sa atin ngayon, physically. Hindi naman siya mawawala rito." Itinuro ko ang dibdib ko kung nasaan banda ang puso.

Marahan kong pinunasan ang luha na tumutulo pisngi niya. Her cheeks and nose were red.

"I know, Mom..."

Tumigil na ang sasakyan at lumabas na kami ni Arida. Hindi ko napansin na tulala lang ako hanggang sa nagsimula na ang seremonya.

Nang magsimula na ang seremonya at nang ilibing na si Archi ay hindi ko naiwasan humagulgol. I will miss him. I will miss his laugh, smile, and corny jokes. We were married for almost 18 years and still it felt like yesterday.

Lumapit ang mama ko sa akin at niyakap ako. I know that she also felt my pain. Maging si Arida ay niyakap din ako.

Goodbye, Archi . . . goodbye my love.

Matapos ang seremonya ay agad kami umuwi. Hindi ko alam pero hindi naging maganda ang pakiramdam ko matapos ang naganap na libing. Nakita ko rin si Hestia sa libing kanina pero wala na akong lakas para pansin pa sila.

Pinihit ni Arida ang pinto habang inaalalayan ako papasok sa bahay. Nang makapasok ay agad ako na naupa sa pang-isahang sofa chair.

Kakaupo ko pa lang ay biglang tumunog ang door bell. Agad nakuha no'n ang atensyon ko.

"Sino iyan, 'nak?" tanong ko kay Arida.

"Wait, titignan ko lang po..." Agad na binuksan ni Arida ang pinto.

"Good afternoon, ma'am. Package po para kay Mr. Archibald Darius Sy," sabi ng lalaking nakapulang uniporme.

What did he say? Para kay Archi? E patay na ang asawa ko! Paanong magkaka-package para sa kanya? Agad akong napatayo sa kinauupuan ko. Nilapitan ko ang delivery guy.

"Sino ang nagpadala niyan?" kunot-noong tanong ko.

"Wala pong nakalagay na address, Ma'am," sabi ng delivery guy na lalong nagpakunot ng noo ko. Imposible talagang para kay Archi 'to!

"Baka naman ay namali ka lang," alanganin kong sambit.

"Ito po ang address na nakalagay at nakasulat po na Mr. Archibald Darius Sy, nandito po ba siya?" magalang na sabi ngbdelivery guy.

"Mom, baka na-delay na package lang iyan para kay Daddy," singit ni Arida. Bahagya akong natigilan at napaisip. Baka nga na-delay lang na package para kay Archi.

"Wala siya, ako na ang tatanggap..." Iyon lang ang sinabi ko. Hindi ko kasi kaya na banggitin na wala na si Archi.

Pumirma ako sa isang papel. Katibayan na natanggap ko na ang package. Matapos no'n ay agad na umalis ang delivery guy.

"Ano namang laman niyan, Mom?" kuryusong saad ni Arida.

Isa itong brown envelope. Magaan lang ito pero hindi naman papel ang laman. Sa kuryusidad ko ay binuksan ko ang package.

Cassette tape?

Iyon ang bumungad sa akin isang itim na cassette tape. May dalawang tuldok na pawang code ito sa left side at may nakalagay na Tape 001.

Ngunit ang talagang nagpanganga sa akin ay ang nakasulat sa cassette tape. Gamit ang pulang nail polish. Naguguluhan ako sa nangyayari sa oras na iyon.

Ano ang ibig sabihin nito?

Tape 001 • •

"To Our Youth In Cassette 1998. How are you, my old friend?"

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro