CASSETTE 10: Choice
Chapter 10
Dolores' POV
[Cassette Tape 001 Side B, is now playing . . .]
NAGING mailap si Archi nang sumunod na araw. Matapos maglakas-loob sabihin ni Archi iyon ay hindi umimik ang magulang niya. Kaysa kibuin si Archi ay pinauwi kami ng mga ito. Kaya hindi namin alam ang sumunod na mga nangyari.
Kahapon, ay um-absent si Archibald. Ang excuse na pinadala nito ay ihahatid nito ang mga magulang pa-Maynila.
"Psst! Miss mo si Archi?" Bigla akong kinalabit ni Travis. Napakunot ang noo ko sa biglang tanong niya.
"Anong sinasabi mo d'yan?" Napasimangot ako bigla.
"Sus! E bakit ang lungkot mo?"
Hindi ko kinibo si Travis. Nasa Sunrise Coffee Shop kami ngayon. Ako si Kitty, Kaja, Jea, at Travis. Inaya kami ni Travis na mag-meryenda. Pero heto at inaasar ako ni Travis.
"Oh bakit ’di ka makakibo? True 'no? Miss mo si Archi?" nakangising tanong ni Travis sa akin. Nailing naman ako dahil sa kung ano ano ang sinasabi niya.
Totoo naman na iniisip ko si Archibald. Nami-miss? Siguro? Kasi sanay ako na kasama siya, kasama namin siya. Isa pa, nag-aalala ako kay Archi. Kasi paano kung pinagalitan siya ng magulang niya?
"Nag-aalala ako kay Archi. Sana hindi siya napagalitan."
Narinig ko ang buntonghininga ni Travis. Tapos ay kinutsara nito ang ice cream. Iniwan nito ang kutsara sa bibig at nagsalita. "Back-up naman ni Archi ang kuya niya," sabi ni Travis.
"Sabagay . . ."
Habang tahimik akong kumaikain at tinitigan ang cake na nasa plato ko, naalala ko na malapit na rin pala ang ika-labingpitong kaarawan ko. Pero sigurado na wala naman akong bongga na selebrasyon o kahit simpleng paghahanda dahil gipit kami ngayon.
Marami pa kaming babayaran na utang ni papa. Sa katunayan ay kailangan ko pa maghanap ng ekstrang pagkakakitaan.
Nagkakuwentuhan pa silang apat, pero hindi ako gaani nakisali. Iniisip ko kasi si Archi at kung kumusta na siya.
Mga alas-quatro ng hapon nang mapagdesisyunan namin na umuwi na. Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko si papa na paalis. Nagmamadali ito at papunta raw siya sa sabungan. Nabulyawan pa niya ako dahil ang gulo ko raw.
Naglinis na lang ako ng bahay maghapon at nag-review para sa quiz namin bukas. Wala rin akong gana manood ng television. Kaya alas-syete pa lang ay nakatulog na ako.
Kinabukasan, hinanda ko na iyong regalo ko para kay Archi. Para maibigay ko na ito sa kanya. Sana lang ay pumasok siya.
Pagkarating ko sa room ay ang ingay. Wala pa kasi kaming teacher at mayroon nanamang away— si Hestia at si Scarlet!
"Tangina! May away nanaman?" si Travis iyon. Nakita ko na tumayo ito lumapit kay Hestia at Scarlet.
Pumagitna si Travis sa kanila. Nakita ko na may kaklase kami na umaawat pa kay Hestia at Scarlet. Hawak nito ang mga braso nila.
"Huwag ka mangialam dito ha!" sigaw ni Hestia kay Travis. Nanlilisik ang mga mata nito.
"Gaga ka ba? Aawatin talaga kita kasi ako ang peace officer ano! Mukha lang akong tarantado pero ginagawa ko obligasyon ko," maangas na sabi ni Travis.
Sinamaan lang ng tingin ni Hestia si Travis pagkatapos ay bumaling kay Scarlet na umiiyak at magulo ang buhok. Hindi ko maintindihan kung bakit ba sila nag-aaway.
Nakamasid lang ako sa kanila mula sa malayo. Narito ako sa last row kung saan kami nakaupo ni Kitty. Wala pa si Kitty, at maging si Kaja. Si Travis at Jea lang ang nandito sa room. Si Rafael at Archi . . . wala rin.
"How dare you! Bakit mo ako hindi nilagay sa group? Tumulong naman ako ah! May galit ka ba sa akin! You bitch!" gigil na sabi ni Hestia. Akamang susugurin niya si Scarlet nang pigilan siya ni Travis.
"Putangina naman! Ang liit na problema, sabunatan agad? Napaka-warfreak talaga!" Hinila ni Travis si Hestia, dahil mas malakas si Travis ay napaupo si Hestia.
"That's my grade! What do you mean simple thing?! That Scarlet bitch!"
"You know, you can make usap-usap naman to Scarlet. Why sabunutan agad? Drama queen as always!" biglang singit ni Jea.
Lalong namula si Hestia at umusok ang ilong. Susugurin din sana nito si Jea pero napigilan ng isa pang lalaki na kaklase namin.
"Huwag ka makisali rito ha!" Dinuro ni Hestia si Jea. Nag-attempt pa itong hilahin ang buhok ni Hestia.
"Tumigil na kayo ha! Pagbubuhulin ko kayo e!" pag-awat ni Travis. Humugot ito nang malalim na hininga at nagpamewang. "Alam niyo mas maganda kung ayusin natin to ha."
Mariing napapikit si Travis, mukhang nag-iisip ng gagawin. Nang makapag-isip na ito ay binalingan nito si Scarlet.
"Oy Scarlet, bakit naman 'di mo nilista ang pangalan nitong si Hestia. E tumulong naman daw siya?" tanong ni Travis kay Scarlet.
"H-Hindi ko naman sinasadya. N-Nakalimutan ko lang . . . sorry talaga, Hestia," nakatungong wika ni Scarlet. Mukha namang genuine ang paghingi niya ng tawad.
"You should be!" giit ni Hestia.
"Oh yun naman pala e! Ba't kailangan pa magsabunutan?!" Napakamot sa pisngi niya si Travis.
"This bitch needs to learn her lesson. Para alam niya na hindi niya dapat gagawin sa aking ang gano'ng bagay. Bitch!" sigaw ni Hestia at umirap pa.
Hindi na tumugon si Scarlet. Ang ginawa na lang ni Travis ay pinaglayo sila ng upuan. Para hindi na sila magkagulo. Ang hirap naman kasi, baka mapagalitan pa kami at madala pa ito sa guidance.
Maya-maya ay dumating na rin si Kitty, katulad ng dati ay magkasabay sila ni Kaja. Dala-dala ni Kaja ang bag ni Kitty. Umupo sila sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nang tumanaw ako sa bandang kinauupuan nila Travis, wala pa rin si Archi doon. Pero si Rafael ay nandoon na. Nakaupo si Jea sa tabi ni Travis, tapos ay nagdadaldalan ang dalawa.
Medyo nalungkot ako at nagsimula nanamng mag-alala kay Archi. Napatingin ako sa paper bag kung nasaan nakasilid ang regalo ko para sa kanya.
Maibibigay ko pa kaya ito?
Lumapit ako kila Travis para tanungin kung kumusta si Archi. O kung may balita ba sila riti.
"Travis, bakit wala si Archi? Kumusta na siya?" Mahihimigan sa tono ko ang pag-aalala. At totoo naman talaga na nag-aalala ako kay Archi.
Napalingon-lingon si Travis at tumingin pa sa likod niya. "Ito talagang si Dolores! Kita mong wala e!"
Napasimangot ako. "Kaya nga nagtatanong ako e."
"Aba'y malay ko! Hanapan ba ako ng mga nawawalang kaibigan?"
Naningkit ang mata ko. "Travis!"
Bigla siyang tumawa. "Ito naman hindi mabiro! Joke lang ih!" Nagpatuloy ito sa paghalakhak. Nang tumigil ma siya ay nagsalita siya. "Nakausap ko siya kagabi. Mukhang ayos naman siya pero mukhang hindi pa siya papasok ngayon e."
"Ahh... ganun ba."
Napayuko lang ako at napatingin sa sahig. Medyo disappointed ako na bumalik sa upuan ko. Parang lumulutang ang isip ko habang nagkaklase kami. Wala ako sa tamang huwisyo.
Tahimik lang ako hanggang sa nag-uwian na kami. Nakuha lang ang atensyon ko nang biglang mag-aya si Travis na pumunta sa court.
"Tapsi Squad, wazzup!" Biglang sumulpot si Travis, habang naglalakad kami sa hallway nila Kitty, Kaja, at Jea.
"Oh what do you want nanaman?" Tinaasan ng kilay ni Jea si Travis.
"Sungit nito! Ayain ko lang naman kayo magpunta sa court at magmeryenda. Tumawag sa akin si Archi kagabi, antayin niya raw tayo ro'n," sambit ni Travis. Tapos ay nagkibit-balikat lang ito.
"Sige sama ako!" mabilis kong sabi.
Nang marinig ko iyon ay agad akong pumayag. Gusto ko kasi an ako mismo ang mag-abot ng regalo ko. At makita mismo ng mga mata ko na ayos lang si Archi.
"Kayo ba, Kaja at Kitty? Sama ba kayo?" tanong ni Travis sa dalawa.
Nagkatinginan naman si Kitty at Kaja. Marahang tumango si Kitty at mukhang iyon lang ang hinihintay na hudyat ni Kaja.
"Yes, sama kami."
"Ikaw ba, Jea?" tanong ko kay Jea na medyo tahimik.
"A-Ako? I'm not puwede eh."
"Sayang naman."
Nang mapatingin ako kay Travis ay nakita ko na sumeryoso siya. Parang may kakaiba?
Madalas hindi naman tumatanggi si Jea at lagi itong game sa pagsama aa amin. May importante kaya itong gagawin? Pero kahit ano pa 'yon, may karapatan naman siyang tumanggi at gawin ang mas importanteng bagay.
"Teka!" Bigla kaming napatigil sa paglakad nang magsalita si Kaja.
"A-Anong problema, baby?" tanong ni Kitty kay Kaja. Nagtatakang tumingin din kami sa lalaki.
"Parang ambigat ng bag mo, baby. May nilagay ka ba na kung ano rito?" tanong ni Kaja sa girlfriend niya.
"H-Huh? Wala naman."
Biglang binuksan ni Kaja ang bag ni Kitty. Napanganga naman kami nang makita kung anong mayro'n sa bag ni Kitty at biglang bumigat 'yon.
"Tangina! Ba't nandito iyong bato na pangharang sa pinto ng classroom natin?" Halos pasigaw na bulalas ni Kaja.
"Hehe..."
Biglang napalingon kami kay Travis at sinamaan siya ng tingin. Napakamot naman si Travis sa ulo at alanganing napakamot iyon.
"Ba't mo nilagyan ng bato ang bag ko?" nanggagalaiti na tanong ni Kitty sa pinsan niya.
"Bahala kayo d'yan! Paunahan na lang sa basketball court." Biglang nanakbo ito at tatawa-tawa lang.
Napailing lang kami dahil sa ginawa ni Travis. Bakit pa ba kami nagulat? E hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya 'yon. Si Archi nga ay lagi niyang nilalagay ng kung ano-ano sa bag.
Nagulat na lang si Archi na nasa loob ng bag niya iyong paso ng halaman. Kaya pala nawala iyong halaman ng Wednesday cleaners.
Napailing na lang ako sa iniisip ko. Nagpaala si Jea sa amin na mauuna na siya sa amin. May importante raw siyang aayusin. Nang makalabas kami sa gate ay sabay-sabay kami na sumakay ng tricycle papunta sa basketball court.
Nang makarating kami sa court ay nakita ko na nandoon na si Travis at may kausap na naka-hoodie. Tapos may facemask at shades na suot pa.
"Archi?"
Mabilis naman ako na naglakad papunta sa direksyon nilang dalawa. Kasunod ko si Kitty at Kaja na magkaakbay. Nakaakbay si Kaja kay Kitty.
"Hoy Archi! Anong nakain mo at tirik na tirik ang araw naka-hoodie ka? Idol mo ba si Kokey?" natatawang pang-aasar ni Travis.
Nang makalapit ako ay doon ko nakumpirma na si Archi nga iyon. Pero pinagtataka ko ay bakit siya balot na balot. Tama nama ang sinabi ni Travis. Bakit nga ba siya balot na balot?
"Ulul! Mas kamukha mo iyon!" Binatukan ni Archi si Travis.
"O bakit nga ganyan ang pormahan mo? Anong meron?"
"Ahh... Wala naman."
"Weh?"
"Kumusta ka na, Archi?" biglang tanong ni Kaja kay Archi.
Bagaman mata lang ni Archi ang nakikita ko at nakita ko na nakangiti ang mga mata nito. Parang sinasabing okay lang siya at wala namang problema.
Gustong-gusto ko kausapin si Archi pero may kung ano na pumipigil sa akin. Napahigpit na lang ang hawak ko sa paper bag na dapat ay ibigay ko sa kanya.
"Ano... may pupuntahan lang ako sandali. Balik ako mamaya." Biglang tumalikod si Archi at mabilis na naglakad. Kumaway pa ito sa amin.
May kakaiba sa kinikilos ni Archi. May problema ba siya? Parang may mali e.
"Hoy Archi! Saan ka— ay gago! Iniwan na tayo."
Nakatingin lang ako sa kawalan habang unti-unting naglaho sa pangingin ko ang bulto ni Archi. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nag-aalala nanaman ako sa kanya
Bumili ng meryenda sila Kitty at kumain. Ako naman ay hindi mapakali kaya hindi na ako nakapagpigil. Susundan ko na si Archi.
"Archi..."
---
KANINA pa umalis si Archibald sa basketball court. Sumaglit lang ito at hindi ko alam ba't balot na balot ito. May facemask siya at nakasuot siya ng itim na cap. Saan naman kaya siya pumunta? Nagpaalam muna ako kila Kitty para hanapin si Archi.
Dala-dala ko pa ang paperbag na naglalaman ng regalo para sa kanya. Iaabot ko na rin ito sa kanya.
Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang tindahan na mayroong telepono na pinaparenta ng tig-limang piso. Nakita ko ang nakatalikod na si Archibald.
Naka-jersey ito na may numero na 28 at ang apelyido nito na Sy. Nakasandal ang kanang braso nito sa pader ng tindahan habang hawak ang telepono sa kanang kamay niya.
Unti-unti akong naglakad palapit kay Archi. Mukhang hindi niya naman ako nakita dahil nakatalikod siya mula sa direksyon ko. Nang medyo makalapit na ako ay naririnig ko ang usapan nila.
"Huwag ka na mag-alala sa akin, kuya. Kaya ko na ang sarili ko. Paninindigan ko itong choice ko," sabi ni Archi sa kausap niya sa kabilang linya. Base sa narinig ko, kuya niya ang kausap niya.
"I am happy for you, Archi. Kung kailangan mo ng tulong nandito si kuya. Mahirap maging independent . . ."
"Kaya ko na ang sarili ko, kuya. Alam ko na hindi magiging madali pero . . . kakayanin ko." Nagpakawala si Archibald nang malalim na hininga.
"Mahirap talaga baliin ang nakasanayan at tradisyon natin. Masyadong pinahahalagahan ng mga magulang natin ang kultura at negosyo natin. Alam ko mahirap para sa iyo, Archi. Kaya gusto ko gawin lahat ng makakaya ko para matulungan ka," sambit ni Kuya Art sa kapatid.
Nakakahiya naman itong pinaggagawa ko. Nakikinig nanaman ako sa usapan na hindi ko dapat pakinggan.
"I know, Kuya Art. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba ito ipagpatuloy. Knowing that . . . it will break our parents' heart." Bumuntonghininga nanaman si Archibald.
"As parents, dapat naiintindihan din nila na iba-iba ang gusto ng mga anak nila. Sa ngayon, hindi pa open ang parents natin doon. Kasi ibang daan ang gusto nila para sa atin, akala kasi nila na iyon lagi ang tama at iyon ang nababagay sa atin."
"Naguguluhan ako, kuya. Ano ba ang dapat kong gawin?" Nakita ko na napasabunot si Archi sa buhok niya.
"Kung gusto mo patunayan na sa kanila na tama ang daan na tinatahak mo. Magsumikap ka at galingan mo. Gawin mo ang lahat ng makakaya," wika ni Kuya Art.
"Paano kung . . . tama pala sila at mali pala ako? Paano kung mag-fail ako?" halos pabulong na tanong ni Archi sa kuya niya.
"It's true, not all the things and person that makes us happy is right for us. But what's more important is you chose happiness. You fail? You stand up again, again and again."
"Kuya . . ." anas ni Archi.
"In the end of the day, the lesson you gain is much more important than anything. Failure is always in our way. What matter is how you use those failures and lesson. To rise again and become the better version of yourself."
"I promise . . . I will be a better version of myself."
"That's my boy!" Sandaling huminto si Kuya Art sa pagsasalita. "Also, our parents are not as bad as you think, Archi. You can come back to us, you cry to us. Pero handa sila tanggapin tayo kapag nagkamali tayo. Paano kapag nagkamali ka? Then, be it . . . and learn to admit your mistakes."
"Salamat at lagi kang nandito, kuya. Para bigyan ako ng advice. Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Umaliwalas ang tono ng boses ni Archi.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Art mula sa kabilang linya. "O siya sige na. May flight pa ako papuntang China. May aayusin ako na mga negosyo ng pamilya natin."
"Mag-ingat ka, Kuya Art."
"I will."
"Pasalubong ha!" pabirong sabi ni Archi at mahinang tumawa.
"Loko ka talaga! Bye, Archibald!"
"Bye, Kuya Artheron."
Kahit nagpaalamanan na ang magkapatid ay hindi pa rin binababa ni Archi ang teloponi mula sa kamay niya.
"And Archi . . ."
"Kuya?"
"I am proud of you."
Narinig ko ang tunog na ibig sabihin ay binaba na ng kabilang linya ang telepono. Nakita ko ang mahigpit na paghawak ni Archibald sa telepono. Kasunod no'n ay narinig ko ang mahina niyang paghikbi.
Humakbang ako ng dalawang beses palapit kay Archibald. "Archi . . ."
Nilingon ako ni Archi. Bahagyang nagulat ito, kaya napagtanto ko na wala itong ideya na ansa likod niya lang ako kanina pa. Nakita ko ang pamumula ng ilong ni Archi at butil ng luha sa gilid ng mga mata niya.
Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang mga bangas sa mukha niya. May sugat sa labi niya; may band-aid siya sa taas ng kanang kilay niya; may bukol siya sa kaliwang bahagi ng mukha at iilang sugat; higit sa lahat, magulo ang buhok niya at mukha siyang nanghihina.
"Dolores?"
"I'm sorry, narinig ko ang usapan niyo ng kuya mo," nahihiyang pag-amin ko at napatungo ako.
Napaawang ang labi niya. "A-Ah . . . that's okay."
Umiwas siya nang tingin sa akin. Doon napagtanto ko na nako-conscious siya sa hitsura niya.
"A-Anong nangyari sa 'yo, Archi? Sinong gumawa niyan sa iyo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Agad naman akong lumapit sa kanya at hinaplos ang mukha niya.
"Dolores..."
Pinipilig niya ang ulo niya at umiiwas siya ng tingin sa akin. "Archi, tinatanong kita. Kaya ba umiiwas ka sa amin at nakabalot iyang mukha mo kanina? Sinong gumawa nito sa 'yo?!"
Hindi umimik si Archi. Mukhang wala siyang balak sabihin sa akin. Hindi ako manghuhula para malaman kung sino ang gumawa niyan sa kanya. Kung hindi niya sasabihin, paano ko malalaman.
Pumunta ako sa tindahan at ibinili ng betadine, alcohol, bulak, at band-aid ang kahuli-hulihan kong pera. Nang iabot na sa akin ng tindera iyon ay hinarap ko si Archi.
Kahit mas matangkad at malaki siya sa akin, hinila ko siya gamit ang buong lakas ko. Nang sipatin ko siya ay nakita ko na naguguluhan siya sa ginawa ko.
"D-Dolores?"
Sa hindi kalayuan sa tindahan ay may upuan doon na bato. Pinaupo ko si Archi doon. Sinenyasan ko lang siya gamit ang titig lang.
"I-I'm fine . . . wala kang dapat ipag-alala."
"Archi..." Tinignan ko siya nang buong pag-aalala. Hindi ko alam pero naawa ako sa hitsura ni Archi. Hindi niya deserve ito!
Tumabi ako sa kanya at sinimulan na gamutin ang sugat niya. Wala siyang imik, pero ayos lang. Ang importante ay hindi niya ako pinipigilan na gamutin siya, hindi ko rin naman siya hahayaan na pigilan ako.
"Napagastos ka pa dahil sa akin," halos pabulong na sambit niya.
Tiningnan ko siya at naningkit ang mga mata ko. "Pera lang iyon, Archi. Kaya ko kitain ulit 'yun sa pagtatrabaho ko sa shop."
"I'm sorry . . ." bulong niya.
Huminga ako nang malalim at tinuon ang atensyon ko sa paggamot sa kanya. "Bakut ka nagso-sorry?"
"Naabala pa kita e."
"Archi, magkaibigan tayo. Baka nakalimutan mo?" Tinitigan ko siya, habang siya ay wala ang tingin sa akin. "Oo, maiksing panahon pa lang tayo nagkakasama pero alam mo naman na pinahahalagahan ko iyon. Pinahahalagahan ko kayo. Kasi, naging mabuti kayo sa akin."
"Ayoko lang masangkot ka sa problema ko."
"Archi..."
"These bruises and wounds . . . came from my father. He beaten the shit out of me! Siguro kung hindi siya pinigilan ni kuya, wala na ako ngayon," mapait niyang sabi.
Halos mabitawan ko naman ang alcohol na nasa kamay ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Napaawang ang mga labi ko. Hindi ko alam na kaya pala gawin ng papa ni Archi ang ganyang bagay sa kanya.
"A-Ang papa mo . . . a-ang gumawa n'yan?"
Nakita ko ang biglang paglungkot ng mga nata niya. Kasunod no'n ay ang marahan niyang pagtango. "Planado na pala ang lahat sa buhay ko. Nagplano na si papa para sa akin. Kaya galit na galit siya sa sinabi ko na ayoko ng mga iyon at iba ang gusto kong gawin."
Pinagpatuloy ko ang paggamot sa kanya. Tapos siya naman ay nagpatuloy sa pagkuwento.
"Pinapili niya ako. Agad-agad akong sumagit na desidido ako na gusto ko tuparin ang pangarap ko. Lalo lang siyang nagalit sa akin," malungkot na kuwento ni Archi.
"Hindi ba talaga puwedeng intindihin ka na lang niya? Anak ka naman niya e."
"Sana nga ganyan pero . . ."
"Pero?"
Tumunghay ako at nagsalubong ang mga mata namin ni Archi. Malungkot siyang ngumiti at nagsalita.
"Tinakwil niya na ako . . ."
Halos mahulog ang bibig ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko inaasahan na aabot sa pagtakwil sa kanya iyon.
"Pero okay lang ako. You don't have to worry about me. From now on, I will be independent. Gagawin ko ang lahat para patunayan na tama ang tinatahak ko na landas. Na hindi ako mapapariwa rito," positibong sambit ni Archi.
"Naniniwala ako na kaya mo, Archi. Ikaw pa!" Nakangiti kong sabi.
"Mabuti na lang din at nandito kayo na mga kaibigan ko. Pati rin ang kuya ko na sinusuportahan ako kahit alam niya na ikakagalit din iyon nila mama."
Tinapik ko ang balikat ni Archi. "Naniniwala ako na kaya mo, Archi! T'saka, hindi ka naman nag-iisa. Kung kailangan mo kami, nandito kami palagi." Binigyan ako ni Archi ng maliit na ngiti.
Matapos ko gamutin ang mga sugat niya. Naalala ko bigla ang regalo ko sa kanya. Kaya mabilis ko na kinuha ang paper bag at iniabot iyon sa kanya.
Biglang nag-init ang pisngi ko. Medyo nahihiya ako na iabot iyon sa kanya. "U-Uhm... regalo ko pala para sa 'yo, Archi. Pasensya na at na-late."
Nakita ko ang pagkinang ng mga mata ni Archi. "P-Para sa akin ba talaga ito? Wow!"
Kinuha niya ang paper bag. Hindi ko mapigilang hindi mapanguso habang pinapanood na binubuksan ni Archi ang regalo ko para sa kanya.
"Belated happy birthday!" medyo awkward na bati ko.
Nasa kamay niya na ang regalo ko— pulang scarf. Nalaman ko kasi na red ang paboriting kulay ni Archi. Kaya mabilis ko na naisipan na mag-gantilyo ng scarf para kay Archi. Isang linggo kong tinutukan ang paggawa ng scarf para sa kanya.
"This looks amazing! Para sa akin ba talaga ito? Wow! Thank you, Dolores!"
Mabilis akong hinila ni Archi at mahigpit na niyakap. Niyakap ko naman siya agad pabalik.
"You made me happy."
"Masaya ako at napasaya kita, Archi. K-Kahit sa simpleng bagay lang . . ." Naiilang na ngumiti ako. "N-Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman!"
Tinanggal ni Archi ang pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ang mukha ko. Nagkasalubong ang mga mata namin. Nahihiya ako pero . . . hindi ko magawang putulin ang titigan namin.
"Y-You know . . ." Napakamot ito sa ulo. "Gusto talaga kita. Sa katunayan ay pinag-iisipan ko na . . . na ligawan ka."
Namilog naman ang mga mata ko sa pag-amin ni Archi. "H-Ha?"
"Kaso ayoko naman na pilitin ka na gustuhin ako. At alam ko rin na may iba ka naman talagang gusto," malungkot na pahayag niya.
"A-Ano bang sinasabi mo diyan, Archi?"
Huminga siya nang malalim at binigyan ako ng maliit na ngiti. Genuine ang ngiting iyon, walang halong pait. Naramdaman ko ang mga daliri ni Archi na inaayos ang iilang hibla ng buhok na nasa mukha ko.
"Love is not forced. If it's forced, it's not love."
Naramdaman ko ang paghalik ni Archi sa noo ko. Napalunok naman ako dahil sa ginawa niyang 'yon.
"Isa pa, gusto ko lang naman maging masaya ka. I like you, romatically. But I also like you as a friend. At as matimbang sa akin ang pagkakaibigan natin."
"Forcing you to like me back is not a good idea. It might also bring gap to our friendship. The worst, puwedeng masira ang friendship natin. Ayoko naman no'n, ayoko mangyari 'yon."
"Bata pa tayo, Archi. Marami pang puwede magbago. Mahahanap mo pa ang para sa iyo," ani ko.
Totoo naman ang sinabi ni Archi. Deep down, alam ko sa sarili ko na mayroon na akong pagtingin kay Rafael. Kung ipipilit naman niya na gustuhin ako ay hindi ko masusuklian. Ang ending, masasaktan ko siya. Ayoko naman mangyari you.
"I know that."
Marami pang puwedeng magbago.
Ang lahat ng meron kami sa ngayon ay hindi permanente. Darating ang araw na kakailangan namin maghiwa-hiwalay at tahakin ang mga daan na para sa amin.
"Anyway, kumusta ka? Narinig ko ang usapan ninyo ng kuya mo," pagbabago ko sa usapan namin.
"Well, yes. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko matapos ko siya kausapin. Mas lalo akong na-motivate na magsumikap," nakangiting pahayag niya.
"Kung kailangan mi ng tulong ay nandito lang ako. Hindi ba ako ang tutor mo?" nakalabing sabi ko.
Napahalakhak naman si Archi. "Sure 'yan ha? Aasahan ko iyan! Lalo na sa math."
"Oo naman!"
Natahimik kami ng ilang segundo. Hanggang sa nagsalita si Archi.
"Thank you, Dolores."
Nagtatakang nilingon ko naman siya. "Para saan?"
"For being my friend and for your words. Mas lalong nabuo ang desisyon ko. Although alam kong hindi magiging madali, sigurado ako na magiging mahirap."
Maliit akong napangiti habang nakatitig kay Archi. Wala naman kasing madaling daan papunta sa tagumpay. Madadapa kami at masasaktan, sigurado iyon. E ano naman ngayon? Ang mahalaga ay masaya kami sa daan na tatahakin namin. Na gusto namin ang daan na nilalakaran namin.
Unti-unti akong nilingon ni Archi. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa noo ko. Agad naman akong napahawak sa parteng iyon.
"Archi..."
Hindi naman ako nagreklamo at ngumiti lang ako. Ginulo ni Archi ang buhok ko at ngumiti. Pagkatapos, tumingala siya sa langit at nagsalita.
"I am decided, no matter how hard and even though I might fail . . . I will choose my happiness."
[End Of Cassette Tape 001 Side B...]
VimLights
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro