CASSETTE 5: Transferee
Chapter 5
Dolores' POV
[Cassette Tape 001 Side A, is now playing . . .]
ILANG ulit ako na napakurap sa sinabi ni Archi sa akin. Napaturo ako sa sarili ko. Si Archi naman ay namumubgay ang mga mata habang nakatinging sa akin. Ipinagdikit niya pa ang dalawang palad niya, senyas na nakikiusap.
"Huh? Anong tutor ang ibig sabihin mo, Archi?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Naalala mo iyong sabi ko no'ng sabado? Pinatawag ako ni coach, binalaan niya ako na tatanggalin kapag may kahit isang line of seven ang grade ako," pahayag ni Archi. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko inakala na kailangan pala na maayos ang grades kapag nagba-basketball.
"Ayos lang naman sa akin kaso..."
"Kaso?"
Napabuga ako nang malalim na hininga. "Hindi ko alam kung magiging effective ba akong tutor," sambit ko.
Namilog ang mga mata ko nang biglang kunin ni Archi ang mga kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa paraan ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko, siguro . . . ay dahil sa kaba.
"No'ng mga nakaraang taon, pasang awa lang talaga ako. Madalas ako napapagalitan ng magulang ko at ng mga teachers. Ayaw ko naman mapaalis sa team. Iyon lang ang libangan ko..." saad ni Archi. Kita ko ang paglamlam ng mga nito.
"Archi..."
"Kaya please... pumayag ka na. Kung gusto mo ay ilibre kita ng lunch o bayaran. Napansin ko na magaling ka sa klase natin, kayong dalawa ni Kitty."
Napatingin naman ako kay Kitty na walang imik. Tulala ito sa pagkain niya. Wala ang atensyon nito sa amin ni Archi. Alam ko naman kung bakit, malungkot ito at maraming bumabagabag sa isip niya.
Marahan akong tumango. "Sige, payag na ako."
"Talaga?"
Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Archi. Parang nagniningning pa nga ang mga mata nito e.
"Oo, gusto rin naman kitang matulungan. Kasi mabait ka sa akin... kayo nila Travis."
"Salamat talaga, Dolores. Hulog ka ng langit!" masayang sabi ni Archi at tumingala pa sa kisame.
"Kailan ba tayo magsisimula?" tanong ko sa kanya.
Napakamot sa ulo si Archi. "Bukas sana ay dapat makapagsimula na tayo. Pero bago iyon, kailangan kita isama para kausapin si coach. Para makita niya na may tutulong na sa akin at ginawa ko iyong nirekomenda niyang dapat ko gawin," sambit ni Archi.
"Kailan nating siya kakausapin?" pagtatanong ko muli.
"Mamaya sana, after uwian."
"Huh?"
Naalala ko, nakapangako na ako kay Rafael. Baka hanapin ako nito. Siguro ay magpapaalam na lang ako rito. Pero sa totoo lang ay nanghihinayang ako, gusto ko rin talaga na makasama si Rafael.
Nasanay na talaga ako sa paghahatid sundo niya sa akin. Nasanay rin ako sa pagiging mabait ni Rafael sa akin.
"Para masabi ko na kay coach na mayro'n ng magtuturo sa akin," wika ni Archi.
Marahan akong tumango. "Okay lang naman, Archi. Pero kakausapin ko pa si Rafael... may usapan kasi kami."
Nakita ko na umarko ang kaliwang kilay ni Archi. "Bakit mo kailangan na magpaalam kay Rafael? Boyfriend mo na ba s'ya?"
Mabilis akong umiling. "Hindi! Hindi! May usapan lang kasi kami. Ayoko naman na sumira sa usapan namin," sagot ko.
Bumalik na sa pagkapormal ang emosyon ni Archi. Napatango lang siya. "Sige, sabihan mo na lang ako sa room mamaya." Nakita ko na bigla siyang tumayo.
"Aalis ka na? Hindi ka ba sasalo sa amin ni Kitty?"
Umiling siya. "Hindi na, kain kayo nang marami. May importante pa kasi akong pupuntahan at may importanteng tao ako na kakausapin."
"Sige, kita na lang tayo sa room."
Nang makaalis si Archibald ay ibinalik ko ang tingin ko kay Kitty. Nakatulala lang ito sa pagkain at hindi niya ginagalaw. Marahan ko itong tinapik sa balikat. Agad naman na bumaling ito sa akin.
"Kitty..."
Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi, ilong at mata nito. Hindi ko gustong nakikitang nasasaktan si Kitty, nahihirapan din ako.
"Wala akong gana kumain. Sinubukan ko pero hindi ko talaga gusto. Wala akong gana..." naiiyak na sambit ni Kitty.
"Kitty naman! Kailangan mo kumain. Hindi maganda na nagpapalipas ka ng kain," suway ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at namumungay ang nga mata niya. Pagkatapos ay bigla ko na lang ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.
"Gusto ko na umuwi. Ansakit ng dibdib ko," sambit ni Kitty at hinimas ang gitnang bahagi ng dibdib niya.
Agad naman akong nag-alala dahil nakita ko rin ang pamumutla niya. Nasasaktan ako na nakikita siyang nahihirapan. Agad ko siyang tinulungan makatayo.
Dumiretso kami ulit sa classroom ni Kitty. Pinaupo ko siya at pinaypayan gamit ang notebook kasi wala naman akong pamaypay. Pero agad ko rin naisip na kunin ang electric fan at ilapit sa banda namin.
"Kitty, dito ka lang muna. Kukunin ko lang iyong electric fan," sabi ko sa kanya.
Nalahawak pa rin ang isang kamay ni Kitty sa gitnang bahagi ng dibdib niya. Nakita ko ang paglalim ng hininga niya.
"S-Sige..."
Pumunta ako sa unahan. Nakaupo ro'n si Kaja, Jea, at Archi. Nakatapat sila sa electricfan at nagpapahangin.
"Puwede ba na hiramin ko muna iyong electric fan? Kailangan lang namin ni Kitty," paalam ko sa kanila.
Agad na napalingon sila sa direksyon ni Kitty. Napakunot naman agad ang noo ni Archi at bigla itong bumaling sa akin ng tingin.
"Ayos lang ba si Kitty? Namumutla na siya ah!" komento ni Archi.
"Masakit daw ang dibdib ni Kitty," sabi ko. Hindi ko naiwasang mapatingin kay Kaja para makita ang reaksyon niya.
Nakita ko na napalunok ito at biglang pinagpawisan. Lumikot din ang mga mata nito, pawang iniiwasan ang mga tingin ko.
"Owemji! We should dala Kitty sa clinic na!" tili ni Jea at tumayo.
"Wala pa si ma'am para ipagpaalam natin si Kitty," sabi ko.
"Huwag na hintayin si ma'am!" singit ni Archi. Tumingin ito kay Kaja. "Ano, VP? Dalhin na natin si Pres sa clinic?" tanong ni Archibald kay Kaja.
"Sige, dalhin na natin si Kitty sa clinic," sagot ni Kaja.
Pumunta kami kung nasaan si Kitty. Nakatungo na ito sa desk. Inalog ko ang balikat nito para makita kung gising ba ito. Nakita ko na maayos naman ang kalagayan niya pero namumutla pa rin.
Napatingin si Kitty kila Archi, Jea, at Kaja. Nakita ko ang pangungunot ng noo nito. Tumayo ito pero ang kamay niya ay nakaalalay sa desk.
"Owemji, Kitty! You're so white na! Parang one cough na lang ay matutuluyan ka na," sabi ni Jea.
"Jea!" sabay na sigaw ni Kaja at Archi, sinusuway si Jea.
"Hala! True naman e! Look at her oh! She's halatang may sickness!" maarteng sabi ni Jea at umikot ang mga mata.
Nakita ko na nagkatinginan si Kitty at Kaja. Umiwas din agad ng tingin si Kitty rito. Ramdam ko ang bigat na nararamdaman ni Kitty, kahit no'ng sabado pa lang doon sa cofee shop.
Alam ko kasi ang mga insecirities niya sa relasyon nila ni Kaja. Kaya alam ko na talagang nasaktan siya nang malaman na may babae o nambabae si Kaja.
"A-Ayos lang ako... Hindi niyo ako kailangan alalahanin," sambit ni Kitty.
"Kitty naman!"
"A-Ayos lang talaga ako, Dolores..." halos pabulong niyang wika.
"Halata naman na hindi ka okay e. Hayaan mo na dalhin ka namin sa clinic," sabi ni Archi.
Nag-thumbs up naman si Jea at tumango-tango. "So true, Archi boy! She looks stress, haggard, and... broken?"
"Hindi ako broken!" agad na agap ni Kitty. Nagtangis ang ngipin ni Kitty at kumuyom ang kamao.
Itinaas ni Jea ang dalawa niyang kamay na tila nagsu-surrender siya. "Woah! Okay, fine! 'Di ka naman ma-joke d'yan Kitty gurl!"
"Kitty, come on! Don't be hardheaded. Let us take you to the clinic," sabi ni Kaja.
Lalong lumukot ang mukha ni Kitty. Binato niya nang matalim na tingin si Kaja. "Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Sabing ayos lang ako e!" giit ni Kitty.
"Kitty, don't be stubborn."
"I-I'm not stub- Ahh!"
"Kitty!" sigaw ko.
Nagulat kami nang mapaluhod si Kitty habang hawak niya ang dibdib niya. Agad ko siyang nilapitan para alalayan. Sinenyasan ko sila para tulungan ako na alalayan si Kitty.
"Ahh! A-Ansakit, D! S-Sobrang sakit..."
"Kitty..." naiiyak na sambit ko. Nakita ko kung gaano siya mamilipit sa sakit habang hawak niya ang dibdib niya.
Binuhat ni Kaja si Kitty. Napatingin naman ang iba naming kaklase. Si Archi ay nakasunod kay Kaja na buhat si Kitty. Habang si Jea naman ay nakaawang ang labi.
"Owemji, guys! Tawagin niyo si Mrs. Segui!" sigaw ni Jea. Napatili pa ito sa pagpa-panic
Sumunod ako kay Kaja at Archi. Nang makalabas na kami ay nakasalubong namin si Travis at Rafael na mukhang galing sa canteen. Agad ko na nakita ang pamimilog ng mga mata ni Travis.
"Oy anong nangyari sa pinsan ko?" nagpa-panic na bulalas nito.
Walang sumagot sa tanong ni Travis. Dumiretso lang kami para madala agad si Kitty sa clinic. Patuloy amg pag-igik ni Kitty dahil sa sakit. Si Kaja ay pawisan habang nbuhat nito si Kitty.
Nang makarating na kami sa clinic ay agad na dinaluha ng nurse si Kitty.
"Kitty?" bulalas ng nars.
"Nurse Jo, si Kitty po hindi makahinga," sabi ni Archi.
"D'yan muna kayo sa labas. Kami ng bahala sa kanya." Lumapit ang nars kay Kitty at inalalayan ito.
Si Kaja naman ay pawang nag-aalangan na iwan si Kitty. Hindi agad ito lumabas, nanatili ito sa loob ng clinic.
"Kaja, lumabas ka na muna. Ako na bahala kay Kitty," rinig kong sabi ng nars kay Kaja. Kaya walang nagawa si Kaja kundi ang lumabas.
Sa labas ay anim kami. Ako, si Kaja, Travis, Archi, Jea, at Rafael. Si Travis naman ay gulong-gulo sa nangyayari.
"Ano bang nangyayari ha? Kumusta si Kitty? Malala ba ang nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong ni Travis.
"Nahihirapan huminga si Kitty. Kanina pa masama ang pakiramdam niya."
"Naku! Lagot tayo sa ermat niyan! Raratratin tayo! Sino ba kasing may kasalanan at nanikip ang dibdib ni Kitty?" tanong ni Travis habang kamot nang kamot sa ulo niya.
"Walang may kasalanan. Duh! Hindi naman kami ang dibdib ni Kitty!" pamimilosopo ni Jea kay Travis.
"E kung pektusan kaya kita, Jea? Gaga ka!" sabi ni Travis. Umamba pa si Travis habang si Jea ay dumila lang at inirapan si Travis.
Napailing si Archi. "Wala naman talagang may kasalanan e! Baka may sakit si Kitty?" Napakibit-balikat si Archi.
Magsasalita sana si Kaja nang lumabas si Nurse Jo. Nakatingin ito sa amin at maliit na ngumiti.
"Ayos na ang lagay ni Kitty. Tinawagan na namin ang parents niya. May contact na kami kasi madalas na sa clinic si Kitty," pahayag ni Nurse Jo.
"Ano bang nangyari? Kumusta ba ang lagay ni Kitty? Bakit ba sumikip ang dibdib niya?" sunod-sunod na tanong ni Kaja kay Nurse Jo.
Maliit na ngumiti si Nurse Jo. "Hindi ko puwede sabihin sa inyo. Mas mabuti na bumalik na kayo sa klase niyo. Huwag na kayo mag-alala at parating na ang parents ni Kitty," mahinahong sambit ni Nurse Jo.
"Pero Nurse-"
Pinutol ng nars ang sasabihin ni Kaja. "Sige na, Kaja. Magsibalikan na kayo sa klase niyo. Malapit na tumunog ang bell. Pasabi na lang din sa adviser ninyo na dinala niyo si Kitty rito sa clinic."
Hindi sumagot si Kaja kaya si Archi na lang ang nagsalita.
"Sige po, Nurse Jo," tugon ni Archi. Tapos ay hinila na nito si Kaja na ayaw magpatinag. Pero sa huli ay nagpaakay na rin ito kay Archi.
Wala kaming nagawa kundi ang sundin si Nurse Jo. Bumalik kami sa classroom. Sa totoo lang ay pakiramdam ko ay kulang lalo na at wala si Kitty. Malungkot ako na wala siya.
Nang matapos ang klase namin ay naalala ko iyong sabi ni Archi sa akin. Na kakausapin namin ang coach niya. Kaya nilapitan ko si Rafael para sabihin na hindi ako makakasabay sa kanya.
"Rafael," pagtawag ko sa kanya. Agad naman niya akong nilingon.
"O Dolores?"
"Ano... hindi ako makakasabay sa 'yo."
Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mga mata niya. "Bakit naman? Akala ko na wala kang gagawin ngayon? May ipapakita sana ako sa 'yo e," sambit niya.
Bigla naman akong nanghinayang pero nakapangako na ako kay Archi e. Importante kasi iyon para sa kanya.
"Babawi na lang ako sa 'yo sa susunod, Raf." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ako makatingin sa kanya.
Narinig ko ang paghakbang niya papalapit sa akin. Naramdaman ko na ilang sentimetro na lang ang layo namin sa isa't-isa. Napatingala ako sa kanya at nakita kong diretsong nakatingin sa akin ang mga mata niya.
"Gusto mo bang bumawi sa akin?" tanong niya sa akin.
"U-Uhm... oo..."
"Sige," simpleng sabi niya.
Napatitig ako sa kanya. "So, paano ako makakabawi?" tanong ko.
"Bukas, alas tres. Nood ka ng laro namin ng basketball. Tapos sabay tayong umuwi. May ipapakita ako sa 'yo," aniya. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya.
"S-Sa'n ba iyang laro niyo?"
"Malapit sa Dazma Club. Puwede kang sumakay ng tricycle," sabi niya sa akin.
"Sige, pupunta ako. Promise!" Inangat ko ba ang isang palad ko.
Naramdaman ko pa ang lalo niyang paglapit kaya bigla akong napahakbang patalikod. Dalawang hakbang patalikod at bigla na akong matumba pero nasalo ako ni Rafael.
Naramdaman ko ang hininga niya sa may tainga ko. "Good, I'll wait for you..."
"Dolores!" tawag ng isang pamilyar na lalaking boses, si Archi.
Napahiwalay ako sa kanya nang marinig ko ang boses ni Archi. Nakatingin ito sa aming dalawa ni Rafael at nakaangat ang isang kilay.
"Archi..."
"Kanina pa kita hinihintay," sabi ni Archi. Naglakad ito palapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.
"Nag-usap pa kasi kami ni Rafael," sabi ko.
Nagulat ako nang makita ang seryosong mukha ni Archi. Nang lingunin ko si Rafael ay seryoso rin ito.
"Sumama ka na kay, Archi," bulong ni Rafael sa akin.
"Huh?"
"Hindi ba may importante pa kayong gagawin? You can go now..."
Marahan akong tumango. "Oo, sige. Bye na!"
Nagulat ako nang hawakan ni Archi ang kamay ko at hinila na ako paalis. Nilingon ko pa si Rafael ng isang beses. Maliit na ngumiti lang ito sa akin. Napatango naman ako.
Bago kami pumunta ni Archi sa coach niya ay dumaan muna kami sa clinic para silipin si Kitty. Pero sa kasamaang palad ay hindi na namin naabutan ito. Nasundo na raw ito ng mga magulang niya.
---
PUMUNTA kami ni Kitty sa basketball court malapit sa mga Dazma Club. Dalawang kalye lang ang layo no'n doon. Malapit iyong basketball court sa mansyon ng Mayor ng Las Felizas.
Ayoko sana pasamahin si Kitty dahil baka hindi pa siya maayos. Pero maayos naman ang hitsura nito at parang bumalik na ang sigla.
"Ayos ka lang ba talaga? Baka sumakit nanaman ang dibdib mo? Nando'n yata si Kaja sa pupuntahan natin," sabi ko kay Kitty.
Nakita ko ang biglang pagsimangot niya. "A-Ano naman ngayon kung nandoon siya?"
"Sus! E alam ko naman na mahal mo iyon si Kaja," pang-aasar ko sa kanya. Sinundan ko pa iyon ng mahinang pagtawa.
"Cheater siya, D..."
"Nakapag-usap na ba kayo?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Hindi pa."
"O? E 'di paano mo nasabing cheater? Mas maganda na makapag-usap kayo at malaman mo ang side niya. Hindi sa pinagtatanggol ko siya ah, pero para fair... dapat pakinggan mo ang side niya."
Huminga siya nang malalim. "Bahala na..."
Naabutan namin doon si Travis at Archi na nakasuot ng damit na walang manggas at sa pang-ibaba ay basketball short, black and white ang kulay ng short ni Archi at yellow at white naman ang kay Travis. Pagkatapos ay naka-tsinelas lang sila.
Namilog ang mga mata ko nang makita na paparating si Kaja at Rafael. Walang pang-itaas ang mga ito. Hindi ko alam... kung tatakpan ko ba ang mata ko o ano.
Si Rafael ay blue at white na basketball short lang ang suot. Kay Kaja naman ay yellow at black.
Kitang-kita ang pantay na mestizong balat ni Kaja. Halatang mayaman dahil sa kutis nito na walang kapores-pores. Nagulat din ako sa hubog ng katawan nito dahil may apat na abs na ito.
Nilingon ko si Kitty at ang mga mata nito ay nakatutok kay Kaja at namumula na ang pisngi nito. Kulay kamatis na siya. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa.
"Uy si Kitty... pulang-pula!" tukso ko kay Kitty at sinundot pa ang tagiliran nito.
"Ano ba, D!" suway ni Kitty sa akin.
Nang mapabaling ako sa harap ko ay nagulat ako na ilang pulgada na lang ang layo namin ni Rafael. Nasa harapan ko na siya!
Kitang-kita ko ang pantay na moreno niyang balat. Natatamaan pa ang balat niya ng araw at parang kumikinang pa ito. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan niya na parang inukit. May anim siya na abs at napakalapad ng dibdib niya.
"Buti nakarating ka," nakangiting sabi ni Rafael sa akin.
Hindi ko naman alam kung saan ako titingin. "A-Ah eh... oo. Wala naman kaming pasok ni Kitty sa coffee shop."
"Kaso tapos na ang laro namin. Na-late kayo ni Kitty," sabi ni Rafael at narinig ko ang mahina niyang paghalakhak.
"Sorry..." anas ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at napatungo. Nakakahiya, nahuli na pala kami ni Kitty. Muntikan pa kami maligaw kasi maging si Kitty ay hindi alam ang lugar na ito.
"Okay lang. May pupuntahan tayo, iyon ang mahalaga. Ayos lang ba sa 'yo?" tanong ni Rafael. Tiningala ko siya para makita ang reaksyon ng mukha niya. Nakita ko na umangat ang kaliwang kilay niya at sandaling sumulyap sa direksyon ni Archi. "Baka may iba ka nanamang pupuntahan."
Mabilis akong umiling. "W-Wala naman..."
"Good."
Naramdaman ko ang maingat na paghawak niya sa palapulsuhan ko at maging ang marahan niyang paghila sa akin. Nilingon ko si Kitty, kausap na nito si Travis at parang pinapagalitan siya ng pinsan niya.
Lumapit kami sa isang bench. Kinuha ni Rafael ang puting t-shirt niya at sinuot iyon. Pagkatapos ay may sinukbit siya na maliit na bag sa balikat niya.
"Tara?" tanong niya sa akin.
Marahan akong tumago. "Sige, pero magpapaalam muna ako kay Kitty."
"Alright."
Mabilis akong lunapit sa direksyon ni Travis at Kitty. Si Travis ay nakapamewang at nakakunit ang noo. Si Kitty naman ay nakanguso at pinaglalaruan ang kanyang mga kamay.
"Sinasabi ko sa 'yo, Katarina. Ang sabi sa 'yo ng doctor mo ay magpahinga ka!" Mataas ang tono ng boses ni Travis.
"E ayoko naman magkulong sa bahay!" pangangatwiran ni Kitty.
"Ang katigasan ng ulo mo ang ikakamatay mo!"
"Patay agad?" nakangusong sambit ni Kitty.
Mahinang kinutusan ni Travis si Kitty. Napahimas naman si Kitty sa ulo niya. "Serious mode ako ngayon, okay?"
"Kitty!" pagsingit ko sa kanila. Agad naman silng dalawa na napatingin sa akin.
"Dolores!"
"Aalis na pala ako. May pupuntahan daw kami ni Rafael," sambit ko.
Marahang tumango si Kitty. "Sige, enjoy ka! Nandito naman si Travis para maghatid sa akin."
"Oo nga, enjoy kayo ni Rafael. Huwag ka mag-alala. Ako bahala kay Kitty," sabi ni Travis at kumindat pa. Napailing naman ako sa ginawa nito.
"Sige, una na kami."
Nagulat ako na nasa likuran ko na pala si Rafael. May suot na itong puting v-neck shirt. Nakatingin ito sa akin. Sinenyasan niya ako na sumakay sa tricycle niya. Nakangiti naman ako na sumunod sa kanya.
Papasok na sana ako sa loob ng tricycle ni Rafael. Nagulat ako nang makitang mga mga mais doon na nakalagay sa malalaking basket.
"Ahh, idi-deliver ko iyan mamaya. Para sa extrang kita. Dito ka na lang sumakay sa likod ko. Kung ayos lang sa 'yo?" saad ni Rafael habang napahimas sa batok niya.
"Oo naman. Wala namang problema sa aking kahit magback-ride ako."
Sumakay si Rafael sa motor niya at sinimulan ang pagpapaandar sa tricycle. Nang narinig ko na ang tunog na iyon ay paupo ako na sumakay ako sa likod niya.
"Kumapit ka sa bewang ko. Ipulupot mo iyong isang kamay mo para hindi ka mahulog," paalala niya sa akin.
"O-Okay..."
Naramdaman ko ang matigas na kalamnan ni Rafael nang ipulupot ko ang isang kamay ko sa bewang niya. Hindi ko tuloy maiwasang mamula.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe. Alas kuwatro na ng hapon kaya hindi na gano'n kainit at malamig-lamig na ang simoy ng hangin.
Siguro ay dahil marami ring puno sa Las Felizas kaya masarap ang simoy ng hangin. Sabi nga sa amin ng teachers namin na ang isang puno raw ay katumbas ng dalawang naglalakihang aircon. Iyong aircon, iyon yung pampalamig na kadalasan mayro'n ang mga mayayaman sa bahay nila.
Naramdaman ko ang paghinto ng tricycle kaya agad akong napatingin sa paligid. Namangha ako sa ganda ng lugar.
Puro mga puno, bulaklak, at may lawa na malinis ang tubig. May mga upuan din na gawa sa kahoy at bato. Sa paligid ay may mga maliliit na tindahan ng hotdog, popcorn, barbecue, palamig, at iba pa.
May mga ilaw din nakasabit sa taas. Ang tawag doon ay lanterns. Napakaganda ng buong lugar parang isang paraiso!
"Naisip ko na baka gusto mo makita itong lugar na ito. Isa ito sa paboritong lugar ng mga kapatid ko," sambit ni Rafael mula sa likuran ko. Nilingon ko naman siya at nakita na nakangiti siya.
"Ang ganda rito, Rafael. Sobra..." namamanghang sabi ko.
"Green Park ang tawag nila sa lugar na ito. Medyo malayo ito sa bayan, sa may Plaza y Silverio. Malapit na rin ang daan dito papunta sa Costa Felizas," salaysay ni Rafael.
"Gusto ko rin makarating sa Costa Felizas," wala sa sariling bulalas ko.
"Sa susunod, dadalhin kita ro'n," nakangisi niyang sabi.
"Hala! Kahit hindi na! Nakakahiya na sa 'yo."
Nagsimula nanaman akong mamula. Kasi totoo naman, nakakahiya naman talaga. Alam ko ay may mga trabaho siya tulad ng pagpasada. Parang nakakahiya naman na magpapasama pa ako sa kanya.
"Ayos lang, wala namang bayad papunta ro'n," nakangising sabi niya.
"Pero kahit na! Nakakahiya pa rin..."
Nagulat ako nang nakangiting umiling siya. "Alam mo, lalo kang gumaganda kapag namumula ka," sabi ni Rafael sa 'kin habang nakangisi.
Namilog ang mga mata ko nang bigla niyang himasin ang pisngi ko. Lalo tuloy akong nahiya sa sinabi at ginawa niya.
"H-Hindi kaya..."
"Oo kaya!" nakangising giit niya.
"Rafael, ano ba! Nahihiya na ako." Napanguso ako at umiwas ng tingin.
Agad niyang inalis ang mga kamay niya sa pisngi ko. "Naiilang ka ba? May nagawa ba ako na hindi ka komportable?"
"H-Huh? Wala naman! N-Nahihiya lang ako sa pagpuri mo sa akin. Hindi kasi ako sanay e."
"Gano'n ba. Sabihin mo lang kung hindi ka komportable para makapag-adjust ako," nakangiting sabi ni Rafael sa akin.
"Hindi mo naman kailangan mag-adjust para sa akin."
"I know, but I want you to feel comfortable and safe with me."
"Rafael... Thank you. Salamat sa pagdala mo sa akin dito at sa maayos na pagtrato mo sa 'kin," mahinang sambit ko.
"No, it's me who should thank you. Thank you for trusting me and giving me a chance to take you here..."
"Ang bait mo kaya sa akin."
"Syempre kasi..."
Napatingin ako sa kanya nang hindi niya tinapos ang sasabihin niya. "Kasi?"
Nangingiting umiling siya. "Wala..."
Umiwas ng tingin sa akin si Rafael. Hindi ko alam pero parang bigla siyang nailang. Lumikot ang mga mata niya.
Nagsimula kaming maglakad-lakad sa park. Nalibot naman ang lugar at natuklasan na pawang perya din ang lugar. May ferris wheel doon at iba pang rides. Mayroon din doon kung saan puwedeng manalo ng baso, iba pang gamit sa kusina, at lalo na iyong mga stuffed toy. Mayroon din akong nakita na claw machine na may cute na stuffed toys.
"Gusto mo bang sumakay sa rides? O gusto mo kumain muna tayo?" tanong sa akin ni Rafael.
Napakamot ako sa ulo ko. "E wala naman akong pera e. Pamasahe ko lang mayro'n ako..."
Mahinang napahalakhak naman si Rafael sa sinabi ko. "Sagot ko syempre."
"Ano? Nakakahiya! Pinagtrabahuan mo 'yang pera mo, Rafael."
"Minsan lang naman..."
"Hindi mo ako kailangan paggastusan," giit ko.
"Hayaan mo na ako, Dolores. Minsan lang naman e. T'saka sayang naman kung hindi natin i-enjoy ang pagpunta rito."
"Rafael..." mahinang suway ko sa kanya.
Nakulat ako nang kuhanin niya ang dalawang kamay ko at marahang hinawakan ang kamay ko. Ang mga mata ni Rafael ay nasa kamay namin na magkahawak.
"Sa totoo lang, pinag-ipunan ko para madala kita rito sa Green Park," pag-amin niya.
"Rafael, bakit naman?"
"Kasi... gusto ko lang."
"Pero ayoko kasi na gumastos ka lalo na't pinaghihirapan mo iyang pera mo," sabi ko.
"Dolores, kalma ka lang okay? Hindi naman ako sobrang mamumulubi at kaunti lang gagastusin natin... pangako!"
"Cross your heart?" natatawang tanong ko.
Naiiling na ngumiti si Rafael. Gumuhit pa siya ng invisible na cross sa dibdib niya gamit ang hintuturong daliri.
"Cross my heart."
Hindi ko alam kung tama ba na naglakad kami at nilibot ang park na magkahawak ang mga kamay. Nahihiya ako pero masasabi ko na gusto ko ang presensya ni Rafael. Gusto ko siya... kasama at bilang kaibigan.
Pumunta kami sa isang kainan ng barbecue. Amoy pa lang ay natatakam na ako.
"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Isaw at paa. Paborito ko iyan!" excited na sabi ko.
"Pareho pala tayo ng gusto. Iyan din ang paborito ko." Mahinang humalakhak si Rafael at pumili ng barbecue mula sa naka-display.
Kumuha siya ng apat na paa at isaw tapos ay dalawang barbecue, iyong laman. Inilapag ni Rafael iyon sa grill at nag-abot ngbayad sa isang tindera. Matapos ng ilang minuto lang ay luto na iyon. Sinawsaw namin ni Rafael ang barbecue namin.
Tapos, naupo kaming dalawa sa malapit sa may barbacue-han. May mga bench kasi malapit sa may barbecue-han. Tapos ay nagkuwentuhan kami ni Rafael.
"Bakit pala eighteen ka na pero nasa highschool ka pa lang? Kolehiyo ka na dapat ah!" tanong ko sa kanya.
Maliut naman siyang ngumiti. "Oo, dapat kolehiyo na ako. Kaso kailangan ko magtrabaho e, ako lang ang sumusuporta kay nanay at sa dalawa kong kapatid. Wala kaming tatay," kaswal na sagot ni Rafael. Para bang natural lang sa kanya na sabihin iyon. "Alam naman iyon ng lahat maging sila Kaja."
Napatango-tango ako. "Pareho pala tayo. Ako rin e, pero sa akin naman ay wala akong mama. Pareho kayo ng kuya ko. Huminto siya ng kolehiyo para makapag-aral ako."
"First year pa lang si Kaja, Travis, at Archi, ay third year na ako. Nakilala ko sila sa basketball team pero nag-quit na rin ako. Huminto ako ng dalawang taon kaya naging magkakasabayan kaming apat," kuwento ni Rafael na nakangiti at kaswal lang.
"Hindi ka ba nanghihinayang sa taon na nasayang?" tanong ko.
Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng labi niya at pag-iling. "Sa totoo lang, fifty-fifty. Hindi ko naman pinagsisihan na huminto ako para sa mga kapatid ko at para magtrabaho. Pero oo, medyo naghihinayang din."
"Ang galing nga e! Kahit babad ka sa araw ay napakaganda pa rin ng kutis mo," natatawang sambit ko.
"Hindi naman kasi ako purong Pilipino."
"Weh?" gulat na bulalas ko.
Maliit na ngumiti si Rafael at tumango. "Oo, hindi. Caucasian ang papa ko, naging customer ni mama sa barko." Biglang sumeryoso ang tono ni Rafael.
"Huh?"
"Wala!"
Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko masyado nakuha iyong huli niyang sinabi. Iyong tungkol sa nanay niya.
"Pero nakita mo na ang papa mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Oo, pero noong nag-pitong taon na ako... iniwan niya kami. Hindi ko na nga masyado tanda ang hitsura niya," lumamlam ang kulay ng mga mata ni Rafael.
"Sorry..." Napatungo ako at sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na nilingon niya ako.
"Bakit naman humihingi ka ng sorry?"
"Kasi baka may naitanong ako na hindi dapat itanong," mahinang saad ko.
"Dolores, it's fine. Alam din naman ng mga kaibigan ko ang kuwento ko e."
Nagulat ako at bahagyang napapiksi nang hawakan niya ang isang kamay ko. Nang tumingin ako sa kanya nang diretso, nakita ko na nakatingin siya sa akin.
"Halika," sabi niya at hinila ako.
Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang kung saan niya ako dadalhin. Nagulat ako ng dalhin niya ako sa isang claw machine.
"Magaling ako rito. Gusto mo kunin natin lahat ng laman ng machine na ito?" natatawang tanong ni Rafael sa akin.
"Totoo? Kaya mo gawin iyon?"
Natatawa siyang tumango. "Oo at madalas binibigay ko sa kapatid ko o 'di kaya ay binibenta ko."
Napatingin ako sa loob ng machine. Medium size teddy bear ang mga naroon sa loob at iba-iba ang kulay nila.
"Gusto ko iyong pink, Rafael!" Tinuro ko iyong pink na teddy bear na malapit na sa butas.
"Okay, kukunin ko para sa 'yo."
Naghulog ng token si Rafael, ewan ko kung saan niya nakuha. Siguro ay madalas na siya rito kaya mayroon siyang extra.
Nagsimulang tumunog ang machine. Si Rafael naman ay nakapokus at seryosong-seryoso na nakatingin sa bear. Habang ang mga kamay naman niya ay abala sa joystick.
"Gotcha!"
Nagulat ako na iglap lang ay nakuha at agad iyon ni Rafael. Umangat iyong teddy bear dahil mariin na ang kapit sa claw. Pinagmasdan ko habang dinadala ng machine sa butas iyong bear.
At nahulog na nga ang teddy bear.
"Wow, Rafael!" manghang sabi ko.
Kinuha ni Rafael ang teddy bear sa baba at pinagpag iyon. Nakangiting inabot niya iyon sa akin.
"Ang cute!" sabi ko habang ang mga mata ay nasa hawak kong pink teddy bear.
"Ikaw rin... ang cute..."
"A-Ano?"
Narinig ko iyon nang malinaw. Hindi ko maiwasang mamula dahil doon.
"Ang cute mo, kasing cute ng teddy bear," nakangiting sabi ni Rafael sa akin.
"U-Uhmm... salamat."
"Welcome."
"Ipapangalan ko sa teddy bear na ito ay... Rafaela!" nakangising sabi ko. Bigla namang bumagsak ang balikat ni Rafael na ikinatawa ko. "Cute naman 'di ba?"
"Ang weird... babaeng pangalan ko." Naiiling si Rafael at tumawa naman ako lalo.
"Rafaela! Rafaela! Rafaela!" nakangisi at paulit-ulit kong sabi, inaasar siya.
"Hey!" suway niya.
Hinawakan ko siya sa braso niya at naramdaman ko na natigilan siya. "Uwi na tayo?"
"Sure."
Sumakay kami sa tricycle niya. Saktong lumubog na ang araw nang makarating kami sa street namin. Hinatid ako mismo ni Rafael sa bahay, magkalapit lang naman kami ng bahay. Ilang bahay lang ang layo mula sa isa't isa.
Nakangiti siya sa akin at ako naman ay napatitig lang din sa kanya. Nakatitig siya sa akin na para bang ang ganda ko.
"Salamat, nag-enjoy ako," sabi ko sa kanya at bahagyang napaiwas ng tingin. Hindi ko alam pero nag-iinit ang pisngi ko.
"Sana puwede natin ulitin," nakangiting saad niya. Mahina lang ang pagkakasabi niya, pawang bulong na.
"Sa susunod na lang..."
"Yeah..."
"Uwi ka na, baka gabihin ka na rin. O baka hinahanap ka na," sabi ko sa kanya.
Nangingiti na umiling siya. "Uhm... I have something to tell you, Dolores."
Napakurap ako nang ilang ulit habang nakatingin sa guwapo niyang mukha. "A-Ano iyon, Rafael?"
"Dolores, you know that I-"
"Kuya!"
Sabay kami na napalingon sa matinis na boses na biglang sumingit sa amin. Nakita namin ang isang batang babae. Nasa edad siyam o sampu ito. May ribbon pa ito sa buhok niya. May akay at nakaabay na babae sa bata.
Lasing ang babaeng akat nito. Magulo ang buhok ng babae at marumi ang damit na maiksi ang tela. Hapit na hapit sa katawan. Ang suot nito ay pawang sinusuot ng mga dancer sa beerhouse.
"Raven! 'Nay!" sigaw ni Rafael.
Lumapit siya sa dalawa at siya na ang umakay sa lasing na babae. Nagulat ako na ina ni Rafael ang babae. Hidni kasi masyado kita ang mukha ng babae, ang ina ni Rafael, pero maganda ang korte ng katawan nito.
"Sabi ko kay nanay na huwag na siya maglasing. Ang tigas ng ulo, kuya! Sa may tongits at majong-an ko pa nakita ito si nanay," dinig kong kuwento ng batang babae at napakamot sa pisngi.
"Ako na bahala kay nanay, Raven. Pumasok ka na sa bahay," mahinahong utos ni Rafael sa kapatid.
"Oki!"
"Nanay naman, hindi ka pa ba sawa sa alak?" dinig kong malambing na sabi ni Rafael sa babae.
"Tsahemek ka! Buyset keyo... naglelero pa ake!"
"Nanay!"
"Tsahemek!"
"Tatahimik na, 'nay."
Bahayang lumapit sa akin si Rafael at nakita ko ang pagbuka ng labi niya at sinabing 'sorry'. Walang boses iyon pero nakuha ko naman.
Ngitian ko siya at ibinuka rin ang labi ko at nagsalita na walang boses. Sinabi ko na 'okay lang'.
Nakatingin lang ako habang nakamasid sa papalayong si Rafael. Ito pala talaga ang totoong buhay at responsibilidad niya.
Ang maging huwarang anak...
---
MAAGA akong pumasok at hinintay si Archibald sa bahay-bakal. Iyong bahay-bakal ay natatagpuan malapit sa covered court.
Kaya nila tinawag na bahay bakal iyon dahil may bubuong iyon at upuan at mesa. Kung saan puwedeng maghintayan o mag-aral ang mga estudyante.
Maya-maya ay dumating na si Archi. Hingal na hingal ito, dahil tumakbo ito. Paano ay kalahating oras na itong late sa usapan namin.
"Sorry, Dolores. May ginawa pa kasi ako," sabi niya.
"Ayos lang. Ang importante ay nandito ka na. Simulan na natin ang pag-aaral. Sa Math muna tayo."
Umupo si Archi sa tabi ko. Nakita ko na napasimangot ito nang banggitin ko ang math. Inilabas nito ang libro niya sa English kaysa sa math.
"O bakit English iyang nilabas mo na libro? Sabi ko ay Math tayo," kunot-noong saad ko.
Napakamot siya sa ulo niya. "Puwede bang English muna. Next time na iyang Math!"
Pinandilatan ko siya. "Archi!"
"Sige na, Dolores. Parang ang hirap nitong Math e. Kaya English muna!"
"Mas okay nga na mag-umpisa sa mahirap na subject papunta sa madali e," payo ko sa kanya.
"Sa iyo 'yon! Iba sa akin!" nakangiwing katwiran ni Archi.
Napailing na lang ako. "O sige... English muna."
Ibinuklat ko ang libro ko sa English. Hinanap ko iyong page kung nasaan na ang lesson namin.
"Okay, ang susunod na lesson natin ay patungkol sa idioms," sabi ko sa kanya.
"Ano iyang idioms?"
"The book said that idioms are phrases or expressions that has non-literal meaning attached to those phrases. It typically presents a figurative meaning. Some of those phrases become figurative idioms while still having the literal meaning of the phrase. Ibig sabihin ay iyong mga idioms ay mga salita o parirala na ginagamit na ekspresyon at madalas hindi iyong literal," paliwanag ko kay Archi.
Napahimas siya sa baba niya. "Kuha ko," sabi niya.
"Sigurado ka?"
Tumango siya. "Oo naman."
"Okay, i-test natin kung ilan sa limang madalas na gamitin na english idioms na ito ang alam mo."
"Game!" masiglang sambit niya at inunat pa ang mga braso.
"What is the meaning of cold feet?" tanong ko.
"Cold feet? Malamig na paa?"
Napangiwi naman ako. "Archi, hindi mo ita-translate! Sasabihin mo iyong meaning."
"Cold feet..." Napahimas si Archi sa baba niya. "Kinakabahan o natatakot?"
"Tama! Pero dapat english din dapat ang sagot mo, Archi!" sabi ko sa kanya.
"Fear?"
"Good!" Nag-thumbs up ako.
"Ano ng next? One point na ako ah."
"What's the meaning of cloud nine?" tanong ko sa kanya.
"Iyan iyong favorite chocolate ni Travis."
"Archi!"
"Joke lang! Cloud nine means very happy."
"Para masigurado ko na talagang nauunawaan mo iyong mga tinuturo ko sa 'yo. Kasi baka mamaya ay nanghuhula ka lang at nakatyamba ka lang. Now, use it in a sentence. Iyong cold feet muna."
"Okay sige." Narinig ko na huminga siya nang malalim. "Dolores, look at me..."
"Huh?" Napatingin nga ako sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa ni Archi.
"I got cold feet whenever I feel like I'm losing you..."
Hindi ako nakaimik agad. Napalunok ako ng ilang ulit. "A-Ano... i-iyong cloud nine naman."
Nakita ko ang unti-unting pagsibol ng maliit na ngiti sa labi ni Archi. Ang mga mata naman ay hindi pa rin nawawala ang tingin sa isa't-isa.
"I'm on cloud nine whenever you're near."
"Hoy, Archi at Dolores!" pagtawag ng pamilyar na boses. Nang lingunin ko ay nakita ko na si Travis iyon at malapad na nakangiti.
Naputol ang pagtitigan namin ni Archi dahil sa pagdating ni Travis. Nakita ko ang pagsimangat ni Archi.
"Panira amputa!" dinig kong bulong niya.
"Hoy Archi! Anong binubulong-bulong mo d'yan?" sabi ni Travis at biglang inakbayan si Archi. Tinanggal naman ni Archi ang kamay ni Travis.
"Panira ka."
"Sus! Sungit mo ah? May regla ka?" natatawang sabi ni Travis.
"Gago ka kasi." Mahinang sinuntok ni Archi ang balikat ni Travis.
"Aguy!" bulalas ni Travis.
Natatawa naman ako habang pinagmamasdan sila. Nakakatuwa ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"Nakita niyo ba iyon?" biglang tanong ni Travis.
Kumunot ang noo ni Archi. "Ang alin?"
Ngumisi si Travis. "Sabagay, titigan kayo nang titigan kayo kaya panigurado hindi niyo iyon nakita."
"Tado! Alin nga?" tanong ni Archi habang napapahilot sa sentido.
"Ano bang tinutukoy mo, Travis?" singit ko sa kanila.
"Iyong maangas na kotse? Lamborghini ba iyon? Basta mahabang sasakyan na cool!" manghang sabi ni Travis.
"Hindi ko napansin. Kanino ba iyon?" tanong ni Archi.
"May tatalo na yata sa yaman ni Kaja. Mapapatalsik na sa trono ang tropa natin."
Nakuwento nga sa akin ni Kitty na isa sa pinakamayaman sa Las Felizas ang mga Dela Cerna. Maging ang pamilya ni Travis at Kitty, ang mga Natividad ay Ysmael.
"Sasakyan daw iyon ng bagong transferee. Yayamanin!" komento ni Travis.
"Taga-Maynila?"
"Oo raw! Galing sa Maynila at parang pinatapon dito sa Las Felizas," natatawang kuwento ni Travis.
Nagkuwento pa si Travis tungkol sa magandang kotse at sinabi pa nito na bibili siya ng katulad ng gano'n. Tapos ay may samu't-saring chismis siya tungkol sa transferee.
Tinapos ko na ang pag-aaral namin ni Archi, sinabihan ko siya na bukas na lang ulit. Nagulat ako nang makita si Kitty. Nakakapagtaka at maaga ito pumasok ngayon.
"Dolores, halika!" tawag niya sa akin. Kunot-noong lumapit ako sa kanya.
Agad kong kinuha ang gamit ko sa bahay-bakal at nagpaalam na kay Archi. Umalis din naman ito dahil may pinagkukuwentuhan sila ni Travis na hindi ko alam.
"Ang aga mo pumasok. Bakit?" tanong ko sa kanya.
Lumikot ang mga mata niya pinaglaruan ang daliri niya. "Gusto makipagkita ni Kaja sa akin sa LFNHS Eternal Garden. Gusto niya makipag-usap..."
Bigla naman akong nag-alala sa kanya. "Kaya mo na ba makipag-usap sa kanya?" tanong ko.
"Oo, makikipag-break na ako sa kanya."
"Kitty!"
"Ayoko na ipilit pa iyong relasyon namin. Tutal wala rin naman yata siyang balak na ipaalam sa iba at... ipaglaban ako," malungkot na sambit ni Kitty.
"Kung iyan ang desisyon mo. Ikaw bahala, relasyon niyo naman iyan e..."
"Tara na!" Hinila ako na ako ni Kitty.
Mabilis kami na naglakad papunta sa Eternal Garden na matatagpuan malapit sa soccer field ng school. Ramdam ko ang lamig ng mga kamay ni Kitty. Nang papasok na kami sa garden ay agad naming nakita si Kaja.
Nagulat si Kaja na makitang kasama ako ni Kitty. Tumikhim muna si Kitty bago ito nagsalita.
"Alam ni Dolores ang tungkol sa atin. Huwag ka mag-alala siya lang ang pinagsabihan ko," seryosong sabi ni Kitty.
Wala akong na narinig mula kay Kaja. Nagulat din ako sa sobrang seryoso ng boses ni Kitty. Napaka-playful, masigla, at mahinahon ang boses ni Kitty. Ngayon lang medyo nagbago.
"Dito ka na lang muna, D. Papasok muna kami ni Kaja para mag-usap. Bantay ka muna rito, please? Huwag kang aalis ah."
"Okay!" nakangiti kong sabi.
Pumasok naman silang dalawa sa loob. Natigilan ako nang mapagtantong naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Sa tingin ko ay masamang nakikinig ako sa usapan nila. Pero hindi ko maiwasan at sinabi ni Kitty na huwag akong umalis sa puwesto ko.
"Kitty, baby..." malambing na tawag ni Kaja kay Kitty.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Kaja. A-Ayoko na... Hindi ko na kaya. M-Maghiwalay na tayo..." matigas na sabi ni Kitty. Nagulat din ako sa katigasan ng boses niya kahit bahagya siyang nauutal.
"Kitty naman! Gano'n gano'n na lang iyon? Huwag namang ganito. Mahal kita, baby!" nahihirapang sambit ni Kaja. Nagsusumamo ang boses nito.
"Tutal, wala rin namang nakakaalam sa relasyon natin at ayaw mo rin naman na malaman ng iba. Mas mabuting tigilan na natin ito! Naglolokohan lang tayo rito, Kaja."
"Kitty magpapaliwanag ako tungkol sa sinabi ni Travis. Oo totoo na may humalik sa akin-"
"S-See? E 'di cheater ka!" giit ni Kitty.
"It's not like that, alright? That woman is Xiel. Totoo na hindi siya taga-Las Felizas. Taga-Nervaez siya. Pamangkin siya ng mayor ng Nervaez. Hindi ko siya hinalikan, siya ang humalik sa akin. I didn't respond and I pushed her!" mahabang paliwanag ni Kaja.
"Still... you two, you kissed!" sigaw ni Kitty.
"Baby naman! It's not like that, okay? Pumunta sa bahay namin si Xiel. Pinakilala siya sa akin ni mommy bilang papakasalan ko-"
"Iyon naman pala e! Ito na nga! Nakikipaghiwalay na ako sa iyo! Para magpakasal na kayo!"
"Kitty..."
"E 'di kayo na! Magpakasal na kayong dalawa. Happy ending na kayo!"
"E paano naman kung ikaw ang gusto kong pakasalan ha?"
"B-Bawal! Baka nakakalimutan mo na Dela Cerna ka at Natividad ako. Galit ang mama ko sa inyo," mariing sabi ni Kitty.
"You want our relationship to be public? Tell me, that's what you want?"
Hindi nakaimik si Kitty. Walang tugon si Kitty sa sinabi ni Kaja.
"I'll give you that!"
"T-Too late... I am not your girlfriend anymore. We're no longer in a relationship."
"Dalawa tayo sa relasyon natin, Kitty. Ikaw lang nagdesisyon niyan. You don't decide what I want. You want break-up, I don't want it!" mariing saad ni Kaja.
"Wala ng patutunguhan ang relasyon natin, Kaja..." mahinang sabi ni Kitty kay hindi ko narinig ang kasunod niyang sinabi.
"No... Let's fix this."
"I want to end this. That's all I want..."
"No... Please, no. Gusto mo ba lumuhod ako sa harapan mo para hindi mo ako hiwalayan?" Narinig ko ang pagsinghot ng isa sa kanila. Sa tingin ko ay pinipigilan nito ang pagluha.
"Sa umpisa pa lang naman e. Bawal na talaga. Huwag na lang natin pilitin, Kaja."
"Mag-iisang taon na tayo, Kitty. Ngayon pa ba tayo maghihiwalay. Kung galit ka sa nagawa ko, okay lang. Sasaluhin ko iyong galit mo, handa ako na patunayan ang sarili ko."
"A-Alam mo na hindi lang ito ang unang beses tayo na patungkol sa babae. A-Ako nga mismo... n-nahuli ka na nakikipag-makeout," sabi ni Kitty. Nagulat naman ako sa nalaman ko na hindi pala itong ang unang beses na nag-awat sila patungkol sa babae.
"Babalik nanaman ba tayo sa topic na ito? Okay sige... sorry sa nagawa kong iyon. Hindi ko naman inulit na iyon. Itong nangyari, hindi ko intensyon na makipaghalikan kay Xiel," paliwanag ni Kaja.
"P-Pagod na ako, Kaja."
"Hindi tayo maghihiwalay..."
"H-Hindi na kaya ng puso ko, Kaja. B-Bibigay na ang puso ko sa sama ng loob," sambit ni Kitty at narinig ko ang pagsinghot niya.
"I love you, Kitty..."
"Sorry, Kaja."
---
NASA classroom na kami ni Kitty. Nagu ako at maging si Kitty nang umupo si Kaja sa tabi namin. Nasa pinakadulo na uluan si Kaja iyon dikit sa pader. Katabi niya si Kitty at sa kabilang tabi ni Kitty ay ako.
Oo, salingkitkit lang ako sa kanilang dalawa. Ito iyong tinatawag nila na third wheel.
Nakita ko na niyakap ni Kaja si Kitty sa bewang mula sa likod. Tinalikuran kasi siya ni Kitty at ayaw siya harapin.
"Hindi ako aalis dito habang hindi mo binabawi na hiwalay na tayo. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo," marahan at malambing na sabi ni Kaja kay Kitty.
"A-Ano ba! B-Break na nga tayo e! Ano na lang sasabihin ni Travis kapag nakita tayo!" giit ni Kitty. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Kaja na nakayakap sa kanya.
"I don't care about your cousin. I love you so much..."
"L-Let go, Kaja!"
Hindi na naitulak ni Kitty si Kaja dahil dumating na si Ma'am Segui. Wala pa si Archi at Travis sa classroom.
Si Rafael naman ay nasa kabilang row at seryosong nakaupo. Napatitig ako rito, makalipas ng ilang segundo na pagtitig ko rito ay lumingon ito. Medyo nagulat ito na nagkasalubong ang mga mata namin, pero binigyan niya ay ng maliit na ngiti. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.
"Good morning class. Alam ko na hindi ko time sa inyo ngayon at hindi pa simula ng klase. Pero importante ito kaya nandito ako," sabi ni Mrs. Segui.
"Ano po iyon, Ma'am?" si Jamila ang nagtanong.
"You have a new classmate. He's a transferee. Everyone, please welcome him!"
Napatingin kaming lahat sa papasok sa classroom namin. Nagulat ako s biglang pagtilian ng ibang babae namaing kaklase. Hindi ko naman sila masisi dahil guwapo ang lalaki na pumasok.
Matangkad ito, nasa anim na talampakan. Kasing taas siguro nito si Rafael. Napakaputi at kinis ng balata nito. Parang balat ng Korean o Chinese. Gray ang mga mata nito at pareho sila ng hairstyle ay clean cut. Mapupula ang labi nito at halatang mayaman.
"He is the our Mayor's second son," pakklala ni Mrs. Segui.
Pagkatapos no'n ay nakarinig ako ng mga bulungan at tilian mula sa kalase ko. Dinig na dinig ang mga bulungan nila. Hind ko nga alam kung bulungan pa ba ang tawag doon.
"Oh my! Ang guwapo niya!"
"Sobrang gwapo, napaka artistahin niya!"
"Nagmo-model daw iyan! Kyahh!"
"Uy artista siya. Lumabas na siya sa TV!"
Iyon ang mga iilan na narinig ko mula sa kanila. Napailing na lang ako.
"Introduce youself, 'nak," ani Ma'am Segui.
Nakita ko ang pagngiti ng lalaki. Lumabas ang pantay at mpuputi nitong ngiti. Ngumiti pa lang ito ay kinikilig na ang mga kaklase namin. Para kinuryente ang mga ito.
"Hi, I am Joaquin Andreas Silverio."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro