Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CASSETTE 16: Guilt

[Present]

NARINIG ni Deianira ang muling paghikbi ni Hestia. Ang asawa naman nitong si Rafael ay pinatatahan siya. Nakita niya ang maliit na halik ni Rafael sa noo ni Deianira.

"Can I say that... it's now the end of the bright days?"

Narinig nila ang mapait na tawa ni Dolores mula sa tape. Biglang kinabahan si Deianira sa hindi malamang rason.

"Because after that everything became dark," ani Dolores sa tape. Malamig at mababa ang boses niya.

Walang umimik sa kanila at lahat ay nakapokus sa tape. Narinig nila ang malalim na hininga ni Dolores.

"Every secrets were unfolded and revealed."

Nilingon ni Deianira ang mga kasama niya na nakikinig sa tape, ang mga kaibigan ng asawa niya. Nakita niya na nagkatinginan din ang mga ito. May bahid ng lungkot at sakit ang mga ekspresyon ng mukha ng ma ito.

"Next, is the Side B of Hestia's tape. The start of darkest days."

Tumayo si Travis at mabilis na lumapit sa cassette player. Pinatay niya na ito. Kinuha niya ang tape at binaliktad, tapos ay muling sinalang. Bagaman gano'n ay hindi niya pa pinipindot ang play button. Hinarap niya ang mga kaibigan at tinaasan ng kilay.

Walang kumibo sa pagitan nilang anim. Ang naririnig lang nila ay ang pagsinghap ni Hestia at mumunting hikbi nito.

"Let's call it a day," biglang sabi ni Kaja na bumasag sa katahimikan. Inunat pa nito ang braso niya. "Let Hestia rest. It's her tape, it must be difficult for her."

"I know, that's what I'm planning to do," sambit ni Rafael. Pagkatapos ay kumalas ito sa yakapan nila at hinawakan ang dalawang balikat ng asawa. "Do you want me to carry you upstairs?" tanong ni Rafael sa asawa.

Umiling na si Hestia. "It's okay, hon. Kaya ko naman."

"Alright. I'll accompany you. Pahinga ka kasama ng mga bata." Tumingin si Rafael kila Deianira. "Aakyat na kami. You can stay as long as you want. Aasikasuhin ko lang ang asawa ko," paalam niya sa mga kaibigan. Tumango naman ang mga ito. Si Kaja ang unang tumugon sa kanila.

"Of course, it's better to rest now. Mental health matters."

"Right! Mahirap na ma-stress. Nakakasakit sa ulo ang stress," komento ni Jea.

Maliit na napangiti si Hestia. Masaya siya na naiintindihan nito ang pakiramdam niya. Hindi niya alam bakit matapos niya mapakinggan ang tape ay parang nanghina ang mga buto niya. Naghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman niya.

Naiwan sila Deianira sa sala. Hindi nagsasalita ang mga kasama niya sa sala. Kaunti na lang ay naririnig niya na ang mga kuliglig. Mabuti na lang at binasag ni Travis ang katahimikan.

"Arat, laro na lang tayo. Chess?" nakangising aya niya kila Deianira.

"Duh! That's boring to the highest level. Let's eat merienda na lang. Ako na magluluto. Hindi naman magagalit si Hestia kahit pakialaman natin ang laman ng refrigerator nila." Humagikgik si Jea. Agad itong tumayo para pumunta sa kusina.

"I'm leaving. Pasabi na lang sa mag-asawa na umalis na ako. I have a busy schedule for today," ani Kaja at tumayo. Inayos nito ang bahagyang nagusot na damit niya.

"Killjoy! Arat kain muna tayo." Inakbayan ni Travis si Kaja.

"Pass."

"Corny!" Umismid si Travis. Si Kaja naman ay natatawang nailing lang.

"I'll leave now. Goodbye Deia and Travis. Pasabi na lang kila Rafael na umalis na ako, pasuyo na lang ako," sambit ni Kaja. Maliit na ngumiti si Deianira at tumugon dito.

"Sige, sasabihin ko sa kanila."

"Thanks."

"Bye bro, ingat sa pag-drive," sabi ni Travis at nakipag-fistbump kay Kaja.

"Noted."

Matapos ng pagpapaalam nila ay sinundan na ni Deianira at Travis si Jea sa kusina. Naabutan nila ito na nagpi-prepare sa pag-bake ng cupcake at cake. Iiwan niya raw ang cake para sa mga anak ni Hestia.

"Ang cute talaga ng babies nila Rafael at Hestia," biglang sabi ni Jea. Pawang nanggigil ito sa minamasa niya na dough.

"Ano bang plano niyo ni insan? Ba't hindi pa kayo gumawa ng baby?" tanong ni Travis kay Jea.

"Of course, want na rin namin ng baby! Hindi pa lang talaga kami makabuo." Umirap si Jea at pinagpatuloy sa ginagawa.

Umupo sila Deia at Travis sa harap ng counter top. Tinukod ni Travis ang kanang siko at ang kanang kamay niya ay nasa pisngi niya, habang bored na bored na pinapanuod si Jea.

"Baka isa sa inyo ang may problema. I advice na magpa-check-up kayo. No hate, just saying." Nagkibit-balikat si Travis at si Jea naman ay natigilan bigla.

"I guess... tama ka. Thanks, may ambag ka na rin sa life ko." Humalakhak si Jea. Si Travis naman ay natawa rin. Habang si Deia na nakamasid lang sa dalawa ay hindi maiwasan mapangiti at i-admire ang pagkakaibigan ng dalawa.

"E 'di sana all may ambag."

Tinulungan ni Deia si Jea sa ginagawa niya. Biglang sumeryoso ito, parang may malalim na iniisip. Sunod-sunod din ang paghugot nito ng malalim na buntonghininga.

"Travis," pagtawag ni Jea sa kaibigan. Agad naman itong napalingon.

"Hmm?" Umangat ang isang kilay nito.

"Thank you."

Naningkit ang mga mata ni Travis. "Hey! What's that for?" tanong nito.

Maliit na ngumiti si Jea. "For saving me."

"Jeara!"

"Thank you for saving me, I am always grateful. I may not express it but I am very thankful for everything you'd done for me."

Si Deianira ay walang kaalam-alam sa pinag-uusapan ng dalawa. Wala siyang alam sa mensaheng pinaparating ni Jea kay Travis. Maging siya ay naguguluhan bakit pinasasalanatan nito si Travis.

"It's weird but—" napakamot sa ulo niya si Travis, "—you're welcome."

"Thank you for introducing Terron to me. Without that, hindi ko alam kung saan ako pupulutin," mapait na napatawa si Jea.

Nagpalit-palitan ang tingin ni Deia sa dalawa. Nagugulhan man siya pero hindi niya magawang makisasaw sa pag-uusap ng dalawa.

"You recovered because you chose to forgive. It's you who save yourself."

"Travis..."

Ngumiti naman si Travis. "Alam mo naman na parang kapatid na ang turing ko sa 'yo. Magkaibigan na tayo simula una pa lang. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. I don't want to see you in that kind of situation again. I don't want to see you cry."

"R-Really?" Nangilid ang luha ni Jea, mukhang pabagsak na kaso...

"Syempre ang pangit mo kasi umiyak e, hindi maganda sa paningin."

Ang luha ni Jea kanina ay napalitan ng masamang titig kay Travis. Kinuha nito ang rolling pin para hampasin si Travis pero nakaiwas ito.

"Shuta ka!"

Naiiling na lang si Deia habang nakamasid sa dalawa. Naisip niya na sana noong highschool din siya ay naranasan niya ang ganoong tipo ng friendship, kaso hindi.

Matapos mag-bake ni Jea ay nag-merienda na sila at nag-iwan si Jea para sa mga anak ni Rafael. Bago sila umuwi ay nagpaalam sila kay Rafael. Si Jea ay sinundo na ng asawa nito. Kaya si Deianira at Travis na lang ang nagpaalam kay Rafael.

"Sa sabado ulit tayo nagkita-kita para sa karugtong sa tape ni Hestia. For now, pagpapahingahin ko muna ang asawa ko," wika ni Rafael.

Nag-aya si Travis na siya ang maghatid kay Deia, hindi naman na ito tumanggi sa alok.

"Sure..." tugon ni Deianira.

"Bye bro!"

"Ingat kayo!"

•••

SUMAPIT na ang gabi. Tanging ang lagaslas ng tubig ang naririnig ni Hestia. Hubot-hubad siya habang nasa ilalim siya ng shower habang ang tubig ay dumadampi sa kanyang balat.

Hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. Sa tingin niya ay hindi pa handa ang puso niya sa karugtong na tape niya. Kasi iyon ang pinakamasakit at madilim na parte ng buhay niya. Pero, doon din siya nakahanap ng liwanag. Mga kaibigan... totoo kaibigan, na naging pamilya.

Napapitlag si Hestia nang marinig na bumukas ang pinto ng banyo. Natigilan siya nang mapagtanto na ang asawa niya iyon. Tanging ang itim na boxer short lang ang suot nito.

"Rafael..."

"You didn't lock it?" Tumaas ang isang kilay nito.

"I thought you're already asleep," sabi niya.

Umangat lang ang sulok ng labi ni Rafael at sinaluhan ang asawa niya. Sabay na tumama ang malamig na tubig sa balat nila.

Pumuwesto sa likuran ni Hestia si Rafael. Hinawakan nito ang balikat niya. Nagsalo sila sa ilalim ng shower. Bahagyang napatalon si Hestia sa init ng hawak ni Rafael kahit na malamig ang tubig.

"You're still bothered?" tanong ni Rafael sa asawa.

"I don't know..."

Dinampian ni Rafael ng halik ang batok ng asawa. "What do you mean?"

"You know... mixed emotions." Napahinga siya nang malalim. "While listening to the tape, I feel guilty and ashamed of my young self. I am such bully and brat."

Mahinang tumawa si Rafael. "You really are."

"I know! I am very sorry about it. Ang immature ko. I can't help thinking na ako pala ang sakit sa ulo ni Travis noon. Paano ba naman, palagi niya ako kailangan awatin," natatawang pag-alala ni Hestia.

"Si Jea rin, hindi mabilang ang bangayan niyo at pagsasabunutan. That was so immature," naiilang na ani Rafael.

"Indeed, I was so immature."

Hindi na kumibo pa si Rafael at nagpatuloy lang ito sa paghalik sa balikat at batok ng asawa. Si Hestia ay hindi mapigilan ang pag-alpas ng mahinang halinghing.

"H-Hmm..."

"It's been three weeks since our last, hon." Naramdaman ni Hestia ang pagsisip ng asawa sa kanyang balat. "I miss you..."

"I-I miss you too, hon- Ohh!" napaungol si Hestia dahil sa asawa niya.

Naramdaman niya ang pag-atake ng asawa niya sa kantang labi. Humigoit ang hawak nito sa kanyang katawan. Nagdikit ang mga balat nila, ramdam ni Rafael ang malambot na balat ng kanyang asawa.

Nagsalo ang dalawa sa ilalim ng shower ng nagbabagang halik. Napakapit si Hestia sa buhok ng asawa niya habang lumalalim ang halikan nilang dalawa.

Sa huli, napunta din ang pagsasalo nila sa kanilang kama. Matapos no'n ay tbakatulog si Rafael. Pero si Hestia? Hindi.

Sinuot niya ang pulang roba niya para takpan ang hubot-hubad na katawan. Pumunta siya sa terrace upang damhin ang malamig na simoy ng hangin. Tiningala niya ang buwan habang ginugulo nanaman ang isip niya.

"Hon, bakit naman gising ka pa? You're not sleepy? Hindi ba kita napagod?" Mapanudyong ngumiti si Rafael sa aasawa niya.

"Hon!" suway ni Hestia.

Nilingon ni Hestia ang asawa. Nasa likod niya ulit ito at bakapukupot ang isang kamay sa kanyang bewang. Mukhang naalimpungatan ito. Gulo ang buhok nito at humikab pa.

"I can't sleep," tugon ni Hestia.

"You're still thinking about the tape."

"Alam mo naman kung bakit ako takot noong una. It's because I am guilty... we are guilty. Lahat tayo may nagawang masama kay Dolores, iniwan natin siya. Tapos, idagdag pa ang mga ginawa ko noon sa kanya. Natatakot lang ako na..."

"Na baka sumbatan ka niya?"

Tumango si Hestia. "Natatakot din ako na baka sisihin niya tayo, at may karapatan naman talaga siya para sisihin tayo."

"But we all know that she's not like that."

"I know, Rafael! Pero hindi natin alam ang nangyari sa kanya matapos natin magsialisan sa Las Felizas. Hindi natin alam ang pinagdaanan niya. At baka, sa pagitan ng mga panahong iyon ay nagalit siya sa atin," pahayag ni Hestia.

Hindi nakakibo si Rafael. Naramdaman ni Hestia ang pagsikip ng dibdib niya, kaya napaiyak siya.

"But I was wrong. Hindi niya ginawa iyong tape para sumbatan tayo, kundi para humingi ng tulong. She's still the same Dolores. Iyong mabait at mapagpatawad." Pinunasan ni Hestia ang mga luha niya gamit ang likod ng kanang palad niya. Hinarap niya ang asawa niya at mapait na napangiti. "No wonder kung bakit niyo siya nagustuhan ni Archibald. At kung bakit mahal na mahal mo siya."

"Hestia c'mon!"

Binigyan ni Rafael ng hindi makapaniwalang tingin ang asawa niya. Isang maliit na ngiti lang ang namutawi sa labi ni Hestia.

"The reason why I am so afraid of listening to the tape it's because I am so fucking jealous. Because deep down I know she's still there, Rafael-" tinuro ni Hestia ang dibdib ng asawa, "-she's always there."

Pinaglandas ni Rafael sa kanyang buhok ang kanyang mga daliri. "Hestia..."

Hinawakan ni Hestia ang kaliwang pisngi ng asawa niya. "And that's fine with me..."

Bumagsak ang mga balikat ni Rafael. Lumalam ang mga mata niya habang nakikita ang asawa niya na umiiyak.

"Because I know that I am a second choice. Kung hindi naman nangyari iyong nangyari, nandito ba ako? Wala. Kasi si Dolores naman talaga ang nandiyan. I witnessed it, Rafael." Maliit itong ngumiti habang tumutulo ang mga luha. "Just like what I said, it's fine with me."

Nakita ni Hestia ang pagguhit ng sakit sa mga mata ng asawa niya.

"But you know, I can't help it. Hindi ko maiwasang hindi magselos. Despite that, I am happy that you chose to move on... with me."

"I am sorry."

Natigilan si Hestia nang marinig iyon sa kanyang asawa. Parang biglang nadurog ang puso niya.

"I am sorry that I'd made you feel so insecure hon. I am sorry that I made you feel that you're a second choice. You're not, hon." Maliit na ngumiti si Rafael bagaman nagtutubig na ang mga mata niya. "I have a choice. Pwedeng-pwede ako maging tulad nila Kaja na hindi na nag-asawa. But no, I choose you and I want a family with you."

"Hon..."

"You know that I love you, right? Kayo ng mga bata, ng mga anak natin. You're my family and nothing, no one, can change it."

"I know..."

"I love her, Hestia. Hindi naman magbabago iyon. Dolores has a special place in my heart. But you... you're my home Hestia. Kayo ng mga anak natin," emosyonal na sambit ni Rafael. Bahagya pang nanginig ang mga labi niya.

Nagsalubong ang mga tingin nila. Pinunasan ni Rafael ang mga luha ng kanyang asawa gamit ang hinlalaki niya.

"You know that I grew up in a broken home. I am longing for father's love all my life. I don't want my children to suffer and experience those horrible things. I will never let them experience that."

"Rafael..."

"Kung iniisip mo na iiwan ko kayo kung magkikita man kami ni Dolores, stop it! It'll never happen!" mariing giit ni Rafael.

"R-Rafael..." Tumulo ang mga luha ni Hestia, mas madami kaysa sa nauna.

"Mahal ko siya Hestia. Oo, matindi ang pagmamahal ko sa kanya. Pero matagal ng tapos ang kabanata namin."

Hindi nakapagsalita si Hestia. Natahimik siya sa salitang binatawan ng asawa niya. Pinunasna niya ang mga luha niya.

"Our story ended long time ago and it was tragic. Devastating and painful. But look at me now? I have you. And, I am not regretting that."

Matapos marinig ni Hestia ang mga salitang iyon, nanghina siya. Mabilis na niyakap niya ang asawa niya at sa balikat nito umiyak. Naramdaman niya ang pagdampi nito ng halik sa noo niya.

"I love you, Hestia. I will never dare to say that if I didn't really mean those words."

"I love you too, hon. I'm sorry..."

Hinimas ni Rafael ang buhok ng asawa niya. "You don't have to. Your feelings are valid. Your frustrations and sentiments are valid. I am your husband, Hestia. I am your better half."

"Thank you..." anas ni Hestia.

Lalong humigpit ang pagyakap ni Hestia sa asawa niya. Yumakap naman pabalik si Rafael. "We should be talk more usual. Para mailabas natin ang mga nararamdaman natin. Para ma-clarify ang issue natin sa isa't-isa."

"I know... I'm sorry again. Inungkat ko nanaman ang issue natin kay Dolores," nahihiyang ani Hestia. Napaiwas pa siya ng tingin sa asawa niya.

"Isa pa, pakakasalan ba kita kung hindi kita mahal?" nanunudyong tanong ni Rafael. "Pinakasalan kita dahil mahal kita. Hindi magbabago iyon, okay?"

Lalong napaiyak si Hestia at namula ang mga pisngi niya. Ang marinig iyon na mula sa bibig ng asawa niya. Naiinis tuloy siya sa sarili niya dahil sa dami ng kung ano-ano na inuungakat niya. Sa dami ng pinagseselosan at sa ka-immature-an niya.

"Let's sleep, alright?"

Tumango si Hestia. "Yes, please."

Ramdam na ni Hestia ang antok. Hinawakan ni Rafael ang kamay ng asawa niya at marahang inakay na ito sa kama nila. Nang makahiga na sila ay dinampian ni Rafael ng maiksing halik sa labi si Hestia.

"Good night, hon."

"I love you, hon. Good night too..."

Bago makatulog ay isa lang tumatakbo sa isip ni Hestia. Iyon ay napakasuwerte niya sa asawa niya, at wala siyang dapat na ipagselos kay Dolores. Nangyari na ang mga nagyari. Lahat ng iyon ay parte na ng nakaraan. Naging importanteng parte ito ng buhay ng asawa niya at ng buhay niya. Kaya, pinagpapasalamat ni Hestia ang pagdating nito sa mga buhay nila.

Si Dolores din ang taong nakapagpabago sa kanya. Ang unang nagparamdam sa kanya ng salitang 'kaibigan'. Kaya nagi-guilty at naiinis siya sa sarili niya na lagi niyang pinagseselosan at ibini-bring up ito sa away nila mag-asawa.

Na-realize ni Hestia na hindi iyon deserve ni Dolores. Siguro nga... sa puso ni Rafael ay mas matimbang pa rin si Dolores. Alam ni Hestia na mahal siya ni Rafael at si Dolores ay importante ang naging papel sa buhay nito... nila. Kahit gano'n ay alam niya na kailangan niya tanggapin na si Dolores ay may espesyal na lugar sa puso ng asawa niya.

Naiinis tuloy siya sa sarili niya dahil nabato niya dati ng masasamang salita ang pangalan ni Dolores, noong newlyweds pa lang sila ni Rafael. Mariin siya napapikit at nagpadala na sa antok.

Dolores, I'm sorry for everything.

•••

SABADO. Napagdesisyunan na sa bahay ulit ni Hestia at Rafael nakikinig ng tape. Alas-singko ng hapon nila napagkasunduan magkita-kita.

Si Travis ay walang trabaho sa mismong araw; Si Jea naman ay pinatigil muna pansamantala ng asawa niya sa pagtatrabaho na sinang-ayunan naman ng babae; si Rafael ay kakauwi lang mula sa buong hapon na shift nito sa hospital; si Hestia ay buong hapon lang nagbantay sa mga anak nila; si Kaja ay kakatapos lang din ng trabaho; matapos naman asikasuhin ni Deia ang anak niya na si Arida ay agad siyang pumunta sa bahay nila Rafael.

Ngayon ay nakaupo sila sa sofa, maliban kay Hestia na nakatayo sa gilid ng sofa. Hinihintay na i-play ni Rafael ang cassette player.

"Hon, are you okay now?" tanong ni Rafael sa asawa.

Marahan itong tumango. "I'm okay now, hon. You don't have to worry about me. I-play mo na ang cassette tape."

"Alright!"

Pinindot ni Rafael ang play. Sa unang mga segundo ay wala silang naririnig. Hanggang sa, narinig nila ang sunod-sunod na buntonghininga.

"Hestia..."

Nanindig ang balahibo ni Hestia sa pagtawag ni Dolores ng pangalan niya. Napalunok siya nang ilang ulit at tinatagan ang sarili na huwag bumagsak sa sahig.

"Sino bang mag-aakala na magiging magkaibigan tayo? E sa una pa lang, sagad na ang galit mo sa akin. Noong una ay hindi ko maintindihan kung saan ka nagmumula, pero napagtanto ko iyon nang malaman ko ang rason-si Rafael," pahayag ni Dolores.

Naramdaman ni Hestia ang pagyakap ng asawa niya mula sa likuran. Nilingon niya ito at nakita niya ang malalim na titig nito.

"Noong panahon na iyon, hindi ko alam ang gagawin. Kasi gusto ko rin si Rafael. Hinayaan ko na tadhana ang magtakda ng nararapat. At heto... para sa 'yo pala talaga siya."

Narinig nila ang mapait na paghalakhak ni Dolores. Kasabay no'n ay ang pagsinghap nito.

"Akala ko kasi, para sa akin siya... hindi pala."

Napalunok si Hestia. Naramdaman niya ang pagdapo ng tingin ng mga kaibigan niya sa kanya.

"Imagine, ako na iyong kasama niya eh. Everything seems so perfect, so magical. Pero anong nangyari? Naging abo lahat." Narinig nila ang sunod-sunod na pagsinghap ni Dolores, umiiyak ito. Narinig nila ang mga hikbi nito. "A-Ang suwerte mo. Ang suwerte-suwerte mo. May mga pagkakataon na pinagdasal ko na sana ako na lang ikaw."

"Dolores..."

"You're everything I'm insecure about."

Napatingin si Hestia sa asawa niya. Nakita niya ang walang emosyon nitong mukha. Muli niyang binalik ang atensyon kay Dolores na nagsasalita.

"Pero ayos lang. Hindi kita sinisisi sa naging kapalaran ko, Hestia. Masaya ako na sa katulad mo napunta si Rafael. Nakita ko lang ng pagsisikap mo. Noong una, hindi lo man maintindihan kung bakit ka gano'n, bully at mapagmataas. Then I realized, you only want two three things: love, appreciation, and friends."

Tumulo ang mga luha ni Hestia at bumulong sa sarili. "You're right..."

"Alam ko kung gaano ka nasaktan dahil sa pamilya mo at sa mga kaibigan mo. Your parents rejected you and I know it's painful..."

Tila naumid ang dila ni Hestia. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"But you know what's more painful than rejection? Betrayal..."

Lahat sila ay natigilan sa narinig mula kay Dolores. Naramdaman ni Hestia ang paghawak ni Rafael sa kanyang kamay.

"This is the story of betrayal, friendship, being strong, and moving forward. This is the side B of Hestia's tape."

VimLights

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro