Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sa Layong Makibaka


Sa Layong Makibaka

"Dala ang ngiting sa akin ay nagpasisigla
Tangan ang dalamhati't saya ng umagang nakasisilaw ang ganda
Bitbit ang tanging hiyas na kay hirap kunin
Sukbit ang sagot na aking matagal nang hinihiling"

Ilang taon na akong nagtangka.
Kahit pilitin pa'y hindi maaabot ang mga tala.
Malayo sa aking mga kamay na naghahangad lamang ng kaunting ilaw
Upang malabanan ang madilim kong kinalalagyan.
Mahirap,
Mahirap ikubli ang iniingatang pag-asa kung ang iniisip ng isip ay salungat sa punto ng puso,
Kung 'yong sa una pa lang ay ayaw na.

Ilang taon ko nang hinalughog ang kalangitan.
Maski isang bituin ay ayaw akong lapitan.
Kinausap ang nag-iisang buwan, Inusisa ang galaw ng araw at humanap ng pagkakataong ito'y sa akin ay magbigay ng ilaw...
Ayaw.
Ayaw eh.
Ayaw niya.

Wala akong magawa kahit pa uulit-ulutin ko ang lahat ng aking nagawa.
Kahit halughugin ko pang muli ang kalawakan, mapupunta lang sa wala.
Kahit siliping muli ang kaniyang puso't nakawin ang kaniyang damdamin at gawan ng paraang siya'y mapupunta sa aking piling, wala pa rin.

Wala akong magawa kung ayaw niya.
Walang labanan ang mangyayari kung wala ang panig ng dalawa.
Walang himagsikan... Kung wala siya.

Kahit layunin ko pang makibaka.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro