Chapter 4
DESA FRANCO
HINDI PA ULIT kami nagkikita ni Baron pagkatapos naming magkasama ro'n sa club ni Arkhe. Hindi ko pa tuloy natatanong sa kanya kung ano bang ibig sabihin ng Third Base.
Si Koko kasi. Ayaw pang sabihin sa akin. Minsan tuloy, napapaisip ako kung ano ba talaga 'yon.
"Desa," biglang tawag ng ka-opisina ko. "May nagbigay nga pala sa 'yo nito. Sorry, ngayon ko lang naiabot. Busy, e."
Hindi ko naman agad siya nalingon kasi may kinukuha pa akong mga paper dito sa pedestal.
"Sige, thank you," sabi ko na lang. "Pakilagay na lang diyan."
Pagkaayos ko ng upo, isang box pala ng cake ang pinatong niya rito sa table. "Uy! Kanino galing 'to?"
Kaso hindi na niya ako nasagot. Nakalabas na siya rito sa maliit naming office sa loob ng bangko.
Tiningnan ko 'tong kahon pero wala rin namang nakalagay kung kanino galing.
Naisip ko na lang agad si Baron. Parang kagabi lang kasi n'ong tinext niya 'ko para itanong kung birthday ko ba talaga no'ng February. Ang sweet niya pa rin talaga, may pa-cake pa.
Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng dark gray kong blazer para tawagan siya.
Ilang beses nag-ring, saka siya sumagot. "Kuting?"
"Hello, tigre ko! I love you!"
Parang natawa pa siya sa kabilang linya. "I love you. Ba't tumawag ka, hindi mo pa uwian, ah? Miss mo na 'ko?"
Nagpigil ako ng ngiti. "Opo, miss na. Thank you sa cake. Sobrang nagustuhan ko."
Ang tagal bago siya nakasagot. "Anong cake?"
Natawa ako. Umaarte na naman siya. "'Yong cake na pinadala mo rito sa bangko? Natanggap ko na. Excited na akong kainin!"
"Wala akong binibigay na gan'yan."
Ngumuso ako. "Si Baron, binibiro na naman ako."
"Tsk. Wala nga akong binibigay na gan'yan! Kanino galing 'yan, ah?"
Do'n na ako natauhan. 'Yong boses niya kasi, bigla talagang sumeryeso.
"H-hindi po sa 'yo galing 'to?" tanong ko.
"Hindi. Sino'ng nagbibigay sa 'yo ng mga gan'yan? 'Yong Evo na 'yon?"
Kinabahan na 'ko!
Taranta akong lumabas dito sa maliit na opisina nang hindi binababa ang tawag para puntahan 'yong officemate ko na nag-abot sa 'kin n'ong cake. Pero ang naabutan kong nakaupo rito sa labas e, si Evo!
Nanlaki ang mga mata ko. Hala, sa kanya nga talaga galing!
"Hello?" galit na tawag pa ulit ni Baron sa kabilang linya. "Desa?"
Napapikit na lang ako nang madiin. "S-sorry po."
"Ayoko niyang sorry mo. Ang gusto kong marinig, kanino galing 'yang cake na sinasabi mo?"
Hindi ako makasagot nang maayos. Kagat-kagat ko lang ang ibaba kong labi. "Baron . . ."
"Sige, h'wag mong sabihin!" Tapos bigla na niya 'kong binabaan ng phone!
Sobra akong pinanghinaan! Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi na niya sinasagot.
Nilapitan naman agad ako ni Evo na nakasuot ng puti niyang uniform. "Hey, why, what happened?"
Tumingala ako sa kanya nang hindi mapakali. "Sa 'yo ba galing 'yong cake?"
"Oo. Pinaabot ko na lang sa kasamahan mo kasi sabi sa akin, busy ka raw sa loob."
Napahaplos ako sa noo ko. "Akala ko kay Baron. Tinawagan ko pa naman siya para mag-thank you, tapos hindi pala sa kanya galing. Nagalit tuloy siya."
"I-I'm sorry. Have you tried talking to him again?"
Tumango ako. "Pero hindi na siya sumasagot sa tawag ko."
"Nasa'n siya?"
"Hindi ko alam."
"Puntahan na lang ulit natin doon sa studio niya. Hihintayin ko ang uwian mo. Ano?"
Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Pumayag na ako agad kahit na hindi ako sigurado kung matitiyempuhan ba namin siya ro'n.
SAKTONG ALAS-SINGKO, umalis na agad kaming dalawa ni Evo para puntahan si Baron.
Hindi pa rin nga ako mapakali pagkasakay namin sa kotse niya na dito lang sa tapat ng bangko naka-park. Si Baron kasi, hindi pa rin sumasagot sa mga tawag ko. Ilang beses na rin akong nag-text, pero walang reply.
Biglang hinawakan ni Evo ang kamay ko pagkakabit niya ng seatbelt. "I'm really sorry. Hindi ko ginusto 'yong nangyari."
"Okay lang." Nakapako lang ang tingin ko rito sa box ng cake na nasa kandungan ko. "May kasalanan din naman ako. Hindi ko kasi muna inalam kung kanino ba talaga galing 'tong cake. Siya lang talaga agad ang unang pumasok sa isip ko. Masyado akong na-excite. Nalaman niya tuloy na may nagbibigay ng gan'to sa 'kin."
"Don't worry too much now. Dadalhin naman na kita sa kanya."
Tumango-tango lang ako. "Thank you. Kinakabahan lang din ako. Galit kasi siya, e. Binabaan niya ako ng telepono kanina. Hindi niya ginagawa sa 'kin 'yon. Umatake na naman ang pagiging seloso niya."
Natahimik na lang naman siya tapos nagsimula nang mag-drive.
Pinagdadasal ko na lang ngayon na masaktuhan namin si Baron sa studio niya. Ewan ko pero kinukutuban talaga ako na baka wala na naman siya ro'n.
Mahaba-haba na ang naibiyahe namin ni Evo nang hawakan niya ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya. "Desa..."
Tumingin lang ako pero hindi ako nagsalita.
"...Nakakagulo na yata ako sa inyong dalawa," tuloy niya. "Mas makabubuti siguro kung babawasan ko na lang ang pagpunta at pakikipagkita sa 'yo..."
Nakatingin lang ako.
"...o kung gusto mo," dagdag niya pa, "itigil na natin 'tong pagpapanggap nating dalawa."
"P-pwede ba? Pumapayag ka na bang itigil na?"
Hindi niya naman ako sinagot kaagad. Tumuloy siya sa pagda-drive, tapos maya-maya lang ay napabuntong-hininga.
"Kaso ikaw kasi ang inaalala ko," sabi niya. "Ako, magagawan ko ng paraan sa side ko. Pwede kong sabihin kina Daddy na nag-break tayo. Pero ikaw, paano ka? Kaya ka pinayagan ng parents mo na dito na tumira e dahil alam nilang binabantayan kita. Ngayon, 'pag nalaman nilang wala na tayo, baka pabalikin ka na ulit nila sa Cebu."
Napapikit ako nang madiin. 'Yon din ang iniisip ko. Ayoko nang bumalik do'n, mas masaya na ako rito.
"Ako na lang siguro ang bahala," sagot ko na lang. "Ako na ang mag-iisip ng paraan kung paano ko sasabihin kina Mama."
Natahimik na siya ulit. Nakakunot na ang noo niya ngayon at alam kong ang lalim-lalim na ng iniisip niya.
Dumating nga kami rito sa studio ni Baron nang hindi pa rin kami nag-uusap nang maayos.
Hindi naman siya nagtatampo sa akin o ano dahil pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto ng sasakyan at inalalayan ako pababa.
Papasok na kami ngayon sa studio nang bigla naman naming makasalubong ang kaibigan ni Baron na si Arkhe na kalalabas lang galing do'n.
Nagulat nga ako, hindi ko inaasahang nandito rin siya.
Ngumisi siya pagkakita niya sa 'kin. "Wrong timing ka. Wala siya rito."
Agad akong napatigil sa paglalakad. Tsk, sinasabi ko na nga ba, e. Tama talaga ang kutob ko. Mas lalo lang tuloy akong nalungkot.
"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong ko na lang.
"Maaga raw umalis kanina, e. Malamang umuwi na sa apartment niya."
"Saan 'yon? Malayo ba? Pupuntahan namin."
Hindi naman niya 'ko sinagot kaagad. Tumingin pa muna siya kay Evo.
"Ihahatid na lang ulit kita sa kanya," sabi niya sa 'kin. "Pero ikaw lang. Hindi na siya pwedeng sumama, pasensya na."
Napalingon ako kay Evo na nasa likuran ko lang.
Ngumiti lang naman siya. "It's okay. Naiintindihan ko."
Nginitian ko siya nang mapait. "Sorry."
"Okay lang, ano ka ba. Sige na, puntahan niyo na." Pinaubaya na niya ako kay Arkhe.
Si Arkhe naman, sinabayan ako papunta sa pinagpaparadahan ng sasakyan niya. Tulad no'ng unang beses niya akong sinabay, pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.
No'ng parehas na kaming nakasakay, tinanong ko agad siya. "Bakit ayaw mong isama si Evo?"
Kinabit niya ang seatbelt niya bago sumagot. "Hindi ako ang may ayaw. Si Medel. Baka matyempuhan n'on, magugulpi nang wala sa oras 'yang si Evo."
"Hindi gagawin ni Baron 'yon. Kahit nagseselos siya, hindi niya sasaktan si Evo kung sakaling magkita ulit sila."
Sumulyap siya sa 'kin. "'Yan ba sinabi niya sa 'yo?"
"Oo. Sabi niya wala raw siyang pinaplanong gano'n."
Bigla na lang siyang natawa habang binubuhay ang makina ng kotse. "Tarantado talaga 'yong gagong 'yon. Wala palang pinaplanong gano'n, ah," pabulong-bulong pa siya.
Nagtaka tuloy ako.
Inayos ko na lang ang pagkakapatong nitong box ng cake sa kandungan ko. Tapos sinuklay ko gamit ang mga daliri ang nakalugay kong buhok. "Sigurado ka bang nasa apartment si Baron ngayon?"
"Hindi."
"H-hindi ka sigurado pero pupunta tayo ro'n?"
"Ite-text ko na lang siya." Nilabas niya ang phone niya mula sa bulsa ng pantalon.
Sa isip-isip ko na lang, hindi naman magre-reply sa kanya 'yon. Sa akin nga hindi nagre-reply, e.
Pagkatapos niyang mag-text, pinasok na niya ulit sa bulsa niya ang cellphone tapos nagpatuloy sa pagda-drive.
"Malayo ba dito ang tinitirhan niya?" tanong ko.
"Medyo. Pero saglit lang 'yon. Bibilisan ko na lang."
"Hmm, sige." Nakatingin na lang ako sa kanya.
Bigla kong naalala si Koko. Naku, masasakal ako n'on 'pag nalaman niyang kasama ko si Arkhe ngayon.
Sa totoo lang, hindi naman nakapagtataka na naging crush niya 'to. Pogi rin naman si Arkhe. Kaso mukhang babaero. Medyo moreno siya kung ikukumpara kay Baron na may kaputian. Meron din siyang tattoo sa kanang braso. Ang laki nga, e. Litaw na litaw mula sa t-shirt niya.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Baron?" tanong ko sa kanya.
"Sakto lang. Bakit?"
"Hmm, wala naman. Taga-Batangas ka rin, 'di ba? Parang natatandaan ko na kasing nakikita kita ro'n sa resort namin dati. Pero hindi ka pinakilala sa 'kin ni Baron no'n."
Parang natawa siya. "Ayaw niya 'kong ipakilala sa 'yo."
"Bakit daw?"
"Sa kanya mo na lang itanong." Tapos dinukot na naman niya ang cellphone niya mula sa bulsa. May binasa siya saglit.
"Nakauwi na nga si Baron," sabi niya.
"N-nag-reply siya sa 'yo?"
"Oo."
"Ba't gano'n..." Chineck ko rin ang cellphone ko sa bag. Pero wala pa rin talaga siyang reply. "Tsk. Bakit sa 'yo nagre-reply siya? Bakit sa 'kin, hindi?"
Napansin ko siyang tumingin sa akin. "Ano bang ginawa mo? May kasalanan ka?"
Napakagat ako ng ibabang labi sabay tumango. "Hindi ko naman sinasadya. Inabot kasi ng officemate ko sa akin 'tong cake. Akala ko galing sa kanya kaya tinawagan ko agad siya para mag-thank you. Tapos 'yon pala hindi sa kanya galing. Kay Evo pala. Nagalit siya, binabaan ako ng telepono kanina."
Tinawanan niya lang naman ako. "Kasalanan mo naman pala. Lagot ka niyan. Galit talaga 'yon. Hindi ka na papansinin n'on."
Hala, ang sama ng ugali! Sinimangutan ko nga!
Nakakainis, akala ko pa naman mabait siya. Katulad lang din pala siya ni Baron na malakas mang-asar.
Hindi ko na lang siya pinansin pagkatapos no'n. Nakatingin na lang ako sa bintana sa gilid ko.
Hindi naman gano'n katagal ang biyahe namin. Wala pang twenty minutes ay huminto na kami rito sa tapat ng isang mababang building.
"Dito na," sabi ni Arkhe. "Unit 403. Katukin mo na lang."
Tumango ako. "O-okay. Thank you." Tapos binitbit ko na ang bag ko at itong cake, at bumaba ng kotse.
Ang bilis kong nahanap 'tong unit ni Baron. Nagpaturo kasi ako ro'n sa guard na na nagbabantay sa ibaba.
Pagkatapat ko dito sa pinto ng unit niya, akmang kakatok na 'ko nang biglang bumukas.
Tumambad sa 'kin si Baron na bagong ligo at walang pang-itaas na suot. May puting tuwalya lang na nakasabit sa balikat niya.
"Sige, ayos na," biglang sabi niya ro'n sa kausap niya sa cellphone. "Nandito na siya."
Napalunok ako. Ako yata 'yon.
Binaba niya na ang tawag tapos tumingin siya sa akin nang matalas. Napatingin din siya sa dala kong cake.
Kinabahan na naman ako, napayuko tuloy ako. "Uhm, dinaan ako rito ni Arkhe."
"Alam ko. Tinawagan niya 'ko." Sabay balik niya sa loob.
Hindi man lang talaga niya 'ko inalok na pumasok. Iniwan niya lang na bukas 'tong pinto. Hay, nagtatampo talaga 'to.
Ako na lang ang nagpapasok sa sarili ko. Ako na rin ang nagsara nitong pinto.
"Ba't nagpunta ka rito?" Pinatong niya ang phone niya sa table.
Napakagat lang ako ng ibabang labi. "E, galit ka po, e."
Humarap siya sa akin. Tinanggal niya ang tuwalya na nasa balikat niya at sinabit 'yon sa upuan.
Hindi ko tuloy naiwasang hindi mapatingin sa abs niya at sa hubad niyang dibdib na puno ng tattoo.
Pagkaangat ko ng tingin sa mukha niya, ang sarap-sarap na ng ngisi niya sa akin.
Teka, ba't parang hindi naman siya galit?
Napasimangot tuloy ako. "Galit ka ba talaga? Bakit ang pilyo-pilyo niyang ngiti mo?"
"Wala. Natutuwa lang ako. Tangina kasi, nilagay mo ang sarili mo sa panganib. Kusa kang pumasok dito sa hawla ko. Ano'ng akala mo, palalabasin pa kita?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro