CASSETTE 4: Tutor
Chapter 4
Dolores' POV
[Cassette Tape 001 Side A, is now playing . . . ]
HINDI ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko. Tama ba ang itong nakikita ko? Si Kitty at Kaja ay naghahalikan? Kasi . . . naglapat ang labi ni Kitty at Kaja, ibig sabihin ay naghalikan sila.
Naghalikan nga sila!
Bigla akong namula sa nakita ko. Ito kasi ang unang pagkakataon ko na makakita ng dalawang taong naghahalikan sa personal. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang kinakabahan.
Naghiwalay na ang mga labi nila. Ang mga kamay ni Kaja ay nakahawak sa pisngi ni Kitty. Nagtitigan ang dalawa, para bang sila lang ang tao sa mundo nang mga oras na iyon. Napatakip naman ako sa bibig ko at iniiwasan na makagawa ng kung anumang ingay.
"Please, don't be mad at me..." sambit ni Kaja.
"Hindi na... pero puwede ko ba sabihin kahit kay Dolores lang? Ayoko maglihim sa kanya, Kaja."
Natuwa naman ako sa narinig ko iyon mula kay Kitty. Kahit maiksing panahon pa lang kaming nagkakasama ay masaya akong malaman na may tiwala siya sa akin.
Nakita ko ang paniningkit ng mga mata ni Kaja. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Kitty. "Kitty, bagong magkaibigan pa lang kayo. Sigurado ka ba na mapagkakatiwalaan siya at hindi ipagkakalat iyong sa 'tin?" tanong ni Kaja kay Kitty. Nakatutok ang mga mata nila sa isa't isa.
Marahang tumango si Kitty. "Magaan ang loob ko kay Dolores. Alam ko... mapagkakatiwalaan ko siya."
Hindi umimik si Kaja at nakatitig lang ito kay Kitty. Matapos ang ilang minuto ay hinalikan ni Kaja si Kitty sa noo.
"Alright..."
Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Kitty. "Puwede?"
Nakita ko na ngumiti si Kaja kay Kitty. "Yes..."
Pagkarinig ko niyon ay pumihit na ako patalikod at mabilis na nanakbo palayo sa garden. Nakakahiya ang ginawa ko. Hindi tama na nakikinig ako sa usapan nilang dalawa.
Kaysa bumalik sa canteen ay dumiretso na lang ako sa classroom namin. Umupo ako kung saan ako nakaupo kanina. Siguro ay hihintayin ko na lang si Kitty na bumalik.
"She's here, Hestia!"
Namilog ang mata ko nang may tumuro sa akin, si Jasmin. Kasunod niya si Jamila, sa likod niya ay kasunod naman si Hestia. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti lang lumapit sa akin. Napatayo ako para harapin siya.
Parehas na nakaangat ang mga kilay nila. Si Jamila at Jasmin ay nakakrus ang mga braso. Ang sama ng tingin nila sa akin!
"Pakiramdam mo siguro ay napakaganda mo dahil natalo mo ako na muse? Puwes, nagkakamali ka!" giit ni Hestia at hinila ang buhok ko.
"Aray! Ano ba?!"
"Go queen! Dapat lang na hilain mo ang buhok niyan!" sabi ni Jamila at tumawa. Nag-apir pa sila ni Jasmin. Mukhang aliw na aliw pa sila na nakikita akong nasasaktan. Ano bang klase ang mga babaeng ito.
Ang iba ko namang mga kaklase ay nakatingin lang sa akin. Wala lumalapit para awatin si Hestia sa panghihila niya sa buhok ko.
Pilit ko na inaalis ang kamay ni Hestia pero lalo lang akong nasaktan. Lalo kasi nitong hinila ang buhok ko.
"H-Hestia ano ba!" sigaw ko sa kanya at inaalis ang kamay niya sa buhok ko.
"I hate you! Feeling mo maganda ka!" Hinila pa ni Hestia ang buhok ko.
"Eww! Anong maganda, queen? E ang dry nga ng balat niyan ni Dolores. Halatang poor!" wika ni Jasmin at sinabayan pa iyon nang malakas na tumawa.
Wala akong magawa kundi ang hawakan ang palapulsuhan ni Hestia para mapigilan ito. Lalo lang dumiriin ang paghila nila sa tuwing pinipigilan ko siya.
"H-Hestia tama na... masakit na!" pasigaw kong sabi.
"You deserve it!"
"Hestia!" buo at malagong boses ng isang lalaki.
Napatingin ako sa pinagmulan ng boses. Maging si Hestia ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napawaang ang labi ko nang mapagtantong si Rafael iyon. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kamay ni Hestia na hila ang buhok ko.
Lumapit si Rafael sa amin. Mahigpit niyabg hinawakan ang palapulsuhan ni Hestia at marahas na tinanggal ang pagkakahawak nito sa buhok ko.
"Aray naman, Raf!" reklamo ni Hestia. Hinilot-hilot pa nito ang palapulsuhan niya.
"Ano nanaman ito, Hestia?" kunog-noong tanong ni Rafael sa babae.
Ngumiwi si Hestia at umikot ang mga bilog ng mata. "Labas ka na rito, Raf."
Umiling si Rafael at umigting ang panga nito. Kita ko ang pagtitimpi nito kay Hestia.
"About sa muse position ba ito?" Binigyan ni Rafael ng hindi makapaniwalang tingin si Hestia. Napahawak ito sa bewang at sunod-synod na umiling. "Hestia, simpleng class officers lang iyon. Hindi ro'n nakasalalay ang buhay mo. Kung makapanakit ka, akala mo naman ay sinaktan ka ng tao ng pisikal."
"Hindi mo naman maiintindihan..." halos pabulong na sambit ni Hestia.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mo manakit ng kaklase mo. Para na tayong magkakapatid sa classroom na ito," giit ni Rafael.
"Rafael, bakit mo naman kinakampihan ang babaeng iyan?" pasigaw na tanong ni Hestia at dinuro ako.
"Kasi bago lang siya at wala siyang ginagawang masama. Pero heto ka... sinusugod siya dahil sa simple class position. That's bullshit!" giit ni Rafael.
"Anong nangyayari dito?" boses ng isang lalaki.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Travis iyon. Sa likod niya ay si Kaja. Kasama na niya si Kaja, ibig sabihin ay pabalik na rin si Kitty.
"May bardagulan pala. Hindi puwedeng hindi ako kasali," ngisi ni Travis. Naglakad ito papunta sa direksyon namin.
Hinarang ni Jamila at Jasmin si Travis. Napaangat naman ang kaliwang kilay ng lalaki at lumapad ang ngisi. Tiningnan lang nito ang dalawa at hinawi papuntang gilid para makaraan siya.
"Ang ungentleman mo!" sigaw ni Jamila kay Travis.
"Wews! Ungentleman talaga ako sa mga pangit na bully!" nakangising sambit ni Travis. Narinig ko ang paghalakhak nito. Si Jamila naman ay umuusok na ang ilong.
"Bawiin mo 'yun!"
"Ang alin? Iyong bully ka?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Travis.
"Na pangit ako!" Parang sasabog na si Jamila sa inis. "Hindi ako pangit!"
"Hindi ka pangit sa mata ng Diyos. Pero hindi ako ang Diyos, kaya pangit ka sa paningin ko!" nakangising sabi ni Travis.
"Bwiset ka, Travis!"
"Pangit mo!"
"Ungentleman!" sigaw ni Jamila kay Travis. "Ang lakas mo, akala mo hindi ka nakikipagsuntukan sa labas ng school. Akala mo kung sinong mabait," mapait na sabi ni Jamila.
Ngumisi naman si Travis. "Ge lang, kuwento mo sa pagong."
"Nakakaasar ka na, Travis! Ire-report ka na namin!" pakikisali ni Jasmin kay Travis at Jamila. Sa sinabi mi Jasmin ay lalo lang lumawak ang ngisi ni Travis.
"Wow ha, parang ako pa iyong nambully rito," tawa nito.
"We're not bullies!" giit ni Jamila.
"Weh? Sige nga, sumbong niyo ako sa principal. Tignan pa natin kung sino maki-kick." Malakas na tumawa si Travis.
Dahil nakatutok ang atensyon ko kila Travis, hindi ko na napansin na nakalapit na sa akin si Rafael. Tiningala ko siya dahil mas matangkad siya sa akin.
Nagsalabong ng tingin namin ni Rafae. Bigla kong nalanghap ang natural niyang amoy at mumurahin perfume, naghalo ang amoy nito at napakabango.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin sa mababang boses.
"O-Oo... a-ayos lang."
Bakit ako nauutal? Bigla pa akong namula sa lalo niyang paglapit sa akin. Sinuri pa ako ni Rafael na lalong kinailang ko.
"Walang masakit?" tanong nito.
Umiling ako. "Wala naman..."
Napansin ko na nakamasid lang sa amin si Hestia. Kumuyom ang kamao nito at nagtangis ang mga ngipin. Pagkatapos, bigla na lang din kami nitong tinalikuran at bumalik sa upuan niya.
Biglang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang recess namin.
Sumasakit ang ulo ko sa dami ng naganap ngayong araw nga ito. Isipin mo iyon, unang araw ko pa lang pero kung ano-ano na ang nangyari sa akin.
"Umupo ka na, Dolores," mahinahong utos ni Rafael sa akin. Inayos niya pa ang upuan ko na nawala sa puwesto.
"Salamat, Raf."
Marahan lang na tumango si Rafael. Nakasunod ako ng tingin nito hanggang sa makaupo ito sa upuan niya. Tahimik lang ito, katabi niya na si Travis na tumatawa at may dinadaldal.
Tumingin si Rafael sa direksyon ko. Namilog ang mga mata ko at agad na umiwas ng tingin nang mahuli ako nito na nakatingin sa kanya. Pasimple ako na sumilip ulit at nakita ko na may maliit na ngiti na ito sa labi niya.
Natigil lang ang pag-iisip ko tungkol kay Rafael nang umupo si Kitty sa tabi ko. Napansin ko na bahagyang magulo ang buhok nito.
"Wala ka na pala sa canteen. Pasensya na, hindi ko ginusto na iwan ka..." malungkot na wika ni Kitty.
Nginitian ko ito. "Huwag ka mag-alala! Ayos lang, Kitty."
Tumingin ito sa akin at tinaas ang kanyang kamay ka-level ng kanyang ulo. Umakto itong nanunumpa. "Pangako, hindi ko na uulitin at mag-iexplain ako mamaya," parang robot na sabi nito.
Natawa naman ako kay Kitty. "Ano ka ba! Ayos nga lang."
"Bakit ang gulo ng buhok mo?" tanong ni Kitty sa akin.
Natawa ako sa tanong niya. "Ikaw rin naman! Magulo ang buhok mo," natatawang sabi ko.
"Tumakbo kasi ako papunta rito. Kasi malapit na akong ma-late," sabi ni Kitty na nakangiwi. "E ikaw, ba't gumulo ang buhok mo?"
"A-Ano kasi..."
"Ano?"
"Si Hestia, hinila ang buhok ko."
"Ano?" halos pasigaw na bulalas ni Kitty. Kmunot ang noo nito at tumingin sa direksyon ni Hestia. "Hindi puwede iyang ginagawa niya, Dolores. Matapang siya porke't uncle niya ang principal natin!"
Tatayo sana si Kitty para pagsabihan si Hestia. Pero hinawakan ko siya sa braso at pinigilan. Hindi mareresolba ang isang gulo ng isa pang gulo.
"Kitty, tama na. Huwag mo na dagdagan pa ang gulo," suway ko.
"Hindi ko naman hihilain ang buhok niya e. Pagsasabihan ko lang siyang huwag niya an ulitin," nakangusong sabi ni Kitty. Mahina akong tumawa at umiling.
"Siguro... lumayo na lang tayo sa grupo ni Hestia."
"Totoo! Mahilig pa naman sa mga gulo iyan. Lalo na iyang si Jamila at Jasmin. Walang sinasanto kahit taga-kabilang section," sabi ni Kitty.
"Halata naman. Pati nga si Travis ay 'di nila pinapalampas."
Mahinang tumawa si Kitty. "Ngayon na kaklase ka na namin, masanay ka na sa bangayan ni Travis at grupo ni Hestia. Matagal na iritable si Travis sa kanila e."
"Halata nga..."
Napatigil kami ni Kitty sa pagkukuwentuhan nang bumalik ulit si Ma'am Segui. Nagsimula na itong mag-check ng notebook. Pumila naman kami ni Kitty para makapagpapirma. kanina pa naman kasi kami tapos, bago pa mag-recess.
Napatingin ako sa malapad na likuran na nasa harap ko. Si Rafael ang nagmamay-ari n'yon. Sa hindi ko malamang rason ay nakatulala lang ako sa likod niya.
Ibinuklat ko na ang notebook ko at inihanda para ipa-check. Papalapit na ako nang biglang napatid ako.
"Ahh!"
Napapikit ako at inaasahan na nasa sahig na ang puwetan ko pero wala. Pagmulat ko ay may braso ma sumalo sa akin—si Rafael!
Ialng ulit ito napakurap at tumingin sa 'kin. "Are you okay?"
"Yiee!" dinig ko na tilian ng mga kaklase namin. Maging si Ma'am Segui ay nakatingin sa amin at nagpipigil ng ngiti.
"Ehem! Anong kalandian ang nangyayari rito?" singit ni Ma'am Segui. Kunwari'y istrikto ito at pinanlalakihan kami ng mata ni Rafael. Pero ang labi nito ay nagpipigil ng nanunudyong ngiti.
"A-Ayos lang ako..." Humiwalay na ako kay Rafael.
Napatingin ako sa paligid ko at inaalala.kung saan ako natapid. May binti na pumatid sa akin! Napansin ko na nasa unahan si Hestia. Masama nanaman ang tingin nito sa akin.
"May chemistry si muse at escort, ma'am!" sigaw ni Travis.
"Oo nga! You're so bagay guys! Ayieee!" si Jea iyon.
"Puro kayo harot!" Umikot ang mga mata ni Ma'am Segui pero nangingit pa rin ito. Tiningnan nito sila Travis, Archi, at Kaja. "At nandito na pala kayo Travis. Nasaan ang mga sulat ninyo, ha?"
Naglakad na ako pabalik sa kinauupuan ko. Huminga ako nang malalim. Nakita ko na nakatingin si Kitty sa akin, nanunudyo ang mga tingin nito.
"Ship ko kay ni Rafael," sabi ni Kitty at humagikgik.
Umikot ang mga mata ko. "Ship ko kayo ni Kaja."
Namula naman agad si Kitty sa sinabi ko. Umiwas na agad ito ng tingin sa akin. Ito talagang si Kitty! Akala mo hindi sila nag-kiss ni Kaja kanina. Mala-romatic movie nga sa DVD iyong kissing scene nila.
Binalik ko ang atensyon ko kay Ma'am Segui. Nakatingin ito sa direksyon nila Travis. Si Travis at Archie ay napakamot sa ulo nila. Panigurado, wala pang mga sulat ang dalawa.
Habang si Kaja ay pumunta sa unahan at lumapit kay Ma'am Segui. Dala-dala nito ang notebook niya.
"Hoy sabi ko, walang magsusulat ah. Traydor ka talaga, Kaja," nakasimangot na bulyaw ni Travis.
Si Kaja naman ay nailing lang at pina-check ang sulat niya. Pagkatapos ay bumalik na ito sa tabi ng mga kaibigan niya.
"Kaja niyo, traydor. Hindi true friend," sigaw pa ni Travis. Nagtawanan ang mga kaklase namin.
"Magsulat ka na d'yan, Mr. Natividad. Pinapasakit mo ulo ko," sabi ni Ma'am Segui at pinanlakihan pa ng mata si Travis.
Nag-peace sign si Travis. "Areglado, ma'am."
Maaga kami pinalabas ni Ma'am Segui. Lalo na iyong mga tapos na sa pagsusulat. Sabi niya, hindi niya papalabasin kung hindi pa tapos magsulat. Kaya napilitan si Travis at Archi na talagang magsalutan. Ang nangyari, sila na lang ang natira sa classroom.
Habang naglalakad kami palabas ng gate ng school. Naging tahimik si Kitty, hindi ko alam kung bakit.
"Dolores, puwede ba kitang sabihan ng sikret..." halos pabulong na sambit ni Kitty.
Sa tingin ko ay alam ko na ito. Ito iyong patungkol sa lihim nilang relasyon ni Kaja. Pero kung patungkol nga rito ang sasabihin niya, masaya ako na sa kanya mismo manggagaling ang kompirmasyon.
"Patungkol kay Kaja..."
Huminto siya sa paglalakad at napalingon naman ako sa kanya agad. Nakatungo si Kitty at nakatingin sa semento. Maya-maya ay biglang tumingin na ito sa akin.
"Si Kaja at ako... may relasyon kami. Hindi ako nananaginip, Dolores. Totoo itong kinukuwento ko ha," namumulang sabi niya.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Naniniwala ako sa'yo, Kitty."
"T-Talaga?"
Marahan akong tumango. "Oo naman. Ano bang rason mo para magsinungaling sa akin? Wala naman."
"K-Kasi kapag nagsabi ako sa iba... h-hindi sila naniniwala. I-Iniisip nila na nagdi-daydream ako," utal na sambit ni Kitty. Nakita ko na nangingilid ang luha sa gilid ng mga mata niya. "Parang hindi ka rin nagulat." Napanguso si Kitty.
Kinuha ko ang kamay niya at nginitian siya. Tinapik ko ang kanang balikat niya. "Kitty, hindi imposible na magustuhan ka ni Kaja. Ang ganda mo kaya at ang bait mo pa. Sino bang hindi magkakagusto sa 'yo?"
"M-Maganda ako kahit may pimples ako?"
Natatawa akong tumango. "Oo naman! Matatanggal naman iyang mga pimples na iyan."
"Narinig ko nga sila Jamila na pinagtatawanan iyong pimples ko e."
"Huwag mo na lang sila pansinin. Wala silang ambag sa buhay mo."
Marahang tumango si Kitty. "Tama..."
Hinila ko ang mga kamay niya at inakay na siya para magpatuloy kaming dalawa sa paglalakad. Nakangiti lang si Kitty habang hawak ko ang mga kamay niya.
"So, paano kayo nagkakilala at nagkalapit?" tanong ko sa kanya na pigil ang kilig ko.
Namula muli si Kitty at napanguso. "Second year kami no'ng nag-transfer si Kaja. Simula no'n ay gusto ko na talaga siya. No'ng una pa nga ay ayaw niya galaga sa akin at pinagtutulakan ako palayo. Pero dahil sa camp noong third year, nagkalapit kami. Hanggang sa lihim na kami na nagkikita."
Napakunot ang noo ko. "Bakit pala kailangan niyo ilihim ang relasyon ninyo?"
"A-Ano kasi..."
"Ano?"
"I-Iyong pamilya namin... magkaaway. Nalaman ko lang iyon no'ng nakaraang taon. Nakita ako ni mommy na kasama si Kaja. Tapos tinanong niya kung anong pangalan ni Kaja, sinagot iyon ni Kaja. Tapos nalaman ni mommy na Dela Cerna ang apelyido ni Kaja tapos..."
"Tapos ano ng nangyari?" tanong ko kay Kitty.
"Mommy hates his family to her bones. I don't know her reason or reasons. Every time I tried to asks her... wala akong nakukuhang sagot. Sinabihan niya ako na huwag na lalapit kay Kaja. Huwag na makikipag-usap sa kanya kahit tungkol pa sa school kung hindi ay papaalisin niya ako sa bahay namin," salaysay ni Kitty. Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mukha niya at ang paglamlam ng mata ni Kitty.
"E 'di ang laking problema pala kapag nalaman ng mommy mo..." sambit ko.
Tumango si Kitty. "Kung hindi niya ako papauwiin sa ibang bansa, baka naman itakwil niya ako."
Malungkot akong napatingin sa kanya. "Kitty..."
"Wala naman akong magagawa. Hindi ko naman kaya na mawala si Kaja... mahal ko siya."
Napahinga ako nang malalim. "Malay mo, balang araw... kapag handa na kayo na ipaalam ang relasyon niyo. Baka matanggap din ng mommy mo. Maging positibo lang tayo."
"Sana nga..."
Nagpatuloy kami ni Kitty sa paglalakad. Hanggang sa makarinig kami ng boses.
"Dolores!"
Sabay kaming napalingon ni Kitty. Nakita ko na ang tumawag sa pangalan ko ay si Rafael. Nagulat naman ako, lalo na at tumatakbo siya papalapit sa direksyon namin.
Ilang beses pa ako napakurap para masigurado na si Rafael nga. At siya nga! Natatamaan ng sikat ng araw ang makinis na moreno niyang balat at tumutulo pa ang pawis mula sa noo niya.
"Hello, Raf!" bati ni Kitty sa lalaki.
"Hi, Kitty. May sundo ba kayo pauwi? Gusto niyo ba na ihatid ko na kayo?" tanong nito sa amin.
Nagulat naman ako sa alok nito sa amin. Nagkatinginan kami ni Kitty. Si Kitty ay tumango sa tanong ni Rafael.
"May sundo ako, ipapasundo kasi ako ng mommy ko," ani Kitty.
Napatango-tango si Rafael. Dumako naman ang tingin nito sa akin. "Ikaw ba, Dolores? Magkalapit lang naman tayo ng bahay."
"W-Wala akong sundo."
Hidni ko alam kung bakit ambilis ng tibok ng puso ko, lalo na ngayon na titig na titig si Rafael sa akin. Kapag din kausap ko ito ay madalas na nauutal ako. Normal pa ba 'to?
"Ihatid na kita. Kung ayos lang sa 'yo?" tanong nito at sa pagkakataon na ito ay ngumiti na ito.
"Oo nga, Dolores. Sabay ka na lang kay Rafael. At least si Rafael ay mapagkakatiwalaan natin. Kaklase naman natin si, Raf. T'saka kapag may masamang nangyari sa 'yo..." Itinaas ni Kitty ang kamao niya. "Matitikman ito ni Raf."
Natawa naman ako sa sinabi mi Kitty. Ibinalik ko ang tingin ko kay Rafael. Nakatitig din ito sa akin, para akong matutunaw sa klase ng tingin nito.
"A-Ano kasi... nakakahiya."
Umiling si Rafael. "Ako naman ang nag-alok. T'saka ayos lang sa akin."
"Sige na, Dolores! Sakay ka na kay, Raf!" pangungumbinsi ni Kitty. Kulang na lang ay ipagtulakan ako nito sa lalaki.
"Sige..."
Nakita ko ang pagngiti ni Rafael sa sagot ko. Sumabay ito sa amin sa paglalakad palabas sa gate. Sa labas ng school nakaparada ang tricycle ni Rafael.
"Sakay ka na," mahinahong utos ni Rafael sa akin.
"S-Sige..."
"Bye, Dolores! Bye, Rafael!" Kumaway si Kitty mula sa labas ng tricyle. Kumaway naman ako pabalik.
Sinimulan na ni Rafael na paandarin ang makina ng sasakyan niya. Nakamasid lang ako rito. Walang nagsasalita sa pagitan namin. Si Rafael ay pinaandar na ang tricycle at sinimulan ng magmaneho.
Hindi ako nagsasalita habang nasa biyahe. Nakatingin lang ako sa labas. Pinagmamasdan ko ang malinis na kalsada ng Las Felizas.
Mabilis lang na nakarating kami sa street kung saan kami nakatira ni Rafael. Itinigil ni Rafael ang tricycle sakto sa harapan ng bahay namin. Nakita ko na walang katao-tao ro'n. Wala si tatay o si kuya. Kaya, sarado ang pinto at walang ilaw.
"Salamat sa paghatid, Rafael," nakangiting sambit ko.
"Walang anuman." Ngumiti si Rafael. Namamangha talaga ako sa tuwing nguminiti ito. Napakaseryoso kasi palagi ng bukas ng mukha nito. "Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?" biglang tanong nito.
"Huh?"
"Iyong nangyari kanina. Iyong paghila ni Hestia sa buhok mo. Wala bang masakit sa 'yo?" Nakita ko ang pagtitig ni Rafael sa akin at malambot niyang ekspresyon.
"A-Ayos lang talaga..."
"Sigurado ka?" tanong niya.
Tumango ako. "Sigurado."
"Sunduin kita bukas?" tanong nito akin na ikinagulat ko.
"A-Ano?"
Nakita ko na napahawak si Rafael sa batok niya at lumikot ang mga mata nito. "Kung ayos lang sa 'yo... sabay tayong pumasok."
Nagkasalaubong ang mata naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit napakabilis ng tibok ng puso ko. Siguro dahil... kinakabahan ako? Pero bakit naman ako kakabahan?
"Ayos lang naman sa akin," sambit ko.
Nakita ko ang biglang pagngiti niya. "Paano 'yan? Bukas na lang? Sunduin kita ha."
"Oo..."
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na si Rafael sa akin. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya habang papalayo siya.
Iyong tibok ng puso ko, napakabilis. Normal pa ba ito?
---
SABADO ngayon at may shift kami ni Kitty sa coffee shop. Mas maaga ang shift namin ngayon, ala-una hanggang alas-singko ang shift namin.
Si Rafael ay halos araw-araw na hatid-sundo ako. Kaya medyo nagkakalapit na kaming dalawa. Napagtanto ko na napakabait pala talaga nito. Hindi lang bilang kaklase, kundi bilang anak.
"Kitty, Dolores, kayo muna bahala rito sa coffee shop. May importante lang akong pupuntahan," sabi ni Ate Verna sa amin.
"Sige po," magkasabay naming sagot ni Kitty.
Walang masyadong costumer pa na dumarating. Napatingin ako sa orasan, malait na pala mag-alas kuwatro ng hapon. Kadalasan, iyon ang oras na dinaragsa kami ng mga costumer.
Nagpatuloy lang kami ni Kitty sa ginagawa namin. Hanggang sa bumukas ang pinto at inuluwa no'n ang apat na nagkikisigang mga binata.
Nang mapatingin din si Kitty sa kanila ay namula ito. Paano ba naman at nandito si Kaja. Ang mga dumating ay si Rafael, Archi, Travis, at ang lihim na kasintahan ni Kitty na si Kaja.
Medyo nagulat ako na kasama nila si Rafael. Hindi ko inaasahan na kaibigan din nila ang lalaki, kahit nakikita ko sila na magkakalapit umupo.
Napakasalungat kasi ng mga pagkatao nila. Si Archi at Travis ay parehong happy-go-lucky at pilyo. Makulit ang dalawa at malakas ang sense of humor. Sa kabilang banda, si Kaja at Rafael ay napakaseryoso.
"Waiter!" sigaw ni Travis nang makaupo sila sa upuan sa tapat mismo ng counter.
Naningkit naman ang mata ni Kitty. Ako naman ay hindi ko alam kung natatawa ako o ano.
"Walang waiter dito, sir. Kailangan niyo po pumunta rito sa counter para um-order," mariing wika ni Kitty.
Bumusangot si Travis at nangalumbaba. "Ah gano'n? Katamad naman..."
Humugot naman nang malalim na hininga si Kitty at pinipigilan ang sarili. Napailing na lang ito at lumapit sa mesa nila Travis. Mabuti na lang talaga at sila lang costumer namin ngayon.
Sumunod din ako kay Kitty. Nakita ko na nakapamewang ito at nakatingin kay Travis. "Ano bang order niyo?"
"Hala! Ang sama naman ng ugali ng waitress. Nasaan ang manager, magsusumbong ako!" biro ni Travis.
"Samahan pa kitang magsumbong!" Umirap si Kitty.
"Bibili kami ng chocolate cake tapos beer ba kayo dito?" sabi ni Travis. Lalong nalukot ang mukha ni Kitty sa sinabi ni Travis.
"Seryoso ka ba? Coffee shop ito at hindi beer house," nakangiwing sabi ni Kitty. Pigil naman nila Travis ang tawa nila dahil kay Kitty.
"Joke lang, Kitty. Hindi ka naman mabiro d'yan. Softdrinks na lang na malaki tapos itong si Rafael bigyan mo ng macchiato."
"Okay. Tara na, Dolores. Asikasuhin na natin ang order nila," ani Kitty. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.
Kinuha na namin ang order nila Travis. Si Kitty ang kumuha ng chocolate cake nila. Ako naman ang nagtimpla ng kape. Nang matapos iyon ay agad kong dinala sa lamesa nila.
"Ito na po iyong kape niyo," sambit ko.
Nakatingin silang apat sa akin. Nagkatinginan kami ni Rafael. Napalunok ako habang nakatitig sa mala-tsokolate niyang mga mata.
"Salamat," sabi ni Rafael.
Marahan naman akong tumango at maliit na napangiti. Nakita ko pa na nagkatinginan sila Archi, Kaja, at Travis. Palihim silang ngumingisi. Tinalikuran ko na silang apat.
"Rafael, may gusto ka ba kay Dolores?" narinig ko na usisa ni Travis kay Dolores.
Hindi ko alam kung dapat ko ba silang lingunin. Nakarating na ako sa cointer at doon nasulyapan ko na nagsasalita si Rafael. Pero hindi ko marinig ang sagot nito.
Si Kitty naman ang naghatid ng iba pang order nilang apat. Nakita ko na may sinasabi so Travis sa pinsan niya. Si Kitty naman ay pinagkrus lang ang braso niya.
"Hindi nga puwede! May trabaho pa kami!" halos pasigaw na sabi ni Kitty kaya narinig ko ito kahit nasa counter ako.
May mga dumating pa na costumer. Saktong alas singko, pagkatapos na pagkatapos ng shift namain ay dumating na si Ate Verna at maging ang kapalit namin sa shift.
Nagpalit na kami ng damit ni Kitty. Simpleng maroon shirt ang suot ni Kitty at shorts na hanggangang tuhod. Ako naman ay nakasuot ng puting pantaas at mahabang saya.
Paglabas namin ni Kitty ay nakita namin na nadoon pa sila Kaja.
"Tapos na shift niyo! Samahan niyo kami. Dami pang cake o!" pag-aya sa amin ni Travis.
Tumayo si Travis at hinila si Kitty kaya wala na kaming magawa kundi samahan sila. Si Kitty ay umupo sa tabi ni Travis. Katabi naman ni Travis sa kabilang banda si Kaja. Kumbaga ay napapagitnaan ni Travis si Kitty at Kaja.
Katapat ko si Kitty. Ako naman ay umupo sa tabi ni Archi. Sa kabilang banda ni Archi ay nandoon si Rafael. Nasa pagitan namin ni Rafael si Archi.
"O Kitty, tanggalin mo 'yang mata mo kay Kaja. Sumbong kita sa mama mo e," sabi ni Travis sa pinsan niya. Pumula naman ang pisngi ni Kitty.
"H-Hindi ko naman tinitingnan si Kaja. Iyong cake ang tinitingnan ko," nakangusong saad ni Kitty.
"Sus! Kunwari pa!"
Natawa naman ako sa magpinsan. Totoo naman ang sabi ni Kitty, hindi siya kay Kaja nakatingin. Si Kaja nga ang pasimpleng sumusulyap kay Kitty.
Kinuha ni Kaja ang sobra na plato at kutsara. Humiwa siya ng parte ng cake. Inilapag niya iyon sa harap ni Kitty. Sabay naman na napatingin si Travis at Kitty sa ginawa ni Kaja.
"Kain ka na," simpleng sabi ni Kaja.
"Oy Kaja! Tigilan mo iyan. Baka lalong ma-fall sa 'yo si Kitty. Pepektusan talaga kita." Umamba pa si Travis, umiling lang si Kaja sa ginawa ng kaibigan niya.
"Ano ba, Travis!" namumulang bulalas ni Kitty.
"Ikaw Kaja... sinasabi ko sa 'yo. Huwag mong taluhin itong si Kitty. Aba! Allergic ang nanay nito sa mga Dela Cerna," natatawang kuwento ni Travis.
Nagulat ako na ng may naglapag din ng plato na may cake sa harap ko. Akala ko si Rafael ang gumawa, si Archi pala.
"Thank you, Archi."
"Kain ka na..." nakangiting ani Archi.
Si Rafael ay hindi naman nagsasalita. Tahimik lang ito na kumakain sa isang gilid. Inalis ko ang tingin kay Rafael at ibinalik kila Travis, Kaja at Kitty na nasa harap ko.
"Lumayo ka rin dito kay Kitty. Pasimpleng playboy ka pa naman. Nakita ko na may kalampungan kang babae no'ng nakaraan," tumatawang sabi ni Travis.
Namilog naman ang mata ko sa narinig ko mula kay Travis. Nagkatinginan kami ni Kitty. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mata ni Kitty.
Hindi ko rin naman masisi si Travis sa mga sinabi niya. Kasi mukhang wala talagang kaalam-alam ito sa lihim na relasyon ni Kitty at Kaja.
"Stop spreading lies, Travis!" Sinamaan ng tingin ni Kaja si Travis. Si Travis naman ay parang hindi affected kay Kaja. Tawa lang nang tawa.
"Ba't naman ako magsisinungaling?Bobo mo talaga, Kaja!"
"Sinisiraan mo ako kay Kitty," mariin at seryosong sabi ni Kaja.
"Hoy! Hindi ah! Mataggal ka ng sira dito kay, Kitty. Sa mga kuwento pa lang ng ermat ni Kitty sa mga Dela Cerna. Parang nasira na yata buong pagkatao niyo ro'n e." Humalakhak si Travis at uminom ng softdrinks.
Napatingin ako kay Kitty na nakatungo na at kita ko ang pagpipigil ng iyak nito. Gusto ko siyang lapitan at aluhin.
"Hindi nagsisinungaling si Travis, Kaja. Alam mo namang tarantado lang iyan at hindi sinungaling. T'saka nakita rin kita ano!" singit ni Archie.
"See? I am not lying. Ikaw sinungaling, Kaja."
"Kaja, niyo sinungaling!" nang-aasar na sabi ni Archi at ginaya pa nito ang tono ng boses ni Travis. Nag-apir pa ang dalawa.
"O ikaw bro Raf. Anong masasabi mo? 'Di ba sa tricycle mo pa kami nakasakay no'n nang makita natin na may ka-momol itong si Kaja malapit sa Dazma Club. 'Di ba? 'Di ba? 'Di ba?" paulit-ulit na sabi ni Travis. Parang gusto talaga nito ipagdiinan ang kalokohan ni Kaja.
Dumako ang tingin ko kay Rafael. Uminom siya ng softdrinks bago siya sumagot. "Wala akong alam..."
"Sus! Pinagtatanggol mo pa si Kaja."
"Hindi ko talaga naaalala," simpleng sambit ni Rafael.
"Baka hindi naman talaga nakita ni Rafael. Siya ba naman iyong nagda-drive e," singit ni Archi at humalakhak.
"Ay oo nga ano! Hindi ko naisip iyon."
"Kailan ba nangyari iyang tinutukoy mo na nakita niyo si Kaja?" tanong ni Rafael.
"Thursday iyon. Ito kasing si Archi, pinatawag ni coach. Ewan ko kung bakit, kaya nahuli ako sa bardagulan sa may arka ng Las Felizas. Panira 'tong si Archi!" inis na sagot ni Travis.
"Iyong lumabas tayo ng Las Felizas? Sa may Nervaez?" kunot-noong tanong ni Rafael.
"Tumpak ka diyan, Rafraf!" bulalas ni Travis.
Bumalik ang tingin ko kay Kitty na nakatungo pa rin at nilalaro ang daliri. Samantalang si Kaja ay nagkukulay papel na sa mga pinagsasabi ni Travis.
"L-Lumabas kayo ng Las Felizas?" biglang tanong ni Kitty.
Tumingin si Travis sa pinsan niya at ngumisj. "Lagi naman. Tapos tambay din kami sa Dazma Club at nagdi-disco. Minsan ay sa Paradise Club kami sa gumi-gimmick. Doon din ako nakakahanap ng mga kasuntukan," natatawang kuwento ni Travis.
Tumawa rin kasabay ni Travis si Archi. Pagkatapos ay tumingin ito kay Kitty. "Alam mo naman iyang pinsan mo, Kitty. Kung hindi babae o disco, paniguradong nasa mga suntukan iyan," sabi ni Archi kay Kitty.
"M-Madalas pala kayo nila Kaja sa labas ng Las Felizas..." halos pabulong na sambit ni Kitty.
"Oo! Lalo na 'tong si Kaja!" Itinuro ni Travis si Kaja. "Mukhang taga-Nervaez nga iyong chix nito e. Kasi nakasuot ng uniporme ng Holy Angels School, e sa Nervaez iyong school na iyon ah."
"Ahh..." iyon na lang ang narinig kong sabi ni Kitty.
"Pinatawag nga ako ni Coach Leo. May importnante na sinabi sa akin. E dapat magdi-disco kami," salaysay ni Archi.
"Bad trip nga itong si Kaja e! Aba naman iyong mga kasuntukan ko na taga-Nervaez. Sila Khamer at Junie boy na kalbo. Tropa pala nitong si Kaja. Pati na iyong nakasuntukan ko na taga-Rosal. Aba! Kilala rin ni Kaja," mahabang sabi ni Travis at tumawa.
"Can't you just shut your mouth, Travis?" galit na sabi ni Kaja. Umigting ang panga nito at nagtangis ang mga ngitin.
"For sure, turn-off na sa 'yo si Kitty!" sabi ni Archi, may himig na nang-aasar. Tinawanan lang ni Travis ang galit ni Kaja. Pinagtawanan lang ni Archi at Travis si Kaja.
"This is not funny!" giit ni Kaja.
Nakita ko na kumuyom na ang kamao ni Kaja. Parang kukuwelyuhan na nito si Travis. Baka magkagulo silang dalawa. Tumayo ako bigla kaya nakuha ko ang atensyon nila.
"Ay! Malapit na pala mag alas-sais! Kailangan na naming umuwi ni Kitty," anunsyo ko na may pilit na ngiti sa labi ko.
Napatingin sa akin si Kitty. Pasimple ko siyang sinenyasan. Nakita ko na namamasa na ang mga mata nito.
"O-Oo... Uuwi na ako..." pabulong na wika ni Kitty at marahang tumayo. Nakatungo pa rin ito.
"Sige, ihahatid ko na itong pinsan ko," sabi ni Travis at tumayo na ito.
"Dolores, ako na maghahatid sa iyo." Lumapit sa akin si Rafael. Marahan naman akong tumango.
Lumapit sa akin si Rafael at si Travis naman ay inalalayan si Kitty. Tumayo na rin si Archi at Kaja. Nakita ko na nakasunod lang ng tingin si Kaja kay Kitty.
Lumabas na kami sa Sunrise Coffee shop. Nakita ko na nakasunod pa rin ng tingin si Kaja kay Kitty. Para bang gusto nitong lapitan ang dalaga pero hindi niya malapitan dahul nakaaligid si Travis.
"Sakay ka na, Dolores." Inalalayan ako ni Rafael papasok sa tricycle niya.
"Salamat," sabi ko.
Nang makapasok ako sa loob ng tricycle, nakita ko an kumaway si Archi, maging si Travis at Kitty. Kumaway naman ako sa kanila.
"Bye, Dolores! Ingatan mo iyan, Rafraf!" dinig kong sigaw ni Travis.
"Bye!"
---
SINUNDO ako ni Rafael sa bahay ngayon para sabay na kaming pumasok. Lunes ngayon at may flag ceremony kami kaya mas maaga ang pasok namin. Mabilis lang at nakarating na agad kami sa school. Ipinarada ni Rafael nang maayos ang tricycle.
"Wala ka namang gagawin sa uwian, 'di ba?" tanong ni Rafael sa akin.
"Wala naman," sagot ko.
"Hintayin kita ulit mamaya," nakangiting sabi niya.
"Sige..."
"Hintayin kita rito sa labas mamaya," aniya.
Tumango naman ako. "Okay, walang problema," nakangiting sambit ko.
Sabay kaming pumasok ni Rafael. Madalas ay sabay din kami umuwi. Hindi ko nga alam kung bakit mabait sa akin si Rafael.
Sabay kaming dalawa na pumasok sa classroom namin. Naabutan ko si Kitty sa kinauupuan namin sa dulo. Ang ulo nito ay nasa desk niya at nakatungo o tulog ito. Naka-pigtails pa rin ang buhok nito, pero ngayong araw ay nakatirintas na ang buhok nito.
"Kitty..." untag ko sa kanya.
Nagising naman agad ito at nakita ko ang pamumugto ng mata nito. Bigla naman akong naawa sa hitsura nito namumula ang pisngi at ilong nito.
Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin si Kitty. Hindi ko na kailangan itanong kung okay ba siya, kasi halata namang hindi. Pagkayakap ko sa kanya ay agad siyang humagulgol.
"K-Kilala ko si Travis, Dolores. Tama ang sinabi ni Archi. Basagulero at pasaway lang si Travis, pero hindi siya sinungaling. A-At... nakita rin ni Archi! A-Ang sakit-sakit!" Humagulgol si Kitty habang nakayakap sa akin. Ramdam ko ang luha niya sa uniporme ko.
"Shh... tama na. Mamaya ka na umiyak, pagkatapos ng klase. Umiyak ka hanggang gusto mo. Huwag muna ngayon, parating na si Ma'am," sabi ko sa kanya at hinimas ang likod n'ya.
Agad niya namang pinunasan ang luha niya. Napatingin naman ako sa direksyon ni Kaja at nakatingin ito sa direksyon namin.
Nang dumating si Ma'am Segui ay agad kami na nagkaroon ng discussion. Naging active naman ako sa participation. Si Kitty, kahit hindi maayos ang pakiramdam at ang mood, ay pilit pa ring sumasagot.
Tumunog na ang bell hudyat na recess time na. Agad kaming tumayo ni Kitty para pumunta sa canteen. Nagulat ako nang biglang sumunod si Archi sa amin.
"Archi? May kailangan ka?" tanong ko.
"Medyo. Gusto sana kita kausapin e." Napakamot sa batok niya si Archi.
Ano naman kaya ang kailangan ni Archi sa akin? Ano naman ang sasabihin niya?
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kasunod namin si Archi hanggang sa makahanap kami ng lamesa ni Kitty.
Nagulat ako nang ilibre kami ni Kitty ni Archi ng pagkain. Nilibre niya kami ng meal at may biscuits pa.
"Ano bang sadya mo, Archi?" tanong ko rito nang makaupo kaming tatlo sa napili naming table.
"Dolores, I need your help."
Umangat ang kilay ko. "Anong help, Archi?"
Nakita ko na humugot muna nang malalim na hininga si Archi. Pagkatapos ay nagsalita siya.
"I need you... to be my tutor."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro