CASSETTE 7: Same
Chapter 7
[Present]
AGAD NA pinatay ni Deianira ang cassette player nang mapansin niyang tapos na ang side A ng Tape 001. Sinulyapan niya ang reakson ng mga kaibigan ng namayapang asawa na si Archibald.
"Ang angas ah... para talaga tayong binalik sa Las Felizas," sambit ni Travis habang nakaangat ang isang sulok ng labi. Hindi sarcastic ang pagkakabanggit niya ro'n, sa katunayan ay malungkot ito. Malamlam ang mga mata niya.
"Si Kitty..." halos pabulong na sambit ni Kaja.
Napalingon silang lahat sa lalaki. Nakita ni Deia ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Kaja.
"Marami pang mangyayari . . . you know, hindi pa gano'n kabigat 'yong sa part na 'yon e. Puro pa masaya lang ang ikinukuwento niya," seryosong sabi Jea. Matapos niya sabihin iyon ay sumunod ang paghugot niya nang malalim na paghinga.
Nang dumako ang tingin ni Deianira kay Rafael ay nakita niya ang paglungkot ng mga mata nito. Nilingon naman ni Hestia ang asawa nito. Lumapit si Hestia kay Rafael, ipinulupot naman ni Rafael ang kanang braso niya bewang ng asawa.
Biglang tumayo sila Kaja at Travis. Nakasunod lang ng tingin si Deianira sa kanila. Tumikhim si Travis bago ito magsalita.
"Siguro, next time na lang natin pakinggan iyong susunod na mga tape," sambit ni Travis.
"We should schedule a meeting," suhestiyon ni Kaja.
Marahang tumango si Deia. "Oo, naiintindihan ko. May mga trabaho rin naman kayo."
Hindi alam ni Deia ang susunod niyang sasabihin. Walang umiimik sa pagitan nilang pito.
Iyong patungkol sa narinig niya mula sa tape, na ang babaeng nagngangalang Dolores ay unang halik ang asawa niyang si Archi. Isa pa, nagustuhan ito ni Archi. Hindi naman nagseselos si Deia dahil alam niya namang wala siyang karapatan at wala rin siyang dapat na ipagselos.
Nang mga panahon na iyon wala pa siya sa buhay ni Archi, wala pa siya at ang anak nilang si Arida. Kaya na kay Archi ang lahat karapatan para magustuhan ang gusto nitong magustuhan.
Pero may isang bagay na gumugulo sa isip ni Deia. Hindi niya alam kung itatanong niya ba kay Rafael o hahayaan niya na lang na madiskubre mismo sa pamamagitan ng pakikinig ng tapes.
Kung parehong gusto ni Archi at Rafael si Dolores, bakit ni isa sa kanila ay hindi nakatuluyan nito?
Nakarinig si Deia nang pagtikhim. Mula iyon kay Hestia.
"Kung gusto niyo, sa bahay na lang namin natin pakinggan ang mga tape," pagpipresenta ni Hestia. Napasulyap si Rafael sa asawa, hindi niya inaakala na magpipresenta ito.
Napakurap nang ilang ulit si Deianira. Hindi rin siya makapaniwala sa pagboboluntaryo ni Hestia. Isa kasi ito sa sobrang tutol sa tape. "Oo ayos lang naman sa akin. How about the others?" wika ni Deia.
Nagkatinginan ang lima. Marahang tumango si Kaja at Travis. Si Jea naman ay nag-OK sign. Si Rafael ay siguradong hindi naman tutol sa gusto ng asawa niya.
"Bukas na lang siguro tayo magkita-kita. Mga alas-tres ng hapon sa bahay namin," sambit ni Hestia.
Wala ng umimik, ibig sabihin ay walang tumututol sa pagkikitang magaganap bukas.
Medyo natuwa si Deianira na nakikipag-cooperate na ang mga ito sa kanya. Sa tingin niya, mukhang alam naman ng mga ito ang mga pagkakasunod-sunod ng mga mangyayari sa tape. Hinihintay lang siguro ng mga ito na marinig ang saloobin ni Dolores sa kanila. Siya lang talaga ang walang alam sa talagang nangyari.
---
HINDI inaasahan ni Travis na makita ang kaibigan niyang si Kaja sa loob ng bahay nila Rafael. Katulad ng dati ay maaga o early bird si Kaja.
"Good afternoon, Travis. Mabuti at nakarating ka," nakangiting bati ni Hestia sa kanya.
"Syempre naman, ako pa!" nakangising sabi ni Travis na ikinailing ni Hestia. Nilakihan nito ang awang ng pinto para tuluyang makapasok na si Travis.
Simpleng white dress ang suot ni Hestia, puffed sleeve ito at hanggang taas ng tuhod niya. Nakalugay ang itim nitong buhok.
Nang makapasok si Travis ay biglang sumulpot si Rafael. Nakasuot ito ng simpleng itim na tokong shorts at gray v-neck shirt. May hawak itong babasaging pitsel sa kaliwang kamay at mga baso na nakalagay sa glass holder ang nasa kanan nito.
Inilipag ni Rafael iyon sa center table na nasa harap ng mahabang navy blue na sofa kung saan nakaupo si Kaja. Naka-de-kuwatro ito at nakakrus ang braso, akala mo ay isang boss.
Nakaitim na slacks si Kaja at white long sleeve polo. Bahagyang magulo ang buhok nito. Mukhang galing pa ito sa trabaho niya. Tumabi si Travis kay Kaja na walang emosyon ang mukha.
"Galing kang trabaho?" tanong ni Travis dito.
Mabilis na umiling si Kaja. "Nah, not really. Galing ako sa bahay ng parents ko. Like the usual, nagtalo nanaman kami ni papa."
"Galit pa rin siya sa 'yo? Sinunod mo na nga ang mga gusto niya ah!" natatawang sambit ni Travis.
"You know him, even if I try so hard... I'm still a fucking failure."
Lumapit si Rafael sa direksyon nila Travis. Umupo ito sa solong sofa na nasa kaliwang tabi ng sofa na kinauupuan ng dalawa. Huminga ito nang malalim at nakisali sa usapan ng dalawa.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Rafael sa dalawa. Nakaangat ang isang kilay nito at nakatingin sa dalawa.
Natatawang umiling naman si Travis. "Ano pa ba? Ito kasing si Kaja, may bagong rant nanaman sa erpat niya," sagot ni Travis.
"Hindi pa ba sapat sa papa mo ang lahat ng nagawa mo, Kaja? O bitter pa rin talaga siya? Mas mahalaga pa ang nararamdaman ni Karina Ysmael kaysa nararamdaman mo na anak niya?" kunot noong pahayag ni Rafael.
"Tatay mo, Kaja. 'Di pa move on e," natatawang singit ni Travis.
Hindi alam ni Kaja kung matatawa siya sa mga sinabi ng dalawa. Pero nakaramdam siya ng bahagyang pagkagaan ng loob. "Let's just forget about it!"
Wala ng nagsalita sa pagitan nilang tatlo. Si Rafael ay uminom lang ng juice. Juice ang laman no'ng pitsel. Umikot ang tingin ni Travis sa buong bahay ni Rafael at Hestia. Nakita niya na napaganda at napakaki nito. Naalala niya na siya pala ang Engineer ng bahay na ito. Muntikan niya pa makalimutan
"Ayos ah! Lawak pala ng bahay niyo. I wonder kung nabasbasan niyo ni Hestia ang buong bahay na ito?" natatawang sambit ni Travis. Si Rafael naman ay muntikan ng maibuga ang iniinom at nagkandaubo-ubo ito. Si Kaja ay pigil ang tawa sa sinabi Travis.
"Pota ka! Doctor ako at hindi pari, bakit ko naman babasbasan ang bahay namin?"
"Sus! As if naman hindi mo alam kung anong klaseng basbas ang tinutukoy ko," ngisi ni Travis. Si Kaja naman ay hindi na napigilan ang pagtawa.
"Nasaan pala ang kambal niyo ni Hestia?" tanong ni Kaja kay Rafael. Iniba na nito ang topic nila. Baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan nila, kilalang-kilala na ni Kaja si Travis. Puro ito kalokohan!
Ngumiti naman si Rafael nang marinig ang pagbanggit sa kambal na anak nila ni Hestia. "Tulog ngayon, pinapatulog kasi ni Hestia ang mga bata tuwing hapon para mabilis ang paglaki nila."
"Sayang! Gusto ko pa naman sila harutin!" nakabusangot na sabi ni Travis.
Mayroong dalawang anak si Rafael at Hestia. Six years old na ang kambal nilang anak, isang babae at isang lalaki. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa, identical twins ang mga ito. Ang anak nilang lalaki ay si Rush Hiro at ang babae naman ay Rach Hera.
"Kung sakali... sakali lang naman ha. Handa na ba kayo bumalik sa Las Felizas?" biglang tanong ni Travis. Natigilan si Rafael at Kaja sa tanong nito.
Walang umimik ng ilang minuto, hanggang sa nagsalita si Kaja. "Well, lagi akong bumabalik sa Las Felizas," kibit-balikat na ani Kaja.
"What I mean is . . . iyong magkakasama tayo. Iyong sabay-sabay tayong uuwi sa Las Felizas," sabi ni Travis.
Hindi alam ni Rafael kung anong isasagot niya, kasi maging siya ay hindi sigurado kung handa na ba siya. At kung kaya niya na rin ba harapin ang mga mapapait na alaala sa lugar.
"May mga panahon na naiisip ko, hindi naman puro sakit ang dinulot ng Las Felizas sa akin. Nagkataon lang na ang mga huling beses ng pagbalik ko ro'n ay hindi maganda ang mga nangyari," pahayag ni Kaja. Sinundan iyon nang malalim na buntonghininga.
"Pumupunta ka pa rin ba sa mansyon nila Kitty?" halos pabulong na tanong ni Travis sa kaibigan niya.
Agad na pumilig ang ulo ni Kaja. Gumuhit ang sakit sa mga mata niya sa pagkarinig ng pangalan ni Kitty. Para bang ang mga sugat na pilit niyang tinatahi nang ilang taon ay bigla nanaman na bumuka.
Iniwas ni Kaja ang tingin at napalunok nang ilang ulit. "O-Oo, nagbabakasakali pa rin ako."
Tumingin si Travis sa kaibigan na puno ng simpatya. "Kaja..."
"I know that it's damn impossible, Travis. Pero umaasa pa rin talaga ako. Puta ang bobo ko talaga! Umaasa pa rin ako," mapait na bulalas ni Kaja. Tumawa ito na puno ng sakit.
Natigil lang ang pagkukuwentuhan nila nang makuha ang atensyon nila ng dalawang bata na nakasuot ng pajama. Agad na napangiti si Rafael nang masilayan ang mga anak.
"My babies..." sambit ni Rafael at tumayo. Agad niyang pinuntahan ang dalawang anak na humihikab pa.
"Daddy!" sabay na sigaw ng dalawa.
Agad na lumingkis ang mga ito sa ama. Si Rush ay nasa likod niya at nag-piggyback ride. Si Rach naman ay kalong niya sa braso niya.
"Daddehh, pwede po ba kami ng ice cream?" nakangusong tanong ni Rach kay Rafael. Malapad na napangiti si Rafael at pinisil ang ilong ng anak na babae.
"Pwede, pero kaunti lang. Kasi lagot tayo kay mommy." Pasimpleng sinulyapan ni Rafael ang asawa na abala sa pag-aayos ng pagkain sa lamesa. Pagkatapos ay binalik niya ang tingin sa anak na babae. Humahagikgik na ito at nakikipag-apir sa kambal nito na nasa likod naman ni Rafael.
Ibinaba ni Rafael ang mga anak sa sofa, sa tabi ni Kaja at Travis. Si Travis ay nakipaglaro sa mga anak niya. Samantalang si Kaja ay nakamasid lang sa mga ito.
"Kailan niyo balak na magkaroon ng anak? May balak ba kayo?" tanong ni Rafael at tinaasan ng kikay ang dalawang kaibigan.
Umangat ang sulok ng labi ni Kaja. "I don't have plans."
Si Travis naman ay naiiling sa sagot ni Kaja. Ngumiti ito at tumingin sa mga anak ni Rafael. "You know, I am considering it. I want to adopt children," tugon ni Travis sa tanong ni Rafael. Sinundan iyon ng pagkibit-balikat ng lalaki.
"You don't want a child on your own? What I'm saying is, it's not yet late. You can still marry someone else and build family... have children," sambit ni Rafael.
Napakakibit-balikat lang si Travis. "Mas gusto ko na mag-adopt na lang."
"It's not late for both of you, Kaja and Travis. Hindi pa naman kayo gano'n katanda." Natawa si Rafael sa sinabi niya. Naningkit naman ang mga mata ni Kaja at Travis.
"Of course! Hindi pa naman talaga kami matanda 'no!" giit ni Travis.
Umikot ang mga mata nito. Si Rafael ay napakamot sa batok niya.
"Kaya nga, sabi ko nga e."
Wala ng nagsalita sa pagitan nilang tatlo. Si Travis ay nakipaglaro lang kay Rush at Rach. Si Kaja naman ay pasimpleng tumayo at lumabas. Si Rafael ay nilapitan ang asawa nitong si Hestia para tulungan.
Nakasunod si Travis ng tingin kay Kaja at dapat ay susundan niya na agad ito kaso ay biglang dumating si Jea. Nakasuot ito ng black pants at white crop top. Napakangisi ito papunta sa direksyon ni Travis, agad naman na napangiwi si Travis.
Si Jea at Travis ay sobrang close, kahit no'ng highschool pa sila. Pareho silang mahilig sa arts. Isa pa sa pinakapinagkakasunduan nila ay ang paninira ng araw ng iba.
"What's up Travis boy!" nakangising bati ni Jea kay Travis. Napasinghap naman si Travis at inungusan ang kaibigan. Natawa lang si Jea at dumako ang tingin niya sa nga anak ni Rafael. "Oh my! My cutie Rush and Rach!"
Mabilis na lumapit si Jea sa dalawa at pinaghahalikan ito. Ang mga bata naman ay humalik din pabalik kay Jea.
"Buti po at nandito ka, tita pretty!" sabi ni Rach at humagikhik.
"Yes, I am pretty talaga! Mana ka kay tita, Rach," natatawang sabi ni Jea at hinalikan ulit ang mga bata. Puro si Rach lang ang nagsasalita, hindi kasi palasalita ang kambal nitong si Rush.
"Pwede ba, 'wag kang magsinungaling sa bata," natatawang singit ni Travis.
"Anong pinagsinungalingan ko, ha Travis?" Kumunot ang noo ni Jea.
"Na maganda ka. Hindi oy! Tigil mo iyan," pang-aasar ni Travis. Hinampas naman siya ni Jea sa balikat.
"Maganda ako!" sigaw ni Jea sa mukha ni Travis.
"Sa paningin ng Diyos, pero hindi sa paningin ko." Malakas na tumawa si Travis at pauloy na pinaghahampas siya ni Jea.
"Bwiset ka talaga!" asar na sabi ni Jea. Kinuha nito ang unan sa sofa at pinaghahampas si Travis.
Natigilan lang sila nang tawagin ni Hestia at Rafael ang mga bata. Sabi nito ay papakainin niya ang mga bata ng meryenda. Si Jea naman ay agad na nakisali. Kaya, naiwan si Travis sa sala.
Napasulyap siya sa pintuan, naalala niya na lumabas si Kaja. Kaya tumayo siya at sinundan ang lalaki.
---
NAPANSIN NI Travis na biglang nawala si Kaja. Kaya agad na hinanap niya kung nasaan ang binata. Nasa veranda pala ito at naninigarilyo. Nakatalikod ito at nakatingin sa kawalan.
"You're smoking."
Bahagyang napalingon si Kaja sa biglang pagsasalita ni Travis. Umangat lang ang sulok ng labi nito. Lumapit si Travis at tumabi rito. Inalok siya ni Kaja ng sigarilyo. Agad namang kumuha si Travis at sinindihan ito gamit ang lighter.
"I remember the flawless Karlsen in his youth. Iyong tipong wala ka ng hahanapin pa. Ladies will fall in line for you, they will offer a lot just to be with you. Yet, you chose to be lonely... to be alone. Why, Karlsen?" seryosong tanong ni Travis sa kaibigan.
Umangat ang isang kilay ni Kaja. Humithit ito ng sigarilyo at bumuga ng usok bago nagsalita. "The answer for that question was answered years ago. You knew the answer for that, Travis. Loud and clear."
"Do you even considered moving-on, huh Karlsen?" mapaklang tanong ni Travis sa kaibigan.
"Coming from you." Umangat ang kaliwang sulok ng labi ni Kaja.
Nakaipit sa daliri ni Kaja ang maliit na yosi. Isa pang hithit ay tuluyan niya na itong pinatay at nilagay sa ash tray. Pagkatapos ay pinakawalan siya ang usok. Mariin siyang napapikit at kasabay no'n ay ang panunumbalik ng alaala niya sa Las Felizas. Ang araw na halos ikamatay niya. Pasimple siyang umiling at iminulat ang mga mata.
"We're just the same, Travis. We're just the same."
Natigilan si Travis at mariing napapikit. Parang isang plaka na paulit-ulit ang nangyaring aksidente sa Las Felizas. Isang aksidente na bumago ng buhay niya. Mapait siyang napangit at minulat ang mga mata.
"Siguro nga, tama ka. Pareho lang tayong dalawa," sambit ni Travis sa mababang tono.
"We're both broken man..."
"Scarred and wounded."
"Ikaw? You seemed okay. I mean, mas okay kompara sa akin. Paano mo nagawa iyon? Paano mo nagawang kalimutan ang babaeng sobrang minahal mo?" kunot-noong tanong ni Kaja kay Travis.
"Who told you, I am okay? Fuck! I am dying everyday! Ruth never gave me a chance to fucking move on or move forward. Hindi ko siya kinalimutan ano, never! Nagalit ako sa mundo, Kaja. Galit ako... galit na galit. In the end, nang maalala ko si Ruth... nalusaw iyong galit ko. Kailangan ko magpatuloy, kahit pakiramdam ko ay wala na akong silbi sa mundo... na wala na akong rason para magpatuloy." Nagtangis ang ngipin ni Travis at kumuyom ang kamao niya. Pinaglandas niya ang mahahabang daliri sa buhok niya. Pasimple ring pinahid ni Travis ang namumuong luha sa gilid ng mga mata.
Nakamasid lang si Kaja sa kaibigan. Sa hindi malamang rason ay pakiramdam ni Kaja na nakaharap siya sa salamin. Nakikita niya ang sarili kay Travis.
Sa mga lumipas na taon, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ni Travis nang matino. Aminado sa sarili si Kaja, inilayo o idinistansya niya ang sarili sa mga ito. Mas lalo rin siyang naging mapagkimkim, sinolo niya ang sakit. Kaya ang pag-uusap nila ng seryoso ngayon ay bago sa kanya.
"I-I already chose to let her go, Kaja. I know she's in the good hands now. But fuck! Sinubukan ko naman! Sinubukan ko maghanap ng iba pero hindi talaga e." Halos pumiyok na si Travis, pigil na pigil niya ang kanyang boses.
"That's why you also end up like me? Still bachelor." Muling nagsindi ng sigarilyo si Kaja. "I guess, we're really same."
"What about you? Kailan mo balak pakawalan si Kitty?" tanong ni Travis kay Kaja.
Nagbuga ng usok si Kaja at nangiti sa kawalan. "I have no plans to let her go."
"Karlsen..."
"B-Baka iyon pa ang ikabaliw ko. Kaya hayaan mo na lang ako, Travis. Hayaan mo akong magpakalunod sa sakit," anas ni Karlsen. Maliit na ngumiti ito at pinagmasdan ang kalangitan.
"Kitty is happy now."
"I know, I clearly know that, Travis. Ako naman talaga ang naging gago relasyon namin. Kaya, dapat lang sa 'kin ang sa akin na ito."
Magsasalita pa sana muli si Travis nang makitang dumating na si Deianira at kasama nito ang anak na si Arida. Nagkatinginan sila ni Kaja. Hindi nila inaakala na kasama ni Deianira ang anak nito. Dala ni Deianira ang cassette player na ginamit nila noon.
Dumiretso ang dalawa papasok sa bahay nila Rafael. Sumunod naman si Kaja at Travis. Nang makita nila Hestia, Jea, at Rafael si Arida ay agad nila binato nang nagtatanong na tingin si Deianira.
"U-Uhh... bakit nandito si Arida?" tanong ni Hestia.
Napasulyap si Deianira sa anak nito. Huminga nang malalim si Arida at siya mismo ang sumagot sa tanong ni Hestia.
"Yesterday, nadulas sa akin si mom at nasabi niya napakinggan niyo ang tape. I am curious about the tape too... I want to listen to it. Can I?" Alanganing ngumiti si Arida. Alam naman niya na posibleng pagbawalan siya ng mga ito.
Napaawang ang labi ni Hestia at Jea. Pasimpleng sinulyapan ni Hestia ang asawa, maging si Travis at Kaja. Seryoso lang ang tatlong lalaki at walang imik.
"I want to listen to it, because I saw my mom crying over it last night. I wonder why... how can a simple cassette tape made my mon cry?" Nanubig ang mga mata ni Arida. Bumalik sa isipan niya ang hitsura ng ina niya kagabi. Umiiyak ito, dahil sa isang tape.
"Arida, this is an adult thing..." sambit ni Rafael.
Marahang tumango si Arida. "I know, uncle. Hindi na rin naman po ako bata. I want to listen to it, only if y'all let me."
Humakbang palapit si Rafael kay Arida. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at tiningnan diretso sa mga mata. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Rafael.
"You can listen to it, Arida," nakangiti ani Rafael.
Narinig ni Rafael ang pagsinghap ni Hestia at Jea pero binalewala niya iyon. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.
"I just want you to promise me one thing," wika ni Rafael.
Natitig si Arida sa mala-tsokolateng mata ni Rafael. "What is that, uncle?"
"After you hear the tapes, posibleng magmabago ang tingin mo sa amin. Just please . . . just please don't judge us easily. Especially, your father."
Natigilan si Arida. Hindi niya alam kung magagawa ba niya. Kinakabahan din siya sa sinabi ng Uncle Rafael niya.
"I'll try, uncle..."
Maliit na napangiti si Rafael at ginulo ang buhok ni Arida gamit ang kanang kamay. "Alright, that's enough to me. Thank you, Arida." Binitawan niya ang balikat ng dalaga.
Walang umimik sa pagitan nila. Umupo lang sila sa sofa. Si Hestia ay inakyat ang mga anak niya sa playroom ng mga ito. Pagkatapos ay agad din siyang bumaba.
Si Arida ay umupo sa mahabang sofa, sa pagitan ng mama niya at ni Jea. Si Rafael ang nagset-up ng tape. Hindi mabilang ng lalaki kung ilang beses siyang napabuntonghininga bago niya pindutin ang play.
"Here it goes. The Side B of Archi's tape," anunsyo ni Rafael.
Seryoso ang mga sila at hinihintay ang pagsisimula ng tape.
"At that moment, I started to feel confused. Sinabi ko sa sarili ko, si Rafael ang gusto ko. Pero hindi ko malaman bakit may kung ano akong naramadaman nang halikan ako ni Archi. Sinubukan ko s'ya iwasan at itulak palayo... but Archi is Archi. He's persistent." Iyon ang bungad ni Dolores sa Side B ng tape.
Hindi maiwasan ni Deianira na mapasulyap kay Rafael. Nakita niya ang kaseryosohan nito at pasimpleng pagtiim-bagang.
"After that, I started to know the real Archibald Darius Sy. The real struggle he's facing. Lalo akong naguluhan, lalo lumalim ang pagkakakilala ko kay Archi. Lalo kaming nagkalapit, at dahil doon ay nagkalayo rin ang loob namin ni Rafael."
Hindi alam ni Deianira kung anong mararamdaman niya. Totoo ang sinabi ni Arida, naabutan siya niti na umiiyak. Pero hindi naman iyon dahil sa nagkagusto noon ang asawa nitong si Archi kay Dolores. Siguro ay masasabi niyang dahil sa pagod.
Naghalo-halo na rin ang emosyon niya, dumagdag pa ang patungkol sa tape.
"Archibald taught me something that I will never forget . . ."
Humugot nang malalim na buntonghininga ang babaeng nagsasalita sa tape, si Dolores. Dinig nila ang pagpapakawala nito ng hininga.
"This is the continuation of Archi's tape . . ."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro