Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CASSETTE 9: Expectation

Chapter 9
Dolores' POV

[Cassette Tape 001 Side B, is now playing . . .]

DAHIL dumating na ang mga magulang ni Archi ay maagang natapos ang pagsasaya namin. Umuwi agad sa kanila si Archi no'ng sabado para salubungin ang mga magulang niya at ang nakakatanda niyang kapatid.

Nasa room ako ngayon at katabi ko si Kitty na nagbabasa ng pocketbook. Wala pa kasi kaming teacher sa ngayon. Sa katunayan, ang aga pa at kakaunti pa lang kami sa room.

Wala pa nga si Rafael, Hestia at ang mga kaibigan nito, maging si Archi at Kaja. Si Travis ay abala sa pagsusulat ng kung anuman sa notebook nito.

Maya-maya ay lumapit si Travis sa amin ni Kitty habang dala ang big notebook nito na may cover na green. Ibig sabihin ay sa subject na Science namin ito.

Color coding kasi ang notebook namin at may pa-big notebook na requirements ang ibang subject. Doon daw isusulat ang mga activities namin.

Lumapit si Travis kay Kitty at bigla itong nagsalita.

"Alam mo Kitty, ang ganda mo ngayon—" Malapad na ngumiti si Travis at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Kitty. "—pakopya nga ng activity two sa Science. Please, ganda?"

Nakangising nakikiusap ito sa pinsan niya. Naningkit naman ang mga mata ni Kitty at ibinaba ang binabasa niyang pocketbook. "Hindi ba group ninyo nila Kaja ang nakakuha ng plus points sa activity? Kayo nga unang nakatapos d'yan e. Ta's ikaw itong walang sagot."

Napakamot sa ulo si Travis at ngumuso. "Umay naman kay Kaja! Siya lang nakaka-gets sa activity ni Sir Enterion."

"Hindi ka kasi nakikinig sa lesson ni sir. Puro kayo daldalan ni Archi," nakapamewang na sambit ni Kitty.

"Hoy hindi naman palagi. Minsan minsan lang!" nakangising depensa ni Travis.

Hindi ko maiwasang matawa at mapailing dahil sa pag-uusap nilang magpinsan. Napaka-cute nilang tignan magbangayan.

"E putsa! Ano bang pakialam ko sa mitochondria? Yayaman ba ako do'n?"

"Bibig mo ha! Puro ka na lang mura!" Pinagdikit ni Kitty ang hintuturo at hinalalaki niya, umaaktong pipitikin ang bibig ni Travis.

"Sorry na... Ano? Pakokopyahin mo na ba ako ng sagot dito?" nakangising tanong ni Travis at nag-puppy eyes pa.

"Hindi."

"Luh siya! Damot mo, Kitty! Mag-break sana kayo ni Kaja!"

Bigla namang nataranta si Kitty. Ang tunog kasi ng pagkakasabi ni Travis ay parang sinusumpa niya ang relasyon ng dalawa.

"Sige na nga pakokopyahin na kita!" Biglang nilabas ni Kitty ang green big notebook niya sa Science.

"Yahoooo!" Ngiting tagumpay naman itong si Travis.

Nagsimula ng mangopya ng sagot si Travis kay Kitty. Pero habang nagsusulat si Travis ay pinapaliwanag ni Kitty ang concept sa pinsan niya. Sinisigurado ni Kitty na naiintindihan nito ang mga pinagkokopya sa kanya.

Nakakatuwa makita ang malapit na relasyon ni Kitty at Travis. Minsan hinihiling ko na sana mayroon din akong pinsan na kaedaran ko . . . o hindi kaya ay kapatid.

"Ayos! Salamat nang marami, Kitty ganda!" pambobola ni Travis kay Kitty. Napahagikgik naman si Kitty. Mukhang nagpapadala naman ito sa pambobola ng pinsan niya.

Nang makabalik na si Travis sa puwesto niya ay doon ko napansin na nandoon na rin si Rafael at Kaja. At ang himala pa ay kinakausap na ni Travis si Kaja. Hindi na siya mukhang galit dito.

Hinarap ko si Kitty at tinanong ito. "Ayos na si Travis at Kaja?" kunot-noong tanong ko.

Napasulyap si Kitty sa direksyon kung saan nakaupo si Kaja. Pagkatapos ay hinarap ako ulit ni Kitty at nakibit-balikat siya.

"Sa totoo lang ay hindi ko alam. Pero sabi sa akin ni Kaja ay nagkaroon sila ni Travis ng masinsinang pag-uusap e. Siguro . . . nagkabati na sila," pahayag ni Kitty.

Napatango-tango naman ako. "Maganda iyon . . . iyon ang wish ni Archi 'di ba?"

"Oo . . . kaya rin siguro naisipan ni Travis na makipag-usap kay Kaja." Humugot nang malalim na hininga si Kitty. Itinukod niya ang siko sa desk at nagpangalumbaba. "Ang sabi pa ni Kaja sa akin ay nagkaroon sila ng simpleng kasunduan. Pero ayaw niya naman sabihin kung anong klaseng kasunduan."

"Sa tingin ko ay patungkol sa 'yo. Alam mo naman na kapakanan mo lang ang iniisip ni Travis," nakangiting sabi ko kay Kitty. "Siguro ay sinusiguro lang ni Travis ang kalagayan mo."

"Hindi naman ako sasaktan ni Kaja."

"Kahit na . . . mabuti na nakapag-usap sila at nagkalinawan."

"Sa bagay . . ."

"Wala ka pa rin kasing assurance na magtatagal ang relasyon ninyo hangga't hindi pa kayo legal sa mga magulang niyo."

Napsimangot bigla si Kitty sa sinabi ko. Hay naku! Alam ko naman na ito ang pinakaproblema nila. May gulo sa pamilya nila, dapat ay 'yon muna ang ayusin bago sila magkaroon ng relasyon.

Ang hirap kasi kapag kailangan mo mamili sa pagitan ng pagmamahal at pamilya.

Minsan lang natin mahahanap ang taong mamahalin natin . . . pero iisa lang din ang pamilya na binigay sa atin. Pareho na bumubuo ng kasiyahan ng isang tao. Parehong mahalaga ang dalawang iyon, kaya mahirap kung kailangan mo ng manimbang at mamili sa pagitan ng dalawang iyon.

"Alam ko naman iyon, D. Pero sa ngayon . . . ang magkaayos ang pamilya ko at pamilya ni Kaja ay imposibleng mangyari."

Umayos siya ng pagkakaupo at inilagay ang kanang kamay sa itaas ng desk niya. Kinuha ko naman iyon at hinawakan. Napatinging siya sa akin, binigyan ko siya ng maliit na ngiti.

"Huwag ka mawawalan ng pag-asa. Naniniwala ako na maayos din ang lahat."

"Sana nga, D."

Matapos ang pag-uusap namin ni Kitty ay nakuha ang atensyon ko nang pumasok sa classroom si Archibald. Mukha kasi siyang stress o may mabigat na dala-dala.

Saktong pagkapasok ni Archibald nang  dumating si Sir Enterion. May dala itong maraming manila paper.

"Okay class, iayos ko muna ang seat ninyo. Ayoko na magkakatropa ang nagtitipon-tipon dahil puro daldalan nang daldalan!" stress na stress na sabi ni Sir Enterion sa amin.

Pero sa totoo lang ay mas naging pabor sa amin ang bagong seating arrangement ni sir. Magkakalapit na kami nila Travis.

Nakaupo ako sa left side at nasa third row. Si Kitty naman ay nasa fourth row.

Katabi ko si Kaja sa kanan ko. Sa kaliwa ko naman ay nandoon si Archi. Sa likod na row ay nandoon si Kitty nakaupo sa likod ni Kaja. Katabi ni Kitty si Travis sa kaliwa niya. Katabi naman ni Travis si Jea at sa tabi ni Archi ay si Rafael. Napapagitnaan ni Rafael at Travis si Jea.

O 'di ba? Mas napaglapit kami?

"Class, magkakaroon tayo ngayon ng graded recitation," anunsyo ni Sir Enterion.

Narinig ko naman ang pagrereklamo ng mga kalase namin. Ang iba ay nagbubulungan at natatarantang hinahanap ang mga notes nila.

Hinilot ni Sir Enterion ang sentido niya. "Siguraduhin niyo lang na may maisasagot kayo dahil mainit pa naman ang ulo ko ngayon." Huminga nang malalim si Sir Enteria. "Okay, ten minutes review."

Ako naman ay nagsimula ng buksan ang notes ko. Si Archi at Kaja ay gano'n din ang ginawa. Pero nakita ko na naoasabunot sa buhok niya si Archi, mukhang nahihirapan nanaman ito sa pag-intindi sa lesson.

"Archi, gusto mo ba na tulungan kita sa pag-review?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko na natigilan siya at namilog ang mga mata. Nang makabawi ay sinagot niya ang tanong ko. "O-Oo sana . . . kung okay lang sa 'yo."

Namumula ba si Archi? Bakit naman siya mamumula? Tinanong ko lang naman siya ah.

"Sige, sabihin mo sa akin kung saan ka nahihirapan."

"Ah dito sa part of animal at plant cells," ani Archi at tinuro ang black and white na picture ng cells mula sa textbook.

Sino nga ba namang hindi mahihirapan i-identify ang mga parts ng cell, e black and white itong picture na binigay nila?!

"'Wag na lang iyan ang tignan mo. Nagdrawing ako rito sa notebook ko," nakangiting sabi ko sa kanya.

Habang abala kami sa pag-aaral ni Archi ay narinig ko naman na nagtatawanan at chismisan si Travis at Jea. Kaysa mag-review ay nagtatawanan sila.

"Required ba talaga na kapag naka-brace ay natalsik ang laway?" natatawang tanong ni Travis.

"Ask Sir Enterion." Mahinang humalakhak si Jea.

"Kaya ayoko umupo sa uanahan e, natatalsikan ng laway ni sir."

"You're so napakamapanlait,Travis! You're so sama kay sir!"

"Okay lang, masama rin naman si sir sa atin. Quits lang." Humalakhak si Travis sa pagsuway sa kanya ni Jea.

"Don't tanong-tanong later ha, Travis! Kapag you don't have sagot sa recitation later. Baka mabato ka ng eraser ni sir," natatawang banta ni Jea kay Travis. Si Travis naman ay tumawa lang.

Tingin ko ay mali ang desisyon ni sir na pagtabihin si Jea at Travis. Nakakatuwa silang dalawa pero napakadaldal nila. Tapos kung ano-ano oa ang pinag-uusapan.

Nang matapos na ang ten minutes na binigay ni sir ay nagsimula na siyang magtawag. Simple lang naman ang mga tanong niya kung makikinig ka lang sa lesson ni sir.

"Sy, Archibald Darius. Stand up!" utos ni sir kay Archi.

Sumunod naman si Archi sa sinabi ni sir. Nakita ko na medyo kinakabahan siya dahil bigla siyang tinawag ni sir.

"Okay, what is the powerhouse of cell?" tanong ni Sir Enterion kay Archi.

Nakita ko na napakamot si Archi sa ulo niya at hindi mapakali ang tingin. "Uh..."

"Mitochondria," bulong ko kay Archi. Mukhang narinig niya naman iyon.

"Mitochondria po sir," sagot ni Archi na alanganin ang ngiti.

"Good, Mr. Sy. You may take your seat." Tumingin sa record niya si Mr. Enterion. "Okay next."

Naupo naman si Archi at tumingin sa akin. Hinimas niya ang batok niya at naiilang na tumingin sa akin. "T-Thank you..."

Maliit ako na ngumiti sa kanya. "Wala iyon, Archi."

"Natividad, Travis Caelum."

"Holy sheeet! Ako na!" Napalingon naman ako kay Travis. Nakita ko na nataranta siya at ang paghagikgik ni Jea sa ekspresyon ni Travis.

"Mr. Natividad, give me an example of living and non-living things. Iyong hindi pa nababanggit," sabi ni Sir Enterion kay Travis.

Napakamot naman si Travis. Mukhang wala siyang ideya sa isasagot. Sobrnag dali lang naman ng tanong na iyon ah. Mas mahirap pa nga iyong tanong kay Archibald.

"Ano sir..."

"Ano, Mr. Natividad? Puro ka kasi daldal kaya wala kang isagot."

"Medyo true," bulong ni Jea na narinig ko. Mahina pa siyang napahalakhak.

"Wait lang sir... nag-iisip pa ako," sabi ni Travis.

"Baka abutin ng bukas iyang pag-iisip ko ha!" Base sa hitsura ni Sir Enterion mukhang kaunting kalabit na lang ay sasabog na siya. Totoo talaga siguro na wala siya sa good mood.

"Travis, isagot mo kay sir— pussy!" bulong ni Jea kay Travis na nakangisi.

Muntik naman akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa narinig ko. Balak ko san pigilan si Travis na isagot iyon.

"Sir, living things po ay... pussy!" confident na sagot ni Travis. Nagtawanan ang mga kalase namin, maging si Archi at Kaja na katabi ko.

"Nakikipagbiruan ba ako sa 'yo, Mr. Natividad?!"

"Travis, bawiin mo iyon. Sabihin mo na pusa o cat. Hindi pussy!" pasimpleng bulong ko sa kanya.

"Oo, Travis. Iyon na lang isagot mo," segunda ni Kitty.

Napakamot naman sa ulo si Travis. Binato niya muna ng masamang tingin si Jea na tatawa-tawa bago bawiin ang kabalastugan na sinabi niya.

"E-Este sir... Iyong pusa po kasi namin ay pussy ang name— pussy cat. O 'di ba sir? Hehe." Alanganin na ngumiti si Travis at napahimas sa batok.

Naningkit ang mga mata ni Sir Enterion. "Pinagloloko mo ba ako, Mr. Natividad?"

"Ay naku, sir! Hindi ah!"

"O ano naman ang sagot mo sa non-living things?"

"Ah wait sir..."

Napakamot ulit sa ulo niya si Travis. Tahimik lang kaming lahat at hinihintay ang sagot niya.

"Tapsilog."

"Ha, ano? Anong sinasabi mo Mr. Natividad?!"

"Non-Living things po ay tapsilog, hehe..."

Napuno ng tawanan ang classroom namin. Napatapik ako sa noo ko sa sinagot ni Travis. Nang tignan ko si sir ay namumula na ang mukha niya. Mukhang naasar na kaya Travis.

"Hindi ba ang non-living things ay hindi nagsasalita at walang buhay? E 'di non-living siya—"

Napanganga ako nang parang nag-slow motion ang paligid. Binato si Travis ng eraser ni Sir Enterion kaya hindi nito natapos ang sinasabi.

Oh my gosh! Binato niya talaga si Travis.

At sapul sa ilong niya si Travis.

"Get out!"

Maging sila Kitty ay nagulat. Pero si Jea ay tatawa-tawa lang. Kay Travis naman ay parang wala lang rin.

"Itong tapsilog boy na ito!" gigil na sabi ni Mr. Enterion.

Lumabas si Travis sa room. Tapos simula no'n ay "Boy Tapsilog" na ang tawag ni sir kay Travis. Tapos kami na mga kaibigan nito ay tinatawag niya na "Tapsilog Squad".

Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Wala naman bago. Puro lesson at quizzes ang naganap. Ngayon ay half-day nanaman kami dahil may meeting nanaman ang mga teachers namin.

"Totoo naman talaga na non-living things ang tapsilog ah!" depensa ni Travis.

Nagtawanan naman kami dahil lukot na lukot ang mukha nito. Todo defend siya na ang tapsilog ay non-living things.

Nandito kami ngayon sa basketball court malapit sa Dazma Club. Sumama kami ni Kitty sa kanila para mapanood sila na maglaro ng basketball.

"Umay kay sir. Ba't niya naman ako binato ng eraser. Mabaog sana siya!" sinabi iyon ni Travis na parang sinusumpa si Sir Enterion. Itinaas pa ni Travis ang kamao niya.

"Pwede naman kasing bato ang isagot mo sa non-living things e. Ba't tapsilog pa?" natatawang pang-aasar ni Archi.

"E gutom na ako no'n e. Unang pumasok sa isip ko ay tapsilog. Bakit ba?" iritadong na sambit ni Travis.

"You're si daldal kasi nang daldal, that's why!" Malakas na tumawa si Jea.

"No straight tagalog, no opinion!" sigaw ni Travis kay Jea pero nilabas lang ni Jea ang dila niya para lalong maasar si Travis.

"Kakaasar naman iyang si sir. Sa guwapo kong ito, Boy Tapsilog lang itatawag niya sa akin?!" Napasinghap si Travis.

Hindi naman mapigilan hindi matawa. "Sa katunayan ay nadamay pa kami," singit ko.

"Kaya nga! He called us Tapsilog Squad. That's is so ew!" komento ni Jea at nalukot ang ilong.

"Cute naman ang Tapsilog Squad ah. I like it!" sabi naman ni Kitty.

"Ah basta! Gusto ko na agad grumaduate nang hindi ko na makita ang mukha ni sir!" nakasimangot na wika ni Travis.

"Harsh mo kay sir!"

"Mas harsh siya sa akin. Binato niya kaya ako ng eraser," naghihimutok na sambit ni Travis.

Matapos no'n ay nagsimula na silang maglaro. Si Kitty ay todo ang pag-cheer kay Kaja. Si Kaja at Rafael ang magkakampi. Si Archi at Travis naman.

Masasabi ko na talagang mahusay si Archi sa basketball. Alam na alam nito kung paano ang galaw para makakuha ng puntos. Magaling sa three-point shot at maging sa lay-up.

Hindi naman magpapahuli sila Rafael, Kaja, at Travis. Pero talagang sports ito ni Archibald kaya halatang-halata ang galing nito.

"Dolores, Jea, puwede ba samahan niyo ako bumili ng meryenda at tubig para sa kanila," ani Kitty. Mabilis naman kaming pumayag ni Jea.

Pumunta kami sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng bote ng mga tubig. Tapos bumili rin kami ng tinapay sa pinakamalapit na bakery. Nagkuwentuhan kami habang naglalakad pabalik sa court.

Nang makabalik kami ay saktong kakatapos lang ng mga ito. Hingal na hingal sila. Wala na ring pantaas si Rafael, Archi, Kaja, at Travis.

Nang mapatingin si Kitty kay Kaja ay namula nanaman ito. Hiyang-hiya ito habang inaabot  ang tubig sa boyfriend niya. Si Kaja naman ay nangingiti lang at nawiwili habang pinapanood na namumula si Kitty.

"Baby, you're so red..." Hinimas ni Kaja ang pisngi ni Kittu. Kaya lalo itong namula.

"A-Ano... k-kasi..."

Mahina lang akong natatawa dahil sa ekspresyon ng mukha ni Kitty. Pinabayaan ko na lang dalawa. Lumapit ako kay Archi at inabutan siya ng tubig.

"Salamat, Dolores." Ngumiti sa akin si Archi at kita ko na medyo nahihiya siya.

"Walang anuman..."

Hindi ko maiwasang mapatitig kay Archi. Pantay na pantay ang kulay ng kanyang mestizo na balat. Tumutulo ang pawis mula sa ulo papunta sa kanyang mukha. Mula sa kanyang balikat papunta sa kanyang braso.

"Dolores," untag sa akin ni Archi.

Napakurap ako. "U-Uhh.. Ano... Ito pala towel. Pampunas mo sa pawis mo. Pawis na pawis ka kasi e..."

Inabot ko sa kanya ang towel na hawak ko. Hindi niya naman tinanggihan iyon.

"Thank you..."

"Welcome."

Nang lumingon ako sa kaliwang bahagi ko ay nakita ko na nakatitig sa direksyon namin si Rafael. Wala itong emosyon habang nakatingin sa amin. Nang makita nito na nakita ko siya ay umiwas ito ng tingin sa akin.

Napansin ko na wala pa itong tubig at tinapay kaya naglakas-loob akong lumapit dito. Kahit natatakot ako na baka hindi ako nito pansinin.

"U-Uhm... Rafael, t-tubig..."

Inilahad ko ang kamay ko na may hawak na plastic bottle na may tubig. Napalunok ako nang magtama ang mata ko at ang mala-tsokolateng mata ni Rafael.

"Thanks."

"Y-You're welcome . . ." Akmang tatalikod na ako nang magsalita pa si Rafael.

"Hindi mo ba ako aalukin ng towel?" Umangat ang isang makapal na kilay niya.

"Huh?"

"Nevermind." Tinalikuran niya ako.

Towel? Bakit siya nanghihingi ng towel? Oo nga at basa rin siya pero— dahil ba nakita niya na binigyan ko ng towel si Archi?

Hindi niya na ako nilingon. Kaya napilitan ako na dumistansya sa kanya. Lumapit na lang ako ulit kay Jea at Archi. Si Kitty kasi ay kasama ang boyfriend nitong si Kaja, naglalambingan ang dalawa

"Punta pala kayo sa bahay bukas. Gusto ulit i-celebrate nila mama't papa ang birthday ko. Dalhin ko raw ang mga kaibigan ko." Napakamot sa ulo niya si Archi.

"Ay bongga! Your parents are so bongga naman pala, Archi. Well, I'm in!" masiglang sabi ni Jea.

"Gusto rin kasi ng parents ko na makila kayo."

"Pero infairness! Your birthday was on June 29 pa, and July 4 na ngayon. Pero may belated celebration pa. I am not complaining! I. Love. It!" Jea giggled.

"Oo nga ang angas! Sana sa birthday ko rin ay dalawang beses i-celebrate," biglang singit ni Travis.

Napahimas si Archi sa batok niya. "Sana makapunta kayo."

"Oo ba, 'tol!" sabi ni Travis at nakipag-apir pa kay Travis.

Sa kalagitnaan ng pagkukuwentuhan namin ay lumapit na si Rafael. Tapos ay dumating na rin si Kitty at Kaja na umalis kanina para may time sila sa isa't isa. Umupo si Rafael sa tabi ni Travis tapos si Kitty at Kaja naman ay nakatayo lang. Nakapulupot ang braso ni Kaja sa bewang ni Kitty.

"Kumusta pala ang magulang mo Archi? Hindi naman sila galit sa mga scores mo? No'ng nakaraan ay naikuwento mo sa akin 'yang problema mo sa magulang mo," sambit ni Rafael sa mababang boses. Nagulat ako na nakisali ito sa kuwentuhan, madalas kasi ay nakikinig lang ito.

Bumuga nang malalim na hininga si Archi bago sinagot si Rafael. "Okay naman na ang mga scores ko. Thanks to Dolores." Kinindatan ako bigla ni Archi. Hindi ko naman alam kung ano ang iri-react ko.

Nakita ko na napaangat abg isang kilay ni Rafael sa biglang pagkindat sa akin ni Archi. Pasimple rin akong tinignan nito pero hindi ko mabasa ang emosyon sa mata nito.

"Pero gusto talaga nila na nasa linya ng business ang kurso ko." Bumuga nang malalim na hininga si Archi at napasabunot sa sariling buhok. "Tangina! Paano ko ba sasabihin na gusto ko maging professional basketball player at hindi businessman?!"

Dama ko ang frustration ni Archi habang sinasabi niya iyon. Ang hirap nga naman na kalaban mo ang magulang mo sa gusto mong daan na tahakin. Lalo na at umaasa pa rin si Archi sa mga magulang niya.

"Damn! Same here, Archi," singit ni Kaja. Mukhang naka-relate ito sa sitwasyon ni Archi.

"Hindi lang naman ito patungkol sa expectation nila sa akin. Iyong kultura pa na kailangan namin sundin. T'saka ayoko rin naman masaktan ang feelings ng parents ko," malungkot na bulalas ni Archi.

Sunod-sunod ang paghugot ni Archi nang malalim na hininga. Uminom ito ng tubig mula sa plastic bottle na hawak niya sa kanyang kamay. Tapos ay naglabas ulit ito ng saloobin.

"Hindi rin ako kagalingan sa academics, dito lang talaga sa sports. Natatakot ako na hindi makuha ang course kung saan talaga ako nag-iexcel."

"Archi . . ." halos pabulong kong tawag sa pangalan niya.

Kita ko ang ang sakit sa mga mata ni Archi. Napadako ang tingin ko sa kamay niya na hawak ang plastic bottle. Sobrang diin ng hawak niyo ro'n na nalukot at nayupi na 'yon.

"Nakakatakot alam n'yo iyon. Nakakatakot kasi paano kung hindi ako maging masaya sa pipiliin ko na landas? What if I fail? What if I regret it? Ayoko ng gano'ng pakiramdam."

Nakasunod lang ako ng tingin kay Archi. Mariin siyang napapikit at tumayo. Kinuha na nito ang maroon shirt niya at sinuot.

"Hindi ko alam kung paano ko sila tatanggihan e. At kung paano ko sasabihin sa kanila na ibang daan ang gusto kong tahakin," wika ni Archi sa mababang boses. Halos pabulong na iyon pero rinig pa rin namin dahil siya lang naman ang nagsasalita sa pagitan naming pito.

"Walang mawawala kung susubukan mo na kausapin ang parents mo 'tol," suhestiyon ni Travis. Nagkibit-balikat pa ito.

"You know . . . hindi ko alam kung paano ko uumpisahan."

"Umpisahan mo sa birthday mo. Dahil double celebration ka, e 'di double wish ka rin. Big brain!" Tumawa si Travis.

"Yeah! Travis is so tama! Why don't you make a wish. If you will ihip the candle na, make a wish about what you told us. I-voice out mo!" dagdag suhestiyon ni Jea.

Wait! Pamilyar ito! Iyong trick na naisip at ginamit ni Archi para mapagbati si Kaja at Travis ay gagamitin niya sa parents niya. Wow! Ngayon ko lang na-realize na may use pala iyon.

"Kaysa ikaw ma-surprise, sila i-surprise mo!" natatawang bulalas ni Travis.

"U-Uh guys... hindi ba iyan iyong trick na naisip ni Archi para mapagbati si Travis at Kaja. Wala lang naalala ko lang," biglang singit ni Kitty. See? Naalala rin ni Kitty.

"Trick? Anong trick?" kumunot ang noo ni Travis. Si Kaja ay naningkit ang mata, mukhang na-gets na nito ang sinasabi namin.

"Hehe... Wala iyon, Travis! Huwag mo na lang pansinin." Alanganing ngumiti si Kitty at maya-maya ay ngumuso.

Napuno ng tawanan at bangayan namin sa court. Alas singko na ng hapon nang mapagpasyahan namin na umuwi.

Matapos ang klase ay umuwi ako agad para makapagbihis at ayos man lang nang kaunti. Pupunta kasi kami sa bahay nila Archi. Napili kong suotin ay pink na dress na hanggang tuhod at may manggas ito. Tinernuhan ko iyong ng black na belt. Sa paa ko ay itim na floral na doll shoes ang suot ko.

Nag-commute lang ako papunta kila Archi. Sa roto lang ay muntikan pa ako maligaw dahil hindi ko naman alam ang sakto nilang bahay. Sinabi ko lang sa driver iyong adress na isinulat ni Archi sa likod ng notebook ko.

"Dolores! You're here na!" masiglang bati sa akin ni Jea. Nasa labas ito ng malaking gate na sa tingin ko ay bahay na nila Archi.

Napangiti naman ako sa kanya. Napakaganda nitk sa suot na yellow and white floral dress na hanggang taas ng tuhod. May head band fin ito na terno sa damit niya.

"Hello, Jea! Nasaan na sila?"

"Nasa loob na sila gurl!"

Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko na nadoon na si Travis, Kitty, at Kaja. Wala si Rafael.

"Uhm... si Raf?" tanong ko.

"Hindi siya makakapunta, D. May trabaho kasi siya sa farm ng mga Silverio ngayon. Sabi niya ay sayang ang kita kaya hindi niya tinanggihan," sagot ni Kitty sa akin.

Medyo nalungkot ako sa nalaman ko pero naiintindihan ko naman na kailangan ni Rafael iyon. T'saka iyon ang priority niya. Masaya kasi sana kung kompleto na kami.

"Kayo welcome dito bahay namin."

Napalingon ako sa nagsalita. Papa pala ni Archi iyon. Nakasuot ito ng asul na polo at pants. Maputi ito at kamukha ni Archi, strikto ang bukas ng mukha ng papa ni Archi. May hawak itong itim na baston bilang umaalalay rito.

"Good afternoon po sir," halos sabay-sabay na sabi namin.

"Good afternoon din. Kayo pasok na dining area tapos kain kayo marami," sabi sa amin nang papa ni Archi. Kaswal lang ito, at seryoso ang pagsasalita.

Nang papasok kami ng dining area ay doon ko lang napansin kung gaano kaganda ang bahay nila Archi. Mali! Mansion ito at hindi lang basta bahay. Isa pa na nakakalula ay hindi ito ang pinaka-main na mansion ng pamilyang Sy.

Sa toroo lang ay hindi ko talaga inaasahan ito. Si Archi kasi ay bapakagaling makisalamuha sa tao at napaka-humble, maging si Kaja at Travis din. Hindi sa nangungumpara ako pero magkaiba sila kay Joaquin Silverio. Iyon kasi ay halos ipagmalaki ang yaman ng pamilya niya.

Pinapansin lang nito ang gusto nitong pansinin. At minsan, kapag pinansin ka nito ay parang utang na loob mo pa sa kanya.

Parehong chineses pala ang magulang ni Archi. Purong Chinese ang ama nito Huang Sy or Daryl Sy. Ang ina niya ay half-chinese at filipina. Ang pangalan nito ay Aurora Lim-Veriaga.

"Upo kayo..." paanyaya ng ina ni Archi sa amin.

"Maraming salamat po, tita!" masiglang sabi ni Jea.

Umupo kami sa harap nang mahabang mesa na may napakaraming handa. May bilog na chocolate cake doon sa gitna na dalawang layer.

"Wow! Ang laki ng cake mo, Archi! Astig!" bulalas ni Travis.

"Talaga? Ako nag-bake niyan," may isang boses ng lalaki na nagsalita. Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses.

Bumungad sa amin ang matangkad na lalaki na kamukhang-kamukha ni Archi. Mas mature at masungit lang ang bukas ng mukha nito pero hindi nagkakalayo ang hitsura nila ni Archi.

Matangkad ito at maputi. Ang mga mata nito ay singkit. Matangos ang ilong. Clean cut ang ayos ng buhok nito.

"Kuya Artheron..." tawag ni Archi sa pangalan ng kuya niya.

"Good evening," bati sa amin ni Kuya Artheron.

"Ito pala ang ang panganay kong anak, si Artheron. Puwedeng Art na lang ang itawag niyo sa kanya. Graduate na ito ng college sa kursong business management. Siya ang nagha-handle ng iba naming negosyo," proud na kuwento ni Mrs. Aurora sa amin.

"Grabeng introduction naman iyon, ma." Mahinang humalakhak si Kuya Art. "Hindi bale, masaya akong nakilala kayo. Umupo na tayo para makakain na at makapag-wish na si Archi." Iminuwestra ni Kuya Art ang kamay niya para gabayan kami.

May mga maid na nagsilbi sa amin. Walang nagsasalita sa hapag-kainan. Si Travis at Jea ay nilalamutak na ang pagkain nila. Pero ang nakakapagtaka ay hindi pa inihihipan ang cake.

"Kumusta negosyo natin sa Maynila? May bago investor Mr. Chan dapat tutukan," biglang nagsalita si Mr. Daryl Sy.

"Yes, pa. Ginagawan ko na po ng paraan." Si Kuya Art ang sumagot sa ama niya. Si Archi ay walang imik at mahinahong kumakain.

"Ikaw Archi sa sunod, ikaw hawak negosyo natin. Lapit ka na magkolehiyo. Ano balak mo?" Binalingan ni Mr. Sy si Archi.

Napatingin kaming lahat sa direksyon  ni Archi. Naag-flashbak naman sa akin ang sinabi niyang mga saloobin kahapon. Ngayon ay mas ramdam ko ang intensidad at pressure na dala-dala ni Archi.

"Ikaw sigurado dapat na wala bagsak. Ipapadala kita Maynila. Kapag graduate na ikaw, papagkasundo kita sa anak na babae ni Mr. Zhou," pahayag ng ama ni Archi.

Biglang napaubo si Travis na nakakuha ng attention namin lahat. Nag-peace sign lang ito at uminom ng tubig.

Napailing na lang ako. Hindi ko maiwasang mag-alala kay Archi. Mukhang mahihirapan si Archi humanap ng tyempo para sabihin sa papa niya ang tunay niya gusto.

"Pa, huwag po natin i-pressure si Archi. Kaka-dise otso niya pa lang. Marami pa siyang puwede gawin sa buhay niya," biglang sambit ng kuya ni Archi. Napakahinahon ng boses at puno ng paggalang sa ama.

"Dapat maging successful Archi tulad mo," sabi ni Mr. Sy. Nang sulyapan ko si Archi ay nakita ko na napalunok siya.

"Pa, marami pang mangyayari. T'saka magkaiba kami ni Archi, at mas gugustuhin ko na gusto ng kapatid ko ang landas na tatahakin niya. Hindi niya kailangan sundan ang yapak ko. Gusto ko ay gumawa siya ng sarili niyang landas."

Tahimik lang kaming nakikinig sa pag-uusap ni Mr. Sy at Kuya Art. Narinig namin paghugot nang malalim na hininga ni Kuya Art bago magsalita muli.

"Kung patungkol sa negosyo natin, kaya ko na po iyon. At sa tingin ko ay hindi rin ito ang tamang oras para pag-usapan ito, papa. Ni hindi pa nga nasisindihan ang kandila sa cake ni Archi." Tumayo si Kuya Art para sindihan ang cake ni Archi. "Birthday ni Archi, dapat lang ay mag-enjoy siya sa araw niya."

Nakita ko ang masuyong pagngiti ni Kuya Art kay Archi. Maliit na ngumiti naman pabalik si Archi. Kitang-kita sa kilos ni Kuya Art na mahalaga at mahal nito ang nakakabatang kapatid.

"Mahal, tama si Art. Sa susunod na lang natin iyan pag-usapan. Malayo pa naman ang graduation ni Archi," wika ni Mrs. Aurora sa asawa. Hinawakan nito ang kamay ng asawa niya.

"O sige sige! Sindihan na cake ni Archi. Para makakain na kaklase n'ya!" sabi ni Mr. Sy.

Sabay-sabay kaming kumanta para kay Archi. Sinabayan pa namin iyon ng palakpak. Pero halata na pinipilit lang ni Archi na ngumiti. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito.

"Happy birthday, Archibald!" sabay-sabay naming sigaw.

Hinihintay namin na magsalita si Archi at bigkasin ang wish niya. Pero hindi iyon nangyari, pumikit lang ito at hinipan na ang kandila.

Hindi nasunod ang plano namin. Siguro ay dahil din sa mga sinabi ng ama ni Archi kanina. Tingin ko ay napanghinaan ng loob si Archi. Sabagay, sino nga ba naman ang hindi panghihinaan doon?

Matapos kumain ay pumunta kami sa theatre room ng bahay nila Archi. Parang maliit na sinehan iyon.

Nanood kami ng comedy action movie. Si Jea at Travis ay tawa nang tawa. Samantalang si Archi ay walang imik. Malungkot ito at ramdam namin iyon. Kanina pa ito sinudubukan ni Travis na pagaanin ang loob pero walang obra.

Napabuga ako nang malalim na hininga. Nang mapadako ang tingin ko sa sulok kung nasaan si Kitty at Kaja ay nakita ko na naghaharutan ang dalawa at naghahalikan.

"You know what? Kitty and Kaja is so PDA. Minsan it's so cringe na! Like ew!" Umaktong nasusuka naman si Jea.

"Agree ako. One hundred times!" Tumawa si

Agad silang binato nang masamang tingin ni Kaja. Si Kitty naman ay pulang-pula ito. "Hey! Grabe kayo sa amin ah!" kunot-noong suway ni Kaja sa dalawa.

"Sobrang harot niyo naman talaga ah!" sabi ni Travis at tinawanan si Kaja.

Naningkit ang mata ni Kaja. "Both of you are just bitter—"

"That's not totoo ha!"

"—wala kasi kayong jowa."

"Ay, personalan? Gano'n ha!" Halos liparin ni Jea ang kinauupuan ni Kaja at hinila ang buhok nito. Si Kaja naman ay natatawang sinalag at tinanggal lang ang kamay ni Jea.

"Oh easy ka d'yan, Jea! Napaghahalataan kang bitter!" Tinawanan naman ngayon ni Travis si Jea.

Mahina rin akong natawa sa kanila. Pero ang mas pumukaw sa atensyon ko ay si Archi na wala na sa kinauupuan niya.

"Guys, nasaan na si Archi?" biglang tanong ko. Wala na kasi ito sa kinauupuan niya.

"Ay hala! Bigla na lang nag-disappear si Archi. Oh my!" Medyo OA na bulalas ni Jea. Namilog pa ang mata nito at nagkorteng 'O' ang labi niya.

"OA mo, Jea! Baka naman nag-Cr lang!" sabi ni Travis kay Jea.

"I think, nagpahangin lang si Archi. Kita niyo, hindi natuloy ang plano natin kanina," singit ni Kaja.

"Malungkot siguro si Archi kasi hidni niya masabin ang gusto niyang sabihin sa parents niya," sambit ni Kitty.

Marahan akong tumango kay Kitty bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Sa tingin ko ay gano'n na nga."

Nanood pa kami ng movie at ngayon naman ay romatic movie. Pero hindi ko masyado napansin iyon dahil si Archi ang inaalala ko. Nag-alala kasi ako rito kanina pa.

Mukhang abala si Jea, Kitty, at Kaja sa panonood at si Travis naman ay nakatulog na. Napagdesisyunan ko na lumabas para hanapin si Archi.

Nasa second floor kami ng mansion nila. Nang silipin ko sa open balcony nila ay nakita ko na sunset na at padilim. Doon ko lang rin napansin ang dalawang tao na nakatayo ro'n. Nakatalikod sila sa direksyon ko. Ang dalawang iyon— si Archi at Kuya Art.

Marahan ako na nagtago sa pader. Paminsan-minsan kong sinisilip ang dalawa.

"So, when do you plan to tell our parents that you don't want to take business course?" narinig kong tankng ni Kuya Art kay Archi. Magaan at marahan lang ang boses nito.

"I-I don't know what to do, Kuya. Hindi ko alam paano sasabihin sa kanila. Natatakot ako sabihin sa kanila," sagot ni Archi sa kapatid.

Ramdam ko ang lungkot at takot sa boses ni Archi. Nang sumilip ako ay nakita ko na ginulo ni Kuya Art ang buhok ni Archi.

"We should take the path we want, for us to find true happiness."

"Kuya..."

"Lagi mong tandaan na kahit ano pang desisyon mo, nasa likod mo lang ako."

Nag-side view si Archi ay nakita ko ang paglandas ng luha nito sa pisngi niya. Tinapik siya sa balikat ng kuya niya.

"Marami ka  ng sinakripsyo para sa akin, kuya—"

"At paulit-ulit akong magsasakripisyo para sa 'yo. Para maging masaya ka."

"Kuya..."

May kinuhang isang malaking bagay na nakabalot si Kuya Art. Mukhang regalo niya iyon para kay Archi. Iniabot niya iyon kay Archi.

"This is my gift for you, Archibald . . ."

Kinuha iyon ni Archi. Nanubig nanaman ang mata ni Archi habang unti-unying tinatanggal ang balot ng regalo ng kapatid niya.

"This is . . ."

Hindi maiwasang lumundag ang puso ko sa nakita ko. Isang bola para sa basketball ang regalo ng kuya ni Archi sa kanya.

"Continue to chase your dream, Archi. Always choose your happiness."

Matapos ko na marinig ang pag-uusap ng magkapatid ay dumiretso ako sa sala. Nasa sala na sila Kitty. Gabi na kasi at kailangan na namin umuwi.

Nakita ko na nakalapag sa center table ang mga paperbags. Nandoon din ang mag-asawang Sy.

"Heto, dalhin niyo. Marami pang natira sa handa ni Archi. Kuya niya ang naghanda at nagluto ng mga iyan," sabi ni Mrs. Sy na napakalawak ng ngiti sa amin. Isa-isa niyang iniabot sa amin ang paperbag.

"Salamat po, tita. By the way, ang sarap po ng foods." Ngumisi si Travis at inabot ang paperbag na para sa kanya.

"Ay salamat naman at nagustuhan niyo." Mahina pang napapalakpak si Mrs. Sy.

"Mama, Papa . . ." Nakuha ng nagsalita ang atensyon namin. Si Archi iyon na papaba ng hagdan. Nasa likod niya ang kuya niya.

"Archi, 'nak! May problema ba?" biglang tanong ni Mrs. Sy.

Nang makababa si Archi ay pumuwesto ito sa harao ng ina. "M-May importante po sana akong sasabihin sa inyo ni papa."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Napakurap si Mrs. Sy at bahagyang nagtataka. Seryoso kasi ang boses nito. "Ano iyon, 'nak. Hindi na ba makakaoaghintay iyan?"

"Hindi na po."

Nagkatinginan kaming lima nila Kitty, Kaja, Jea, at Travis. Medyo nalilito kami sa inaakto ni Archi. Wala rin kaming ideya sa gagawin nito. Napakibit-balikat naman si Travis.

Narinig ko ang oaghugot nang malalim na hininga ni Archi. Si Kuya Art naman ay natangin lang sa kapatid nito.

"Ma, Pa. I want to be a professional basketball player not a businessman . . ."

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro