CASSETTE 12: Bully
Chapter 12
Dolores' POV
[Cassette Tape 002 Side A, is now playing . . .]
SINAMAHAN ko si Archibald sa paghahanap ng trabaho. Sa ngayon, pansamantala siyang nakatira kila Travis. Sabi ni Travis, ayos lang naman sa mga magulang niya dahil napakalaki raw ng bahay nila at wala ang nakakatandang kapatid ni Travis.
Madalas din wala ang mga magulang ni Travis kaya pumayag ang mga ito. Pero kahit gano'n ay pagsusumikapan daw ni Archi na makahanap ng part-time at makapagrenta ng apartment.
Ang savings niya ay para sa pagsuporta niya sa pag-aaral niya. Kaya, kahit nakakahiya ay kila Travis muna siya tumuloy. Pinaalis na rin kasi siya ng magulang niya sa bahay nila rito sa Las Felizas.
"Dolores, salamat sa pagsama sa akin sa Sunrise Coffee Shop. Malaking tulong sa akin itong bagong trabaho," nakangiting wika na Archi. Napakamot pa siya sa batok niya.
Mahina akong tumawa. "Oo naman, walang problema. Nahihiya ka ba?"
"Oo, medyo . . ."
"Ba't naman? Kung kailangan mo ng tulong ay huwag kang mahihiya. Magkakaibigan tayo, 'di ba?"
Alanganin siyang ngumiti. "Oo, alam ko naman iyon. Pero hindi ko lang maiwasan na mahiya minsan."
Nangingiting nailing ako. "Hays! Basta kung nahihirapan ka, sa trabaho man o sa school. Lumapit ka lang sa akin. Ako bahala sa 'yo," nakangisi kong sambit at pabirong tinuro ang sarili gamit ang hinlalaki.
Ngayon, sabay kaming naglalakad ni Archi papunta sa classroom namin. Malayo pa lang ay dinig na dinig na namin ang ingay.
Pagkapasok namin ni Archi ay nakita namin si Hestia at ang dalawa niyang kaibigan na may bago nanamang inaaway. Iyong kaibigan ni Scarlet na si Pauline. Natanaw ko naman na si Travis ay pumapagitna nanaman.
"Wala bang araw na hindi ka makikipag-away, ha Hestia?" bulyaw ni Travis kay Hestia.
Sa gitna nang pambubulyaw ni Travis ay hindi ko maiwasang mapatitig kay Hestia. Napakaganda ng kutis nito at mukhang napakalambot. Sa paningin ko ay nagniningning ang balat ni Hestia. Napakaganda ng hulma ng mukha niya. Mula sa mga mata niya, kilay, pilik-mata, ilong at mapulang labi. Kumpara nga naman sa akin, ay siya dapat talaga ang muse.
Para itong anghel kung tutuusin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit salungat sa pisikal na hitsura niya ang pinapakita niya? Mainitin ang ulo niya; parang hibla ng buhok ang nipis at iksi ng pisi niya. Mahilig mang-away at simula ng gulo, at higit sa lahat ay masyadong mapagmataas.
Misteryosa si Hestia para sa akin. Para siyang isang code na mahirap ma-decode.
"This bitch! Ang lakas ng loob na agawin ang boyfriend ni Jamila." Dinuro ni Hestia si Pauline at pinandilatan ng mga mata.
Si Pauline naman ay umiiyak. "W-Wala akong inagaw. H-Hiwalay na sila ni Steph—"
"Shut up, bitch!" biglang sigaw ni Jamila na pumutol sa pagsasalita ni Pauline.
"Seryoso kayo? Lalaki pinag-aawayan niyo? Mali iyan, girls! Hindi niyo ba knows iyong woman empowerment?" awat ni Travis sa kanila.
"Eh? This bitch stole my boyfriend! Sino bang matutuwa ha?! Definitely, not me!" Inirapan ni Jamila si Pauline.
Naiiyak na tumingin naman si Pauline sa paligid. Pilit naghahanap ng kakampi. Pero wala ang kaibigan nitong si Scarlet kaya wala nagtatanggol sa kanya.
Mabilis ito na lumapit kay Travis at hinila ang manggas ng lalaki. "T-Travis, believe me . . . hindi ko inagaw si Stephen. W-Wala rin akong gusto ro'n," humihikbing sambit ni Pauline. Nasa himig nito ang pagmamakaawa.
"Shh . . . huwag ka na umiyak, Pauline," pagpapatahan ni Travis dito.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil umiwas na lang ako. Pinagmasdan ko muna ulit si Hestia bago tuluyang nilihis ang atensyon ko. Ang huli ko lang na natandaan ay namagitan si Kitty at Travis.
Mga ilang minuto na akong nagbabasa ng textbook namin sa science. Hanggang sa napatigil ako dahil nakuha ni Kitty ang atensyon. Napasalampak ito sa upuan niya at nag-inhale at exhale ng ilang ulit. Mukhang na-stress ito sa pag-awat.
"Parang bata si Hestia at mga kaibigan niya. Napakatigas ng ulo nila at hindi sila makuha sa isang paliwanagan," paghihimutok ni Kitty. Tinanggal nito ang salami at kinusot ang mata niya.
"Stress ka?" pabiro kong tanong.
Mahinang natawa si Kitty, "medyo." Humugot ito nang malalim na hininga. "Mukhang totoo naman ang sinasabi ni Pau na paliwanag. Pero itong sila Hestia, pinagpipilitan pa rin na nang-agaw siya. Sa totoo lang, ang immature masyado."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko isipin na may pinaghuhugutan si Hestia kung bakit niya naggawa ang mga bagay na iyon.
"Baka naman may pinanghuhugutan si Hestia," pabulong kong anas.
"Hmm?" Napakurap naman si Kitty. Siguro ay hindi nito na-gets ang sinabi ko.
"A-Ah . . . wala!"
Hindi na umimik si Kitty. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa at pagsusulat ng notes na ibibigay ko kay Archi para maka-review siya.
"Good morning, class!"
Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin nang pumasok si Mrs. Segui. Sabay-sabay kaming tumayo at binati siya.
"Good morning, Ma'am Segui."
"Sit down." Sumenyas siya gamit ang mga kamay niya. Nilagay niya ang mga gamit sa lamesa sa unahan. "May importante akong announcements ngayong araw. Kaya sana ay makinig kayo nang mabuti."
Sumeryoso si Ma'am Segui at inilabas ang magic pamaypay niya na ginagamit niya pambato sa maiingay. Kaya ang mga kaklase ko ay nagsitigilan sa pagdaldal.
"First, magkakaroon ng name ang section natin. Class IV-A pa rin naman pero nagkaroon kami ng bunutan ng ipapangalan sa section para mas matandaan," salaysay ni Ma'am Segui. Binuksan nito ang pamaypay niya at nagpaypay ng sarili. Pagkatapos ay nagpatuloy ito. "Naka-base sa greek gods name ang sa fourth year at national artists name naman ang sa third year. Ang pangalan ng section natin ay Perseus."
"Wow!" narinig ko na bulalas ng iilan kong kaklase.
"Bale, IV-A Perseus. Nage-get po?"
"Yes ma'am! Nage-get po!" sabay-sabay naming sabi.
Ganyan talaga si ma'am. Kaysa nage-"gets", ang kanya ay "get" lang, walang letter s.
"Isa pa na sobrang halaga. Bukas at sa susunod pang bukas, ay wala tayong klase. Magkakaroon kayo ng registration sa mga sasalihan niyong sports. Kasama na ang try-out. Magkakaroon kasi tayo ng intramurals," pahayag ni ma'am.
Narinig ko naman na nagtitili ang mga kaklase ko. Maging si Kitty ay excited sa magaganap na intramurals.
"Alam ko na excited kayo. Magkakalaban-laban ang grade levels for intrams. May specific color din ang fourth year which is blue. Red ang sa third year, yellow ang sa second year, at green ang sa first year."
Namangha naman ako sa nalaman ko. Mukhang nakaka-excite nga ang gaganapin na intrams. Ito ang unang taon ko na mararanasan ito. Sa ibang school ko kasi noon ay hindi ko na matandaan.
"Magkakaroon din ng Mr. and Ms. Las Felizas National High School na gaganapin sa kasagsagan ng intrams." Biglang tumingin si Mrs. Segui sa direksyon ko. "Dolores, pumunta ka kay Mr. Bagsik at Ms. Carzon. Kayo rin Hestia, Rafael, at Kaja. Titignan ni ma'am at sir kung puwede kayo isalang sa pagent."
"A-Ako po?" Napakurap ako at napaturo sa sarili.
"Oo, Dolores. Ikaw ang muse natin at si Rafael naman ang escort. Isinama ko rin si Hestia at Kaja kasi tig-dalawang babae at lalaki ang representative per level. Bale apat kayo," paliwanang ni Ma'am Segui.
Ibinuka ko ang labi ko at naghanap ng salitang sasabihin, pero wala. Hindi ako makatanggi kahit gusto ko. Wala naman kasi kaming pera para sa pagent na iyan e.
"Isa pa pala. Hindi niyo na magiging kaklase si Joaquin Silverio. College na kasi dapat siya, at nakapasa siya test kaya nailipat na siya sa Colegio de Las Felizas," pahayag ni ma'am. Dahil sa sinabi niya ay napuno ng bulungan sa classroom. Ako naman itong naguguluhan sa nangyayari.
Nagulat ko ng biglang bumulong sa akin si Kitty. Mukhang napansin niya na nalilito ako.
"Twenty-one na kasi si Joaquin. Marami raw kasing kalokohan siya sa Maynila e. Kaya hindi magawan ng paraan ang pagpasok niya sa kolehiyo. Kaya siguro binalik ni Mayor sa Las Felizas ang bunso niyang anak," kuwento sa akin ni Kitty na pabulong.
Hindi ko naman alam ang ire-react ko. Kaya tumango na lang din ako. Hindi rin naman ako gano'n kainteresado kay Joaquin Silverio.
"Last announcenent, pakibigay pala sa leaders niyo ang mga sinagutan niyong papel para sa performance task. Iyon lang, at start na tayo ng new lesson." Pagkasabi no'n ay nagsimula na si ma'am na magsulat sa board.
Ako ang leader namin kaya nagsipasahan ang mga kagrupo ko sa akin ng mga papel nila. Pagkatapos no'n ay nagsimula na akong magsulat ng new lesson namin kay Mrs. Segui. Buong oras akong lutang sa nangyayari sa room. Hanggang sa nag-recess na at pinatawag na kami. Pinadala na rin ang mga gamit namin dahil baka abutin kami ng dismissal.
Balak namin na magsabay-sabay na nila Kaja papunta sa canteen kung saan kami titipunin. Lumapit naman si Kitty ay binigyan ng halik si Kaja sa pisngi.
"Goodluck..." sabi ni Kitty sa nobyo.
"Aww, so supportive." Pinisil ni Kaja ang pisngi ni Kitty at nangingiti ito habang ginagawa iyon kay Kitty.
Ngumuso si Kitty. "H-Huwag mo nga ako asarin!"
"I'm not," Kaja chuckled.
"Hmp! Sasali ka sa pagent, dadami nanaman fan girls mo."
"Hey! Don't be jealous, okay? Ikaw lang naman ang gusto ko." Ginulo ni Kaja ang buhok ni Kitty.
"Ano ba iyan e, 'wag mo guluhin buhok ko," reklamo ni Kitty. Tinawanan lang siya ng boyfriend niya.
"T'saka kung nagseselos ka, puwede namab ako mag-quit. Magpapa-sub ako kay Archi," nakangising sambit ni Kaja at kinindatan si Kitty.
"O kaya si Travis," biglang singit ko sa kanila.
Kumamot naman sa ulo niya si Kitty. "Hindi naman puwede sumali si Travis e."
"Ay hala, bakit naman?" inosenteng tanong ko.
"Travis is the reigning Mr. Las Felizas National High School. Siya ang nanalo last year. Dapat si Archi ang kasali kaso masyadong busy si Archi. Siya kasi ang SSG President last year," kuwento ni Kaja.
Napatingin naman ako sa kinauupuan ni Travis. Nakikipagdaldalan ito kay Archi at Jea. Hindi ko inaasahan na nasali rin pala si Travis sa pagent. Binalik ko ang tingin ko sa magkasintahan na si Kitty at Kaja.
"Puwede pa bang mag-quit dito? Kasi wala naman akong alam sa pagent t'saka wala kong pera panggastos." Napakamot ako sa ulo ko.
Biglang hinablot ni Kitty ang kamay ko. "No! Huwag ka mag-quit, please? May cash prize d'yan, D. Don't worry, ako bahala sa susuotin mo. Ako kaya ang handler ni Kaja," buong pagmamalaking sambit ni Kitty. Tapos ay mahina itong tumawa.
Napalunok ako. "T-Talaga? Magkano ba ang cash prize?"
Aaminin ko, bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Kitty na cash prize. Dahil sa totoo lang ay kailangan na kailangan namin iyon.
"Last year, twenty-five thousand ang sa nakakuha ng crown. Tig-twenty-five thousand sila. Tapos ang runner-ups ay nakakuha ng ten thousand. Then, five thousand each special award and three thousand consolation," sagot ni Kaja sa tanong ko. Nalula naman ako sa narinig ko.
"Wow!" bulalas ko.
"O 'di ba? Kaya huwag ka na mag-quit. Promise ako bahala sa 'yo. Malay mo, ikaw na pala ang Ms. Las Felizas National High School 1997-1998! Bongga, 'di ba?" Humagikgik si Kitty, mukhang mas excited pa siya sa akin.
"Kaja, Dolores, what are you still waiting for? Let's go!" si Hestia iyon. Nakakrus ang bisig nito at inirapan pa kami. Pinapakilos na kami nito.
"What now, baby? We have to go. I will miss you," sabi ni Kaja kay Kitty at hinalikan ang noo nito.
Hinila na ni Rafael si Kaja. Napakamot naman ito sa ulo.
"Sa canteen ka lang naman 'di ba? Bye, I love you!" pahabol ni Kitty at nag-flying kiss ito.
"Bye, Kitten! I love you too..." Nag-flying kiss din si Kaja.
Hindi ko naman maiwasan na kiligin sa kanila. Sa relasyon ng iba na lang ako kinikilig.
Mabilis na naglakad ako para sumunod kila Refael, Kaja, at Hestia. Maya-maya ay nasa canteen na kami. Nandoon ang ibang representative ng grade levels.
"Guys, lipat tayo sa bandang stage sa gymnasium," anunsyo ni Mr. Bagsik.
Agad naman kaming sumunod. Nagulat ako habang naglalakad nang lumakas ang hangin. Nagsiliparan tuloy ang mga papel na inipit ko sa librong hawak ko.
Namilog ang mga mata ko nang lumingon ako at nakita ko na ang isang papel na nilipad ay nasa mukha ni Rafael. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Unti-unti niyang tinanggal sa mukha niya ang papel. Tapos bumungad ang seryoso niyang mukha.
"S-Sorry . . ." anas ko.
Naglakad siya palapit sa akin. "It's okay." Iniabot niya ang papel. "Here."
"Thank you."
Matagal na rin kaming hindi nakapag-usap ni Rafael. Kasi naman . . . iyong ginawa ko kasi. Pinaghintay ko siya at hindi ako tumupad sa usapan namin. Tapos naabutan pa siya ng ulan.
"Nahihirapan ka ba sa dala mo?" tanong niya sa akin.
"U-Uhm... medyo..."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang kunin ang mga libro na dala-dala ko. Pilit niya ring kinukuha ang bag ko.
"A-Ano..."
"Ako na magdadala," maawtoridad niyang sabi. Kinuha niya ang mga gamit ko. Nawalan naman ako ng lakas para pigilan siya.
"Raf..."
Nauna na siyang naglakad. Nang maramdaman niya na hindi ako nakasunod ay inosenteng nilingon niya ako. "Tara na, Dolores."
"U-Uh.. O-Oo... Sige."
Binilisan ko anglakad ko. Nakasunod lang ako ng tingin kay Rafael, hanggang sa hindi ko napansin na nasa gymnasium na pala kami. Dumiretso kami sa stage.
"So, simulan na natin. Kung magba-backout kayo ay sabihin niyo na agad," sabi ni Ma'am Carzon.
Kakayanin ko kaya manalo sa pagent na ito? Kinakabahan talaga ako, pero tiwala naman ako sa pangako ni Kitty na tutulungan niya ako.
"Wala naman sigurong magku-quit 'no?" tanong ni Sir Bagsik.
"Wala po," sagot ng karamihan. Ako naman ay hindi umimik.
Nandito na ako e, siguro ay gagawin ko na lang ang best ko para makapagbigay nang maayos na performance. Bonus na rin ang manalo.
"Okay, ipa-partner ko na kayo. Bale, walong contestants sa boys at gano'n din sa girls. Ang magiging magka-partner ay same number," pag-instruct sa amin ni Ms. Carzon. Pagkatapos no'n ay pinatayo niya na kami.
Tumayo naman ako nang maayos. Natatakot ako kasi baka mamaya ay bigla kaming pagrampahin. Hindi naman ako ignorante sa mga ganito, dahil napapanood ko sa tv namin. Pero sadyang hindi rin ako sanay sa mga ganito.
Ang balak ko ay pag-aralan pa lang at magpatulong kay Kitty. Positive naman ako na matututo ako kahit medyo mahihirapan ako.
"Rafael at Dolores, kayo ang magka-partner. Kayo ang number 7. Si Hestia at Kaja ang number 8. Kuha niyo?" sabi ni Ms. Carzon. Nagulat ako na alam nito ang pangalan namin. Pero may papel pala ito na mukhang profile namin ang nakasulat.
"Okay po, ma'am," sagot ni Rafael.
"Good."
Matapos no'n ay hindi naman kami pinarampa. In-explain lang nila ang magaganap at pati na rin ang schedule ng practice namin. Pinaliwanag din ng dalawang teacher ang mga rules namin sa practice.
"Iyon lang, salamat sa presence niyo. Puwede na kayo makauwi," ani Mr. Bagsik.
"Salamat po, ma'am and sir."
Kukunin ko na sana ang gamit ko nang biglang nakita ko na hawak na iyon ni Rafael. Napaawang naman ang labi ko at binigyan siya ng nagtatakang tingin.
Napakamot siya sa ulo niya. "Sabay na tayo sa paglabas. Pasensya na at hindi kita mahahatid sa bahay niyo." Alanganin siyang ngumiti.
"A-Ano ka ba... ayos lang. S-Sige... sabay na tayo palabas ng gate," wika ko.
Magkatabi kami habang naglalakad kaming dalawa. Nakasukbit sa kanang balikat niya ang bag ko at hawak ng malalaki niyang mga kanay ang mga libro ko. Nasa kaliwang balikat naman niya nakasukbit ang itim niyang backpack.
"H-Hindi ka na ba galit sa akin?" bigla kong tanong sa kanya.
Nilingon niya naman ako. Nakaangat ang kanang kilay niya. Hindi niya ba na-gets ang sinabi ko? O baka patay-malisya siya?
Hindi niya ako pinansin nitong mga nakaraan kaya naisip ko na galit siya. Hindi na rin namin ginagawa ang dati naming ginagawa, katulad ng paghahatid-sundo niya sa akin.
"Ako? Galit?" Lalong kumunot ang noo niya. "Sa 'yo?"
Napalabi ako. "Oo. 'D-Di ba... iyong nangyari no'ng nakaraan—"
"Kung patungkol doon sa huli nating paglabas, iyong napaghintay mo ako. Hindi ako galit," seryosong sambit niya.
"T-Talaga?"
"Masyadong mabigat ang salitang galit, Dolores. Nagtampo ako... pero galit? Hindi."
"P-Pero iniiwasan mo ako. Kaya akala ko ay galit ka," ani ko.
"Hindi kita iniiwasan."
Napasimangot ako at bumagsak ang mga balikat ko. "Hindi ako naniniwala."
"Maniwala ka man o hindi, hindi kita iniiwasan. It's just that, I have a lot problems. These past few days, binaha ako ng problema."
Hindi ko mabasa ang tono ni Rafael. Hindi ko alam kung malungkot ba siya, nasasaktan, o kaswal lang.
"Rafael . . ."
"Hindi na kita mahatid-sundo dahil sinangla ko ang tricycle ko. Dinala kasi ang bunso kong kapatid sa hospital. Tapos heto naman si mama at nakakulong pa ngayon," kuwento niya.
Bumagsak ang panga ko. Tinakpan ko iyon gamit ang kanan kong kamay.
Hindi ko alam na gano'n pala ang dinadala ni Rafael. Tapos heto ako at kung ano-ano pa ang iniisip. Kung ano-ano ang inuuna ko.
"Kailangan ko magdoble-kayod e. Kaya hindi na rin ako nakarating sa birthday ni Archibald. Nagbabakasakali rin ako sa pagent na ito, pandagdag piyansa rin ni mama," seryosong salaysay ni Rafael.
"Rafael . . ."
Ang dami kong gustong sabihin pero iyon lang ang nasambit ko. Argh! Ang stupid ko!
Ngumiti siya nang napakalabad, na nawala na ang mga mata niya. "Speaking of Archibald . . . pinaliwanag din sa akin niya ang nangyari noong araw na iyon. Kaya, mas nalinawan ako. Siya ang dahilan kung bakit nahuli ka. That's fine with me. His honesty is enough. That's it. Huwag na natin pang palalimin."
"Akala ko lang talaga galit ka sa akin," pabulong na bulalas ko.
"You know, I can't stay a minute being mad with you." Narinig ko ang mahina niyang halakhak.
Hindi ako nakapagsalita. Basta alam ko, namumula na ako ngayon. Nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Hindi ko napansin na nakalampas na pala kami ni Rafael sa gate ng school. Sa labas ay nakaparada roon ang iilang pampasaherong tricycle.
Kinuha ko na ang bag ko at libro ko kay Rafael. Nagkatitigan pa kaming dalawa bago siya nagsalita.
"Una na ako? Pupunta pa kasi ako sa farm ng mga Silverio. Doon ako magtatrabaho ngayon," aniya.
Tumawag na ng tricycle si Rafael. Akmang papasok na siya nang magsalita ako.
"Raf, sandali!" tawag ko sa kanya
"Bakit?"
"Curious lang ako sa hacienda ng mga Silverio. P-Puwede ba ako sumama?" nahihiyang tanong ko.
Ang totoo ay gusto ko lang bumawi sa kanya. Doon sa huling nangyari. Totoo naman na curious din ako pero ang totoong rason talaga ay dahil gusto ko siya makasama.
Naningkit ang mga mata niya. "Sigurado ka?"
Marahan akong tumango. "Oo, bukas pa naman ang shift ko sa Sunrise. Si Archi ang ang nandoon ngayon," sabi ko.
"U-Uhh..." Napakamot siya sa ulo niya. "O-Okay sige."
"Ano toto, nene? Sasakay ba kayo?" biglang singit ni manong.
"Oho, manong."
Medyo nataranta naman ako at mabilis na lumapit sa tricycle. Pinauna ako ni Rafael na pumasok. T'saka siya sumakay at umupo sa tabi ko.
"Dalawang Placio y Silverio po." Inabot ni Rafael ang bente pesos sa tricycle driver.
Masikip ang sa loob ng tricycle. Nagkadikit ang mga katawan namin dahil sa kasikipan. Pero wala namang nagreklami sa aming dalawa.
"Bakit mo naman binayaran ang pamasahe ko? May pambayad naman ako e," nakangusong sabi ko.
Mahina siyang napahalakhak at nagulat ako nang malambing niyang pinisil ang ilong ko. "Hayaan mo na ako..."
Maya-maya ay tumigil na ang tricycle. Bumunga sa amin ang malaking tarangkahan na gawa sa gold at silver. Tapos ay napakalawak na lupain. May nakaukit sa gilid ng tarangkahan na 'Palacio y Silverio'.
Iyon ang pangalan ng hacienda ng mga Silverio. Kilala rin kasi sila bilang pinakamayaman sa bayan ng Las Felizas at isa sa mga tanyag na pamilya sa buong bansa.
"Wow! Ang laki!" manghang bulalas ko.
"Yeah right . . ."
Napalingon ako kay Rafael. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero bakit nakikita ko sa mga mata niya na nalulungkot siya. Argh! Ano ba iyan, Dolores! Bakit naman malulungkot si Rafael.
"Dito tayo sa bandang kaliwa, Dolores. Nandito ang daan papunta sa farm nila," sabi sa akin ni Rafael. Agad naman akong tumango at sumunod sa kanya.
Mga isang daang metro ang nilakad namin para makapunta sa farm. Pero sulit naman iyong nilakad namjn sa ganda ng tanawin ng farm ng mga Silverio.
"Ang ganda naman!"
Parang paraiso ang farm ng mga silverio. Ngayon ay nasa taas kami, may hagdan pababa na gawa sa bamboo papunta sa mga tanim na nasa baba. May bahay-kubo rin dito sa gilid ng taniman kung saan makakapagpahinga ang mga magsasaka.
"Halika, sa baba tayo." Hinawakan ni Rafael ang mga kamay ko at inalalayan ako sa pagbaba.
"T-Thank you..."
Binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti. Dumiretso kami sa isang bahay-kubo. Doon namin nilapag ang mga gamit namin.
Binuksan ni Rafael ang bag niya at may kinuha siya roon na mga damit. Nagpaalam siya na magpapalit daw muna siya at maghintay lang ako sa kubo. Iyon naman ang ginaw ako. Hanggang sa pumasok ang isang may edad na lalaki.
"Sino ka, ineng?" bungad niya.
"A-Ah Dolores po. Kaklase po ako ni Rafael," sagot ko.
"Ah! Si Rafael na anak s—"
"Mang Nicor!" si Rafael iyon.
Nakapagpalit na ito ng suot niya. Kulay pulang kamiseta ang pantaas nito at isang lumang jeans ang suot. Tapos ay nakasuot ito ng manipis na tsinelas.
"Rafael, hijo! Narito ka na pala!"
"Oho 'tay Nicor."
Napatingin ang matanda sa akin. "Nobya mo?"
Napatingin naman si Rafael sa akin. Nakita aki ang malalim na paglunok niya.
"Opo, nobya ko po," sagot ni Rafael na ikinahulog ng panga ko.
Napahagikgik ang matanda. "Ay siya sige sige! Sige na at maiwan ko na kayo."
Pagkaalis ng matanda ay hinarao ko si Rafael para tanungin. Bakit niya sinabing girlfriend niya ako? Hindi naman sa nagrereklamo ako, nakapagtataka lang.
"Sorry, nagsinungaling pa ako kay Mang Nicor. Para 'di na rin siya magtanong pa nang magtanong . . ." Napaiwas ng tingin sa akin si Rafael. Napansin ko ang pagpula ng pisngi niya. Nag-blush ba siya dahil sa akin? Bigla siyang tumikhim na pumukaw sa atensyon ko. "Galit ka ba?"
Mabilis akong umiling. "Hindi naman . . ."
Napahimas siya ng batok niya. "Maiwan muna kita rito. Magtatrabaho na ako."
Akmang tatalikod na siya nang pigilan ko siya. "Sandali!"
"Ha?"
"Puwede ba ako tumulong?"
Kumunot ang noo niya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Huwag na! Marurumihan ka pa. Ayoko na marumihan ka," sabi niya sa akin.
Kaya ang ending ay pinanood ko lang siyang nagtatrabaho habang nakaupo ako sa kahoy na upuan sa labas ng kubo. Gusto ko talaga siya tulungan kaso tama siya. Marurumihan ang damit ko.
"Dolores?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. "Joaquin?"
Sumibol ang isang mapaglarong ngisi sa mga labi niya. Napatingin ako sa postura niya. Nakasuot siya ng asul na polo shirt na naka-tuck in sa kulay cream na pants niya. Senyorito na senyorito ang dating niya.
"Hindi ko inaasahan na may tatalo pa pala sa ganda ng tanawin ng farm namin," nakangising aniya.
"Ha?"
"In short, you're so pretty. It's just sad that I can't see you often. Sayang at hindi na tayo magkaklase." Naitulos ako sa kintatayuan ko nang bigla niyang hawakan ang baba ko.
"J-Joaquin . . ."
Nakita ko na ang klase ng tingin ni Joaquin sa akinm kakaiba ang tingin na iyo. Parang may halong pag—
"What the hell are you doing?!"
Sabay kaming napalingon ni Joaquin sa pinanggalingan ng boses. Si Rafael iyon na gusot na gusot ang mukha. Wala ng pantaas si Rafael, at puno ng pawis ang katawan. Ang jeans niya ay may putik sa laylayan.
"Oh Rafael, Rafael!" nakangisi si Joaquin habang binibigkas ang salitang iyon.
Nagulat ako nang bigla kong naramdaman ang masuyong paghawak ni Rafael sa braso ko. Agad na dumapo ang mga tingin ni Joaquin sa mga kamay ni Rafael.
"Anong kailangan mo sa girlfriend ko, Sir Joaquin." Pinagdiininan ni Rafael ang salitang 'sir".
"Oh c'mon! Don't be so threaten, Rafael. Kinukumusta ko lang naman ang napakagandang girlfriend mo." Hindi mawala ang ngisi ni Joaquin. Ang mga mata ni Joaquin ay nanunudyo.
"Hindi ako threaten sir. Mahirap na ang panahon ngayon . . . inaalagaan at binabantayan ko lang ang nobya ko." Mariin ang pagkakabigkas ni Rafael ng mga salitang iyon. Para bang may lamang ang mga iyon.
Ako naman ay nagpalipat-lipat ang tingin kay Joaquin at Rafael.
Nakakapagtaka dahil ang alam ko ay amo o anak ng amo ni Rafael si Joaquin. Pero bakit ang kaswal naman ng pag-uusap nila.
Tinaas ni Joaquin ang mga kamay niya, senyas na suko na siya. "Haha! Alright! Whatever you say, Rafael."
Biglang may sumulpot na lalaking nakaitim na mukhang tauhan nila Joaquin. Lumapit ito kay Joaquin at may binulong dito na hindi ko marinig. Nang humiwalay na ang lalaki, ay lalong lumapad ang ngisi ni Joaquin.
"Alright! I have to go. Enjoy each other while you still have each other!" Sinunda iyon ng malakas na tawa at tumalikod siya.
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Joaquin. Nilingon ko si Rafael, nakita ko ang seryosong tingin niya kay Joaquin na papalayo na. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya
"Uhm, Rafael. Kapag tapos mo na ang trabaho mo ay umuwi na tayo . . ." nakangiting sambit ko.
Dahil doon sa sinabi ko ay napangiti na si Rafael. Pagkatapos no'n ay napagdesisyunan namin ni Rafael na kumain ng prutas na bigay ni Mang Nicor na prutas.
Nakaupo kaming dalawa sa mahabang upuan nag awa sa kahoy na matatagpuan sa labas ng kubo.
"Thank you, Raf. Nag-enjoy ako ngayong araw. Maganda ang view nitong farm. Hindi ko akalain na may ganito kaganda na farm sa Las Felizas," sambit ko.
Pinisil ulit ni Rafael ang buhok ko. "Sa susunod, sa beach na kita dadalhin."
"Wow! Talaga?"
"Gusto mo ba?"
Sunod-sunod akong napatango. "Oo naman!"
Pagkatapos namin pumunta sa farm ay ramdam ko ang pagod ko kahit wala naman akong ginawa. Hinatid ako ni Rafael sa bahay namin dahil medyo gabi na.
Pagkauwi ko ay ako nanaman mag-isa sa bahay namin. Wala si papa at si kuya. Tingin ko ay rumaraket pa si kuya.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay naglinis ako at nagpalit ng damit. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa sala ng bahay namin.
At ang huling nasa isip ko ay si . . . Rafael.
---
NASA LOOB na kami ng classroom. Hindi pa nagsisimula ang kalase namin ngayon. Akala ko pa naman ay late na ako dahil medyo nahuli ako ng gising. Ang tagal ko kasi nakatulog, siguro ay dahil din sa pagod.
Walang bago, nasa tipikal na puwesto sa amin. Magkatabi kami ngayon ni Kitty, pero wala sa akin ang atensyon niya. Kasi sa kabilang tabi niya ay si Kaja. Nagbubulungan nanaman ang dalawa ng kung ano-ano.
"Psst, Dolores! Alam mo ba iyong balita ngayon," wika ni Kitty matapos niya ako kalabitin.
Ako naman ay walang kaideya-ideya. "Anong meron, Kitty?"
"Kitty and I was supposed to meet last night. But, Travis called me. Sabi niya, huwag na raw kami lumabas," si Kaja ang sumagot sa tanong ko.
"Hala! Magkagalit nanaman kayo ni Travis? Nag-away kayo—"
"No! Not that, Dolores!" putol ni Kaja.
"Huh? E ano?" nagtatakhang tanong ko.
"May mga nawawala kasing mga kabataan ngayon sa Las Felizas. Kadalasan ay age 14 to 20. Kaya medyo nakakatakot. Balita ko ay puting van daw ang nangunguha," pahayag ni Kitty.
"Hala . . ."
"Kaya nagkasundo kami nila Travis. Hindi na tayo gaano maglalabas-labas muna. Lalo na at may mga ganitong insendente. Sisiguraduhin din muna namin na nahatid namjn kayo nang maayos," sambit ni Kaja.
"Importante na mag-ingat syempre . . ." si Kitty.
Hindi naman na ako nagsalita pa. Nagbalik nanaman ang dalawa sa pagbubulungan. Sa totoo lang ay hindi ko ma-digest masyado ang sinasabi nila. Basta ang summary, kailangan mag-ingat at huwag magpagabi sa daan.
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Jea sa harapan ko matapos ng pag-uusap namin nila Kitty at Kaja. Malapad ang ngiti nito at may dalang pink na paperbag.
"Hey, Dolores!" masiglang bati niya sa akin.
"Jea?!"
Napalingon si Kaja at Kitty nang banggitin ko ang pangalan ni Jea. Nilapag ni Jea ang paperbag sa mesa ko.
"Charan! That's makeup! I will make paganda of you!" tumitiling sabi ni Jea.
"Huh?"
"You will sali the pagent, 'di ba? I also heard that you don't have enough pera. But don't ya worry, Dolores! I will make pahiram my dresses and outfits. Plus! I will be your makeup artist. I am amazing, right?!" Jea giggled. Ako naman ay alanganing napanngiti. Hindi ko naman alam ang ire-react ko.
"T-Talaga?"
"Yup! I will also make sure that you'll be mas maganda to that bitch Hestia!" Biglang sumama ang mukha ni Jea nang banggitin ang pangalan ni Hestia.
Nahulog naman ang panga ko nang saktong pagkasabi niya no'n ay saktong naparaan si Hestia at ang mga kaibigan nito. Kaya ngayon ay nasa likuran niya si Hestia. Kunot ang noo at masama ang timpla ng mukha.
"You'll be prettier that that, Hestia. Well, mas maganda ka naman talaga sa kanya. I swear!" sabi pa nito.
Ako naman ay hindi na mapakali. Nagtaka si Jea nang makita niyang napakamot ako at medyo awkward ang ekspresyon ng mukha. Umangat ang kilay niya, bilang pagtatanong sa akin kung ano bang nangyayari. Bilang sagot, ininguso ko ang likod niya.
Nang lumingon si Jea ay nandoon si Hestia at ang mga kaibigan nito. Hinarap naman ito ni Jea at nakipagtapatan pa ito.
"What the hell did you say, Jea?" mariing bigkas ni Hestia sa mga salitang iyon.
"Ang alin? Na Dolores will win the pagent? That's true naman ah!" mapang-asar na humalakhak pa si Jea. Ako naman ay napahilamos gamit ang mga palad ko.
"No!" Nagtangis ang ngipin ni Hestia.
Umangat ang kilay ni Jea. "Na bitch ka?"
"No!"
"E ano?"
"Na mas maganda 'yang si Dolores sa akin!" galit na sigaw ni Hestia at tinuro pa ako.
"Yuck! Anong mas maganda si Dolires? You lack of taste, Jea bitch!" Umikot ang mga mata ni Jasmin.
"Agree! This Jea is hallucinating! Dolores, mukha kang dugyot 'no!" sabi ni Jamila at nag-apir sila ni Jasmin. Sabay a silang tumawa, as in sabay na sabay. Pati sinot nila ay syncronize.
"Oy! Mas mukha kang dugyot 'no! Look at your face, mukhang basahan. Iww!" ganti ni Jea.
Tumayo na ako at hinila sa braso ni Jea. Hindi naman ako affected sa sinabi ni Jamila. Kilala ko ang sarili ko, alam ko sa sarili ko na hindi naman ako dugyot. Hindi ako mayaman pero alam kong malinis ako sa katawan ko.
"Jea, stop na. Baka magkasakitan kayo," pag-aawat ko.
Akmang tatalikuran na ni Jea si Hestia nang bigla nitong hinila ang buhok niya. Napahiyaw namn si Jea sa sakit ng pahila ni Hestia. Wala akong nagawa kundi ang hawakan ang bisig ni Hestia para maalis niya ang kamay niya na hinihila si Jea.
"Akala mo talaga magpapatalo ako sa 'yo, Hestia the bitch!" Gumati ng sabunot si Jea kay Hestia.
Napatili ako at maging si Kitty. Tumayo naman si Kaja para pumagitna at pigilan sila. Pero hindi sila naawat. Natigil lang sila nang biglang may sumigaw.
"Tangina! Away nanaman!"
Napalingon kami sa pinanggalinga ng boses. Si Travis iyon na napakamot nanaman sa ulo niya.
"Kailan niyo balak mag day-off sa bardagulan ha?"
Lumapit sa amin si Travis at siya na ang nagtanggal ng mga kamay ni Hestia sa buhok ni Jea. Salamat sa Diyos ay dumating si Travis. Kundi, sigurado nanamang magkakasakitan sila ng higit pa ro'n.
"Wow! Nagsalita ang hindi basagulero," mapang-uyam na singit ni Jamila.
"Hindi counted ang opinyon ng mga pangit. In short, hindi counted opinyon mo." Ngumisi si Travis na ikinaysom ng ilong ni Jamila.
"You!" Dinuro ni Jamila si Travis.
"Oh ano pa hinihintay niyo? Magsibalikan na kayo sa upuan niyo. Mga gagang ito!" sabi ni Travis.
Kahit halatang inis si Hestia kay Travis at Jea ay hindi na sila nagsalita pa. Kundi ay hinila niya na ang mga kaibigan niya na si Jasmin at Jamila.
"Ano nanaman ginawa mi kay madam Hestia? Ba't lumabas nanaman ang pangil no'n?" nakapamewang na tanong ni Travis kay Jea.
"Hoy! I didn't do anything ha! Sabi ko langthat Dolores is prettier 'no! E narinig niya? Ano bang paki niya sa preference ko? Gaga siya! Hmp!" Umupo si Jea sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Para ka naman kasing tanga e. Alam mo naman na obsess si Hestia sa pagiging kween bee niya." Bumulanghit ng tawa si Travis.
"Hoy! I'm no tanga ha! By the way, I agree with you. Minsan she looks cheap na kaya! Duh!"
Si Travis ay napakamot na lang sa ulo niya. Pumuwesto siya sa likod ni Jea at tinukod ang siko sa sandalan ng upuan nito.
"Oy nakasagap pala ako ng chismis!" biglang bulalas ni Travis.
Napalingon naman si Kitty sa pinsan niya. "Tungkol ba iyan sa mga batang kinukuha ng puting van?" tanong nito.
"Ewan ko kung may connect iyon dito, pero posible e." Napahimas sa baba niya si Travis.
"E tungkol saan ba iyang chissums mo?" tanong ni Jea.
"Chissums?" takang bulalas ni Travis.
"Chissums means chismis! My gosh, Travis! What school are you from!" Umirap si Jea.
"Ahh iyon pala. Kala ko naman kung ano." Napakamot sa ulo niya si Travis. "Anyway, ito na ang chissums natin. Napansin niyo naman siguro na lately ay puro absent ang kaklase nating si Scarlet 'di ba?"
"Then?" Tumaas ang kilay ni Kaja.
"Scarlet is the girl that Hestia bullied, right?"
"Yes! At ito ang anrinig ko sa mga nag-uusap na teachers sa canteen . . ."
Bahagyang yumukod si Travis at hinarangan ng kanang kamay niya ang labi niya para hindi mabasa ang binibigkas ng labi niya. Kami naman ay nagsilapitan para marinig ang ibubulong. Pagkatapos ay bumulong na siya.
"Scarlet is missing . . ."
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro